Ashley
Nakahalumbaba ako habang mag-isang nagla-lunch. Hindi ko makalimutan ang huling pag-uusap namin ni Sherry.
“Go ka na talaga? As in? Kasi, ipagdedelihensiya na kita ng kailangan mo kung talagang sure ka na.”
“Gusto kong subukan. Kasi, what if tama ka? Paano kung matauhan nga si Gem?”
Oo, tanga na kung tanga, pero umaasa ako maski paano. Kahit pa nga suntok sa buwan ang chance na may pag-asa ako kay Gem. Pero nakakasilip kasi ako ng pag-asa maski paano, lalo na kapag nakikita kong concerned si Gem sa akin. Alam kong hindi sapat na panghawakan ang bagay na iyon. Pero kahit kakatiting na chance, kakagatin ko na. Kaysa naman sa habang-buhay akong may mga what-ifs.
“Fancy meeting you here, Ashley.” Napalingon ako sa nagsalita—si Art. “Puwedeng maki-join? Mas masarap kumain nang may kasabay.”
“Sige lang,” napipilitang sagot ko.
Umupo nga si Art sa tapat ko. Muli ko namang hinarap ang pagkain na hindi ko masyadong nagalaw.
“So, ano’ng nagpapalungkot sa magandang babaeng nasa harapan ko?”
I rolled my eyes. Heto na naman siya. Hinarap ko si Art at tinitigang mabuti.
“Hey… `wag mo akong titigan nang ganyan. Baka matunaw ako.”
Napailing ako habang natatawa. “I’ll go straight to the point. Sabihin mo nang conceited ako, pero… gusto mo ba ako, Art?” seryoso at deretsahang tanong ko. “Ayoko kasi ng mga paligoy-ligoy. Gusto ko, shoot agad.”
Mga ilang segundo bago nagawang mag-react ni Art. “Wow! Iba! Iba ka talaga, Ash.” Nagpipigil ang ngiti na hinimas pa niya ang baba, saka lumipat sa tabi ko. “Wow… as in, wow. Iniisip ko pa lang kung paano ko sasabihin, pero ikaw… I mean, talagang binigla mo ako, ah.”
“Hindi naman kasi ako manhid.”
“Talaga ba? Muntik ko na ngang isiping manhid ka, eh. Dalawang taon na tayong magkatrabaho. Dalawang taon na akong nagpapalipad-hangin at wala akong nakukuhang reaksiyon sa `yo.”
“Ano ba’ng gusto mong reaksiyon? Kung dinederetso mo, eh, di nalalaman mo ang sagot.”
Nakahalumbabang tumitig siya sa akin. Napasimangot na naman ako.
“Eh, kung sabihin ko ngang gustong-gusto kita? Na natatakot lang talaga akong magsabi kasi baka hindi mo lang talaga ako type kaya wala kang reaksiyon sa mga pagpapalipad-hangin ko?”
“Tama kang isipin na hindi ka niya talaga type.”
Isang buong-buong tinig ang nagsalitang iyon mula sa kung saan. Gulat akong lumingon.
“Gem!”
Nasa harapan namin ang nakatiim-bagang na si Gem, masama ang tingin kay Art.
“Ano’ng ginagawa mo rito?”
Sa halip na sagutin ako ay kay Art siya humarap. Nagsukatan ng titig ang dalawa. Hindi ko alam kung magkakilala ba sila nang personal, pero ramdam ko na mainit ang dugo ni Gem kay Art. At hindi ko alam kung bakit.
Ako ang natensiyon sa dalawa.
“Nag-aamoy-away dito, ah,” sita ko sa kanila. Wala pa ring kumibo. “Guys, kung may personal na away kayong dalawa, I have no plans of standing between you as a referee, so please excuse me.” Tumayo ako at inabot ang pouch ko. Bahala silang dalawa.
Nagtataka lang ako kung bakit nandito si Gem. Ang layo ng office niya para dito pa siya dumayo ng lunch.
Pagdaan ko sa tapat niya, naramdaman ko ang pagdakma niya sa kamay ko, saka niya ako hinila palabas ng resto. Nagtataka man ay sumunod na lang ako sa kanya. Nang lingunin ko si Art ay isang ngiti at kaway ang ibinigay niya sa akin.
“Don’t you dare look back at him,” mariing utos ni Gem. Hindi ko alam kung bakit nagsusungit ang isang ito.
Nang makarating kami sa parking area, binuksan niya ang passenger doon ng sasakyan niya.
“Get in.”
Hindi ako pumasok, sa halip ay hinarap ko siya. “What’s your problem, Gem? At saan mo ako balak dalhin? I only have half an hour para magkaroon ng peaceful lunch.”
“Kung peaceful lunch ang kailangan mo, bakit nakikipagbolahan ka sa isang iyon?”
“Huh?” Nagulat ako. Bakit niya alam? Kanina pa ba siya sa loob ng resto?
“Nanliligaw ba siya sa `yo?”
“May away ba kayo ni Art? Personal kayong magkakilala?” balik ko naman.
“Answer me first.”
Lumabas ang pagka-stubborn ko. Hindi ko kasi ma-gets ang ipinagkakaganito niya. “Sumagot ka muna. Saka hindi ko kailangang ipaalam sa `yo ang lahat-lahat. Boyfriend ba kita?”
“Oo.”
“Huh?” Nagulat at naguluhan ako. Kumabog nang napakalakas ang nahihibang kong puso.
“Boy friend mo ako. Lalaking kaibigan, `di ba?”
Umawang ang bibig ko; nalusaw ang kakatiting na pag-asa. Napakapaasa kasi ng mga salita niya. “Oo nga. I mean, hindi naman kita boyfriend—as in, karelasyon—kundi boy friend. At bakit ba ang init ng ulo mo? Ano ba’ng problema mo sa akin? Inaano ba kita?” yamot kong sabi.
Napu-frustrate na napahaplos sa sariling batok si Gem. “I just don’t like that guy for you, Ashley.”
“Wala ka namang nagustuhan sa mga ikinuwento ko sa `yo na nanligaw sa akin.”
Sa totoo lang, may mangilan-ngilan din naman sa college na nagparamdam sa akin na maganda ako at kaibig-ibig. Kapag ikinukuwento ko iyon kay Gem, hahanapin niya ang mga F******k profile at sa mismong harapan ko ay hihimayin ang mga dahilang nakikita niya para ipamukha sa akin na hindi raw pasadong maging boyfriend ang mga iyon.
Kunsabagay, maski hindi niya sabihin ay hindi ko rin naman balak na jowain ang alinman sa mga iyon. Magmula nang makilala ko si Gem, siya na lang ang lalaking nagustuhan ko. Kahit pa mapaligiran ako ng isang katerbang guwapo, bale-wala sa akin ang mga iyon.
“Dahil wala sa kanila ang dapat na maging boyfriend mo,” mainit ang ulong sagot niya.
“Kung wala sa kanila, nasaan pala? Ito bang nasa harapan ko?”
Nakita kong sandaling natigilan si Gem at hindi nagawang sumagot kaya nagpatuloy ako.
“Alam mo, Gem, kung advice mo ang susundin ko, feeling ko ay hindi na ako magkaka-boyfriend. Tatandang dalaga na lang ako. Look, twenty-four na ako at hindi pa rin nagkakajowa. Samantalang ikaw, ikakasal ka na,” yamot na sumbat ko.
Kasama na sa sumbat na iyon ang sama ng loob ko na hindi niya ipinaalam sa akin na sila na pala ni Cindy. Number-one kontrabida pa naman ako sa love team nila.
“You are right,” mayamaya ay sambit ni Gem.
Naguluhan na naman ako at kinunutan siya ng noo.
“Hindi ka talaga magkaka-boyfriend, kasi lahat ng nanliligaw sa `yo, dispalinghado.”
“Huy! Sobra ka, Gem, ha? Matitino naman sila, lalo na si Art. Mabiro lang `yon, pero mabait at masipag na katrabaho `yon.”
Bigla na namang nagdilim ang guwapong mukha ni Gem. “So, are you saying na gusto mo rin siya?”
“Are you trying to tell me na ayaw mo sa kanya?”
“Oo.”
“Bakit?”
“Dahil…” Sandali siyang nag-isip. “Ewan ko. Basta ayoko sa kanya.”
“Well, it’s not for you to decide, Gem.”
“Kung gano’n, kalimutan mo nang magkaibigan tayo kapag sinagot mo ang lalaking `yon.”
“Hah!” Hindi makapaniwalang napailing ako. “Ganyan ang gusto mo? Sige, eh, di kalimutan mo na ring kaibigan mo ako kapag pinakasalan mo si Cindy. Salamat na lang sa lahat.” Teka, parang nagtutunog nakikipag-break ako, ah?
Natigilan na naman si Gem. “You can’t do that, Ashley,” aniya kapagkuwan.
“Yes, I can.”
“Kaya mong kalimutan ang pagkakaibigan natin para sa Art na `yon?”
“At kaya mo ring itapon ang samahan natin para kay Cindy?”
Parang gusto kong magsisi na itinanong ko pa iyon sa kanya. At natakot akong marinig ang sagot niya. Dahil alam ko, maski hindi sabihin ni Gem ay mas pipiliin niya si Cindy over our friendship. Sino lang ba ako? Kailan lang naman ako dumating sa buhay niya. Aksidente ko lang siyang nakatabi sa bus noong araw na masiraan siya ng sasakyan.
“Let’s stop this argument, okay? Hindi na maganda ang itinatakbo nito.”
Sumimangot ako, pero nagpapasalamat na rin na hindi niya sinagot ang huli kong tanong. Alam ko naman kasing masasaktan lang ako.
“Fine,” walang ganang sabi ko. “Bakit ka ba pala nandito?”
“Napadaan lang. I have an outdoor meeting nearby. Nadaanan ko ang resto na ito at nakita kang mag-isang kumakain kaya naisip kong sabayan ka. Pero pagpasok ko sa loob, nakikipagbolahan ka na sa officemate mo.”
Parang bumalik ang init ng ulo ni Gem. At para palamigin iyon, umabrisete ako sa kanya.
“Tara, ilibre mo ako ng ice cream para naman lumamig ang ulo ko.” At nakangiting tiningala ko siya.
Nakita kong nagpipigil lang siya sa pagngiti. “Hindi ba dapat ako ang inililibre mo? Ako ang mainit ang ulo dito, ah.”
“Mainit din ang ulo ko, eh. Sige, gusto mo, patigasan tayo ng ulo dito?”
Natawa na siya nang tuluyan at marahang pinisil ang pisngi ko. “Fine. Get inside. I’ll treat you somewhere. Do’n tayo sa lugar na walang langaw na aali-aligid sa `yo.”
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Kaunti na lang, iisipin ko nang nagseselos siya. Pero hindi na siya sumagot pa at pinasakay na lang ako sa kotse niya. Mabuti na rin iyon kaysa mag-isip ng mga imposibleng bagay.
Nauwi nga kami sa ice cream parlor sa di-kalayuan. Nagkuwentuhan lang kami nang kaunti at nag-apologize siya sa inasal ni Cindy noong nakaraan. Bago matapos ang lunch break ko, inihatid na niya ako pabalik sa trabaho ko.
Iyon ang gusto ko kay Gem. Maski gaano siya ka-busy, he always made time for our friendship—for me—para kumustahin ako o silipin ako sa trabaho. Kung hindi man niya magawa iyon, talagang sobrang busy lang ng schedule niya. Katulad last month, iyong mga panahon na siya na ang nag-take over sa Zenith. Naiintindihan ko naman kung bakit nakain nang husto ang oras niya.
Hay… heto na naman ako sa kabaliwan ko. Gusto ko na namang umasa na maski kaunting porsiyento, may damdamin din si Gem para sa akin. Ang tanga-tanga ko nga siguro, pero sino bang nagmamahal ang naging matalino?
Ashley It had been a week mula noong una kong makaharap ang fiancée ni Gem. Kinukulit na niya ako sa updates tungkol sa one of the biggest events ng kanyang buhay. Mas mabuti naman na siya ang nagtatanong ng updates kaysa si Cindy. I disliked her with all my heart. Her bitchy face annoyed the hell out of me.Si Cindy ang tipo ng bride na napakahirap i-please. Napakaraming magagandang proposals na kaming naibigay sa kanya. At para sa kaalaman niya, wala kaming naging kliyente na hindi naging satisfied sa trabaho namin. Siya lang itong wala nang nagustuhan sa lahat ng iprinisinta namin.Well, may iba kasi siyang gustong kunin na wedding planner. Sikat din naman nga ang kompanyang iyon na friend daw niya ang may-ari, pero sobrang taas lang talaga nilang sumingil sa serbisyo nila. Ka-level naman nila ang Lalaine’s pagdating sa credentials, pero mas mura nang malaki ang gastos sa amin.Napaka-materialistic talaga ni Cindy. Hindi ko maalis-alis sa isip ko ang sinabi ni Sherry na ang talaga
AshleyGoodness! Gem was quite heavy. Nagpatulong pa ako sa waiters ng bistro na maisakay siya sa kotse ko. Maski ang mga guwardiya sa hostel ay inistorbo ko para lang maipasok sa room na kinuha ko for a night.Lord, this was it. Sa huling pagkakataon ay nagdalawang-isip pa rin ako kung dapat ko bang gawin ito o hindi. Pero nandito na kami ni Gem. Chance ko na ito. Nagawa ko nang maayos ang first step. Second step at last step na lang. Gem was lying unconscious in bed. Ang kailangan ko lang gawin ay hubaran siya at maghubad din. Pagkatapos ay hahayaan ko na siyang magising na magkatabi kami sa kama.I had no guarantee that I could win him through this scheme, pero baka naman maski paano ay magulo nito ang desisyon niya sa pagpapakasal kay Cindy.Iyon ay kung talagang may pakialam siya sa akin.Alam kong mali ito, pero last resort ko na ito para mapigilan siyang pakasalan ang babaeng iyon. Kung hindi man nito mapigilan ang pagpapakasal nila, baka sakaling mapatagal pa ang preparasyon
Ashley I felt dizzy when I opened my eyes. Nanunuyo ang lalamunan ko at napakainit ng pakiramdam. Wala akong suot na kahit ano sa ilalim ng kumot maliban sa aking panties.Someone was kneading my breast. Nagustuhan ko ang pakiramdam. His big warm hand against my breast made me wet down there. I couldn’t help but moan at each wonder his hand was doing. Naramdaman ko ang paghila pababa ng kumot, uncovering my nakedness. May hinahanap ang katawan ko, aching for something I couldn’t name.Naramdaman ko ang mga kamay niyang muling humaplos sa buo kong katawan. He made me feel like a goddess.Nawawala na talaga ako sa huwisyo. I murmured something. Hindi nagtagal, lumapat ang mga labi niya sa akin. They were soft and warm, pleasuring me. This must be the kiss that Sherry often talked about; the kiss that sent someone to heaven. And I kinda liked it! I loved it si much that I was willing to let him do everything he wanted to my body as long as he pleasured me.A moment passed and his tongue
Ashley “What the…”I was woken up by a long string of oaths and cursing. Nagawa ko pang kusut-kusutin ang mga mata habang bumabangon, para lang makita kung gaano kalukot ang guwapong mukha ni Gem.“Get up and get dressed!” He snapped at me habang siya man ay bumangon din at mabilis na inayos ang sarili.It was my turn to get shocked. Nanlaki ang mga mata ko. And I was not faking it. The memories of last night were becoming vivid in my head.We… we did fuck!“Oh, my God!” Napahikbi ako habang hinihila ang kumot para takpan ang hubad kong katawan—na para bang makakatulong iyon. “What the hell happened?”“That should be my line, Ashley.” I was surprised to hear his coldness.Of course, galit siya. He’d just woken up with a woman lying in bed beside him. Pareho kaming hubad.But I knew he’d enjoyed it as much as I had. How could he be so mad about something that he’d enjoyed so well?“What the hell happened? How did we get in here? We were just having dinner!” Bumaling siya sa bed sheet
Gem “How dare you!”Isang malakas na sampal ang ibinungad sa akin ni Cindy nang puntahan niya ako sa office. Katatapos lang ng pag-uusap namin ni Ashley sa phone.“Alam na ng lahat na hindi tuloy ang kasal natin; ako na ang hindi! How dare you do that to me?” galit na galit niyang singhal sa akin.“Cindy, let me explain.”I was about to tell her kung bakit kailangan na naming maghiwalay. I had wanted to explain everything to her, pero hindi pa ako makahanap ng tiyempo. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat na hindi siya masasaktan. Because anyway I did it, masasaktan at masasaktan ko siya. Kailangan ko munang ihanda ang sarili sa magiging reaksiyon niya bago ko siya kausapin. Pero heto at naunahan na ako ng balita.“Ano’ng ie-explain mo? Na noon pa man, ang babaeng iyon na talaga ang gusto mo? Na ginagamit mo lang akong panakip-butas dahil hindi mo kayang sabihin sa kanya na siya talaga ang gusto mo? Ang kapal ng mukha mo, Gem! How dare you use me and ditch me
Ashley And so the wedding happened. Ang dinner kasama ng mga magulang namin ay nagsilbi na ring pamamanhikan. Noon lang din kasing gabing iyon officially ipinagpaalam ni Gem sa parents ko na pakakasalan niya ako. By the way he spoke, para bang maski ano ang mangyari ay magpapakasal kami, pumayag man sila o hindi. I knew the Aranetas were confused at the turn of events. Hinayaan kong si Gem na lang ang magpaliwanag. Siya ang naglilinis ng kalat na ako naman ang gumawa. Sobrang nagi-guilty ako sa mga nangyayari at sa pinaniniwalaan ni Gem. Nate-tempt na rin akong umamin sa kanya pero pinangungunahan ako ng takot, hindi lang kay Gem kundi sa mga pamilya namin. Palaki nang palaki ang kasalanan ko at wala na akong kakayahang umamin pa. Magpahanggang sa mga sandaling iyon, I still couldn’t believe that all these were happening. Gem and I were already married. Isang simpleng garden wedding ang naganap, malayo sa magarbong wedding na gusto ni Cindy. Ayoko rin naman ng masyadong malakin
Ashley Napakalambot ng mga labi ni Gem, nag-aalab at naghahatid ng matinding ligaya. Segundo lang ang lumipas at nagawa nang makapasok ng dila niya sa loob ng bibig ko, meeting my tongue and playing with it, strolling inside as if looking for some secrets.Napaungol ako nang buong-alab nang maramdaman ang marahang pagkagat niya sa lower lip ko. The sensation was incredible. Damdaming nararamdaman ko lang sa tuwing hahalikan ako ni Gem. Gustong-gusto ko ang matamis na halik na palagi niyang ibinibigay sa akin. I felt so wild, so… wet!Halik pa lang at damang-dama ko na ang pagkabasa ko sa ibaba.He looked fabulous in his plain white long-sleeved polo, na ngayon ay hinuhubad na niya sa harapan ko, making me see the wonderful view of his gorgeous body. Naramdaman ko ang mainit niyang katawan na dumikit sa aking kahubadan. Hindi ko tuloy mapigilan ang matinding kagustuhan na damhin siya.When he cupped one of my breasts, I tightly clutched at his shoulder while gasping for breath. His li
Ashley Umaga na nang makatanggap ako ng tawag mula kay Mama. Nangungumusta lang naman siya. Marami siyang paalala tungkol sa buhay-may-asawa. At bigla ay bumundol ang kaba ko nang banggitin ni Mama ang tungkol sa honesty.“Be honest always. Be honest to your husband. Ang tiwala ay hindi basta-basta nakukuha o naibabalik sa dati kapag nasira na.”Napaluha akong bigla sa narinig. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa guilt o sa takot.Gustong-gusto kong ipagtapat kay Mama ang totoong sitwasyon. Ang totoong dahilan ng pagpapakasal namin ni Gem. Hindi man sila magtanong, alam kong nagtataka sila na bigla ay nagpakasal kami. Gusto kong sabihin kay Mama ang lahat kaya lang ay ayokong mamroblema siya sa akin. Ginawa ko ito at ako ang dapat na umayos. Hindi pa nga lang ngayon. Hindi ko pa kayang magtapat. At hindi ko alam kung kailan ko kakayanin.“Ashley?”Napalingon ako bigla. Nakasilip si Gem sa sliding door na naghahati sa veranda at master bedroom. Agad akong nagpaalam kay Mama habang pin
AshleyParang bigla akong natauhan. Masarap sa pandinig ang mga salitang narinig ko, pero tama ba ang pagkakaintindi ko sa mga iyon? Totoo ba ang mga salitang iyon?“Dahil ba sa baby?” lakas-loob na tanong ko maski pa hindi naman ako nakakasigurado na makakakuha ako ng totoong sagot.“I want you, with or without the baby. And don’t mistake my words for anything else. When I say I want you, I want all of you—heart, body and soul.”Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Paraan niya ba ito para makuha ang loob ko at pagkatapos ay saka niya sasabihing amanos na kami? No, I wouldn’t let that happen. Sapat na iyong sakit na naramdaman ko at patuloy na nararamdaman. Ayoko nang madagdagan pa. Ayoko nang patuloy na magpakatanga.“Ashley…” Ipinihit ako ni Gem paharap, saka marahang kinabig palapit sa katawan niya. “Kahit minsan ba talaga, hindi ko naiparamdam sa `yo na mahalaga ka sa akin?”Impit na kinagat ko ang pang-ibabang labi. Nananakit na naman ang lalamunan ko sa pagpipigil na maluha. Na
Ashley Tinanghali ako ng gising mula sa halos magdamag na pag-iyak. Akala ko, kapag pinaalis ko si Gem ay tapos na ang lahat at hindi na ako masasaktan. Pero mas masakit pala ang isiping hindi ko na siya makikita pang muli. Hindi ko na maintindihan ang sarili. Itinaboy ko siya, pero ako naman ang nasaktan sa ginawa ko.Nagsusuklay ako ng buhok nang makaramdam ng pangangasim ng sikmura. Tumakbo ako papunta sa banyong malapit sa kusina. Nagkandaduwal ako sa toilet bowl habang nakasalampak sa sahig. Ganito na lang ako tuwing umaga; masusuka maski wala pang laman ang tiyan. Pulos laway lang naman ang inilalabas ko.Naramdaman ko na may humawi sa mahaba kong buhok at itinaas iyon, kasunod ang magaang paghagod sa likod ko hanggang sa tumigil ako sa pagduwal. May nagpunas ng tissue sa bibig ko at nagulat na lang ako nang makilala kung sino iyon.“Ano’ng ginagawa mo rito? Sino’ng nagpapasok sa `yo?”Hindi ako sinagot ni Gem. Sa halip, kinarga niya ako at dinala sa couch sa sala. Nagpunta uli
AshleyI made him mad again. Pero bakit ba siya nagagalit? Ano ang solusyon niya kung hindi annulment? Plano ba niyang manatili kaming kasal habang nagbabahay-bahayan sila ni Cindy? Was that the punishment he wanted to give me?No! I couldn’t take it anymore. Kaya kong i-tolerate ang mga sarcasm at insulto dahil alam ko namang galit siya sa akin. But cheating was another story. Hindi ko mapapayagan iyon. Especially now that we were going to be parents already. Ayokong makita ng anak ko ang harap-harapang panloloko niya sa akin. Ayokong kamuhian siya ng anak namin kapag nakita nito na hindi normal ang setup namin. Higit sa lahat, I didn’t want my child to get hurt knowing that his father didn’t love his mother. So we’d better part ways now, before our child was born.“Look, Gem. Alam kong galit ka sa akin. Malinaw na malinaw sa akin at naiparating mo sa akin nang maayos iyon. At natauhan na ako. Pagod na rin naman akong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi ako kayang mahalin.” I c
Gem It had been ten days and I felt like going crazy. Gabi-gabi na akong laman ng bar, katulad na lang ngayon. Alak na lang ang karamay ko. Hindi ko na alam kung saan hahanapin si Ashley. Maski ang parents niya na wala palang kaalam-alam na umalis si Ashley ay nagawa kong pagtanungan.Alam kong magagalit si Ashley kapag nalaman niyang pinag-alala ko pa ang parents niya. Pero mas mabuti na iyon para lumabas siya agad mula sa kung saang pinagtataguan niya.Sadly, hindi rin alam ng parents niya kung saan siya nagpunta. Gusto ko nang mawalan ng pag-asa. Saan puwedeng magpunta si Ashley? Dinadala niya ang anak ko at nakita ko naman kung gaano kahirap ang pagbubuntis niya. Dapat ay kasama niya ako at karamay sa mga mahihirap na sandaling iyon. Kung nalaman ko lang, hindi ko sana inuna ang trabaho at ang pride ko. Hindi sana ako naging makasarili.“Damn it!” Yamot na nagsalin ako ng whiskey sa baso at deretsong tinungga iyon.Mayamaya pa ay naramdaman kong may lumingkis ng yakap sa akin mul
Ashley “Indefinite leave? So, how long will it be? Two weeks? Three? A month?” Ngiti ang isinagot ko kay Art. “I don’t know either,” sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko. In-endorse ko na rin sa kanya ang materials para sa next project namin. “Depende kung kailan ako papayagan ni Gem na bumalik sa work. You know, he is concerned with the baby. I am so sorry I have to leave the team like this—” “Ash…” concerned niyang sabi. “Don’t try to hide it. You can be real in front of me. You can cry on my shoulder. And I swear I’ll never judge you.” “Huh?” Inilayo ko ang tingin sa kanya. “What are you talking about?” “I know the real score between you and Gem. Hindi ka na umuuwi sa bahay n’yo.” Bigla akong napabaling kay Art. “I’m sorry, hindi ko sinasadyang sundan ka kahapon. I was just going to check on you, pero nakita kong umalis ka dala ang maraming gamit. Sa hotel ka tumuloy. And I’m guessing na nandoon pa rin ang mga gamit mo ngayon.” Napalingon ako sa paligid. Luckily, walang
AshleyThe next time I opened my eyes, sina Art at Ms. Lalaine ang nakita ko. Agad akong bumangon.“Nasaan tayo? Ang event? Sino ang nandoon?”“Don’t think about it. Maayos na natapos ang event. Everybody enjoyed the party. Nandito tayo sa infirmary ng hotel,” sabi ni Ms. Lalaine. “You shouldn’t push yourself too hard, lalo at ganyan na may dinadala ka na pala.” Magkahalo ang pag-aalala at saya sa boses niya.“Ano ba’ng nangyari pala?” tanong ko.“You fainted. Good thing Art was there to catch you. God! Ashley, be more careful. Ano’ng sasabihin ko kay Gem kung may nangyaring hindi maganda sa`yo? Hindi mo man lang sinabi sa akin ang kondisyon mo. I would have lessened your workload.”Na-confuse akong lalo sa sinabi ng boss ko. Napalingon ako kay Art na nakatitig lang din sa akin. Anong kondisyon ba ang sinasabi nila? May nakita ba ang doktor na tumingin sa akin na malalang sakit kaya madalas akong nahihilo?“Gem deserves a scolding, too. He was so secretive he didn’t tell me you were p
Ashley Tulog pa si Gem nang umalis ako sa bahay. Naging maayos ang pakiramdam ko sa buong magdamag at nagawa ko ding tapusin ang iniuwing trabaho nang nakaraang gabi. Sinigang lang pala ang makapagpapagaan ng pakiramdam ko, sana ay naisipan kong magluto niyon. But I doubted if I could cook. Kung hindi dahil kay Gem, baka maski hapunan ay hindi ako nakakain. Talagang wala akong lakas at maging ang pagpunta sa banyo ay effort pa.Sa weekend nga ay magpapa-check up na talaga ako dahil sa madalas na pagsusuka at atake ng pagkahilo.“Okay ka na ba talaga at pumasok ka na? Namumutla ka pa rin.”Ngiti ang isinagot ko kay Sherry. Talagang dinayo niya ako sa puwesto ko para kumustahin. Na-appreciate ko iyon nang sobra. Alam ko, maski hindi siya magsalita, gusto niyang pagaanin ang loob ko.“You know, girl, dapat mag-loosen up ka rin minsan. Kaya ka siguro madalas magkasakit kasi hindi na healthy na dala-dala mo araw-araw iyong bigat ng problema at stress. Kung sumama ka kaya sa akin mamayang
Ashley Mabigat ang pakiramdam ko kinabukasan. Hindi ko yata kayang pumasok sa trabaho. Sa kaunting pagkilos ay nahihilo ako.Tahimik sa buong bahay. Mag-isa na naman ako. Sa tuwing gigising ako, palaging mag-isa lang ako. Dapat sanay na ako. Simula nang magtrabaho ako, nag-independent living na ako. Ang matulog mag-isa at gumising mag-isa ay dapat na natural na lang.Pero ipinaranas kasi sa akin ni Gem kung gaano kasarap ang matulog na katabi at kayakap siya. At kung gaano kasaya sa pakiramdam na magising na siya ang una kong makikita. Kung gaano kasaya na siya ang babati sa akin sa pagmulat ng mga mata ko. Kaya lang, sandali lang iyon. Sandali lang niyang ipinalasap ang maliligayang araw na iyon.I felt a stinging pain in my heart. Agad kong isinalya sa labas ng bintana ang hindi magandang damdamin. Why was I being too emotional lately? Madalas kong balikan at iyakan ang masasayang alaala namin ni Gem.Pagkatapos ma-compose ang sarili, bigla ang desisyon na hindi na ako muling magpa
Gem “I'll go ahead, pare,” sabi ni Art.Palakaibigan ang tono niya, pero hindi ko magawang maging friendly. So, may deceitful wife was true to her words when she said she’d be with another man kapag hindi ako umuwi. At kailan pa niya ito ginagawa? Kapag nauuhaw siya sa tawag ng laman dahil hindi ko ginagampanan ang obligasyon ko bilang asawa niya?It was a hard blow to my ego. Ah! Hindi lang sa ego ko masakit. Para akong sinuntok nang maraming beses pagkakita sa unfamiliar na sasakyan na tumigil sa tapat ng gate namin at makitang may ibang kasama si Ashley.Magpahanggang ngayon ay hindi matanggap ng isip at damdamin ko na ibang-ibang Ashley ang nakakasama ko ngayon. Kung hindi ko naagapan ang nakakita sa nangyari kanina, malamang na laman na ng social media sina Cindy at Ashley.At nasaan na ba iyong Ashley na kilala ko? Iyong Ashley na pinakaiingat-ingatan ko. Ang babaeng ni ayaw kong mahawakan ng ibang lalaki dahil alam kong hindi siya katulad ng iba. Ganito ba talaga ang tunay na