Share

CHAPTER 2

last update Huling Na-update: 2023-11-03 21:48:40

"Is Josh around?" agad na bungad ni Analyn sa receptionist ng travel agency na pag-aari ng pamilya ng dati niyang kasintahan. Hindi niya pa maitago sa kanyang tinig ang galit nang magtanong siya dito.

Nang mag-angat ng ulo ang babae at tumitig sa kanya ay kita pa ni Analyn ang gulat na ekspresyon sa mukha nito, wari bang hindi inaasahan na pupunta pa siya sa lugar na iyon.

Hindi na siya magtataka kung alam na ng mga taong naroon ang tungkol sa post na ginawa ni Josh sa social media account nito. Base sa nakita niya ay kagabi pa iyon ginawa ng binata. Nang mga oras na umiiyak siya sa kanyang silid dahil sa natuklasang panloloko nito ay gumawa na ito ng hakbang upang malinis na agad ang pangalan.

And damn him for doing that! Siya na nga itong naagrabyado at sinaktan, siya pa itong pinagmukhang masama ni Josh. Talagang nakaisip na ito ng paraan para hindi madungisan ang sarili nitong pangalan.

"M-Ma'am Analyn..."

"I am asking you, nariyan ba si Josh?"

"I am here," wika ng isang tinig mula sa kanyang likuran.

Nang lumingon si Analyn ay agad niyang nakita ang dating kasintahan. Yes, dati! Wala na siyang balak pang tawagin itong 'kasintahan niya' matapos ng ginawa nito.

"How dare you?! You---"

Ano mang sasabihin niya ay agad nang naputol nang basta na lang ay lumapit sa kanya ang binata. Hinawakan siya nito sa kanyang kanang braso saka iginiya patungo sa may entrada ng gusaling kinaroroonan nila.

Hawak pa siya nito nang tuloy-tuloy nang naglakad si Josh hanggang sa marating nila ang parking lot ng naturang establisimiyento. Nang sa wari ay sapat nang distansiya ang layo nila mula sa mga empleyado ng travel agency ay pinakawalan na nito ang kanyang kamay.

She faced him angrily. Nang mabasa niya nga kanina ang ginawa nitong post ay agad siyang nagpaalam sa kanyang mga magulang. Sinugod niya ito agad para komprontahin.

Hindi pa nga sana sang-ayon ang kanyang mga magulang ngunit hindi na siya nagpaawat pa. Hindi niya kayang palampasin ang ginawa nitong paninira sa kanya.

"How dare you, Josh?!" galit niyang bulyaw dito. "Manloloko ka na, sinungaling ka pa!"

"And you really came here to tell me that? Hindi ka ba nahihiya na makita ng mga empleyado ko?"

"At bakit ako mahihiya?" bwelta niya dito. "Ikaw ang nanloko, damn you!"

"Do you have proof on that?" anito sabay ngisi sa kanya. "Everyone knew that I loved you. I even proposed, right? Kaya sino ang maniniwala na ako ang nagloko?"

Hindi niya maiwasan ang pagbaba-taas ng kanyang mga balikat dahil sa pinipigilang galit. Kung may apoy lang na inilalabas ang kanyang mga matang galit na nakatitig dito ay baka kanina pa nasunog ang binatang kanyang kaharap.

"H-How can you do this, Josh? Why did you cheat?" tanong niya. Bahagya pang gumaralgal ang kanyang tinig nang bitawan ang mga tanong na iyon.

Josh looked at her intently. "I have my reasons, Analyn."

"Did you ever love me?" lakas-loob niyang tanong dito.

"Hindi mo ako masisisi kung bumaling man ako sa iba, Analyn," saad nito sa halip na sagutin pa ang kanyang tanong. "Cristina can give me my needs."

Sukat sa mga sinabi nito ay pagak siyang natawa. Pakiramdam niya pa ay naging histerikal ang pagtawang ginawa niya.

"Give you your needs? Seriously? Dahil lang diyan? Ang babaw mo, Josh."

"At ikaw ay ano, Analyn?" bwelta nito sa kanya. "Ano ang tawag sa iyo? A snowqueen, frigid woman?"

Dahil sa kanyang mga narinig ay mabilis na umangat ang kanang kamay ni Analyn. Dumapo ang palad niya sa pisngi ng binata na naging dahilan pa ng pagtagilid ng ulo nito.

She saw as his jaws tightened. Nang lumingon ulit ito sa kanya ay may galit nang sumasalamin sa mga mata nito.

"What? You will hit me back? Gawin mo para may rason ako para sampahan ka ng reklamo," hamon niya sa binata.

Alam niyang nakikita na nito ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. Pero sa halip na panghinaan ng loob ay buong tapang niya pa ring isinatinig ang hinanakit niya sa binata.

"Bumaling ka sa iba, just because I can't give what you wanted. Masama ba kung ibigay ko ang sarili ko sa mapapangasawa ko?"

"Exactly, Analyn," mabilis nitong agap. "Mapapangasawa mo na ako pero hindi mo pa rin magawang ibigay sa akin ang sarili mo."

"Well, I am glad that I did not, Josh. Kung sakali ay baka pagsisihan ko buong buhay ko." Linakipan niya ng tapang ang kanyang tinig. "I will make sure that everyone will know what really happened. Sisiguraduhin ko---"

"At paano mo iyon gagawin, Analyn?" mabilis nitong putol sa kanyang pagsasalita. "Maliban sa iyo ay walang ibang may alam sa relasyon namin ni Cristina. Sa tingin mo ay maniniwala sila sa iyo."

"Why not? Hindi ako gumagawa ng kwento lang katulad mo, Josh."

"Poor, Analyn," anito. Tumikwas pa ang isang sulok ng mga labi nito habang matamang nakatitig sa kanyang mukha. "Hindi mo nagagawang sirain ang imahe ko. Walang maniniwala sa iyo na may relasyon ako kay Cristina. Remember, isa pa siya sa labis na sumuporta sa relasyon nating dalawa. Karen can testify to that."

"Damn you!" she hissed angrily.

"Yes, damn me," nakaloloko nitong sabi. "Sad to say, I needed to make that post to save my image, Analyn. Pasensiyahan tayo kung naunahan kita."

Pagkawika niyon ay basta na lamang siya iniwan roon ni Josh nang wala man lang paalam. Muli na itong humakbang pabalik sa loob ng gusali nang hindi man lang siya nilingon ulit.

Halos manikip ang dibdib ni Analyn nang dahil sa pinaghalong galit at sakit na nadarama. Despite everything, she can't deny the fact that she was still hurting because of what he did. Totoong minahal niya ito. Ninais niya pa ngang pakasalan ang binata patunay na seryoso siya sa nadarama niya para dito.

But he was nothing but a cheat! Hindi lang manloloko, isa pa itong male chauvinist! Gagawin ang lahat huwag lang masira ang sariling imahe.

"Damn you, Josh!" bulong niya sa galit na tinig bago nilisan ang lugar na iyon.

*****

MARAHANG iginala ni Analyn ang kanyang paningin sa malawak na dagat sa kanyang harapan. Ang asul na asul na kulay nito ay waring nag-aanyaya na sa kanya na maligo. Sadyang nadagdagan pa ang ganda ng tanawing nasa harapan niya dahil sa nag-aagawang liwanag at dilim ng paligid.

Mag-aala sais na ng hapon at kasalukuyan siyang nasa isang private resort na matatagpuan sa Samal Island sa Davao--- ang Ocean Pearl Private Resort. Matagal na niyang naririnig ang tungkol sa naturang lugar ngunit hindi siya makakuha ng pagkakataon para makapunta roon dahil na rin sa labis na abala sa kanyang trabaho.

Ngayon lamang siya nagkaroon ng oras para makapagbakasyon roon... ngayon lamang at iyon ay para pagpahingahin ang sugatan niya pa ring puso.

It has been a week since her break up with Josh. Kahapon lamang siya dumating sa resort na iyon at mag-isa lang siyang nagbakasyon.

She needed to. Kung hindi siya aalis muna ng Kamaynilaan ay may pakiramdam siyang masisiraan siya ng bait. Kaya naman, kahit hindi sang-ayon ang kanyang mga magulang sa pagbibiyahe niya nang mag-isa ay hindi siya nagpaawat. Kailangan niyang dumistansiya sa lahat. Kapag hindi niya iyon ginawa, hindi maghihilom ang sugat na ginawa sa kanya nina Josh at Cristina.

Hindi na nga binawi ng binata ang ginawa nitong post sa social media dahilan para paniwalaan ito ng mga nakakakilala sa kanila. Siya ang lumabas na masama sa mata ng mga ito at kahit gustuhin niya mang itama ang mga iyon ay hindi na niya ginawa pa.

What for? Buo na ang paniniwala ng mga ito sa mga kasinungalingan ni Josh. Isa pa sa labis na nagpapasama ng loob niya ay ang kaalaman na hindi niya man lang kinaringgan ng paghingi ng tawad si Cristina. Mas pinanigan pa nito ang ginawang post ni Josh dahilan para mas maging masama siya sa mata ng lahat.

Of course, her parents were on her side. Sinabi niya ang totoo sa mga ito at kahit wala siyang maipakitang ebidensiya na magpapatunay ng panloloko ni Josh ay pinaniwalaan siya ng kanyang mga magulang. They knew her too well. Alam ng mga ito na hindi niya magagawang magloko katulad ng paratang sa kanya ng dati niyang nobyo.

Karen, as well, believed her. Kung iisipin ay hindi niya ito pinilit na paniwalaan siya. Kapwa nila ito kaibigan ni Cristina at kung kanino man ito papanig ay hindi na niya ito papakialamanan pa.

But surprisingly, she saw the sympathy from Karen when she told her everything. And Analyn knew very well that she was sincere.

She heaved out a deep sigh. Umalis nga siya ng Kamaynilaan ngunit may pakiramdam si Analyn na hindi naman nababawasan ang sakit na nasa kanyang dibdib. Lagi na ay naiisip niya pa rin ang eksena nina Josh at Cristina sa swimming pool. Para iyong sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya.

"Arghhhh!" sigaw niya habang nakaharap pa rin sa dagat.

Papadilim na at sadyang pinili niyang tumambay sa bahagi ng dagat na kakaunti lang ang tao. Nasa bahagi siya kung saan lampas na sa mga kubo na maaari pa ring rentahan ng mga turistang nagbabakasyon sa resort. Maliban kasi sa pinaka-hotel ng resort ay may iba't ibang amenities pa ang lugar na maaaring magamit ng mga turista.

Sa kubo niya nga sana nais na manatili habang naroon siya, kaya lang ay fully booked na ang mga iyon. In the end, she just decided to stay at the hotel.

Muli niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib kasabay ng muling paggala niya ng kanyang paningin sa malawak na dagat. Kung sa ibang pagkakataon sana ay ma-eenjoy niya ang pananatili sa lugar na iyon, pero hindi sa panahong katulad ngayon na labis na sakit pa ang namamahay sa kanyang dibdib. Kung kailan niya iyon magagamot ay hindi niya pa alam.

"Go to hell, Josh! I wish you go to hell! Magsama kayo ni Cristina!" muli niya pang sigaw habang nakaharap sa malawak na dagat. Ang kanyang mga paa ay inaabot na ng mumunting alon at wala pa siyang pakialam kung mabasa man ang laylayan ng suot niyang manipis na cover up. Sa ilalim niyon ay tanging two-piece swimsuit ang kanyang suot.

Pagkasigaw niyon ay mariin niya pang naipikit ang kanyang mga mata habang nakatingala sa langit. Pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili nang bigla ay may narinig siyang nagsalita.

"Parang gusto kong kaawaan ang mga taong binanggit mo. Walang kaalam-alam na sinusunog mo na sila sa imperyo. But my heart also wanted to bleed for you because I can hear so much pain on your voice. Did that Josh and Cristina break your heart, sweetheart?"

Sukat sa mga narinig ay marahas na napalingon si Analyn sa pinanggalingan ng tinig. Sa bahagi kung saan pinong-pino ang buhangin ay nakahiga ang isang lalaki na wari ay walang pakialam kung mapuno man ng buhangin ang katawan.

Ilang hakbang lamang ito mula sa kinaroroonan niya at kung bakit hindi niya napansin ang binata roon ay hindi niya alam. Marahil ay dahil na rin sa katotohanan na nabuhos ang kanyang atensiyon sa sakit na kanyang nadarama. Idagdag pa na sa dagat lamang talaga nakatuon ang kanyang paningin dahilan para hindi na niya ito nakita pa.

"K-Kanina ka pa riyan?"

"Long enough to see you walking towards here with so much pain in your face," saad ng lalaki sabay tayo mula sa may buhanginan. Pinalpagan pa nito ang katawan habang sa kanya din nakatuon ang mga mata.

Analyn can't help herself to stare at him. Matangkad ang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay baka hanggang balikat lamang siya nito. Gwapo ang lalaki. Halata pa ang wari ay dugong banyaga dito. He must has a spanish blood in him that made him a good-looking man. His prominent jaws just added to his manly look.

"So, tell me, what happened? Pumunta ka ba sa lugar na ito para paghilumin ang sugatan mong puso?" narinig niya pang sabi ng lalaki.

Her eyebrow arched. "And why would I tell you about it? Hindi kita kilala."

He shrugged his shoulders. May pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi nito.

"You know, heartaches can easily heal once shared."

"Not with you," aniya sa mataray na tinig.

"I can help you, miss. Kaya kong gawan ng paraan para makalimutan mo ang Josh na iyon. What can you say? I am staying here for weeks. Let's have some good time together."

"Go to hell, as well!" bulyaw niya dito sabay talikod na para umalis. Malalaking hakbang pa ang kanyang ginawa para makalayo agad dito.

She was expecting him to be offended because of what she said. But instead, the man blurted out laughing.

Mayabang. Akala mo kung sinong anak ng diyos na basta niya na lang sasamahan nang ganoon-ganoon lang. Pumunta siya roon para makalimutan ang nangyari sa kanya sa Manila, hindi para kumuha ng bagong sakit ng ulo.

Kaugnay na kabanata

  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 3

    "Just do what I said, Lark. I want an update as soon as possible. Do you get it?" mariing saad ni Romano kay Lark, ang private investigator na kinuha niya para mag-imbestiga sa nangyari sa kompanya ng kanyang Lolo Julio.Kasalukuyan siyang nasa loob ng hotel room na inookupa niya sa pag-aaring resort ng kaibigan niyang si Ethan. Napagpasyahan niyang magbakasyon roon matapos siya nitong ayain. Nagpaunlak siya. Nais niya rin munang magpahinga bago niya tuluyang hawakan ang kompanyang pamana sa kanya ng kanyang abuelo.Kung tutuusin ay matagal nang iginigiit ng kanyang Lolo Julio na hawakan niya ang posisyon bilang presidente ng canning company na sinimulan pa nito. But Romano was hesitant at first. He was thirty-five years old but being serious in life was still out of his mind.Iyon ang bagay na pinagkaiba niya sa kanyang mga kaibigan tulad nina Lorenzo at Ethan. Ang dalawa ay kapwa na seryoso sa mga negosyo ng pamilya ng mga ito. While him--- still the jet-setter that he used to be. K

    Huling Na-update : 2023-11-06
  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 4

    The moment Romano claimed Analyn's lips, he felt the electrifying emotion that he could not give a name. Her lips was soft and sweet, something that lost his control right at that moment.Sa totoo lang, sa may dagat pa lang ay pansin na niya ang gandang taglay nito. Iyon ay sa kabila ng lungkot na nakalarawan sa mga mata ng dalaga na kalaunan ay napalitan pa ng inis para sa kanya nang alukin niya ang kanyang sarili dito.Her beauty was exotic. It was something that would make her different from all the women he has dated before. Lahat ng babaeng dumaan na sa buhay niya ay pawang magaganda at sopistika kung kumilos, kaibang-kaiba sa babaeng hinahalikan niya ngayon.Analyn was just simple. Sa kabila ng kasimplehang taglay nito ay hindi rin natatawaran ang gandang taglay ng dalaga. Nang yayain niya itong sumayaw ay halos mapigil pa ni Romano ang kanyang paghinga nang magsimulang umindayog ang katawan nito.Why, she was moving gracefully that he felt like her movement was teasing him!She

    Huling Na-update : 2023-11-13
  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 5

    Analyn gasped loudly as Romano touched the most sensitive part of her body. It was something that no one has ever done to her, not even Josh who has been her boyfriend for three years.Hindi niya alam kung bakit siya sumama sa binata na dalawang beses niya pa lamang nakatagpo. Ni hindi niya alam kung bakit niya ito pinapayagang gawin sa kanya ang mga bagay na dapat ay ginagawa lamang ng dalawang taong magkarelasyon.And despite the idea that they already knew their names, Romano was still a stranger for her. Ni wala siyang alam tungkol sa pagkatao nito. Pero bakit hindi niya ito pinapahinto? He even asked her to leave his room and back out. But instead of following him, she offered herself even more.Sa maraming pagkakataon ay tinanggihan niya si Josh. Ano mang pag-aaya nito ay hindi niya pinagbigyan ang dating kasintahan maliban sa mga malalalim na halik at yakap lamang. Pero bakit sa lalaking ito ay nadadarang siya? Bakit hinahayaan niya itong hagkan siya at mahawakan sa maseselang

    Huling Na-update : 2023-11-14
  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 6

    Matapos patayin ang shower ay agad na inabot ni Romano ang puting tuwalyang nakasabit sa may kaliwang panig niya. Ipinunas niya iyon sa kanya saka itinapis sa ibabang parte ng kanyang katawan.Halos tumutulo pa ang ilang tubig mula sa buhok ni Romano patungo sa kanyang matipunong dibdib nang lumabas siya ng banyo. Akmang tutuloy na siya sa kanyang bag para kumuha ng masusuot nang matigilan siya sa may hamba pa lang ng pintuan.His eyes darted to the bed. Magulo pa ang bedsheet at comforter doon tanda ng mga naganap kagabi. Ngunit kung may mas nagpatigil sa kanya sa kinatatayuan, iyon ay ang katotohanan na wala na roon ang babaeng kanina lang ay iniwan niyang mahimbing pang natutulog... ang babaeng nakaulayaw niya kagabi.Sa kabila nga ng halos anong oras na sila nakatulog kagabi ay maaga pa ring nagising si Romano. He woke up while his hand was around her naked body. Halos nais niya pang murahin ang kanyang sarili nang magising at mapagtantong yakap niya ang hubad na katawan ni Analyn

    Huling Na-update : 2023-11-15
  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 7

    "Hindi ko maintindihan, papa. Paanong ikaw ang pinagbintangan gayong ang tagal mo na sa kompanyang iyan?" wika ni Analyn sa kanyang ama.Kasalukuyan niyang kasama ang kanyang ama at ina. Nasa komedor sila at pinag-uusapan nga ang tungkol sa nangyari sa pinapasukang kompanya ng kanyang Papa Wilfredo. Lahat sila ay may tig-iisang tasa ng kape na sadyang ang kanyang ina pa ang nagtimpla.Nakaupo si Wilfredo sa kabisera ng mesa. Ang kanyang inang si Vilma ay nakapwesto sa kanan nito habang si Analyn ay hindi mapalagay na palakad-lakad. Ang bunso sa kanilang pamilya na si Anjielyn ay kasalukuyan pang nasa university na pinapasukan nito."Ako ang accountant ng JGCC, Analyn. Iniisip nila na minamanipula ko ang bawat financial report ng kompanya. I don't know pero iyon lang ang nakikita kong rason kung bakit ako ang pinagbibintangan nila.""Hindi lang ikaw ang nasa accounting department, papa," giit niya pa. Huminto siya sa pagpapabalik-balik ng lakad at napahawak sa sandalan ng upuang nasa h

    Huling Na-update : 2023-11-16
  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 8

    Mabilis ang naging pagtalikod ni Analyn nang makita siya nito. Akmang aalis na ang dalaga ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa nito ay agad nang tinawid ni Romano ang distansiya sa pagitan nilang dalawa saka ito marahas na hinawakan sa kanang braso.Analyn flinched and instantly turned to look at him. Dahilan iyon para muli niyang masilayan ang mukha nito na ngayon ay kababakasan na ng pagkabahala."Bitiwan mo ako," mariin nitong saad kasabay ng pilit na pagbawi sa braso nitong hawak niya.But Romano did not obey what she said. Marahan niya pa munang iginala ang kanyang paningin sa kanilang paligid saka iginiya ang dalaga palapit ulit sa kinapaparadahan ng kotse niya.Nang mapansin ni Analyn ang balak niyang gawin ay mas naging mariin ang pagbawi nito sa sariling braso. Sanhi iyon para mahinto siya sa pag-akay sa dalaga at muling pagharap dito."Bitiwan mo sabi ako. Hindi mo ba ako narinig? Or you want me to shout here para makaagaw tayo ng atensiyon?" wika nito na may pagbaban

    Huling Na-update : 2023-11-18
  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 9

    "Hindi mo dapat ginawa iyon. Why did you have to call me that way in front of them? Iisipin nila na may relasyon tayong dalawa," mariing lintanya ni Analyn kay Romano.Kasalukuyan pa silang nasa loob ng sasakyan nito. Mula sa lugar kung saan sila nagkaharap-harap nina Josh at Cristina ay basta na lamang siya inakay ni Romano na pumasok sa loob ng kotse nito saka ito nagmaneho paalis.Sa ngayon ay nakahinto na sila sa tabi ng kalsada ngunit kapwa pa rin nakaupo sa loob ng sasakyan ng binata. Hindi niya maiwasan ang pag-alpas ng galit, kung kanino mas partikular ay hindi na niya mawari.Alam niyang nakadarama siya ng galit para kay Josh at Cristina. Matapos ng ginawa ng mga ito sa kanya ay hayun at lumalabas na nga ang dalawa nang magkasama. Sadyang pinanindigan na ang panloloko sa kanya.On the other hand, hindi niya rin maiwasang magalit kay Romano. Hindi niya maunawaan kung para saan ang ginawa nito kanina. Hindi man nito aminin ngunit alam niyang sinadya ng binata ang ginawa nitong

    Huling Na-update : 2023-11-18
  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 10

    "Fvck! Bullshit!" sunod-sunod na pagmumura ni Josh habang magkakasunod na pukpok din ang kanyang ginawa sa manibela ng kotse niya. Halos gumawa pa ng mahinang tunog ang kanyang mga ngipin dahil sa galit na nadarama.Nasa loob pa siya ng kanyang sasakyan kasama si Cristina. Nakaupo si Josh sa may driver's seat habang ang dalaga naman ay nasa passenger's seat at nababahalang nakatitig sa kanya.Isa pa muling hampas sa manibela ang kanyang ginawa na sadyang ikinapitlag pa ng kanyang kasama."J-Josh, will you calm down? Walang mangyayari kung paiiralin mo iyang galit mo. In the first place, ano ba ang ikinagagalit mo?" wika sa kanya ni Cristina."Hindi ko maintindihan kung paanong nakilala ni Analyn ang Silerio na iyon," nangangalaiti niyang sabi. "Hindi mo ba napansin ang paghawak-hawak ng lalaking iyon kay Analyn, plus the endearment that he used to call her. Damn!""Nagagalit ka dahil sa may iba na rin si Analyn? Iyon ba?" bigla ay tanong ni Cristina. Hindi pa nakaligtas sa pandinig ni

    Huling Na-update : 2023-11-19

Pinakabagong kabanata

  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   FINAL CHAPTER

    Prenteng nakahiga si Romano sa mga pinong buhangin ng dalampasigang kinaroroonan niya. Mag-aala sais na ng hapon at halos nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Nasa resort siya ng kaibigan niyang si Ethan at dahil sa nalalapit niyang paghawak sa kompanya ng kanyang abuelo ay napagpasyahan niya munang magbakasyon. Kailangan niya iyon bago humawak ng isang napakalaking responsibilidad.Nasa parte siya ng resort na halos malayo na sa mga tao. Lampas na iyon sa mga kubong maaaring okupahin ng mga turistang naroon. He intentionally stayed there. Nais niyang mapag-isa upang mapag-isipan kung ano ang dapat gawin sa problemang kinakaharap ng kompanyang pag-aari ng kanyang abuelo.Ngunit ang katahimikang tinatamasa niya nang mga sandaling iyon ay nagambala. Kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya ay mabilis nang nahinto. Iyon ay dahil sa iisang rason--- agad niyang namataan ang isang babaeng marahang humahakbang patungo sa kanya.The woman was walking slowly. Wari bang wala itong pakialam sa pa

  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 54

    "Y-You really love me?" Romano asked her again in disbelief. Mataman itong nakatitig sa kanyang mukha na wari ba ay hindi malaman kung ano pa ang sasabihin."Hindi ka ba naniniwala? What do I need to do for you to---""Kiss me," mabilis nitong sagot sa kanya. "Just kiss me, sweetheart."A soft smile broke her lips. Sa kabila ng mga luha sa kanyang mga mata ay hindi niya mapigilan ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi.Hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang sinabi nito. Sa mabilis na kilos ay tinawid niya ang kaliit na distansiya sa pagitan nilang dalawa. Agad niya ring iniangat ang kanyang dalawang braso at ipinaikot ang mga iyon sa batok ng kanyang asawa.His arms instantly snaked on her waist as her lips claimed his. Sa una ay isang masuyong halik lang ang iginawad niya kay Romano. Waring nananantiya pa ang bawat hagod na ginagawa niya sa mga labi nito.Until, as if became impatient, Romano deepened the kiss. Ito ang unang naging agresibo dahilan para naging mapusok na a

  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 53

    Napabuga ng isang malalim na buntong-hininga si Analyn kasabay ng pagtingala niya sa madilim nang kalangitan. Kasalukuyan siyang nasa may hardin ng bahay ni Romano. Pasado alas-nueve na ng gabi at dahil sa hindi pa dinadalaw ng antok ay nagpasya muna siyang bumaba.Kanina pa tulog si Ruth sa nursery room nito. Kasama nito si Melody na sadyang binilin niya munang samahan ang kanilang anak. Sa loob nga lang ng ilang araw ay natapos ang pagpapaayos ni Romano ng dalawang silid sa ikalawang palapag. May pintong nagkokonekta sa silid nila at nursery room ng kanilang anak.Hindi siya makadama ng antok. Katunayan, hindi mapanatag ang isipan niya. Hanggang nang mga sandaling iyon kasi ay hindi mawala sa kanyang isipan ang mga narinig na sinabi ni Mr. Gracia sa kung sino mang kausap nito sa cell phone.Analyn can't help but to be filled with so much questions. Kanina pa gumugulo sa isipan niya ang tungkol sa bagay na balak ipawalang-bisa ni Mr. Gracia. Bagay iyon na ayon na rin sa matanda ay gu

  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 52

    "Papa!" malakas na sigaw ni Analyn nang makita niya ang ginawa ng kanyang ama.Isang malakas na suntok sa mukha ni Romano ang iginawad ng kanyang Papa Wilfredo. Tulad nga ng sinabi ng kanyang asawa, ang pamilya niya naman ang sinadya nila nang araw na iyon upang makausap.Maaga pa lang ay gumayak na sila papunta sa bahay ng kanyang mga magulang. Romano wanted eveything to be settled between them. After their conversation last night, Romano asked her to give him a chance. At gustong simulan iyon ng kanyang asawa sa pamamagitan ng pag-aayos din ng relasyon nito sa kanyang ama at ina.Ngunit pagkababang-pagkababa pa lamang nila mula sa sasakyan ay agad nang lumapit ang kanyang ama na noon ay kasalukuyang nasa may labas lamang ng bahay. Agad niya pang nakita ang lumarawang galit sa mukha nito nang humakbang patungo kay Romano. Isang suntok nga sa pisngi ang binigay nito sa kanyang asawa.Mabilis niyang nilapitan si Romano. Muntik pa itong sumadsad sa sarili nitong sasakyan dahil sa ginawa

  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 51

    Naging awtomatiko ang pagpikit ng mga mata ni Analyn nang dumampi ang mga labi ni Romano sa kanya. Sa una ay mariin ang halik na iginagawad nito na wari bang intensiyong pahintuin lamang siya sa kanyang pagsasalita.Until the way he kissed her suddenly changed. It became passionate and gentle, dahilan pa nga para madali siyang mapahinuhod na tumugon sa ginagawa nito.Hindi niya alam kung ilang segundo ang namagitang halik sa kanilang dalawa. Mas naging malalim pa kasi iyon nang tuluyan siyang magpaubaya sa pananalakay ng mga labi ni Romano sa kanyang bibig.Tuluyan na nga sana siyang madadarang nang bigla ay matigilan si Analyn. Siya na rin ang pumutol sa kanilang ginagawa. Marahan niyang iniiwas ang kanyang mukha kay Romano sanhi para ang labi nito ay mas dumapo na lamang sa kanyang pisngi. Naputol ang halik na namamagitan sa kanila ng kanyang asawa ngunit nanatiling hawak pa rin nito ang magkabila niyang pisngi."R-Romano, please... baka may makakita sa atin," she said in almost a w

  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 50

    Tuluyang tinapos muna ni Analyn ang pagpapalit ng damit sa kanyang anak bago siya tumayo nang tuwid at binuhat na ito. Lumingon din siya ulit sa taong bigla ay bumungad sa may entrada ng banyong kinaroroonan nilang mag-ina--- si Cheryl Hermosa."Gagamit ka ba ng banyo? We're already done," kaswal niyang sabi sabay akmang hahakbang na sana palabas ng banyo.Ngunit dahil sa nakatayo sa may daraanan niya ang dalaga ay agad ding natigilan si Analyn sa balak niyang pagbalik na sa may sala. Matapang niyang sinalubong ang titig si Cheryl saka nagtanong dito."Do you need anything?" aniya sa seryosong tinig."Kanina ko pa iniisip kung saan kita unang nakita," tugon sa kanya ni Cheryl. "You're from Sparkling Advertising Company, aren't you? I remember seeing you there.""Tama ka. N-Nagtatrabaho ako sa Sparkling," aniya dito. "Is there something wrong with that?""Wala naman," tugon nito sabay kibit ng mga balikat. "I was just... puzzled how you and Romano ended up being married. Matagal ko na

  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 49

    Isang mariing paglunok ang ginawa ni Analyn nang makita niya ang pagpasok ni Cheryl Hermosa sa dining area na kinaroroonan nila. Mayroon itong ubod ng tamis na ngiti sa mga labi habang litaw na litaw ang kaseksihan sa suot na damit.Cheryl was wearing a red dress. Dahil sa kulay niyon ay mas lalong lumitaw ang kaputian ng dalaga. Hapit iyon sa katawan nito kaya kitang-kita din ang kurba ng babae.Tulad ng una niyang pagkakakita dito ay sadyang kahanga-hanga ang pagdala nito ng kasuotan. Hindi na iyon kataka-taka sapagkat base na rin sa propesyon at katayuan sa buhay na mayroon ito, inaasahan na talaga ang galing nito sa pananamit."You are just on time, hija," narinig niyang sambit ng isang matandang lalaki na kung tama ang pagkaalala niya ay ang pinakilala ni Romano bilang Henry, ang matalik na kaibigan ng Lolo Julio ng kanyang asawa."Hi, tita... tito," malambing na saad pa ni Cheryl sabay lapit sa mga magulang ni Romano at kapwa nakipagbeso sa mga ito. Matapos niyon ay binati at ni

  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 48

    Habol pa ni Analyn ang kanyang hininga nang iyakap ni Romano ang isang kamay nito sa kanyang baywang. Hinapit din siya ng kanyang asawa palapit sa katawan nito dahilan para magdikit ang kanilang kahubdan.Naroon pa rin sila sa mahabang sofa at halos ipagkasya ang mga sarili matapos ng mainit na pagtatalik na kanilang pinagsaluhan. It was an earth-shattering moment that Analyn felt like she was still floating. It felt so overwhelming for her that she just noticed some unshed tears from her eyes.Tama si Romano. It has been so long since they made love. Kaytagal na nang huli niyang naramdaman ang ganoong damdamin. Ngunit nakamamangha na sa kabila ng dalawang taong pumagitna sa kanilang mag-asawa ay hindi man lang nagmaliw ang emosyong nadarama niya sa tuwing inaangkin siya ni Romano. Ni hindi iyon nagbago. Kung ano man ang naramdaman niya kanina ay ang siyang nadarama niya rin ng mga unang pagkakataong may namagitan sa kanila.And strange that she missed that emotion... she missed Roman

  • Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio   CHAPTER 47

    Agad na napabangon mula sa pagkakahiga si Analyn nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nasa loob na siya ng silid ni Romano sa may ikatlong palapag at katabi niya na si Ruth na kanina niya pa napatulog.Natuon ang kanyang mga mata kay Romano nang tuluyan itong bumungad sa pinakakwarto. His stares darted on her as well as she sat on the bed. Kanina pa nakatulog si Ruth ngunit siya ay hindi man lang naidlip. Sadyang hinihintay niya nga ang pagdating ni Romano sapagkat nais niya itong makausap."Why are you still awake? It's already past ten, Analyn," nagtataka nitong sabi habang naglalakad palapit sa kanya.Tinawid nito ang ilang distansiya sa pagitan nilang dalawa saka inilapag ang pag-aaring cell phone sa ibabaw ng bedside table na nasa may panig niya lamang. Nakatuon pa rin ang mga mata nito sa kanya habang tinatanggal naman ang suot na relo. Katulad ng cell phone, inilapag din iyon ni Romano sa ibabaw ng mesita."Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito ulit."H-Hinihintay kita,

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status