"Hindi ko maintindihan, papa. Paanong ikaw ang pinagbintangan gayong ang tagal mo na sa kompanyang iyan?" wika ni Analyn sa kanyang ama.
Kasalukuyan niyang kasama ang kanyang ama at ina. Nasa komedor sila at pinag-uusapan nga ang tungkol sa nangyari sa pinapasukang kompanya ng kanyang Papa Wilfredo. Lahat sila ay may tig-iisang tasa ng kape na sadyang ang kanyang ina pa ang nagtimpla.Nakaupo si Wilfredo sa kabisera ng mesa. Ang kanyang inang si Vilma ay nakapwesto sa kanan nito habang si Analyn ay hindi mapalagay na palakad-lakad. Ang bunso sa kanilang pamilya na si Anjielyn ay kasalukuyan pang nasa university na pinapasukan nito."Ako ang accountant ng JGCC, Analyn. Iniisip nila na minamanipula ko ang bawat financial report ng kompanya. I don't know pero iyon lang ang nakikita kong rason kung bakit ako ang pinagbibintangan nila.""Hindi lang ikaw ang nasa accounting department, papa," giit niya pa. Huminto siya sa pagpapabalik-balik ng lakad at napahawak sa sandalan ng upuang nasa harapan niya. "Malaking kompanya ang JGCC. Ano ang malay natin kung may ibang gumawa nito?""Madaming lapses ang mga nakaraang monthly income report ng kompanya, Analyn. Doon nakita ni Mr. Gracia na may mali sa statement of income. Hindi nagtugma ang lumalabas na produkto sa sales nito. Kahon-kahong de lata ang buwanang nilalabas sa merkado ng JGCC and yet, the income didn't match it. May nawawalang pera sa kompanya. May kita na hindi nade-declare sa monthly report.""At hindi lang naman ikaw ang gumagawa ng monthly report, hindi ba?" sagot niya sa mahabang pahayag nito."Pero ako ang huling susuri niyon. As the head, ako ang huling dadaanan ng report bago iyon maipasa sa personal assistant ni Mr. Gracia."She heaved out a deep sigh. Of course, she knew about that.Ilang taon na ang kanyang ama sa JGCC. Masasabi nga nila na isa na ito sa mga pinagkakatiwalaang empleyado ni Mr. Gracia kaya naman labis niyang ikinabigla ang balitang pinag-isipan nito ng masama.Naiintindihan niya na sa ganitong kaso, laging unang maituturo ay yaong naghahawak talaga ng income report. Ang kanyang ama ang mag-aanalisa ng mga ginawa ng nasasakupan din nitong empleyado sa accounting department. Maliban doon, ito rin ang gumagawa ng pasahod sa lahat ng empleyado ng JGCC, pwera na lang doon sa mga personal na tauhan ni Mr. Gracia katulad ng personal assistant nito.Iyon marahil ang mabigat na rason ng mga Gracia para ituro si Wilfredo na siyang salarin sa pagkawala ng milyon-milyong pera sa JGCC.Pero kahit siguro anong mangyari ay maninindigan si Analyn na hindi magagawa ng kanyang Papa Wilfredo na dayain ang inventory at huwag i-declare ang lahat ng kita ng kompanya para madispalko nito ang pera. Naniniwala siyang hindi nito iyon magagawa hindi lang dahil sa ama niya ito, kundi dahil na rin sa alam niya kung gaano ito kabuting tao.He was a man of principle. Sa tuwina nga ay lagi itong nagpapaalala sa kanilang magkapatid na laging gumawa ng tama at huwag manlamang ng kapwa. Iyon ang dahilan kung bakit lumaki sila ni Anjielyn na mabubuti ring tao."Have you talked to Mr. Gracia?" usisa niya kay Wilfredo paglipas ng ilang saglit. Marahan din siyang naupo sa silyang nasa kanyang harapan saka hinalo ang kapeng inihanda ng kanyang ina. Ginagawa niya iyon ngunit ang isipan niya ay nasa kanilang paksa pa rin."Yes," narinig niyang sagot nito. "Nang ipatawag ako ni Mr. Gracia sa opisina nito ay nagkausap kami. He was asking me to explain everything. Maniwala ka, Analyn. I don't know why suddenly the report that we did changed.""What do you mean?""Some digits changed," mariin nitong saad. "Alam ko dahil kami ang gumawa niyon. Pero kung ano ang resulta ng inventory ay iyon lang inilalagay namin sa report. Walang labis, walang kulang. Kaya hindi ko rin alam kung bakit bigla ay nagkaroon ng pagbabago. Ang laki ng nawawalang halaga."Saglit na napaisip si Analyn. "You said that you were the last one to check the report before you gave to... to Mr. Gracia's personal assistant?""Yes.""Hindi kaya siya ang gumawa ng---""Analyn," mabilis na bulalas ng kanyang ina. May bahagya pang pananaway sa tinig nito. "Huwag tayong tumulad sa kanila na basta lang nanghusga ng tao, katulad sa ginawa nila sa iyong ama.""Pero, ma, hindi natin masabi," katwiran niya pa. "Paano nga kung ganoon?""Totoong si Sir Primo ang tumatanggap ng lahat ng report na ibinibigay ng lahat ng empleyado kay Mr. Gracia," wika naman ng kanyang ama na ang tinutukoy ay ang personal assistant ni Mr. Gracia. "Pero mahirap na basta na lang sabihin ang iniisip mo, Analyn. Wala tayong pruweba. Besides, pinagkakatiwalaan ng mga Gracia si Sir Primo. He's almost a family for them.""Hindi ba't marapat lang naman na masama siya sa imbestigasyon? Hindi lang ikaw, pa."Hindi ito sumagot at waring nanlulumong napayuko na lamang."Baka maaari nating makausap si Mr. Gracia," suhestiyon niya pa. "I want to do that not because I want you back to your work. Kaya ko naman na magtrabaho para sa atin, pa. It was just that, hindi ko hahayaang magkaroon ka ng kaso sa isang bagay na hindi mo naman ginawa."Nang nakauwi nga siya kahapon ay agad niyang nakausap ang mga ito. Gabi na siya nakauwi mula sa resort na pinanggalingan sa Davao at sa kabila ng anong oras na ay hindi niya pinalampas na malaman agad kung ano ang totoong nangyari sa kompanyang pinagtatrabahuan ng kanyang ama.Ayon sa kanyang papa ay patuloy raw ang imbestigasyon. The company wanted to file a case against him but they lack evidences to prove that her father was the culprit. At dahil sa ongoing ang imbestigasyon ay napilitang tumigil muna sa pagpasok sa trabaho ang kanyang ama."Mr. Gracia was on leave, Analyn. Binanggit sa akin ng isa kong kasamahan na inatake raw ito sa puso at nagpapagaling pa nang lubusan ngayon. Besides, ang balita ay papalit na raw ang kanyang apo bilang presidente ng JGCC.""Then, itong apo ni Mr. Gracia ang kausapin natin, pa. Baka-sakaling matulungan ka niya na mapatunayang wala kang---""Anak, hindi ko pa kailanman nakita ang apo ni Mr. Gracia. Ang alam ko ay sa ibang bansa iyon nag-aral. At kahit nang makatapos iyon ng kolehiyo ay bihirang umuwi ng bansa. Kahit nga ang nag-iisang anak ni Mr. Gracia ay bihira mapunta sa JGCC."Hindi niya maiwasan ang pag-angat ng kanyang isang kilay. Kahit siya man ay ang matandang lalaki pa lamang ang nakikita. Madalian pa iyon at hindi naman nagtagal. Kinailangan niya lang magtungo sa JGCC para iabot sa kanyang ama ang nakalimutan nitong dokumento sa trabaho.Nakita niya noon si Mr. Gracia na saktong pasakay naman sa sasakyan nito. Ganoon lang.At itong apo ni Mr. Gracia, kung may pagkakataon lang sana na makaharap niya ito ay baka-sakaling makahingi siya ng tulong para malinis ang pangalan ng kanyang ama. Ang mas ikinakabahala niya kasi ay ang maaaring maging epekto ng pangyayaring iyon sa kanyang mga magulang. Hindi niya rin naman nais na maapektuhan ang kalusugan ng mga ito dahil sa labis na isipin.*****"ARE YOU sure you're okay right now? Hindi ko kasi maiwasang mag-alala pa rin para sa iyo, Analyn?" wika sa kanya ni Karen.She sadly smiled at her friend. "I need to be okay, Karen. Kailangan kong damayan ngayon si papa matapos ng nangyari sa kompanyang pinapasukan niya.""I know but I was also worried for you. Kung may maitutulong lang ako ay sabihin mo."She let out a heavy sigh. She messaged Karen and asked her to meet her. Kailangan niya kasi ng kausap. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya dahil sa patong-patong na problemang kinakaharap.Sa ngayon ay nasa isang coffee shop sila at magkaharap na nakaupo sa isang pabilog na mesa. Kapwa sila umorder ng kape at isang slice ng cake.Naikwento niya nga kay Karen ang tungkol sa kinakaharap na problema ng kanyang papa sa trabaho nito. Dahil sa matalik niyang kaibigan ang dalaga ay malapit din ito sa kanyang pamilya dahilan para mahabag din ito sa pinagdadaanan ng kanyang ama."Thank you, Karen. Sapat na sa akin na nariyan ka at nakikinig sa mga problema ko. Gusto ko lang talaga ng makakausap.""You know I am always here for you," tugon nito bago siya pinagmasdan nang mataman. "H-How about what happened to you and Josh? H-Hindi mo na ba siya nakausap ulit?""Hindi na," mabilis niyang saad. "Wala na ring silbi para mag-usap pa kami. He did not just cheat, Karen. Sinira niya din ang pangalan ko sa mga kakilala natin.""Why didn't you do anything about it? Analyn, kung gusto mo ay ako na lang ang gaganti ng post sa dalawang iyon. Sabihin mo lang.""I don't think it's a nice idea, Karen. Besides, mas gusto ko na lang pagtuunan ng pansin ang problema ni papa kaysa ang isipin pa ang ginawa nina Josh at Cristina.""I hope nakatulong ang pagbakasyon mo para mapanatag kahit saglit man lang ang isipan mo."Sukat sa mga sinabi nito ay hindi napigilan ni Analyn ang matigilan. Bigla kasing bumalik sa alaala niya ang mga nangyari sa resort na kanyang pinanggalingan. Hindi nangyari ang mga sinabi nitong napanatag ang isipan niya. Mas lalo pa nga iyong nagulo.She lost her virginity because of her stupidity!Nagising na nga lang siya sa ibang silid na wala na ang pinakainiingatan niyang pagkababae. Dahil sa pagnanais na hindi na makaharap pa ang lalaking nakatalik niya ay dali-dali niyang nilisan ang silid nito.Her things were still on her bag that time that made her easy to check out. After freshening up and changing her clothes, she instantly left the resort.She did it intentionally. Hindi na niya nais pang makaharap ang lalaking nakakuha ng kanyang pagkabirhen. Nang nilisan niya ang naturang resort, pinangako niya rin sa kanyang sarili na kakalimutan na ang nangyari nang gabing iyon. What happened that night will be left on that place. Hindi na niya nais pang balikan.Matapos ng ilang saglit pang pakikipag-usap kay Karen ay nagpasya na silang umalis. Ang kaibigan niya ay kinailangan pang magtungo sa grocery store upang mamili habang siya ay nagpasya munang maglakad-lakad.She has no intention of going home yet. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Okupado ng samu't saring isipin ang kanyang utak. Hindi niya alam kung bakit sunod-sunod naman yatang problema ang binibigay sa kanya ng Diyos ngayon.Una ay ang natuklasan niyang panloloko nina Josh at Cristina. Sunod naman ay ang problema sa trabaho ng kanyang ama. Dagdag pa sa mga bagay na gumugulo ngayon sa isipan niya ay ang tungkol sa nangyari sa kanila ng estrangherong lalaking iyon.Yes, estranghero. Estranghero itong maituturing sapagkat wala siyang ano mang alam sa buhay nito maliban sa unang pangalan.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Dama niya ang pang-iinit ng palibot ng kanyang mga mata at kinailangan niya pang tumingala upang pigilan ang mga luha na nagbabadyang tumulo na.Mula sa coffee shop na pinanggalingan nila ni Karen ay naglakad-lakad siya sa covered sidewalk. Sa lalim ng takbo ng isipan niya ay namalayan niya na lamang na doon siya dinala ng kanyang mga paa.It was almost dark. Pasado alas-sais na at bago pa man siya mag-break down ulit at sa lugar pang iyon tumulo ang mga luha ay nagpasya na siyang umuwi na lang. It would be better kung sa kanyang silid na lamang siya mag-iiyak magdamag.But just as when she was about to go home now, Analyn suddenly stopped on her track. Mula sa kanyang kinatatayuan ay isang pamilyar na bulto ang kanyang nasilayan.Ang sidewalk na kinaroroonan niya ngayon ay katapat lamang ng hile-hilerang establisimiyento at isa na nga roon ang coffee shop na pinanggalingan nila ni Karen. Alongside with that were other establishments just like a restaurant.Nasa tapat na siya niyon nang agad ay na natanawan ni Analyn ang lalaking kalalabas lamang ng restaurant--- the man whom she met from the resort! The man whom she spent a night with!Kasalukuyang hawak ng lalaki ang pagmamay-ari nitong cell phone at nakatapat pa iyon sa tainga nito. He was also walking towards a car parked in front of the restaurant while talking to someone over the phone. Akmang bubuksan na nito ang pinto ng driver's seat nang hindi sinasadyang mapalingon sa kanya.His eyes darted on her. Katulad niya ay kinabakasan din ng recognition ang mukha nito patunay na agad din siyang nakilala ng binata. Dahil doon ay dali-dali nitong naibaba ang aparato matapos makapagpaalam sa kung sino mang kausap.Analyn panicked. Ang lalaking hindi na niya sana nais pang makita ay nasa harapan na niya ngayon. Dahil sa pagkaasiwa ay mabilis na siyang pumihit patalikod at akmang sa ibang direksiyon na lang sana dadaan ngunit bigla ay marinig niya ang tinig nito."Analyn!"Mabilis ang naging pagtalikod ni Analyn nang makita siya nito. Akmang aalis na ang dalaga ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa nito ay agad nang tinawid ni Romano ang distansiya sa pagitan nilang dalawa saka ito marahas na hinawakan sa kanang braso.Analyn flinched and instantly turned to look at him. Dahilan iyon para muli niyang masilayan ang mukha nito na ngayon ay kababakasan na ng pagkabahala."Bitiwan mo ako," mariin nitong saad kasabay ng pilit na pagbawi sa braso nitong hawak niya.But Romano did not obey what she said. Marahan niya pa munang iginala ang kanyang paningin sa kanilang paligid saka iginiya ang dalaga palapit ulit sa kinapaparadahan ng kotse niya.Nang mapansin ni Analyn ang balak niyang gawin ay mas naging mariin ang pagbawi nito sa sariling braso. Sanhi iyon para mahinto siya sa pag-akay sa dalaga at muling pagharap dito."Bitiwan mo sabi ako. Hindi mo ba ako narinig? Or you want me to shout here para makaagaw tayo ng atensiyon?" wika nito na may pagbaban
"Hindi mo dapat ginawa iyon. Why did you have to call me that way in front of them? Iisipin nila na may relasyon tayong dalawa," mariing lintanya ni Analyn kay Romano.Kasalukuyan pa silang nasa loob ng sasakyan nito. Mula sa lugar kung saan sila nagkaharap-harap nina Josh at Cristina ay basta na lamang siya inakay ni Romano na pumasok sa loob ng kotse nito saka ito nagmaneho paalis.Sa ngayon ay nakahinto na sila sa tabi ng kalsada ngunit kapwa pa rin nakaupo sa loob ng sasakyan ng binata. Hindi niya maiwasan ang pag-alpas ng galit, kung kanino mas partikular ay hindi na niya mawari.Alam niyang nakadarama siya ng galit para kay Josh at Cristina. Matapos ng ginawa ng mga ito sa kanya ay hayun at lumalabas na nga ang dalawa nang magkasama. Sadyang pinanindigan na ang panloloko sa kanya.On the other hand, hindi niya rin maiwasang magalit kay Romano. Hindi niya maunawaan kung para saan ang ginawa nito kanina. Hindi man nito aminin ngunit alam niyang sinadya ng binata ang ginawa nitong
"Fvck! Bullshit!" sunod-sunod na pagmumura ni Josh habang magkakasunod na pukpok din ang kanyang ginawa sa manibela ng kotse niya. Halos gumawa pa ng mahinang tunog ang kanyang mga ngipin dahil sa galit na nadarama.Nasa loob pa siya ng kanyang sasakyan kasama si Cristina. Nakaupo si Josh sa may driver's seat habang ang dalaga naman ay nasa passenger's seat at nababahalang nakatitig sa kanya.Isa pa muling hampas sa manibela ang kanyang ginawa na sadyang ikinapitlag pa ng kanyang kasama."J-Josh, will you calm down? Walang mangyayari kung paiiralin mo iyang galit mo. In the first place, ano ba ang ikinagagalit mo?" wika sa kanya ni Cristina."Hindi ko maintindihan kung paanong nakilala ni Analyn ang Silerio na iyon," nangangalaiti niyang sabi. "Hindi mo ba napansin ang paghawak-hawak ng lalaking iyon kay Analyn, plus the endearment that he used to call her. Damn!""Nagagalit ka dahil sa may iba na rin si Analyn? Iyon ba?" bigla ay tanong ni Cristina. Hindi pa nakaligtas sa pandinig ni
"Are you out of your mind? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Romano?" gulantang na tanong ng kaibigan niyang si Hendrick. Marahas pa itong napalingon sa kanya at natigil sa balak sanang pagsalin pa ng alak sa sarili nitong kopita. Hindi kasi ito makapaniwala nang marinig ang mga sinabi niya.Kasama niya ang kanyang kaibigan at kasalukuyang nasa loob sila ng opisina nito sa pag-aaring recording company. Hendrick has a wonderful singing voice. Minsan na rin naman niya itong narinig na umawit at totoong humanga din siya sa ganda ng boses ng binata.Pero bihira lang kung kumanta si Hendrick. May pakiramdam pa siya na pilit na nitong iniiwasang umawit, kung ano man ang dahilan ay hindi niya alam. Hindi ito makwento 'di tulad ng iba nilang mga kaibigan.Isa lang din si Hendrick sa mga matatalik niyang kaibigan tulad nina Lorenzo, Ethan at Winston. Ang iba pa nilang mga kaibigan ay abala din sa kanya-kanyang buhay at negosyo ng mga ito. Pero once in a while ay sadyang nagkikita-kita din s
Agad na iginala ni Analyn ang kanyang paningin sa kabuuan ng restaurant upang hanapin ang taong katatagpuin niya para sa araw na iyon. Malapit na mag-alas onse ng tanghali dahilan para halos mapuno na ang loob ng naturang establisimiyento.Marahan ang naging paghakbang niya papasok at patuloy lamang sa paglibot ng kanyang mga mata. Akmang kukunin niya na ang kanyang cell phone upang sana ay tawagan ang taong hinahanap nang bigla ay lapitan siya ng isang staff ng restaurant."Good morning, ma'am. How can I help you? You are looking for a table for---""I-I am with someone," putol niya sa pagsasalita ng babae. "H-Hindi ko lang siya makita.""Do you have reservation? May I know the name of your companion, ma'am?"Wala sa loob na sumagot si Analyn. "R-Romano Silerio," saad niya habang hinahagilap pa rin ang binata.Malawak ang restaurant na kinaroroonan niya ngayon. Halatang mamahalin kahit yata ang pinakasimpleng pagkain roon. Kahit ang mga customer na kasalukuyang naroon na at kumakain
"Romano, are you even thinking?" hindi maiwasang itanong ni Analyn sa binatang kanyang kaharap.Nang marinig niya ang takbo ng pakikipag-usap nito sa kung sino mang tinawagan ay nahuhulaan na ni Analyn ang binabalak nitong gawin. Bagay iyon na mas nagpabahala sa kanya. Hindi niya pa nga alam kung paano haharapin ang kanyang mga magulang at sabihin ang sitwasyon niya ngayon, tapos heto at may naiisip pang gawin si Romano."Obviously, Analyn, I am thinking," he said with firmness on his voice. Seryoso din itong nakamasid sa kanyang mukha at tuluyan na ngang kinalimutan muna ang tungkol sa pagkain ng tanghalian. Waring natuon din kasi ang buong atensiyon nito sa kanyang ibinalita."Romano, hindi naman iyan ang solusyon. I mean---""There is no other solution but to marry you, Analyn," mariin pa nitong awat sa kanyang pagsasalita. "You are carrying my child. My child, Analyn. And you think hahayaan kong hindi niya dalhin ang apelyido ko?"She was stunned for a minute. Hindi niya gaanong k
Mabilis na napatayo nang tuwid si Romano nang mamataan niya ang pagdating ng sasakyan ni Hendrick. Sa mismong tabi ng kanyang kotse piniling pumarada ng kanyang kaibigan at sadyang hinintay pa ni Romano na makalabas ito mula sa sariling sasakyan.He saw as the car's door opened. Mula sa may driver seat ay lumabas si Hendrick at agad na naglakad palapit sa kanya. Hindi pa nakaligtas kay Romano ang magkadikit na mga kilay nito na kung tutuusin ay waring normal na sa binata."What is the meaning of this, Romano? Will you please explain what you are planning to do?" anito nang makalapit na sa kanya."What is there to explain, Hendrick? Hindi ba malinaw ang mga sinabi ko sa iyo kaya kita pinakiusapan na magtungo dito?""Pinakiusapan? My ass! Inutusan mo ako, Romano," sarkastiko nitong saad. "You told me to come here and be your witness on your wedding? Are you out of your mind? Anong kasal ang pinagsasasabi mo?"Romano just chuckled. Isa sa mga pag-uugali ni Hendrick na alam na nilang magk
Romano's kiss did not last that long. Agad din nitong pinakawalan ang kanyang mga labi kasabay ng bahagyang paglayo ng mukha nito sa kanya upang matitigan siya nang mataman.Still stunned by what was happening, Analyn was just standing in front of him and said nothing. Gusto niya pang ipagpasalamat na hapit siya nito sa kanyang baywang. Kung hindi kasi, pakiramdam niya ay dadausdos siya pababa dahil sa nadaramang panginginig ng kanyang mga tuhod.Hindi niya maiwasang makaramdam ng ganoon. Parang ang bilis kasi ng mga pangyayari sa buhay niya. Kailan lang ay balot pa siya ng labis na hinanakit dahil sa panlolokong ginawa nina Josh at Cristina. The next thing she knew, she's now pregnant and married to the father of her still unborn child. Kung paanong ganoon kabilis nangyari ang lahat ay hindi niya na alam."Congratulations again," narinig niyang sabi ni Judge Camara dahilan para maputol ang titigan nilang dalawa ni Romano.Si Romano ang unang sumagot sa nagkasal sa kanila. Iniabot pa
Prenteng nakahiga si Romano sa mga pinong buhangin ng dalampasigang kinaroroonan niya. Mag-aala sais na ng hapon at halos nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Nasa resort siya ng kaibigan niyang si Ethan at dahil sa nalalapit niyang paghawak sa kompanya ng kanyang abuelo ay napagpasyahan niya munang magbakasyon. Kailangan niya iyon bago humawak ng isang napakalaking responsibilidad.Nasa parte siya ng resort na halos malayo na sa mga tao. Lampas na iyon sa mga kubong maaaring okupahin ng mga turistang naroon. He intentionally stayed there. Nais niyang mapag-isa upang mapag-isipan kung ano ang dapat gawin sa problemang kinakaharap ng kompanyang pag-aari ng kanyang abuelo.Ngunit ang katahimikang tinatamasa niya nang mga sandaling iyon ay nagambala. Kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya ay mabilis nang nahinto. Iyon ay dahil sa iisang rason--- agad niyang namataan ang isang babaeng marahang humahakbang patungo sa kanya.The woman was walking slowly. Wari bang wala itong pakialam sa pa
"Y-You really love me?" Romano asked her again in disbelief. Mataman itong nakatitig sa kanyang mukha na wari ba ay hindi malaman kung ano pa ang sasabihin."Hindi ka ba naniniwala? What do I need to do for you to---""Kiss me," mabilis nitong sagot sa kanya. "Just kiss me, sweetheart."A soft smile broke her lips. Sa kabila ng mga luha sa kanyang mga mata ay hindi niya mapigilan ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi.Hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang sinabi nito. Sa mabilis na kilos ay tinawid niya ang kaliit na distansiya sa pagitan nilang dalawa. Agad niya ring iniangat ang kanyang dalawang braso at ipinaikot ang mga iyon sa batok ng kanyang asawa.His arms instantly snaked on her waist as her lips claimed his. Sa una ay isang masuyong halik lang ang iginawad niya kay Romano. Waring nananantiya pa ang bawat hagod na ginagawa niya sa mga labi nito.Until, as if became impatient, Romano deepened the kiss. Ito ang unang naging agresibo dahilan para naging mapusok na a
Napabuga ng isang malalim na buntong-hininga si Analyn kasabay ng pagtingala niya sa madilim nang kalangitan. Kasalukuyan siyang nasa may hardin ng bahay ni Romano. Pasado alas-nueve na ng gabi at dahil sa hindi pa dinadalaw ng antok ay nagpasya muna siyang bumaba.Kanina pa tulog si Ruth sa nursery room nito. Kasama nito si Melody na sadyang binilin niya munang samahan ang kanilang anak. Sa loob nga lang ng ilang araw ay natapos ang pagpapaayos ni Romano ng dalawang silid sa ikalawang palapag. May pintong nagkokonekta sa silid nila at nursery room ng kanilang anak.Hindi siya makadama ng antok. Katunayan, hindi mapanatag ang isipan niya. Hanggang nang mga sandaling iyon kasi ay hindi mawala sa kanyang isipan ang mga narinig na sinabi ni Mr. Gracia sa kung sino mang kausap nito sa cell phone.Analyn can't help but to be filled with so much questions. Kanina pa gumugulo sa isipan niya ang tungkol sa bagay na balak ipawalang-bisa ni Mr. Gracia. Bagay iyon na ayon na rin sa matanda ay gu
"Papa!" malakas na sigaw ni Analyn nang makita niya ang ginawa ng kanyang ama.Isang malakas na suntok sa mukha ni Romano ang iginawad ng kanyang Papa Wilfredo. Tulad nga ng sinabi ng kanyang asawa, ang pamilya niya naman ang sinadya nila nang araw na iyon upang makausap.Maaga pa lang ay gumayak na sila papunta sa bahay ng kanyang mga magulang. Romano wanted eveything to be settled between them. After their conversation last night, Romano asked her to give him a chance. At gustong simulan iyon ng kanyang asawa sa pamamagitan ng pag-aayos din ng relasyon nito sa kanyang ama at ina.Ngunit pagkababang-pagkababa pa lamang nila mula sa sasakyan ay agad nang lumapit ang kanyang ama na noon ay kasalukuyang nasa may labas lamang ng bahay. Agad niya pang nakita ang lumarawang galit sa mukha nito nang humakbang patungo kay Romano. Isang suntok nga sa pisngi ang binigay nito sa kanyang asawa.Mabilis niyang nilapitan si Romano. Muntik pa itong sumadsad sa sarili nitong sasakyan dahil sa ginawa
Naging awtomatiko ang pagpikit ng mga mata ni Analyn nang dumampi ang mga labi ni Romano sa kanya. Sa una ay mariin ang halik na iginagawad nito na wari bang intensiyong pahintuin lamang siya sa kanyang pagsasalita.Until the way he kissed her suddenly changed. It became passionate and gentle, dahilan pa nga para madali siyang mapahinuhod na tumugon sa ginagawa nito.Hindi niya alam kung ilang segundo ang namagitang halik sa kanilang dalawa. Mas naging malalim pa kasi iyon nang tuluyan siyang magpaubaya sa pananalakay ng mga labi ni Romano sa kanyang bibig.Tuluyan na nga sana siyang madadarang nang bigla ay matigilan si Analyn. Siya na rin ang pumutol sa kanilang ginagawa. Marahan niyang iniiwas ang kanyang mukha kay Romano sanhi para ang labi nito ay mas dumapo na lamang sa kanyang pisngi. Naputol ang halik na namamagitan sa kanila ng kanyang asawa ngunit nanatiling hawak pa rin nito ang magkabila niyang pisngi."R-Romano, please... baka may makakita sa atin," she said in almost a w
Tuluyang tinapos muna ni Analyn ang pagpapalit ng damit sa kanyang anak bago siya tumayo nang tuwid at binuhat na ito. Lumingon din siya ulit sa taong bigla ay bumungad sa may entrada ng banyong kinaroroonan nilang mag-ina--- si Cheryl Hermosa."Gagamit ka ba ng banyo? We're already done," kaswal niyang sabi sabay akmang hahakbang na sana palabas ng banyo.Ngunit dahil sa nakatayo sa may daraanan niya ang dalaga ay agad ding natigilan si Analyn sa balak niyang pagbalik na sa may sala. Matapang niyang sinalubong ang titig si Cheryl saka nagtanong dito."Do you need anything?" aniya sa seryosong tinig."Kanina ko pa iniisip kung saan kita unang nakita," tugon sa kanya ni Cheryl. "You're from Sparkling Advertising Company, aren't you? I remember seeing you there.""Tama ka. N-Nagtatrabaho ako sa Sparkling," aniya dito. "Is there something wrong with that?""Wala naman," tugon nito sabay kibit ng mga balikat. "I was just... puzzled how you and Romano ended up being married. Matagal ko na
Isang mariing paglunok ang ginawa ni Analyn nang makita niya ang pagpasok ni Cheryl Hermosa sa dining area na kinaroroonan nila. Mayroon itong ubod ng tamis na ngiti sa mga labi habang litaw na litaw ang kaseksihan sa suot na damit.Cheryl was wearing a red dress. Dahil sa kulay niyon ay mas lalong lumitaw ang kaputian ng dalaga. Hapit iyon sa katawan nito kaya kitang-kita din ang kurba ng babae.Tulad ng una niyang pagkakakita dito ay sadyang kahanga-hanga ang pagdala nito ng kasuotan. Hindi na iyon kataka-taka sapagkat base na rin sa propesyon at katayuan sa buhay na mayroon ito, inaasahan na talaga ang galing nito sa pananamit."You are just on time, hija," narinig niyang sambit ng isang matandang lalaki na kung tama ang pagkaalala niya ay ang pinakilala ni Romano bilang Henry, ang matalik na kaibigan ng Lolo Julio ng kanyang asawa."Hi, tita... tito," malambing na saad pa ni Cheryl sabay lapit sa mga magulang ni Romano at kapwa nakipagbeso sa mga ito. Matapos niyon ay binati at ni
Habol pa ni Analyn ang kanyang hininga nang iyakap ni Romano ang isang kamay nito sa kanyang baywang. Hinapit din siya ng kanyang asawa palapit sa katawan nito dahilan para magdikit ang kanilang kahubdan.Naroon pa rin sila sa mahabang sofa at halos ipagkasya ang mga sarili matapos ng mainit na pagtatalik na kanilang pinagsaluhan. It was an earth-shattering moment that Analyn felt like she was still floating. It felt so overwhelming for her that she just noticed some unshed tears from her eyes.Tama si Romano. It has been so long since they made love. Kaytagal na nang huli niyang naramdaman ang ganoong damdamin. Ngunit nakamamangha na sa kabila ng dalawang taong pumagitna sa kanilang mag-asawa ay hindi man lang nagmaliw ang emosyong nadarama niya sa tuwing inaangkin siya ni Romano. Ni hindi iyon nagbago. Kung ano man ang naramdaman niya kanina ay ang siyang nadarama niya rin ng mga unang pagkakataong may namagitan sa kanila.And strange that she missed that emotion... she missed Roman
Agad na napabangon mula sa pagkakahiga si Analyn nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nasa loob na siya ng silid ni Romano sa may ikatlong palapag at katabi niya na si Ruth na kanina niya pa napatulog.Natuon ang kanyang mga mata kay Romano nang tuluyan itong bumungad sa pinakakwarto. His stares darted on her as well as she sat on the bed. Kanina pa nakatulog si Ruth ngunit siya ay hindi man lang naidlip. Sadyang hinihintay niya nga ang pagdating ni Romano sapagkat nais niya itong makausap."Why are you still awake? It's already past ten, Analyn," nagtataka nitong sabi habang naglalakad palapit sa kanya.Tinawid nito ang ilang distansiya sa pagitan nilang dalawa saka inilapag ang pag-aaring cell phone sa ibabaw ng bedside table na nasa may panig niya lamang. Nakatuon pa rin ang mga mata nito sa kanya habang tinatanggal naman ang suot na relo. Katulad ng cell phone, inilapag din iyon ni Romano sa ibabaw ng mesita."Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito ulit."H-Hinihintay kita,