Matapos patayin ang shower ay agad na inabot ni Romano ang puting tuwalyang nakasabit sa may kaliwang panig niya. Ipinunas niya iyon sa kanya saka itinapis sa ibabang parte ng kanyang katawan.
Halos tumutulo pa ang ilang tubig mula sa buhok ni Romano patungo sa kanyang matipunong dibdib nang lumabas siya ng banyo. Akmang tutuloy na siya sa kanyang bag para kumuha ng masusuot nang matigilan siya sa may hamba pa lang ng pintuan.His eyes darted to the bed. Magulo pa ang bedsheet at comforter doon tanda ng mga naganap kagabi. Ngunit kung may mas nagpatigil sa kanya sa kinatatayuan, iyon ay ang katotohanan na wala na roon ang babaeng kanina lang ay iniwan niyang mahimbing pang natutulog... ang babaeng nakaulayaw niya kagabi.Sa kabila nga ng halos anong oras na sila nakatulog kagabi ay maaga pa ring nagising si Romano. He woke up while his hand was around her naked body. Halos nais niya pang murahin ang kanyang sarili nang magising at mapagtantong yakap niya ang hubad na katawan ni Analyn. Hindi lang kasi ang diwa niya ang nagising kundi maging ang pagkalalaki niya na rin.She was a virgin. Tama nga siya sa hinuha niya base na rin sa mga naging pahayag nito. Despite the idea that she might get hurt because of what could happen, Romano can't help but to take her. Hindi niya rin maipaliwanag sa kanyang sarili kung bakit ganoon na lang kataas ang libidong nadama niya para sa dalaga.Katunayan nga niyon ay ang pagnanais niya pang maangkin ulit ito sa ikalawang pagkakataon.Ngunit ang bagay na iyon ay hindi na nangyari. Maliban kasi sa alam niyang nasaktan si Analyn sa unang p********k, nakatulog na rin ito agad dahil sa pagkalasing.For a moment a while ago, he watched her sleeping before entering the bathroom. Inihanda na niya ang kanyang sarili sa pakikipag-usap dito ngayong alam niyang nahimasmasan na ito mula sa epekto ng alak. Inaasahan niya pa nga na mauuwi sa bangayan ang magiging pag-uusap nilang dalawa.Ikagagalit kaya nito ang kaalaman na naangkin niya na ito? Maalala pa kaya ng dalaga ang mga sinabi at ginawa nito kagabi?He was ready to face her. Ngunit ano mang paghahanda niya ay agad nang naisantabi nang makitang wala na ito sa loob ng kanyang silid. Maging ang mga damit at pouch bag ng dalaga ay wala na sa pinaglagyan niya kanina.Because of that, Romano hurriedly walked towards his travelling bag. Naroon pa rin ang kanyang mga gamit at hindi na pinagkaabalahan pang ilagay sa loob ng built-in closet na nasa silid na iyon.Kumuha siya ng isang malinis na polo shirt, pantalong maong at underwear. Mabilisan niyang isinuot ang mga iyon saka lumabas ng naturang silid na ang tanging bitbit ay ang susi ng kwarto at ang kanyang cell phone.Habang naglalakad sa pasilyo ay hindi niya pa maiwasang magpalinga-linga sa kanyang paligid. Waring imposible man ngunit nagbabaka-sakali siyang makikita si Analyn.He didn't know anything about her. Maliban sa pangalan nito ay wala na siyang alam. Kahit apelyido ng dalaga ay hindi na niya naitanong. Ni wala man lang siyang detalyeng alam sa babaeng nakaniig niya kagabi.Well, aside of course from all her body's curves and sensitive spot. Wala yatang parte ng katawan ito na hindi niya nahawakan. Wala siyang alam sa dalaga ngunit nagawa niyang angkinin ang buo nitong katawan."Damn!" he hissed inwardly. Tuluyan siyang bumaba sa pinaka-ground floor ng hotel habang patuloy pa rin sa paghagilap kay Analyn.Nang hindi talaga ito nasilayan ay napilitan na siyang lapitan ang receptionist na naka-duty nang mga oras na iyon. Ang ilan sa mga empleyado ni Ethan ay alam na kaibigan siya nito. Kasabay niya itong dumating sa naturang resort pati na rin si Rose, Ethan's former employee. Ngayon ay waring may namamagitan na sa mga ito.Agad na sumilay sa kanyang mga labi ang isang ngiti nang makalapit siya sa reception area. "Good morning, miss," masuyo niyang bati sa babae. Sadyang nilakipan niya pa ng lambing ang kanyang tinig para makuha ang loob nito."Yes, sir? What can I do for you?" she asked in a very professional voice. Halatang trained lahat ng empleyado ni Ethan sa resort na iyon."I was just... looking for someone. I hope you could help me.""Of course, sir. Ano ho ba ang maitutulong namin?""You have one tourist who booked on this resort. Her name is Analyn. May I know what room she's occupying right now?""Naku, sir," alanganin nitong sabi. "Maliban ho sa maraming turista ngayon sa resort ay hindi rin ho kami basta-basta nagbibigay ng room number ng ibang customer. Why don't you try calling her, sir?""Ganito kasi iyon," katwiran niya. "We don't really know each other. Kagabi ko lang siya nakilala. I was just wondering... you know, maybe I could know more about her.""Pasensiya na, sir, pero hindi ko ho maibibigay sa inyo---""Ang alin? What's happening here?" wika ng isang tinig na papalapit sa kanila. It was Ethan. "What is wrong, Romano?"He heaved out a deep sigh as he guided his friend. Iginiya niya ito ilang hakbang mula sa reception area."May problema ba? Ano ang sinasabi ng empleyado ko na hindi maibibigay sa iyo?""I am looking for someone. She's one of your tourists here.""She?" makahulugan nitong sabi. Nagkaroon pa ng gatla ang noo nito."Yeah," usal niya. "Look, we have something to talk about.""Like?""Bakit ba ang dami mong tanong? I just need to talk to her.""Fully booked ngayon ang resort, Romano. Gusto mo isa-isahin iyan ng empleyado ko.""Come on, Ethan," giit niya pa. "You have your record.""What's with this woman that you are eager to look for her?"Bakit nga ba? It was just a one-night stand. May ilan din naman siyang naikama na hindi niya karelasyon ngunit pagkatapos ng isang gabing pinagsaluhan ay hindi na siya nagkainteres na muling makadaupang-palad alin man sa mga iyon.Bakit ngayon ay hinahanap niya ang babaeng nakatalik niya kagabi? Ethan was right. What's with her?"Well?" untag sa kanya ng kaibigan niya. "Why are you looking for her?""Because..." His voiced trailed off. "Just because, Ethan."Ethan smiled mischievously. Hindi niya man nasagot ang tanong nito ay alam niyang nakuha na nito iyon. Kapwa sila lalaki. Of course, he knew about it."What's her name?""Analyn..."Hindi na ito sumagot at basta na lamang lumapit sa empleyado nitong kausap niya kanina. He followed him. Narinig niya pa ang pagtatanong nito sa receptionist. Dahil sa si Ethan ang may-ari ng naturang resort ay agad itong sumunod."Dalawang Analyn ho ang kasalukuyang naka-book, Sir Ethan.""Details about them," mariin pang utos ng kaibigan niya.Agad na tumingin ang empleyado sa monitor sa harap nito. "The first one was a fifty-year old woman. She checked in yesterday together with two other women. Ang isa po ay isang fifteen years old, kasama naman ang mga magulang."Ethan harshly looked at him. Nasa mukha nito ang hindi maitatagong kaaliwan."Alin sa dalawa, Romano? Ang bata na sa tingin ko naman ay hindi mo papatulan? Pedophile was never your thing, my friend. O baka nag-iba na taste mo sa babae at mas gusto mo na ang matanda? Fifty years old, huh?""Hindi siya alin man sa dalawang iyan," mariin niyang sabi.Nasisiguro niya iyon. Definitely the Analyn that he has made love with last night was not a fifteen-year old lady. Matured na ito na sa hinuha niya ay nasa bente singko o bente sais anyos na. At nasisiguro niya rin na hindi ito singkwenta ayos.Damn it! Kahit siguro lasing siya kagabi ay hindi niya magagawang angkinin ang isang singkwenta anyos na babae!"Come on, Romano. Baka naman namali ka ng dinig sa pangalan ng babaeng tinutukoy mo," wika na sa kanya ni Ethan nang naglalakad na sila papasok ng hotel."I am sure, Ethan," tugon niya dito. "O baka nag-check out na siya at umalis."Posible! Baka nang magising ang dalaga kanina sa kanyang silid at napagtanto ang nangyari sa kanilang dalawa ay agad itong nagdesisyon na umalis na ng resort na iyon. At hindi malayong iyon nga ang nangyari. Just like what he thought, kung hindi lasing si Analyn ay alam niyang ni hindi niya ito makakausap, katulad na lang sa nangyari sa dagat nang unang beses na nagkita sila. Agad siya nitong iniwan noon at hindi na pinansin.At marahil, matapos mahimasmasan mula sa pagkalasing ay nagpasya itong umalis na. Ni hindi man lang siya kinausap muna ng dalaga."Perhaps, you can check your record," wika niya pa kay Ethan. "Let us check those who recently left your resort.""Then what?""I am sure you have her details---""Romano, you know the rules. Hindi kami naglalabas ng detalye ng mga bakasyonista dito sa resort. That's confidential.""Ethan---"Sa muli ay hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin, hindi dahil kay Ethan, kung hindi dahil sa pagtunog ng kanyang cell phone. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, pangalan ni Lark ang kanyang nabasa."Answer it," udyok ni Ethan. "I just need to do something. Let us just talk later, Romano. Dahil sa iyo ay malapit ko nang paniwalaan na may sumpa ang resort ko sa ating magkakaibigan. Si Lorenzo ay dito nakilala si Tamara. Ngayon naman ay ikaw.""Maging ikaw din naman, hindi ba?" makahulugan niyang sabi dito.Hindi na siya nito sinagot. Pagkawika niya niyon ay tuluyan na siyang iniwan ni Ethan. Waring nahulog din ito sa pag-iisip.Si Romano naman ay sinagot na nga ang tawag ni Lark habang naglalakad naman patungo sa direksiyon ng elevator. He talked to Lark while he was heading back to his room."Yes, Lark. Is there any update?""Yes, Sir Romano. I have sent to your email all the details you needed," tugon nito mula sa kabilang linya."That's great. I really like how you work, Lark. Mabilis mong nagagawa ang nais ko.""It was not difficult to do, sir. Naibigay niyo na ang ilang detalye tungkol kay Wilfredo Aguilar kaya madali ko nang nalaman ang tungkol sa pamilya niya.""Kompleto ba lahat?" tanong niya pa habang naglalakad na papasok sa loob ng kanyang silid."Yes, sir," sagot ni Lark. "I have some of the details about his wife and two daughters. Pati na rin kung saan ang eksaktong address ng mga Aguilar.""Two daughters?" kunot-noong ulit niya sa sinabi nito. Kasalukuyan na siyang nasa loob ng kanyang silid at inilalabas mula sa kanyang bag ang pagmamay-aring laptop."Yes, sir. I even sent you pictures of Wilfredo's family that I got from their social media account.""Thank you, Lark. I will check it first. Tatawagan kita ulit."Tuluyan na siyang nagpaalam kay Lark saka inilapag ang kanyang cell phone sa ibabaw ng kama. He opened his laptop and checked his email. Agad niya ngang nakita ang bagong mensaheng pinadala sa kanya ng binabayaran niyang imbestigador. Binuksan niya iyon agad at binasa ang mga files na kanyang natanggap.The first part of Lark's report was all about Wilfredo. He already knew some of his details because JG Canning Company has them on his profile.Nang malaman niya kasi ang problema sa kompanya ng kanyang abuelo at si Wilfredo Aguilar ang pinagbibintangan ay agad niya nang pinag-aralan ang profile ng naturang empleyado.Matagal na rin ito sa kompanya ng kanyang Lolo Julio. Taon na rin ang binilang nito sa JGCC kaya marahil aral na aral na nito kung paano magdispalko ng pera mula sa kanila.The next thing that he browsed were the details about his family. Una niyang inalam ang tungkol sa asawa nito. There was nothing that interests him about Vilma Aguilar, Wilfredo's wife. Tipikal na asawa ang gayak nito sa litratong pinadala sa kanya si Lark. Hindi niya pa maiwasang mapaismid nang maisip na malamang ay galing sa perang ninakaw sa kanilang kompanya ang perang natatanggap ng may-bahay ni Wilfredo.Then, he browsed more. Sa pagkakataong iyon ay tungkol naman sa mga supling ni Wilfredo at Vilma ang laman ng report ni Lark. And Romano felt like his body stiffened as he saw the next page of the file that he was reading.Naroon ang pangalan ng dalawang anak ni Wilfredo, ang edad ng mga ito at kung saan nagtatrabaho at nag-aaral. Kung paanong ganoon kabilis nakuha ni Lark ang mga detalyeng iyon ay hindi niya alam. He must be really expert on his craft that's why he was so efficient.At hindi lang iyon ang laman ng report ni Lark. Katulad kay Vilma Aguilar, may mga litratong kalakip ang impormasyong nakuha nito tungkol sa mga anak ni Wilfredo. Dalawang babae iyon ngunit sa isa lamang nakatutok ang mga mata ni Romano... sa babaeng sa wari niya ay mas panganay sa dalawa.Bakit hindi? Iyon ang babaeng hinahanap niya kanina pa! Si Analyn, the woman he made love with last night!"Analyn Aguilar..." basa niya sa pangalan nito.So the lady was not lying when she said that her name was Analyn. At anak ito ni Wilfredo? Ang babaeng nakatalik niya kagabi ay anak ng lalaking may malaking kasalanan sa kanyang abuelo?"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon..." he said to himself. "Analyn Aguilar..."The name slipped out of his lips smoothly as a mischievous expression was playing on his face."Hindi ko maintindihan, papa. Paanong ikaw ang pinagbintangan gayong ang tagal mo na sa kompanyang iyan?" wika ni Analyn sa kanyang ama.Kasalukuyan niyang kasama ang kanyang ama at ina. Nasa komedor sila at pinag-uusapan nga ang tungkol sa nangyari sa pinapasukang kompanya ng kanyang Papa Wilfredo. Lahat sila ay may tig-iisang tasa ng kape na sadyang ang kanyang ina pa ang nagtimpla.Nakaupo si Wilfredo sa kabisera ng mesa. Ang kanyang inang si Vilma ay nakapwesto sa kanan nito habang si Analyn ay hindi mapalagay na palakad-lakad. Ang bunso sa kanilang pamilya na si Anjielyn ay kasalukuyan pang nasa university na pinapasukan nito."Ako ang accountant ng JGCC, Analyn. Iniisip nila na minamanipula ko ang bawat financial report ng kompanya. I don't know pero iyon lang ang nakikita kong rason kung bakit ako ang pinagbibintangan nila.""Hindi lang ikaw ang nasa accounting department, papa," giit niya pa. Huminto siya sa pagpapabalik-balik ng lakad at napahawak sa sandalan ng upuang nasa h
Mabilis ang naging pagtalikod ni Analyn nang makita siya nito. Akmang aalis na ang dalaga ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa nito ay agad nang tinawid ni Romano ang distansiya sa pagitan nilang dalawa saka ito marahas na hinawakan sa kanang braso.Analyn flinched and instantly turned to look at him. Dahilan iyon para muli niyang masilayan ang mukha nito na ngayon ay kababakasan na ng pagkabahala."Bitiwan mo ako," mariin nitong saad kasabay ng pilit na pagbawi sa braso nitong hawak niya.But Romano did not obey what she said. Marahan niya pa munang iginala ang kanyang paningin sa kanilang paligid saka iginiya ang dalaga palapit ulit sa kinapaparadahan ng kotse niya.Nang mapansin ni Analyn ang balak niyang gawin ay mas naging mariin ang pagbawi nito sa sariling braso. Sanhi iyon para mahinto siya sa pag-akay sa dalaga at muling pagharap dito."Bitiwan mo sabi ako. Hindi mo ba ako narinig? Or you want me to shout here para makaagaw tayo ng atensiyon?" wika nito na may pagbaban
"Hindi mo dapat ginawa iyon. Why did you have to call me that way in front of them? Iisipin nila na may relasyon tayong dalawa," mariing lintanya ni Analyn kay Romano.Kasalukuyan pa silang nasa loob ng sasakyan nito. Mula sa lugar kung saan sila nagkaharap-harap nina Josh at Cristina ay basta na lamang siya inakay ni Romano na pumasok sa loob ng kotse nito saka ito nagmaneho paalis.Sa ngayon ay nakahinto na sila sa tabi ng kalsada ngunit kapwa pa rin nakaupo sa loob ng sasakyan ng binata. Hindi niya maiwasan ang pag-alpas ng galit, kung kanino mas partikular ay hindi na niya mawari.Alam niyang nakadarama siya ng galit para kay Josh at Cristina. Matapos ng ginawa ng mga ito sa kanya ay hayun at lumalabas na nga ang dalawa nang magkasama. Sadyang pinanindigan na ang panloloko sa kanya.On the other hand, hindi niya rin maiwasang magalit kay Romano. Hindi niya maunawaan kung para saan ang ginawa nito kanina. Hindi man nito aminin ngunit alam niyang sinadya ng binata ang ginawa nitong
"Fvck! Bullshit!" sunod-sunod na pagmumura ni Josh habang magkakasunod na pukpok din ang kanyang ginawa sa manibela ng kotse niya. Halos gumawa pa ng mahinang tunog ang kanyang mga ngipin dahil sa galit na nadarama.Nasa loob pa siya ng kanyang sasakyan kasama si Cristina. Nakaupo si Josh sa may driver's seat habang ang dalaga naman ay nasa passenger's seat at nababahalang nakatitig sa kanya.Isa pa muling hampas sa manibela ang kanyang ginawa na sadyang ikinapitlag pa ng kanyang kasama."J-Josh, will you calm down? Walang mangyayari kung paiiralin mo iyang galit mo. In the first place, ano ba ang ikinagagalit mo?" wika sa kanya ni Cristina."Hindi ko maintindihan kung paanong nakilala ni Analyn ang Silerio na iyon," nangangalaiti niyang sabi. "Hindi mo ba napansin ang paghawak-hawak ng lalaking iyon kay Analyn, plus the endearment that he used to call her. Damn!""Nagagalit ka dahil sa may iba na rin si Analyn? Iyon ba?" bigla ay tanong ni Cristina. Hindi pa nakaligtas sa pandinig ni
"Are you out of your mind? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Romano?" gulantang na tanong ng kaibigan niyang si Hendrick. Marahas pa itong napalingon sa kanya at natigil sa balak sanang pagsalin pa ng alak sa sarili nitong kopita. Hindi kasi ito makapaniwala nang marinig ang mga sinabi niya.Kasama niya ang kanyang kaibigan at kasalukuyang nasa loob sila ng opisina nito sa pag-aaring recording company. Hendrick has a wonderful singing voice. Minsan na rin naman niya itong narinig na umawit at totoong humanga din siya sa ganda ng boses ng binata.Pero bihira lang kung kumanta si Hendrick. May pakiramdam pa siya na pilit na nitong iniiwasang umawit, kung ano man ang dahilan ay hindi niya alam. Hindi ito makwento 'di tulad ng iba nilang mga kaibigan.Isa lang din si Hendrick sa mga matatalik niyang kaibigan tulad nina Lorenzo, Ethan at Winston. Ang iba pa nilang mga kaibigan ay abala din sa kanya-kanyang buhay at negosyo ng mga ito. Pero once in a while ay sadyang nagkikita-kita din s
Agad na iginala ni Analyn ang kanyang paningin sa kabuuan ng restaurant upang hanapin ang taong katatagpuin niya para sa araw na iyon. Malapit na mag-alas onse ng tanghali dahilan para halos mapuno na ang loob ng naturang establisimiyento.Marahan ang naging paghakbang niya papasok at patuloy lamang sa paglibot ng kanyang mga mata. Akmang kukunin niya na ang kanyang cell phone upang sana ay tawagan ang taong hinahanap nang bigla ay lapitan siya ng isang staff ng restaurant."Good morning, ma'am. How can I help you? You are looking for a table for---""I-I am with someone," putol niya sa pagsasalita ng babae. "H-Hindi ko lang siya makita.""Do you have reservation? May I know the name of your companion, ma'am?"Wala sa loob na sumagot si Analyn. "R-Romano Silerio," saad niya habang hinahagilap pa rin ang binata.Malawak ang restaurant na kinaroroonan niya ngayon. Halatang mamahalin kahit yata ang pinakasimpleng pagkain roon. Kahit ang mga customer na kasalukuyang naroon na at kumakain
"Romano, are you even thinking?" hindi maiwasang itanong ni Analyn sa binatang kanyang kaharap.Nang marinig niya ang takbo ng pakikipag-usap nito sa kung sino mang tinawagan ay nahuhulaan na ni Analyn ang binabalak nitong gawin. Bagay iyon na mas nagpabahala sa kanya. Hindi niya pa nga alam kung paano haharapin ang kanyang mga magulang at sabihin ang sitwasyon niya ngayon, tapos heto at may naiisip pang gawin si Romano."Obviously, Analyn, I am thinking," he said with firmness on his voice. Seryoso din itong nakamasid sa kanyang mukha at tuluyan na ngang kinalimutan muna ang tungkol sa pagkain ng tanghalian. Waring natuon din kasi ang buong atensiyon nito sa kanyang ibinalita."Romano, hindi naman iyan ang solusyon. I mean---""There is no other solution but to marry you, Analyn," mariin pa nitong awat sa kanyang pagsasalita. "You are carrying my child. My child, Analyn. And you think hahayaan kong hindi niya dalhin ang apelyido ko?"She was stunned for a minute. Hindi niya gaanong k
Mabilis na napatayo nang tuwid si Romano nang mamataan niya ang pagdating ng sasakyan ni Hendrick. Sa mismong tabi ng kanyang kotse piniling pumarada ng kanyang kaibigan at sadyang hinintay pa ni Romano na makalabas ito mula sa sariling sasakyan.He saw as the car's door opened. Mula sa may driver seat ay lumabas si Hendrick at agad na naglakad palapit sa kanya. Hindi pa nakaligtas kay Romano ang magkadikit na mga kilay nito na kung tutuusin ay waring normal na sa binata."What is the meaning of this, Romano? Will you please explain what you are planning to do?" anito nang makalapit na sa kanya."What is there to explain, Hendrick? Hindi ba malinaw ang mga sinabi ko sa iyo kaya kita pinakiusapan na magtungo dito?""Pinakiusapan? My ass! Inutusan mo ako, Romano," sarkastiko nitong saad. "You told me to come here and be your witness on your wedding? Are you out of your mind? Anong kasal ang pinagsasasabi mo?"Romano just chuckled. Isa sa mga pag-uugali ni Hendrick na alam na nilang magk
Prenteng nakahiga si Romano sa mga pinong buhangin ng dalampasigang kinaroroonan niya. Mag-aala sais na ng hapon at halos nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Nasa resort siya ng kaibigan niyang si Ethan at dahil sa nalalapit niyang paghawak sa kompanya ng kanyang abuelo ay napagpasyahan niya munang magbakasyon. Kailangan niya iyon bago humawak ng isang napakalaking responsibilidad.Nasa parte siya ng resort na halos malayo na sa mga tao. Lampas na iyon sa mga kubong maaaring okupahin ng mga turistang naroon. He intentionally stayed there. Nais niyang mapag-isa upang mapag-isipan kung ano ang dapat gawin sa problemang kinakaharap ng kompanyang pag-aari ng kanyang abuelo.Ngunit ang katahimikang tinatamasa niya nang mga sandaling iyon ay nagambala. Kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya ay mabilis nang nahinto. Iyon ay dahil sa iisang rason--- agad niyang namataan ang isang babaeng marahang humahakbang patungo sa kanya.The woman was walking slowly. Wari bang wala itong pakialam sa pa
"Y-You really love me?" Romano asked her again in disbelief. Mataman itong nakatitig sa kanyang mukha na wari ba ay hindi malaman kung ano pa ang sasabihin."Hindi ka ba naniniwala? What do I need to do for you to---""Kiss me," mabilis nitong sagot sa kanya. "Just kiss me, sweetheart."A soft smile broke her lips. Sa kabila ng mga luha sa kanyang mga mata ay hindi niya mapigilan ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi.Hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang sinabi nito. Sa mabilis na kilos ay tinawid niya ang kaliit na distansiya sa pagitan nilang dalawa. Agad niya ring iniangat ang kanyang dalawang braso at ipinaikot ang mga iyon sa batok ng kanyang asawa.His arms instantly snaked on her waist as her lips claimed his. Sa una ay isang masuyong halik lang ang iginawad niya kay Romano. Waring nananantiya pa ang bawat hagod na ginagawa niya sa mga labi nito.Until, as if became impatient, Romano deepened the kiss. Ito ang unang naging agresibo dahilan para naging mapusok na a
Napabuga ng isang malalim na buntong-hininga si Analyn kasabay ng pagtingala niya sa madilim nang kalangitan. Kasalukuyan siyang nasa may hardin ng bahay ni Romano. Pasado alas-nueve na ng gabi at dahil sa hindi pa dinadalaw ng antok ay nagpasya muna siyang bumaba.Kanina pa tulog si Ruth sa nursery room nito. Kasama nito si Melody na sadyang binilin niya munang samahan ang kanilang anak. Sa loob nga lang ng ilang araw ay natapos ang pagpapaayos ni Romano ng dalawang silid sa ikalawang palapag. May pintong nagkokonekta sa silid nila at nursery room ng kanilang anak.Hindi siya makadama ng antok. Katunayan, hindi mapanatag ang isipan niya. Hanggang nang mga sandaling iyon kasi ay hindi mawala sa kanyang isipan ang mga narinig na sinabi ni Mr. Gracia sa kung sino mang kausap nito sa cell phone.Analyn can't help but to be filled with so much questions. Kanina pa gumugulo sa isipan niya ang tungkol sa bagay na balak ipawalang-bisa ni Mr. Gracia. Bagay iyon na ayon na rin sa matanda ay gu
"Papa!" malakas na sigaw ni Analyn nang makita niya ang ginawa ng kanyang ama.Isang malakas na suntok sa mukha ni Romano ang iginawad ng kanyang Papa Wilfredo. Tulad nga ng sinabi ng kanyang asawa, ang pamilya niya naman ang sinadya nila nang araw na iyon upang makausap.Maaga pa lang ay gumayak na sila papunta sa bahay ng kanyang mga magulang. Romano wanted eveything to be settled between them. After their conversation last night, Romano asked her to give him a chance. At gustong simulan iyon ng kanyang asawa sa pamamagitan ng pag-aayos din ng relasyon nito sa kanyang ama at ina.Ngunit pagkababang-pagkababa pa lamang nila mula sa sasakyan ay agad nang lumapit ang kanyang ama na noon ay kasalukuyang nasa may labas lamang ng bahay. Agad niya pang nakita ang lumarawang galit sa mukha nito nang humakbang patungo kay Romano. Isang suntok nga sa pisngi ang binigay nito sa kanyang asawa.Mabilis niyang nilapitan si Romano. Muntik pa itong sumadsad sa sarili nitong sasakyan dahil sa ginawa
Naging awtomatiko ang pagpikit ng mga mata ni Analyn nang dumampi ang mga labi ni Romano sa kanya. Sa una ay mariin ang halik na iginagawad nito na wari bang intensiyong pahintuin lamang siya sa kanyang pagsasalita.Until the way he kissed her suddenly changed. It became passionate and gentle, dahilan pa nga para madali siyang mapahinuhod na tumugon sa ginagawa nito.Hindi niya alam kung ilang segundo ang namagitang halik sa kanilang dalawa. Mas naging malalim pa kasi iyon nang tuluyan siyang magpaubaya sa pananalakay ng mga labi ni Romano sa kanyang bibig.Tuluyan na nga sana siyang madadarang nang bigla ay matigilan si Analyn. Siya na rin ang pumutol sa kanilang ginagawa. Marahan niyang iniiwas ang kanyang mukha kay Romano sanhi para ang labi nito ay mas dumapo na lamang sa kanyang pisngi. Naputol ang halik na namamagitan sa kanila ng kanyang asawa ngunit nanatiling hawak pa rin nito ang magkabila niyang pisngi."R-Romano, please... baka may makakita sa atin," she said in almost a w
Tuluyang tinapos muna ni Analyn ang pagpapalit ng damit sa kanyang anak bago siya tumayo nang tuwid at binuhat na ito. Lumingon din siya ulit sa taong bigla ay bumungad sa may entrada ng banyong kinaroroonan nilang mag-ina--- si Cheryl Hermosa."Gagamit ka ba ng banyo? We're already done," kaswal niyang sabi sabay akmang hahakbang na sana palabas ng banyo.Ngunit dahil sa nakatayo sa may daraanan niya ang dalaga ay agad ding natigilan si Analyn sa balak niyang pagbalik na sa may sala. Matapang niyang sinalubong ang titig si Cheryl saka nagtanong dito."Do you need anything?" aniya sa seryosong tinig."Kanina ko pa iniisip kung saan kita unang nakita," tugon sa kanya ni Cheryl. "You're from Sparkling Advertising Company, aren't you? I remember seeing you there.""Tama ka. N-Nagtatrabaho ako sa Sparkling," aniya dito. "Is there something wrong with that?""Wala naman," tugon nito sabay kibit ng mga balikat. "I was just... puzzled how you and Romano ended up being married. Matagal ko na
Isang mariing paglunok ang ginawa ni Analyn nang makita niya ang pagpasok ni Cheryl Hermosa sa dining area na kinaroroonan nila. Mayroon itong ubod ng tamis na ngiti sa mga labi habang litaw na litaw ang kaseksihan sa suot na damit.Cheryl was wearing a red dress. Dahil sa kulay niyon ay mas lalong lumitaw ang kaputian ng dalaga. Hapit iyon sa katawan nito kaya kitang-kita din ang kurba ng babae.Tulad ng una niyang pagkakakita dito ay sadyang kahanga-hanga ang pagdala nito ng kasuotan. Hindi na iyon kataka-taka sapagkat base na rin sa propesyon at katayuan sa buhay na mayroon ito, inaasahan na talaga ang galing nito sa pananamit."You are just on time, hija," narinig niyang sambit ng isang matandang lalaki na kung tama ang pagkaalala niya ay ang pinakilala ni Romano bilang Henry, ang matalik na kaibigan ng Lolo Julio ng kanyang asawa."Hi, tita... tito," malambing na saad pa ni Cheryl sabay lapit sa mga magulang ni Romano at kapwa nakipagbeso sa mga ito. Matapos niyon ay binati at ni
Habol pa ni Analyn ang kanyang hininga nang iyakap ni Romano ang isang kamay nito sa kanyang baywang. Hinapit din siya ng kanyang asawa palapit sa katawan nito dahilan para magdikit ang kanilang kahubdan.Naroon pa rin sila sa mahabang sofa at halos ipagkasya ang mga sarili matapos ng mainit na pagtatalik na kanilang pinagsaluhan. It was an earth-shattering moment that Analyn felt like she was still floating. It felt so overwhelming for her that she just noticed some unshed tears from her eyes.Tama si Romano. It has been so long since they made love. Kaytagal na nang huli niyang naramdaman ang ganoong damdamin. Ngunit nakamamangha na sa kabila ng dalawang taong pumagitna sa kanilang mag-asawa ay hindi man lang nagmaliw ang emosyong nadarama niya sa tuwing inaangkin siya ni Romano. Ni hindi iyon nagbago. Kung ano man ang naramdaman niya kanina ay ang siyang nadarama niya rin ng mga unang pagkakataong may namagitan sa kanila.And strange that she missed that emotion... she missed Roman
Agad na napabangon mula sa pagkakahiga si Analyn nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nasa loob na siya ng silid ni Romano sa may ikatlong palapag at katabi niya na si Ruth na kanina niya pa napatulog.Natuon ang kanyang mga mata kay Romano nang tuluyan itong bumungad sa pinakakwarto. His stares darted on her as well as she sat on the bed. Kanina pa nakatulog si Ruth ngunit siya ay hindi man lang naidlip. Sadyang hinihintay niya nga ang pagdating ni Romano sapagkat nais niya itong makausap."Why are you still awake? It's already past ten, Analyn," nagtataka nitong sabi habang naglalakad palapit sa kanya.Tinawid nito ang ilang distansiya sa pagitan nilang dalawa saka inilapag ang pag-aaring cell phone sa ibabaw ng bedside table na nasa may panig niya lamang. Nakatuon pa rin ang mga mata nito sa kanya habang tinatanggal naman ang suot na relo. Katulad ng cell phone, inilapag din iyon ni Romano sa ibabaw ng mesita."Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito ulit."H-Hinihintay kita,