"Romano, are you even thinking?" hindi maiwasang itanong ni Analyn sa binatang kanyang kaharap.Nang marinig niya ang takbo ng pakikipag-usap nito sa kung sino mang tinawagan ay nahuhulaan na ni Analyn ang binabalak nitong gawin. Bagay iyon na mas nagpabahala sa kanya. Hindi niya pa nga alam kung paano haharapin ang kanyang mga magulang at sabihin ang sitwasyon niya ngayon, tapos heto at may naiisip pang gawin si Romano."Obviously, Analyn, I am thinking," he said with firmness on his voice. Seryoso din itong nakamasid sa kanyang mukha at tuluyan na ngang kinalimutan muna ang tungkol sa pagkain ng tanghalian. Waring natuon din kasi ang buong atensiyon nito sa kanyang ibinalita."Romano, hindi naman iyan ang solusyon. I mean---""There is no other solution but to marry you, Analyn," mariin pa nitong awat sa kanyang pagsasalita. "You are carrying my child. My child, Analyn. And you think hahayaan kong hindi niya dalhin ang apelyido ko?"She was stunned for a minute. Hindi niya gaanong k
Mabilis na napatayo nang tuwid si Romano nang mamataan niya ang pagdating ng sasakyan ni Hendrick. Sa mismong tabi ng kanyang kotse piniling pumarada ng kanyang kaibigan at sadyang hinintay pa ni Romano na makalabas ito mula sa sariling sasakyan.He saw as the car's door opened. Mula sa may driver seat ay lumabas si Hendrick at agad na naglakad palapit sa kanya. Hindi pa nakaligtas kay Romano ang magkadikit na mga kilay nito na kung tutuusin ay waring normal na sa binata."What is the meaning of this, Romano? Will you please explain what you are planning to do?" anito nang makalapit na sa kanya."What is there to explain, Hendrick? Hindi ba malinaw ang mga sinabi ko sa iyo kaya kita pinakiusapan na magtungo dito?""Pinakiusapan? My ass! Inutusan mo ako, Romano," sarkastiko nitong saad. "You told me to come here and be your witness on your wedding? Are you out of your mind? Anong kasal ang pinagsasasabi mo?"Romano just chuckled. Isa sa mga pag-uugali ni Hendrick na alam na nilang magk
Romano's kiss did not last that long. Agad din nitong pinakawalan ang kanyang mga labi kasabay ng bahagyang paglayo ng mukha nito sa kanya upang matitigan siya nang mataman.Still stunned by what was happening, Analyn was just standing in front of him and said nothing. Gusto niya pang ipagpasalamat na hapit siya nito sa kanyang baywang. Kung hindi kasi, pakiramdam niya ay dadausdos siya pababa dahil sa nadaramang panginginig ng kanyang mga tuhod.Hindi niya maiwasang makaramdam ng ganoon. Parang ang bilis kasi ng mga pangyayari sa buhay niya. Kailan lang ay balot pa siya ng labis na hinanakit dahil sa panlolokong ginawa nina Josh at Cristina. The next thing she knew, she's now pregnant and married to the father of her still unborn child. Kung paanong ganoon kabilis nangyari ang lahat ay hindi niya na alam."Congratulations again," narinig niyang sabi ni Judge Camara dahilan para maputol ang titigan nilang dalawa ni Romano.Si Romano ang unang sumagot sa nagkasal sa kanila. Iniabot pa
Mariing napalunok si Romano dahil sa naging tanong ng ama ni Analyn, pati na rin dahil sa mataman nitong paninitig sa kanya. Dama niya ang galit mula kay Wilfredo at nauunawaan niya kung bakit. Babae ang anak nito at hindi pa ipinaalam ni Analyn ang tungkol sa pagpapakasal nilang dalawa.But it was his plan. Kailangan ay kasal na sila ni Analyn bago niya harapin si Wilfredo Aguilar. Kapag ganoon ay hindi na siya maitataboy nito basta-basta sapagkat nakatali na sa kanya ang panganay nito.At ginagat ni Analyn ang nais niya. Dahil doon ay tuluyan na siyang parte ng buhay ng dalaga... ng kanyang asawa.Hindi niya mapigilang pagmasdan nang mataman si Wilfredo. He was the typical type of a father. Kahit sinong ama ay ganoon din ang magiging reaksiyon oras na malamang buntis ang anak. Ang hindi niya inasahan ay ang kung paano gumayak ang matandang lalaki. He was simple just like Analyn. Hindi ito glamaroso at hindi kababakasan ng ano mang karangyaan.Maging ang bahay ng mga Aguilar ay ganoo
Matamang pinagmasdan ni Analyn ang bahay na nasa kanyang harapan. Tatlong palapag na bahay iyon na may napakalawak na bakuran. Halata na bagong renovated ang naturang bahay na sadyang ginawa nang makabago ang disenyo. Pati ang kabuuang pintura ay sadyang ibinagay din sa bago nitong istraktura.Sa harapan ng entrada ay ang katamtamang laki na fountain. May isang pigura sa gitna niyon na hugis batang babae na kunwa ay may hawak na isang nakatagilid na banga. Mula sa banga nanggagaling ang tubig na bumubuhos patungo na ibabang bahagi nito. Kung may isda man roon ay hindi na niya pinagkaabalahan pang tingnan."Let us get inside," narinig niyang sambit ni Romano na sadyang nagpapitlag pa sa kanya.Nang nilingon niya ang kanyang asawa ay nakita niyang bitbit na nito ang dalawang travelling bag na naglalaman ng ilang damit niya at mga personal na kagamitan. Mas nauna nga siyang bumaba ng kotse nito matapos maiparada iyon sa napakalawak na garahe. Mula sa kanilang bahay ay doon nga siya dinal
"Don't worry, 'lo. Ilang araw lang ho akong mawawala. I'll be back after two days," saad ni Romano sa kanyang Lolo Julio na ngayon ay kausap niya sa kabilang linya.Pasado alas-sais pa lang ng umaga at kahit nahirapan siyang matulog kagabi ay napakaaga niya pa ring nagising. Nakapaligo na siya at tanging underwear at boxer shorts ang kanyang suot na sadyang pinatungan niya lamang ng puting roba. Basa pa nga ang kanyang maikling buhok tanda na kalalabas niya lang ng banyo kanina.Dumiretso nga siya sa malawak na verandah sa ikatlong palapag ng kanyang bahay at doon ay tinawagan ng kanyang abuelo."I thought you've changed, Romano. Ang sabi mo, pagkatapos ng bakasyon mo sa Davao ay tuluyan mo nang pamamahalaan ang JGCC. Bakit ngayon ay hihingi ka na naman ng dalawang araw na liban?""May importante lang akong kailangan asikasuhin, 'lo," katwiran niya pa sa panenermon nito.Hawak niya ang cell phone sa kanyang kanang kamay at nakatapat iyon sa kanyang tainga. Ang isang kamay niya naman a
Pagkatapos maligo ay agad nang lumipat si Analyn sa walk-in closet na nasa loob ng silid ni Romano habang suot lamang ang isang puting roba. Naroon na ang kanyang mga gamit na hanggang sa mga oras na iyon ay nakasilid pa rin sa loob ng dalawang travelling bag na kanyang dala. Hindi niya pa iyon pinagkaabalahang ayusin at hinayaan na munang nakalapag sa isang tabi ng walk-in closet ang dalawa niyang bag.Ayon kay Romano ay ipapagawa nito kay Nana Arsenia ang pag-aayos ng kanyang mga gamit, bagay na hindi na kailangan pang gawin. Kaya niya namang ayusin iyon at hindi na kailangan pang iutos sa iba.Mula sa banyo at paglipat niya sa walk-in closet ay natanawan niya si Romano na nasa may verandah. Abala ito sa pag-aayos ng mga pagkaing nasa ibabaw ng mesa. Nahihinuha niyang iyon na ang almusal na pinaakyat nito sa silid.Nagbihis muna siya bago nagpasyang lapitan na ang kanyang asawa. Sa kabila ng inis na nadarama dahil sa pang-aasar nito kanina ay hindi rin naman kailangang iwasan niya n
"What do you mean, Romano? Nagkamali ka ba ng bintang sa ama ng asawa mo?" narinig niyang magkasunod na tanong ni Hendrick.Kasalukuyan niya itong kausap sa kanyang cell phone. Matapos ngang mag-almusal kasama si Analyn ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan. Naroon siya sa may hardin ng kanyang bahay habang naghihintay sa asawa niya. Nasa taas pa ito at nag-aayos.Katulad ng sinabi niya kay Analyn ay nakatakda silang makipagkita sa kakilala niyang doktor. Nagpa-schedule siya kanina sapagkat nais niya ring masiguro na maayos ang dinadala nito. Hindi lang ng kanyang anak, actually, kung hindi maging ng asawa niya na rin mismo.Habang naghihintay nga sa pag-aayos nito sa sarili ay tinawagan niya muna si Hendrick upang sabihin dito ang mga napuna niya sa kanyang asawa. Wala siyang ibang mapagsabihan kundi ito lamang. Alam din naman nito ang tungkol sa pagnanais niyang mapalapit sa pamilya Aguilar upang makahanap ng ebidensiya laban kay Wilfredo kaya hindi na siya nangingiming sabihin dit
Prenteng nakahiga si Romano sa mga pinong buhangin ng dalampasigang kinaroroonan niya. Mag-aala sais na ng hapon at halos nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Nasa resort siya ng kaibigan niyang si Ethan at dahil sa nalalapit niyang paghawak sa kompanya ng kanyang abuelo ay napagpasyahan niya munang magbakasyon. Kailangan niya iyon bago humawak ng isang napakalaking responsibilidad.Nasa parte siya ng resort na halos malayo na sa mga tao. Lampas na iyon sa mga kubong maaaring okupahin ng mga turistang naroon. He intentionally stayed there. Nais niyang mapag-isa upang mapag-isipan kung ano ang dapat gawin sa problemang kinakaharap ng kompanyang pag-aari ng kanyang abuelo.Ngunit ang katahimikang tinatamasa niya nang mga sandaling iyon ay nagambala. Kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya ay mabilis nang nahinto. Iyon ay dahil sa iisang rason--- agad niyang namataan ang isang babaeng marahang humahakbang patungo sa kanya.The woman was walking slowly. Wari bang wala itong pakialam sa pa
"Y-You really love me?" Romano asked her again in disbelief. Mataman itong nakatitig sa kanyang mukha na wari ba ay hindi malaman kung ano pa ang sasabihin."Hindi ka ba naniniwala? What do I need to do for you to---""Kiss me," mabilis nitong sagot sa kanya. "Just kiss me, sweetheart."A soft smile broke her lips. Sa kabila ng mga luha sa kanyang mga mata ay hindi niya mapigilan ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi.Hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang sinabi nito. Sa mabilis na kilos ay tinawid niya ang kaliit na distansiya sa pagitan nilang dalawa. Agad niya ring iniangat ang kanyang dalawang braso at ipinaikot ang mga iyon sa batok ng kanyang asawa.His arms instantly snaked on her waist as her lips claimed his. Sa una ay isang masuyong halik lang ang iginawad niya kay Romano. Waring nananantiya pa ang bawat hagod na ginagawa niya sa mga labi nito.Until, as if became impatient, Romano deepened the kiss. Ito ang unang naging agresibo dahilan para naging mapusok na a
Napabuga ng isang malalim na buntong-hininga si Analyn kasabay ng pagtingala niya sa madilim nang kalangitan. Kasalukuyan siyang nasa may hardin ng bahay ni Romano. Pasado alas-nueve na ng gabi at dahil sa hindi pa dinadalaw ng antok ay nagpasya muna siyang bumaba.Kanina pa tulog si Ruth sa nursery room nito. Kasama nito si Melody na sadyang binilin niya munang samahan ang kanilang anak. Sa loob nga lang ng ilang araw ay natapos ang pagpapaayos ni Romano ng dalawang silid sa ikalawang palapag. May pintong nagkokonekta sa silid nila at nursery room ng kanilang anak.Hindi siya makadama ng antok. Katunayan, hindi mapanatag ang isipan niya. Hanggang nang mga sandaling iyon kasi ay hindi mawala sa kanyang isipan ang mga narinig na sinabi ni Mr. Gracia sa kung sino mang kausap nito sa cell phone.Analyn can't help but to be filled with so much questions. Kanina pa gumugulo sa isipan niya ang tungkol sa bagay na balak ipawalang-bisa ni Mr. Gracia. Bagay iyon na ayon na rin sa matanda ay gu
"Papa!" malakas na sigaw ni Analyn nang makita niya ang ginawa ng kanyang ama.Isang malakas na suntok sa mukha ni Romano ang iginawad ng kanyang Papa Wilfredo. Tulad nga ng sinabi ng kanyang asawa, ang pamilya niya naman ang sinadya nila nang araw na iyon upang makausap.Maaga pa lang ay gumayak na sila papunta sa bahay ng kanyang mga magulang. Romano wanted eveything to be settled between them. After their conversation last night, Romano asked her to give him a chance. At gustong simulan iyon ng kanyang asawa sa pamamagitan ng pag-aayos din ng relasyon nito sa kanyang ama at ina.Ngunit pagkababang-pagkababa pa lamang nila mula sa sasakyan ay agad nang lumapit ang kanyang ama na noon ay kasalukuyang nasa may labas lamang ng bahay. Agad niya pang nakita ang lumarawang galit sa mukha nito nang humakbang patungo kay Romano. Isang suntok nga sa pisngi ang binigay nito sa kanyang asawa.Mabilis niyang nilapitan si Romano. Muntik pa itong sumadsad sa sarili nitong sasakyan dahil sa ginawa
Naging awtomatiko ang pagpikit ng mga mata ni Analyn nang dumampi ang mga labi ni Romano sa kanya. Sa una ay mariin ang halik na iginagawad nito na wari bang intensiyong pahintuin lamang siya sa kanyang pagsasalita.Until the way he kissed her suddenly changed. It became passionate and gentle, dahilan pa nga para madali siyang mapahinuhod na tumugon sa ginagawa nito.Hindi niya alam kung ilang segundo ang namagitang halik sa kanilang dalawa. Mas naging malalim pa kasi iyon nang tuluyan siyang magpaubaya sa pananalakay ng mga labi ni Romano sa kanyang bibig.Tuluyan na nga sana siyang madadarang nang bigla ay matigilan si Analyn. Siya na rin ang pumutol sa kanilang ginagawa. Marahan niyang iniiwas ang kanyang mukha kay Romano sanhi para ang labi nito ay mas dumapo na lamang sa kanyang pisngi. Naputol ang halik na namamagitan sa kanila ng kanyang asawa ngunit nanatiling hawak pa rin nito ang magkabila niyang pisngi."R-Romano, please... baka may makakita sa atin," she said in almost a w
Tuluyang tinapos muna ni Analyn ang pagpapalit ng damit sa kanyang anak bago siya tumayo nang tuwid at binuhat na ito. Lumingon din siya ulit sa taong bigla ay bumungad sa may entrada ng banyong kinaroroonan nilang mag-ina--- si Cheryl Hermosa."Gagamit ka ba ng banyo? We're already done," kaswal niyang sabi sabay akmang hahakbang na sana palabas ng banyo.Ngunit dahil sa nakatayo sa may daraanan niya ang dalaga ay agad ding natigilan si Analyn sa balak niyang pagbalik na sa may sala. Matapang niyang sinalubong ang titig si Cheryl saka nagtanong dito."Do you need anything?" aniya sa seryosong tinig."Kanina ko pa iniisip kung saan kita unang nakita," tugon sa kanya ni Cheryl. "You're from Sparkling Advertising Company, aren't you? I remember seeing you there.""Tama ka. N-Nagtatrabaho ako sa Sparkling," aniya dito. "Is there something wrong with that?""Wala naman," tugon nito sabay kibit ng mga balikat. "I was just... puzzled how you and Romano ended up being married. Matagal ko na
Isang mariing paglunok ang ginawa ni Analyn nang makita niya ang pagpasok ni Cheryl Hermosa sa dining area na kinaroroonan nila. Mayroon itong ubod ng tamis na ngiti sa mga labi habang litaw na litaw ang kaseksihan sa suot na damit.Cheryl was wearing a red dress. Dahil sa kulay niyon ay mas lalong lumitaw ang kaputian ng dalaga. Hapit iyon sa katawan nito kaya kitang-kita din ang kurba ng babae.Tulad ng una niyang pagkakakita dito ay sadyang kahanga-hanga ang pagdala nito ng kasuotan. Hindi na iyon kataka-taka sapagkat base na rin sa propesyon at katayuan sa buhay na mayroon ito, inaasahan na talaga ang galing nito sa pananamit."You are just on time, hija," narinig niyang sambit ng isang matandang lalaki na kung tama ang pagkaalala niya ay ang pinakilala ni Romano bilang Henry, ang matalik na kaibigan ng Lolo Julio ng kanyang asawa."Hi, tita... tito," malambing na saad pa ni Cheryl sabay lapit sa mga magulang ni Romano at kapwa nakipagbeso sa mga ito. Matapos niyon ay binati at ni
Habol pa ni Analyn ang kanyang hininga nang iyakap ni Romano ang isang kamay nito sa kanyang baywang. Hinapit din siya ng kanyang asawa palapit sa katawan nito dahilan para magdikit ang kanilang kahubdan.Naroon pa rin sila sa mahabang sofa at halos ipagkasya ang mga sarili matapos ng mainit na pagtatalik na kanilang pinagsaluhan. It was an earth-shattering moment that Analyn felt like she was still floating. It felt so overwhelming for her that she just noticed some unshed tears from her eyes.Tama si Romano. It has been so long since they made love. Kaytagal na nang huli niyang naramdaman ang ganoong damdamin. Ngunit nakamamangha na sa kabila ng dalawang taong pumagitna sa kanilang mag-asawa ay hindi man lang nagmaliw ang emosyong nadarama niya sa tuwing inaangkin siya ni Romano. Ni hindi iyon nagbago. Kung ano man ang naramdaman niya kanina ay ang siyang nadarama niya rin ng mga unang pagkakataong may namagitan sa kanila.And strange that she missed that emotion... she missed Roman
Agad na napabangon mula sa pagkakahiga si Analyn nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nasa loob na siya ng silid ni Romano sa may ikatlong palapag at katabi niya na si Ruth na kanina niya pa napatulog.Natuon ang kanyang mga mata kay Romano nang tuluyan itong bumungad sa pinakakwarto. His stares darted on her as well as she sat on the bed. Kanina pa nakatulog si Ruth ngunit siya ay hindi man lang naidlip. Sadyang hinihintay niya nga ang pagdating ni Romano sapagkat nais niya itong makausap."Why are you still awake? It's already past ten, Analyn," nagtataka nitong sabi habang naglalakad palapit sa kanya.Tinawid nito ang ilang distansiya sa pagitan nilang dalawa saka inilapag ang pag-aaring cell phone sa ibabaw ng bedside table na nasa may panig niya lamang. Nakatuon pa rin ang mga mata nito sa kanya habang tinatanggal naman ang suot na relo. Katulad ng cell phone, inilapag din iyon ni Romano sa ibabaw ng mesita."Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito ulit."H-Hinihintay kita,