Share

Chapter 64

Dahil doon ay binantayan ko siyang kumain, ngunit hindi ko maitatanggi na ngayong nakikita ko siya ay palaging nanunumbalik sa utak ko ang nakita nang gabi na ‘yon.

Pasimpleng kumuyom ang kamao ko at mabilis ko rin na itinago ‘yon, nang matapos siya kumain ay inabutan ko siya ng tubig.

“S-Saji,” mahinang tawag niya at muling hinawakan ang kamay ko kaya tinignan ko siya.

“Oh?”

“H-Hindi ko ginusto ‘yon,” seryosong sabi niya ngunit huminga ako ng malalim.

“Magpagaling ka na tsaka natin pag-usapan ‘yan, may pasok pa alo bukas. Kumain ka at huwag mo pahirapan ang pamilya mo, nakita mo naman na ako ‘di ba?” sumbat ko.

“Mm, i-ingat ka,” mahinang sabi niya.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko nang tumayo ako, “B-Bibisita ka ulit bukas?” baka sakali niya kaya seryoso akong umiling.

“Pag nakalabas ka ng ospital, doon mo lang ako makikita ulit,” saad ko at binawi na ang kamay ko.

“Love..” mahinang tawag niya.

“Sino ang gumawa sa’yo niyan?” tanong ko habang nakatalikod ako sa kanya.

“L-Love—”

“Te
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Karina Ramos
Grabe na yung sakit ms lux bakit po nila kailangang magkasakitan d nila dsurb
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status