Share

Chapter 62

Wala ako sa sariling pumasok sa condo ko, pagkaupo ko sa sofa ay saglit akong natulala matapos matuyo ng luha ko.

Huminga ako ng malalim at tumayo upang kumuha ng alak sa ref, dinala ko ‘yon sa center table at tinignan ang sunod-sunod na pagtunog ng telepono ko.

Parang hindi totoo, parang hindi nangyari, parang panaginip..

Hindi ko maintindihan, g-gusto kong magising sa kung ano mang bangungot ito.

Hanggang sa magsimulang manginig ang kamay ko sa galit nang maalala ang natuklasan. Ni hindi ko man lang nai-abot ang regalo sa celebrant. Naiwan na lang sa kwarto na ‘yon.

Binuksan ko ang alak at tinungga ‘yon, umaasa na baka kapag nalasing ako ay magawa kong makalimutan ‘yon.

Sadyang hindi ko matanggap, dahil buong akala ko ay maayos na ang lahat— napahinto ako nang bumukas ang condo ko.

Natigilan ako nang makita si Kuya Luke na humahangos at nilapitan ako, ngunit sunod-sunod akong humikbi sa dibdib niya at malakas na umiyak.

“K-Kuya,” malakas na tawag ko sa kanya ngunit hindi ko magawang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status