Share

Chapter 4

"Hi sexy! Leaving?"

Mainit na ang ulo ko dahil sa nangyari sa loob ng bar lalo pang uminit nang pagkalabas ko nang may isang lasing na naman ang humarang sa akin.

Goodness! Kelan ba nila ako tatantanan? Sa mga panahong gaya nito parang gusto ko nang tanggapin yung alok ni Kuya na magkaroon ako ng personal bodyguard. Gosh! This type of people are so stressful nakaka dis-ganda!

Umagapay ito sa akin. Hindi ko pinansin at nilagpasan na lang dahil quota na ako sa gulo ngayong gabi. Pero kapag minalas ka talaga ay talagang susubukin ang pasensya mo.

"Alone? You can come with me? Let's enjoy the night." Anito at lumapit pa sa akin. Ayaw ko sana pansinin pero napatalon ako sa gulat nang bigla kong naramdaman ang kamay nitong hinawakan ang pwet ko.

Sa sobrang pagkagulat ko hindi ko rin napigilan ang biglang pag-igkas ng kamao ko na tumama sa panga nito.

Oh it's not gulat pala because I really intend to do it. Buti nga sa panga lang tumama hindi sa lalamunan niya kundi baka natigok ko pa siya. Walang sinumang pwedeng mambastos sa akin.

"Fuck!" Galit na sigaw nito sa akin hawak ang panga niyang natamaan at akmang susugruin ako.

Pero dahil galit ako at naghahanap ako ng mapagbuntungan ng lahat ng galit ko ngayong gabi, tinaas ko ang damit hanggang kahati ang hita ko at isang malakas ng flying kick ang pinatama ko sa mukha ng lalaki. Sapol ulit ito sa panga. Sa sobrang lakas ng pagkakasipa ko sa kanya nawalan ito ng balanse at gumiwang giwang pa.

"Fuck you!"

Inatake ko ito.

"Yudeputa kang gag* ka! Gapanghimuyong ko di kay mapuli nako, hilabtan mo pa gid ko! Amo ni bagay sa imo!" [Tangna kang gag*ka! Nanahimik ako dahil uuwi na ako talagang pinakialaman mo pa ako! Itong nararapat sayo!]

Sinipa ko ito ulit. Hindi ko alam kung ilang sipa ang tumama dito sa sobrang galit ko. Kung hindi pa tumilapon ang pumps na suot ko hindi pa ako titigil. Nakaupo na ito sa kalsada at hawak ang duguang nguso niya.

"Matuto kang rumespeto gag*! Sa susunod na gawin mo ulit yan baka hindi lang ganyan ang aabutin mo."

Galit kong iniwan ang manyakis na lalaki. Hindi ko na rin hinanap kung saan tumilapon ang isang pares ng sapatos ko. Tinanggal ko nalang ang isa at basta na lang tinapon kung saan pero natigilan ako ng marinig kong parang may natamaan.

"Fuck!" Boses ng lalaki ulit mula sa likod ng halamanan.

Gracious goodness! Lalaki ulit? Lintek! Ano bang meron sa gabing ito?

Pagtingin ko sa pinaggalingan ng boses, nagulat ako sa aking nakita. Sino ang hindi kung ang ang taong nakatayo sa madilim na parteng yun ay ang isa sa dahilan kung bakit bad trip ako ngayong gabi. Ang pangit na lalaking akala mo kung sinong gwapo.

Masungit ang tingin at magkasalubong ang mga kilay nitong tumingin sa akin na parang siya pa yung agrabyado. Wow ang kapal ng mukha!

Tinaasan ko ito ng kilay at akmang tatalikuran na ngunit nakita kong naglakad ito palapit sa akin Agad kong napansin ang dalawang pares ng sapatos ko sa magkabilang kamay niya. I was expecting him to yell at me pero isang malaking himala!

"Your shoes." Aniya sabay abot ng sapatos ko.

Bigla atang bumait ang ungas. Pero syempre hindi pa rin nawawala ang inis ko sa kanya kaya tinalikuran ko ito at naglakad palayo sa kanya.

Hindi ko tinanggap ang sapatos kong hawak niya. Naglakad ako nang nakapaa, hindi ko na pinansin ang buhangin at maliliit na batong tumusok sa paa ko.

"Wear you shoes." Tawag nito sa akin pero binilisan ko ang mga hakbang ko.

Kahit nakatalikod ako naramdaman kong nakasunod ito sa akin. Nagmamdali akong naglakad papunta sa sasakyan ko. I'm so done for tonight. Wala na akong energy makipag-away. Ang gusto ko lang ngayon ay makauwi na sa condo ko at makapagpahinga.

Binuksan ko ang sasakyan ko at papasok na sana nang biglang may humarang sa akin.

"Hey!" Sabi nito sabay abot ng sapatos ko sa akin pero galit akong lumingon sa kanya.

"Sayo na yan kung gusto mo. Kung ayaw mo naman itapon mo." Inis kong sagot sa kanya.

Pero mukhang napikon ito sa sagot ko dahil sinabit niya ang takong sapatos ko sa bintana ng aking sasakyan.

"No take that." Mariin at maldito nitong sabi sa akin.

I wasn't expecting him to do that kaya sa sobrang inis ko sa kanya, pahaklit kong kinuha ang pumps ko na sinabit niya doon at pabalyang nilagay sa mga kamay niya. "I said I don't like that!"

Pero maldito niya din itong binalik sa akin. "No! Take it."

"Sabing ayaw ko eh!" Binalik ko ang sapatos sa kanya.

"No brat!"

Binalik niya ulit sa akin.

"Ayaw ko nga sabi!"

"I said take it." At tumalikod na ito gaya nang ginawa niya sa akin kanina sa loob ng bar.

Sa sobrang inis ko, galit kong itinapon sa kanya ang sapatos ko ngunit parang may mata ito sa likod ng ulo niya dahil nakailag ito. Hindi siya natamaan ng tinapon kong sapatos ngunit sabay kaming natigilan nang may natamaan akong sasakyan.

Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya at pati ako ay nagulat din. Bigla, para akong nahimasmasan sa pagmamaldita ko nang makita ko kung ano ang nangyari. Napalakas ata ang pagkatapon ko nang sapatos ko dahil nag-crack ang windshield nung itim na McLaren na naka park ilang dipa ang layo mula sa sasakyan ko.

"Oh shit! Look at what you did? Kung di ka na lang sana nagpakita sa akin hindi ako magkakasala ngayon!" Galit kong sigaw sa kanya. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa pagsigaw ko. Ngunit saglit lang dahil awtomatiko ding bumalik ang masungit nitong anyo.

"Kasalanan mo yan! Ikaw magbayad niyan." Dinuro ko siya.

"Why is it my fault woman? Who the heck throw that fucking shoes?"

"Pakpakin mo mukha mong yudeputa ka! Linlintian ka! Gapahimuyong na gani ko kay gusto ko na mapuli pero ikaw daw si bilatibay ka pagid nga bida bida! Hambal ko sa imo, indi nako sang sapataos nga na pero ano ginbuhat mong si gago ka? Ginhatag mo pa gid sa akon nga demonyo ka!"

[Fu*ck you fuck*r! To hell with you! I just want to go home and have my peace but you loser wanted to piss me. I told you if you want to have that shoes keep it, but if you don't then throw it but what look at what you did? You are really testing my patience, you fuck*r!"]

"Ti anohon ko na karon ha? Daw si gago ka! Ginhatagan mo lang ko problema!"

Kunot ang noo nitong nakatingin sa akin. Siguro dahil wala itong naintindihan sa mga sinabi ko.

"Now what? Tell me! How in this fucking wee hour in the morning I could find the owner of that car?!" Parang umuusok na ang ilong ko sa galit. Kung kanina nahihilo pa ako sa kalasingan ko ngayon parang biglang nawala lahat. Paano ako uuwi nito ngayon?

Pagtingin ko sa lalaki nakakunot pa rin ang kilay nito. Iniwan niya ako at nilapitan niya ang sasakyang natamaan ng sapatos ko at ganun na lang ang pagkagulat ko nang binuksan niya ito.

Gosh! Hindi naman ako nainform na uulan pala ng kamalasan ngayong gabi. Kung alam ko lang sana edi hindi na ako lumabas.

"You have to pay for this."

"What?" I leered." I will not pay for that. It's your fault."

M*****a akong nagmartsa pabalik sa sasakyan ko pero ilang hakbang palang ang nagawa ko nang muli itong magsalita.

"Guess, I will just collect the payment from your brothers then." He said coldly like he knew who my brothers are.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad pero talagang sinasagad niya ang pasensya ko. Talagang ayaw niya akong patahmikin. Gusto niya talagang sirain ang buong gabi ko.

"Okay, then maybe I can call your father or your grandmother perhaps?"

Huminto ako sa paglalakad at galit na lumingon sa kanya. At dahil sa ginawa kong yun kita ko ang ngising tagumpay na sumilay sa mga labi niya.

The guts of this fuck*r!

"Don't you dare call any of my family! Wag mo silang idamay dito kundi ako ang makakalaban mo!"

Kita ko ang pagkislap ng mga mata niya na tila ba natutuwa ito sa galit na nakikita niya sa akin.

"Ang kapal talaga ng mukha mo ano?! Kung sana di mo pinakialaman ang letseng sapatos na yan edi sana wala akong problema ngayon! Bida bida kang kumag ka!"

"It's not my problem either."

"Kasalanan mo!" Sigaw ko sa kanya.

"It's not my fault that my windshield is broken. I'm not the one who throw the shoes."

Wow kapal!

"Ikaw ang dahilan bakit nabasag yang salamin ng sasakyan mo. Kung sana hindi ka umilag edi sana hindi yan natamaan."

"If I didn't dodge then you'll hit me for the second time. You should be thankful I didn't complain for the first time."

"Neknek mo! Hindi ko kasalanan na natamaan ka! Ikaw yung bigla na lang lumalabas kung saan-saan tapos ngayon ako ang sisisihin mo? Lakas mo rin tsong!"

"So, whom I be blaming then?"

Halata ko ang pang-aasar sa boses niya. Ayokong mapikon at magpakita na talo ako pero hindi ko na mapigilan ang inis ko. Gusto ko siyang sugurin at sipain gaya ng ginawa ko doon sa lasing kanina pero bago pa man manalo ang kung anong nasa isip ko ay muli itong nagsalita.

"Don't try hurting me or else you'll be in trouble brat." Aniya na tila ba nabasa nito ang tumatakbo sa utak ko. "I can read you. I know what you're thinking. So what now? Who do you want me to call? Your brothers? Your father? Or your grandmother?"

Lalo akong nagalit sa kanya pero alam kong hindi niya ako tatantanan.

Pero paano niya kokontakin ang mga binanggit niya? Ano may number ba siya? Tama! Niloloko lang ako ng lalaking ito—

"Don't try me. I can contact any of them right here, right now." Anito at agad kinuha ang cellphone sa bulsa niya.

Pinakita niya ito sa akin at naghahamon na tumingin.

This time I don't know if he's still bluffing. But looking at him I can sense that he is serious.

The hell! Who is this human being? Why is he giving me this problem?

Kinuyom ko ang kamao at inis akong tumalikod sa kanya. "I will pay you, wait here!"

Nagmamadali akong nagmartsa pabalik ng sasakyan ko para kunin ang check book ko doon at ang kumag malakas ang loob na sumunod sa akin.

"How much do you need tell me?" M*****a kong tanong sa kanya pero tinaasan niya ako ng kilay.

Ghad! Ano ba talaga ang gusto ng lalaking ito?

Gusto niya bang e-drain ang energy ko? "Once and for all I want to close this issue so that I can go home in peace." I said irritated but this brute remained unbothered. He is enjoying that he is giving me a hard time.

"What!? Tell me magkanong kailangan mo?" Inis na ako, lagpas na sa ulo ko ang nraramdamang galit. Dahil ayaw niyang sumagot pinirmahan ko ang cheke na walang nilalagay na amount doon. Pagkatapos inis ko itong sinakasak sa dibdib niya.

"Take that! Ilagay mo kung magkano ang gusto mong kunin!"

Hindi man lang ito natinag sa paghamaps ko sa dibdib niyang matigas.

Anong matigas Cleopatra! Talagang naisip mo pa yun?

Shit! This guy is really one hell of a problem. Nakita kong binasa nito kung anong sinulat ko sa tseke pero nagulat ako nang basta niya na lang ito nilamukos. Pagkatapos taas noo itong tumingin sa akin. "I don't need this."

What the hell did just happen?

Saglit parang nagloading ang utak ko. Nahirapan akong e-proseso kung ano ang narinig ko.

Ano nga ulit ang sinabi niya? Tama ba ako nang pagkarinig na hindi yun ang kailangan niya? Kung hindi yun edi ano?

"Siraulo ka ba?" Singhal ko nang mahimasmasan na ako.

Pansin ko kanina pa kami dalawa nandito pero himalang wala man lang mga taong lumapit sa amin. Walang naglakas loob o talagang wala pang lumabas?

May nakikita naman akong mga tao sa unahan. Mga lalaking naka-uniporme ng itim gaya nung sa mga tauhan ni Kuya Gustavo. Pero ang mga ito ay nandun lang nakatingin sa amin.

"Ano bang gusto mo? Gusto mo ng bayad diba? Ayan i*****k mo sa bibig mo hanggang sa mabilaukan ka at mamatay!"

Wala na akong pakialam kung magalit ang kumag na ito sa akin. Wala na ako sa mood para sakyan ang trip niya.

Gusto niya ng bayad tapos ngayon binayaran ko na ayaw pa din. Lakas na amats!

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Mukhang di rin alam ng ungas kung ano ba talaga ang gusto niya.

"Give me your number." Pormal nitong sabi sa akin. "Your real contact number or else I will contact your family about this. "Pagkatapos kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang cellphone niya.

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
jay nicky
para-paraan silas ah...
goodnovel comment avatar
chaeng Mohamad
thank you po miss.LadyAva
goodnovel comment avatar
Julie F.Abenes
hahahaha Hindi umubra Ang kamalditahan mo sa Kanya Cleopatra ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status