Share

Chapter 3

Ang angry meter ko lumagpas na sa one hundred.

Nilipat ko ang tingin kay Dana at sa mga kaibigan niya na ngayon ay parang sinusunog na ako sa sa uri ng mga tingin nila. Pero sa totoo lang wala na akong pakialam. 

Actually, kanina ko panapansin ang mga kutong lupa niya na nagbubulungan pero hindi ko lang ni-big deal kasi hindi ko naman sila ka- close. I know them by face dahil mga negosyante din ang mga magulang nila pero hanggang doon lang. 

I even paid for their drinks. Ang kakapal lang ng mga mukhang pagkaisahan ako diba?

"Leave now, Cleopatra."

"Seriously Dana? You're asking me to leave? Sino ka ba sa tingin mo? Are you the owner of this bar?" I asked, mocking her. Kita ko ang galit na  nag-aapoy sa mga mata ni Dana dahil sa tanong ko pero hindi ito sumagot. 

Subukan niya lang sumagot nang hindi ayon sa gusto ko kundi pati siya makakatikim sa akin. Hindi ako natatakot kanino man sa kanila dahil kaya kong protektahan ang sarili ko.Pinag-aral ako ng mga kapatid ko ng self defense para hindi ako maagrabyado. 

"What you can't answer now? You don't know me that much Dana. Hindi mo alam ang kaya kung gawin. And what are you saying? I am making a scene? Wow! Coming from you huh? Sa ating dalawa sino ba ang papansin ha? Hindi ko kailangang gumawa ng eksena para mapansin Dana. Dahil kahit umupo lang ako sa isang tabi sigurado akong mapapansin ang beauty ko. Ikaw ba? Oh wait tumatabingi ilong mo girl."

"How dare you!"

"How dare you too! You don't have the right to tell me what to and what not to do. How dare you judged me! You didn't even bother asking who did the mistake here. That pervert friend of yours harassed me. Do you think papatulan ko ang bastos na yun? Pangit na nga bastos pa!"

"We all knew what kind of woman are you Cleopatra. "Ganting sagot ng m*****a sa akin. I didn't expect that but well yeah she said that. Pinagsalikop pa nito ang kamay sa kanyang dibdib.

"All of us her knew you, you're a flirt. Everyone witnessed what you did earlier, so don't act like you're a saint!"

"Yeah right! We knew what kind of woman are you since then." Segunda nung babeng pula ang kulay ng buhok na anak ng contractor nung bagong ospital na pinapagawa ni Kuya Caleb. Mayabang pa itong ngumisi sa akin na akala mo naman ikinaganda niya yung buhok niya. Feeling niya siguro myembro siya nung BINI. Buni pa siguro pwede!

Pero nawala ang atensyon ko sa kanya nang biglang nagsalita yung katabi niya. Yung babaeng kampat ang kilay at feeling maganda sa braces na suot niya. 

"Malakas lang ang loob mo Cleopatra dahil sa mga Kuya mo. Kung wala ang mga kapatid mo hindi ka makakatayo sa sarili mong mga paa. Akala mo siguro hindi naman alam na bigay lang ng mga kuya mo yung coffee shop mong matabang ang timpla.Wag kang magyabang! Yabang mo! Anak ka lang naman sa labas! Bunga ka lang ng kalandian ng nanay mo. "

Doon na naputol ang pagtitimpi ko. Inisang hakabang ko ang distansya naming dalawa at malakas ko siyang sinampal. Sobrang lakas dahil naramdaman ko ang pag-init ng palad kong lumapat sa mukha niya. 

"Ouch how dare you hurt me!" Shock nitong sabi hawak ang pinsgi niya. 

"Kulang pa yan!" Sigaw ko. May lumapit sa akin para awatin ako. Nanginginig ang katawan ko sa galit. Okay lang kung ako lang ang insultuhin nila pero wag nilang idamay ang nanay ko. 

Kinuyom ko ang aking kamao at taas noo akong tumingin sa kanilang lahat. 

"Leave now Cleopatra you're making a scene."

"Shut you mouth Dana kung ayaw mong pati yan paduguin ko!" I warned. "Tutal sinagad niyo naman ang pasensya ko edi magkasubukan na tayo. You are right,  I'm not a saint girl. So better be ready. I will ask my brother to terminate the contract  and cut ties with your father. "

Nakita ko ang biglang pagbago ng reaksyon nito. Parang nabahag ang buntot na parang natatae. Mabilis naman itong nahawakan ni Melanie. 

Binaling ko ang tingin dun sa babaeng kulay pula ang buhok. "You!" Turo ko dito. " Sige nga sabihin mo sa akin kung anong klaseng babae ako? Seguraduhin mo lang na magugustuhan ko ang sagot mo dahil kung hindi ako mismo ang magsasabi sa kuya ko na tapusin ang kontrata sa tatay mo. You're father is building our hospital right?"  

Kung ano ang takot na nakita ko sa mukha ni Dana ganun din ang takot na dumaan sa mga mata niya. 

Gusto kong matawa, yung malakas na malakas. Yung tipong mabe-bwesit silang lahat. Pero hindi pa ako tapos. 

Nilipat ko ang tingin dun sa babaeng sinampal ko. Pagtingin ko sa kanya nakita ko agad ang pag-atras nito. 

"Tama ka. Malakas talaga ang loob ko dahil sa mga kuya ko. Alam mo ba kung bakit dahil mahal nila ako. Ikaw ba, ano kaya ang mararamdaman ng mga Kuya mo kung sasabihan ko ang kuya Gustavo na maghanap kami ng bagong supplier ng mga feeds?At kapag nagtanong siya sasabihin kong ininsulto mo ang nanay kong nananahimik na sa kabilang buhay. Do you think my Kuya would allow that?"

"Cle—"

"Don't you dare mention my name." Babala ko sa kanya." I'm not kidding here.  Hindi pa ako tapos. Tutal sinabihan niyo akong eksenadora edi sasabihin ko din sa MGA KUYA ko na pinagkaisahan ninyo ako. You want that?"

Walang sumagot sa kanila. 

"Answer me!" Malakas at galit kong sigaw habang nakatingin sa kanila. Ang security ng bar ay lumapit na sa amin pero nagtako ako dahil hindi niya ako sinaway. 

"Akala niyo nagbibiro lang ako dito? Ito ang gusto niyo diba? Pwes ibibigay ko sa inyo."

Wala pa ring sumagot sa kanila. 

"Ano Dana akala ko ba matapang ka?"

Matalim lang itong tumingin sa akin pero hindi nagsalita. 

"Ikaw babaeng pula ang buhok na feeling maganda, ano lalaban ka?"

Wala din akong narinig na salita mula dito. 

"Ang tatapang ninyo pero bahag din naman pala mga buntot! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa akin, sana nga di na lang ako pumunta dito. I can have my own party. I can enjoy my own company but I chose to join you dahil akala ko nagbago na kayo pero nagkamali ako. You people are still the same jealous bitch!  And don't dare tell me leave, because I'm really going. Kung kayo lang din naman ang makakasama ko mabuti pang umuwi na lang ako."

Inayos ko ang damit ko at akmang aalis na pero bigla akong hinawakan ni Melanie. 

"Wait Cle, how about the other  drinks? It's not paid yet. You promised that you'll pay for that. I don't have money to pay for that Cle." 

Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at galit itong tinanggal. 

"Ang lakas niyong uminom tapos wala kayong pambayad? Birthday ko ba? Ako ba ang nag-invite sa mga yan Melanie? "

"Cle kasi..."

"You people don't like me right? Pwes bayaran niyo yang ininom niyo! I'm out of here."

"Cle please—"

"Don't push me to my limits Melanie. Baka pati utang niyo nung nag Japan tayo sisingilin ko."

Matalim ko silang tinapunan ng tingin lahat. 

"Don't think that I'm just bluffing here. I will really tell my brothers about this. I can make all your life miserable."

"Cle—" Melanie tried to reach me but I glared at her. 

"I'm done with you all. I chose to be your good friend but you people chose me to be your worst enemy. So be it."

_____________________________

08-15-2024

Mga Comments (13)
goodnovel comment avatar
AR YC
i love ur character cleo.........
goodnovel comment avatar
Windtouchesthesky
Update po please ...
goodnovel comment avatar
Cherielyn Miolata
thank you.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status