Share

Chapter 2

I was stunned for a while. Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko sa sobrang pagkapihiya. That's the biggest insult I ever received my whole life. At ang masaklap pa, hindi man lang ako nakaganti sa kanya.

Alam mo yung feeling na gusto mo siyang sabunutan pero hindi mo nagawa? Yun ang nararamdaman ko ngayon. Pagtingin ko sa dinaanan niya wala na ito doon. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta pero bigla itong naglaho. 

Bwesit!

"Cleo, come back here!" Narinig kong sigaw ni Dana. 

Inis akong nagmartsa pabalik sa kanila.

"What took you so long Cleopatra ang tagal mo ah."

"Wow Cle congrats! Ang daming sumubok pero ikaw lang ang nakalapit kay pogi. Ang galing mo! Bilib na talaga ako sa ganda mo. Si Dana lumapit kanina pero hindi kinibo, diba Dan?" Melanie said after congratulating me for a job well done. Akala niya siguro maganda ang kinalabasan ng dare na pinagawa nila. Hindi nila alam na na-reject ako ng hambog na yun. But of course I will not tell them because if I do, I'm sure pagtatawanan nila ako.  

But wait, anong sabi niya sumubok si Dana na lumapit sa hambog na yun kanina? Pagtingin ko kay Dana nakataas na ang isang kilay nito kay Melanie na tila ba hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. 

"Oh I'm sorry . I think I've mistaken you for someone Dan. I'm so sorry for my mouth. Alam ko namang imposible na tanggihan ka ni pogi. Tsaka mas maganda ka pa kay Cleo. I mean magkasing ganada kayo i Cleopatra. I'm hundred percent sure na kung ikaw ang lumapit kay pogi para sa dare mapapansin ka rin niya. C'mon let's enjoy." Yumakap ito kay Dana at may binulong. 

Saglit pa siyang minalditahan ni Dana pero kalaunan ay ngumiti na rin. Tama din naman kasi si Melanie, maganda din si Dana, sexy at matangkad pa. Sopistikda din itong kumilos kaya maraming lalaki din ang nagpapapansin sa kanya. 

"Don't you dare mess with me Melanie or else iiwan kita dito." Malditang sabi ni Dana kay Mel. Agad namang yumakap sa kanya ang huli. 

"Ito naman nagagalit agad. Nagkamali lang ang bestfriend mo eh. Sorry na." Lambing ni Melanie sa kanya.

Mabuti na lang at hindi na ni-big deal ni Dana. Nagkulitan sila ulit at sinali pa ako pero wala na akong gana. Sa sobrang inis ko bumalik ako sa mesa mag-isa at  tinungga ko ang mga alak na nandun sa mesa namin. 

Nagpatuloy sina Dana at iba pang girls sa dare nila. Ang ibang girls walang hiya pang sumampa sa ibabaw ng stage at doon sumayaw. Nawala na ang hiya ng mga ito dahil may mga tama na. 

Madami na rin ang nainom ko pero hindi maalis alis sa isip ko ang ginawang pang-iinsulto sa akin ng hambog na lalaking yun. 

The fuck with that man? Ang kapal ng mukha niyang tanggihan ako!

Hindi ba siya nagagandahan sa akin? Ilang lalaki na dito sa bar ang nagpapansin sa akin ah pero hindi ko man lang tinapunan ng tingin. Tapos siya ganun na lang? Swerte nga siya dahil sa dinami dami nang pwede kong pagbigyan ng first kiss ko sa kanya pa talaga. 

Ilang taon ko yung iningatan pero dahil sa isang dare lang naibigay ko!

 Ano bang meron sa lalaking yun at parang nablangko yung utak ko? 

"Hi sexy, alone?" I was back at my reverie when someone talked behind me. 

Agh! That guy with the stinky breath again. Why is he so insensitive? Hindi niya ba na ge-gets na hindi ko siya type? 

I throw him a glance at nahuli ko itong malagkit na nakatingin sa bandang dibdib ko. 

"Can I talk to you, Cle?"  Tanong nito sa akin pero hindi pa man ako nakasagot umupo na ito sa tabi ko.

Umusog ako palayo. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pag-inom nang hindi siya kinakausap. Ayokong kausapin siya dahil baka may masabi ang akong hindi maganda. Pero mula sa gilid ng mga mata ko kita kong nakatingin ito sa akin. Dama ko ang titig niya na para bang gusto niya akong kainin. 

"Cle..."

Umusog ito palapit sa akin at akmang hahawakan ako pero agad kong naharangan ang kamay niya. 

"Don't you dare." Mahina pero may diin kong sabi sa kanya pero ang gago nakakaloko lang na ngumisi sa akin. Lasing na din ito at mukhang wala na sa tamang huwisyo. 

Kung kanina hininga niya lang ang mabaho ngayon pati pawis nito. Ang pabango niya ay humalos sa amoy ng pinaghalong suka, dinurog na santol at bulok na sibuyas na nabilad sa init ng araw tapos biglang naulanan. 

Yucks! 

Kung kanina nasusuka ako dahil sa alak na ininom ko, ngayon nasusuka ako sa amoy niya! Combo ng amoy ng hininga at katawan. Hanep!

"I saw what you did earlier Cle." Nakita ko ang pagdila niya sa kanyang bibig at malakgit itong tumingin sa akin. Kinunutan ko siya ng noo pero mukhang hindi naman ito apektado dahil lalo pa itong ngumisi. 

"But you know what? I can do better. I can kiss better and I can make you moan." 

Yuck! 

Amoy pa lang niya mahihimatay na ako, halik pa kaya? 

Eww!

"Do you want to try me Cle?" Tanong nito sa akin at bago pa ako makasagot sa tanong niya,  nakausog ito palapit at mabilis na naipatong ang kamay niya sa balikat ko. 

"I can kiss better Cle. I can make you wild–"

"Ano ba?!" Pabalya kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko at tinulak siya. "Can't you understand? I said don't touch me."

"Ba't ba ang arte mo sa akin? Mas gwapo naman ako dun sa lalaki ah." Mas lumapit pa ito at dahil nasa sulok kami na-corner niya ako. 

"Kanina pa ako nagtitimpi sa kaartehan mo. Paayaw ayaw ka pa pero kita ko kung paano ka humali dun sa lalaki kanina. C'mon pagbigyan mo na ako, hindi ka magsisisi."

Sinubukan nitong hawakan ako ulit pero bago niya pa nagawa yun nasangga ko na ang kamay niya at walang pagdadalawang isip ko itong pinilipit. 

"I warned you already! Kung ikaw na lang din wag na lang!"

Mas pinilipit ko ang kamay niya dahilan para mamilipit ito sa sakit. 

"What the fuck!" He cursed in pain. "Let go of my hand, bitch!"

Isang malakas na  suntok ang pinadapo ko sa mukha niya. Natamaan ito sa ilong at nakita ko ang dugo na lumabas doon. 

"Fuck bitch! Ouch!"

"Don't you dare call me bitch, loser! I warned you not to touch me." Tumayo ako para mas masaktan siya. 

"Let go of my hand! I will punch you."

Punch you pa ang pucha! Ni halos di na nga siya makatayo sa kalasingan niya punch you pa?

 Tonto! Ulol!

Tinaas nito ang kabilang kamay para abutin ako pero bago niya pa ako maabot at masaktan, malakas kong pinilipit ang kamay niya at sabay tadyak sa pagkalalaki nito dahilan para imahulog ito sa kinauupuan niya. 

"Fuck you, b*tch!"

"Fuck your face, fucker! I won't allow you to touch even a single strand of my hair." Singhal ko sa kanya. Sinubukan nitong patirin ako pero mabilis akong nakaatras palayo sa kanya. 

"What the hell is happening here, Cleo?" Ani Dana na nagmamadaling lumapit sa amin. Magkasalubong ang kilay nito at mukhang hindi nito nagustuhan ang ginawa ko sa kaibigan niya. 

Ang mga babaeng kasama namin kanina ay lumapit din sa amin at mukhang pati ang mga ito ay hindi rin nagustuhan ang ginawa ko. Nakaangat ang mga kilay nilang nakatingin sa akin. Ang iba mukhang handa pang manugod. 

Kahit nakainom ako parang bigla akong nahimasmasan. I have to prepare fo their attack. I can't let them taint my beautiful skin. Never!

"He kicked me Dan. That bitch hurt me. Call the guard." The man with the stinky breath exclaimed na parang inapi ko talaga. 

Daw si hangag ang lilintian! Amo lang to ginbuhat ko sa iya maypa call the guard pa gid na nabal an? Wow!

"Gosh Cleopatra! You did that to  Brix? Don't you know that his father is a police."

"Who cares if his father is a police. Do you think I'm scared? The maniac harrased me."

"Harassed you? Gusto mo bang makulong?" 

Pagtingin ko sa lalaki namimilipit ito hawak ang gitna niya. Napalakas yung pagtadyak ko kaya sigurado akong sapol ang pagkalalaki niya. Pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Bagay lang sa kanya dahil bastos siya. 

" You're so brat! Hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon gusto mo pa rin gumawa ng eksena. Gusto mo ikaw palagi ang center of attention! Are you happy now?"

Oh wow! So kasalanan ko pa ngayon.

"Yang bastos na yan ang kausapin mo!" Tinuro ko ang lalaking mabaho. 

"I didn't do anything to her, Dan. She ask for it. She seduced me." 

"Hoy! Sa baho nang bunganga mo talagang naisip mong e-seduce kita? Ang kapal naman ng mukha mo para maisipan yan. Ni halos di nga ako makahinga sa sobrang baho ng hininga mo tapos aakitin pa kita? Wow lakas ng loob mong yudeputa ka! Hindi ako pumapatol sa mga taong nagpupulutan ng patay na daga uy!"

Narinig ko ang tawanan ng mga nasa kabilang mesa. 

"How dare you b*tch!"

"Ulol! Kabaho sang baba mo! Kag kalangsa sang lawas mo dason akiton ta gid ka? Abaw diin naglakat ang huya mo haw? Pangitaa man anay." [Ang baho ng hininga mo at ang dugyot ng amoy ng katawan mo tapos aakitin talaga kita? Aba'y nasaan napunta ang hiya mo? Hanapin mo muna!]

Hindi ko alam kung naiintindihan ba nung nasa kabilang mesa ang pinagsasabi ko pero nagtawanan ang mga ito. 

"Diba girls? Na-smell niyo ba ang breath ng feeling gwapo na yan? So mabaho right?" Nagpalakpakan yung mga babae sa kabilang grupo. Kaya lalong lumakas ang loob ko. Lalong lumabas ang pagka m*****a ko.

"See? Even them, they smell you. Ano bang pulutan ang kinain mo at ganyan ang amoy ng bunganga mo? Oh wait, I know now why your breath stinks kasi– bastos ka! Pangit ka na nga  bastos ka pa! And don't you dare touch me again. Wala akong pakialam kung police ang tatay mo dahil ikaw yung bastos." 

"Fuck you! you seduced me."

"Mukhang yan? Daw kabog? Excuse me lang hindi ako pumapatol sa mga mukhang ganyan! At wag mo akong tinatakot gago. I'm not scared of you. And you haven't met my brothers yet, ako pa nga lang tiklop ka na, paano pa sa mga Kuya ko?"

My brothers won't be proud if they knew na nakipag-away ako pero sigurado akong hindi din papayag ang mga ito na maagrabyado ako. Lintek lang ang walang ganti. 

"We shouldn't have invited you here. You just ruin Melanie's birthday."

Ruin? Ako pa talaga eh ang laki na nga nang nagastos ko kanina pa. Di ko naman birthday  pero ako ang nagbabayad. Akala ko nga yung first set lang ng drinks pero ubusan pala 'to. Ubusan ng pera, ubusan ng lakas. Pucha!

"C'mon guys help Brix and throw this woman out." 

Throw me out!? Hah! Gusto kong matawa. Patawa tong si Dana! Kung makaasta akala mo talaga sa kanya itong Z' Lounge eh! 

May lumapit na mga kaibigan sa lalaki at tinulungan itong makatayo. Pagtingin ko sa kanya, matalim ang mga mata nitong tumingin sa akin. 

"We're not yet done, bitch. Makikita mo!"

"Oh we're so done loser. Pasalamat ka wala ako sa kondisyong mambugbog ng mga pangit na mabango ang hininga ngayong gabi.  Dahil kung nasa mood ako sigurado akong akong hindi lang ganyan ang inabot mo sa akin."

"Bitch!" He spatted. 

"You're wrong fucker, I'm not a bitch. I'm the queen bitch. Ilabas niyo na yan bago ko pa yan mabugbog." Utos ko doon sa mga tumulong sa kanya. Lumingon pa sa akin ng isang beses ang lalaki. 

"Lakat na! Tonto ka nga katsuri ka! Indi ka gwapo!" [Alis! Gago kang mukhang daga ka! Hindi ka gwapo!]  

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Karen Calvarido Mu
Thank you Ms A.Take care and God Bless
goodnovel comment avatar
chaeng Mohamad
thank you po miss.LadyAva
goodnovel comment avatar
chaeng Mohamad
oh ano kayo ngayon bida bida wala naman pang bayad ahahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status