Share

SWEET HOME
SWEET HOME
Author: Apolinariaaa

Sweet Home

Ningning

Hindi ako kumurap kahit nasilaw sa headlights ng parating na puting Audi. Humalukipkip ako sa harapan no’n, walang kurap na hinintay ang kung sino mang baba.

Tumagal ng ilang minuto pero walang bumaba. Patay na ang makina at ang headlights pero nanatili sa loob ang may-ari.

It's him for sure. Joachim Altamayo. My husband.

Parang takure na kanina pa nakasalang at kumukulo, tuluyan na akong sumabog sa sobrang inis. Nilapitan ko ang mamahaling sasakyan at malakas na hinampas ang hood noon.

“Stop your damn hide and seek game! Harapin mo ako!” sumakit ang lalamunan ko sa pagsigaw.

Halo-halo na ang pagod, gutom, sakit ng paa at inis ko. Pagkatapos akong paglaruan, pahabulin ng putang inang ito, akala niya siguro ay hindi ko siya mahuhuli!

Bumukas ang pintuan ng Audi at unti-unti roon lumabas ang kanina ko pa hinahanap.

Years have changed us, I'm perfectly aware of that. Pero ‘di ko napigilang mapasinghap nang masilayan ang mga pagbabagong inaasahan ko sa mismong mga mata ko.

Joachim came out with his after office attire. Wala siyang coat at tanging white buttoned up shirt na bukas ang ilang butones at nakarolyo ang mga manggas hanggang siko lang ang suot. Ang kaniyang dark blue ay bagay rin sa suot na boots.

Higit sa kaniyang porma, nagbago rin ang pisikal niyang pangangatawan. He was tall and lean back in the days, batak sa trabaho, sa pangingisda. Ngayon ay mas lumapad na ang balikat niya. Ang nakatagong braso ay nasisiguro kong mas malaki na rin ngayon. He's even taller now and the unshaven stubbles makes him look even mature, even darker.

Napaatras ako sa pagkabigla.

“Bold of you to ask me that. It took you ten long years to face me. Isang araw lang, Ning, isang araw lang!” Ramdam ko ang kaniyang pagtitimpi.

Kung ganoon, gumaganti nga siya. Hindi siya pumapayag sa aming annulment dahil hanggang ngayon galit siya at gusto niyang gumanti.

“W-Well, I am here now, huwag ka na magpahabol,” nagpanggap akong hindi napektuhan, nagtapang-tapangan.

Joachim chuckles humorlessly. Nanliit naman ako sa sarili.

“10 years kang nagpahabol,” tumatahip ang dibdib na sumbat niya.

Halos mapaatras ako nang lapitan niya at duruhin.

“Nandito na ‘ko ngayon. I'll set you free, please let's set ourselves free,” pakiusap ko.

Galit siya at kung makikipagmatigasan, sigawan at idaan ko rin sa galit, lalo lang magliliyab sa loob niya ang kagustuhang gumanti.

Nailing siya at natawa na para bang hindi makapaniwala. Na napakaimposible ko. Jaw is clenching, he throws me a disgusted look. Binunggo niya ang balikat ko at nilampasan ako patungo sa kaniyang front door.

“I'm sorry!” sigaw ko sa likod niya.

Huminto naman siya at natigilan pero hindi umikot para harapin ako. Kahit paano alam ko nakikinig siya. Kaya naman nagpatuloy ako.

“I'm sorry for running away 10 years ago. I'm sorry I trapped you in this miserable marriage. I'm sorry, Joachim,” puno ng sensiridad na utas ko.

It took ten long years for me to say those, to face him. Alam kong kailangan niyang marinig iyon. At umaasa ko na baka lumambot siya kapag narinig niya.

“Maghiwalay na tayo. I'll file an annulment, ako na ang bahala sa lahat. Sa mga abogado, ang mga gastusin sa buong proseso. Just be there please,” I beg.

Napatingala siya at dinig na dinig ko ang kaniyang buntonghininga. Parang nagtitimpi at nagpipigil. Dahan-dahan siyang pumihit paharap, masama ang tingin sa’kin. His jaw clenches again. At aaminin ko, bahagya akong natakot sa maari niyang gawin. Pero napahilamos lang siya sa sariling palad, halatang nagpipigil.

Saan na naman kaya sa mga sinabi ko ang nakapagpagalit sa kaniya? Napaisip ako.

“Money is the least important issue here. Alam kong mayaman ang…” Huminto siya, hindi magawang sabihin ang susunod. Napabuga siya ng hangin at iniwas ang tingin. Dahil kung hindi, pakiramdam ko ay tatalksik ako kapag dumapo ag kamao niya sa akin.

“Ayaw ko,” sa huli ay tanging nasabi niya bago muli akong talikuran.

This time, hindi ko siya hinayaan na basta na lang akong talikuran upang tuluyang pumasok sa loob. There's no way I'll chase him inside that house!

Hinawakan ko ang braso niya. My hand looks small around his veiny arms. Dati na iyong maugat pero mukhang mas maugat na ito ngayon, mas malaki at mas mainit…

Kamuntikan nang lumipad ang isip ko sa kung saan. Mabuti na lang at marahan niyang winaksi ang kamay ko. Dahil siguro may naramdaman din siya.

The touch was hot and electrifying, in a not so pleasurable way. Baka disgust para sa kaniya at indifference para sa akin.

“Anong ayaw mo? This is very much needed! It's for you too! Bakit ayaw mo?” medyo frustrated na sabi ko.

“Annulment? I don't need that. Ikaw lang ang may kailangan.”

“Ayaw mo bang mag-asawa ulit?” ‘di nag-iisip na sambit ko.

I should stop, really. For some reason, I don't want to know the answer. I don't want to hear it. Gusto kong takpan ang tainga pero ayaw ko naman na magmukhang ewan.

“I already have a wife,” his baritone voice pierces my ear.

Nalunok ko ang kung anumang sanang sasabihin. Bahagyang uminit ang pisngi ko. Totoo naman. I am his wife, legally, but I never was the wife I should be to him.

Ang pag-iinit ng pisngi ko ay napalitan kaagad ng kakaibang pakiramdam. Something twists in the hollow pit of my stomach, something bitter, tastes like guilt.

“I've never been a wife to you. Kaya nga maghiwalay na tayo.” Inangat ko ang tingin sa kaniya.

He still has those dark eyes towards me. Hindi man lang lumiwanag kahit natatanglawan ng buwan.

May kung anong kumislot sa tiyan ko sa paraan ng titig niyang iyon. Lalo nang dahan-dahan siyang lumapit. Kaya naman napaatras ako sa takot na mas maapektuhan pa.

“Iyon na nga e, ano namang sasabihin mong grounds para sa annulment kung hindi ka nga naging asawa sa’kin?” may pang-uuyam sa kaniyang boses.

Sandali akong napaisip.

“M-Madali na lang ‘yon, tutulungan tayo ng mga attorney,” sinubukan kong hindi mautal pero dahil intimidating ang tindig, tinig at aura niya, hindi mapigilan ng dila ko na magbuhol-buhol.

Tumikwas ang perpekto at makapal na kilay ng kaharap ko. Lalo lang akong na-intimidate.

“That’s the best you can do to convince me? Ang magsinungaling sa korte?” bakas ang pang-uuyam sa boses niya.

Nanliit ako sa sarili. Ngunit bilang instinct, mas lalo ko pang itinaas ang noo para panindigan ang baluktot na prinsipyo.

“Then what can I do to convince you?” tanong ko, handa nang ibigay ang anumang gusto niya para lang matapos na ito. I don't have so much time to play with him.

“Pera ba?” suhestiyon ko dahil iyon lang naman ang sigurado na mayroon ako.

“Sinabi ko na, hindi pera ang isyu rito,” he frowns, mukhang nainsulto.

“E, ano? Nagsorry na ako and it's sincere. Gusto mo bang lumuhod pa ako at magmakaawa?”

May kung anong kinang ang dumaan sa mididilim niyang mata. Maybe anger, I'm not sure. He shifts his weight and cocks his head towards me.

“Why don't you try? Baka sakaling pumayag ako,” his voice dropped an octave.

Nalaglag ang panga ko. Bago napabuga ng hangin at hindi makapaniwala!

I guess, everything has changed in the past ten years. The old soft, only to me—Joachim is not here anymore. Ang kaharap ko ay ibang-iba sa Joachim noon. This one is darker, rougher, crueller, every negative adjective I can describe for a personality.

Pero sige! Para matapos na at hindi ko na siya makita ulit.

“‘Yon ba ang gusto mo? Lumuhod ako at magmakaawa?” nanginginig ang boses na tanong ko.

Hindi siya sumagot. Mula sa puwesto ko, ilang dipa mula sa kaniya, lumuhod ako sa mabatong lupa. Nalukot agad ang mukha sa maliliit na batong tumusok sa tuhod ko. I hope they won't bruise hard enough to mark.

Narinig ko ang pagsinghap ni Joachim. Malamang na hindi inaasahan na gagawin ko ang hamon niya.

“I'm sorry, Joachim. I'm so, so sorry—” Paangat pa lang ang tingin ko nang may isang marahas na braso ang sinubukan akong itayo.

“Tumayo ka riyan,” mariin na turan ni Joachim, hawak ang magkabilang braso ko.

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Naghalo-halo na ang emosyon ko sa buong araw. Pero sinubukan ko ang lahat para pigilan sa pagtulo ang mga iyon.

I resist from his hold. Hindi ako papayag na walang mapapala ang paglalaro, habulan namin ngayong araw. There's no next day for humiliation!

Umiling ako. “Not until you say yes.”

“This won't do, Ningning, kaya tumayo ka riyan!” medyo tumaas na ang kaniyang boses.

“You need to say yes!” pagmamatigas ko, tuluyan nang lumuha.

Natigilan naman si Joachim nang namataan na ang mga luha ko. Unti-unti niyang binitawan ang mga braso ko. He leans back, kneeling on the ground as well, to stare at me.

Dumaan ang galit, sakit, at guilt sa mga mata niya. Bago nanginginig ang malalaking kamay na sinapo ang mukha ko. I am too weak to protest so I let him. Nang hindi ko winaksi ang kamay niya, nilapit niya ang mukha niya at idinikit ang noo sa noo ko.

The proximity, his smell and his touch makes me cry even harder. His thumb wipes the tears and sooths the skin on my cheekbones.

“Don't do this to me,” garalgal na pakiusap niya.

Sa ilang minuto, parang nakita ko muli ang dating Joachim mula sa kaharap ko. The old Joachim that was so weak for me.

“I-I don't have so much time,” hikbi ko sa mga palad niya.

“Gaano pa katagal, hmm?” marahan na tanong niya, malayo sa kaninang nag-utos na lumuhod ako.

Nilunok ang mga nagpupumikit lumabas na hikbi sa lalamunan.

“Isang buwan lang ang mayroon ako,” sagot ko, lumuluha pa rin.

Humiwalay si Joachim para titigan ako. He discards his fingers through my hair, looking straight at me. Hindi ko mabasa ang kung anong tumatakbo sa isip niya.

“Then use that one month to make me say yes,” aniya at hinaplos ang buhok ko.

Napakurap ako sa kaniya, hindi masyadong makuha ang ibig niyang sabihin.

“Show me how bad of a wife you are. Be my wife for once, Ning, even just for a month.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status