Home / Romance / SWEET HOME / Kabanata 1

Share

Kabanata 1

Author: Apolinariaaa
last update Last Updated: 2024-06-29 15:35:11

Ningning

Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo nang pilitin kong gumising. Naglalalakad pa lang kami sa dalampasigan. Alam na alam ko ang mga susunod na mangyayari at ayaw kong mangyari iyon.

Sinubukan kong gumalaw at gisingin ang sarili. Naramdaman ko ang pagod kahit hindi naman ata nagalaw.

Nakita ko ang dalawang pirasong kulay kape na mga mata at namumungay. I stopped wiggling. Pero gusto ko pa rin iyon na matapos. Gusto ko pa ding umalis. Gusto magising.

I reach for his hands. At sa isang iglap, nakahiga na ako sa buhangin. Malinaw kong nadinig ang pagbukas ng zipper sa likod ko kasabay ng paghampas ng alon sa dalampasigan. The next moments were like in slow motion.

I pulled him close with my arms around his neck. Humupa ang tunog ng mga alon at tanging tunog na lang ng mga labi namin ang nadidinig ko.

Mas tumindi ang kagustuhan kong gumising sa kasalukuyan. Sinubukan kong sigawan ang sarili.

“Ah!" It came out as a moan instead.

Naramdaman ko ang mga kamay niya sa katawan ko. Sa bawat parte na parang totoong nagyayari ulit iyon ngayon. I felt a tear fell from the side of face. At sa wakas, nagising ako.

Kumakabog ang dibdib at basang-basa ng pawis at kaunting luha sa pisngi. As if I tore my hymen again. Napahilamos ako sa palad at kinalma ang sarili.

Medyo matagal na nung huli kong napanaginipan iyon. Tuwing gising ay hindi ko naman iyon naalala. Pero tuwing napapanaginipan, sobrang linaw na parang halos kahapon lang nangyari. I can still feel his big and calloused hand on my breast!

Nang kumalma ay umalis ako sa kama para pumunta sana sa kusina at kumuha ng tubig. Natuyo ang lalamunan ko kabaliktaran sa parteng ibaba ko na naramdaman kong basa.

What the hell?

Nadidismaya sa sarili, dinala ko ang sarili sa banyo para maghilamos at mahimasmasan. I am not that aroused. Hindi naman kailangan magsarili. Ayaw kong gawin iyon dahil lamang naalala ko kung paano ako nahawakan sa unang beses.

“Gising ka pa?” ang manager kong si Avi na naabutan ko sa kusina.

Nilampasan ko siya at dumiretsyo sa mga drawer. Kinuha ko ang corkscrew at nilapag sa harap niya. Tingin ko kasi ay babasagin niya na ang bote ng wine mainom lang.

“Nanaginip lang…”

Then his aroused face flashed in my mind again. Napailing ako at winaksi ang naisip.

“Binangungot," mas siguradong sagot ko bago lumagok ng malamig na tubig.

“Bangungot? Binangungot ka ulit?”

Tama! Bangungot iyon kaysa wet dream!

I turned to see her worried expression. Pansamantala niyang nakalimutan ang kaniyang wine para usisain ako.

"Ngayon lang. Stressed lang ako lately.”

"Do you need to see a doctor? Bumalik ba ang insomia mo? Baka kailangan mo ulit ng pills!”

"Hindi,” kalmadong agap ko.

“Magiging chismis lang iyon! You know, kahit psychiatrist ang kinita ko, buntis na naman ako. Ilan taong ng akong buntis at hindi pa rin nanganganak.” Napailing ako.

“Nanganak ka na daw. Sa US nung dinala ka do’n ni Elias!”

“Babae o lalaki?”

“Yung iba babae, yung iba lalaki.” Aniya at uminom sa wine.

I laughed with no humor when things in the past crawled somewhere at the back of my mind.

“I'm sure he or she looks good,” I said, almost sad.

“You need a drink?" alok ni Avi nang makita ang ekspresyon ko.

Umiling ako at inaliwalasan ang mukha. “May party pa akong dadaluhan bukas, baka mamaga ang mukha ko."

"For sure, Elias doesn't mind. Baliw na baliw iyon sa’yo,” may panunudyong aniya

Tuluyang lumubog ang kaninang atmosphere.

Tamad na ngumisi lang ako. "Siguro. Pero ang mga brands, they mind for sure. Baka siopao na ang sunod na i-represent ko.”

Natawa siya at hindi na ako pinilit. Hindi na bumalik ang masamang panaginip kaya masasabi kong maayos pa rin ang tulog ko.

The day is going to be a long day. I had to do a photoshoot for a magazine. Hindi na iyon puwede i-cancel at ayaw ko naman magpaka espesyal para sabihin na mag-adjust ang iba sa schedule ko.

After a series of clothes and make ups, I changed for my final gown tonight. Isang beige spaghetti strapped bodycon maxi dress. Simple at elegante lang.

Elias is the star of the party. Hindi ko dapat agawin ang spotlight. Dapat ay maging presentable lang ako para sa kaniya.

Hindi ko na rin pinabago ang make up ko at nag-retouch na lang sa kotse papunta sa hotel na paggaganapan. Ayaw kong mahuli at makaagaw ng atensiyon pero hindi ata iyon ang planong mangyari ng tadhana.

“Sure kang ‘di ka na pupunta?" tanong ko kay Avi sa kabilang linya.

“Ipapasundo kita kay Jin," tukoy ko sa driver slash bodyguard.

Saktong sabi ko ay biglang huminto ang kotse. Jin tried starting it again pero hindi na umandar ulit.

“Anong nangyari?" mahinahon na tanong ko kay Jin.

“I’ll see." Then he went out.

Happy went out too, my make up artist and stylist. Pareho silang tumingin sa hood ng sasakyan. Since I can't go out, binalingan ko ulit si Avi sa phone.

"Nevermind. Hindi kita mapapasundo. Ako na lang ang sunduin mo.”

"Why? What happened?"

“Huminto ang sasakyan.”

“Huh? Bakit? Hindi siguro dinala ni Yunjin ang sasakyan sa talyer! Sinabi ko na…”

Nilayo ko ang phone sa tainga nang magsimula nang umingay si Avi. Saktong sumungaw naman sa passenger seat si Happy. His freckles saying hi to me.

“Mukhang hindi maayos agad,” his deep voice started.

Tinignan ko si Jin sa harap na may kausap na enforcer sa harap. Abala sa daan ang biglaang paghinto ng sasakyan at nakakapressure ang mga bumubusina sa likod kaya medyo nakaramdam ako ng panic.

“Gusto niyo tawagan ko na si Sir Kenneth?” It's Elias’ secretary.

“Yes please.”

Lumabas ulit si Happy para tawagan na si Kenneth. Binalingan ko naman ulit si Avi at pinutol ang mahaba niyang monologue.

“Nevermind. Tinawagan na ni Happy si Kenneth. The driver will be here in no time.”

“Lagot sa akin ‘yan si Yunjin!”

“Yeah, sa susunod na mag drunk drive ka at maibangga ang sasakyan, siguradong wala ng trabaho si Jin at sinalo na naman ang kakulangan mo.”

She hissed at my remark.

Totoo naman. Avi is well known even before she managed me. Sikat siyang model at make-up mogul. Hindi siya puwedeng humarap sa kahit na anong issue dahil pati ako madadamay.

Yunjin took the responsibility of her drunk driving incident. Buti at sa barrier lang siya nag crash at hindi na nandamay ng iba. Nagtataka nga ako at nagtitiyaga pa sa amin si Jin kahit sa kabila ng inabot niya.

Elias’driver came in no time. Naitabi na ang sasakyan ko at hinihintay na lang ang tow. Jin and Happy took the responsibility of it kaya sumakay na ako sa sundo.

Nagulat lang ako nang tumambad si Candace sa loob. I didn't expect her.

Medyo natigilan ako bago tuluyang pumasok. Me and her in one space isn't really a nice idea. Kahit pa ayaw namin na magkadikit, walang lumunok ng pride para sumiksik sa magkabilang gilid. I took the seat as if I am not bothered by her presence, just keeping my cool.

“Bulok na pala ang sasakyan mo, why keep it? You could've ask dad for a new.”

Right. Candace Gustavo. Elias’ daughter. She's about my age.

I sighed and turned to her. “Binigyan niya na ako, sinoli ko lang. I have my own money to spend.”

Umirap siya at humalukipkip. Ngayon ko lang napansin na pareho ang kulay ng damit namin. Venus cut lang ang kaniya. Bagay na bagay ang kulay sa complexion naming pareho.

I remember the days when people mistakenly thought I was her or she was me. Pareho kaming nasa pagitan ng maputi at morena. Caramel colored. I was only a bit darker and taller than her. And we share the same hair color. Natural brown. Kulot lang ang kaniya ngayon. Napagkakamalan nga kaming magkapatid.

But too bad, I am her dad’s girlfriend.

“Kung hindi pera ang habol mo kay Daddy, ano bang gusto mo? He is so old!”

“Not that old!” protesta ko.

“Not that old?! Times two ng edad mo, Shine. He's 56, parang tatay mo na!” Singhal niya na may pinatutunayan.

“Too bad he's not my father,” uyam ko.

“Oo, kasi wala ka noon,” asar niya rin pabalik. Akala niya naman ay naapektuhan ako.

Disgrasyada kasi ang nanay ko. Isang foreigner daw ang tatay ko. Ni hindi ko nga alam ang nationality. Hindi siya pinanagutan kaya lumaki ako ng walang tatay. The only thing he left for me was my whole features except for my color. Thankful pa rin ako at binigyan niya ako ng ganda. Kaya hindi ako bitter tungkol doon.

“Don't you think it's a bad omen… na nasiraan ka ng kotse papunta roon. Na baka dapat hindi ka na pumunta. Hindi sana nasira ang gabi ko,” hindi pa rin tumitigil si Candace. Mas okay kaysa tahimik kami sa kotse.

“Hindi ako mag-aadjust para sayo,” tamad na utas ko.

Hindi natapos ang banters namin hangga't ‘di kami nakakarating sa venue. Maybe it's a habit. We are best friends after all before things happened between me and her dad.

Pagdating sa hotel ay nakaabang na ang mga press sa lobby. Hindi naman kasi simpleng tao lang si Elias. He is an elite, like a real elite. Wala ako masyadong alam sa mga business niya. Sinadya kong hindi alamin dahil ayaw kong pakielaman siya roon. I am not after his money. Basta alam ko lang ay hindi sa masama galing ang mga iyon.

Sa buong biyahe, ngayon ko lang nakitang ngumiti nang malaki si Candace. Binagsak ko rin ang mga praktisado kong ngiti. Candace and I are not that okay, hindi naman sekreto iyon. Ilang beses na rin kaming nachi-chismis na nag-aaway tuwing magkasama sa shoot. Kaya isang pambihirang pangyayari para sa mga tao ang nakita kaming sabay na bumaba sa iisang kotse at parehong nakangiti.

Ilang sandali pa ay umalis rin ako kaagad sa harap nila para puntahan si Elias sa kaniyang suite bago dumiretsyo sa hall. Naiwan si Candace sa mga reporter kaya walang naging abala habang paakyat ako

Sanay na ako sa mga ganitong event. May mga nadaluhan na rin ako na mga international event kaya hindi na naiintimidate.

I expected the night to be long and smooth but not like this…

Sabay kaming bumaba ni Elias. As expected, sinalubong ulit kami ng mga reporters. Kaunting shots at ilang tanong tungkol sa business niya at sa relasyon namin. Elias seemed to be quite about it though. Inisip ko na pinahahalagahan niya lang ang aming privacy but I was wrong. May plano pala kasi siya.

Sobrang bilis ng mga pangyayari at halos hindi ko na nasundan. Ang alam ko lang ay tinawag si Elias para sa kaniyang speech. He was with me so he also take me to the platform.

Nakinig akong mabuti. It's all about Gustavo Builders. Hanggang sa nagsinghapan ang mga tao at mistulang domino na sunod-sunod na tumayo.

Suddenly, all the attention is on us, on me.

Nilunok ko ang bumabaliktad na sikmura at tumango. Wala ako sa sarili nang tumayo na si Elias mula sa pagkakaluhod para yakapin ako.

“Thank you,” naluluhang ani Elias at hinalikan ako sa sentido. “Thank you for saying yes…”

Um-oo ako?

Nagising ako sa reyalidad. Everybody are gracing about my answer. Maliban sa nag-walk out na si Candace at sa akin. Nakatutok ang mga mata at camera sa amin, nagsasaya. Ngayon ko natanto ang sagot ko. Na hindi ko iyon puwedeng baguhin ngayon din.

Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig. Maling-mali ang mga nangyayaring ito. Hindi dapat. Hindi pa pwede. Not now when I am still Mrs. Luningning Garcia-Altamayo.

Hindi gayong kasal pa ako sa iba.

Related chapters

  • SWEET HOME   Kabanata 2

    NingningWala ako sa sarili buong gabi. Isa-isang lumapit ang mga bisita para bumati dahil sa engrandeng proposal.Hindi ko alam kung anong klase ng ngiti ang mayroon ako nang lumapit sila. I can still feel my tears hanging on the brim of my eyes, silently hoping they won't fall just yet. I hope they think these are happy tears.Pagod na pagod ang pakiramdam ko nang makawala saglit kay Elias at sa mga tao. Hindi ko na napigilan ang panghihina ng mga tuhod at hindi na nakaabot pa sa comfort room. Dinig ko pa rin ang masayang ingay galing sa hall na pinanggalingan. Kaya kahit na bumibigay na ang mga tuhod, pinilit ko pa ring tumayo at pumasok sa banyo.I can't afford any more issues right now.Akala ko kahit na saglit ay makakaramdam ako ng kaligtasan sa banyo. Naglaho na ang posibilidad nang maabutan ko roon si Candace, may hilam rin ng luha sa mga mata.Tumalim ang mga mata niya nang nakita ako. Sa isang iglap ay nahila niya na ako sa loob at lumagapak na ang palad niya sa mukha ko.“

    Last Updated : 2024-06-29
  • SWEET HOME   Sweet Home

    NingningHindi ako kumurap kahit nasilaw sa headlights ng parating na puting Audi. Humalukipkip ako sa harapan no’n, walang kurap na hinintay ang kung sino mang baba.Tumagal ng ilang minuto pero walang bumaba. Patay na ang makina at ang headlights pero nanatili sa loob ang may-ari.It's him for sure. Joachim Altamayo. My husband.Parang takure na kanina pa nakasalang at kumukulo, tuluyan na akong sumabog sa sobrang inis. Nilapitan ko ang mamahaling sasakyan at malakas na hinampas ang hood noon.“Stop your damn hide and seek game! Harapin mo ako!” sumakit ang lalamunan ko sa pagsigaw.Halo-halo na ang pagod, gutom, sakit ng paa at inis ko. Pagkatapos akong paglaruan, pahabulin ng putang inang ito, akala niya siguro ay hindi ko siya mahuhuli!Bumukas ang pintuan ng Audi at unti-unti roon lumabas ang kanina ko pa hinahanap.Years have changed us, I'm perfectly aware of that. Pero ‘di ko napigilang mapasinghap nang masilayan ang mga pagbabagong inaasahan ko sa mismong mga mata ko.Joach

    Last Updated : 2024-06-29

Latest chapter

  • SWEET HOME   Kabanata 2

    NingningWala ako sa sarili buong gabi. Isa-isang lumapit ang mga bisita para bumati dahil sa engrandeng proposal.Hindi ko alam kung anong klase ng ngiti ang mayroon ako nang lumapit sila. I can still feel my tears hanging on the brim of my eyes, silently hoping they won't fall just yet. I hope they think these are happy tears.Pagod na pagod ang pakiramdam ko nang makawala saglit kay Elias at sa mga tao. Hindi ko na napigilan ang panghihina ng mga tuhod at hindi na nakaabot pa sa comfort room. Dinig ko pa rin ang masayang ingay galing sa hall na pinanggalingan. Kaya kahit na bumibigay na ang mga tuhod, pinilit ko pa ring tumayo at pumasok sa banyo.I can't afford any more issues right now.Akala ko kahit na saglit ay makakaramdam ako ng kaligtasan sa banyo. Naglaho na ang posibilidad nang maabutan ko roon si Candace, may hilam rin ng luha sa mga mata.Tumalim ang mga mata niya nang nakita ako. Sa isang iglap ay nahila niya na ako sa loob at lumagapak na ang palad niya sa mukha ko.“

  • SWEET HOME   Kabanata 1

    NingningRamdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo nang pilitin kong gumising. Naglalalakad pa lang kami sa dalampasigan. Alam na alam ko ang mga susunod na mangyayari at ayaw kong mangyari iyon.Sinubukan kong gumalaw at gisingin ang sarili. Naramdaman ko ang pagod kahit hindi naman ata nagalaw.Nakita ko ang dalawang pirasong kulay kape na mga mata at namumungay. I stopped wiggling. Pero gusto ko pa rin iyon na matapos. Gusto ko pa ding umalis. Gusto magising.I reach for his hands. At sa isang iglap, nakahiga na ako sa buhangin. Malinaw kong nadinig ang pagbukas ng zipper sa likod ko kasabay ng paghampas ng alon sa dalampasigan. The next moments were like in slow motion.I pulled him close with my arms around his neck. Humupa ang tunog ng mga alon at tanging tunog na lang ng mga labi namin ang nadidinig ko.Mas tumindi ang kagustuhan kong gumising sa kasalukuyan. Sinubukan kong sigawan ang sarili.“Ah!" It came out as a moan instead.Naramdaman ko ang mga kamay niya sa katawan ko. Sa b

  • SWEET HOME   Sweet Home

    NingningHindi ako kumurap kahit nasilaw sa headlights ng parating na puting Audi. Humalukipkip ako sa harapan no’n, walang kurap na hinintay ang kung sino mang baba.Tumagal ng ilang minuto pero walang bumaba. Patay na ang makina at ang headlights pero nanatili sa loob ang may-ari.It's him for sure. Joachim Altamayo. My husband.Parang takure na kanina pa nakasalang at kumukulo, tuluyan na akong sumabog sa sobrang inis. Nilapitan ko ang mamahaling sasakyan at malakas na hinampas ang hood noon.“Stop your damn hide and seek game! Harapin mo ako!” sumakit ang lalamunan ko sa pagsigaw.Halo-halo na ang pagod, gutom, sakit ng paa at inis ko. Pagkatapos akong paglaruan, pahabulin ng putang inang ito, akala niya siguro ay hindi ko siya mahuhuli!Bumukas ang pintuan ng Audi at unti-unti roon lumabas ang kanina ko pa hinahanap.Years have changed us, I'm perfectly aware of that. Pero ‘di ko napigilang mapasinghap nang masilayan ang mga pagbabagong inaasahan ko sa mismong mga mata ko.Joach

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status