“MISS, AYOS KA LANG BA?”
Napalingon si Kennary nang marinig ang tanong ng isa sa mga lalaking sumalo sa kaniya kanina. Pino siyang ngumiti saka nagpasalamat dito.
“Hindi ba at naroon ang area ninyo? Bakit ka kasi narito sa ilalim ng ring?”
“Area namin?” Sumunod ang kaniyang tingin sa direksyong ini-nguso ng lalaki. Doon sa kaliwang gilid ng court kung saan may malaking poster na nakasabit sa magkabilang poste ng bleachers ay may mga mahabang bench kung saan nakaupo ang ilan sa mga players na may suot ng kaparehong uniporme ng lalaking nakabangga niya. Sa tabi ng bench ay may nagtitipon-tipon na mga teenagers at may suot na T-shirt na katulad ng suot niya.
Pinanlakihan siya ng mga mata. Ang damit na suot nila ay ang damit na ipinamigay kahapon sa barangay nila! Iyong may tatak ng mukha ng kasalukuyan nilang mayor!
Kung hindi siya nagkakamali ay ini-isponsoran ng mayor nila ang laro ngayon kaya may mga nagkalat na volunteers sa loob ng court.
Napangiwi siya saka ipinag-krus ang mga braso sa tapat ng dibdib upang takpan ang mukha ng matandang mayor ng bayan nila. Ang kaniyang tingin ay umangat sa malaking tarpaulin na nakasabit sa magkabilang poste ng bleachers. Sa tarpaulin ay may naka-imprentang logo ng Miamiranda University.
Ang Miamiranda University ay isa sa mga pribadong college institution sa siyudad; maraming mga taga-bayan nila ang nag-aaral doon dahil halos kalahati ng populasyon sa bayan nila ay pawang mga mayayaman. Ang siyudad ay kalahating oras lang na byahe sa jeep ang layo mula sa kanila, kaya araw-araw ding nasisiuwian ang mga estudyante na doon nag-aaral.
Naku po, kailangan kong umalis dito...
Mabilis siyang tumalikod at nag-akmang lalabas na ng court nang biglang may pumigil sa braso niya.
Napalingon siya at nakita ang isang babaeng matanda lang ng kaunti sa kaniya, may suot na salamin at mukhang istrikta. Naka-suot ito ng kaparehong T-shirt na suot niya.
“Tamang-tama, kulang kami ng volunteer para maghakot ng mga gamit sa locker ng Miamiranda University Team. Malapit nang matapos ang game kaya hali ka na.”
Gusto niyang sabihin dito na hindi siya kabilang sa mga volunteers, subalit bago pa man siya makapagsalita ay tuluyan na siyang nahila nito patungo sa area na sinuri niya kanina. Lalo siyang hindi nakapagsalita nang makarinig ng malakas na tunog mula sa speaker kasunod ng pagsalita ng announcer na nag-request daw ng time out ang kabilang grupo. Dahil sa ingay ay hindi na niya nagawang kausapin ang babae hanggang sa marating nila ang bench na pinagdalhan nito sa kaniya.
“Sinabi sa akin ng kabilang coach na may dalawang bakanteng volunteer na naka-assign sa kanila; isa ka ba sa mga iyon?”
Ibinalik niya ang tingin sa babae nang mahinto sila sa gilid ng bench. Kaagad na bumaba ang kaniyang pansin sa suot nitong name tag; Team Leader – Dana.
“Actually, hindi ako—” Nahinto siya sa pagpapaliwanag nang may tumawag na isa pang volunteer kay Dana, kaya sandaling nabaling ang tingin nito roon. Habang nag-uusap ang dalawa ay inilipat niya ang tingin sa mga players ng Miamiranda Team—nakapaikot ang mga ito habang nakikinig sa instructions ng coach na nakaupo sa kabilang dulo ng bench.
Wala sa loob na hinanap niya ng tingin ang lalaking nakabanggaan kanina. Hindi niya napagtuonan ng pansin ang pangalan at numero ng jersey nito subalit kung makikita niya ang mukha nito’y siguradong kaagad niyang makikilala.
“Miss, ano nga ang pangalan mo?”
Ibinalik niya ang tingin sa Team Leader na si Dana nang muli siya nitong kausapin.
“Ako si Kennary, at hindi ako kabilang sa mga volunteers.”
Napasinghap si Dana, tila biglang napahiya. “Naku, pasensya ka na. Nakasuot ka kasi ng uniporme namin kaya…” Napangiwi ito at nagpasiyang ibahin na lang ang usapan. “Kailangan talaga namin ng isa pang volunteer. Ang kada player kasi ay may naka-assign na volunteer para mag-ayos ng mga gamit nila, at ang isa sa mga kasama namin ay sumama ang pakiramdam kaya pinauwi namin. Pwede ka ba? May libreng early dinner pagkatapos ng laro, at ihahatid ka rin namin pauwi pagkatapos. Maliban pa roon ay magbibigay si Mayor ng allowance bilang pasasalamat sa pag-assist sa final game.”
Libreng dinner?
Libreng hatid?
At may pa-allowance pa?
Aba, why not!
Ngumiti siya at tumango. “Game. Sino ang naka-assign sa akin?”
Nakahinga nang maluwag ang babae. “Oh, salamat naman. I-a-assign kita kay Player Number 7; dito ka lang at sasabihin ko sa kaniya.”
Nang sandali siyang iwan ng babae ay muli niyang inikot ang tingin sa paligid. Puno ng manonood ang court—puno ang mga bleachers kaya nakatayo na ang ibang mga audiences. Sa kabilang bahagi naroon ang kalabang koponan ng Miamiranda University. Sa malaking poster naman ng mga ito nakapaskil ang pangalan ng team—St. Gabriel’s Academy – Bacolod Branch.
Ang mga audience ay naghiyawan nang matapos ang time-out. Bumalik sa court ang St. Gabriel’s team. Nag-ingay ang mga ito, palakasan ng cheer. May kani-kanilang sinusuportahang koponan ang mga manonood, at ang ilan sa mga iyon ay mga babaeng tumitili. Biglang pumasok sa isip niya ang isang anime na paboritong panoorin sa hapon ng kapatid niyang lalaki. Naalala niya ang mga babaeng nagtititili sa bleachers, iyong mga fans ng isang character doon na Rukawa ang pangalan. Kung tumili ang mga babaeng nasa audience ngayon ay kapareho ng sa anime.
“Hey, you.”
Napalingon siya nang marinig ang pagtawag na iyon. At sa kaniyang pagharap ay nanlaki ang kaniyang mga mata nang may makitang keychain na lumipad sa ere at patungo sa direksyon niya. Maagap niyang ini-atras ang ulo bago pa man iyon tumama sa kaniyang noo. Ang kaniyang kamay ay awtomatikong umangat upang saluhin ang susi.
Nang nasa kamay na niya ang keychain ay muling nagsalita ang lalaking nag-itsa niyon.
“Kunin mo ang bag ko sa locker at i-abot sa akin pagkatapos ng game. Make sure to bring my jacket as well.”
Binalingan niya ang lalaking nag-utos at umitsa ng susi sa kaniya. Akma niya itong pagsasabihan nang bigla naman itong tumalikod. Bumaba ang tingin niya sa numerong naka-imprenta sa likod ng suot nitong jersey.
He was player number seven. At ito ang player na sinabi ni Dana na kailangan niyang i-assist. Hindi na niya nagawang basahin ang apelyidong nakasulat sa likod ng jersey nito nang muli itong humarap sa kaniya at paatras na naglakad pabalik sa court.
Muling nanlaki ang kaniyang mga mata nang makilala ito.
Iyon lang naman ang lalaking bumangga sa kaniya kanina sa ilalim ng ring!
“Number 247 ang locker ko. Make it fast—I’m about to win this game.”
Hindi na siya nakasagot pa nang muling tumalikod ang lalaki at puwesto sa gitna ng court saka sinalo ang bolang ini-pasa ng kasama.
Biglang kumabog ang dibdib niya. Katulad ng nangyari kanina.
“Kennary.”
Napa-igtad siya nang marinig ang tinig ni Dana na muling sumulpot sa tabi niya. Tulala siyang napalingon dito.
“Sinabi ko na kay Number 7 na ikaw ang mag-aayos ng gamit niya. Alam mo ba kung saan ang locker room?”
Wala sa loob na tumango siya kahit ang totoo’y hindi niya alam.
“Okay, ikaw na ang bahala sa gamit niya. And by the way—MVP ng team ‘yan kaya ingatan mo.”
Hindi na siya sumagot pa nang tumalikod na si Dana at kinausap ang iba pang volunteers.
Muli siyang napalingon sa court at sinundan ng tingin ang lalaking mataktikang iniwasan ang mga humaharang na kalaban. Kay liksi ng mga kilos nito—maliksi at sigurado. Na tila komportable ito at hindi napi-pressure. Overconfidence ba ang tawag doon?
Hindi niya alam.
At hindi rin niya alam kung ano ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Dahil habang nakasunod ang tingin niya sa lalaki ay lumalakas naman ang pagkabog ng kaniyang dibdib.
Bakit kumakabog nang malakas ang kaniyang dibdib?
At bakit parang pinagtatagpo sila ng tadhana?
Wala sa loob na napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso. Dinama niya ang malakas na pagkabog niyon.
Patuloy niyang sinundan ng tingin si Player Number 7 hanggang sa makalapit ito sa ilalim ng ring kung saan may dalawang kalabang nakabantay at pilit na humaharang. Pero tila hindi iyon in-alintana ng manok niya. Dahil sa kabila ng dalawang bantay ay tumalon ito at ini-tira pa rin ang bola.
Tila ba biglang nag-slow motion ang paligid sa kaniyang paningin.
Sa ilalim ng pang-hapong araw ay nakita niya kung paanong kuminang ang braso ni Player Number 7 dahil sa pawis. Naka-stretch ang mga iyon dahil sa ginawa nitong pag-tira sa bola habang ang singkit nitong mga mata’y nakasunod doon at hinihintay ang pag-shoot sa ring.
And then, the ball went in.
At malakas na naghiyawan ang mga tao.
Dahan-dahan niyang pinakawalan ang paghinga.
Bakit? tanong niya sa isip. Bakit tumitibok nang malakas ang puso ko?
Fast Forward to 30 years.Present-day... “BUTI AT PINAYAGAN KA NI TITA KEN na gamitin ang attic para gawing art studio mo?” tanong ng katorse anyos na si Genevi, habang tinutulungan ang kaibigang si Freya sa pagbubuhat ng mga gamit mula sa attic room ng bahay ng mga ito. They were moving out some boxes and furniture to tidy up the room. Ang mga boxes ay puno ng alikabok sa tagal na hindi nagalaw, at ang mga sirang furniture ay magagaan lang naman kaya sila na rin ang naglabas. “Tatlong buwan ko ring nilambing si Mommy para payagan ako. Ayaw niya sanang ipagalaw ang kwartong ito at marami raw siyang mga sentimental na gamit na iniwan dito. Eh tingnan mo naman, napuno na lang ng alikabok ang mga sentimental niyang gamit,” sabi naman ni Freya bitbit ang may kalakihang corrugated box palabas ng silid. “Iwan mo na lang ang mabibigat na furniture at kay Kuya Jayce ko na lang ilalambing mamaya.” Napalingon si Geneviv sa kaibigan. “Ano’ng plano niyo sa mga fu
“I—I CAN’T BELIEVE THIS!” Palipat-lipat ang tingin ni Geneviv sa larawan at sa kaibigan. Hindi makapaniwala sa narinig. “It’s true, Gen. At hindi rin ako makapaniwala noong una.” Nagpakawala ng buntonghininga si Freya saka muling sinulyapan ang larawang binitiwan nito sa sahig. Ang tingin nito’y nasa larawan kung saan kasama ng ina ang isang matangkad na lalaki na bagaman payat ay may kaunting muscle na bumubukol sa magkabilang mga braso. He also had a brown skin, na kuhang-kuha ng Kuya Jayce niya. “P-Paano mo nalaman?” tanong pa ni Geneviv. “Three months ago, pasado alas once ng gabi nang bumaba ako para kumuha ng snacks; I heard Mom talking on the phone in the master's bedroom. Remember those nights when we were studying so hard para sa third grading exam? Isang linggo akong nagsunog ng kilay at halos ala-una nang nakatutulog para lang mag-review. It was one of those nights when I heard mom. She was whispering… and she was talking to the
Nanatili sina Freya at Geneviv sa cellphone shop habang hinihintay na pumatong ng 50% ang battery ng cellphone. Iyon ang pang-apat na cellphone shop sa bayan na tinungo nila dahil ang tatlong naunang shop ay hindi na nagbebenta ng charger para sa lumang cellphone. Nagtaka pa nga ang mga staff sa mga shop na iyon—saan daw nila nakuha ang Nokia 3210 na dala nila at bakit naghahanap pa sila ng charger para roon? One of the staff even joked that the phone should be in a museum and not in the hands of a teenager. Ang isa namang staff sa kasunod na shop ay nagbiro na kung may mangho-hold-up daw sa kanila at makitang ang cellphone na iyon ang bitbit nila’y baka maawa pa raw ang hold-up-er at bigyan pa sila ng pamasahe pauwi. Those jokes were supposed to be funny, pero hindi natawa si Freya dahil kinakabahan ito sa maaaring nilalaman ng lumang cellphone ng ina. Sigurado ang dalagang sa mommy niya iyon—if not, why would that phone be in her mom’s stuff?
Back to the past; 30 years ago. “TULALA NA NAMAN SI KEN-KEN,” ani Cherry nang maupo sa harapan nina Ken-Ken at Divina nang tanghaling iyon sa cafeteria ng school. Katatapos lang ng klase nito habang ang dalawa’y kanina pa roon at gutom na sa paghihintay. “Ilang araw na ‘yang ganiyan, ayaw namang magsabi kung bakit,” sagot ni Divina, ang isang sulok ng labi nito’y nakataas habang nakatitig kay Ken-Ken na blangkong nakatingin sa lunch box nitong nakapatong sa mesa. “Bakit, anong nangyari?” tanong naman ni Cherry habang inilalabas sa bag ang baon. “Aba, malay ko. Simula nang mag-umpisa ang klase dalawang araw na ang nakararaan ay laging ganiyan ‘yan. Akala ko nga’y nagtatampo dahil sa nangyari noong araw na iyon sa plaza, pero mukhang hindi naman iyon ang dahilan.” Salubong ang mga kilay na ibinalik ni Cherry ang tingin sa kaniya. “May problema ka ba, Ken?” Lihim siyang napangiti; ang tingin ay hindi p
“Miamiranda University player number 7?” ulit ni Paul, ang syota ni Cherry, nang tanungin niya ito nang magkita sila nang hapong iyon. Sadya siyang sumabay kay Cherry sa pag-uwi upang makausap nang personal si Paul at makapag-imbestiga siya tungkol sa player na iyon. “Alam mo ba ang pangalan niya?” muli niyang tanong. “Bakit? Gusto mo ba?” nakangising tanong pa ni Paul na ikina-ikot ng mga mata niya. “Magtatanong ba ako kung hindi? Ano sa tingin mo ang dahilan kaya naghintay ako para itanong sa’yo? Wala lang, trip-trip lang?” Hindi iyon ang unang beses na nakita niya si Paul; minsan na sila nitong ipinakilala ni Cherry sa isa’t isa kaya hindi na sila nagkakahiyaan. Komportable siyang buskahin ito, at ganoon din ito sa kaniya. Bahaw na natawa si Paul. “Ang init ng ulo mo lagi, kaya hindi ka ligawin, eh.” “Hoy, Paul, sadyang hindi ako nagpapaligaw kaya ganoon!” Nanulis ang nguso niya. “Grabe ka sa akin,
HINDI NA ALAM NI KENNARY KUNG SAAN HAHANAPIN ANG MGA KAIBIGAN. Kanina pa siya paikut-ikot sa paligid ng plaza at kanina pa rin siya pabalik-balik sa rebulto ni Jose Rizal kung saan usapan nilang magkikita pagdating ng ala-tres ng hapon, subalit wala ang mga ito roon. Nasa plaza sila ng bayan upang manood ng basketball game sa paanyaya ng isa sa mga kaibigan niyang si Divina. Kasama nito ang nakatatandang kapatid na si Cherry at ang kasintahan nitong si Paul na pareho rin niyang mga kaibigan. Hindi siya mahilig manood ng mga sports games, pero na-kombinsi siya ng mga ito na pumunta. Actually, si Divina lang ang nagpumilit sa kaniyang sumama dahil ayaw raw nitong maging third-wheel kina Cherry at Paul. At dahil wala naman din siyang gagawin sa bahay nila, plus nangako si Divina na sagot nito ang meryenda niya sa bagong tayong pancake house sa bayan, ay um-oo na rin siya. Aba, hindi pa siya nakatitikim ng ‘matinong’ pancake buong buhay niya, kaya hindi

“MISS, AYOS KA LANG BA?” Napalingon si Kennary nang marinig ang tanong ng isa sa mga lalaking sumalo sa kaniya kanina. Pino siyang ngumiti saka nagpasalamat dito. “Hindi ba at naroon ang area ninyo? Bakit ka kasi narito sa ilalim ng ring?” “Area namin?” Sumunod ang kaniyang tingin sa direksyong ini-nguso ng lalaki. Doon sa kaliwang gilid ng court kung saan may malaking poster na nakasabit sa magkabilang poste ng bleachers ay may mga mahabang bench kung saan nakaupo ang ilan sa mga players na may suot ng kaparehong uniporme ng lalaking nakabangga niya. Sa tabi ng bench ay may nagtitipon-tipon na mga teenagers at may suot na T-shirt na katulad ng suot niya. Pinanlakihan siya ng mga mata. Ang damit na suot nila ay ang damit na ipinamigay kahapon sa barangay nila! Iyong may tatak ng mukha ng kasalukuyan nilang mayor! Kung hindi siya nagkakamali ay ini-isponsoran ng mayor nila ang laro ngayon kaya may mga nagkalat na volu