ANGEL...Binuksan ni Safhire ang mga mata kasunod ang pangingilid ng masaganang luha. Finally, a long, long dream has come to an end and she's back. Athrun's little princess.Shannon.Her.Nagkaroon ba siya ng amnesia kaya nakalimutan niya ang lahat? Kung sino siya? Si Athrun? Kung ano at kung sino ito sa buhay niya?Nagpatuloy sa pagbukal ang luha sa kanyang mga mata. Pilit niyang iginala sa buong paligid ang nanlalabong paningin. Everyone were there. Lyam, Ghaile, Leih, Rajive, Gabrylle, Rheeva, and of course...her angel, with his oriental blue eyes.Athrun.He's crying. Holding and kissing her hands gently in a split of seconds.Ngumiti siya sa kabila ng mga luha. "Hello, everyone! I'm back..."Relief is an understatement of what she saw in their faces. Sina Lyam at Ghaile ay kapwa pumikit na tila ba may pilit na pinipigilang huwag makawala sa mga mata. Si Rajive ay tumango at nagpakawala ng maluwag na paghinga. Habang sina Rheeva at Gabrylle ay kapwa ibinagsak pasandal sa dingding
NAPAAGA ng tatlong araw ang paglabas ni Safhire ng hospital. Mabuti na lang at pumayag sa pakiusap niya si Lyam. Pakiramdam niya kapag nag-stay pa siya roon ng ilang araw ay mas lalo siyang mai-spoil dahil sa eksaheradong pag-aalaga at atensiyong natatanggap niya.Naghihintay sa helipad sa rooftop ng Infirmaria ang sundo niyang helicopter. Hinatid siya ni Lyam na walang tigil sa pagpapaalala sa kanya sa mga gamot at vitamins na kailangan niyang inumin. Tango lang siya ng tango."Sa sobrang dami ng reminders mo imposibleng ma-memorize niya lahat," pahayag ni Leih na nakabuntot sa kanila dala ang mga gamit niya."Bodyguard ka niya, responsibilidad mong ipaalala sa kanya kung may makalimutan siya.""You mean, I also need to memorize all those stuff you're mumbling about just now? Holy shit!!! " Napakamot sa ulo si Leih.Napangiti siya. Para na ring sinabi ni Lyam na hindi na niya kailangang magpagod na isaksak sa kanyang utak ang mga paalalang iyon dahil nandiyan si Leih sa gagawa para s
INABOT ni Safhire ang bathrobe at isinuot. Sadyang hinigpitan ang pagkakabuhol. Paglabas ng banyo ay tumuloy ang dalaga sa harap ng tokador. Bahagya niyang nilinga ang kanyang kama. Naroon si Athrun at nakahiga. Mukhang nakatulog na nga yata sa kahihintay sa kanya. Naroon na sa kanyang silid ang binata pagpasok niya kanina pagkatapos nilang mag-usap ni Vhendice. Doon daw ito matutulog. Hindi naman niya matanggihan. Walang dahilan para gawin niya iyon. Magiging over-acting siya kung ngayon niya ito pangingilagan. Minsan na silang natulog ng magkatabi. No, hindi lang minsan kundi iilang beses na at wala namang nangyari na dapat niyang ipag-alala. Although he was always teasing her but he treated her with respect and dignity. That's why, she trusts him with all her heart.Dinampot niya ang blow dry at pinatutuyo ang basang buhok. Napatitig siya sa sarili sa salamin. Twelve years din siyang nawala sa paningin ni Athrun. Sa loob ng labing-dalawang taong iyon ay malaki ang ipinagbago niya.
PAGPASOK pa lamang ng sasakyan nila sa portal ng Edena ay bugbog-sarado na ang paningin ni Safhire. Kahit saan niya ibaling ang mga mata, sa matatayog at mala-higanteng mga gusali tumatama ang kanyang paningin. Tatlong beses na niya itong makapasok sa capital pero namamangha pa rin siya. The center-island, the flower beds and the land scapes are all breath-taking.Athrun's main office is situated at the heart of Andromida Conglomerate headquarters. It is a huge maze of high-rise buildings.Napamulagat siya pagpasok nila ng gate. "Nagbibiro ka ba? This is the chairman's main office?" Ayaw niyang maniwala.Tumango si Leih at binagalan pa lalo nito ang pagpapatakbo ng sasakyan para makikita niya ng mas malinaw ang sakop ng buong office estate."Don't tell me araw-araw ay isa-isa niyang pupuntahan ang bawat building na narito? Sa palagay ko iyon na lang ang magagawa niya sa buong maghapon sa halip na manatili sa iisang lugar at magtrabaho." Napangiti pa siya sa inakalang biro."Hindi nama
SINALUBONG ni Lora ang ama na pumasok sa kanyang silid at binigyan ng malamyos na halik sa pisngi."Hi, dad!""Mabuti at nakauwi ka," nakangiting sabi ni Patrick.Humingi siya ng break para umuwi at makadalo sa annual memorial celebration ng pagkamatay ng kanyang ina. Bumalik sa kama ang dalaga at niligpit ang mga pictures na nagkalat doon."Pictures mula sa tour mo?" tanong ng kanyang ama."No, it's not." She can't tell him that it was the chairman's pictures. Ibinigay iyon sa kanya ng taong inutusan niyang magmanman sa mga babaeng umaaligid kay Athrun habang wala siya. "Dad, kumusta na ang elders? Narinig ko ang nangyari noong huling council meeting." Iniba niya ang usapan para hindi na ito mangulit."Yeah, what happened that day is quite embarrassing for us. Ayaw ko nang maalala pa iyon." Dumilim ang mukha ni Patrick. "He nailed us completely back there.""Do you think the chairman will take this to the court? The video and the documents are more than sufficient pieces of evidence
SA CAPITAL nagpunta si Lora sa halip na sa Chrysanthemum mansion para personal na imbitahan si Athrun sa annual death anniversary ng kanyang ina. Tumuloy sa gallery lounge ang dalaga. Sabi sa kanya ng secretary general ay naroon daw ang chairman. But it was a normal working day. Binubuksan pala ang gallery? Sa pagkakaalam niya ay tuwing may special na okasyon lamang magbubukas ang lugar.Nahinto na tila kandelang itinulos sa kanyang kinatatayuan si Lora. Mula sa labas ng glass wall ay natatanaw niya si Athrun sa loob ng gallery na may babaeng kayakap. Bago bumitaw sa isa't isa ay nagtagpo sa isang saglit ngunit malalim na halik ang mga labi ng dalawa.Napaurong si Lora. Natigagal. The woman is a real looker. A stunning beauty surely can make a renowned beauty queen in the world jealous. She has a small face. Thickly-lashed dark eyes. Ilong na tila iginuguhit sa eksaktong sukat ang tangos. Heart-shaped lips richly defined by a copper-colored lipstick.Is it her? Is she the rumored love
BUMABA ng kama si Safhire at nilapitan si Athrun na nagbibihis ng pantulog. Mula sa likod ay niyakap niya ang binata at ibinaon sa likod nito ang kanyang mukha. He smells good and he is so warm. His back is so broad."What is it?" Hinawakan nito ang kamay niya na nasa dibdib nito at may pagsuyong pinisil."I just thought I'll have a little rest here in your back," malambing niyang sabi. "You're hair is getting long.""Yeah, you don't like it?""I love it."Just like this. She wants to stay just like this forever.Pumihit ito. Hinapit siya sa baywang at mapusok na hinagkan sa labi. Tumingkayad siya at ini-angkla ang mga braso sa batok nito habang gumaganti ng halik. Ganitong halik din ba ang ibinigay nito kay Lora Mackintosh? Lumalim nang lumalim ang halik nito na nagpapahina sa kanyang mga tuhod. Mabuti na lamang at humigpit ang pagkakahapit nito sa kanya na tila ba sinuportahan ang bigat ng kanyang katawan para hindi siya tuluyang bumagsak."I love you..." anas niya. Sumubsob sa dibd
"BENJIE, NAYUMI, MANG DANNY?" May namuong luha sa mga mata ni Safhire habang nakatingin sa tatlong taong pare-parehong malapit sa kanyang puso. Si Benjie ay matalik na kaibigan ni Ray at isa sa mga tumulong sa kanya matapos siyang magkasakit dahil sa pagkawala ng fiancé.After everyone gets settled, the chairman gestured for silence and begun to address the crowd once more."Council, I gave you, Captain Benjie Castillo of the UN Peace-making force, my brother's best friend. Mr. Danilo Salvador and his daughter Miss Nayumi Salvador." May binuklat na dokumento ang binata na binigay ng secretary general. "They are joining with Miss Magdalene for the inquiry as representatives of SHANRA. I'll be passing over to you their credentials and their ratings of the latest aptitude examination."Nagulat si Safhire sa announcement na iyon. Ibig sabihin hindi siya mag-iisa. Tumingin siya kay Vhendice. Nakangiti ito at kumindat sa kanya. Ito ba at si Athrun ang may pakana?"Akala mo ba ikaw lang ang