BUONG pagmamahal na pinagmamasdan ni Safhire si Athrun na nakikipag-usap kina Yam at Makki. Halatang namimiss nang husto ng binata ang dalawa."You're looking at him as if he is the only gorgeous man alive. Don't forget we're here too." Naalimpungatan siya nang nagsalita si Vhendice.Paanong nakarating sa kanyang tabi ang lalaking ito nang hindi man lamang niya namamalayan?"Congratulations for the job well done." Ang tinutukoy nito ay ang inquiry kanina."Thank you." Nagawa lang naman niya ng maayos iyon dahil matindi ang naging suportang natatanggap niya at laging pinalalakas nina Vladimir at Leih ang loob niya."You're amazing back there," pahayag nito. "But I have to be honest, kahit magaling ang ipinakita mo kanina at kahit na alam kong may potential ka, pero hindi kita ipapasa. Kung hahayaan kitang makapasok sa council para ko na ring sinakal ang sarili ko."Ngumiti siya ng tipid. Alam niya ang ibig nitong sabihin. Gaya nga nang sinabi ni Leih, kapag nakapasok siya ng council, m
CRYSANTHEMUM MANSION"PLEASE, SAF, STOP CRYING." Nagsusumamo ang boses ni Leih na inaalo si Safhire na ayaw pa rin huminto sa kakaiyak."You don't understand anything!" Himutok ng dalagang napapahikbi."Then crying will make me understand? You've been crying since we left Edena. Tapos wala ka namang sinasabi.""Nalulungkot ako kasi hindi ako nakapasa.""I'm sorry, pero hindi mo naman kailangang pumasok doon. You can still be Athrun's wife even without becoming a council member. I am sure of that."Hindi siya kumibo. Ganoon ba iyon? Ganoon nga kaya ang mangyayari? Nasa tainga pa rin niya ang boses ni Athrun na nagsasabing NO. Matatanggap niya kung ang council mismo ang nagbagsak sa kanya. Pero malinaw na si Athrun ang umaayaw na makapasok siya. Pakiramdam niya ay para na ring sinabi ng binata na hindi siya nakapasa bilang bride candidate nito.Kung sinabi kaya niya na siya si Shannon, magiging iba kaya ang kalalabasan? Napatingin siya sa maraming chocolates na nakalatag sa kanyang hara
DINAMPOT ni Athrun ang newspaper na ibinigay sa kanya ni Rajive at muling pumasada ang tingin sa isang linya ng balita roon.SHANNON AVILA, THE LONG LOST PRINCESS OF THE AVILA CLAN HAS CAME BACK.Sa ibaba ay naroon ang larawan ng isang babae na sinasabing si Shannon Avila at ang detalye ng balita tungkol sa pagbabalik nito."Tomorrow may naka-schedule na press conference si Alejandro about this good news according to them as I quoted," pahayag ni Rajive.Tumango si Athrun at saglit na nag-isip. Muling tiningnan ng binata ang larawan ng babaeng nasa pahayagan."Question is, si Shannon nga ba talaga ang babaeng iyan?" Nagsalita si Vladimir. Lumapit ito at hiningi kay Athrun ang newspaper. Sinilip. "She's too far to be the princess. I can't see the resemblance.""Me too." Sang-ayon ni Gabrylle."Hey, guys, you should remember it's been twelve years. Hindi ba pwedeng nagbago siya physically?" Pakli ni Vhendice. Ngunit ang sinabi nitong iyon ay umani ng masamang tingin mula sa mga kapatid
TAAS-NOONG sinasabayan ni Safhire ang bawat paghakbang ni Athrun papasok ng council hall kasama ang limang commanders ng Nephilims. Hindi pinansin ng dalaga ang disgusto ng aura na mabilis na umaangat sa ere. Mahigpit na hawak ni Athrun ang kamay niya. Wala itong balak na pakawalan siya anuman ang mangyari. Sapat na iyon upang manatili siyang matatag sa tabi nito hanggang sa katapusan.Hinatid siya ng binata sa naka-reserbang upuan para sa kanya na malapit lamang dito. Makaraan ang ilang saglit ay pormal nang binuksan ang meeting."Before we proceed to the main agenda of this meeting, the chairman would like to make an important announcement," pahayag ng secretary general."Thank you," Tumayo si Athrun. He looked at her a gentle smile on his lips and stretch out his hand.Ngumiti siya at agad na tumayo. Lumapit sa binata nang walang pag-aalinlangan. Humawak siya sa kamay nito."Supreme Council of Andomida Conglomerate, I would like to announce my engagement to this lovely lady, Ms. Sa
"EVERYONE, may I have your attention please!" Natahimik ang lahat nang magsalita sa microphone si Alejandro, ang tumatayong kasalukuyang lider ng mga Avila.Natuon rito ang atensiyon nilang lahat."Thank you for coming. Tonight's gathering was not made possible without your presence and cooperation but of course without her. My family, my friends, ladies, and gentlemen, it is my honor to present to you the long lost princess of the Avila clan, my beloved niece, Shannon Avila!"Mula sa matarik at carpeted na hagdan kungsaan nakatuon ang spotlight ay bumababa ang magandang babae, suot ang kulay itim at off shoulder na evening gown na lalong nagpatingkad sa ganda nito. Sinalubong ito ng masigabong palakpakan at nagkikislapang mga camera.Nagkatinginan sina Athrun, Vhendice at Leih. Mas maganda sa personal ang babae at malamang kaedad lamang ni Safhire. Mahusay pumili ng impostor ang mga Avila. Sinulyapan ng binata si Safhire. Tahimik lamang itong nakaantabay at matiim na nakatitig sa bag
SA LOOB ng chopper ay pinalaya ni Safhire ang mga luhang nagpapalabo ng kanyang paningin. Hinapit siya ni Athrun at banayad na hinagkan sa labi. Yakap siya ng binata at tahimik na umiiyak sa buong biyahe pabalik ng mansion.Nagpapasalamat siya at iginagalang ng mga kasama niya ang kanyang pananahimik. Walang sa tatlong lalaki ang nagtangkang magsalita tungkol sa nangyari sa dinner. Hindi sana sa ganoong paraan niya gustong malaman ni Athrun at ng iba pa na siya si Shannon. Hindi sa pamamagitan ng pag-iskandalo gaya ng ginawa niya. Ngunit hindi niya pwedeng hayaan na iinsultuhin ng kahit na sino ang alaala ng kanyang ina."Chairman, dumating na pala kayo?" Sinalubong sila ni Rowena pagkapanhik nila ng sala. "Anong nangyari?" tanong nito nang mapunang umiiyak siya."Later, Rowena. Get her something to drink, please." Utos ni Athrun at inakay siya patungo sa sofa. Habang si Rowena ay mabilis na tumalima para ikuha siya ng maiinom.Naupo siya sa overstuffed sofa. "I'm sorry, I shouldn't h
"ANONG MAYROON?" nagtatakang tanong ni Safhire kay Leih nang makitang naroon sa mansion ang lahat pagbaba niya ng sala para mag-agahan. Late na siya nagising.Bitbit ng dalaga ang isang tangkay ng puting rose na iniwan ni Athrun sa kanyang tabi habang tulog siya. May kasamang note iyon pero nandoon sa kwarto. Maagang umalis si Athrun kasama si Vhendice. May aasikasuhin daw para sa unification. Iyon ang nasa note na binasa niya kanina."I have no idea. Bigla na lang silang nagdatingan kanina, noong tulog ka pa," sagot ni Leih na halatang binabakuran na naman siya."Good morning, guys!" Bati niyang may kasamang matamis na ngiti. Pansin niyang may kanya-kanyang bitbit na pahayagan ang mga ito at abala sa pagbabasa.Napatingin sa kanya ang mga ito at matagal siyang tinitigan na tila ba tiniyak kung totoong naroon nga siya at hindi isang ilusyon lamang.Natanaw niyang tumayo sa inuupuan nito si Gabrylle at sumalubong sa kanya. "Goodmorning, princess." Hindi siya nakahuma nang hapitin nito
NATATAWA si Athrun habang pinanonood si Safhire na hinahabol ng palo ng tennis racket sina Ramses at Raxiine. Kinulit na naman marahil ng dalawa ang dalaga tulad nang nakagawian ng mga ito noon. Namumula na ang pisngi ni Safhire, namimilog ang mga mata at ilong at nanunulis ang mga nguso sa galit. Minumura ang dalawang lalaki na walang tigil sa kahahalakhak. Maya-maya pa ay dumating si Rowena. Sinaway ang dalawa. Tulad ng dati, to the rescue agad ito kapag kinukulit ng boys si Shannon noon. Pero sa halip na makinig ay isinali ng dalawa ang mayordoma sa kulitan. Umalis si Rowena at nang bumalik ay may dalang pamalo. Bat ng baseball. Naging apat na tuloy ang naghahabulan sa loob ng tennis court. Lalong natawa si Athrun mula sa kinaroroonang terrace sa second floor ng mansion. Unti-unti nang bumabalik ang dating atmosphere roon kagaya noong kasama nila ang dalagitang si Shannon na ngayon ay dalagang-dalaga na. Thank you, Ray...everything is falling into place right now because of you.