PAGDATING nila sa kanilang bahay ay agad na nag-mano si Rosita sa kanyang Mamay. Nginitian lang s’ya ng kanyang Mamay at bakas sa mukha nito ang pagod at puyat. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo, dahil alam niya kung bakit pagod na pagod ‘to. Mag-isang taon na kasi si Baby Venus at makulit na rin ito, nagsisimula na ring mag-lakad. Ilang months pa ang kasi si Baby Venus noon ay marunong na itong mag-crawl, hanggang sa nagsimula na iton tumayo. At ngayon ay marunong na itong lumakad. Mabilis lang siyang nakakalakad, unlike sa ibang bata. Tumango lang ang matanda at hindi na pansin na may kasama pala si Rosita.Pumasok na ang matanda at labis naman ang gulat ni Raven dahil hindi nararamdaman ng matanda ang presensya niya. Palihim namna na ngumiti si Roita dahil mukhang nagtataka ang kasama kung bakit hindi siya pinansin nito. Kunot pa rin ang noo nito ng makapasok na sila sa loob. “Naka-busangot ka diyan?” natatawa ng wika ni Rosita. “Pasukin ko nga sa kwarto, mukhang hindi na niy
NAIWAN na nakatayo si Raven sa sala dahil pumasok na sa kwarto niya si Rosita. Hindi mag sink sa utak niya ang sinabi nito. At naguguluhan na ito ng sobra. “Ang layo ng Roger sa Raven?" Paulit-ulit niyang salita. He was trying to process what she just said, earlier. Hanggang sa makuha nito ang ibig-sabihin ni Rosita. “Fvck. For real? Napaka slow ko.” ang astig nitong porma at napaka-cold na aura ay napalitan ng saya at kilig. Mga matang nangungusap sa tuwa. Sa loob nang kanyang kwarto ay ang nakangiting si Rosita. Hindi rin maipagkaila n siya'y masaya dahil hindi na niya kailangan mag-panggap sa harapan ng binata. Bagay na ayaw niyang malaman niyang malaman ng binata noon, dahil sa takot na baka hindi siya tanggapin nito. Isa na lang ang kanyang po-problemahin, yan ang kanyang Mamang. "Babe? Can I come in?" katok ni Raven mula sa labas ng kanyang kwarto. Mabilis naman siyang pinag-buksan ni Rosita at pinapasok sa loob. "Upo ka muna. Mag bihis lang muna ako sagli
⚠️ Blood. Violence.⚠️MENDEZ RESIDENCE EVERYONE was in chaos when Dina threw all the things she saw. A flower vase that is made of jade, worth 350$, was scattered on the floor. She was shouting and screaming that everyone is afraid to confront her. She's having a tantrum. A wild habit of hers whenever she's not in a mood. Lucky, that she's not making someone suffer until it dies in her hands. One time na may isang katulong n’ya ang pinukpok niya ng vase sa ulo. At na-coma ito for 10 months. Gusto man sana s’yang sampahan ng kaso ay hindi magawa ng biktima dahil silaw sa pera ang mga pulis. She was shaking in anger. Lahat na lang ng nakikita niya ay pinagtatapon niya. Mga basag na salamin na nagkalat sa sahig. Na kahit naapakan na niya ay wala itong pakialam kung masakit ba o hindi. “Where the hell is he? Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko. It's been five days,” galit na sigaw niya at pinagtatapon na naman ang mga bote ng alak. “Lindsy, bring my cigarette.” utos niya sa sekr
PATUNGO nang mansion si Rosita at Baby Venus. She wore a red velvet bodycon dress, and red velvet slingback boots. She curls her long black hair that suits her well. She only put light make and pink lipstick na nababagay lang sa maputi niyang kutis. She really stands out. Has a sexy figure, despite gaining weight. And for Baby Venus, she wore a pink dress with a pink crown. She's such an adorable baby. Habang tumatagal ay nakikita na ni Rosita ang mga mata ng bata na manang-mana sa ama. Nang sabihin ni Raven na nakahanda na ang lahat ay hindi pa siya naniwala. Hanggang sa dumating ang driver nito at sinabi na nakahanda na ang lahat. "Baby, narito na tayo sa mansyon. Kinakabahan ako anak, at masaya na ma-c-celebrate ni mama ang unang kaarawan mo. Bagay na hindi ko nagawa sa Kuya mo.” emosyonal niyang salita habang nakatitig sa anak. Venus reached her face and softly caressed it, as if the baby understand what she was saying. Natawa naman si Rosita sa ginawa ng anak. "Are you
TULALA at sinubukan pa rin ni Rosita na e-proseso ang kanyang narinig mula kay Raven. Ang batang nasa harapan niya ngayon ay ang kanyang anak, at tinawag siya nitong mommy. Hindi mag-sink in sa utak niya ang pangyayari. Labis siyang nangungulila sa anak na matagal niyang hindi nakita at nakasama. Na ang buong akala niya ay matagal nang wala at patay na. Ngunit ito siya ngayon sa harapan niya, at yakap-yakap siya. Tulala pa rin ito habang nakatingin sa anak na mahigpit na yumakap sa kanya. Ilang minuto pa bago bumalik sa katinuan ang kanyang isipan. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya lang pala ang anak niya. Nakangiti lang si Raven at masaya na sa wakas ay magkasama na ang mag-ina. “Ikaw nga ba ang aking anak? Matthew? Ang ganda nang pangalan mo," salita ni Rosita habang patuloy pa rin sa pagyakap dito. Sunod-sunod nang naglalabasan ang kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Humihikbi na siya at mahigpit na niyakap ang anak na kay tagal na niyang hindi nakasa
Everyone clapped their hands, and at the same time they were confused. Wala namang ibang bisita sa party kundi mga tauhan at mga katulong lang. At may ilang bisita. “Hindi ba,... Hindi pa sila kasal ni ma’am Dina?” “Di’ba kaarawan ngayon ng anak ni Rosita? Bakit kasama niya si Sir?” “Anong nangyayari?” Samot-saring reaksyon at komento ang bumungad sa magka-pamilya pero wala na silang pakialam. Magkahawak kamay ang dalawa na bumaba ng hagdan kasama ang dalawang mga bata. Hawak ni Raven si Baby Venus at kay Rosita naman si Matthew. “Omg. Ang ganda ni Rosita. At ang mga bata magkamukha.” “Hindi kaya si sir ang ama ni Baby Venus?” “Magkamukha sila at ang kanilang mga mata ay magkatulad.” Puno pa rin silang lahat ng pagtataka at katanungan. Umakyat na silang apat sa mini stage kung saan na room ang malaking cake for baby Venus. “Mag-ama nga talaga kayo ni Baby Venus. Kitang-kita ko na ang resemblance ninyong dalawa,Mr. Woodsman.” saad ng MC. Kinakabahan naman si Ros
MAHIGPIT na niyakap ni Rosita ang matanda habang tahimik na humihikbi,at nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Manang Mamay, gently tapped her to comfort her. Emotional rin ang matanda dahil alam niya ang bigat na pinagdaanan nito. Alam niya pa lang na may hindi tama noong araw na niligtas niya ito. Napansin naman ni Raven habang nakikipaglaro sa mga bata. Karga niya pa rin si Baby Venus na sayang-saya sa ginawa nitong pakikipaglaro. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-usapan kaya hindi na siya lumapit sa kanilang dalawa. Masaya ito dahil kahit papano ay naibsan ang bigat na dala-dala nito. “Hindi pa tapos ang surpresa ko sa ‘yo, mahal ko. Ibigay ko sa ‘yo ang lahat at aalagaan kita ng sobra-sobra. At sa ating munting anak,” saad nito at tumingin kay Baby Venus. “Gagawin kitang prinsesa at walang kahit na sino man ang aapi sa'yo at sa kuya Matthew mo.” saad nito at kiniss sa noo ang anak na babae. Binaling na naman niya ang atensyon kay Matthew na nakikipaglaro sa mga bat
PABAGSAK ang katawan na pinahiga sa kama ang lasing na si Raven. Marami kasi ang nainom niya kanina. At mukhang nag-enjoy kaya hinayaan na lang ni Rosita. Sinabihan na kasi ng lalaki kanina na kapag sumobra na ang kanyang iniinom ay awatin na siya, ngunit hinayaan niya lang ito. Unang beses niya rin makita ang lalaki na lasing. Nasa kabilang kwarto na rin ang mga bata, hindi na sila umuwi sa kanilang bahay dahil madaling araw na rin natapos ang party. Kanina lang din nakatulog ang mga bata na si Venus at matthew. “Hey,babe… Magpalit ka muna bago matulog.” ani Rosita at isa-isa ng tinanggal ang mga butones sa suot niyang pang-itaas. He groans. “Take it off for me,babe.” mapang-akit nitong salita at ngumisi. “Yeah. I am actually doing it,Mr.Woodsman.” Rosita said, teasing him. Umupo ito at tinapik ang kanyang hita. “Come, and sit on my lap.” mapang-utos nitong salita. “And why would I?” nakataas kilay na usal ni Rosita sa lalaki na mapungay na ang mga mata. “Because, I want to fe
“Surpresa!” sabay-sabay na sigaw ng lahat nang buksan ni Caroline ang pinto. Napaatras naman siya, tila nagulat sa dami ng mga taong nagkakantahan at nagpapalakpakan sa sala. Hindi naman maiwasan ni Caroline ang matuwa, dahil ang iba sa mga bisita ay mga empleyado niya. At kumpleto rin ang kanyang pamilya,.maliban Sa isang tao. Sa gitna ng lahat, si Raven ay nakangiti habang may hawak na ang bunso nilang anak na si Venus.“You thought we forgot, didn’t you?” Raven said with a teasing smile.Bago ang kaganapan, sobrang abala si Caroline sa kumpanya dahil nagkaproblema sila sa isang investor. Dahil sa tindi ng kanyang pagka-busy, hindi na niya namalayan ang paglipas ng mga araw. Isang buwan na pala ang nakalipas, at maraming nangyari sa panahong iyon.Si Diego at Dina ay pumunta na sa ibang bansa para sa operasyon ni Diego. Masaya naman si Caroline dahil sa wakas ay magagamot na ang dati niyang asawa. Para kay Dina naman, magsisimula na ito ng negosyo sa ibang bansa. Tinulungan sila ni
Alam kong may konsensya pa rin si Dina hanggang ngayon, at ako rin naman. Hindi mawala sa isip ko ang mga kasalanang nagawa ko sa kanya. Sobrang dinurog ko siya. Hindi ko nga alam kung paano ako makakabawi sa kanya. "Uhm... ano ba ang susunod nating hakbang? Paano natin mapapasaya si Caroline? Wala akong maisip na pwedeng gawin..." litong sabi ko. "Paano kung ayain natin sina Raven at Caroline mag-date? Sa tingin ko magandang ideya 'yun, di ba?" masiglang mungkahi ni Dina habang nag-iisip pa. "Sa tingin mo, okay lang sa kanya? Hindi kaya siya magalit?" tanong ko nang may pag-aalinlangan. Hindi ko rin kasi masyadong kilala si Caroline, lalo na't hindi naman kami nagtagal. Nakilala ko lang naman si Caroline noon nung sinabi sa akin ni Dad na siya ang papakasalan ko. Dahil sa maganda siya at napakamasipag na babae. Agad rin nahulog ang loob at puso ko sa kanya. Pero nagloko pa rin ako sa kanya. She's the perfect woman na sana, kaso isang akong tanga kaya ngayon wala na siya sa akin.
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata, at agad na bumungad sa akin ang puting kisame at amoy ng ospital. Nakakasulasok ang amoy, at ayoko nito. Paano ako napunta sa lugar na 'to? Kasama ko lang si Mamay kanina; baka naman naghahallucinate lang ako. Pero nasa kwarto lang talaga ako ngayon at hindi sa ospital. Ibinaling ko ang aking ulo sa kaliwa at tumingin sa paligid. Nasa ospital nga talaga ako. Pero anong ginagawa ko rito? "Babe, you're finally awake. Thank goodness," bungad na sabi ni Raven. "Pinag-alala mo ako. Sorry..." umiiyak na sabi ni Raven. Kunot-noo ko siyang tinitigan. Ano ba ang problema? "Why are you crying?" mahina kong tanong. “Nasa ospital ka, babe. Hindi ka nagising kagabi, kaya nag-alala ako. Lahat kami nag-alala. Pasensya na, sorry kung napaiyak kita ulit.” “Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang ginawang mali, ah...” tanong ko. “Mamay told me. Umiiyak ka raw, at sobrang sama ng loob ko. Alam ko kasi kung bakit ka umiiyak kahapon. Akala mo siguro may k
[CAROLINE] Bumuhos na naman ang aking mga luha. Kakaayos lang namin, pero may nalaman na naman ako. Bakit ganito? Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana? Gusto ko lang naman na maging maayos kami, kahit na pinagtaksilan nila ako. Pero bakit hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagsisinungaling? Bakit ganito? Agad akong pumasok sa kotse at humagulgol. Pilit kong inaayos ang lahat—sinubukan kong tanggapin at patawarin sila. Binigay ko ang gusto nila para maayos na. Kahit labag sa loob ko, ginawa ko, para kahit papaano'y maibsan ang bigat ng dinadala ko. Bakit ba ang hirap magpakatotoo? "Why do I have to experience this? Gusto ko nang maayos ang lahat sa amin, tapos bigla na lang malalaman ko na ang murderer ng asawa ko noon ay ang kabit niya pala? This is so frustrating!" Dapat ba akong maawa kay Diego? Pero siguro sapat na itong mga nalaman ko. Tama na ang kadramahan. Gusto nilang magsama, sige, hahayaan ko na sila sa buhay nila. Ibibigay ko na at magpopokus na lang ako sa buhay k
Nagulat si Caroline sa paghingi ng basbas ni Diego sa kanya. She felt something touch her heart, at pakiramdam niya'y napawi ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi sakit at selos ang nararamdaman niya ngayon, kundi saya sa kanyang puso. The way humingi si Diego ng basbas sa kanya ay para bang sigurado na siya kay Dina—na para bang ito ang babaeng habang buhay niyang mamahalin.Tears streamed down her cheeks. Tiningnan niya ang kalagayan ni Dina na wala pa ring malay at pagkatapos ay tumingin kay Diego, na para bang sinasabi, "Please, let us be happy together.""C-Caroline, sorry. Please, don't cry. H-hindi na kita tatanungin tungkol sa bagay na 'yon. I am sorry, masyado lang ata akong desperado," he said in panic as he held Caroline's hand.Akala ni Diego ay galit pa rin si Caroline sa kanilang dalawa. Alam ni Caroline na hindi madaling maghilom ang sugat na dinulot nila."Maybe giving them a chance isn't bad, right?" sa isip ni Caroline.Pinahiran niya ang kanyang mga luha, at mahi
Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Stiffany nang magkita silang dalawa sa hideout nila. Nagulat si Stiffany sa ginawa ni Dina, sa biglaang pagsampal na hindi niya alam ang dahilan. Dahil dito, sinampal din niya si Dina ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Nanlilisik ang kanilang mga mata, at tila konti na lang ay mag-aaway na sila at magdadambahan."Ano ba ang problema mo?" singhal ni Stiffany kay Dina."Ikaw! Kayo ng mga kuya-kuyahan mo! Ano ang ginawa ninyo kay Diego?" nanlilisik ang mga mata ni Dina habang nagsasalita.Inirapan ni Stiffany si Dina at tinalikuran ito. "He deserves to die," ani Stiffany. "Dahil sa ginawa niya, nawala sa amin ang lahat. Sinumbong niya kay Daddy kung ano ang ginawa namin nina Kuya. Kung tumahimik lang sana siya, hindi siya mapapahamak." Nanggigigil na sambit nito."Paano mo nagagawa 'yon sa kapatid mo? Hindi ba baliw na baliw ka kay Diego? Ano'ng kapahamakan ang ginawa ninyo sa kanya?" sigaw ni Dina. "Mabait si Diego sa inyo, paano ni
Dinala nina Raven at Caroline si Diego sa ospital dahil nahihirapan itong huminga. Kahit ayaw nitong magpadala sa ospital, dinala pa rin nila ito upang magamot din ang mga sugat niya. May bantay sa kwarto niya upang walang sinuman ang makapasok. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa kwarto ni Diego sa ngayon dahil sa nangyari. Nagsimula na rin mag-imbestiga ang mga pulis sa bahay ni Diego, at nagbigay na rin ng pahayag sina Raven at Caroline. Ayon kay Diego, ang mga kapatid niya ang may pakana ng nangyari sa kanya. Nagpaiwan si Caroline sa ospital upang bantayan si Diego, na hindi pa rin nagigising simula nang dinala nila siya roon. May nais ding malaman si Caroline. Gusto niyang maintindihan kung bakit laging sinasabi ni Diego na masakit ang kanyang ulo. Sinabi rin ni Raven na uminom si Diego ng pain reliever bago sila umalis ng bahay. Hindi siya mapakali, lalo na nang mahawakan niya ang ulo ni Diego at mapansin ang labis na pagkalagas ng buhok nito. Malakas ang kutob niya na
HATING-GABI na nang makatanggap ng tawag si Raven mula kay Diego. Mukhang hinihingal ito at nahihirapan sa paghinga. Nang oras na iyon, nasa kanyang opisina siya sa loob ng bahay, samantalang si Caroline ay natutulog na sa kanilang kwarto. Kunot-noo man si Raven dahil sa biglaang tawag nito, hindi niya magawang balewalain dahil mukhang may nangyari.Mabilis na kinutuban si Raven kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tumayo at kunin ang susi ng kanyang kotse. Alam niyang hindi pa sila lubusang nagkakasundo ni Diego, pero hindi na niya ito kalaban ngayon. Wala na siyang kailangang patunayan dahil alam niyang si Caroline at ang mga bata ay sa kanya pa rin"Nasaan ka?" kalmadong tanong ni Raven habang pinapaandar ang kanyang sasakyan."Sa bahay ko, alam mo na kung saan 'to, dahil nakapunta ka na rito noong dinala mo si Matthew," hirap na hirap nitong sabi. Rinig na rinig din ni Raven ang mabigat na paghinga ni Diego.Dinala niya kasi ang bata sa bahay nito isang beses, dahil gustong maki
Natameme si Diego sa narinig. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay, nanghina ang kanyang mga tuhod, at napaluhod siya. Hindi siya makapaniwala na ang kabit pala ang dahilan ng pagkawala ng panganay niyang anak—at kasalanan niya rin iyon. Isa siyang pabaya na asawa. Napahilamos siya sa kanyang mukha, at sunod-sunod na nagsilabasan ang kanyang mga luha. Tahimik siyang napahagulgol habang ang kanyang mga kamay ay nasa mukha pa rin. Ngayon, mas lalo siyang nagsisisi dahil sa kanyang nagawa. Napakalaki ng kasalanan niya kay Caroline, at hindi katanggap-tanggap ang kanyang ginawa. "Patawad," humihikbing sabi ni Diego. "Walang kapatawaran ang nagawa kong kasalanan sa'yo. Kasalanan ko ang lahat," hagulgol niya. "Patawarin mo ako, Caroline. Labis kitang nasaktan. Napaka-gago kong tao—irresponsable, manloloko, sinungaling. Hindi mo deserve ang isang katulad ko. Nabigo akong maging lalaki para sa'yo, nabigo akong maging ama, at nabigo akong maging asawa. Pinabayaan kita, Caroline," pat