DAHIL sa sobrang saya ay hindi na nagawa pa na matulog ni Rosita. Alas tres na nang madaling araw at dilat na dilat pa ang kanyang mga mata na pumasok sa kwarto nila ng fiance niya. Hindi na siya inabala ni Raven, dahil alam nito kung gaano niya na-miss ang pamilya. Hinayaan niya lang ito na makipag-usap sa mga magulang at mga kapatid na matagal-tagal din na hindi niya kasama. Nang dahil sa marami silang napag-usapan ay hindi na nila namalayan ang oras, kaya’y pinilit na lang nila si Rosita na pumasok na sa kanilang kwarto. At dahil din sa sobrang saya ay hindi na nagawa ni Rosita na bisitahin ang mga anak sa kani-kanilang kwarto. Pagpasok niya sa kanilang kwarto ni Raven ay nadatnan niya ang kanyang mga anak at si Raven na natutulog. Maiging pinagmasdan ni Rosita ang kanyang mag-ama. Nag siunahan naman ang kanyang mga luha habang nakatitig sa kanyang mag-ama. Ang sarap ng kanyang pakiramdam habang tinitigan ang mga ito na mahimbing na natutulog. Labis siyang natuwa sa ginawa ni Rav
KINABUKASAN ay plano ng mag pamilya na magtungo sa mall upang mag-shopping ng mga gamit ng mga bata at ibang mga kakailanganin, lalo pa’t wala silang dalang gamit mula sa Isla. Unang beses rin ng pamilya na mag-shopping simula nung nakabalik sila sa Manila. Gusto nila na mag-sprint time together, and after shopping ay diretso naman sila sa zoo para ipasyal ang mga bata. Malapit lang naman ang mall na kanilang pupuntahan, just 20 minutes lang naman ang biyahe. On their way, Rosita spot's a familiar figure of a man. Actually malapit na sila sa mall kaya makikita na rin nila ang parking lot. Her forehead creased, and get anxious. “Who was that?" sa isip niya.“We are here! Are you excited to tour, baby Venus, Kuya Matthew?” excited na tanong ni Raven kay Matthew.Raven has a soft spot for Matthew. He treats him like his own child. And he legally adopted the child simula noong makita niya ito sa orphanage. Baby pa si Matthew noong makita niya ito sa orphanage, at ang sabi ng isang Madre
Kumunot naman ang noo ni Rosita at hindi nagustuhan ang sinabi ng babae. “Hey, don't you dare kid my child." depensa ni Rosita sa anak. “Mommy, I got the toy first and then he suddenly grabbed it." Sumbong ni Matthew. "No, mommy. I got this first. Let go,” biglang tinulak si Matthew kaya nagalit si Rosita. "Hey, wag kang manulak. Pwede bang pigilan mo ‘yang anak mo?” saad ni Rosita sa Ina ng bata. "Ikaw ang pigilan ang anak mo. Assumera pa kayo. Sabi mo may-ari ang daddy mo sa mall na ‘to, edi pabili ka sa kanya ng toy na ganito.” pag ma-maldita ng babae. “Mommy, let's go. Nakuha ko na po eh,” nakangiting wika ng bata sa mommy niya. “My son got that toy first kaya ibigay mo na yan sa kanya. Hindi maganda ang manguha sa bagay na unang-una ay hindi naman sa ‘yo," galit na wika ni Rosita. "Anong sabi mo? Hindi naman kinuha ng anak ko ‘yang laruan na ‘yan ah. At unang-una ay hindi pa naman yan nabayaran,kaya ito oh pera hanap na lang kayo ng bagong laruan.” nakangiting usal ng baba
“Where have you been? Bakit bigla ka na lang nawawala o umaalis ng wala man lang pasabi?" galit na salubong ng babae sa kadarating lang na lalaki. “Mall!" Matipid nitong sagot.“At ano ang ginawa mo sa mall? Lahat naman na kailangan nandito lang sa bahay ah." kunot-noo’g wika nito."What the hell is wrong with you? Hindi ba ako pwedeng lumabas saglit? Bawal ba?” mataas ang boses nito na mas lalong ikinagalit ng babae."What? Sinisigawan mo ba ako? Ha?” "It's just that you're so annoying. Lahat na lang ng gagawin ko ay kailangan ko pa na i-report sa ‘yo, as if na may ginawa akong krimen or illegal. Masyado na kayong mahigpit sa akin. Hindi naman ako bata ah…” usal nito. "Please, hayaan niyo na ako.” Dagdag pa nito at tinalikuran ang babae."Diego? We're not done talking, comeback here!” sigaw naman ng babae. "Love, what happened?” natataranta na tanong ng lalaki na kakapasok lang. "That stubborn brother in law mo. Umalis na naman,” she said to her husband, Levi. "Love… Diego is no
SOLISE RESIDENCES… NASA labas na siya ng Mansyon ng mga Solise. Isang dekada na rin ng huli siyang nakapunta sa mansyon. Kaya parang naninibago siya. Habang nakatingin sa mala-palasyong tahanan kung saan nakatira ang unang taong minahal niya ay nakaramdam na naman siya ng kirot sa kanyang dibdib. Bagay na nakalimutan na niya. Hindi man niya aminin, pero nangungulila pa rin siya taong ‘yon. Ang unang tao na kanyang minahal. Palinga-linga siya sa paligid, marami nga talagang nagbago at nawala na rin ‘yung puno kung saan sila minsan tumatambay kapag bibisita silang mag-asawa sa mansyon. May duyan kasi na nilagay dun si Diego. Nung matanggap n’ya ang invitation ay talaga namang nagulat siya at nagdadalawang isip kung pupunta ba siya o hindi. Ngunit kinumbinsi siya ng kanyang ama na pumunta. Akala n’ya ay hindi na siya makakabalik pa sa mansyon, dahil alam niya ang galit ng pamilya matapos siyang akusahan at makukong ng walong taon dahil sa pagkamatay ng anak nila. na si Diego. “
"I-i didn't know! Caroline, why did you not tell me? How could my son cheat on you?" Hindi makapaniwala salita nito. He looks devastated, and disappointed upon hearing it. "Caroline, I am so sorry," he said. Mabait na tao si Edgar. Pinalaki naman niya ng maayos ang mga anak, bagay na akala niya ay nagawa niya, pero mali pala siya. Hindi naman kasi agad-agad nakikita at nalalaman ang pagbabago ng isang anak. Mga anak na nagtatago lang din sa isang maskara, upang hindi makita ang totoong sila. At 'yan ang mga anak ni Edgar Solise. Hindi siya makapaniwala na ginagawa ng anak niya ang magtaksil. Edgar Solise came from an oriented family, he's loved by his parents, and raised well. However, love changed him. Ayaw nang mga magulang n'ya kay Melissa dahil widow 'to at may anak na babae. At may kasamahan din nang ugali ang babae, bagay na hindi gusto ng pamilya ni Edgar. Si Allisa na dala na rin ang apelyido na Solise. Siya ang nakakatandang kapatid ni Diego Solise. “You know what,Dad. ‘Wa
MALAKAS naman na tumawa si Melissa habang pumapalakpak sa ere. Hindi naman nag patinag si Caroline sa behavior na ipinakita ni Melissa. Hindi na siya nagulat dahil mukhang may sayad talaga ang babae sa harapan niya. Caroline flucked her tongue inside her mouth. And crossed arms. Naiinis man siya ay ayaw niya ‘yon ipakita, at gusto na lang na inisin ‘to. Ang pangit talaga nang mga ugali nila. No wonder, manang-mana ang mga anak n’to sa ina. “Mellisa? Ano ba ‘ang ginagawa mo? You look pathetic!” nanlaki ang mga mata nito, pati na rin ang mga anak sa sinabi ng daddy nila. Hindi siya makapaniwala na sinabihan siya nang pathetic ng asawa niya. “P-pathetic? H-honey, really? Totoo ka pa ba? Tinawag mo akong pathetic?" she scoffed. “D-dahil sa babae na ‘yan, nagawa mo akong pagsabihan ng ganyan? Honey, why? Bakit ba kumakampi ka sa criminal na ‘yan? Wala tayong sapat na ebidensya upang napatunayan na inosente siya. Please, just let that woman go!” Sh shouted and went berserk. Para
Pabagsak na umupo sa kama si Raven na para bang pagod na pagod siya at walang lakas sa katawan. Huminga ‘to ng malalim at pinapakalma ang sarili. Galit ‘to sa nalaman na pumunta si Caroline sa pamilya Solise. Huli na rin nang malaman n’ya ang tungkol sa invitation na natanggap n’to mula sa pamilya kahapon. Umalis kasi s’ya ng hindi man lang nagpaalam ng maayos. At gabi na rin ng makauwi kaya hindi na sila nagkausap pa at parang ayaw rin siyang kausapin ni Caroline. Marahil ay nag-tampo ‘to sa kanya. Ayaw rin naman na isipin ni Raven na nagbalik na ang unang minahal ng kanyang fiance at iniwan na s’ya nito. Lalo pa’t nararamdaman niya pa rin na may pagmamahal pa rin na natira sa puso nito. He is jealous. He never gets jealous, easily. Pero dahil sa pagmamahal niya kay Caroline ay para na siyang mababaliw kakaisip dito. Parang sinusukat na ata ang kanyang pasensya kung saan lang ang kaya niyang tanggapin at panghawakan. Ayaw niya rin na saktan ang babae, dahil mahal niya ito. He never