Halos patakbo ko nang tinungo ang labasan dahil sa tawag ni nanay. Sa likod na ako dumaan para walang sagabal. Pero madadaanan pa rin naman ang main door ng hospital dahil nasa harap ang kotse ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa bahay dahil bago pa sabihin ni nanay ang dahilan ng tawag niya ay naputol na ang linya. Umiiyak siya at may nag-iiyakan na rin sa background niya na mga bata. Kaya kinabahan na ako. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage na. Si Ate Erica ayaw ring sumagot kahit ang mga bata. Kaya nagpasya akong umuwi muna. Pagkapasok ko sa sasakyan ko ay pinatakbo ko na ito. May narinig pa akong tumawag sa akin pero hindi ko na pinansin dahil okupado ang isip ko at kinakabahan ako. May nangyari kaya? Paglabas ko sa ground ng hospital ay mabilis ko nang pinatakbo ang saskayan pero nag-menor ako dahil sa busina ng isang sasakyan na pumantay na sa akin. Binaba ko ang tinted na salamin ng bintana ng kotse ko. "Bruh, may humahabol sa 'yong magandang
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Puti agad ang nakita ko kaya kinabahan na ako. Ahh, patay na yata ako. Kumurap-kurap pa ako pero gano'n pa rin ang nakikita ko. Lord, one more chance please, hindi pa ako sinasagot ni Edward. Wala pa kaming anak, hindi ko pa siya nayayakap, hindi ko pa siya nahalikan. Lord, p'wede niyo na po akong kunin ulit kung magawa ko na ang misyon ko.sa mundo. Okay lang kung walang anak, basta makasama ko kahit saglit si Edward at mayakap siya saka mahalik… "Anak? Dios ko anak, gising ka na." Natigilan ako saka bumaling sa gilid ko para makita ko ang nagsalita. "Nay?" "Oo, anak ako 'to, ang nanay mo," mangiyak-ngiyak na saad nito. Naramdaman ko ang palad niya na humaplos sa noo ko. "Buhay ako?" "Dios ko naman anak. Oo naman. Buhay na buhay na siyang pinagpasalamat ko Akala ko mauuna ka sa akin," aniya pa saka ngumiti kahit na umiiyak. Napangiti ako sa sinabi niya. Napansin ko ang nakalagay na rubber plastic na sumakop sa bibig at ilo
"CATHY! Saan ka na naman ba pupunta? Magpahinga ka nga. Ilang araw na lang matatapos na ang leave mo," bulyaw ni nanay. Pag-uwi ko kahapon, pingot agad sa tainga ko ang sumalubong sa akin. Gising na kasi siya no'ng dumating ako. Kaya, ito siya ngayon mag-uumpisa na namang tumalak. Habang nagwawalis sa sala namin. "'Nay, pupunta ako sa future ko. Sabi ng informant ko rest day raw niya ngayon at sabi no'ng isa nasa bahay lang daw si Edward," sabi ko saka pinasok na sa sling bag ko ang niluto kong adobong baboy at chicken curry na nakalagay na sa microwaveable. S'yempre si Jean ang informant ko tungkol sa rest day ni Edward at si Alexa- kambal ni Eric na anak ni Ate Erica- ang nagsabi na nasa bahay lang niya si Edward. Dami kong kakampi sa kahibangan ko. Napangiti ako ng nakakaluko habang iniisip na walang kakampi si Edward dito. Pinagkaka-isahan namin siya. Sana lang sumuko na siya. Tumigil si nanay sa pagwawalis at hinarap ako. "Bakit 'yan ang suot mo?" Agad na nag-change mo
"KAININ mo iyang dala ko dahil nag-effort ako d'yan. 'Wag mo lang subukang itapon iyan babarangin talaga kita. You have nothing to worry dahil walang gayuma 'yan, I want you to be mine, sa patas na paraan," narinig ko pang pahabol niya. I just smirked and turned around. Pagtingin ko ay humakbang na siya palabas, hinatid ko na lang ng tingin si Cathy. Napapailing na lang ako sa lakas ng loob niya. I found myself smiling kaya naman mabilis kong sinaway ang sutil kong labi. Hahakbang na sana ako pabalik sa kuwarto ko nang makita ko mula sa peripheral vision ko ang dala ni Cathy na nakalapag sa table. Humakbang ako para lapitan iyon. Pero pinigilan ko ang sarili na huwag. Kaya lang sutil talaga itong paa ko dahil humakbang talaga palapit sa mesa. "No… no… Edward, 'wag masisira buhay mo," pigil ko sa sarili ko. Akma na akong tatalikod pero… f*ck! May takip naman ang lagayan pero parang naaamoy ko na at naiimagine ang sarap ng ulam. Kaya tuluyan na akong lumapit saka binuksan. Hindi
"E-EDWARD, aalis na ako," sabi ko sabay abot sa helmet ko na hawak niya. Pero nilayo niya lang ito.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sheyyyt!! "Bakit ka pumayag na sumama sa medical mission? P'wede ka namamg tumanggi."Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit siya nagtatanong? Ayaw niya ba akong makasama? Akala ko pa naman magagalit siya sa pagsulat ko sa salamin ng kotse niya. Permanent marker pa naman ang gamit ko do'n. Tumingala ako saka sinalubong ang mga titig niya. Wala naman akong mababasang emosyon doon dahil blanko lang iyon. "H-huh? A-ayaw mo ba?" "Bakit nga?" "Kasi gusto ko at sasama ka rin kasi." "Kapag hindi ako sasama hindi ka rin ba sasama?" Napaawang lang lalo ang bibig ko sa mga sinasabi niya. Ano bang problema nito? "Hindi p'wedeng hindi ka sasama. Kailangan ka doon…" "Paano nga kung hindi ako sasama. Sasama ka pa rin ba?" "Eh, bakit ka ba nagtatanong?" balik tanong ko saka namaywang. Nalito lang kasi ako sa gusto niyang mangyari."Bundok ang pupuntahan na
"ARE YOU done feeling my warm palm? P'wede ko na bang bawiin?" Nagising ako sa matinding pagdiriwang ng marinig ko ang sinabi niya. I raise my gaze at saka tumingin sa kaniya. He's now raising his one brow. Pinilit na niyang hawiin ang kamay ko. Kaya wala akong magawa. Hindi na lang muna ako nagpumilit baka kasi magalit at hindi ako makalapit. "And stop staring at me," aniya nang salubungin ang tingin ko. Ngumiti naman ako ng pilit saka nag-iwas ng tingin sabay tango. "P'wede mo ba akong lutuan ng sweet pork adobo gaya ng niluto mo noong pumunta ka sa bahay?" Mabilis pa kay 'The Flash' akong lumingon sa kaniya dahil sa sinabi niya. Feeling ko nagliwanag ang mukha ko sabayan pa ng pagsilay ng 'winner' smile ko. Totoo ba ang narinig ko? Diretso lang ang tingin niya sa harapan. "Oo, naman. Of course, kahit pa lahat ng paborito mong ulam ako ang magluto araw-araw," masaya kong sabi. Sobrang saya, from Manila to Davao ang saya ko. Tumango lang siya habang hindi
"TIKA…" hindi na ako natapos sa sasabihin ko nang tumalikod na siya. Nakita ko namang napaawang ang bibig ni Ken habang sinusundan siya ng tingin. Actually, nagpumilit talaga si Ken na dalhin ang gamit ko kanina. Ayaw ko lang talagang ibigay. Instead na akin ang ibigay ko ay kay Jean ang binigay ko. Tinanggap naman niya.Palihim akong siniko ni Jean, pagtingin ko sa kaniya nakangiting may kilig ang gaga. Habang pagbaling ko kay Ken nakakunot naman ang noo. Nagsimula na silang maglakad. Tumayo na ako at hinabol si Edward para kunin ang gamit ko. Baka pag-initan pa ako ng babae niya kapag hindi ko kinuha. Pero ang totoo gusto ko lang lumapit sa kaniya. Awit! Para ilayo kay Claire. He's mine. "Edward, ano bang problema mo. Akin na nga iyang bag ko," kunwa'y pabulong kong sabi, at pilit binabawi ang bag ko. Pero hindi naman pilit ang paghila ko kaya hindi ko nabawi. Hindi niya ako pinansin. Napatingin naman si Claire sa akin na nasa kabilang side ni Edward. Binigyan ko siya "ba
"Beautiful just like you," aniya na titig na titig sa akin.Oh my heart! Hindi ako nakapagsalita, animo may bumara sa lalamunan ko ng mga sandaling ito. Napako rin ako sa kinatatayuan ko. I didn't expect him to be here. Napakalakas rin ng pitik sa dibdib ko dahil ang lapit lang niya sa akin, as in sobrang lapit. Iyong tipong natatakot ako na marinig niya ang nababaliw na tibok ng puso ko. Ramdam at langhap ko na rin ang hininga niya. Ang bango ng hininga niya na nanunuot sa ilong ko hanggang sa puso ko na tila humahaplos rito. Na kinabaliw naman ng mga paru-parung nagkalat sa sikmura ko at nagwawala. Oh, Edward. Sa 'yo ko lang talaga naramdaman ito. You never failed to make my heart palpitate like this. "Alam mo feeling ko magiging frog ako forever, " wala sa isip na sabi ko. I just want to have some conversation with him while dinadama ang presensya niya. I want to stay longer like this. Nakita ko ang pagguhit ng kunot sa noo niya. "Huh?" unti-unti ring tumaas ang gilid ng
Two years later… "AHHHH!" nagulat ako sa isang tili na umalingaw-ngaw sa loob ng bahay nila Edward. Kakapasok ko pa lang sa bakuran nila. Balak ko kasi silang dalawin at para ibigay na rin pasalubong namin galing paris. Tili iyon ni Edward, ah. "Mommy, si Daddy Ed iyon. Ano kayang nangyari?" tanong ng anak kong si Xelarie. Manilis na kaming pumasok sa loob ng bahay upang usisain ang nangyayari. "Ate," gulat na sambit ni Edward ng makita ako. Pawis na pawis siya at namumutla. "A-anong nangyari, Ed?" "Edward!" sigaw ni Cathy. "Ed?" "M-Manganganak na si Cathy," aniya sa malambot na boses saka kinagat pa ang kuko. Mukhang tensyunado siya. "Oh, tapos? Bakit mo iniwan?" "K-kasi…" Narinig na naman namin ang sigaw ni Cathy. "Doc Edward, pumutok na po ang panubigan ni Cathy. Baka bata na po ang susunod no'n," imporma ni Nurse Jean. Hindi ko alam kung bakit nandito siya. "Ano pa bang ginagawa niyo? Dalhin niyo na sa ospital!" bulyaw ko sa katangahan nila. Mangangana
"S-SIGURADO KA BA?" tanong ko sa kaniya nang pareho na kaming nasa kuwarto at wala ni isang saplot sa katawan. Napapikit ako nang ilapat niya ang kaniyang mainit na palad sa balikat ko pababa sa braso ko. He even kissed my shoulder na nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon. Mga boltaheng nabubuhay sa kaugatan ko sa bawat halik at haplos niya. Napalunok ako dahil pakiramdam ko hindi ako humihinga. Tila isang tensyon para sa akon ang kaganapang ito. "Yes, I am dead sure," aniya sa paos na boses. Bigla tuloy nagsitayuan ang mga balahibo ko. "P-pero baka…" naputol ko ang sasabihin ko dahil tila kinapos na naman ako sa hininga ng dumako ang malambot niyang labi sa leeg ko. Hindi ko mapigilan ang mapaungol. Napalunok ako para ituloy ang sasabihin ko. "Mabuntis ulit ako." Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil sa sinabi ko nang tinigil niya ang ginagawa niya. Minulat ko ang mga mata ko at nagsalubong ang mga mata naming kapwa nag-aapoy dahil sa paghahangad sa makamundong pagnanasa
BUTI at naawat ko si Edward, pati na rin sarili ko. Kaya hindi natuloy ang init na namamagitan sa amin na muntik na ring maghatid sa amin sa pagkalimot. Naghanda na rin ako ng pananghalian dahil dito raw siya kakain. May dala rin siyang ulam kaya lang naiwan sa kotse niya. Na-excite daw siya masyado na makita ako kaya bulaklak lang ang bitbit niya.Napangiti ako, ngiting may kilig at galak. Kailan ko kaya matatanggap na totoo lahat ng ito. Para kasing panaginip lang, mahal ako ng taong mahal ko. Hindi lahat biniyayaan ng ganito, hindi lahat ng bakla papatol sa isang katulad ko. Tanggapin ko na kaya ngayon? Okay fine totoo 'to, this is the reality. I chuckled dahil sa mga naiisip ko. Tsk. Naiiling na rin ako sa kabaliwan ko."Mukhang masaya ka."Napapitlag ako dahil may baretonong boses na bigla na lang nagsalita sa likod ko. Agad naman akong lumingon."Nanggugulat ka, Edward," paninitang sabi ko saka pinanlakihan siya ng mata habang himas-himas ko ang dibdib ko.He smiled an
NAKALABAS na ako ng hospital isang linggo na ang lumipas. Masaya ako dahil unti-unti nang bumubuti ang pakiramdam ko. Araw-araw din akong dumadalaw sa mga anak ko. Napaisip akong umupa ng bahay noong lumabas ako para sa matutuluyan ko. Hindi pa kasi ako handang sumama kay Edward. Not because galit ako sa kaniya o may tampo ako. Nahihiya lang ako sa kaniya. Noong sunduin nga niya ako sa hospital ay sa bahay pa sana niya ako itutuloy pero pinigilan ko siya. Pinilit niya akong tumira sa bahay niya pero hindi ako pumayag kasi nga 'di ba nahihiya pa ako. Hindi pa masyado gano'n kalakas ang loob ko. Kalaunan naman ay pumayag na rin siya na bumukod na muna ako, tinulungan nga niya akong maghanap ng apartment. Pero hindi niya gusto ang mga apartment na napupuntahan namin. Hanggang sa nagdesisyon siyang dito na lang ako sa condo niya. S'yempre hindi ako pumayag noong una dahil mas nakakahiya pero pinipilit niya ako. "Dito ka sa condo ko o doon ka sa mga unsafety apartments pero sasamah
PAGPASOK ko sa silid ni Cathy ay naabutan ko siyang tulog. Minsan lang ako nagpapakita sa kaniya dahil baka sumama ang loob niya kapag makita ako. Napangiti ako nang paglapit ko ay napansin ko na konti na lang ang mga prutas. Ibig sabihin kumakain na siya ng maayos. Napangiti ako. This is a signed of her progress sana magtuloy-tuloy na ito. Nakita ko na yakap-yakap niya ang ipad. Hindi niya raw ito binibitawan sabi ng mga nurse na tumitingin sa kaniya kaya hinayaan ko munang gamitin niya. Pero na-curios ako kung ano ang mga ginagawa niya sa ipad kasi sabi rin nila Nanay no'ng minsang dumalaw sila ay may kinakalikot daw si Cathy sa Ipad. Sinubukan kong abutin ang kamay niya at dahan-dahang itinaas upang makuha ko ang aparato sa dibdib niya. Succes naman dahil nakuha ko nga na hindi siya nagigising. Pag-open ko pa lang sa screen ng ipad ay nakarehistro na sa screen saver ang naka-collage na larawan ng kuwadro. Napangiti ako nang makita ko ang mga pangalan na nakatapat sa larawa
NAKATULALA lang ako sa kawalan habang nakahiga sa hospital bed na naka-recline. Iniisip ko kung ayos lang ba ang mga anak ko. Kung bakit nangyayari ang lahat ng pahirap na ito sa buhay ko. Pati mga anak ko na inosente nadamay. Pinahid ko ang luhang kumuwala mula sa mga mata ko. Gusto kong magalit sa mundo. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil pabaya akong ina. Wala akong kwenta, ang hirap mabuhay. Minsan nagsisisi ako kung bakit pa ako nabuhay. "Anak Cathy, kumain ka muna. Hindi ka pa kumakain eh. Kailangan mong magpalakas." Napalingon ako sa nagsalita saka bumaba ang tingin ko sa hawak niyang binalatang mansanas. Nag-iwas ako ng tingin. Wala akong ganang kumain, pakiramdam ko wala na akong sikmura. Hindi ako makaramdam ng gutom. "Busog po ako, Nanay Celia," sabi ko na lang out of respect. "Pero wala ka pang kinakain simula nang magising ka kahapon," anito. Bumuntonghininga ako saka umiling. Hindi naman niya ako pinilit. Napatingin ako sa
NAKATUNGHAY lang ako kay Cathy habang siya ay mahimbing na natutulog. Nasasaktan akong nakikita siya habang nakahiga sa hospital bed at may tubo sa bibig na nagsusuporta sa buhay niya. Everytime the monitor's beep natatakot ako dahil baka biglang mag-straight line na naman ito. Hinawakan ko ang malamig na kamay ni Cathy at hinatid sa bibig ko saka hinalikan. Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagigising. On-duty ako para anytime na may mangyari ay nandito ako at p'wede akong makialam. Dumukwang ako para halikan ang noo niya saka muling umupo."Cathy, stay with me, please. Magpakatatag ka, nandito lang ako naghihintay sa 'yo. Sabik na akong marinig ang boses mo. Please, wake up," nagsimulang gumaralgal ang boses ko. Pero pinigilan kong mapaiyak. Alam kong naririnig niya ako, ayaw kong marinig niya na pinanghinaan ako ng loob."The kids are under monitoring, kailangan ka nila para lumakas ang loob nila. Kaya gumising ka na..." natigilan ako sa pagsasalita ng mari
"HANGGANG dito ka lang Doc Alcantara," pigil nang isang doctor ng maipasok si Cathy sa delivery room. "Please, Doctora Rodriguez, let me in," pagpupumilit ko habang may dalawang nurse na lalaki na nakahawak sa magkabila kong braso para mapigilan ako. "Alam mong hindi ka p'wede dito!" asik ni Doctora. "But I can't just stay outside. Hindi ako mapakali, please. Just this once," pagsusumamo ko. Tumulo na rin ang luha ko, natatakot ako na baka may mangyaring masama kay Cathy at sa mga anak ko. Mahina na ang pulso ni Cathy no'ng ipasok namin siya dito. Gusto kong pumasok para makasiguro na magiging maayos siya. Mababaliw ako sa kakaisip kapag dito lang ako sa labas. "Okay fine. Boys, let him in," she demand. Agad naman akong binitawan ng mga nurses at sinundan na si Doctora Rodriguez na papasok sa room. Binihisan na nila si Cathy. Nangingig ang mga kamay ko habang nakatingin sa kaniya. Panay mura ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinabitan na si Cathy ng kung ano-anong
AKALA KO pagkatapos nilang mamanhikan sa bahay ay iiwan na nila kami. Pero spoiled brat nga talaga si Ate Erica kahit kuwarenta na. Paano ba naman kasi pinipilit niya ako na sumama na sa kanila pauwi. Pero kapag si Ate Erica na ang namilit mapipilitan ka talaga dahil hindi ka titigilan hangga't hindi nasusunod ang gusto niya. Kaya 'eto ako ngayon dalawang araw na kami sa mansion ng mga Hill sa syudad. Ayaw rin akong pabukurin, magrerenta na lang sana ako ng bahay pero ayaw rin niya. Gusto nila na nakikita ako lalo't alam nila na sa mga susunod na buwan mahihirapan ako sa pagbuntis ko dahil sobrang laki na talaga ng t'yan ko. Halos ayaw rin nila akong paggalawin. Napaka-over protective nila sa akin. Well, ayos lang din naman, hindi naman ako nagrereklamo. Because I'm happy to have them, they are my family and I know they're just thinking about my own good. Si Edward rin bumalik na sa pagtatrabaho. Hindi rin siya umuuwi sa sarili niyang bahay dahil gusto niya lagi niya akon