Lorelei“Kuya Raul, kahit balikan n'yo na lang po ako bukas ng hapon,” bilin ko rito ng dumating kami sa resthouse nila Ricky sa Batangas.Mabilis lang kaming nakarating dahil nga walang traffic. Umalis kami sa bahay ng alas dos ng hapon saktong six o'clock nakarating kami rito. Binuhat ko ang binili kong cake sa bestfriend kong si Ricky.“Sige po Senyorita Lorelei,” wika nito.“Kahit po mga alas k'warto na po rito makarating bukas alam naman po nila Mommy at Daddy na ganun oras ako uuwi at kampante naman siya na si Ricky ang kasama ko,” saad ko pa rito.“Sige Senyorita. Paano ako'y tutuloy na ha?”“Yes, yes Mang Raul. Ingat po kayo sa Biyahe,” bilin ko pa.Narito na raw si Ricky at ang apat na kasama niyang babae close namin kahit paano. Hindi ko alam kung niyaya niya ang crush niyang si Darvin at sabi ko ‘wag na dahil lalaki iyon maganda na lang kung puro kami babae rito mas safe. Hindi naman sa overthink ako naninigurado lang.Tinawagan ko si Ricky subalit hindi na pala kailangan k
LoreleiTarantang bumulong sa akin si Ricky, na amino binigyan ng death threat ni Kuya Matthias. "Bakla, kung hindi ko raw siya papasukin ay mag-aakyat bahay raw siya." Niyugyog pa ako nito sa balikat ko.Letse talagang nababaliw na siguro si Kuya Matthias. Kausap ko pa sa sarili ko.“Bakit kasi may number ka noon?!” nagtaka kong tanong kay Ricky.“Hoy! Aba bakit ganyan ka makatingin? Akala mo magka-text kami? Hindi noh! Baka umiyak ka pa kung agawin ko ‘yon sa'yo,” sabay napatakip ito sa bibig niya ng maalala ang kabaklaan nito.“Anong sinasabi mo beks? Issue ka sa akin,” laban ko.“Ewan ko sa'yo Lorelei Martinez. Sige ilakas mo pa,” aniya. Bumungisngis ako dahil ang tinutukoy nito ay ang paglakas ko ng tawag sa kaniya ng beks.“Paano nga iyon nakapunta rito kung wala naman pala kayo number sa isa't isa?” nagduda kong usisa sa kaniya.“Sa Pinsan ko humingi ng number ng fafa Matthias mo.” Nakatikwas pa ang kilay na wika nito sa akin. “S'yempre kinuha niya hiningi ganun at kung a-alami
LoreleiDedma ko lang si Kuya Matthias, kahit halos bumulagta na ang katabi kong si Ricky, dahil kanina pa niyang masamang tinitigan ang kaibigan ko.Kahit anong pakiusap niyang sa kaniya ako sumabay I didn't listen to him. Kahit pa mapanisan ako ng laway hindi ako sumasagot sa kaniya.Maya-maya tumawag si Mang Raul. Nasa labas na raw ito nagpapabukas ng gate. Hindi nga ako nakabihis dahil ayaw kong masundan ni Kuya Matthias sa Cr. Sa sasakyan na lang mamaya pagdating ko roon. Hindi ko muna papasukin Si Mang Raul, ‘tsaka na kapag natapos ako magbihis.Hindi kasi ako umaalis sa tabi ni Ricky dahil nilalapitan ako ni Kuya Matthias. Ayaw ko talaga siyang kausapin dahil matindi ang inis ko sa kaniya simula pa kanina.Kakausapin ko rin si Mommy na si Mang Raul na ang mag hatid sundo sa akin sa Saint Francis. Takot lang nito kay Mommy, kahit na makiusap pa si Daddy, wala iyong magagawa kung gustuhin ni Mom.Kilala ko ang magulang namin. At hindi rin ito makakatangi kay Mommy kung ginusto no
LoreleiMakalipas ng ilang taonNang kami ay makauwi sa mansyon ni Mang Raul, galing ng Batangas. Nagtagumpay ako noon na iwasan si Kuya Matthias.Hindi ko alam kung sumunod ba ito pagkauwi namin or nag-extend ito sa resthouse nila Ricky, dahil wala naman na banggit sa akin ang kaibigan ko sa mga nangyari. Kung sabagay. Ako rin ang unang umiiwas na magkwento ito sa akin dahil nga nangako ako sa sarali ko nakakalimutan ko na si Kuya Matthias dahil mali ang ipagpatuloy ko ang feelings ko sa kaniya.Kinabukasan ay kinausap ko si Mommy. Alam kong nagtaka ito sa pasya ko. Ngunit wala akong narinig galing dito na maraming tanong. Isa lang talaga ang tumatak sa akin. Kung dahil daw ba ay nag-away kami ni Kuya Matthias.Hindi ako makatanggi kay Mommy sinabi ko lahat maliban sa hinalikan niya ako. Mali naman talaga iyon dahil alam ng karamihan magkapatid kami. Ayaw kong mapapahiya ang magulang ko sa mga tao kung hahayaan ko ang kabaliwan ni Kuya Matthias sa gusto niyang mangyari.Nagtaka rin a
LORELEI“Hoy bakla ano ang pahatid hatid mo ah? Ano in good terms na ba kayo ni Kuya Matthias mo?” makulit na tanong ni Ricky ng nasa mcdo na kami nag-umpisang kumain. Hindi ako tinigilan agad ‘yon ang sinalubong sa akin dahil nakita nito pinagbuksan ako ng kotse ni Kuya Matthias.Himala nga naman dahil good mood ito kahit ako rin naman hindi pa pa rin makapaniwala na ihahatid nito ngayon araw.“Ano hindi makasagot hmmm naglilihim na ang bestfriend ko ganurn?” muli nitong pangungulit sa akin. I glared at him. Hindi talaga ako nito titigilan hangga't hindi nagsasabi ng totoo.“Walang ganun bakla. Hindi ko alam anong plano niya ‘tsaka kahit naman anung ipakita noon na kabaitan hindi ako maniniwala roon. Kung mangyari man ‘yon medyo bumait ‘yang kapatid ko, maybe nabagok ang ulo nagka-amnesia si Kuya Matthias kaya bumait,”“Paano kaya kung ngayon bumalik na siya eh, nagbago na? Dati kasi talaga sobra ang pagka-possessive noon sa'yo. What if bakla ngayon bumalik siya at ituloy ang dating
Lorelei"Lorelei, sakay," sabi niya sa akin. Umiling ako nakipaglaban ng titig sa kaniya."Ayaw ko! Taxi ang sasakyan ko," wika ko.Nakaharang kasi ito sa dapat hihintuan ng taxi at pumarada ito sa tapat ko. Sarap talaga sapatosin ang Matthias na ito feeling talaga kung umasta."Pinagtitinginan na tayo ng mga tao at meron din nakasunod sa akin kapag hindi ka sasakay hindi ko ito patatakbuhin,""Arghhh!!" Yamot akong nagdabog na sumakay sa tabi niya. Iyan kasi ang binuksan nito.Nahihiya naman ako dahil sa amin nakatingin ang mga tao, tapos naka school uniform ako at ito ay naka tux. Bakit kasi kung ano lang ang maisip nitong gawin ay talaga kailangan masunod.“Kuya kawawa naman iyong ka date mo bakit mo naman hindi hinatid pauwi?” wika ko ng nakasakay na ako sa loob ng kotse nito.Narinig ko lang ang napa ‘tasked’ ito sa pagkastigo ko sa kaniya sunod ay wala na. Seryoso lang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. Napakasama talaga ng ugali nitong kapatid ko.Dahil wala naman akong mapa
Lorelei“Bye, Lorelei, salamat dito ha?” inangat nito ang notebook ko na hiniram niya dahil absent ito ng two days dahil sa trangkaso. Ayaw ko naman maging snob maganda naman ang approach niya sa akin ng humiram siya ng notes ko alangan magdamot ako sa nangangailangan.“Ayos lang Justine, sige dito na ako,” senyas ko sa kaniya.Inilabas ko ang cellphone ko sa aking dalang backpack. Bakit kaya wala pa si Mang Raul? Dati before ten minutes namin na labasan nasa parking lot na ito nag tetext sa akin na naroon na siya nag-aantay. What happened kaya? Bago ito ha? Sana man lamang nagpasabi ng hindi ako mag-antay sa wala.Sumubok ako na tawagan ito ring nang ring noong una. Pero kalaunan napangiti ako ng sumagot ito sa kabilang linya.“Hello Mang Raul. Asan na po kayo bakit wala ka pa?” nagmamadali akong nagtanong sa kaniya.Mainit pa naman dahil alas tres pa ng hapon. Bumalik ako sa hallway na may bubong upang sumilong. Masakit sa ulo ang sikat ng araw.“Hello Senorita. Sabi po Senyorito Mat
Lorelei“M-mommy!” pabulong kong sabi ng pagpasok sa gate ng bahay namin ang minamanehong kotse ni Kuya Matthias.Nasa labas si Mommy Marycole, kausap nito si Mang Raul sa driveway. Saan kaya ito galing? At timing naman na dumating kami ay nasa labas ito. Shit! Kabado bente ako. Ano kaya ang reaction nito kapag nakita niyang bumaba ako galing sa kotse loob ng kotse ni Kuya Matthias. Pero mas nag-iisip ako kung anong magandang alibi kung bakit itong tukmol na ito ang kasama ko ngayon.Patay talaga ako nito katakot takot na tanong ang ibabato nito sa akin kapag kami na lang dalawa ang magkasama.Bigla akong sinalakay ng labis na kaba sa aking dibdib. I'm sure hindi pa nito alam na kasama ako ni Kuya Matthias, dahil tented ang salamin ng kotse nito.Parang ipinako ako sa aking kinatatayuan kahit limang minuto ng nakahinto ang kotse ni Kuya Matthias, ng marinig kong tinatawag niya ako. Need ba talaga tawagin niya ako sa endearment n'yang babe? Naiilang kasi ako lalo na kung naiisip ko luma
MatthiasIt's been 3 years, simula ng ikinasal kami ni Lorelei, sa Sanctuary Hotel pero feeling ko noong isang Linggo lang nangyari ‘yon.Araw-araw kasi mas lalo kong minahal ang mabait kong asawa. Oo minsan may away kami ngunit inaayos agad namin ‘yon. Nag-uusap agad kami at gumagawa ng maganda solusyon. Ngunit ang away lang naman namin ay simpleng hindi lang pagkakaunawaan bilang buhay mag-asawa.Ayaw kasi rin namin patatagalin kung sino sa aming dalawa ang may tampo kailangan solve agad hindi pinaabot kinabukasan.If I look back to the past, when Lorelei was Mommy's daughter, it seemed impossible for us to be together. She can never be mine because everyone believes we are siblings.Marami na nga kaming sinuong na pagsubok. But thankful kay God, kasi nalampasan namin ang pinagdaanang unos, at sa kung may darating man na matinding problema kaya naman namin ‘yon lampasan. Ngayon pa ba na may mga anak na kami at mas mahal namin ang isa't isa.Lalo pa nga naging matibay ang aming pagsas
LoreleiAfter four months…“Uh? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dalawa at alam ko may trabaho pa kayo ngayon?” kunot ang noo ko pareho ko silang tiningnan.“Besh…punta tayo ngayon sa Sanctuary Hotel and resort n'yo,” wika ni Ricky at Regina. Pumasok agad sa loob ng condo hindi ko pa man naaya pumasok. Tsk, ang weird ng mga bestfriend ko.“Lorelei! Tara minsan lang magyaya–”“Ha? Walang kasama si Zanelle, besh, si Tatay kasi nagpaalam maaga pa pumunta sa kaibigan niya.”“Edi isama natin,” wika nilang dalawa.“Paano? Wala si Mang Raul, baka hindi pumayag si Matthias. Pinagmaneho kasi siya patungo raw sa Sanctuary, may asikasuhin.”“Pak na pak? Sakto malilibre tayo ng asawa mo sa entrance ng beach,” palatak ng dalawa.“Sure kayo? Malayo ang Zambales pagod din mag-drive,” paliwanag ko sa kanila.“Girl Scout itong mga BFF mo, may driver akong kasama. Grabe kasi besh, ang init gusto naming mag-swimming,” magpanabay na saad nila.Pumayag ako OA pa ang dalawa nag-apir pa ng sumang-ay
Lorelei“Babe, it's not obvious that you're the excited one,” tudyo ng asawa ko dahil kanina ko pa ito minamadali ng magbihis.Ngayon nasa labas na kami ng pinto sa kwarto ni Tatay. Ngayon araw na kasi ang birthday nito at ang pangako kong sorpresa sa kanya.Bitbit ni Matthias ang ginawa kong vanilla cake, na pinagtatalunan pa namin ‘to, kasi nga suggestion nito paglabas na ni Tatay ng silid niya ngunit mahigpit akong tumutol.Eh, bakit ba? Gusto kong ito agad ang bubungad pag gising ni Tatay ngayong umaga sobrang pakialamero lang itong asawa ko pero nasunod din naman.“Ako ang napapagod sa'yo, Misis. Kasi kagabi ka pa isip nang isip kung anong pagkain ang iluluto mo at hanggang umaga ala-sais pa lang maingay ka na,” wika ulit ni Matthias.Natawa na lang ako sa kaniya.“Hindi ko naman itatangi kasi totoo naman na excited ako kaya ‘wag ka ng komontra, Mister. Para happy tayong dalawa,” wika ko sa kanya kinaangat ng sulok ng taas ng labi niya.“Bakit may mali ba sa sinabi ko?” ulit kong
Lorelei“Mang Raul, sa Pasig po ulit tayo. Sa Manggahan po sa dating apartment na pinuntahan natin ng dalawang beses,” magalang kong sabi rito.“Sige Lorelei," wika ni Mang Raul. "Mabuti na lang pinayagan ka ng asawa mo," mahina itong tumawa tila ba may naalala."Bakit po?" nangiti na rin ako."Noong una, nagalit sa akin iyon at pumayag daw akong ipagmaneho ka rito sa Pasig.”“Inaway ko po masyadong maarte. Ayon wala siyang nagawa,”Masayang humalakhak si Mang Raul.“Kaya pala nakasimangot na lang ng sabihin ko paalis tayo,” natatawa pa wika ni Mang Raul.Kasama ko rin si Ricky at Regina, full support itong dalawa kong bestfriend. Dumating na kasi ang isa ko pang Ate na galing pa ng Province pumayag na mag-usap kami.Sakto lang dahil nangako tutulungan daw ako mapapayag ang panganay naming kapatid.Dalawang Linggo ko rin ito kinumbinsi na pumayag. Kasi grabeng sungit noong una. Mabuti talaga mabilis nalusaw ang kasungitan nito ng mai-kwento ko rito kung gaano pangarap ni Tatay, na mak
Lorelei“Lo!”“Lolo…” napahagulgol ako nang tuluyan itong sumuko nasa sasakyan pa lang kami.Sa ospital dapat ang punta ng ambulance ngunit sa St. Martin funeral home napunta.Busy na si Matthias na tawagan sila Mommy at Lola. Ako tahimik lang habang pinagmamasdan ko ang payapang tulog na si Lolo.Humahangos sila Mommy at Lola Liza maging si Kuya Mattheus at si ate Mayang namumula ang mata katulad kay Daddy.Hinanap ko si Zanelle kila Mommy kasi hindi nila kasama.“Si Rina ang kasama nasa bahay, ‘nak,” wika ni Mommy.“Eh, si Tatay po Mhie?”“Nasa mansyon pa anak. Gusto nga umuwi sa condo n'yo kaya lang sabi ng Dad n'yo, sa bahay muna kasi nandito pa kayo wala siyang kasama roon,”Nilapitan ko si Lola, sa harapan ng Lolo Ronald. Tahimik ito umiiyak sa harapan ng tila tulog lang na si Lolo.“Lola, ayos lang po ba kayo?” ani ko nginitian siya at tumabi ako rito ng tayo hinaplos ang likuran niya.“Apo,” hikbi nito kaya kinabig ko upang yakapin at hinayaan itong umiyak habang yakap ko.“Nag
LoreleiWedding day…Tapos na akong mag-ayos, si Zanelle na ngayon ang binibihisan ko. Twiny kami ng suot na dress ng anak ko kaya hindi ko mapigil mangiti at nanggigil sa cuteness overload nito.“Ang pretty naman ng Zanelle ko,” I giggled. Magkabilang pisngi niya pinanggigilan kong hinalikan.“Itaw lin po Mama, same po Zael, pletty,” aniya niyakap ako sa leeg, tapos ulit-ulit na hinahalikan ako sa pisngi. Iyon ang naabutan ng ka papasok na si Matthias.Tinaasan ako nito ng kilay ng mapansin nito napapangiti ako tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Daddy!” nilapitan ni Zanelle ang ama. “Wow…wapo Daddy ni Zael,” wika nito akala mo matanda na kung nagsalita.“Ikaw din anak ang ganda-ganda,” sagot ni Matthias.“Hehehe opo Daddy, same Mama to danda,” sagot pa nito sa ama.“Sobra! Same kayo ni Mama mo ang pinakamaganda para sa Daddy.”“Babe, tapos ka na?” saad ni Matthias.“Patapos na. Mauna na kayo lumabas ni Zanelle, dadaanan ko pa si Tatay.”“Nauna na, babe kasama nila Mommy,”“Ay hind
Lorelei“Tay!” masaya kung sigaw sabay tinakbo ko ang pinto upang salubungin si Tatay, kasama na siya ni Matthias at si Kuya Mattheus na seryoso.Hindi kasama si Eleazar, kasi may pasok pa sa school ngunit susunod daw kapag naka graduate na payag naman si Tita Candy. Isa pa ayaw na ni Eleazar. Mag-transfer. Kung nakatapos na raw luluwas ng Maynila.Dito na kami nakatira ni Zanelle sa condo unit ni Matthias. Pag-alis kahapon, iniwan naman ang susi sa condo niya bago kami iwanan sa bahay nila Mommy.Nakangiti si Tatay kahit hindi niya ako nakikita. Mahigpit ko itong niyakap. Larawan pareho naming mukha ng saya. I looked at Matthias.“Thank you,” I uttered.Inalalayan ko si Tatay patungo sa sala at pinaupo. Pinagmasdan ko ito baka napagod sa biyahe ngunit mukhang maaliwalas naman ang bukas ng mukha nito.“Tatay ayos lang po ba ang naging biyahe n'yo?” wika ko.“Oo naman ‘nak, ngunit mahinang tumawa. Aba'y nagmamadali itong katipan mo dahil nga kasal n'yo na bukas, ginawa lang pasyalan an
Lorelei“Mommy,” nakanguso kong sabi. Nahihiya akong tumingin sa kaniya kasi kanina pa ako nito tinutukso kung saan daw ako natulog kahit alam niyang magkasama kaming dumating ni Matthias.“Halika ka nga rito anak,” wika nito hinila ako upang mayakap niya.Napangiti ako at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Niyakap ko si Mommy Cole ng husto.“Salamat naman nagkabalikan na kayo ni Matthias. Ako ang unang masaya para sa inyong dalawa ‘nak. Mapapanatag na ako kaso mabubuo na rin ang pamilya n'yo ni Matthias,” aniya.“Mhie, susunduin ko lang po pala si Zanelle ha? Diba nagpaalam na si Matthias kanina umalis agad?” “Bukas na kayo umuwi hija,” sagot nito.“Inantay po kasi ako nila Ricky at Regina, Mommy.”“Ganoon ba? Sige, binilin pala ni Matthias, ihatid daw kayo ni Mang Raul,”“Opo Mhie, kaka tawag lang din ulit sa akin akala naman nakakalimot ako.”“Siya sige na baka abutin kayo ng gabi. Naroon ang anak mo sa silid ng ate Mayang mo,”“Sige po tatawagin ko na lang Mommy,” paalam ko sabay
Lorelei“Ang lamig!” tili ko kahit ako'y nakapikit.Gusto kong may mayakap kaso alam ko, wala ang anak ko. Mamaya pa 'yon ibablik nila Mommy kasi hapon pa ang flight namin ni Zanelle.Iniisip ko nasa k'warto ako ni Regina. Nakangiti pa ako kinapa ko ang tabi ko upang hilahin ang gamit na unan ni Zanelle, upang iyon ang yapusin.Gusto kong yakapin upang maibsan ang ginaw. Maybe it rained last night, so it was cold. Electric fan lang naman ang gamit namin ni Zanelle, sa silid na bigay ni Regina, pero dinaig pa ngayon ang naka aircon.Mahigpit kong niyakap ang unan at sinubsob ko pa ang aking mukha dahil nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Matthias.Sandali...natigilan ako...hanggang dito ba naman sa silid ni Regina, ginugulo ako ng hudas na si Matthias?Ganito talaga ang amoy ng lalaking 'yon hindi ako maaaring magkamali. Letse pati ba naman sa pagtulog ko, ang lalaking ‘yon sumasagi sa isip ko?Pero paano naman mapupunta ang unan ni Matthias sa silid namin ni Zanelle? Grabe na ba a