Sino ang nakita niya sa larawan? Malalaman na ba ang mga sekreto nila? Sino ang unang aamin? Guess and drop your reactions
Nakatulalang nakauwi na sa kanyang unit si Abby. Basang - basa siya dahil sa ulan. Pagpasok niya sa kaniyang unit ay napatingin siya sa larawan ng dream house nila ni Paul na nasa pader. Ito ang kanilang pangarap noon kapag ikakasal na sila, noong mga panahon na maayos pa ang lahat. Sa oras na iyon, di na mapigilan ni Abby na lumuha. Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa kanyang nararamdaman. Nagkamali rin siya pero masakit rin na malaman na magkasama pala sila ni Lala sa iisang kama ni Paul noon. Lala send a picture na magkasama sila ni Paul sa kama. Nagselfie si Lala habang nakahiga ang binata na ang katawan ay binabalutan ng kumot. May laman ring mensahe mula kay Lala ang picture: "Sorry Abby. Ayokong maglihim sa iyo kaya sinasabi ko ito. Patawarin mo ako. Patawarin mo rin si Paul."Nakita rin niya ang petsa sa naturang picture. At ito ay naunang petsa noong may nangyari sa kanila ni Kristoff.Napahiga si Abby sa sofa at doon umiiyak. Parang dinudurog ang puso niya. Hindi ni
Binantayan ni Meimei si Abby sa ospital. Nasa isang private room ang dalaga. Mahimbing na natutulog si Abby na nakahiga sa kama at bumaba na ang kanyang lagnat."Salamat naman.." masayang sabi ni Meimei habang nakaupo sa upuan malapit sa kama kung saan nakahiga si Abby.Pumasok ang doctor sa kwarto at napalingon si Meimei sa may pinto."Magandang araw, Ikaw ba ang guardian ng pasyente?"Napatayo agad ang dalaga at binati ang doctor."Kaibigan po ako ng pasyente.. doc, kumusta po ang kaibigan ko?" Nag-aalalang tanong ni Meimei."Bumababa na ang lagnat niya. Salamat at nadala siya agad bago mahuli ang lahat. Kailangan niya ng pahinga, kumain ng masustansiyang pagkain at uminom ng vitamins. Mukhang napapabayaan niya ang kanyang sarili at palaging na-stress. Nakakasama pa naman ang stress sa baby..""Po? Anong baby?" Reaksyon ni Meimei. "Ano po ang inyong ibig sabihin doc? Buntis ang kaibigan ko?""She's pregnant.. nasa aproximate 7 weeks na ang baby.""Huh?""Mukhang hindi alam ng kaibig
Hindi niya inexpect na magagawa ng kanyang ina ang mga bagay na ganito. She was the one whose controlling his own life."Ma.. anong kalokohan ba ito?""Ano ba Kristoff! You and Maggie will soon to be engage and married. Tinulungan lang kita na maging realidad na at di pawang pangako lamang. Ang tagal mong gumalaw! You should be thankful!" Sermon ng ina niya."Ma, hindi ko ---" naputol ang sasabihin niya nang dumating si Maggie na suot ang isang cocktail dress. Nakasunod naman sa kanya ang mga media at reporters.Napatigil tuloy sila Kristoff at ng kanyang ina. Napabulong ang ina nito, "Umayos ka Kristoff! This is for your own good!"Nanggigigil si Kristoff sa galit. Bakit nagawa ito ng kanyang ina na makialam sa buhay pag-ibig niya? Lumapit si Maggie at hinalikan ang pisngi ni Kristoff. "Hello honey!" Napakapit agad si Maggie sa braso ni Kristoff. Panay naman sa pagkuha ng litrato ang mga media. Pangiti -ngiti si Maggie sa bawat anggulo at kumakaway kaway sa kanila habang ang binat
Sinundan ni Abby ang mga talulot ng bulaklak na patungo sa elevator. Hindi na nakapagpalit ng damit ang dalaga kaya suot lamang niya ay ang damit pangpasyente. Nagpatuloy sa paglalakad si Abby. Napakatahimik ng paligid at walang ibang tao sa lugar kahit mga nurses. Medyo kinakabahan si Abby sa pagsunod sa mga talulot.Habang tumatagal ay na-curious na siya na mukhang may kakaiba. Palingon - lingon siya sa likod habang naglalakad sa pasilyo dahil baka may sumusunod sa kanya. Bawat segundo ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba.Pumasok siya sa elevator at may stickynote na naman na nakapaskil roon. Gusto siyang papuntahin sa rooftop ng hospital."Eh? Anong meron?"Talagang nagtataka si Abby. Natatakot man siya ay nagpatuloy pa rin ito. Umakyat siya patungo sa rooftop.Pagkarating niya roon ay napakatahimik ng lugar. Sinimulan nyang humakbang at nilibot ang kanyang paningin sa buong paligid. Namangha siya sa ganda ng tanawin roon na makikita ang mga magagandang il
Patuloy ang pagpapailaw ng mga fireworks habang nakatayong magkaharap sina Abby at Kristoff. Nalaman ng dalaga na ang batang lalaki noon na nakilala niya sa isang ospital ay ang boss niya na si Kristoff."Kumusta ka na?" tanong ni Kristoff na hinahawid ang buhok ni Abby sa may tenga. "Paano mo nalaman? Di ba nasa abroad ka?""Kakarating ko lang. Medyo may jetlog pa nga yata ako..""Pero paano ang mga ito. Ikaw ba ang nag-ayos nito?"Hinawakan ni Kristoff ang mga kamay ni Abby."May inutusan ako na ihanda ito habang natutulog ka at nasa biyahe pa ako. Ang may-ari ng hospital na ito ay kapamilya ko kaya madali akong nakapagpaalam.""Ganoon ba.."Hinubad ni Kristoff ang kanyang suot na jacket at pinasuot ito kay Abby."Baka nilalamig ka na!""Salamat!"May mga pahabol na mga fireworks ang umilaw sa kalangitan. Napatingala ulit ang dalawa. Sabay silang nanood. Hinawakan naman ulit ni Kristoff ang kamay ni Abby.Abby's povKasama ko ngayon si Kristoff na nanonood ng fireworks. Hindi ko ta
Binuhat ni Kristoff si Abby pabalik sa kwarto nito. She wrapped her arms sa may leeg ng binata habang buhat siya nito."Bumalik na tayo sa kwarto mo.."Pasulyap - sulyap naman si Abby sa mukha ng boss. Nakangiti naman si Kristoff at natutuwang kasama niya si Abby sa mga oras na iyon."Thank you.." bulong ni Abby sa tenga ni Kristoff. Inihiga ni Kristoff si Abby sa kanyang kama nang dahan-dahan pagkatapos nitong buhatin mula sa rooftop."Thank you.." Nakangiting pagpapasalamat ulit ni Abby sa binata."Magpahinga ka na.." ani ni Kristoff na inaayos ang kumot at kama.Napatitig naman si Abby sa mukha ng binata na mukhang inaantok na ito dahil sa kakahikab. Kaya, napatanong ang dalaga."Napagod ka siguro sa flight mo." Nag-aalalang sabi ni Abby."Huh? Okay lang ako."Umurong kaunti si Abby sa kama at tumagilid."Magpahinga ka na rito. Alam kong nagmula ka pa sa malayong lugar at talagang pumunta ka rito." Tinapik ni Abby ang kanyang kama na senyales na pinapahiga nya ang binata sa tabi n
Kinabukasan, naunang nagising si Kristoff. Naramdaman niya ang kamay ni Abby na nasa pisngi niya. Hinawakan niya ito at inalis sa pisngi. Hinalikan niya ang kamay ni Abby sabay tingin sa mukha ng dalaga.Hanggang, may pumasok na tatlong lalaki na nakasuot ng black suit."Sir Kristoff!"Narinig ni Kristoff ang pagtawag sa kanya at napakunot -noo ito. Bumangon si Kristoff at dahan - dahan niyang binitawan ang kamay ni Abby."Sir Kristoff, pinapasundo ka na ni Madam!" seryosong sabi ng isang lalaki."Paano ninyo nalaman na narito ako?" tanong ni Kristoff."Mula pa po sa airport, pinapasundan na po kayo ni madam!""Haist!" Naiinis na reaksyon nya."Sumama na kayo sir!""Sir! Halina po kayo!"Sinermunan ni Kristoff. "Sshh! Huwag nga kayong maingay. May natutulog! Baka magising pa ninyo siya!" galit na sabi nito.Walang magawa si Kristoff. Tumayo na lang ito mula sa kama. Napalingon siya at napatingin sa dalagang mahimbing na natutulog. Ilang minuto rin ang pagtayo niya roon at napatitig kay
Napanood nila Lala at Abby si Maggie sa isang news sa tv. Ipinakita nito ang engagement ring niya na suot suot ng kanyang isang daliri."Ano ang nararamdaman mo ngayon Ms. Maggie?" tanong ng isang reporter."Napakasaya dahil sa wakas, nagpropose na sa akin ang boyfriend ko na si Kristoff. A dream come true. We are officially engaged! I am so happy!" sagot ni Maggie na ang ngiti ay abot hanggang tenga."Congratulations!""Thank you.."Napangiti si Lala at nagreact sa napanood. "Buti pa siya at engaged na! Siya talaga ang nauna. Talo na tayo!" Nainggit tuloy ito.Hindi makapaniwala si Abby sa napanood. Tahimik lang siya habang patuloy si Lala sa pagsasalita."Ang swerte ni Maggie. Ang gwapo ni Sir Kristoff, gentleman, hot at mayaman! Perfect!"Napalingon si Abby sa kanya. Diretso ang mga tingin nya sa dalaga. Napansin iyon ni Lala na napakaseryoso ng kaibigan."Bakit ganyan ka makatingin sa akin Abby?" Sarkastikong pagtatanong ni Lala. Bigla nalang nasusuka si Abby. Tinakpan niya ang ka