Home / Romance / SCALPEL'S KISS / SCALPEL'S KISS CHAPTER 30

Share

SCALPEL'S KISS CHAPTER 30

Author: MIKS DELOSO
last update Huling Na-update: 2024-12-11 20:11:26

Tumigil si Vash, tinitigan ang babae nang may malalim na pag-unawa. Alam niyang malalim ang sugat na iniwan ng nakaraan ni Champagne—hindi lang pisikal, kundi lalo na sa kanyang puso at kaluluwa. "Champagne," sabi niya nang dahan-dahan, "ang bawat sugat ay may panahon ng paggaling. Ang mahalaga, ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo. At ngayon, mahalaga na patawarin mo ang sarili mo."

Nakatitig pa rin si Champagne sa salamin, hinayaan ang mga luha na malayang dumaloy. Hindi ito mga luhang dala ng kawalang pag-asa. Ito ang mga luhang bumubuhat sa kanya, nagbibigay-lakas, at nagpapaalala na may dahilan ang bawat sakit at sakripisyo.

"Para sa'yo, anak," bulong niya muli, ang kanyang tinig puno ng determinasyon. Ang larawan ng kanyang ultrasound noong buntis siya, at ang pagkamatay nito, ang nagsisilbing gasolina ng kanyang paghihiganti. Hindi siya matitinag. Hindi siya papayag na ang pagkawala ng anak niya ay manatiling walang hustisya.

Muli niyang pinahid ang kanyang mga luha, tumayo nan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 1

    Ang hapon na iyon ay tila nagdadala ng bagyo para kay Champagne. Sa mga nakaraang buwan, unti-unti niyang naramdaman ang paglamig ni Stephan, ngunit pinili niyang balewalain ito. Pinalakas niya ang loob sa mga salitang ibinigay ng kanyang biyenan "Busy lang si Stephan. Alam mo naman ang trabaho niya." Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit dulot ng mga bulung-bulungan na naririnig niya sa kasambahay at mga kaibigan—na may ibang babae ang kanyang asawa.Isang araw, nagpanggap si Champagne na aalis ng bahay. "Maaga akong babalik," sabi niya sa kasambahay, ngunit ang totoo, nakatayo siya sa gilid ng gate, nagmamatyag, umaasang mali ang kanyang mga hinala. Ilang oras siyang naghintay hanggang sa isang taxi ang huminto at bumaba ang isang babaeng tila perpekto ang katawan—seksing-seksi, may suot na bestida na halos hindi na kumapit sa kanyang balat. Nag-doorbell ito, at ilang sandali lang ay si Stephan na mismo ang nagbukas ng pinto.Tuwang-tuwa si Stephan sa

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 2

    Habang binabaybay ni Vash Delos Santos ang madilim at liblib na kalsada pauwi sa Bulacan mula sa mahabang biyahe mula Bangkok, isang hindi pangkaraniwang lamig ang gumapang sa kanya. Ang paligid ay tahimik—masyadong tahimik. Ang kalsadang dinadaanan niya ay madilim, ang mga poste ng ilaw ay tila nalimutan ng panahon, at ang liwanag ng buwan ay pilit sinusubukan ang tumagos sa kapal ng ulap.Malapit na siya sa isang kurba ng kalsada nang mapansin niya ang isang bagay na nakahandusay sa gitna ng daan. Sa una, hindi niya maaninag kung ano ito—isang bagay na parang hindi natural na naroon. Binagalan niya ang takbo ng SUV at tumingin sa rearview mirror, pilit inaaninag ang anino nito sa harapan.“Ano kaya ’yun?” tanong ni Vash sa sarili habang kinakabahan. “Kalabaw siguro. O baka naman gulong na iniwan kung saan.”Puno ng pagdududa, huminto si Vash sa gilid ng kalsada at binuksan ang headlights para mas makita ang kalsada. Kinuha niya ang flashlight mula sa glove compartment ng sasakyan at

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 3

    “Ano bang nangyari sa’yo, miss?” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang babae na mabilis na itinutulak papasok sa operating room. Wala kang ginawa para masaktan nang ganito. Pero ipapangako ko—kung anuman ang pinagdadaanan mo, hindi kita iiwan.Habang tinutulungan ng mga doktor ang babae, napansin ni Vash ang isang bagay na kumislap mula sa kamay nito. Isang singsing. Kinuha niya ito at maingat na tiningnan. Ang disenyo nito ay tila mamahalin, isang piraso ng alahas na maaaring magsabi ng maraming kwento.“Champagne...” bulong niya nang mapansin ang nakaukit na pangalan sa loob ng singsing.Habang nakaupo si Vash sa waiting area ng ospital, tahimik niyang iniisip ang hindi maipaliwanag na koneksyon niya sa babaeng nasa kabilang silid. Sa loob ng maraming oras, hindi niya magawang umalis, kahit wala siyang obligasyon na manatili. Bakit ako nandito? tanong niya sa sarili. Ngunit ang sagot ay parang nakabaon sa likod ng kanyang isipan—isang pakiramdam na kailangang masigurado niy

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 4

    Si Vash, na nasa tabi niya, ay tahimik na nakaupo, pinapanood ang kanyang paghihinagpis. Ramdam niya ang bigat ng emosyon sa hangin, at kahit hindi niya lubos na naiintindihan ang lahat ng pinagdadaanan ni Champagne, alam niyang ito ang uri ng sakit na hindi madaling maghilom. Maingat niyang hinawakan ang kamay ng babae, mahigpit ngunit puno ng malasakit."Champagne," mahinang tawag niya, pilit na pinapakalma ang nanginginig niyang boses. "Nasaan ang pamilya mo? Magulang mo?" maingat ngunit puno ng pag-aalalang tanong ni Vash habang nakatitig sa mukha ni Champagne. Kita niya ang bakas ng kawalan sa mga mata ng babae, parang isang bangungot na hindi pa natatapos.Napayuko si Champagne, nanginginig ang mga kamay na mahigpit na nakayakap sa kumot na nakatakip sa kanya. "W-Wala sila dito..." mahina niyang sagot, pilit pinipigilan ang luhang gustong bumagsak muli. "Nasa Canada sila. Matagal na silang naninirahan doon. Hindi nila alam ang nangyayari sa akin."Napalunok si Vash. Ramdam niya

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 5

    Nang makauwi si Stephan at Pia, magkasunod silang pumasok sa sala ng bahay, ngunit hindi pa man sila nakakaupo, naramdaman na nila ang presensya ng matinding tensyon. Andoon sa may sofa ang kanyang ama, si Amorsolo, ang matandang lalaki na may matalim na tingin. Nang makita sila, isang mabigat na tanong ang lumabas mula sa bibig ni Amorsolo, punong-puno ng galit at disapointment.“Asan na ang mayaman mong asawa, Stephan?” tanong ni Amorsolo, ang mga mata’y sumisilip mula sa ilalim ng salamin sa mata. “Diba sabi ko sayo, wag mong dadalhin dito ang kabit mo? Ano ka ba? Hindi ka ba nag-iisip?”Ang mga salitang iyon ay parang mga suntok sa dibdib ni Stephan. Hindi na bago sa kanya ang matalim na mga salita ng ama, ngunit hindi niya rin maiwasan ang mag-init. Pinilit niyang magpigil, ngunit ang kasunod na tanong na ipinukol ng ama ay tila pinalalalim ang sugat na matagal nang nararamdaman sa kanyang dibdib.“Pa, wala akong pakialam kung saan siya pumunta!” sagot ni Stephan, ang kanyang bos

    Huling Na-update : 2024-12-05
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 6

    “Pia, tandaan mo ang pinag-usapan natin,” binalaan siya ni Stephan, ngunit ang tono nito’y mapang-akit, halos nanunuyo. “Wala nang babalikan. Ang nangyari kanina ay isang bagay na dapat manatili na lang sa nakaraan. Naiintindihan mo ba?” Lumapit siya sa kanya, hinawakan ang kanyang kamay, at sa boses na tila puno ng kasiguraduhan, idinugtong, “Ako ang bahala sa atin.”Sa kabila ng pagyakap na iyon, hindi maalis kay Pia ang pakiramdam na siya’y isang tauhan lamang sa larong hindi niya lubos na nauunawaan. Mahal niya si Stephan, oo, ngunit ang pagmamahal bang iyon ay sapat upang mapanatili ang kanilang lihim na nag-ugat mula sa kanilang pagtataksil?Nang gabing iyon, habang natutulog si Stephan, si Pia naman ay nanatiling gising, nakaupo sa gilid ng kanilang kama. Hindi siya mapakali. Sa kanyang mga alaala, bumabalik ang tunog ng sigaw ni Champagne. “Bakit? Bakit ninyo ako ginanito?” ang sigaw nito habang pilit na nagbubuno sa kanila sa gilid ng hagdan. Hindi niya gustong mangyari iyon.

    Huling Na-update : 2024-12-05
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 7

    Tumayo si Vash, nilagay ang mga bulaklak sa gilid ng kama, at saka hinawakan ang malamig na kamay ni Champagne. “Alam kong mahirap paniwalaan ngayon, pero makakabangon ka. Hindi ko alam ang tamang sagot sa kung paano, pero ang alam ko, narito ka pa. Humihinga ka pa. At iyon ang mahalaga.”“Bakit ako, Vash?” tanong ni Champagne, tinitigan siya ng malalim. “Bakit hindi na lang ako ang namatay? Bakit ang anak ko pa? Ano ba ang kasalanan ko para maranasan ang ganitong klase ng sakit?”Napapikit si Vash, dama ang bigat ng tanong ni Champagne. “Walang may karapatang magdusa sa ganitong paraan, Champagne. Pero minsan, ang mga bagay na ito ay hindi natin kayang unawain. Hindi mo kasalanan. Hindi ikaw ang dahilan.”Umiling si Champagne, ang kanyang mga luha’y patuloy sa pag-agos. “Pero paano, Vash? Paano ko magagawang patawarin ang sarili ko kung hindi ko man lang nailigtas ang anak ko? Paano ko magagawang kalimutan ang galit ko kay Stephan at kay Pia? Nasa kanila ang lahat ng kasalanan, pero

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 8

    “Bakit?!” sigaw niya sa sarili, habang ang mga luha’y tuloy-tuloy sa pag-agos. “Bakit kailangan nilang gawin ito? Wala ba akong halaga kahit kailan?!”Muling bumalik ang eksena sa kanyang isip: si Stephan, ang lalaking sinumpaan niyang mahalin, ay hindi man lang siya nilapitan pagkatapos ng insidente. Nakita niyang bumagsak siya, nakita niyang umiiyak at humihingi ng tulong, ngunit mas pinili nitong alalayan si Pia.“Hayop kayo!” sigaw niya, ngunit boses niya lang ang narinig sa loob ng tahimik na silid. “Hindi lang ninyo ako sinaktan, kinitil ninyo ang tanging bagay na nagbibigay sa akin ng lakas—ang anak ko!”Bumalik siya sa kanyang pagkakahiga, pinilit na ipikit ang kanyang mga mata, ngunit ang sakit ay hindi siya nilubayan. Iniabot niya ang kamay niya sa tiyan niya, na parang hinahanap ang anak na hindi na niya mahahawakan.“Anak, patawarin mo si Mommy…” humihikbi niyang sambit. “Hindi kita naipagtanggol. Hindi ko nagawang iligtas ka mula sa kanila. Pero nangangako ako, hahanapin

    Huling Na-update : 2024-12-06

Pinakabagong kabanata

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 30

    Tumigil si Vash, tinitigan ang babae nang may malalim na pag-unawa. Alam niyang malalim ang sugat na iniwan ng nakaraan ni Champagne—hindi lang pisikal, kundi lalo na sa kanyang puso at kaluluwa. "Champagne," sabi niya nang dahan-dahan, "ang bawat sugat ay may panahon ng paggaling. Ang mahalaga, ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo. At ngayon, mahalaga na patawarin mo ang sarili mo."Nakatitig pa rin si Champagne sa salamin, hinayaan ang mga luha na malayang dumaloy. Hindi ito mga luhang dala ng kawalang pag-asa. Ito ang mga luhang bumubuhat sa kanya, nagbibigay-lakas, at nagpapaalala na may dahilan ang bawat sakit at sakripisyo."Para sa'yo, anak," bulong niya muli, ang kanyang tinig puno ng determinasyon. Ang larawan ng kanyang ultrasound noong buntis siya, at ang pagkamatay nito, ang nagsisilbing gasolina ng kanyang paghihiganti. Hindi siya matitinag. Hindi siya papayag na ang pagkawala ng anak niya ay manatiling walang hustisya.Muli niyang pinahid ang kanyang mga luha, tumayo nan

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 29

    Napangiti si Champagne. "Salamat, Vash. Alam kong lagi mo akong inaasikaso. Hindi ko alam kung paano ako magiging ganito kalakas kung wala ka."Tumitig si Vash sa kanya, ang mga mata nito puno ng sinseridad. "Champagne, ginagawa mo ito hindi dahil sa akin. Ginagawa mo ito dahil kaya mo. Ako’y nandito lang para suportahan ka. Isa ka sa pinakamalakas na taong kilala ko, at alam kong malayo pa ang mararating mo."Napatigil si Champagne. Hindi niya maipaliwanag, pero naramdaman niya ang init sa kanyang dibdib. Ang presensya ni Vash ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang kapanatagan at lakas na hindi niya naramdaman noon pa man. Pero agad niyang pinutol ang damdaming iyon. Hindi ito ang tamang oras. Hindi pa ngayon."Tama ka, Vash," sabi niya habang iniwas ang tingin. "Kailangan kong maging handa. Para sa lahat ng haharapin ko.""At magiging handa ka," sagot ni Vash, puno ng kumpiyansa. "Ngayon, kain muna tayo."Sumunod si Champagne palabas ng kwarto, naglalakad nang maingat dahil sa kanyang

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 28

    Pinilit ngumiti ni Champagne. "Ang totoo, Vash, hindi lang ito tungkol sa pagbabagong pisikal. Gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong bumangon. Gusto kong ipakita sa kanila na hindi nila ako tuluyang napabagsak."Tumayo si Vash at lumapit sa bintana ng kwarto, tinignan ang tanawin ng lungsod ng Bangkok sa ilalim ng liwanag ng buwan. "At iyon ang dahilan kung bakit nasa tamang landas ka. Huwag kang masyadong magpakain sa galit, Champagne. Ang galit ay makakatulong bilang motibasyon, pero kapag inubos ka nito, mawawala ang direksyon mo."Nanatiling tahimik si Champagne habang sinisipsip ang bawat salita. Hindi madaling lunukin ang payo, pero alam niyang tama si Vash. "Minsan," sabi niya, halos bulong, "gusto ko nang kalimutan na lang sila. Pero kapag naaalala ko ang ginawa nila sa akin... sa anak ko... bumabalik ang lahat ng sakit."Lumapit si Vash at tumingin sa kanya nang diretso, hawak ang kamay niya. "Champagne, hindi mo kailangang kalimutan ang sakit. Gamitin mo ito. Pero h

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 27

    “Salamat sa Diyos, Eric. Napakagandang balita nito!” sagot niya, puno ng emosyon. “Kumusta ka? Kumusta ang pakiramdam mo ngayon?”“Mas magaan na, Ate. Para bang isang malaking pasanin ang nawala. Alam kong mahirap ang mga susunod na hakbang, pero kaya natin ito. Lalo na ngayon na alam kong malapit nang magbago ang lahat.”Ngunit kasabay ng saya, hindi maiwasang sumagi sa isip ni Dianne ang mga gastos sa nalalapit na operasyon. Alam niyang mahal ito, at kahit gaano kalaki ang naipon nila, tila hindi pa rin sapat. Pigilin man niya, nagsimulang bumalik ang pangamba sa kanyang isipan.“Eric,” simula niya, “alam mo naman, di ba? Kahit ano, gagawin ko para matulungan ka. Huwag kang mag-alala sa pera. May paraan tayo.”Tahimik ang kabilang linya bago muling nagsalita si Eric. “Ate, alam kong malaki na ang mga sakripisyo mo. Pero huwag mo masyadong gawing pasanin ang lahat. Nandito rin kami para tumulong. Ayaw ni Mama na masyado kang ma-stress.”Ngumiti si Dianne kahit hindi siya nakikita ng

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 26

    Ang mga salita ni Drake ay paulit-ulit na umuugong sa kanyang isipan:"Ang pinakamahalaga ay ang magawa mong tama ang papel mo bilang surrogate. Kung magagawa mo iyon, wala nang ibang hihilingin pa."Paulit-ulit na bumabalik ang bawat salita, na parang isang malamig na alon na tinatangay ang bawat hibla ng emosyon sa kanyang puso. Kahit gaano niya pilit alisin ang bigat ng mga salitang iyon, hindi niya magawa. Sa bawat ulit nito sa kanyang isip, mas tumitindi ang kirot—parang isang paalala na siya ay bahagi lamang ng plano, isang tao na may layunin ngunit walang halaga higit pa roon.Habang siya ay nakaupo sa sofa ng kanyang kwarto, tahimik niyang hinaplos ang kanyang tiyan. Ramdam niya ang mahinang galaw ng bata sa loob nito, at kahit papaano, nagbigay iyon ng kaunting ginhawa. Subalit, kasabay ng aliw na iyon, naroon din ang sakit ng pagkakulong sa isang relasyon na tila hindi nagbibigay ng puwang para sa damdamin niya bilang isang tao."Ang tanga-tanga ko," bulong ni Dianne sa sari

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 25

    "Kaya ko pa, Vash," sagot ni Champagne nang may lakas ng loob, ngunit may kasamang ngiti na nagsasaad ng pasasalamat sa bawat sakripisyo at tulong na ibinibigay ni Vash. "Kaya ko pa."Matapos ang ilang saglit, binigyan ni Vash si Champagne ng mga post-operative instructions. Nagsimula siyang magsalita nang mahinahon, siguradong gusto niyang matulungan si Champagne na makabalik sa kanyang pinakamahusay na kondisyon."Mahalaga ang pag-iwas sa anumang pisikal na aktibidad sa loob ng mga linggong ito. Iwasan mong magbuhat ng mabigat, at huwag masyadong maglakad nang matagal. Ang pinaka-mahalaga sa ngayon ay ang pagpapahinga ng katawan mo para maghilom ito ng maayos," paliwanag ni Vash habang pinagmamasdan ang mga mata ni Champagne, na tila mas magaan na ang pakiramdam kaysa kanina."I will be here for you, Champagne. Gusto ko lang na makita mong muling bumangon, hindi lang pisikal kundi pati na rin sa iyong emosyonal na kalagayan. I know you're strong, and I know you’ll get through this,"

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 24

    "Bakit kaya hindi pa umuuwi si Champagne? baka may masama na nangyari?, bakit walang balita?" Tanong ni Amorsolo sa sarili, habang nakayuko siya, mahigpit na hawak ang hawakan ng kanyang mesa. Tinutok niya ang isip sa lahat ng mga posibleng dahilan ng pagkawala ni Champagne. Alam niyang matatag si Champagne at hindi ito basta-basta mawawala. Hindi ito katulad ng iba. Kung may mangyaring hindi maganda, malamang ay may dahilan, at kailangan niyang matuklasan ito.Hindi na nakapagpigil si Amorsolo. Naglakad siya papunta sa telepono at tiningnan ang listahan ng mga tao na maaari niyang tawagan. Ilang beses na niyang tinangka na kausapin ang kanyang anak na si Stephan, ngunit tila wala itong pakialam. Nanatili itong kampante sa kanyang posisyon, hindi tinatanggap ang alalahanin ng kanyang ama.Bumalik si Amorsolo sa harap ng bintana, tinatanaw ang mga halaman na tila walang pakialam sa nangyayari sa loob ng mansion. Pero siya ay ibang tao—bawat segundo ng katahimikan ay nagpapalalim sa tak

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 23

    Habang lumilipas ang mga araw, napansin ni Champagne ang sarili niyang mas madalas na iniisip si Vash. Sa bawat pag-aalalay nito sa kanya, sa bawat ngiti at titig na puno ng malasakit, unti-unti niyang nararamdaman ang kakaibang tibok ng kanyang puso. Hindi ito ang pangkaraniwang pasasalamat na nararamdaman niya para sa isang kaibigan o tagapagligtas. May kung anong mas malalim na damdamin ang bumubuo sa kanyang dibdib.Isang umaga, habang binabantayan ni Vash ang kanyang recovery routine, nahuli ni Champagne ang sarili niyang nakatitig sa kanya. Abala si Vash sa pagsusuri ng medical report niya, ngunit ang kanyang maamong mukha, ang seryosong ekspresyon habang nag-iisip, ay tila nag-iwan ng marka sa puso ni Champagne.“Okay ka lang ba, Champagne?” tanong ni Vash nang mapansin ang tahimik niyang pag-iisip.Bahagyang namula si Champagne at umiwas ng tingin. “Ah… oo, Vash. Pasensya na, parang nawala lang ako sa sarili ko.”Ngumiti si Vash, ang uri ng ngiting tila nagpapagaan ng lahat ng

  • SCALPEL'S KISS   SCALPEL'S KISS CHAPTER 22

    Ngunit, hindi nakaligtas ang mga mata ni Champagne sa mga kasalukuyang kaganapan na pumipigil sa kanya sa pagpapatawad at pagkakaroon ng katahimikan. "Anak," bulong niya habang nakatingin sa salamin, "malapit na kitang ipaghiganti. Hindi ko na kaya silang patawarin. Si Stephan at si Pia, dalawang talipandas na ginugol ang mga taon kong pagkabigo."“Alam ko, Champagne,” sagot ni Vash, puno ng malasakit. "Naiintindihan ko kung gaano kalalim ang sakit na nararamdaman mo. Ngunit, kailangan mo pa ring mag-isip nang maayos. Huwag mong hayaang sirain ng galit ang iyong bagong simula."Naramdaman ni Champagne ang hirap na dulot ng galit na naglalagi sa kanyang dibdib. Ang mga alaala ng kanyang asawa, si Stephan, at ang kalapastanganang ginawa ni Pia, ang kanyang secretary na naging kabit, ay patuloy na gumugulo sa kanyang isipan. Habang pinag-iisipan ito, ramdam niya ang malalim na sugat sa kanyang puso."Bakit nila ako ginanito, Vash?" tanong ni Champagne, ang kanyang boses ay puno ng sakit

DMCA.com Protection Status