Kimberly Ann Martinez."What the heck are you doing here?!" Sigaw ni Mara ng makapasok ako. "I'm assigned to clean your room, ma'am," kalmadong wika ko kahit na parang sasabog na din ang ulo ko sa inis. "So, this is how rug the illegitimate children of my father is," nag-uuyam na wika niya sa akin. "Mara," warning ni Jonathan sa kanya. "What?!" pasigaw na asik din niya kay Jonathan. "Kung hindi naging kabit ang nanay niya sa daddy ko. Wala sana siya ngayon. But who knows, baka nga lumalapit siya sayo dahil alam niyang ikaw ang fiance ko at nais ka niyang agawin. Palibhasa, mana sa nanay."Hindi ko na lang pinapansin ang sinasabi kahit na masakit sa damdamin ko. Sinimulan ko ng linisin ang mga kalat nila sa silid. Ngunit mukhang pa hindi kontento si Mara at hinila ako paharap sa kanya. "Tell me, how much do you need? Lumayo ka lang sa amin. Kay Jonathan. Maging sa pamilya ko?!""Hindi ko, intensyong makita kayo. Narito ako upang magtrabaho. Kaya kung ano man ang pinuputok ng
Kimberly Ann Martinez"I'm sorry," sabi ko kay Kyla. "Hindi, ate. Wala kang kasalaman. Kung may dapat man na manghingi ng tawad yung lalaking yon. Hindi na siya nahiya matapos niya tayong iwan basta-basta na lang siyang magpapakita dito. Ayaw ko na din siyang makita pa. Ngayong alam ko na ang rason kung bakit wala siya sa atin. Hinding-hindi ko siya tatanggapin pa bilang tatay. Kahit maghirap man tayo hindi ako papayag na basta-basta na lang niya susulpot sa buhay natin ulit.” May Poot sa bawat salitang binitawan ni Kyla.Nag-iiyakan at nagyayakapan lang kaming dalawa. Pareho kaming nasaktan sa sinapit namin ngayon. Kita ko na wala siyang pananabik nang makita niya ang ama namin. Akala ko ay magtatanong siya kung bakit ngayon lang nagpakita ang ama namin ngunit iba ang nakikita ko ngayon. Nasa ganun pa rin kaming posisyon ng maabutan kami ni Karylle.“Anong nagyayari dito? Bakit nag-iyakan kayo” tanong niya sa amin ni Kyla. Kumalas naman kami ni Kyla sa isa’t-isa.“May dumating
Kimberly Ann MaritiezRamdam ko ang bulong-bulungan ng mga empleyado pagpasok ko sa loob ng kumpanya nila Jonathan. Ang iba ay nakikita kong parang naawa sa akin ngunit ang iba may parang sinasabi nila na karma ko dahil pumapatol ako sa boss namin. Parang sinasabi din nila na ang taas naman ng lipad ko kaya ayon ang sakit ng lagapak ko. Hindi ko na lang pinapansin dahil Hindi ko na lang pinapansin dahil hindi naman sila ang pinunta ko dito. Agad na patayo si Joville ng makita ako. Tumakbo pa ito sa gawi ko at agad akong niyakap ng mahigpit. Kung hindi lang ako nagrereklamo ay baka hindi niya ako titigilan. “Jusko, girl. Anong nangyari sayo, Bakit ngayon ka lang nagpapakita?" tanong niya sa akin matapos kumalas.“Nasa loob ba si Jonathan?” sa halip ay tanong niya sa akin. natigilan naman siya sa sinabi ko. kalaunan ay umiling lang ito sa akin.“Wala eh, kahapon pa ito hindi pumasok,” sagot niya sa akin. “Papasok ba siya ngayong araw?” tanong niya pa.“Hindi ko alam eh,” sagot n
Kimberly Ann MartinezFive years later Kabankalan City, Negros Occidendal“Nanay!” tawag ng anak kong si Kj.Agad kong nilapag ang dala kong pambunot ng damo at hinintay siyang makarating sa akin at niyakap siya. Ganito ang routine namin pag-uwi ko ng bahay galing sa maghapon ng pagbubunot ng damo sa tubuhan. “Na-miss ka ni nanay, anak. Hindi ka ba naging makulit sa ante mo?” malambing kong wika sa kanya. “Hindi po, nanay. Good boy po ako. Look, teacher give me three stars,” may pagmamalaki na wika niya sa akin.“Wow. Good job anak,” tuwang tuwang wika ko sa kanya. Pasok na tayo, naghihintay na si Ante Kyla mo sa loob.”Kinarga ko siya at kinuha ang dala kong nilapag ko kanina. Saka naglalakad patungo sa bahay kubo kung saan kami ngayon naninirahan ng mahigit limang taon na. “Ate, tapos na akong magsaing,” sabi ni Kyla sa akin.“Salamat, Kyle. Magpahinga kana. Ako na ang bahala kay Kj,” sabi ko sa kanya. “Hindi ate, ikaw ang magpahinga. maghapon ka sa tubuhan ang init pa naman
Kimberly Ann Martinez"Nanay?" Napabalik ako sa realidad ng marinig ang boses ng anak ko. Nakangiting binalingan ko ito. Nakangiting nilapitan ko siya.“Yes, anak? May kailangan ka?” tanong ko sa kanya.“Tabi po tayo nanay,” sabi niya sa akin. “Okay.” sabi ko at binitawan ang suklay na hawak ko saka dumapa sa foam upang samahan ang anak ko. Mag-ha-hum ako ng nursery rhymes para sa kanya. Mas madali kasi itong makatulog kapag kinantahan ko habang tinapik-tapik ang hita niya. Hindi nagtagal ay nakatulog naman ito. Napagitaan naman namin ito ni Kyla. Tiningnan kong mabuti ang anak ko. Kuhang-kuha talaga nito ang feature ng ama. Mula sa kutis hanggang bawat parte ng mukha nito. Wala man lang itong nakuha sa akin kahit buhok man lang dahil sa ama pa rin ito nagmana. Kumbaga, mini version ito ng ama.Napailing na lang ako sa tuwing magkasama kami. Maraming hindi makapaniwala na anak ko ito dahil ang layo ng itsura ko sa kanya. Ang akala ng lahat ay yaya lang ako ng bata. Kaya sa mg
Kimberly Ann MartinezTanghali na at oras ng pananghalian namin. Sama-sama kaming lahat sa isang pwesto dito sa ilalim ng punong mangga Malayo ang bahay kubo na palagi naming sinisilungan kapag oras ng pananghalian kaya dito na lang kami. Isang kalderong ginataang monggo pinadala galing sa mansion ng may-ari ng hacienda sinamahan pa ng tuyo kaya ganado ang lahat na kumain ng tanghalian. "Nga pala. Nabalitaan nyo ba?" tanong ni aling Rita habang kumakain kami. "Ang alin?" curious na tanong ng isa naming kasamahan. "Binebenta daw ni Don Baltazar ang buong hacienda na ito," malungkot na wika ni Aling Rita. "Bakit daw?" Tanong ng isa. "Mag-migrate daw sa America ang buong angkan dahil nandoon ang ibang anak nito," sabi pa niya na may malungkot na boses. "Kung ganon, posibleng mawalan tayo ng trabaho?" nag-alala na tanong ko. "Wag naman sana. Dito na tayo tumanda at dito lang tayo nakakakuha ng mga pang-araw-araw na pangangailangan natin," sagot niya sa akin. "Ipanalangin natin
Kimberly Ann MartinezKaarawan ngayon ng amo namin na si Don Balthazar. Lahat kami pina papunta sa kanyang mansion. Kaya pumunta kami ni Karillo ngayon. As usual, si Kyla na naman ang maiwan sa bahay. Inaya kong sama na lang sa amin ngunit ayaw naman niya dahil naka-stress daw na dalhin si Kj kung saan. Tama naman ito, sobrang likot ni Kj kapag dinala mo sa isang mataong lugar. Kaya hinayaan ko na lang maiwan siya dito. "Sige, saglit lang kami doon. Magpapakita lang kami para naman hindi nila isipin iba tayo sa kanila," sabii ko kay Kyla."Naku, ate. Mag-enjoy kayo doon te, wag nyo kaming aalahanin dito," sabi naman ni Kyla. "Sige. Mag-ingat kayo rito ha? Wag kayong magbubukas ng pinto kapag hindi kami ang dumating," bilin ko pa sa kanya. "Opo," sagot ni Kyla. "Sige, alis na kami," sabi ko sa kanya. "Karillo! Tayo na para maka uwi agad tayo," tawag ko sa isang kapatid ko. "Parating na," sagot nito mula sa kwarto namin. Nasa kwarto din kasi ang mga gamit ni Karillo. Pero sa
Kimberly Ann Martinez"Ate, si kuya Jonathan ba talaga yon?" Tanong ni Karillo. Naglalakad na kami ngayon pauwi ng bahay."Siya nga yon. Kilalang-kilala ko siya." sagot ko sa kanya."Anong gagawin natin ngayon? Aalis na lang ba tayo?" Tanong ni Karillo sa akin. "Hindi naman niya tayo namukhaan kanina kaya nasisiguro ko, hindi niya tayo kilala," sabi ko sa kanya. "Sana nga ate, sana nga." Dalangin ni Karillo. Nang makarating sa bahay ay di na kami kumatok. Sigurado akong tulog na ang anak ko at si Kyla. Kinuha ni Karillo ang isang manipis na kahoy sa gilid at ipinasok sa gilid ng pinto upang mabuksan ang pakasirado sa loob. Nang mabuksan ay agad kaming pumasok sa loob. Nadagnat ko si Kyla at Kj na natutulog na sa higaan namin. Nagbihis na lang ako ng damit pantulog at tumabi sa anak ko. Si Karillo na ang bahalang magsarado ulit ng bahay namin. Kinabukasan, maaga kaming nagising tulad ng nakasanayan namin. Tulong-tulong kami sa mga gawaing bahay. Hindi kasi pwedeng si Kyla lang a