Share

86 Formal Introduction, Pt. 2

Tumanggap sina Garreth at Ellaine ng mga mainit na pagbati mula sa mga panauhin nang nagsimula na silang makisalamuha sa mga ito at personal na magpahayag ng kanilang pasasalamat sa kanilang pagdalo. Pinanatili ni Ellaine ang ngiti sa mga labi at parang sirang plakang inuulit ang pasasalamat at pagbanggit ni Garreth ng mga pangalan ng mga bumabati sa kanila. 

Kampante sila sa pakikihalubilo sa mga bisita dahil ang tatlong bata ay nasa playroom kung saan kalaro nila ang ilang mga anak at kamag-anak na kasama ng mga nagsipagdalo sa okasyong iyon. Nakasisiguro sila sa seguridad ng mga ito dahil sa may kasama silang mga pinagkakatiwalaang bodyguard ni Garreth.

Wala si Ellaine kilala maski isa dumalong bisita. Sa dami ng mga mukhang sunud-sunod na pumalit sa mga naunang bumati  ay wala pa rin siyang natandaan sa kanila dahil naghalu-halo na ang mga hitsura

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status