Hindi nagtagumpay si Mina at iba pang servers sa bahay na manatili, wala na silang nagawa nang alisin na sila ng tuluyan ng pamilya ni Nolan at naiwan si Catherine sa bahay kasama si Nolan, ang pamilya ni Nolan at si Maxine. Bumalik sa kanya-kanyang kwarto ang pamilya na para bang walang nangyari habang naiwan si Catherine sa sala na mag-isa, umiiyak at hindi alam kung ano ang gagawin.
Buong buhay niya na kasama ang pamilya niya ay hindi niya naranasan ang ganitong sitwasyon, nag-iisang anak siya ng magulang niya, ibinigay sa kanya lahat ngunit hindi niya inasahan na mawawal na lang lahat ng iyon sa isang iglap at sa isang pagkakamali na magpakasal sa isang lalaking ang akala niya ay makakasama niya sa hirap at ginhawa.
Tumayo si Catherine nang maisipan niyang pumasok sa kwarto ni Mina, naroon na ang iba niyang gamit dahil bago pa makaalis ang ibang servers inutusan muna ni Nolan ang mga ito na kunin ang gamit ni Catherine sa kwarto at ilagay sa maid’s room, in Mina’s room.
“Ano ng gagawin ko ngayon?” she asked herself, naguguluhan. Dahil sa totoo lang, wala siyang kahit isang maisip na solusyon sa sitwasyon niya ngayon.
Ayaw niyang manatili sa bahay kasama si Nolan, ang babae nito at ang pamilya nito pero ayaw niya rin iwanan ang bahay na nag-iisang binigay sa kanya ng magulang niya.
Pinunasan niya ang luha niya sa kanyang pisngi at naisip na hanapin ang cell phone niya at ayusin ang mga damit sa iisang bag lang. “I need to get out from here,” sabi niya sa kanyang sarili habang isa-isang pinasok ang mga mahahalagang gamit at pwedeng masuot sa malaking bag.
“Here you are…” mahina niyang sabi nang mahawakan niya na ang phone niya. She saw a messages kaya agad niya itong binuksan. “It’s Mina,” she said.
Binasa niya ang mensahe na galing kay Mina.
From Mina:
Kung kaya mong makalabas ngayong gabi, nag-aantay kami sa likod ng bahay.
Bumaling si Catherine sa bintana ng kwarto, ang kwarto ni Mina ang isa sa daan para makalabas siya at makapunta sa likod ng bahay. Agad niyang tinapos ang ginagawa niya, walang kahit anong dalawang isip dahan-dahan niyang binuksan ang bintana ng kwarto ni Mina at lumabas. Kinabahan pa siya habang ginagawa iyon.
Inangat niya ang kanyang ulo at tumingin sa bintana ng kwarto nila ni Nolan, nakabukas ang ilaw nito at nakita niyang may dalawang aninong nasa likod ng kurtina. Kinagat niya ang ibabang labi niya at tinakpan ang bibig sa nakita. Maxine and Nolan kissed at kahit anino lang ang nakita niya.
“How dare you do this to me, Nolan?” she whispered to herself.
Tinignan niya lang ng matagal si Nolan at si Maxine kahit na nasasaktan na siya hanggang sa may lumapit sa kanya kaya halos mapatalon siya sa gulat. “Mina…” nauutal niyang banggit sa pangalan ni Mina na nag-aalala.
Tumingin din si Mina sa bintana ng kwarto at bumaling ulit kay Catherine. “We need to leave now,” she said at hinila na papalayo si Catherine.
Nakasakay sila ng taxi habang umiiyak pa rin si Catherine, kasama niya si Mina at isa pang kaedad lang nila na helper.
“Tinawagan ko na ang parents ko, ang sabi ko sa kanila ay doon muna tayo mananatili, kasama mo ako at si Loreen,” sabi ni Mina.
Loreen is the other helper na kasama nila. Nagkatinginan sina Mina at Loreen nang hindi sumagot si Catherine, patuloy pa rin ito sa pag-iiyak. Huminga ng malalim si Mina, naisip niya na lang na mabuti na itong umiiyak si Catherine kaysa iwanan nila sa bahay na kasama si Nolan at ang pamilya ni Nolan.
Halos dalawang oras ang byahe nila bago makarating sa bahay ni Mina. “Hindi ba nila tayo mahahanap dito?” tanong ni Loreen, kinakabahan para kay Catherine.
“Hindi naman nila alam na kasama natin si Catherine,” sagot naman ni Mina sa kanya. “Tara na,” she added at naunang maglakad.
Tumingin si Catherine sa paligid bago sumunod kay Mina at Loreen. This is the first time na makakapunta siya sa ganitong lugar, seems a crowded place, dikit-dikit ang mga bahay hindi katulad sa kung saan siya nanggaling.
“Mom, Dad…I’m sorry kung nagising ko kayo na gabi na. These are my friends, Catherine and Loreen…” Papakilala ni Mina kina Catherine at Mina sa pamilya niya.
“Ayos lang, maupo kayo. Kumain na ba kayo?” mahinahong tanong ng nanay ni Mina.
“Yes, Mom. Pwede po bang magpahinga na muna kami at kayo rin? Bukas na po tayo mag-usap, kailangan din pong magpahinga ni Catherine at ni Loreen…”
“Oo naman, sweetheart. Sige, kasya naman kayo sa kwarto mo, hindi ba?” Tumango na lang si Mina sa tanong ng kanyang ina at dinala na sina Catherine at Loreen sa kwarto niya na dalawang tao lang ang kasya.
“Ayos lang ba sainyo ito?” tanong ni Mina.
“Oo naman,” sabi ni Loreen at nilagay niya ang mga gamit nila sa gilid.
Tumingin si Catherine sa paligid pero ang isip niya ay si Nolan pa rin at ang nangyari. Nagkatinginan sina Mina at Loreen bago paupuin ni Mina si Catherien sa kama.
“Magiging maayos din ang lahat, tutulungan ka namin…” Ngumiti ng tipid si Mina kay Catherine.
Tinignan ni Catherine sina Loreen at Mina, hindi niya inasahan na may mga tao pang tutulong sa kanya ngayon. Hindi niya na naman mapigilan ang sariling umiyak at niyakap ang dalawa. “Maraming salamat sainyo…maraming salamat dahil hindi niyo ako iniwan doon…” Umiiyak na sabi ni Catherine.
“Hindi ka namin pwedeng iwan sa mga demonyong iyon. Mas lalo ka lang mahihirapan kapag ikaw lang mag-isa roon…” sabi ni Mina. “Magpahinga na muna tayo, bukas na tayo mag-uusap kung ano ang magiging plano,” she added.
Sumang-ayon si Loreen at Catherine, tabi-tabi silang tatlo kahit masikip ang kama para sa kanilang tatlo. Nasa gitna si Mina, nasa right side naman si Loreen at nasa left side si Catherine. Tinignan niya ang dalawang babae at nakatulog na agad ito habang siya ay gising pa rin ang diwa, tila hindi malaman kung paano makakatulog.
Sumagi ulit sa isipan niya ang ginawa ni Nolan sa kanya ngayong araw, hindi niya inakala na may malala pang magagawa si Nolan sa kanya. Ang pangarap niya na makasama si Nolan habang buhay ay biglang naglaho, mas lalo lang siyang nasasaktan kapag iniisip ang mga pangako ni Nolan sa kanya noon na hindi naman ginawa. Dagdag pa ang pamilya ni Nolan na bigla na lang nagbago ang trato sa kanya simula noong namatay ang magulang niya.
“Maghihiganti ako, Nolan…lahat ng ginawa mo sa akin ay tutumbasan ko ng mas masakit pa.” bulong niya sa kanyang sarili at dahan-dahang pumikit, hinayaan niya ang kanyang sarili na lamunin ng antok.
***
Kinabukasan, maagang nagising si Nolan, Maxine at ang pamilya ni Nolan.“Bakit wala pang breakfast? Where is that bitch?” tanong ng ina ni Nolan.
Naglakad naman siya papunta sa kwarto ni Mina kung saan inasahan na naroon si Catherine pero nang buksan niya ang pintuan ay walang Catherine ang nagpakita.
“Nolan, she is gone!” sigaw niya agad dahilan para mapatakbo si Nolan sa kaniya. “That bitch is gone!” galit na sabi niya.
Umigting ang panga ni Nolan sa nalaman, ikinuyom niya ang kanyang kamao dahil sa galit na naramdaman kay Catherine. Tumakas ito.
“I will find her, ibabalik ko siiya rito…” he said at lumabas ng bahay.
After one month, hindi na nagpakita pa muli si Catherine kay Nolan at kahit maliit lang ang mundo, sinusubukan niyang hindi mag-krus ang landas nila o kahit na sino sa pamilya ni Nolan. Naging abala siya na maging maayos ulit ang buhay niya kahit na nahihirapan siyang makisabay sa bagong buhay na ginagalawan niya ngayon kasama si Mina, ang pamilya ni Mina at si Loreen.“Ayos ka lang?” tanong ni Mina kay Catherine. Tumango si Catherine at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. “I’m fine, hindi ko lang inasahan na ganito pala kahirap sa pabrika na pinagtrabuhan ng magulang mo,” komento niya.Natawa naman ng bahagya si Mina dahil sa sinabi ni Catherine. “Ngayon lang din ako nagtrabaho rito kaya ganoon din ang nararamdaman ko. Tara, puntahan natin si Loreen,” aya ni Mina kay Catherine.Agad naman nilang pinuntahan si Loreen na tila may tinitignan sa hindi kalayuan. “Anong tinitignan mo?” tanong ni Mina na siyang kinagulat ni Loreen. Bumaling siya sa mga kaibigan at tumingin ulit sa tinignan
Kaming mga babae, wala kaming ibang hinangad kundi ang magkaroon ng asawang mapagmahal at aalagaan kami kapag dumating na ang panahon na ikakasal kami. Gusto lang namin maging masaya sa piling ng lalaking mahal namin na kasama namin na humarap sa altar pero bakit sa sitwasyon ko ay naging sumpa ang minsan ko ng pinangarap. “Wala ka ng silbi para sa anak namin kaya mabuti pang umalis ka na lang!” sigaw ng aking mother-in-law. Bakas sa kanyang mukha ang galit niya sa akin. Hindi ko maitindihan kung bakit siya nagagalit sa akin, sinunod ko lang naman ang utos niya na ipagluto siya ng pagkain na gusto niya. “Pasensya na, Mama. Magluluto ulit ako—”“Hindi na!” sigaw niya sa akin kaya napapikit ako at bahagyang umiwas mula sa kanya dahil akma niya akong hahampasin ng hawak niyang libro. “Hindi na nga masarap itong una mong luto at gusto mong pang umulit? Wala ka bang utak?” galit na sabi niya. Lumunok ako ng dalawang beses, nahihirapan magsalita. Hindi ko maitindihan ang takot na nararam
Hindi pa rin maitindin ni Catherine ang nangyayari, nasa harap niya ngayon si Mina na nakatingin sa kanya. Nasa kwarto siya ng maid’s room, Mina’s room to be exact.“What are you doing? You are his wife, you are the one supposed to be there, Catherin. Why are you here?” sunod-sunod na tanong ni Mina sa kanya.Umiiyak lang si Catherine tila ba iniisip na wala na siyang magagawa kung iyon na talaga ang nangyari. “I don’t know, Mina. Hindi ko maitindihan kung bakit iba ang sinama niya roon sa kwarto namin, and that is my room noong hindi pa kami kasal. Wala akong maitindihan—”“Ipapaintindi ko sa’yo ang nangyayari, Catherin. At sana maitindihn mo kung paano ka niya niloko, harap-harapan ka niyang sinaktan at sapat na iyon para ma-realized mo na tama na ang kahibangan mo sa kanya.” Mas lalong umiyak si Catherine dahil sa sinabi ni Mina. Si Mina lang ang kakampi niya sa bahay kung saan kasama niya ang pamilya ni Nolan at si Nolan, at kung wala si Mina ay panigurado na mas lalo pa siyang m

Hindi nagtagumpay si Mina at iba pang servers sa bahay na manatili, wala na silang nagawa nang alisin na sila ng tuluyan ng pamilya ni Nolan at naiwan si Catherine sa bahay kasama si Nolan, ang pamilya ni Nolan at si Maxine. Bumalik sa kanya-kanyang kwarto ang pamilya na para bang walang nangyari habang naiwan si Catherine sa sala na mag-isa, umiiyak at hindi alam kung ano ang gagawin. Buong buhay niya na kasama ang pamilya niya ay hindi niya naranasan ang ganitong sitwasyon, nag-iisang anak siya ng magulang niya, ibinigay sa kanya lahat ngunit hindi niya inasahan na mawawal na lang lahat ng iyon sa isang iglap at sa isang pagkakamali na magpakasal sa isang lalaking ang akala niya ay makakasama niya sa hirap at ginhawa. Tumayo si Catherine nang maisipan niyang pumasok sa kwarto ni Mina, naroon na ang iba niyang gamit dahil bago pa makaalis ang ibang servers inutusan muna ni Nolan ang mga ito na kunin ang gamit ni Catherine sa kwarto at ilagay sa maid’s room, in Mina’s room.“Ano ng