Share

Rewriting Letters for Crisanto
Rewriting Letters for Crisanto
Author: Zirens

Prologue

Author: Zirens
last update Huling Na-update: 2023-09-25 18:17:54

*Bang!*

"Mauna ka na, susunod ako sa iyo. Bilisan mo ang iyong takbo!"

Hingal na hingal na bulyaw sa akin ni Crisanto sa aking likuran. Ang kapaguran ay nananalaytay na sa aming katawan ngunit hindi kami maaaring tumigil.

Ang putik na nilikha nang walang tigil na ulan ay nagmamantsa na sa aking puting saya. Lalong nagiging mahirap ang aming pagtakas sa dulas ng lupa. Nais ko na lamang sanang tumigil at sumuko ngunit alam kong sa huli ay papatayin rin nila ang aking minamahal. Si Crisanto.

Tanging pagtakbo ng matulin lang ang kaya namaing gawin upang makaligtas sa mga manunugis.

Dalawang gwardiya sibil ang humahabol sa amin. Sa kanilang mga kamay ay ang mahabang baril na kanina pa nilang ipinapaputok sa kalangitan upang tumigil kami.

"Detener!" sigaw ng isang guardia. Pinatitigil kami.

Patuloy kaming tumakbo sa kahabaan ng napasok naming masukal na kagubatan. Hinila ko pa pataas ang aking saya kahit sumusugat ang mga tinik ng halaman at mga maliliit na sangang nalaglag sa lupa.

Isang putok muli ang umalingawngaw sa buong kagubatan. Maging ang mga ibon ay nagsiliparan.

"Bilisan mo, binibini! Maabutan na nila tayo."

Hinigitan ko ang tulin ng aking pagtakbo ngunit sadyang pagod na ang aking mga binti. Naiwala ko kanina ang isang kapares ng aking sapin sa paa habang tumatakas kaya't inabot ko ang natitirang isa at itinapon upang makatakbo ng mas mabilis.

Tumutusok sa aking talampakan ang mga maliliit at matulis na bato, tinik, putik at kung ano ano pa ngunit hindi ko na inisip pa. Sigurado akong may mga pagala-gala pang ahas sa lugar na ito.

Ngunit hindi ako natakot doon. Mas ikinatatakot ko ang mahuli kami.

Pagkatapos ng ilan pang minutong pagtakbo ay tuluyan nang bumigay ang aking mga binti. Alam kong matitipalok na ako!

"Hindi-"

Nang biglang maramdaman ko nalang ang paa ko sa hangin at ang mga malalakas na braso ni Crisanto sa aking baywang. Binuhat niya ako at nagpatuloy sa pagtakbo. Tumingin ako sa aming likuran at nakitang tinututukan na kami ng isang guardia civil.

"Crisanto! Babarilin tayo!"

Kumalat ang mas matinding takot sa aking katawan. Para akong kinuryente sa kaisipang si Crisanto ang unang matatamaan dahil siya ang tinututukan. Isa pa ay bumagal kami dahil buhat niya ako.

"Ibaba mo na ako. Tayo'y bumabagal lamang!" nanginginig at naiiyak kong sambit.

"Sugat sugat na ang iyong binti, binibini. At marahil ang iyong talampakan rin. Hindi ko iyon mahahayaan."

Sumakit ang aking puso. Handa siya sa kahit anong kahihinatnan ng pag-iibigang ito. Isinuko niya ang lahat alang-alang sa akin.

At gayon din ako, itataya ko ang lahat maging malaya lang kaming dalawa.

Narating namin ang matarik na parte ng gubat. Pababa na kami, papunta sa ilog ng San Isidro. Ang malamyos na agos ng tubig ay kitang-kita ko na kahit malayo-layo pa kami doon.

Ang mahabang ilog ay konektado sa ibang bayan. Isa ito sa lugasan ng mga mangangalakal ng mga kalapit bayan upang makipag-barter dito.

Nakikita ko na din sa isa sulok ang inihandang bangka ni Crisanto at ng kanyang pinsan na si Sanding.

Ngunit bago kami makarating doon ay kailangan naming lagpasan ang matarik na parte na ito. Salu-salungat rin ang mga puno sa habang pababa.

"Kailangan mo na akong ibaba, Crisanto. Maaari lamang tayong mahulog dito kung hindi." bulong ko ngunit hindi sinasadyang humigpit ang aking kapit sa kanyang batok.

Mariin niya akong tinignan at tumingin sa likod. Mabilis niya akong ibinaba at mahigpit na hinawakan ang kamay.

"Hawakan mo lang ako, madulas ang lupa. Baka gumulong ka pababa."

Maingat kaming bumaba, ngunit sa aming pangalawang hakbang ay muling umingay ang paligid sa isang putok.

"Ah!" sigaw ko dahil tila napakalapit ng putok.

Nagpatuloy na lamang ako sa maingat ngunit mabilis na pagbaba. Hawak ko pa ang kamay ni Crisanto kaya't alam kong kaya naming makatakas.

"Malapit na tayo!"

Nilingon ko si Crisanto at nakitang namumutla ang kanyang labi. Napatigil ako.

"Crisanto?"

"Huwag kang tumigil, binibini. Takbo!"

"Bakit ka-"

Umugong ang dalawang putok. Nawalan kami ng balanse at nagpagulong-gulong na pababa. Naaninagan ko pa ang malapit nang mga guardia civil, muli nila kaming pinaputukan.

Hindi ko na mahagilap si Crisanto! Ang bugbog sa aking katawan ay sadyang nakakapanghina.

"Ah!" sigaw ko nang bumundol sa isang bato.

Pinigilan nito ang aking pag-gulong paibaba. Hindi ko magawang magpasalamat dahil napakasakit ng aking tagiliran. Alam kong may tama rin sa aking ulo.

Halos hindi ko maigalaw ang aking mga kamay at paa. Tila paralisado ang utak ko dahil pinanunuod ko lang na lumapit sa akin ang isang guardia civil.

Dinampot ako nito sa kabila nang malala kong tinamo sa pagbagsak. Napangiwi na lang ako sa walang magpagsidlang kirot na dulot non.

"Dònde està la indio!" bulyaw nito sa akin.

Umiling-iling ako dahil hindi ko rin alam kung nasaan si Crisanto. Pero nananalangin akong buhay siya. Sugatan marahil, ngunit buhay!

"Busca al hombre!"

("Hanapin mo ang lalaki!")

Dinig kong kumilos ang isa nitong kasamahan. Sinunod ang utos nitong hanapin si Crisanto.

"Hermina!"

Dinig sa malayo ang sigaw ng aking ina. Pikit ang isa kong mata, tanaw kong paparating sila ng aking ama sa amin. Pilit kong iniaangat ang kamay upang makahingi ng tulong.

"¡Lo que le hiciste a mi hija?!" galit na turan ng aking ama sa sundalo.

("Anong ginawa mo sa aking anak?!")

"Lo siento Don Claveria, se caen mientras huyen." nakayukong saad nito.

("Pasensya na kayo Don Claveria, nahulog sila habang tumatakas.")

Lumapit sa akin ang aking ama at nanginginig nitong hinawakan ang aking mukha.

"Hija, anak."

"I-Iligtas mo si C-crisanto, papa!" nanghihina kong pakiusap.

Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa aking namamanhid na pisngi. Umugong ang matinis na tunog sa aking tainga pagkatapos non. Ang pinaghalo-halong sakit ng katawan, sugat sa ulo at durog na puso ay nagpamanhid na sa akin. Ngunit ang sampal na iyon ay tila kalembang ng dambana sa aking mukha.

"Tontà! Ano't sa kabila ng iyong kalagayan ay ang hampaslupang lalaki na iyon pa rin ang iyong bukang-bibig!" gigil na usal ng aking ina pagkatapos akong sampalin.

"Tama na! Hindi dapat ang anak natin ang sinasaktan mo! Hindi ka na naawa."

Tanging tahimik na pagtangis ang aking naisagot. Si mama ang higit na tutol sa aming pag iibigan ni Crisanto.

"Bakit hindi sasaktan. Isang lapastangan iyang anak mo! Biruiin mong ipagpalit lahat ng hirap na ating ginawa para sa kanya para lamang sa isang indio!"

Sinubukan kong abutin ang kanyang kamay, nanghihina. "Tama na, mama."

Tinabig niya ang kamay ko at dinurk ako. "Isa kang maduming babae! Ipinahiya mo kami ng iyong ama sa kura ng simbahan ng San Isidro! Nakakasuklam ang iyong ginawa, Hermina!"

"Tama na!" awa.

"Suwail kang bata ka. Ginawa namin lahat para maipasok ka sa simbahan, tapos ganito ang gagawin mo! Sa tingin mo ba'y tatanggapin pa ang iyong kaluluwa sa langit?!"

"Señor!" tawag ng guardia civil. "Él está aquí!"

("Señor! Andito siya!")

Nagkatinginan ang aking ama at ina saka ako saglit na tinignan ng aking ama. Sabay silang umalis, titignan ang tinuturo ng guardia civil.

Ang tila naghihingalo kong puso ay pumintig ng matulin kasabay ng pagdaloy ng kuryente sa aking nanghihinang katawan. Pilit kong itinayo ang sarili at pinalis ang luhang tuloy-tuloy nang bumabagsak. Buong pwersa kong pinilit ang mga kamay na itayo ang aking katawan.

Dinig ko ang kanilang mga boses ngunit wala akong maintindihan. Hinang-hina ako nang makaupo. Nilingon ko ang gawi nila. Nakita kong nakapulumpon sila sa isang lugar.

"¿Está muerto?" ika ng aking ina na tuluyang nagpamulagat sa akin.

("Patay na ba?")

Ubos ang lakas ay tumayo ako at paika-ikang takbo ang ginawa upang makarating sa kanila. Sa ibaba ng matarik ng lupang iyon, malapit na sa ilog, ay ang nakahandusay na katawan ni Crisanto.

"Ahh!" sigaw ko nang makitang halos maging kulay pula ang kanyang puting kamiseta dahil sa dugo.

Nilingon ako ng mga taong nakapalibot sa kanya. Gusto pa sana akong pigilan ng aking ina ngunit walang makakapigil sa aking lumapit sa kanyang katawan.

Hindi maaari! Hindi siya patay!

Niyakap ko ang kanyang katawan. Agad akong nabalot ng kanyang dugo. "Crisanto! Hindi maaari. Gumising ka, Crisanto!"

"Tumigil ka, Hermina! Huwag mo nang dagdagan pa ang ating kahihiyan!"

Tumingin ako sa kanya ng matalim. "Mga mamamatay tao kayo!"

Lumaki ang kanyang mata at napatingin sa mga guardia civil.

"Eres irrespetuosa!"

("Bastos ka!")

Humagulgol ako. Napakaraming dugo! Halos mawalan ako ng malay sa lahat ng nangyari. Hindi ko alam paanong yakap ang gagawin ko.

Bawat patak ng luha ay pagguho sa kaibuturan ng buong pagkatao ko. Parang unti-unti akong namamatay sa sakit. Halos wala na akong mailabas na boses. Para akong lumulubog sa kawalan. Hindi ko na maramdaman ang aking pisikal na katawan.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Pikit na pikit ang kanyang mga mata.

Kinagat ko ang labi. Panibagong malulusog na luha ang umagos. "Mahal ko.."

Dumagundong ang langit. Bumuhos pa ang ulan. Kitang-kita ko kung paanong sumama sa agos ng tubig ulan ang dugong nanggagaling sa kanya. Pumikit ako at muling sumigaw.

Napakasakit. Walang pagsidlan. Walang salitang namumutawi sa aking labi. Parang hindi ko na din kaya.

"Halika na, anak. Umalis na tayo dito." hila sa akin ni papa.

"Hindi ako sasama sa inyo! Patayin ninyo nalang rin ako!"

Isang malutong na sampal muli sa aking ina. "Huwag mo akong subukan, Hermina! Halina!"

Nagmatigas ako at hindi nagpahila sa kanila. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap kay Crisanto. Ang aking tangis ang siyang naglilikha ng ingay sa masukal na kagubatan at sa mas lalong lumalalim na gabi.

"Hermina!" maawtoridad na singhal ng papa. "Sostenla"

Agad kumilos ang dalawang guardia civil upang pulutin ako. Kahit anong palag ay wala akong nagawa. Pilit nila akong pinapasunod sa mga magulang kong nauuna nang umalis.

"¡Liberame! Eres un asesino!" patali kong bulyaw.

("Pakawalan niyo ako! Mga mamamatay tao kayo!")

Pilit akong kumakawala. Masakit na masakit na ang aking katawan sa lahat ng pagpupumiglas.

"Papa! Papa! Maawa ka na. Hayaan niyo na ako. Patayin niyo nalang din ako!"

Nilingon ako ng aking ama. Bumalik siya sa akin. Durog na durog ang puso ko habang tinitignan siyang lumalambot sa akin.

"Papa, parang awa mo na. Hayaan mo muna akong magluksa sa tabi niya. Papa!"

Tumigas ang kanyang panga at kumikinang ang kanyang mata. Hinawakan niya ang aking mukha.

"Hermina.." pumait ang kanyang boses. "Huwag mo na kaming suwayin. Umuwi na tayo."

"Papa. Maawa ka. Isa lang. Magpapaalam lang ako. Mahabag ka, papa. Isa lang." hagulgol ko.

Huminga siya ng malalim at tinignan ang dalawang guardia civil.

"Liberarla." bigo nitong sabi

("Pakawalan niyo")

Agad akong tumakbo pabalik kay Crisanto. Talagang wala na siya. Handusay pa rin at duguan. Tinakpan ko ang bibig, halos mabuwal sa kinatatayuan.

Malamyos kong hinaplos ang kanyang mukha. Nakakunot ang kanyang noon, tila hirap na hirap. Kitang-kita ang paghihirap na kanyang dinanas. Lalo akong tumangis. Para akong tinatakasan ng bait.

"Mahal ko, Crisanto."

Tumingala ako at sumigaw ng buong puso ngunit kulang pa rin. Kada segundo ay tila may dumadagan sa aking dibdib.

Muli ko siyang tinitigan. Ang balisong na ibinigay niya sa akin kanina bago kaming tumakas ay kinuha ko sa loob ng aking saya.

Bumulong ako sa kanyang tainga.

"Sa ika-isangdaan at dalawampu't walong taon na pagtatakip ng mundo sa araw at buwan ay muling magpapakita ang ating nakaraan at magsisimulang muli ang panibagong yugto ng ating pagmamahalan. Nawa'y dumating ka, Crisanto. Pangako, aking mahal. Hihintayin kita kung saan tayo nagsimula."

Sinugatan ko ang aking palad gamit ang patalim. Dinaupang-palad ko ang aming mga kamay, tanda ng aking pangako.

Kaugnay na kabanata

  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 1

    Tinitigan ko ng masama ang PA na nagpapaypay sa akin. Inirapan ko siya."Ano 'yan buong shoot walang aircon?!" irita kong parinig sa mga tao doon.Nakita kong nagtinginan sila sa banda namin at nagbulungan. Muli akong umirap."Saglit nalang daw po, Ms. Vinta. Maaayos na daw po.""Aayusin kung kailan andidito na ko. Palibhasa baguhan 'yang EP niyo!"Tumayo ako at inis na lumakad papunta sa kotse ko."Damn it!" usal ko sabay sindi sa sigarilyong hawak. "Ano bang klaseng producer 'to! Ayaw alagaan 'yung big star niya!"Binuga ko ang usok sabay hithit ulit at buga ulit. Nakaka-init ng ulo! Ang sukal sukal na nga nitong pinag shoo-shootingan namin tapos hindi agad gagawin ang ac sa tent ko! The great Vinta Serrano was being mistreated in her own tv series!Nag-scroll ako sa cellphone para i-dial ang numero ni Romer, ang wardrobe/stylist ko. Na-stuck pa sila ng team ko sa EDSA kaya itong mga baguhan pa yata ang kasama ko ngayon!Ilang dial ay sinagot na niya ako."Where the fuck are you?!"

    Huling Na-update : 2023-09-28
  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 2

    Mabilis ko itong sinugod. Nakatingin lang ito sa akin kaya hindi na siya makakawala pa.Habang papalapit ako sa kanya ay bumagal ang lahat. Wala akong marinig sa paligid. Parang kaming dalawa lang ang tao."Sino ka? Anong ginawa mo sakin?"Huminga ito ng malalim at umikot ng isang beses. Kumabog ang dibdib ko nang magpalit siya ng costume. Ang puting saya niya na puro dugo ay napalitan ng suot na katulad sa akin. Kinilabutan din ako nang makita siya sa malapitan.Magkamukha kami!Mas kayumanggi nga lang ang kulay niya at may maliit na nunal siya sa ilalim ng kanyang mata."Ako ay ikaw. Ikaw ay ako. Ang ating tadhana ay nagsimula nang ikaw ay iniluwal. Ikaw ang itinakdang magpatuloy sa aking naiwang pangako.""What? Besides bakit ka mangangako kung hindi mo naman pala kayang tuparin! Naghanap ka pa talaga ng madadamay!""Wala na akong oras. Ang buhay mo ay nakadepende sa buhay ko. Itama mo ang lahat ng pagkakamali. Palisin ang lahat ng pighati."Hey, miss. I'm not here to joke around.

    Huling Na-update : 2023-10-02
  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 3

    He was indeed a beautiful man. Gustong-gusto ko ang kulay nito. He can surpass any male models I know.Kaya di ko masisi si mother Hermina kung liliko siya sa kanyang paniniwala.Ibig sabihin ay tapos na ako dito? Very basic, huh."Ikaw si Crisanto?"Tumango ito, namamangha. "Kilala po ninyo ako?""Oo." mayabang kong sabi. Tumango-tango lang ito. "sige po. Ako po ay lilisan na. May inu-uutos po pa sa akin."Huh? Di ba niya ako yayayain mag-date? Ang sabi ni Hermina ay kailangan naming maipagpatuloy ang lovestory nila. So, dapat yayayain niya ako diba."Hindi ba tayo magde-date?"Tinignan ako nito ng hindi makapaniwala. "Madre?""May gusto ka sakin diba?" ngumisi ako. "Ayain mo na ako mag-date." Nag-sign of the cross ito at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Lumapit siya nang kaunti sakin ngunit sapat pa rin ang distansya. Tumingin ito sa labas, sa mga batang naglalaro. "Baka ho may makarinig sa inyo at seryosohin ang inyong itinuturan." Lumapit ako sa kanya para sana bumulon

    Huling Na-update : 2023-10-10
  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 4

    Napatakip si Clara sa kanyang bibig nang marinig ang pasabog ko. "Hermina! Teka, Vinta? Anong sinabi mo? Anong pag-iibigan? Kay Crisanto?!" tila naeeskandalo niyang sabi. Tumango ako. "Bongga ng friendship mo diba." "Anong friendship?" "Kaibigan." Huminga ito nang malalim. "Matalik na kaibigan. Si Hermina ay ang aking nag iisang matalik na kaibigan." "Kaya kailangan ko ng tulong mo. Maawa ka sa akin. Hindi ako dapat magtagal dito." "Saan ka ba nakatira?" Umiling ako. "Kahit sabihin ko sa'yo. Hindi natin matutunton 'yun. Sigurado akong hindi pa 'yon naipapatayo." Nagtakip siya ng mukha at tumahimik. Nagdadalawang isip pa siya kung maniniwala sa akin o hindi pero nararamdaman kong pagkakatiwalaan niya ang sinasabi ko. Kinagat niya ang labi. “Anong tulong ba ang kailangan mo?” Nabuhayan ako. “Talaga?” Tumango ito. “Basta totoo lahat ng iyong binanggit. Aasahan ko ang iyong katapatan.” Tumango ako ng maraming beses. “Hindi ka magsisisi, promise.” binasa ko ang labi. “Kailanga

    Huling Na-update : 2023-10-14
  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 5

    “Anong ginagawa ninyo dito?”Masungit agad ang bungad sa amin ng mama ni Hermina nang pagbuksan kami nito ng pinto. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa saka tumaas ang kilay. Tanghali na rin nang makarating kami. Hindi masakit sa balat kahit tirik ang araw pero init na init ako sa damit ko! Maeeskandalo talaga silang lahat kung ipakita ko ang hubadera side ko.“N-nais po sana kayong bisitahin ni Hermina, senyora.”“Na walang abiso? Nagsabi ka ba sa inyong superiora. Hermina?”Tumango ako. “Nagsabi po kami.”Huminga ito ng malalim. “Siya. Tayo na sa itaas.”Sa labas palang ng bahay ay sumisigaw na ng karangyaan kaya’t nag-expect na ako na magiging maganda ang loob. Pero namangha pa rin ako sa makitang mga kagamitan.I’ve been in a penthouse with complete appliances and equipment, but seeing a house from 1895 is so amusing. The intricate design of their wall passionately compliments the vibe of the house. Power and wealth can be seen and felt in every corner.Habang paakyat ay agaw

    Huling Na-update : 2023-10-18
  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 6

    Sa isang malaking bahay tumigil ang aming karwahe. Napatingala ako sa tugtog na classic na nanggagaling sa second floor.Bumaba kaming tatlo. Si Clara ay inihatid muna namin bago kami dumiretso dito. Gandang-ganda siya but at the same time ay sayang na sayang din dahil nag-madre ako.“Noon pa man ay talagang napakaganda mo na. Bakit kasi hindi mo nalang pinag-isipang mabuti ang iyong desisyon. Kahit sinong binata ay mahuhumaling sa iyo.” nakangusong sabi niya sa akin.Binati kami ng mga sa palagay ko’y katulong ng bahay na ito at pinatuloy sa unang palapag. Sa first floor ay napakarami ng bisita, may kanya-kanya na silang hawak na wine. Halos malaglag ang panga ko sa mangha dahil lahat sila ay talagang naka-barong tagalog at baro’t saya. Kitang-kita ang pino ng bawat detalye sa kanilang mga suot.Nagliliwanag ang malaking chandelier sa gitna. Ang kaliwa’t kanang paintings ay animo exhibit sa dami ng mga tumitingin dito. Ang engradeng hagdan ay binihisan ng pula at puting tela paikot.

    Huling Na-update : 2023-10-24
  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 7

    Muling tumugtog ang pang klasikal na musika sa buong kabahayan na naputol dahil sa komosyon kanina. Bumalik na din sa pagkukwentuhan ang mga tao. Pero iba na ang nagseserve ng mga inumin at pagkain.I need to talk to him.Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na yata siya makikita. Pero nasaan ba ang kusina dito?“Mga kababayan,” masayang tawag ni Don Palermo sa mga bisita habang pinapatunog ang baso gamit ang kutsara.Naglapitan kaming lahat dahil halata namang may sasabihin siya. I’m not interested but Donya Adela pulled me in. Tumabi kami kay Don Palermo na ikinagulat ko. May iilan pang kalalakihan na tumabi sa amin. Ngumiti sa akin si Donya Esther nang tumabi siya mismo sa akin. Ikinalawit niya ang kamay sa braso ng katabing lalaki.Pagak akong ngumiti.“Nais kong ibahagi sa inyo ang dahilan ng pagtitipon na ito.”Nagsimulang muli ang bulungan. Nalingon ko ang ilang mga naka-unipormeng tao sa likuran namin. Sa tingin ko, ito na ‘yung tinatawag nilang gobernadorcillo at mga prin

    Huling Na-update : 2023-10-26
  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 8

    Seriously? May kapatid si Hermina? Akala ko only child lang siya kaya medyo baliw ang nanay niya.“Sino pong kapatid?”Kunot noo itong tumingin sa akin. Ngunit tumango din kalaunan.“Naiintindihan kong masyado ka pang bata noon upang maalala.” ngumiti ito sa kawalan. “Si Malaya.”Tumahimik lang ako para pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin.“Ilang beses ko na itong na-istorya sa iyo, ngunit hindi pa rin nawawaglit ang bawat detalye sa aking isipan.”Ngumiti ako sa kanya. “Ikuwento niyo po ulit. Hindi rin naman po akong nagsasawang pakinggan.”Tumingin ito sa akin ng may malalambot na ekspresyon.“Inampon namin ang iyong ate Malaya sa isang malayong pamilya ng iyong ina. Dahil akala namin ay hindi na kami mabibiyayaan ng supling. Halos walong taon na rin kaming kasal at nagsasama noon kaya’t bigong-bigo kami na ang tagal kaming bigyan ng anak.”“Tatlong taon palang si Malaya noong mapunta siya sa amin ng iyong mama. Todo ang aming alaga at pagbabantay sa kanya. Hanggang sa mga sa

    Huling Na-update : 2024-01-17

Pinakabagong kabanata

  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 13

    I was absentmindedly serving soup for the kids when Clara bumped my shoulder.“Ano at natulala ka diyan, Hermina. Naghihintay ang paslit sa iyong salok.” nangingiti nitong nguso sa batang nag-aabang sa soup na ilalagay ko sa kanyang bowl.“Paumanhin, bata.” ngiti ko“Salamat po, madre.” ngiti rin nito pabalik.Huminga ako ng malalim at sinalukan din ang sumunod na bata. Nandito kami sa panibagong bahay-ampunan na aming sinisilbihan.Mas malawak at mas marami ang mga batang tinutulungan namin kaysa sa bahay-ampunan noon nila Crisanto.Crisanto.I sighed again. Noong araw na iyon na nag-breakdown ako sa kanya, hindi na ako nagsalita after kong pilit tanggapin na wala talagang sulat. Nag-sorry pa ako sa kanya pagkatapos ay niyaya ko na si Lagring na umuwi dahil mag-gagabi na rin at hindi kami pwedeng abutin ng dilim sa daan sabi ng Donya.Pero masamang-masama ang loob ko. Umiyak ako buong gabi. Kinukwestyon kung anong ginagawa ko rito at bakit grabeng paglalaro ang ginagawa sa akin. Wala

  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 12

    “Paano mo siya nakilala?”“Kaibigan ko. Nakalimutan ko nalang ang bahay niya noong umalis ako rito.”Kumamot ito sa ulo. “Magkaibigan pala kayo.”Ngumiti si Trinidad sa akin. “Wala atang naikukwento si Sanding sa atin,” siko nito kay Crisanto.Anong sinisiko-siko mo dyan! Nakikisabat di naman kasali. Naku! Vinta, napaka-bitchesa mo. Wala namang ginagawang masama ‘yung tao!“Sasamahan ko na kayo.”“Kasama ko na si Lagring. Kaya sabihin mo nalang sa amin ang lugar.”Napatitig silang tatlo sa akin and I realized na medyo harsh ‘yung tono ko. I cleared my throat and smiled shyly.“I mean, ayoko ng makaabala sa ginagawa niyo.”Tuluyang ibinaba ni Crisanto ang hawak na panungkit.“Tapos na rin kami. Ihahatid ko nalang muna si Trinidad sa kanilang tahanan pagkatapos ay tutulak na tayo.”“H-hindi ba ako p-pwedeng sumama?” mahinang sabi ni Trinidad.“Naging mahaba na ang ating araw. Magpahinga ka na lamang muna. Sandali lang siguro kami roon.”“Pwede naman kasing kami nalang ni Lagring.”I can

  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 11

    “Saan ba talaga ang tungo natin, senyorita?”Huminga ako ng malalim at mas lalong tumitig sa malaking salamin sa aking harapan habang hinihigpitan ni Lagring ang mga tali sa likod ng aking damit.“May kilala ka bang Sanding?”Kita kong napatigil ito at kumunot ang noo. “Sanding, senyorita?”“Oo. Hindi ko alam ang apelyido niya eh. Pero pinsan siya ni Crisanto.”Napatingin ito sa akin. “Magkaibigan ba kayo ni Crisanto, senyorita?”“Bakit?”Nakibit-balikat ito at muling bumalik sa ginagawa. “Kasi nag-uusap kayo noong nanuod tayo sa kanilang pagtatanghal at ngayon ay kilala mo ang kanyang pinsan.”“May itatanong lang ako.”“Ano iyon, senyorita?”Tumaas ang gilid ng aking labi sa kanyang ka-chismosahan. “Marites ka din pala.”“Lagring ang aking ngalan, senyorita?” patanong pa nitong sagot.Umiling nalang ako at humarap sa kanya. “Ano? Kilala mo ba siya at kung saan siya nakatira?”“Hindi, senyorita.” titig nito sa akin. “Ngunit pupwede tayong pumunta kay Crisanto upang itanong sa kanya.”

  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 10

    “Sa sabado na ang iyong alis, Hermina?”Tumango ako at tinusok ang suman na nasa harap ko. It’s breakfast at nasanay na rin akong kumain ng mga ganito. Masarap naman pala sila. Lalo na kapag authentic ang pagkakagawa.Lumipas ang tatlong araw simula noong sa plaza. Sa sabado ay nagpadala ng liham ang superiora at kailangan ko na raw bumalik sa simbahan. Pwede bang magresign na? I really can’t do this. Hindi naman ako matutulungan ng pagiging madre ko para makaalis dito. Si Crisanto ang kailangan ko para makabalik na ako sa sariling buhay ko.Tumingin ako sa mga magulang ko sa harapan. Ang Don ay nagbabasa ng dyaryo habang ang Donya ay patingin-tingin sa akin habang umiinom ng tsaa.“Aalis na ako sa pag-mamadre, mama.”Pareho silang napatigil. Tinarayan agad ako ng Donya.“At sa tingin mo ay papayag ako?” kalmado nitong sabi.“Buo na ang pasya ko, mama.”“Wala kang magagawa, Hermina. Ako ang magdedesisyon para sa’yo.”“Adela..” pigil ng aking ama.My lips form into a thin line. “I don’

  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 9

    What the fuck happened to me?!Nagsara ang kurtina at para akong natauhan. Nilingon ko ang paligid at nakita ko ang tingin sakin ng lahat. As in!“Senyorita!”Tumikhim ako at yumuko. Hinayaan kong kuhanin ako ni Lagring. Nagpaumanhin siya sa mga nahawi kong tao. Gusto kong pukpukin ang ulo ko! Am I dumb?“Pasensiya na po.” nakatungong hingi ko ng tawad sa mga tao.Dinig ko ang pagbubulungan ng ilang mga dalaga sa paligid kaya tignan ko sila isa-isa. Nagtatakip naman sila ng mga pamaypay pag nadadaanan sila ng tingin ko.“Anong nangyari, senyorita?”Nasa pinaka gilid na kami at kanya-kanyang business na ulit ang mga tao. Mariin akong pumikit at pekeng ngumiti kay Lagring.“N-nadala lang ako. Ang galing kasi nila e.”Ngumiti ito at malambing na tumingin sa stage na ngayon ay may ibang mga karakter na sa taas.“Naku! Talagang napakahusay ng grupo na iyan. Sila palagi ang nagtatanghal tuwing pyesta. Di ka naman kasi mahilig manuod ng ganito noon, senyorita. Kaya siguro’y namangha ka.”Tum

  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 8

    Seriously? May kapatid si Hermina? Akala ko only child lang siya kaya medyo baliw ang nanay niya.“Sino pong kapatid?”Kunot noo itong tumingin sa akin. Ngunit tumango din kalaunan.“Naiintindihan kong masyado ka pang bata noon upang maalala.” ngumiti ito sa kawalan. “Si Malaya.”Tumahimik lang ako para pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin.“Ilang beses ko na itong na-istorya sa iyo, ngunit hindi pa rin nawawaglit ang bawat detalye sa aking isipan.”Ngumiti ako sa kanya. “Ikuwento niyo po ulit. Hindi rin naman po akong nagsasawang pakinggan.”Tumingin ito sa akin ng may malalambot na ekspresyon.“Inampon namin ang iyong ate Malaya sa isang malayong pamilya ng iyong ina. Dahil akala namin ay hindi na kami mabibiyayaan ng supling. Halos walong taon na rin kaming kasal at nagsasama noon kaya’t bigong-bigo kami na ang tagal kaming bigyan ng anak.”“Tatlong taon palang si Malaya noong mapunta siya sa amin ng iyong mama. Todo ang aming alaga at pagbabantay sa kanya. Hanggang sa mga sa

  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 7

    Muling tumugtog ang pang klasikal na musika sa buong kabahayan na naputol dahil sa komosyon kanina. Bumalik na din sa pagkukwentuhan ang mga tao. Pero iba na ang nagseserve ng mga inumin at pagkain.I need to talk to him.Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na yata siya makikita. Pero nasaan ba ang kusina dito?“Mga kababayan,” masayang tawag ni Don Palermo sa mga bisita habang pinapatunog ang baso gamit ang kutsara.Naglapitan kaming lahat dahil halata namang may sasabihin siya. I’m not interested but Donya Adela pulled me in. Tumabi kami kay Don Palermo na ikinagulat ko. May iilan pang kalalakihan na tumabi sa amin. Ngumiti sa akin si Donya Esther nang tumabi siya mismo sa akin. Ikinalawit niya ang kamay sa braso ng katabing lalaki.Pagak akong ngumiti.“Nais kong ibahagi sa inyo ang dahilan ng pagtitipon na ito.”Nagsimulang muli ang bulungan. Nalingon ko ang ilang mga naka-unipormeng tao sa likuran namin. Sa tingin ko, ito na ‘yung tinatawag nilang gobernadorcillo at mga prin

  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 6

    Sa isang malaking bahay tumigil ang aming karwahe. Napatingala ako sa tugtog na classic na nanggagaling sa second floor.Bumaba kaming tatlo. Si Clara ay inihatid muna namin bago kami dumiretso dito. Gandang-ganda siya but at the same time ay sayang na sayang din dahil nag-madre ako.“Noon pa man ay talagang napakaganda mo na. Bakit kasi hindi mo nalang pinag-isipang mabuti ang iyong desisyon. Kahit sinong binata ay mahuhumaling sa iyo.” nakangusong sabi niya sa akin.Binati kami ng mga sa palagay ko’y katulong ng bahay na ito at pinatuloy sa unang palapag. Sa first floor ay napakarami ng bisita, may kanya-kanya na silang hawak na wine. Halos malaglag ang panga ko sa mangha dahil lahat sila ay talagang naka-barong tagalog at baro’t saya. Kitang-kita ang pino ng bawat detalye sa kanilang mga suot.Nagliliwanag ang malaking chandelier sa gitna. Ang kaliwa’t kanang paintings ay animo exhibit sa dami ng mga tumitingin dito. Ang engradeng hagdan ay binihisan ng pula at puting tela paikot.

  • Rewriting Letters for Crisanto   Kabanata 5

    “Anong ginagawa ninyo dito?”Masungit agad ang bungad sa amin ng mama ni Hermina nang pagbuksan kami nito ng pinto. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa saka tumaas ang kilay. Tanghali na rin nang makarating kami. Hindi masakit sa balat kahit tirik ang araw pero init na init ako sa damit ko! Maeeskandalo talaga silang lahat kung ipakita ko ang hubadera side ko.“N-nais po sana kayong bisitahin ni Hermina, senyora.”“Na walang abiso? Nagsabi ka ba sa inyong superiora. Hermina?”Tumango ako. “Nagsabi po kami.”Huminga ito ng malalim. “Siya. Tayo na sa itaas.”Sa labas palang ng bahay ay sumisigaw na ng karangyaan kaya’t nag-expect na ako na magiging maganda ang loob. Pero namangha pa rin ako sa makitang mga kagamitan.I’ve been in a penthouse with complete appliances and equipment, but seeing a house from 1895 is so amusing. The intricate design of their wall passionately compliments the vibe of the house. Power and wealth can be seen and felt in every corner.Habang paakyat ay agaw

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status