Napatakip si Clara sa kanyang bibig nang marinig ang pasabog ko.
"Hermina! Teka, Vinta? Anong sinabi mo? Anong pag-iibigan? Kay Crisanto?!" tila naeeskandalo niyang sabi.Tumango ako. "Bongga ng friendship mo diba.""Anong friendship?""Kaibigan."Huminga ito nang malalim. "Matalik na kaibigan. Si Hermina ay ang aking nag iisang matalik na kaibigan.""Kaya kailangan ko ng tulong mo. Maawa ka sa akin. Hindi ako dapat magtagal dito.""Saan ka ba nakatira?"Umiling ako. "Kahit sabihin ko sa'yo. Hindi natin matutunton 'yun. Sigurado akong hindi pa 'yon naipapatayo."Nagtakip siya ng mukha at tumahimik. Nagdadalawang isip pa siya kung maniniwala sa akin o hindi pero nararamdaman kong pagkakatiwalaan niya ang sinasabi ko.Kinagat niya ang labi. “Anong tulong ba ang kailangan mo?”Nabuhayan ako. “Talaga?”Tumango ito. “Basta totoo lahat ng iyong binanggit. Aasahan ko ang iyong katapatan.”Tumango ako ng maraming beses. “Hindi ka magsisisi, promise.” binasa ko ang labi. “Kailangan kong makapunta sa bahay nila Hermina.”“Sa tahanan ng kanyang magulang?”“Oo.”“Anong sadya natin roon?” nag-aalangan niyang sabi.“Kailangan kong makilala ang pamilya niya. And maybe search anything to her room.”Kumunot ang noo nito. “Unti-unti na talaga akong maniniwala sa iyo. Hindi ko alam ang iyong binibigkas.”“Basta. Hindi ako matatapos sa misyon na ito kung wala akong malalaman sa pagkatao niya.”“Sasabihin ba natin sa kanyang magulang ang tungkol sa iyong sitwasyon?”Umiling-iling ako. “Hindi. Walang dapat makaalam.”“Sa anong dahilan?“Baka hindi sila maniwala sa akin at patayin nalang nila ako dito. Ayokong mapagkamalang sisa.”“Sisa?”“1887 na-publish ang Noli Me Tangere ha.” Kumunot ang noo ko. “Hindi niyo pa nababasa?”“Anong klaseng libro ba ito? Mahigpit kasing pinagbabawal sa amin ang pagbabasa ng anumang libro na walang kinalaman sa Diyos.”Napatango-tango nalang ako.“Kailan tayo aalis?” pag-iiba ko dahil ayoko na mag-explain.“Bukas ng umaga ay maghanda ka. Magpapaalam ako sa superiora na nais mong gumayak sa inyong bahay.”“Mahigpit ba siya?”Buong gabi ay nagpakuwento ako kay Clara kung paano ang kalakaran dito sa Beateryo. Sabi niya ay tatlo ang superiora dito. Si madre Lagrama, madre Pitt, at madre Alvar. Mas trip niya daw si madre Alvar, ‘yung kasama namin kanina sa orphanage. Dahil mahigpit na raw ‘yung iba kaya kay madre Alvar kami magpapaalam.Sinabi niya rin kung paano at ano ang mga ginagawa naming dito. At nagulat ako sa napakaraming dasal na gagawin namin sa isang araw. Sa buong buhay ko hindi ako nag-invest ng ganoon karaming oras sa pagdarasal!Maaga kaming aalis bukas para daw hindi na kami sumama sa unang misa. Matatagalan kami kung sasama pa kami dahil malayo-layo pala ang bahay nila Hermina dito. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kung paano ako napunta sa lugar na ‘to. Hindi naman ako gumawa ng kasuklam-suklam para parusahan ako ng ganito. Gumawa lang ako ng dummy account para isiwalat ang kasamaan ng ugali ng co-star ko pero bukod doon ay wala na!Teka, baka nga? Di kaya pinakulam ako ‘non?Naningkit ang mata ko sa inis.“Tapos ay naririto ang iyong tampipi.”“Ha?” nabalik ako sa boses ni Clara.“Ang iyong tampipi na ayaw mong ipakita sa akin.”Kumunot ang noo ko at tinignan ang tinuturo niya. Ito ‘yung makalumang version ng maleta. Nasa ilalim iyon ng cabinet at napapatungan ng mga damit. Nagkatinginan kami ni Clara. Maybe Hermina has something inside that’s why she doesn’t want her best friend to know.Kinuha ko iyon at umupo sa kama. Sumunod si Clara sa akin.Pinigilan niya ang kamay ko nang bubuksan ko na. “Ayaw ni Hermina na ipakita ito sa akin. Hindi mo ito dapat basta-bastang binubuksan.”“Malay mo nandito ang sagot bakit ako nandito. Mag-sorry ka nalang sa kanya kapag bumalik na siya ulit.”Binuksan ko ito at mga vintage na pamaypay at isang belo lang ang naririto.“Ito lang?” angat ko sa mga pamaypay.Nagkibit-balikat si Clara. “Marahil ay napakahalaga ng mga iyan.”“Mahilig ba siya sa pamaypay?”Nag-isip siya. “Hindi ko matandaan ang kanyang hilig sa pamaypay. Dahil bago pa kami pumasok dito ay bibihira ko siyang makitaan ng pamaypay kahit pa’y galing siya sa masaganang pamilya.”“Gaano ba sila kayaman?”“Ang kanyang ina ay may katungkulan sa munisipyo at ang kanyang ama ay isang tanyag na mangangalakal at nagpapautang. Nakapagpatayo na rin ito ng gilingan ng tubo.”Wow, may factory sila. Mayaman nga!“Pero bakit nag-seserve dito si Hermina?” ngumuso ako. “Ayaw niya maging haciendera.”Kumurap ito. “Mahal na mahal kasi ni Hermina ang kanyang mga magulang. Nag-iisa siyang anak kaya gusto niyang pasayahin ang mga ito. Kahit kapalit ang kanyang sariling kaligayahan at kagustuhan sa buhay.”Kumunot ang noo ko. I love my parents but not to the point they can interfere with what I want in my life. They are always supportive and open to me. They believe in every decision I make.“Palagi ba nilang pinapakielamanan si Hermina?”“Sabihin na nating, ang mga ito ang nag-dedesisyon para sa iyo. Lahat ng galaw mo ay pupunahin at pag-iisipan nila. Lalo na ang iyong mama.”“Bakit?”“Napaka-istrikta ng seniora Adela. Minsan pa ay sinampal niya mismo sa aking tabi si Hermina dahil dumalo ito sa isang kaarawan ng aming kamag-aral.”“Hindi kayo nagpaalam?”Kinagat nito ang kanyang labi. “Hindi na namin idinulog dahil gagayak din kami agad. Ngunit hindi namin alam bakit nakarating agad ang balita dito. At hindi namin alam na magagalit ito.”Tumaas ang kilay ko. Subukan niya lang akong kontrolin at sampalin. Nanay ko nga hindi ako sinasaktan. Siya pa kaya!Pero nanay ko siya dito!Napapikit ako.“Sa katunayan nga ay hindi ako nito gusto bilang kaibigan ng kanyang anak.”“Pa’no mo nasabi?” intriga ko.“Kinausap ako nito noong nasa mababang baiting pa lamang kami ni Hermina. Sinabihan niya akong..”Napatigil ito at halos mapaiyak. Nagtakip ito ng mukha. Mukha talagang matapobre ang ina ni Hermina. Makalusot kaya ako bukas?“Kaya’t mag-iingat ka sa kanya. Baka ika’y madiskubre. Agad kang ipapapatay ng mga iyon.”“Patay talaga agad?” kumabog ang dibdib ko. Grabe naman!Tumingin ito sa akin at hinawakan ang aking kamay.“Ang lugar na ito ay puno ng hinagpis at hinanakit. Ang mga nag-aalsang puso ay pilit na pinapatahimik gamit ang bala na itinatanim sa kanilang mga lalamunan.”Nanlaki ang mata ko. Gusto ko ng umuwi! Matabil pa naman ang dila ko! Baka makatikim ako ng bala ng wala sa oras.“Basta’t maging natural at kalmado ka lamang bukas sa inyong tahanan. Katulad ng iyong sinabi hindi tayo pupwedeng mahuli. Dahil sabit na rin ako sa iyong problema.”Napangiti ako. “Salamat at naniwala ka ha. Kala ko hindi na ako makakakilala ng taong maniniwala sa akin.”“Hindi pa rin ako makapaniwala ngunit kabisado ko na ang bawat galaw ni Hermina. Kalahati siguro ng aming buhay ay kami na ang magkasama. Kaya’t kahit sa kanyang pagsasalita, alam kong may nagbago sa kanya ngayon.”Gusto ko sana siyang yakapin pero hindi ko na ginawa. Nagpalit kami ng pantulog na damit at agad akong nakatulog sa pagod sa buong araw.Excited kong iminulat ang aking mga mata. Baka sakaling bumalik na ako sa condo unit ko pero ang kisameng maalikabok pa rin ang bumungad sakin. Tumingin ako sa paligid.Ngayon ko lang napagmasdan ng buo ang kwarto dahil wala ako masyado sa ulirat kahapon. Wala kang makikitang hindi antique na muwebles dito. Ang napakalaking tukador ng aming damit ni Clara ay agaw pansin dahil sa glass door nito. Kitang-kita ang mga damit pang-madre doon. Antique furniture and the ambience itself shrunk my heart to the depth because none of the thing in this room has the touch of my home.Bumangon ako kasabay ng pagpasok ni Clara sa aming kwarto. Basa na ang kanyang buhok at mukhang alis na alis na siya.“Maaga ka rin palang nagigising.”“Bakit hindi mo ako ginising?”Pumunta ito sa aming malaking tukador at kumuha ng magandang filipiniana. Napatayo ako sa aking kama at inagaw sa kanya ang damit. Mangha ko itong tinignan.“Angas. I mean, nakakasuot naman na ako ng ganito sa mga awards night. Pero iba pala talaga pag hindi sewing machine ang gumawa.”“Anong sewing machine?” ngiti sa akin ni Clara.“Aparato para mas mapabilis ang pagtatahi ng damit.” sinukat ko ito sa aking katawan. “May ganito ba si Hermina?”Tumango-tango ito. “Napakaraming magagarang damit ni Hermina. Naririto ang lahat ng kanyang saya. Minsan niya nang ipinakita sa akin ang kanyang koleksyon.”“Ganito ba ang susuotin natin ngayon?”“Oo. Wala namang kinalaman sa simbahan ang ating pupuntahan.”“Oki!”Tatawa-tawa sa akin si Clara. “Iyong baro’t saya ang sa iyo. Bubulyawan tayo ng iyong ina kung itong simpleng saya lang ang isusuot mo.”“Sige!” energetic kong sabi.“Aray ko! Ayoko na nito. Ang init at ang sikip sikip!”Iyak ko makalipas ang ilang minuto. Naibuhol na ni Clara ang huling tali sa aking damit at halos hindi talaga ako makahinga sa ganitong patong-patong na suot. Apat na patong ng damit ang isinuot niya sa akin!“Ganito talaga ito. Kinaiinggitan ko nga itong mga baro’t saya mo.”“Talaga?”“Oo.” inayos nito ang belo sa aking balikat.“Eh bakit hindi mo hiramin ‘yung ganito ko? Para naman dalawa tayong mainitan.”Ngumiti ito. “Dahil hindi maaari. Kailan man ay hindi babagay sa akin ang ganito kagarang kasuotan.”“Bakit?”“Dahil hindi ako ilustrado na kagaya mo. Isa ang kasuotan na sumisimbolo sa katayuan sa buhay ng isang tao sa panahong ito.”“Sabagay.”Naisip ko ang Pilipinas sa hinaharap. Ganon pa rin. Isa ang damit kung paano ka matahin ng mga tao. Para bang nakikita nila kung may gold ka sa pitaka o wala.“Pero kahit na. Magsuot ka din nga ganito, Clara.”Umiling ito. “Hindi talaga maaari. Kung makaligtas man ako sa paningin ng iba. Sa paningin ng Donya Adela ay hindi.”Nalungkot ako sa narinig. She’s really traumatized of what Hermina’s mom said to her. Buti’t hindi ‘yon naging hadlang para maging magkaibigan pa rin sila.Nang matapos kami sa pag-aayos ay isang beses ko muling tinignan ang sarili sa salamin. I’m still in awe and disbelief everything happened since yesterday. I am scared but, I think I need to face my reality.And now, my reality is our past.“Anong ginagawa ninyo dito?”Masungit agad ang bungad sa amin ng mama ni Hermina nang pagbuksan kami nito ng pinto. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa saka tumaas ang kilay. Tanghali na rin nang makarating kami. Hindi masakit sa balat kahit tirik ang araw pero init na init ako sa damit ko! Maeeskandalo talaga silang lahat kung ipakita ko ang hubadera side ko.“N-nais po sana kayong bisitahin ni Hermina, senyora.”“Na walang abiso? Nagsabi ka ba sa inyong superiora. Hermina?”Tumango ako. “Nagsabi po kami.”Huminga ito ng malalim. “Siya. Tayo na sa itaas.”Sa labas palang ng bahay ay sumisigaw na ng karangyaan kaya’t nag-expect na ako na magiging maganda ang loob. Pero namangha pa rin ako sa makitang mga kagamitan.I’ve been in a penthouse with complete appliances and equipment, but seeing a house from 1895 is so amusing. The intricate design of their wall passionately compliments the vibe of the house. Power and wealth can be seen and felt in every corner.Habang paakyat ay agaw
Sa isang malaking bahay tumigil ang aming karwahe. Napatingala ako sa tugtog na classic na nanggagaling sa second floor.Bumaba kaming tatlo. Si Clara ay inihatid muna namin bago kami dumiretso dito. Gandang-ganda siya but at the same time ay sayang na sayang din dahil nag-madre ako.“Noon pa man ay talagang napakaganda mo na. Bakit kasi hindi mo nalang pinag-isipang mabuti ang iyong desisyon. Kahit sinong binata ay mahuhumaling sa iyo.” nakangusong sabi niya sa akin.Binati kami ng mga sa palagay ko’y katulong ng bahay na ito at pinatuloy sa unang palapag. Sa first floor ay napakarami ng bisita, may kanya-kanya na silang hawak na wine. Halos malaglag ang panga ko sa mangha dahil lahat sila ay talagang naka-barong tagalog at baro’t saya. Kitang-kita ang pino ng bawat detalye sa kanilang mga suot.Nagliliwanag ang malaking chandelier sa gitna. Ang kaliwa’t kanang paintings ay animo exhibit sa dami ng mga tumitingin dito. Ang engradeng hagdan ay binihisan ng pula at puting tela paikot.
Muling tumugtog ang pang klasikal na musika sa buong kabahayan na naputol dahil sa komosyon kanina. Bumalik na din sa pagkukwentuhan ang mga tao. Pero iba na ang nagseserve ng mga inumin at pagkain.I need to talk to him.Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na yata siya makikita. Pero nasaan ba ang kusina dito?“Mga kababayan,” masayang tawag ni Don Palermo sa mga bisita habang pinapatunog ang baso gamit ang kutsara.Naglapitan kaming lahat dahil halata namang may sasabihin siya. I’m not interested but Donya Adela pulled me in. Tumabi kami kay Don Palermo na ikinagulat ko. May iilan pang kalalakihan na tumabi sa amin. Ngumiti sa akin si Donya Esther nang tumabi siya mismo sa akin. Ikinalawit niya ang kamay sa braso ng katabing lalaki.Pagak akong ngumiti.“Nais kong ibahagi sa inyo ang dahilan ng pagtitipon na ito.”Nagsimulang muli ang bulungan. Nalingon ko ang ilang mga naka-unipormeng tao sa likuran namin. Sa tingin ko, ito na ‘yung tinatawag nilang gobernadorcillo at mga prin
Seriously? May kapatid si Hermina? Akala ko only child lang siya kaya medyo baliw ang nanay niya.“Sino pong kapatid?”Kunot noo itong tumingin sa akin. Ngunit tumango din kalaunan.“Naiintindihan kong masyado ka pang bata noon upang maalala.” ngumiti ito sa kawalan. “Si Malaya.”Tumahimik lang ako para pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin.“Ilang beses ko na itong na-istorya sa iyo, ngunit hindi pa rin nawawaglit ang bawat detalye sa aking isipan.”Ngumiti ako sa kanya. “Ikuwento niyo po ulit. Hindi rin naman po akong nagsasawang pakinggan.”Tumingin ito sa akin ng may malalambot na ekspresyon.“Inampon namin ang iyong ate Malaya sa isang malayong pamilya ng iyong ina. Dahil akala namin ay hindi na kami mabibiyayaan ng supling. Halos walong taon na rin kaming kasal at nagsasama noon kaya’t bigong-bigo kami na ang tagal kaming bigyan ng anak.”“Tatlong taon palang si Malaya noong mapunta siya sa amin ng iyong mama. Todo ang aming alaga at pagbabantay sa kanya. Hanggang sa mga sa
What the fuck happened to me?!Nagsara ang kurtina at para akong natauhan. Nilingon ko ang paligid at nakita ko ang tingin sakin ng lahat. As in!“Senyorita!”Tumikhim ako at yumuko. Hinayaan kong kuhanin ako ni Lagring. Nagpaumanhin siya sa mga nahawi kong tao. Gusto kong pukpukin ang ulo ko! Am I dumb?“Pasensiya na po.” nakatungong hingi ko ng tawad sa mga tao.Dinig ko ang pagbubulungan ng ilang mga dalaga sa paligid kaya tignan ko sila isa-isa. Nagtatakip naman sila ng mga pamaypay pag nadadaanan sila ng tingin ko.“Anong nangyari, senyorita?”Nasa pinaka gilid na kami at kanya-kanyang business na ulit ang mga tao. Mariin akong pumikit at pekeng ngumiti kay Lagring.“N-nadala lang ako. Ang galing kasi nila e.”Ngumiti ito at malambing na tumingin sa stage na ngayon ay may ibang mga karakter na sa taas.“Naku! Talagang napakahusay ng grupo na iyan. Sila palagi ang nagtatanghal tuwing pyesta. Di ka naman kasi mahilig manuod ng ganito noon, senyorita. Kaya siguro’y namangha ka.”Tum
“Sa sabado na ang iyong alis, Hermina?”Tumango ako at tinusok ang suman na nasa harap ko. It’s breakfast at nasanay na rin akong kumain ng mga ganito. Masarap naman pala sila. Lalo na kapag authentic ang pagkakagawa.Lumipas ang tatlong araw simula noong sa plaza. Sa sabado ay nagpadala ng liham ang superiora at kailangan ko na raw bumalik sa simbahan. Pwede bang magresign na? I really can’t do this. Hindi naman ako matutulungan ng pagiging madre ko para makaalis dito. Si Crisanto ang kailangan ko para makabalik na ako sa sariling buhay ko.Tumingin ako sa mga magulang ko sa harapan. Ang Don ay nagbabasa ng dyaryo habang ang Donya ay patingin-tingin sa akin habang umiinom ng tsaa.“Aalis na ako sa pag-mamadre, mama.”Pareho silang napatigil. Tinarayan agad ako ng Donya.“At sa tingin mo ay papayag ako?” kalmado nitong sabi.“Buo na ang pasya ko, mama.”“Wala kang magagawa, Hermina. Ako ang magdedesisyon para sa’yo.”“Adela..” pigil ng aking ama.My lips form into a thin line. “I don’
“Saan ba talaga ang tungo natin, senyorita?”Huminga ako ng malalim at mas lalong tumitig sa malaking salamin sa aking harapan habang hinihigpitan ni Lagring ang mga tali sa likod ng aking damit.“May kilala ka bang Sanding?”Kita kong napatigil ito at kumunot ang noo. “Sanding, senyorita?”“Oo. Hindi ko alam ang apelyido niya eh. Pero pinsan siya ni Crisanto.”Napatingin ito sa akin. “Magkaibigan ba kayo ni Crisanto, senyorita?”“Bakit?”Nakibit-balikat ito at muling bumalik sa ginagawa. “Kasi nag-uusap kayo noong nanuod tayo sa kanilang pagtatanghal at ngayon ay kilala mo ang kanyang pinsan.”“May itatanong lang ako.”“Ano iyon, senyorita?”Tumaas ang gilid ng aking labi sa kanyang ka-chismosahan. “Marites ka din pala.”“Lagring ang aking ngalan, senyorita?” patanong pa nitong sagot.Umiling nalang ako at humarap sa kanya. “Ano? Kilala mo ba siya at kung saan siya nakatira?”“Hindi, senyorita.” titig nito sa akin. “Ngunit pupwede tayong pumunta kay Crisanto upang itanong sa kanya.”
“Paano mo siya nakilala?”“Kaibigan ko. Nakalimutan ko nalang ang bahay niya noong umalis ako rito.”Kumamot ito sa ulo. “Magkaibigan pala kayo.”Ngumiti si Trinidad sa akin. “Wala atang naikukwento si Sanding sa atin,” siko nito kay Crisanto.Anong sinisiko-siko mo dyan! Nakikisabat di naman kasali. Naku! Vinta, napaka-bitchesa mo. Wala namang ginagawang masama ‘yung tao!“Sasamahan ko na kayo.”“Kasama ko na si Lagring. Kaya sabihin mo nalang sa amin ang lugar.”Napatitig silang tatlo sa akin and I realized na medyo harsh ‘yung tono ko. I cleared my throat and smiled shyly.“I mean, ayoko ng makaabala sa ginagawa niyo.”Tuluyang ibinaba ni Crisanto ang hawak na panungkit.“Tapos na rin kami. Ihahatid ko nalang muna si Trinidad sa kanilang tahanan pagkatapos ay tutulak na tayo.”“H-hindi ba ako p-pwedeng sumama?” mahinang sabi ni Trinidad.“Naging mahaba na ang ating araw. Magpahinga ka na lamang muna. Sandali lang siguro kami roon.”“Pwede naman kasing kami nalang ni Lagring.”I can
I was absentmindedly serving soup for the kids when Clara bumped my shoulder.“Ano at natulala ka diyan, Hermina. Naghihintay ang paslit sa iyong salok.” nangingiti nitong nguso sa batang nag-aabang sa soup na ilalagay ko sa kanyang bowl.“Paumanhin, bata.” ngiti ko“Salamat po, madre.” ngiti rin nito pabalik.Huminga ako ng malalim at sinalukan din ang sumunod na bata. Nandito kami sa panibagong bahay-ampunan na aming sinisilbihan.Mas malawak at mas marami ang mga batang tinutulungan namin kaysa sa bahay-ampunan noon nila Crisanto.Crisanto.I sighed again. Noong araw na iyon na nag-breakdown ako sa kanya, hindi na ako nagsalita after kong pilit tanggapin na wala talagang sulat. Nag-sorry pa ako sa kanya pagkatapos ay niyaya ko na si Lagring na umuwi dahil mag-gagabi na rin at hindi kami pwedeng abutin ng dilim sa daan sabi ng Donya.Pero masamang-masama ang loob ko. Umiyak ako buong gabi. Kinukwestyon kung anong ginagawa ko rito at bakit grabeng paglalaro ang ginagawa sa akin. Wala
“Paano mo siya nakilala?”“Kaibigan ko. Nakalimutan ko nalang ang bahay niya noong umalis ako rito.”Kumamot ito sa ulo. “Magkaibigan pala kayo.”Ngumiti si Trinidad sa akin. “Wala atang naikukwento si Sanding sa atin,” siko nito kay Crisanto.Anong sinisiko-siko mo dyan! Nakikisabat di naman kasali. Naku! Vinta, napaka-bitchesa mo. Wala namang ginagawang masama ‘yung tao!“Sasamahan ko na kayo.”“Kasama ko na si Lagring. Kaya sabihin mo nalang sa amin ang lugar.”Napatitig silang tatlo sa akin and I realized na medyo harsh ‘yung tono ko. I cleared my throat and smiled shyly.“I mean, ayoko ng makaabala sa ginagawa niyo.”Tuluyang ibinaba ni Crisanto ang hawak na panungkit.“Tapos na rin kami. Ihahatid ko nalang muna si Trinidad sa kanilang tahanan pagkatapos ay tutulak na tayo.”“H-hindi ba ako p-pwedeng sumama?” mahinang sabi ni Trinidad.“Naging mahaba na ang ating araw. Magpahinga ka na lamang muna. Sandali lang siguro kami roon.”“Pwede naman kasing kami nalang ni Lagring.”I can
“Saan ba talaga ang tungo natin, senyorita?”Huminga ako ng malalim at mas lalong tumitig sa malaking salamin sa aking harapan habang hinihigpitan ni Lagring ang mga tali sa likod ng aking damit.“May kilala ka bang Sanding?”Kita kong napatigil ito at kumunot ang noo. “Sanding, senyorita?”“Oo. Hindi ko alam ang apelyido niya eh. Pero pinsan siya ni Crisanto.”Napatingin ito sa akin. “Magkaibigan ba kayo ni Crisanto, senyorita?”“Bakit?”Nakibit-balikat ito at muling bumalik sa ginagawa. “Kasi nag-uusap kayo noong nanuod tayo sa kanilang pagtatanghal at ngayon ay kilala mo ang kanyang pinsan.”“May itatanong lang ako.”“Ano iyon, senyorita?”Tumaas ang gilid ng aking labi sa kanyang ka-chismosahan. “Marites ka din pala.”“Lagring ang aking ngalan, senyorita?” patanong pa nitong sagot.Umiling nalang ako at humarap sa kanya. “Ano? Kilala mo ba siya at kung saan siya nakatira?”“Hindi, senyorita.” titig nito sa akin. “Ngunit pupwede tayong pumunta kay Crisanto upang itanong sa kanya.”
“Sa sabado na ang iyong alis, Hermina?”Tumango ako at tinusok ang suman na nasa harap ko. It’s breakfast at nasanay na rin akong kumain ng mga ganito. Masarap naman pala sila. Lalo na kapag authentic ang pagkakagawa.Lumipas ang tatlong araw simula noong sa plaza. Sa sabado ay nagpadala ng liham ang superiora at kailangan ko na raw bumalik sa simbahan. Pwede bang magresign na? I really can’t do this. Hindi naman ako matutulungan ng pagiging madre ko para makaalis dito. Si Crisanto ang kailangan ko para makabalik na ako sa sariling buhay ko.Tumingin ako sa mga magulang ko sa harapan. Ang Don ay nagbabasa ng dyaryo habang ang Donya ay patingin-tingin sa akin habang umiinom ng tsaa.“Aalis na ako sa pag-mamadre, mama.”Pareho silang napatigil. Tinarayan agad ako ng Donya.“At sa tingin mo ay papayag ako?” kalmado nitong sabi.“Buo na ang pasya ko, mama.”“Wala kang magagawa, Hermina. Ako ang magdedesisyon para sa’yo.”“Adela..” pigil ng aking ama.My lips form into a thin line. “I don’
What the fuck happened to me?!Nagsara ang kurtina at para akong natauhan. Nilingon ko ang paligid at nakita ko ang tingin sakin ng lahat. As in!“Senyorita!”Tumikhim ako at yumuko. Hinayaan kong kuhanin ako ni Lagring. Nagpaumanhin siya sa mga nahawi kong tao. Gusto kong pukpukin ang ulo ko! Am I dumb?“Pasensiya na po.” nakatungong hingi ko ng tawad sa mga tao.Dinig ko ang pagbubulungan ng ilang mga dalaga sa paligid kaya tignan ko sila isa-isa. Nagtatakip naman sila ng mga pamaypay pag nadadaanan sila ng tingin ko.“Anong nangyari, senyorita?”Nasa pinaka gilid na kami at kanya-kanyang business na ulit ang mga tao. Mariin akong pumikit at pekeng ngumiti kay Lagring.“N-nadala lang ako. Ang galing kasi nila e.”Ngumiti ito at malambing na tumingin sa stage na ngayon ay may ibang mga karakter na sa taas.“Naku! Talagang napakahusay ng grupo na iyan. Sila palagi ang nagtatanghal tuwing pyesta. Di ka naman kasi mahilig manuod ng ganito noon, senyorita. Kaya siguro’y namangha ka.”Tum
Seriously? May kapatid si Hermina? Akala ko only child lang siya kaya medyo baliw ang nanay niya.“Sino pong kapatid?”Kunot noo itong tumingin sa akin. Ngunit tumango din kalaunan.“Naiintindihan kong masyado ka pang bata noon upang maalala.” ngumiti ito sa kawalan. “Si Malaya.”Tumahimik lang ako para pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin.“Ilang beses ko na itong na-istorya sa iyo, ngunit hindi pa rin nawawaglit ang bawat detalye sa aking isipan.”Ngumiti ako sa kanya. “Ikuwento niyo po ulit. Hindi rin naman po akong nagsasawang pakinggan.”Tumingin ito sa akin ng may malalambot na ekspresyon.“Inampon namin ang iyong ate Malaya sa isang malayong pamilya ng iyong ina. Dahil akala namin ay hindi na kami mabibiyayaan ng supling. Halos walong taon na rin kaming kasal at nagsasama noon kaya’t bigong-bigo kami na ang tagal kaming bigyan ng anak.”“Tatlong taon palang si Malaya noong mapunta siya sa amin ng iyong mama. Todo ang aming alaga at pagbabantay sa kanya. Hanggang sa mga sa
Muling tumugtog ang pang klasikal na musika sa buong kabahayan na naputol dahil sa komosyon kanina. Bumalik na din sa pagkukwentuhan ang mga tao. Pero iba na ang nagseserve ng mga inumin at pagkain.I need to talk to him.Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na yata siya makikita. Pero nasaan ba ang kusina dito?“Mga kababayan,” masayang tawag ni Don Palermo sa mga bisita habang pinapatunog ang baso gamit ang kutsara.Naglapitan kaming lahat dahil halata namang may sasabihin siya. I’m not interested but Donya Adela pulled me in. Tumabi kami kay Don Palermo na ikinagulat ko. May iilan pang kalalakihan na tumabi sa amin. Ngumiti sa akin si Donya Esther nang tumabi siya mismo sa akin. Ikinalawit niya ang kamay sa braso ng katabing lalaki.Pagak akong ngumiti.“Nais kong ibahagi sa inyo ang dahilan ng pagtitipon na ito.”Nagsimulang muli ang bulungan. Nalingon ko ang ilang mga naka-unipormeng tao sa likuran namin. Sa tingin ko, ito na ‘yung tinatawag nilang gobernadorcillo at mga prin
Sa isang malaking bahay tumigil ang aming karwahe. Napatingala ako sa tugtog na classic na nanggagaling sa second floor.Bumaba kaming tatlo. Si Clara ay inihatid muna namin bago kami dumiretso dito. Gandang-ganda siya but at the same time ay sayang na sayang din dahil nag-madre ako.“Noon pa man ay talagang napakaganda mo na. Bakit kasi hindi mo nalang pinag-isipang mabuti ang iyong desisyon. Kahit sinong binata ay mahuhumaling sa iyo.” nakangusong sabi niya sa akin.Binati kami ng mga sa palagay ko’y katulong ng bahay na ito at pinatuloy sa unang palapag. Sa first floor ay napakarami ng bisita, may kanya-kanya na silang hawak na wine. Halos malaglag ang panga ko sa mangha dahil lahat sila ay talagang naka-barong tagalog at baro’t saya. Kitang-kita ang pino ng bawat detalye sa kanilang mga suot.Nagliliwanag ang malaking chandelier sa gitna. Ang kaliwa’t kanang paintings ay animo exhibit sa dami ng mga tumitingin dito. Ang engradeng hagdan ay binihisan ng pula at puting tela paikot.
“Anong ginagawa ninyo dito?”Masungit agad ang bungad sa amin ng mama ni Hermina nang pagbuksan kami nito ng pinto. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa saka tumaas ang kilay. Tanghali na rin nang makarating kami. Hindi masakit sa balat kahit tirik ang araw pero init na init ako sa damit ko! Maeeskandalo talaga silang lahat kung ipakita ko ang hubadera side ko.“N-nais po sana kayong bisitahin ni Hermina, senyora.”“Na walang abiso? Nagsabi ka ba sa inyong superiora. Hermina?”Tumango ako. “Nagsabi po kami.”Huminga ito ng malalim. “Siya. Tayo na sa itaas.”Sa labas palang ng bahay ay sumisigaw na ng karangyaan kaya’t nag-expect na ako na magiging maganda ang loob. Pero namangha pa rin ako sa makitang mga kagamitan.I’ve been in a penthouse with complete appliances and equipment, but seeing a house from 1895 is so amusing. The intricate design of their wall passionately compliments the vibe of the house. Power and wealth can be seen and felt in every corner.Habang paakyat ay agaw