Tinitigan ko ng masama ang PA na nagpapaypay sa akin. Inirapan ko siya.
"Ano 'yan buong shoot walang aircon?!" irita kong parinig sa mga tao doon.Nakita kong nagtinginan sila sa banda namin at nagbulungan. Muli akong umirap."Saglit nalang daw po, Ms. Vinta. Maaayos na daw po.""Aayusin kung kailan andidito na ko. Palibhasa baguhan 'yang EP niyo!"Tumayo ako at inis na lumakad papunta sa kotse ko."Damn it!" usal ko sabay sindi sa sigarilyong hawak. "Ano bang klaseng producer 'to! Ayaw alagaan 'yung big star niya!"Binuga ko ang usok sabay hithit ulit at buga ulit. Nakaka-init ng ulo! Ang sukal sukal na nga nitong pinag shoo-shootingan namin tapos hindi agad gagawin ang ac sa tent ko! The great Vinta Serrano was being mistreated in her own tv series!Nag-scroll ako sa cellphone para i-dial ang numero ni Romer, ang wardrobe/stylist ko. Na-stuck pa sila ng team ko sa EDSA kaya itong mga baguhan pa yata ang kasama ko ngayon!Ilang dial ay sinagot na niya ako."Where the fuck are you?!""My goodness, V, wala ka pang ilang oras diyan ang init na ng ulo mo!""Paanong hindi. Sira yung ac sa tent ko. Kung kailan ako nakarating doon palang ginawa!""Baka hindi nila alam.""They should check everything before call time. Ano ba ito? Mga baguhan?" bumuga muli ako ng usok. "Sino bang producer dito?! Did they even know me?"He sighed. "You were the last choice! But tita Janice pulled some strings para maibigay ito sa'yo! 'Wag kang pa-disney princess dyan!"Umirap ako. "I have the right! I am the lead!""Hindi ka na gano'n kalakas, V."Pinatay ko ang tawag at halos ibato ang cellphone sa narinig kay Romer. Ang impaktang baklitang 'yon! Sarap ipakain sa pirana ang bibig!No.I am still in my prime. The lime light is still shining on me. Lagpas pa rin sa 100k ang likes ko sa i*******m at twitter. Kaya anong pinagsasabi ng baklang 'yon na hindi ako malakas. Nasa tuktok pa rin ako!I will show them what I've got. They'll see.Tinapon ko ang sigarilyo at babalik na sana sa site ngunit pagharap ko ay nakatayo sa aking likuran ang lalaking minsan ko nang isinumpa."Anong ginagawa mo dito?"Lander sighed. He crossed his arms that made his sleeve stretch. Lumaki talaga ang kanyang katawan kumpara noon na sakto lang."I thought you quitted smoking.""None of your damn business." asik ko."Watch your mouth, lady."Ngumisi ako at tinagilid ang ulo. Lumapit ako ng kaunti sa kanya."I said, none of your fucking business, mister."Umigting ang kanyang panga at kunot noong tumingin sa akin."You should behave yourself, you know.""As if may pakielam ako sa kung anong tingin mo sa behavior ko.""I am the executive producer here."Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. My ex is a producer now? So, damn great.Baguhan palang kami sa industriya noon. Our friendship was built because we were both in the same agency before. Madalas kaming magkita kapag may mga acting sessions, singing, dancing and other stuff. Kumbaga nag-train talaga kami para maging artista. Then our so called "feelings" developed.Kaso, I felt betrayed kasi I was always been in the top of the class pero siya ang unang nagka-project.Nakipag-break ako sa kanya after that. After a year, nagkaroon na din ako. Mga commercial muna then extras, then supports, until given ng mga lead roles.Kaya pala hindi ko na siya nakita sa tv. Nag-change career na siya. Nag-aral kaya siya? Of course! Hindi naman siya magiging producer kung hindi. Goodness, Vinta!Natawa ako. "Right. Siyempre ikaw. Hindi ka marunong mag-alaga ng artista mo eh.""Your ac is fixed."Tinignan ko ang site at tumingin muli sa kanya. "Too late. Alam ko na paano ka mag-handle ng talents."He sighed. "What's your point?"Umirap ako at nagsimulang maglakad para iwan siya. Nalanghap ko agad ang pabango niyang hindi niya pinapalitan simula noon. Ganyan ang gusto kong amoy niya. Fresh fresh lang. Parang baby.Nilingon ko siya. Nakatingin na siya sa akin. "My point is, I'll give you the ratings that exceed your expectation."Naglakad na ako palayo ngunit agad napahinto dahil may nakita akong babaeng nakatayo sa aking kanan. Nakatingin siya sa akin.Madumi ang kanyang puting saya at naka-paa. Magulo rin ang buhok at basa.Nag-shoshoot na ba?"Anong eksena mo diyan, miss?"Hindi ito sumagot. Nagulat ako nang bigla itong tumakbo palayo."Crazy." bulong ko.Napalingon ako sa likod nito at nakita ang isang lalaki na sumusunod sa kanya. Duguan ang likod nito ngunit tumatakbo pa rin habang lumilingon-lingon sa kanilang likuran.Kumunot ang noo ko.Tinitignan ko pa siyang tumatakbo nang marinig ko ang isang sigaw."Detenèr!"Isang nakadamit pang sundalo ang humahabol sa babae at lalaki. Nakatutok sa dalawa ang hawak na baril.Shit? Nagshoshoot na sila?! Bakit hindi ako tinawag!"Hey!" tawag pansin ko sa kanila. Nagsimula talaga sila nang wala ako?!Nang biglang may sunod-sunod na pumutok at nakita kong gumulong sa paibabang parte ng gubat ang dalawa. Kitang-kita ko kung paanong tamaan ng mga bala ang katawan ng lalaki."Shit! Totoo ba 'yon?" bulong ko sa sarili dahil kinilabutan ako sa dugong tumagas sa lalaki. "Grabe naman 'tong mga stunt man na 'to!""V? Who's you're talking to?" dinig ko si Lander na papalapit sa akin.Lakad-takbo ako papunta sa pinag-gulungan ng dalawa. Titignan ko lang dahil na-intriga talaga ako sa eksena. Hindi ko naman pipigilan dahil baka pagalitan ako ni direk."Vinta!"Tuluyan akong nakarating sa tuktok ng matarik na pababang lupang iyon. I saw the woman hugging the boy while crying.Mukhang tatalbugan pa ako nito ha! Sino ba itong extra na 'to?! Palayasin ko kaya ito?Nagulat ako ng tumingin ito sa akin habang basang-basa ng luha ang kanyang mukha. Kumuha siya ng patalim at sinugatan ang sariling kamay"'Wag!" sigaw ko.Gumuhit ang kidlat at bumuhos ang ulan.Biglang nanghina ang aking katawan kaya hindi ko namalayang nahulog na din ako. Narinig ko pa ang boses ni Lander pero ang walang kapares na sakit ng katawan at dibdib ko ay hindi ko na kinaya.I vividly saw Lander calling for help and reaching for me. Para akong mamamatay sa sakit na nararamdaman ko. Pain crept to my system as if I endured it a very long time. Ayaw ko man ay kusang pumipikit ang mga mata ko. Parang pagod na pagod ako.But before I loose my consciousness fully, I heard."Sa ika-isangdaan at dalawampu't walong taon na pagtatakip ng mundo sa araw at buwan ay muling magpapakita ang ating nakaraan at magsisimulang muli ang panibagong yugto ng ating pagmamahalan. Nawa'y dumating ka, Crisanto. Pangako, aking mahal. Hihintayin kita kung saan tayo nagsimula."Nagising ako sa kalog ng kung anumang sasakyan ang sinasakyan ko. Maybe they brought me to the hospital and..What the sheesh?!Dinoble doble ko ang kurap ng aking mata para makasigurong kalesa nga ang sinasakyan ko."Gising ka na pala."Napatingin ako sa tabi ko at nakita ang isang madre na nakangiti sa akin. Mukhang bata pa ito, siguro kaedaran ko lang."Sino ka?"Kumunot ang noo nito. "Anong sinasabi mo." tumawa ito.Tumingin ako sa paligid. Ang kabog ng dibdib ko ay patindi ng patindi. The town was so vintage. Like, I'm in Vigan. Lumipat ba kami?Pati ang mga kasuotan ng mga taong nakakasalubong namin ay makaluma. Tumingin ako sa aking suot."The heck!"I was wearing the same clothes of this sister beside me. Hinawakan ko ang ulo at meron talaga akong veil. Bakit nakapang madre ako? Hindi ito ang role ko!"Hermina." hinawakan ako ni sister sa kamay. "Tila ikaw ay gulat na gulat?"Hindi ako nakapagsalita. Sigurado akong iritadong-iritado ang expression na binibigay ko sa kanya.Hermina? Sinong Hermina pinagsasabi nito. Muli akong tumingin sa paligid, hinahanap si direk. Where's the "cut". I need it now!"Narito na tayo."Muli niyang naagaw ang pansin ko nang magsalita siya. Nauna siyang bumaba sa kalesang sinasakyan namin. My gosh, di pa rin ako makapaniwalang nakasakay ako sa kalesa."Nasa wow mali ba tayo?" tanong ko sa madre.Napatingin din ang nagddrive ng kalesa sa akin."Nasa casa na tayo. Bumaba ka na riyan." ngiti nito at may pailing-iling pa."Anong casa?" gulong-gulo kong sabi. "Nagchange of place ba tayo?Kunot noo sila ng driver tumingin sa akin."Che- ano iyon? Ingles ba ang iyong tinuran?"Umawang ang labi ko at halos maiyak. Muli akong nagtingin-tingin sa paligid."Tangina, kaninong vlog ba 'to? Ako talaga napili niyong i-prank?!"Napatakip ng bibig ang madre at mabilis na tinakpan ang aking bibig."Patawarin ka! Bakit ka nagsasabi ng masamang salita, Hermina!""Anong Hermina ba? Hindi ako si Hermina!"Gulong-gulo ang dalawang tumingin sa akin. Aba! Ako din, hindi lang kayo!Tumawa ang madre. "Hay nako. Isa na naman siguro ito sa iyong taktika upang hindi sumama. Bumaba na tayo upang makaalis na ang kutsero."Hinawakan nito ang kamay ko at hinila palabas. Muntik pa akong sumabit dahil sa haba ng suot ko."Ngunit wala ka nang magagawa dahil narito na tayo, Hermina."Pumiglas ako kaya napatigil din siya. Tinignan ko ang arko ng gate na papasukan namin."Casa Sagrado"Ang abo nitong kulay ay napupuno na ng mga kalawang. Maraming puno sa loob ng building na 'to. Mukhang ampunan dahil nagkalat ang mga bata at madre sa malawak nitong bakuran."Tayo na." muling tawag ng babae.Umiling ako at tumakbo ng mabilis. Tinawag niya pa ako pero hindi na ko lumingon. Bawat taong madaanan ko ay panay ang tingin sa akin na para bang isa akong baliw na tumatakas."Shit! Nasaan ba ako?!"Kinapa ko ang damit ngunit hindi ko mahanap ang cellphone sa katawan."Nanakawan ba ako?! Ano ba 'to. Humanda sakin ang gumawa ng prank na 'to!"Patuloy kong kinakapa ang katawan ngunit natigil ako nang makabangga ng isang lalaki. Agad siyang dumalo sa akin dahil ako lang naman ang tumalsik sa banggaan namin."Ano ba?!" singhal koNatataranta ako nitong tinitignan. Ayaw akong tulungan makatayo. Lumuhod lang siya sa harapan ko."Naku, pasensya na kayo, madre. Hindi ko po kayo namalayan sa aking likuran. Ipagpaumanhin mo, madre."Lalong nag-ngitngit ang kaloob-looban ko. "Hindi ako madre!"Kumunot ang noo nito. "Ano po?"Tinulak ko ang balikat niya bago tumayo. Pinagpag ko ang mga kamay."'Wag mo nga akong pino-po! Mukha namang mas matanda ka sakin 'no? Kapal muks mo naman, kuya."Ang gitla sa noo nito ay lalong lumalim."K-kapal muks?"Gigil ko siyang pinandilatan. "Oo, ang kapal ng mukha mo!"Tinalikuran ko na siya na nagugulat sa akin."Hermina!"Napatigil ako at napatingin ulit sa likuran ko. Nakita ko ang isang matandang lalaki na parang galit at papalapit sa akin. Naka three piece suit ito kahit tirik na tirik ang araw.Ganap na ganap si kuya ha."Hermina!" tawag nitong muli sa pangalang itinawag ng batang madre sakin kanina."Can you stop-"Di ko na natapos dahil hinila ako nito sa gilid ng daan."Bakit ka tumakas sa iyong tungkulin?! Akala mo ba ay hindi ko malalaman?""Ano ho bang sinasabi niyo?"Binitiwan ako nito at tinignan mula paa hanggang ulo. "Tumawag sakin ang superiora mo, nakakahiya ang iyong ginawa, anak."Napahawak ako sa aking noo at hirap na hirap na sa sitwasyon ko. Nakita ko ulit sa likod yung lalaking nakabangga ko kanina. Nakatingin sa akin. Nakiki-chismis pa ang mokong!Inirapan ko siya kaya nag-iwas siya ng tingin.Bumaling ako sa matandang lalaking kausap. "Manong, ano ho bang tubig nilalaklak niyo dito? Samin po kasi mineral. Pakisabi sa boss niyo, tigilan niyo na 'to, dahil hindi na ho ako natutuwa!""Aba't!""I can sue you all because you dragged me here without my permission!"Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin."Ipapatanggal ko rin ang youtube channel niyo!"Tumagilid ang ulo nito. "You-? Paano ka natuto ng ingles? Alam kong ingles ang tinuran mo, Hermina!"Di ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Can you stop? Naki-creepy-han na ako, manong! Nasaan ho ba ako?"Tila napipigtas ko ang pasensya nito. Pero hindi ako doon natakot, dahil sa aking harapan.Nakita kong muli ang babaeng nakita ko bago ako mahulog at mawalan ng malay.Mabilis ko itong sinugod. Nakatingin lang ito sa akin kaya hindi na siya makakawala pa.Habang papalapit ako sa kanya ay bumagal ang lahat. Wala akong marinig sa paligid. Parang kaming dalawa lang ang tao."Sino ka? Anong ginawa mo sakin?"Huminga ito ng malalim at umikot ng isang beses. Kumabog ang dibdib ko nang magpalit siya ng costume. Ang puting saya niya na puro dugo ay napalitan ng suot na katulad sa akin. Kinilabutan din ako nang makita siya sa malapitan.Magkamukha kami!Mas kayumanggi nga lang ang kulay niya at may maliit na nunal siya sa ilalim ng kanyang mata."Ako ay ikaw. Ikaw ay ako. Ang ating tadhana ay nagsimula nang ikaw ay iniluwal. Ikaw ang itinakdang magpatuloy sa aking naiwang pangako.""What? Besides bakit ka mangangako kung hindi mo naman pala kayang tuparin! Naghanap ka pa talaga ng madadamay!""Wala na akong oras. Ang buhay mo ay nakadepende sa buhay ko. Itama mo ang lahat ng pagkakamali. Palisin ang lahat ng pighati."Hey, miss. I'm not here to joke around.
He was indeed a beautiful man. Gustong-gusto ko ang kulay nito. He can surpass any male models I know.Kaya di ko masisi si mother Hermina kung liliko siya sa kanyang paniniwala.Ibig sabihin ay tapos na ako dito? Very basic, huh."Ikaw si Crisanto?"Tumango ito, namamangha. "Kilala po ninyo ako?""Oo." mayabang kong sabi. Tumango-tango lang ito. "sige po. Ako po ay lilisan na. May inu-uutos po pa sa akin."Huh? Di ba niya ako yayayain mag-date? Ang sabi ni Hermina ay kailangan naming maipagpatuloy ang lovestory nila. So, dapat yayayain niya ako diba."Hindi ba tayo magde-date?"Tinignan ako nito ng hindi makapaniwala. "Madre?""May gusto ka sakin diba?" ngumisi ako. "Ayain mo na ako mag-date." Nag-sign of the cross ito at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Lumapit siya nang kaunti sakin ngunit sapat pa rin ang distansya. Tumingin ito sa labas, sa mga batang naglalaro. "Baka ho may makarinig sa inyo at seryosohin ang inyong itinuturan." Lumapit ako sa kanya para sana bumulon
Napatakip si Clara sa kanyang bibig nang marinig ang pasabog ko. "Hermina! Teka, Vinta? Anong sinabi mo? Anong pag-iibigan? Kay Crisanto?!" tila naeeskandalo niyang sabi. Tumango ako. "Bongga ng friendship mo diba." "Anong friendship?" "Kaibigan." Huminga ito nang malalim. "Matalik na kaibigan. Si Hermina ay ang aking nag iisang matalik na kaibigan." "Kaya kailangan ko ng tulong mo. Maawa ka sa akin. Hindi ako dapat magtagal dito." "Saan ka ba nakatira?" Umiling ako. "Kahit sabihin ko sa'yo. Hindi natin matutunton 'yun. Sigurado akong hindi pa 'yon naipapatayo." Nagtakip siya ng mukha at tumahimik. Nagdadalawang isip pa siya kung maniniwala sa akin o hindi pero nararamdaman kong pagkakatiwalaan niya ang sinasabi ko. Kinagat niya ang labi. “Anong tulong ba ang kailangan mo?” Nabuhayan ako. “Talaga?” Tumango ito. “Basta totoo lahat ng iyong binanggit. Aasahan ko ang iyong katapatan.” Tumango ako ng maraming beses. “Hindi ka magsisisi, promise.” binasa ko ang labi. “Kailanga
“Anong ginagawa ninyo dito?”Masungit agad ang bungad sa amin ng mama ni Hermina nang pagbuksan kami nito ng pinto. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa saka tumaas ang kilay. Tanghali na rin nang makarating kami. Hindi masakit sa balat kahit tirik ang araw pero init na init ako sa damit ko! Maeeskandalo talaga silang lahat kung ipakita ko ang hubadera side ko.“N-nais po sana kayong bisitahin ni Hermina, senyora.”“Na walang abiso? Nagsabi ka ba sa inyong superiora. Hermina?”Tumango ako. “Nagsabi po kami.”Huminga ito ng malalim. “Siya. Tayo na sa itaas.”Sa labas palang ng bahay ay sumisigaw na ng karangyaan kaya’t nag-expect na ako na magiging maganda ang loob. Pero namangha pa rin ako sa makitang mga kagamitan.I’ve been in a penthouse with complete appliances and equipment, but seeing a house from 1895 is so amusing. The intricate design of their wall passionately compliments the vibe of the house. Power and wealth can be seen and felt in every corner.Habang paakyat ay agaw
Sa isang malaking bahay tumigil ang aming karwahe. Napatingala ako sa tugtog na classic na nanggagaling sa second floor.Bumaba kaming tatlo. Si Clara ay inihatid muna namin bago kami dumiretso dito. Gandang-ganda siya but at the same time ay sayang na sayang din dahil nag-madre ako.“Noon pa man ay talagang napakaganda mo na. Bakit kasi hindi mo nalang pinag-isipang mabuti ang iyong desisyon. Kahit sinong binata ay mahuhumaling sa iyo.” nakangusong sabi niya sa akin.Binati kami ng mga sa palagay ko’y katulong ng bahay na ito at pinatuloy sa unang palapag. Sa first floor ay napakarami ng bisita, may kanya-kanya na silang hawak na wine. Halos malaglag ang panga ko sa mangha dahil lahat sila ay talagang naka-barong tagalog at baro’t saya. Kitang-kita ang pino ng bawat detalye sa kanilang mga suot.Nagliliwanag ang malaking chandelier sa gitna. Ang kaliwa’t kanang paintings ay animo exhibit sa dami ng mga tumitingin dito. Ang engradeng hagdan ay binihisan ng pula at puting tela paikot.
Muling tumugtog ang pang klasikal na musika sa buong kabahayan na naputol dahil sa komosyon kanina. Bumalik na din sa pagkukwentuhan ang mga tao. Pero iba na ang nagseserve ng mga inumin at pagkain.I need to talk to him.Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na yata siya makikita. Pero nasaan ba ang kusina dito?“Mga kababayan,” masayang tawag ni Don Palermo sa mga bisita habang pinapatunog ang baso gamit ang kutsara.Naglapitan kaming lahat dahil halata namang may sasabihin siya. I’m not interested but Donya Adela pulled me in. Tumabi kami kay Don Palermo na ikinagulat ko. May iilan pang kalalakihan na tumabi sa amin. Ngumiti sa akin si Donya Esther nang tumabi siya mismo sa akin. Ikinalawit niya ang kamay sa braso ng katabing lalaki.Pagak akong ngumiti.“Nais kong ibahagi sa inyo ang dahilan ng pagtitipon na ito.”Nagsimulang muli ang bulungan. Nalingon ko ang ilang mga naka-unipormeng tao sa likuran namin. Sa tingin ko, ito na ‘yung tinatawag nilang gobernadorcillo at mga prin
Seriously? May kapatid si Hermina? Akala ko only child lang siya kaya medyo baliw ang nanay niya.“Sino pong kapatid?”Kunot noo itong tumingin sa akin. Ngunit tumango din kalaunan.“Naiintindihan kong masyado ka pang bata noon upang maalala.” ngumiti ito sa kawalan. “Si Malaya.”Tumahimik lang ako para pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin.“Ilang beses ko na itong na-istorya sa iyo, ngunit hindi pa rin nawawaglit ang bawat detalye sa aking isipan.”Ngumiti ako sa kanya. “Ikuwento niyo po ulit. Hindi rin naman po akong nagsasawang pakinggan.”Tumingin ito sa akin ng may malalambot na ekspresyon.“Inampon namin ang iyong ate Malaya sa isang malayong pamilya ng iyong ina. Dahil akala namin ay hindi na kami mabibiyayaan ng supling. Halos walong taon na rin kaming kasal at nagsasama noon kaya’t bigong-bigo kami na ang tagal kaming bigyan ng anak.”“Tatlong taon palang si Malaya noong mapunta siya sa amin ng iyong mama. Todo ang aming alaga at pagbabantay sa kanya. Hanggang sa mga sa
What the fuck happened to me?!Nagsara ang kurtina at para akong natauhan. Nilingon ko ang paligid at nakita ko ang tingin sakin ng lahat. As in!“Senyorita!”Tumikhim ako at yumuko. Hinayaan kong kuhanin ako ni Lagring. Nagpaumanhin siya sa mga nahawi kong tao. Gusto kong pukpukin ang ulo ko! Am I dumb?“Pasensiya na po.” nakatungong hingi ko ng tawad sa mga tao.Dinig ko ang pagbubulungan ng ilang mga dalaga sa paligid kaya tignan ko sila isa-isa. Nagtatakip naman sila ng mga pamaypay pag nadadaanan sila ng tingin ko.“Anong nangyari, senyorita?”Nasa pinaka gilid na kami at kanya-kanyang business na ulit ang mga tao. Mariin akong pumikit at pekeng ngumiti kay Lagring.“N-nadala lang ako. Ang galing kasi nila e.”Ngumiti ito at malambing na tumingin sa stage na ngayon ay may ibang mga karakter na sa taas.“Naku! Talagang napakahusay ng grupo na iyan. Sila palagi ang nagtatanghal tuwing pyesta. Di ka naman kasi mahilig manuod ng ganito noon, senyorita. Kaya siguro’y namangha ka.”Tum
I was absentmindedly serving soup for the kids when Clara bumped my shoulder.“Ano at natulala ka diyan, Hermina. Naghihintay ang paslit sa iyong salok.” nangingiti nitong nguso sa batang nag-aabang sa soup na ilalagay ko sa kanyang bowl.“Paumanhin, bata.” ngiti ko“Salamat po, madre.” ngiti rin nito pabalik.Huminga ako ng malalim at sinalukan din ang sumunod na bata. Nandito kami sa panibagong bahay-ampunan na aming sinisilbihan.Mas malawak at mas marami ang mga batang tinutulungan namin kaysa sa bahay-ampunan noon nila Crisanto.Crisanto.I sighed again. Noong araw na iyon na nag-breakdown ako sa kanya, hindi na ako nagsalita after kong pilit tanggapin na wala talagang sulat. Nag-sorry pa ako sa kanya pagkatapos ay niyaya ko na si Lagring na umuwi dahil mag-gagabi na rin at hindi kami pwedeng abutin ng dilim sa daan sabi ng Donya.Pero masamang-masama ang loob ko. Umiyak ako buong gabi. Kinukwestyon kung anong ginagawa ko rito at bakit grabeng paglalaro ang ginagawa sa akin. Wala
“Paano mo siya nakilala?”“Kaibigan ko. Nakalimutan ko nalang ang bahay niya noong umalis ako rito.”Kumamot ito sa ulo. “Magkaibigan pala kayo.”Ngumiti si Trinidad sa akin. “Wala atang naikukwento si Sanding sa atin,” siko nito kay Crisanto.Anong sinisiko-siko mo dyan! Nakikisabat di naman kasali. Naku! Vinta, napaka-bitchesa mo. Wala namang ginagawang masama ‘yung tao!“Sasamahan ko na kayo.”“Kasama ko na si Lagring. Kaya sabihin mo nalang sa amin ang lugar.”Napatitig silang tatlo sa akin and I realized na medyo harsh ‘yung tono ko. I cleared my throat and smiled shyly.“I mean, ayoko ng makaabala sa ginagawa niyo.”Tuluyang ibinaba ni Crisanto ang hawak na panungkit.“Tapos na rin kami. Ihahatid ko nalang muna si Trinidad sa kanilang tahanan pagkatapos ay tutulak na tayo.”“H-hindi ba ako p-pwedeng sumama?” mahinang sabi ni Trinidad.“Naging mahaba na ang ating araw. Magpahinga ka na lamang muna. Sandali lang siguro kami roon.”“Pwede naman kasing kami nalang ni Lagring.”I can
“Saan ba talaga ang tungo natin, senyorita?”Huminga ako ng malalim at mas lalong tumitig sa malaking salamin sa aking harapan habang hinihigpitan ni Lagring ang mga tali sa likod ng aking damit.“May kilala ka bang Sanding?”Kita kong napatigil ito at kumunot ang noo. “Sanding, senyorita?”“Oo. Hindi ko alam ang apelyido niya eh. Pero pinsan siya ni Crisanto.”Napatingin ito sa akin. “Magkaibigan ba kayo ni Crisanto, senyorita?”“Bakit?”Nakibit-balikat ito at muling bumalik sa ginagawa. “Kasi nag-uusap kayo noong nanuod tayo sa kanilang pagtatanghal at ngayon ay kilala mo ang kanyang pinsan.”“May itatanong lang ako.”“Ano iyon, senyorita?”Tumaas ang gilid ng aking labi sa kanyang ka-chismosahan. “Marites ka din pala.”“Lagring ang aking ngalan, senyorita?” patanong pa nitong sagot.Umiling nalang ako at humarap sa kanya. “Ano? Kilala mo ba siya at kung saan siya nakatira?”“Hindi, senyorita.” titig nito sa akin. “Ngunit pupwede tayong pumunta kay Crisanto upang itanong sa kanya.”
“Sa sabado na ang iyong alis, Hermina?”Tumango ako at tinusok ang suman na nasa harap ko. It’s breakfast at nasanay na rin akong kumain ng mga ganito. Masarap naman pala sila. Lalo na kapag authentic ang pagkakagawa.Lumipas ang tatlong araw simula noong sa plaza. Sa sabado ay nagpadala ng liham ang superiora at kailangan ko na raw bumalik sa simbahan. Pwede bang magresign na? I really can’t do this. Hindi naman ako matutulungan ng pagiging madre ko para makaalis dito. Si Crisanto ang kailangan ko para makabalik na ako sa sariling buhay ko.Tumingin ako sa mga magulang ko sa harapan. Ang Don ay nagbabasa ng dyaryo habang ang Donya ay patingin-tingin sa akin habang umiinom ng tsaa.“Aalis na ako sa pag-mamadre, mama.”Pareho silang napatigil. Tinarayan agad ako ng Donya.“At sa tingin mo ay papayag ako?” kalmado nitong sabi.“Buo na ang pasya ko, mama.”“Wala kang magagawa, Hermina. Ako ang magdedesisyon para sa’yo.”“Adela..” pigil ng aking ama.My lips form into a thin line. “I don’