Chapter 4
"Whats the matter, sweetie?"napatingin ako kay Cedrick dahil sa bigla niyang pag-tanong sa akin. Napatingin ako sa cellphone kong na nasa sahig. Hindi ako makapag-salita dahil sa kaba at gulat.
Biglang nanginig ang buong katawan ko. Iniisip kong sino ang taong iyon, na nag-text sa akin. Napatingin ako sa mga mata ni Cedrick at umiling-iling ako. "My phone." Iyon lang ang nasabi ko sa kaniya.
Napatingin rin siya sa cellphone ko na puno ng pagtatataka. Nilapitan niya ako at niyakap. Napa-yakap, ako sa kaniya. Nawala bigla ang kaba ko sa aking dib-dib. Yes, his my savior and calmness.
Binitawan niya ako, saka pinulot ang cellphone kong napunta sa sahig. Tumingin muna siya sa akin, bago tumingin sa cellphone ko. He open it, and like what I expected.
His still calm and speechless. No reaction, no doubt, and no fair. But, have cofidence, brave and strength. Iyan, ang asawa kong si Cedrick. The one and onky, Cedrick Villaurel.
Napatingin ulit siya sa akin at bigla na lamang niya akong niyakap ng mahigpit. "It's gonna be alright, sweetie. Don't mind it, okay? Maybe, it's our, batchmate in high school or in college. Nanganga-musta lang sa iyo. Okay? Stop, so being nervous."
Tumango ako sa sinabi niyang iyon. "Thanks, sweetie. Siguro nga, ka-batch mate lang natin iyon noong high school or college."
Nginitian niya ako at hinawakan niya ng dalawang kamay ang pisngi ko. Sabay, niya halik sa noo ko. Hanggang sa ilong, pisngi at sa labi ko. Pinaparating niya, na hindi ako nag-iisa, na andiyan siya sa tabi ko. Po-protektahan ako at hindi pababayaan.
"Right, let's go. We need to go home. Hinahanap na siguro tayo ng mga bata."yaya niya sa akin sabay hawak sa kamay ko.
Nawala narin ang kaba ko sa aking dib-dib at ang mga masasamang isipin na tumatakbo sa aking isipan. Magka hawak kamay kami ni Cedrick. Palabas ng boutique. Naka pili narin kami ng susuotin namin sa reunion, at bahala na ang tauhan ko sa pag-gawa 'nun.
'Yun nga lang, hindi pa sure kung matatapos iyon sa loob ng isang linggo. But, I trust my employee. May tiwala akong matatapos nila agad iyon.
Pumasok na ako sa kotse, kasunod si Cedrick. He smiled at me and hold my left hand. Before he started the engine of the car.
"Isasama ba natin ang bata, sa reunion o iiwan nalang natin sila kina mama at papa?"tanong ko kay Cedrick habang naka tingin ako sa kaniya. I was reffering to my biological parents, biological kasi tinuturing ko silang totoo kong mga magulang kahit ampon lang naman nila ako.
"It's up to you. Kung, isasama natin ang kambal o hindi?"
"Okay, magpapa-alam muna ako kina mama at papa kung papayag sila na iiwan natin sa kanila ang kambal."
"Oo nga pala, sweetie. Pagkatapos ng reunion, may selebrasyon din sa anniversary ng Villaurel Club Corporation. Ikaw sana ang kukunin kong, designer manager? Kung pwede?"
"Aba'y oo naman, pwedeng pwede, sweetie. Hindi naman ako, busy sa darating na araw. Malayo pa naman ang launch ulit ng boutique ko, kaya mama-manage ko pa ang pag-design sa anniversary ng V-club." Naka-ngiti kong tugon sa kaniya.
"Thanks, sweetie. I know, that you accept it whether you like it or not. Dahil, mahal mo ako at kahit kailan, hindi mo ako matanggihan."sabay niya kindat sa akin.
Inirapan ko siya. "Kahit kailan talaga, mapag-laro ka no? May pa kindat-kindat ka pang nalalaman diyan. Simula naman noon, hindi na bagay sa iyo yan. Walang effect sa akin."
Napa ngiti ako ng lihim nang manahimik siya saka, napa tikhim.
"Grabe ka naman, sweetie... Asawa mo na ako, eh. Wala paring effect sa iyo ang ginagawa ko? Ang pagpapa kilig ko?" Saka siya nag-pout na parang bata na nawakan ng candy.
"Stop doing that, okay? Mukha kang bata, when you doing that kind of childish way." Dahil nakaka kilig, bakit ang gwapo mo parin, Cedrick kahit ganyan na ang mukha mo?
Lihim akong napa ngiti. Habang nakatingin sa labas ng kotse. Maniwala rin kaya siya sa sinabi ko? Napailing ako at gusto nang tumawa dahil sa mga imahinasyong naiisip ko.
"Hindi mo na niyan, ako mahal?" Napalingon ako sa kaniya nang tanungin niya iyon sa akin.
Sasagot na sana ako, nang biglang tumigil ang kotse sa harapan ng bahay. Agad binuksan, ng guard ang gate at ipinasok narin ni Cedrick ang kotse sa loob papuntang garage, to park the car.
Nang maka parada na ang kotse, bumaba agad ako attinawag si Kida para kunin ang mga pina-malengke namin sa loob.
Pagdating ni Kida sa garage, may kasama siyang dalawa pang katulong. "Good morning, ma'am at sir!" Bati nila sa amin ni Cedrick.
"Good morning, din." Sabay naming bati sa kanila ni Cedrick. Agad nilang kinuha ang mga pinama-lengke namin sa likod ng kotse at ipinasok na nila ito sa loob.
Nang maiwan na kami ni Cedrick sa labas, binalingan ko siya at tiningnan ng seryoso saka ngumiti ako sa kaniya ng natamis. "I love you, always Cedrick. Kaya, wag mong pag-dudahan ang pagmamahal ko sa iyo. Baka, ikaw, hindi mo na ako mahal. Dahil, ang pangit ko na at ang tanda?"
Nilapitan niya ako, at hinawakan niya ako sa dalawa kong braso. "I love you. Hindi ko masasabi kung hanggang saan, dahil wala namang kasukatan kung hanggang saan ang pagmamahal sa iyo. Kahit, kailan, hindi ka magiging pangit sa paningin ko at magiging matanda. Okay? Kahit tumanda ka pa o kahit ikaw pa ang pinaka-pangit na babae sa buong mundo, ikaw parin ang pipiliin at mamahalin ko. Okay?"
Hinampas ko siya sa dib-dib niya, dahil parang maiiyak na ako sa mga pinag-sasabi niya. Napailing na lamang ako at niyakap siya. Nakaka-inis kasi, pinapa kilig na naman niya ako.
Walang sawa siyang nagpapa kilig sa akin. "Kinilig ka, no?"
Kumawala ako sa yakap niya at tiningnan ko siya ng maigi. Inirapan ko siya at inis na hinampas ulit. "Sino ang hindi kikiligin sa sinabi mo, ha Cedrick?"
"Sinabi ko na nga ba, ikaw ang babaeng nag-papa tibok nitong puso ko." Sabi niya habang unti-unti niya akong hinihila papunta sa loob ng bahay.
Mahal din kita Cedrick.
Chapter 5Napatitig ako sa aking sarili. Nakatingin ako sa salamin, at kitang-kita ko ang aking repleka mula dito.Napangiti ako sa aking nakikita. It wasn't me. I'm matured enough. Lumingon ako sa aking likuran nang may tumikhim mula dito. Si Kida."Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Sir Cedrick. Aalis na daw po kayo." Naka ngiti nitong sabi sa akin. Nakikita kong parang meron pa siyang gustong sabihin ngunit hindi na niya itinuloy dahil marahil sa hiya.Ngumiti ako sa kaniya saka tumugon, "Salamat Kida, pababa narin ako. Pakisabi kay Cedrick. Tsaka nga pala, may gusto ka bang sabihin? Nakikita ko sa iyong mga mata,"Bumaba siya ng tingin, bago tumugon sa aking tanong. "Ma'am, pwede po ba muna akong mag-day off bukas? Nagka sakit po kasi si Nanay. Walang mag-aalaga sa kaniya."Lumakad ako palapit sa kaniya at hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. Kaya't napatinga
Chapter 6Agad akong hinila ni Cedrick papalabas ng grand hall. Naka tingin lang sina Medel at Deigo, maging sila Kersten at David sa aming pag-alis. Naguguluhan kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Cedrick.Nang makarating na kami sa kotse agad akong sumakay. Kasunod si Cedrick. Agad niyang pinaharurot ang kotse, ibayong kaba ang aking naramdaman nang bumalik sa ala-ala ko ang text message na iyon."Sweetie, natatakot ako.." Biglang usal ko dahilan upang siya'y bumaling sa akin."Wag kang matakot, sweetie. I'm here. Hindi ko kayo, pababayaan ng mga bata."Kahit papaano nabawasan ang kaba sa aking dib-dib sa itinugon na iyon ni Cedrick. Sino ba ang taong iyon at tinatakot niya kami ni Cedrick? Bakit sa akin lang siya nag-t-text? Galit ba siya sa akin?"Sa tingin mo, sino ang nagpa dala sa akin ng text message na iyon, sweetie?""I d
Chapter 7"Sweetie, pupunta ka ba sa Star hotel para mag-ayos doon?" Napatingin ako kay Cedrick nang bigla siyang tumanong sa akin."Ahm, oo mamaya. Pagkatapos kong dumaan sa boutique."Nag-aayos ako ng aking damit para pumasok na sa aking trabaho sa boutique. Ganoon din si Cedrick, nag-bibihis din siya para pumasok sa V-club."Nga pala, sina Cedrena, dadalhin ko na lang sa boutique.""Sa akin na lang, si Rick. Para hindi ka mahirapan sa kanilang dalawa. Dadaanan namin kayo ni Rick, mamaya doon sa hotel. Just text if you two go there. Okay?"mahaba niyang litanya."Osige, i-t-text kita kapag andoon na kami ni Cedrena sa hotel." Tugon ko naman. Niyakap niya ako at hinalikan sa aking noo bago siya lumabas ng silid naming dalawa.Ako naman, inayos ko muna ang postura ng itsura ko bago lumabas ng silid. Pagdating ko sa sala. Hinihintay na nila akong t
Chapter 8Napa hilot ako sa aking sintido nang matapos na ang meeting ko ng dalawang oras. It's been hard time, I guess. Napatingin ako kay Rick. His playing game on his gadget.Napatingin siya sa aking kinaroroonan. Ngumiti siya't lumapit sa akin. I just smiled at him too."Daddy, you look stress. I guess, we need to order a Ice cream?" Malambing niyang tanong sa akin.Gunulo ko ang buhok niya at kinarga siya, "Gusto mo lang siguro ng Ice cream, eh?"Napahalakhak siya sa itinuran kong iyon. "Ganoon nga po, daddy. Tsaka, para mawala narin ang stress mo.""Then, I order ice cream." Natatawa kong wika. Habang iniaangat ko ang telepono sa aking tainga. Pina upo ko siya sa aking swivel chair.Nag-order na ako at saka ko siya binalingan. "Rick, after eating ice cream. We need to go at your's mother boutique, okay?""Opo, daddy."
Chapter 9Napatingin ako kay Medel nang bumalik siya sa loob ng opisina ko."Natawagan ko na si Cedrick, papunta na siguro iyon dito." Napatango ako sa sinabi niyang iyon.Napa tingin ako kay Cedrena. Kitang kita ko sa kaniyang mga mata na nag-aalala siya sa akin. Nginitian ko lang siya't niyakap."Sino ba kasing nag-t-text sa iyo na iyan? Naku! Talagang makakalbo ko ang taong iyan!" Gilaiting sigaw ni Medel habang gigil na gigil sa pabalik balik na lakad sa loob ng opisina ko.Napatayo na lamang bigla si Kersten. "Nakapag tataka lang, bakit ka niya pinapadalhan ng treat... Bakit niya kayo tinatakot? There's something, bad behind this."Napatingin kaming sabay ni Medel kay Kersten. Napa nganga narin si Medel dahil sa mga narinig niya galing kay Kersten."Anong ibig mong sabihin, Kersten?" Takang taka kong tanong sa kaniya."Kung p
Chapter 10Nagmamadali akong pumunta sa Star hotel. Agad kong tinawag ang sekreterya ko, para ipa ayos ang banyo. Bakit ba kasi ngayon pa nagka problema ang lahat?Nawalan ng supply ng pagkain ang hotel. Mamayang gabi na ang anniversary ng V-club.Pero hindi iyon matutuloy kapag walang pagkain at mga inumin, ano na lamang ang sasabihin ng mga bisita?"Mag hanap kayo, agad ng supply. We need to find it, asap!" Natataranta kong utos sa aking sekretarya. Napa tango naman siya sa aking sinabi at agad umalis sa aking harapan.Pinaka titigan ko naman ang buong hall. Maayos ang pagkaka ayos ko dito. Red carpet, chandelier, tables with five chairs and also a stage hall. Kung saan doon ang C.E.O naka upo at ang mga Villaurel family.Napapa libutan ng mga ilaw ang hall, at ang chandelier ay nagmumukhang bituin dahil sa liwanag na dala nito sa itaas. Kung kaya't nagliliwan
Chapter 11"Sweetie?!" Gulat na gulat siya nang makita ako na naka-upo sa kaniyang swivel chair. I smirk at him and I stand up to face him."Surprise!" Masigla kong sigaw sabay lahad ko ng aking dalawang kamay. I see him, tilting his head and small smile appear at his lips.Lumapit siya sa akin at bigla na lamang ako hinigit. Napa singhap ako sa pagka bigla. "Akala ko, hindi ka pupunta dito? Pinaglalaruan mo ba ang damdamin ko, sweetie?""Hindi naman sa ganoon. Hindi kasi kita matiis, eh. Tsaka, na miss din kita." Naka ngiti kong wika sabay kawit ng aking mga braso sa kaniyang leeg."Then, mas na miss kita, sweetie. Sulitin na lamang natin ngayon ang oras, pwede?"Tinampal ko ang kaniyang dib-dib sabay napa tawa. "Ano na namang kalokuhan ang na-isip, mo ha?"Kumunot ang kaniyang noo, sabay ngiti ng malapad. "Green minded ka na pala ngayon,
Chapter 12Agad kaming nakarating sa hotel. Sinalubong kami ng mga bisita. Magalang naman kaming bumati ni Cedrick sa kanila at ng kambal.Pumunta kami sa pwesto nila Mama at Papa. Andoon rin sina Mommy Federia at daddy Federilo. Agad nilang binati ang kambal na masaya namang bumati sa kanilang lahat."Mabuti naman at dinala niyo ang kambal dito. Hindi kami ma-uumay dito sa kakaupo." Nakangiting wika ni mommy."Gustong nilang sumama, kaya't wala na kaming magagawa pa ni sweetie." Tugon ni Cedrick sa ina niya."Mabuti naman po't pumunta kayo dito, Ma." Naka ngiti kong sabi kina mama. Napatingin ako kay Mesy at napa iling ako."Dalaga na talaga ng kapatid ko." Puna ko sa kaniya. Napa tawa siya't napa iling."Si ate, talaga. Ako na lamang palaging napupuna."Nagkatawanan na lamang kaming lahat. Naupo narin kami ni Cedrick sa table ku
"KUMAIN KA NA ANAK, ito na siguro ang kapalaran na ibinigay sa atin ng Diyos. Marapat lang nating tanggapin ng buong puso at ipagpasalamat sa kaniya.."Nasa hapag-kainan sila ngayong tatlo at nakaharap sa pagkaing nakahain sa kanilang mesa. Alas sais (6:00) na ng gabi. At masasabi ni Oddyseus sa sarili na ito ang kakaibang gabi para sa kaniya.Wala siyang maramdamang kakaiba sa kaniyang sarili kahit kabilugan ng buwan. Gaya nang dati na sumasakit ang kuba sa kaniyang likod sa t'wing ganitong oras at kabilugan ng buwan. Mag-iisang oras na rin at hindi parin nagpapakita sa kaniya ang diwata. Tulad ng sinabi nito sa kaniya kanina bago ito naglaho na parang bula sa kaniyang harapan.Napatingin siya sa kaniyang Amang si Romulos nang magsimula itong magsalita. Humihikbi na ito ng iyak tulad ng Inang Victoria niya."'Nay? 'Tay? Bakit kayo umiiyak?"Tumayo ang Ama niya saka lumapit sa kaniya. Bigl
PUMUNTA si Oddyseus sa kagubatan. Gusto niyang makausap ang diwatang sumumpa sa kaniya. At alam niyang oras na ng kabilugan ng buwan ngayon. Ang huling kabilugan ng buwan para sa kaniya na isinumpa.Ang huling araw kung saan ang pag-asang mawala sa kaniya ang sumpa. Pero malas niya dahil walang babaeng umibig sa kaniya kahit ni isa.Hanggang ngayon hindi parin mawala sa kaniyang isipan ang sinabi noong isang araw sa kaniya ni Olcea. Ang mga katagang 'mahal na yata kita'. Pagkatapos na sabihin sa kaniya niyon ni Olcea agad itong kumawala sa kaniya at nanakbo papalayo na walang paalam.Naiwan siyang tulala at takang-taka. Kahapon at ngayon ay patuloy parin siyang iniiwasan ni Olcea. Parang may nasabi itong mali kung kaya't hindi siya nito pinapansin ng buong maghapon sa loob ng kampus.Siyang ikinatuwa niya naman, dahil hindi narin siya nahihirapang iwasan pa si Olcea. Nakakatawa na napakasaki
HANGGANG NGAYON lutang na lutang parin si Oddyseus sa mga sinabi ni Olcea sa kaniya. Hindi niya alam kung nasa langit naba siya ngayon o andito parin ba siya sa lupa.Kasama niya ngayon si Olcea at hindi niya alam kung saan silang dalawa pupunta. Tapos narin ang klase nilang dalawa kung kaya't inaya siya nito na lumabas. Ayaw pa sana niya kaso nga lang nagpumilit ito kung kaya't wala na siyang nagawa pa, kundi ang sumama na lamang rito. Hindi niya rin kasi matiis ang babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso.Maraming mga bata sa lansangan ang kanilang nakakasalubong panay ang iwas ng mga ito sa kaniya sa tuwing siya ay dadaan. Napatingin siya kay Olcea at kahit anong emosyon wala siyang mabasa rito. Nakangiti ito ng malawak at hindi alintana ang mga mapang-usig na tingin ng mga tao sa kanilang dalawa.Parang sinasabi ni Olcea sa buong taong kanilang nakakasalubong na hindi siya nito ikinakahiya. Hindi niya alam pero napangiti
"ODDY, ANAK. Ano ang nangyayari sa'yo at ilang araw at gabi ka na lamang na naglulugmok diyan sa silid mo. May problema ka ba? Ikwento mo naman sa akin, baka matulungan kita, anak," pukaw sa kaniya ng Ina.Nakalugmok nga siya ngayon sa kaniyang silid at nakatanaw lamang sa kawalan. Inaalala niya ang itsura ni Olcea noong isang araw nang iwan niya ito.Puno ng pagtataka ang mukha nito at pagkalungkot. Gusto niya itong puntahan ngayon pero pinipigilan rin siya ng kaniyang kabilang isip. Kung gagawin niya iyon baka pagalitan na naman si Olcea ng ama nitong galit na galit sa kaniya.Sa halip na sagutin ang Inang Victoria niya hindi niya ito sinagot. Nagtalukbong na lamang siya ng kumot."Hindi ho ulit ako papasok ngayon, Ina. Masama parin ho ang pakiramdam ko," pagsisinungaling niya rito.Rinig niya ang malalim na paghinga nito. Ramdam niyang unti-unti itong lumakad patungo sa kaniyang kama. Ibinaba nito ang kumot na nakatalukbong sa kaniya
"BAKIT NGAYON ka lang, Olcea? Saan ka galing?" Bungad agad sa kaniya ng kaniyang Ama nang makarating siya sa kanilang bahay.Pagod na pagod siyang binalingan ito ng atensyon. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa tanong nito o maiinis. Ganito na lamang ba parati ang tanong na sasalubong sa kaniya? Hindi na niya makayanan pa."Ama, dumaan lang po kami ni Adeva sa isang kainan doon sa bayan kanina. Huwag po kayong mag-alala. Wala po sa aming nangyaring masama."Dumiretso siya sa kusina saka kumuha ng isang basong tubig mula sa refrigerator. Nilagok niya iyon ng sunod-sunod at hindi pinansin ang mga pinagsasabi ng kaniyang Ama."Alam kong nagsisinungaling ka, Olcea. Nagkita kami ni Connor kanina at sinabi niya sa akin ang patuloy na paglapit sa'yo ni Oddyseus, totoo ba iyon?"Inilapag niya sa mesa ang basong kaniyang ininuman saka tinitigan ang kaniyang ama na parang pagod na pagod. Pagod na pagod na talaga siya sa pagpapaintindi rito n
NANLALATA SI OLCEA habang pinagmamasdan ang likod ni Oddyseus na papalayo sa kaniya. Agad naman siyang inalalayan ng kaniyang kaibigang si Adeva nang bigla na lamang siyang nanghina.Hindi niya alam pero parang sinaksak ang kaniyang puso ng isang napakatalim na kutsilyo na siyang sumugat ng malalim sa kaniyang puso. Hindi narin niya namalayan ang pagtulo ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi.Agad naman siyang nilapitan ng kaniyang pinsan na si Adeva. Takang-taka ito habang nakatitig sa kaniya at pinapatahan siya sa pag-iyak."Oh? Bakit ka umiiyak diyan? Huwag mong sabihin na naa-apektuhan ka sa sinabi ng kubang 'yon, este ni Oddy?"Tinapunan niya ito ng masamang tingin nang marinig niya ang sinabi nitong Kuba. Ilang beses niya bang sabihin sa pinsan na Oddy ang itawag nito sa lalaki? Iyong hindi na panlalait ang lumalabas nito sa bibig."W-wala," wala sa mood niyang sagot rito habang pinipigalan na niyang hindi mapa-iyak.
"KANINA ka pa namin hinihintay, Oddy. Saan ka galing at ginabi ka ngayon?" Bungad sa kaniya ng Ina Victoria niya.Nolampasan niya ito saka siya umupo sa sofa na nasa kanilang bahay. Tinanggal niya ang kaniyang sapatos saka siya bumaling rito."Dumaan pa po kasi ako sa library kanina, Ina. Ginawa ko lang po iyong assignment ko," pagsisinungaling ulit niya rito.Rinig na rinig niya ang malakas na buntong hininga ng kaniyang Ina nang marinig ang kaniyang sinabi."Anak, huwag kang mahihiyang magsabi sa amin ng Itay mo kapag may problema ka ah? Sabihin mo sa akin, huwag kang mag dadalawang isip."Tumango siya saka hinawakan niya ang mga kamay nito saka siya ngumiti ng ubod tamis rito. "Pangako, Ina. Sasabihin ko ho agad sa inyo.""Mahal na mahal ka namin anak, kaya andito lang kami ng iyong Itay para sa'yo."Niyakap siya nito ng napaka-higpit. Lihim siyang napa
YUKONG-YUKO SI Oddyseus habang nasa loob sila ng cafeteria kasama sina Olcea at Adeva. Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanilang pwesto. Parang piniprito ang kaniyang pwet. Kanina pa niya gustong tumayo at tumakbo ngunit hindi niya magawa.Kasama niya si Olcea ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi niya alam kung paano siya napasama sa dalawa basta ang natatandaan na lamang niya ay hinila siya kanina sa hallway ni Olcea, saka dinala rito sa loob ng cafeteria. Kung saan pinagsisisihan niyang sumama.Kumakain ang dalawa ng spaghetti. Samantalang siya hindi manlang ginagalaw ang pagkain sa kaniyang plato."Oo nga pala, Oddy. Wala ka naman talagang lahing aswang 'di ba?" Biglang untag sa kaniya ni Adeva dahilan upang mawala ang malalim niyang pag-iisip.Bago pa man siya makasagot naunahan na siya ni Olcea. "Ano ka ba naman, insan. Maniniwala ka rin ba sa mga tsismis ng kababayan natin? At mapapaniwala sa mga kwento-kwento nila?"Napangit
HANGGANG NGAYON hindi parin makapaniwala si Oddyseus na kasama niya si Olcea at ang pinsan nitong si Adeva kahapon. Lutang na lutang parin ang isip niya hanggang ngayon. Nangyari nga ba ang kahapon? Nakasabay nga ba niya talaga si Olcea pauwi? Or nanaginip lang talaga siya?Pero napangisi siya ng ubod laki nang maalala niyang hindi pala siya nanaginip no'n. Totoo iyong nangyari, ang lahat ng nangyari.Kasalukuyan siyang nag-aalmusal ngayon at kasabay niya ang kaniyang mga magulang sa hapag-kainan.Hindi niya alam ang sasabihin sa mga ito ang tunay niyang nararamdaman. Baka mamaya sabihan lang siya ng mga ito na lumayo sa gulo. Lalo na't alam ng mga ito na delikado ang tatay ni Olcea.Ayaw niyang mangyari iyon. Alam niyang iniisip lang ng mga magulang niya ang kaniyang kapakanan pero hindi niya rin maiwasan ang bugso ng kaniyang damdamin para kay Olcea. Mahal na mahal niya ito simula pa noong bata pa