Chapter 12
Agad kaming nakarating sa hotel. Sinalubong kami ng mga bisita. Magalang naman kaming bumati ni Cedrick sa kanila at ng kambal.
Pumunta kami sa pwesto nila Mama at Papa. Andoon rin sina Mommy Federia at daddy Federilo. Agad nilang binati ang kambal na masaya namang bumati sa kanilang lahat.
"Mabuti naman at dinala niyo ang kambal dito. Hindi kami ma-uumay dito sa kakaupo." Nakangiting wika ni mommy.
"Gustong nilang sumama, kaya't wala na kaming magagawa pa ni sweetie." Tugon ni Cedrick sa ina niya.
"Mabuti naman po't pumunta kayo dito, Ma." Naka ngiti kong sabi kina mama. Napatingin ako kay Mesy at napa iling ako.
"Dalaga na talaga ng kapatid ko." Puna ko sa kaniya. Napa tawa siya't napa iling.
"Si ate, talaga. Ako na lamang palaging napupuna."
Nagkatawanan na lamang kaming lahat. Naupo narin kami ni Cedrick sa table ku
Chapter 13Kanina pa ako, nanunuod sa mga sumasayaw sa grand hall.Inihatid ako ni sweetie, sa table namin nang matapos na kaming sumayaw. May kinausap lang siyang bisita na isa sa kasosyo ng V-club. Mag-isa akong nakaupo sa table namin habang nanunood.Napa ngiti ako, nang makita ang kambal na sumasayaw kasama si Kida. Todo hataw naman, ang pag sayaw ni Kida na siyang ikinatawa ko.Napa baling ang atensyon ko sa isang direksyon, nang mahagilap ko ang aking asawa na may kausap na isang magandang babae.Biglang kumunot ang aking noo sa pagtataka.Hindi ko pinansin iyon, ngunit napa tingin akong muli sa kanilang direksyon nang biglang lumsmbitin ang braso ng babae sa braso ni Cedrick.Tatayo na sana ako, nang biglang may pumigil sa aking isip.Tumingin na lamang ako kina Kersten at David na sumasayaw at kina Medel at Deigo. Napa ili
Chapter 14Napa suntok ako sa pintuan ng hotel nang makitang naka alis na ng kotse ni sweetie. Pati narin ang kotseng sinakyan nila Kida at kambal.Biglang lumapit sa akin si Mommy at Daddy. Nagtataka sa kanilang nakikita."Anak? Anong nangyayari?" Tanong kaagad ni mommy nang makalapit na sila sa aking pwesto."Mom, sinigawan ko po si Ena. Dahil sa aking galit at inis. Nag-away po kaming dalawa.""Eh, asan na siya?" Tanong ni Dad."Umalis na po siya, hindi ko na nahabol. Pati ang kambal at si Kida, pina uwi na siguro niya."Niyakap ako nila Mom at Dad."Ano na po ang gagawin ko? Sigurado akong galit na galit ngayon sa akin ang asawa ko." Napa iyak narin ako sa sitwasyong ito.Hindi ko sinasadyang sigawan si Ena kanina. Bigla na lamang kasi akong nainis at nagalit dahil sa inasta niya. Napag salitaan ko pa
Chapter 15Parang binibiyak ang puso ko, habang nakatitig sa kaniyang maamong mukha. Napa hagulhol ako sa sakit.Hindi ko siya na protektahan, hindi ko siya nailigtas. Wala manlang akong nagawa upang siya'y mabuhay.Napatingin ako sa aking tagiliran nang maramdaman kong may yumapos sa aking mga binti. Nakita ko ang aking dalawang anak na kambal. Puno ang kanilang mukha ng mga luha.Napatingin ulit ako sa cobin ng aking asawa kung saan siya nakahiga, na naka suot ng puting bestida.Ngayon ang araw ng kaniyang libing.Pumunta ako sa harapan ng kaniyang cobin habang may hawak na bulaklak. Kasunod ko ang dalawang bata sa aking tagiliran.Nang maitapon ko na ang tatlong pulang roses na hawak ko, unti unti na nila itong binaba sa ilalim ng lupa.Patawarin mo sana ako, sweetie. Hindi kita nailigtas, hindi kita na protektahan.
Chapter 16Six months ago...Nagising ako dahil parang may nag-pupunas sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang nakakasilaw na silid dahil puro puti ang naka palibot dito. Iisa lang ang sumagi sa isipan ko at iyon ay, nasa hospital ako. Napatingin ako sa gilid ng kama na kinahihigaan ko nang may mag-salitang lalaki. "Gising ka na pala... Kamusta na ang paki-ramdam mo?" Napa-kunot ang noo ko nang makita ang itsura ng lalaki. Hindi pamilyar sa akin ang itsura niya. "Sino ka? Bakit nandito ako sa hospital?" Taka kong tanong habang inililibot ko ang paningin ko sa buong silid. Lumakad siya papunta sa pintuan at ini-lock iyon, nang maka-labas na ang nurse na nagp
Chapter 17After four years..."Ena, you need to sign it. Kung hindi magagalit si Mr. Wilson sa atin. Hindi na siya magbibigay ng shares sa kompanya natin." Napa irap ako nang marinig na naman ang sinabi ni Andrew.Tiningnan ko siya na parang bored na bored na akong marinig ang kaniyang paulit-ulit na sinasabing iyon."Seriously? Famous line mo na ba iyan Andrew?" Naiinis kong tanong sa kaniya pero imbis na mapikon siya sa akin, tinawanan lang niya ako. Ako naman ang napa irap sa hangin at umismid."You change the topic again, Ena. You need to sign it. Di ba, gusto mo nang umuwi ng Pilipinas? Then, sign it. Kung hindi, hindi tayo makakauwi ng Pilipinas." Naka ngisi niyang tugon.Napa hinga na lamang ako ng malalim at tinitigan siya ng inis na inis. Wala na akong nagawa kundi ang pirmahan ang papeles na iyon.Kung
Chapter 18"HELLO?" Bungad ko sa kabilang linya. It's already ten o'clock in the morning. Here at Italy, kunot noo ko itong sinagot dahil inis ako ngayong araw."Hello, Ms. Marquez. Long time no call.." Napa irap ako sa hangin nang marinig ang sinabi niya sa kabilang linya.Kung minamalas ka nga naman..."Oh, Mr. Wilson. What brought you call, in the middle of the morning?" Pilit kong sabi habang pinasisigla ang aking boses.Kung saan badtrip ako ngayong araw, dadagdagan pa ng matandang lalaking mayabang na ito."I just want to inform you that, Mr. Villaurel set a meeting on Friday. This week, 9:00 am." Diretso na sabi nito, walang paligoy-ligoy, straight to the point.Napa tayo ako sa gulat nang marinig ang sinabi niya. "What?! Why?! Ang bilis naman yata! How I could book a flight to Philippines, if my visa don't ready yet!"Baki
Chapter 19NAPATIGAGAL AKO ng makita ko siya sa aking harapan. Naiiling ako habang nakatingin sa kaniya. Hindi ako naniniwala na buhay siya..Patay na ang asawa ko, nakita ko pa siyang inilibing noon.. Kamukhang-kamukha niya.. Kaya't paanong, naririto siya ngayon sa aking harapan? Paanong nabuhay siya? Gayong patay na siya?"Pa-paanong..." Hindi ko malaman kung ano ang aking sasabihin. Hindi ko maapuhap kong saan ako kukuha ng aking boses, gayong natigalgal ako sa gulat.I was caught-off-guard! Damn! Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?!"Paanong, buhay ako at naririto ako sa harapan, mo? Sweetie?"naka ngiti niyang sabi habang printi paring naka upo, habang nakatingin sa akin.Those words and voice! How it could be like my wife?! Siya ba talaga si Ena? Ang mahal kong asawa? O isa lang siyang impostor?Napatango na lamang ako, sa pagpapatuloy n
Chapter 20NAKANGITI SIYANG pumasok ng aking opisina. No, this is not my wife. Iiling -iling ako nang makita ang, mukha nila Deigo at David nang makita nila si Ena na papasok ng aking opisina.Gulat ang kanilang mukha, naka mulagat ang kanilang mga mata. Habang naka tingin parin kay Ena na asa pintuan habang naka ngiti. Bakit ba kasi, andito na naman ang dalawang kaibigan kong ito? Iyan, tuloy nasaksihan nilang, may buhay na Ena.Ngayon palang araw, ang pag-papa DNA ko sa babaeng ito. Naka kuha narin ako ng sample ng dugo kanina, kina Cedrena at Rick. Nag-tanong panga sila, kung para saan iyon, pero sinabi ko na para ipatingin ko sa doktor kung may sakit sila.Napa tingin ako kay Deigo, nang ma mutawi sa kaniyang bibig ang isang kataga. "Bro.. Nag-mu-multo ba si Ena?""No, she's real bro.." Sagot ko naman. "Ayaw niyo kasing maniwala kasi sa akin kahapon.." Naiiling ko pang
"KUMAIN KA NA ANAK, ito na siguro ang kapalaran na ibinigay sa atin ng Diyos. Marapat lang nating tanggapin ng buong puso at ipagpasalamat sa kaniya.."Nasa hapag-kainan sila ngayong tatlo at nakaharap sa pagkaing nakahain sa kanilang mesa. Alas sais (6:00) na ng gabi. At masasabi ni Oddyseus sa sarili na ito ang kakaibang gabi para sa kaniya.Wala siyang maramdamang kakaiba sa kaniyang sarili kahit kabilugan ng buwan. Gaya nang dati na sumasakit ang kuba sa kaniyang likod sa t'wing ganitong oras at kabilugan ng buwan. Mag-iisang oras na rin at hindi parin nagpapakita sa kaniya ang diwata. Tulad ng sinabi nito sa kaniya kanina bago ito naglaho na parang bula sa kaniyang harapan.Napatingin siya sa kaniyang Amang si Romulos nang magsimula itong magsalita. Humihikbi na ito ng iyak tulad ng Inang Victoria niya."'Nay? 'Tay? Bakit kayo umiiyak?"Tumayo ang Ama niya saka lumapit sa kaniya. Bigl
PUMUNTA si Oddyseus sa kagubatan. Gusto niyang makausap ang diwatang sumumpa sa kaniya. At alam niyang oras na ng kabilugan ng buwan ngayon. Ang huling kabilugan ng buwan para sa kaniya na isinumpa.Ang huling araw kung saan ang pag-asang mawala sa kaniya ang sumpa. Pero malas niya dahil walang babaeng umibig sa kaniya kahit ni isa.Hanggang ngayon hindi parin mawala sa kaniyang isipan ang sinabi noong isang araw sa kaniya ni Olcea. Ang mga katagang 'mahal na yata kita'. Pagkatapos na sabihin sa kaniya niyon ni Olcea agad itong kumawala sa kaniya at nanakbo papalayo na walang paalam.Naiwan siyang tulala at takang-taka. Kahapon at ngayon ay patuloy parin siyang iniiwasan ni Olcea. Parang may nasabi itong mali kung kaya't hindi siya nito pinapansin ng buong maghapon sa loob ng kampus.Siyang ikinatuwa niya naman, dahil hindi narin siya nahihirapang iwasan pa si Olcea. Nakakatawa na napakasaki
HANGGANG NGAYON lutang na lutang parin si Oddyseus sa mga sinabi ni Olcea sa kaniya. Hindi niya alam kung nasa langit naba siya ngayon o andito parin ba siya sa lupa.Kasama niya ngayon si Olcea at hindi niya alam kung saan silang dalawa pupunta. Tapos narin ang klase nilang dalawa kung kaya't inaya siya nito na lumabas. Ayaw pa sana niya kaso nga lang nagpumilit ito kung kaya't wala na siyang nagawa pa, kundi ang sumama na lamang rito. Hindi niya rin kasi matiis ang babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso.Maraming mga bata sa lansangan ang kanilang nakakasalubong panay ang iwas ng mga ito sa kaniya sa tuwing siya ay dadaan. Napatingin siya kay Olcea at kahit anong emosyon wala siyang mabasa rito. Nakangiti ito ng malawak at hindi alintana ang mga mapang-usig na tingin ng mga tao sa kanilang dalawa.Parang sinasabi ni Olcea sa buong taong kanilang nakakasalubong na hindi siya nito ikinakahiya. Hindi niya alam pero napangiti
"ODDY, ANAK. Ano ang nangyayari sa'yo at ilang araw at gabi ka na lamang na naglulugmok diyan sa silid mo. May problema ka ba? Ikwento mo naman sa akin, baka matulungan kita, anak," pukaw sa kaniya ng Ina.Nakalugmok nga siya ngayon sa kaniyang silid at nakatanaw lamang sa kawalan. Inaalala niya ang itsura ni Olcea noong isang araw nang iwan niya ito.Puno ng pagtataka ang mukha nito at pagkalungkot. Gusto niya itong puntahan ngayon pero pinipigilan rin siya ng kaniyang kabilang isip. Kung gagawin niya iyon baka pagalitan na naman si Olcea ng ama nitong galit na galit sa kaniya.Sa halip na sagutin ang Inang Victoria niya hindi niya ito sinagot. Nagtalukbong na lamang siya ng kumot."Hindi ho ulit ako papasok ngayon, Ina. Masama parin ho ang pakiramdam ko," pagsisinungaling niya rito.Rinig niya ang malalim na paghinga nito. Ramdam niyang unti-unti itong lumakad patungo sa kaniyang kama. Ibinaba nito ang kumot na nakatalukbong sa kaniya
"BAKIT NGAYON ka lang, Olcea? Saan ka galing?" Bungad agad sa kaniya ng kaniyang Ama nang makarating siya sa kanilang bahay.Pagod na pagod siyang binalingan ito ng atensyon. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa tanong nito o maiinis. Ganito na lamang ba parati ang tanong na sasalubong sa kaniya? Hindi na niya makayanan pa."Ama, dumaan lang po kami ni Adeva sa isang kainan doon sa bayan kanina. Huwag po kayong mag-alala. Wala po sa aming nangyaring masama."Dumiretso siya sa kusina saka kumuha ng isang basong tubig mula sa refrigerator. Nilagok niya iyon ng sunod-sunod at hindi pinansin ang mga pinagsasabi ng kaniyang Ama."Alam kong nagsisinungaling ka, Olcea. Nagkita kami ni Connor kanina at sinabi niya sa akin ang patuloy na paglapit sa'yo ni Oddyseus, totoo ba iyon?"Inilapag niya sa mesa ang basong kaniyang ininuman saka tinitigan ang kaniyang ama na parang pagod na pagod. Pagod na pagod na talaga siya sa pagpapaintindi rito n
NANLALATA SI OLCEA habang pinagmamasdan ang likod ni Oddyseus na papalayo sa kaniya. Agad naman siyang inalalayan ng kaniyang kaibigang si Adeva nang bigla na lamang siyang nanghina.Hindi niya alam pero parang sinaksak ang kaniyang puso ng isang napakatalim na kutsilyo na siyang sumugat ng malalim sa kaniyang puso. Hindi narin niya namalayan ang pagtulo ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi.Agad naman siyang nilapitan ng kaniyang pinsan na si Adeva. Takang-taka ito habang nakatitig sa kaniya at pinapatahan siya sa pag-iyak."Oh? Bakit ka umiiyak diyan? Huwag mong sabihin na naa-apektuhan ka sa sinabi ng kubang 'yon, este ni Oddy?"Tinapunan niya ito ng masamang tingin nang marinig niya ang sinabi nitong Kuba. Ilang beses niya bang sabihin sa pinsan na Oddy ang itawag nito sa lalaki? Iyong hindi na panlalait ang lumalabas nito sa bibig."W-wala," wala sa mood niyang sagot rito habang pinipigalan na niyang hindi mapa-iyak.
"KANINA ka pa namin hinihintay, Oddy. Saan ka galing at ginabi ka ngayon?" Bungad sa kaniya ng Ina Victoria niya.Nolampasan niya ito saka siya umupo sa sofa na nasa kanilang bahay. Tinanggal niya ang kaniyang sapatos saka siya bumaling rito."Dumaan pa po kasi ako sa library kanina, Ina. Ginawa ko lang po iyong assignment ko," pagsisinungaling ulit niya rito.Rinig na rinig niya ang malakas na buntong hininga ng kaniyang Ina nang marinig ang kaniyang sinabi."Anak, huwag kang mahihiyang magsabi sa amin ng Itay mo kapag may problema ka ah? Sabihin mo sa akin, huwag kang mag dadalawang isip."Tumango siya saka hinawakan niya ang mga kamay nito saka siya ngumiti ng ubod tamis rito. "Pangako, Ina. Sasabihin ko ho agad sa inyo.""Mahal na mahal ka namin anak, kaya andito lang kami ng iyong Itay para sa'yo."Niyakap siya nito ng napaka-higpit. Lihim siyang napa
YUKONG-YUKO SI Oddyseus habang nasa loob sila ng cafeteria kasama sina Olcea at Adeva. Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanilang pwesto. Parang piniprito ang kaniyang pwet. Kanina pa niya gustong tumayo at tumakbo ngunit hindi niya magawa.Kasama niya si Olcea ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi niya alam kung paano siya napasama sa dalawa basta ang natatandaan na lamang niya ay hinila siya kanina sa hallway ni Olcea, saka dinala rito sa loob ng cafeteria. Kung saan pinagsisisihan niyang sumama.Kumakain ang dalawa ng spaghetti. Samantalang siya hindi manlang ginagalaw ang pagkain sa kaniyang plato."Oo nga pala, Oddy. Wala ka naman talagang lahing aswang 'di ba?" Biglang untag sa kaniya ni Adeva dahilan upang mawala ang malalim niyang pag-iisip.Bago pa man siya makasagot naunahan na siya ni Olcea. "Ano ka ba naman, insan. Maniniwala ka rin ba sa mga tsismis ng kababayan natin? At mapapaniwala sa mga kwento-kwento nila?"Napangit
HANGGANG NGAYON hindi parin makapaniwala si Oddyseus na kasama niya si Olcea at ang pinsan nitong si Adeva kahapon. Lutang na lutang parin ang isip niya hanggang ngayon. Nangyari nga ba ang kahapon? Nakasabay nga ba niya talaga si Olcea pauwi? Or nanaginip lang talaga siya?Pero napangisi siya ng ubod laki nang maalala niyang hindi pala siya nanaginip no'n. Totoo iyong nangyari, ang lahat ng nangyari.Kasalukuyan siyang nag-aalmusal ngayon at kasabay niya ang kaniyang mga magulang sa hapag-kainan.Hindi niya alam ang sasabihin sa mga ito ang tunay niyang nararamdaman. Baka mamaya sabihan lang siya ng mga ito na lumayo sa gulo. Lalo na't alam ng mga ito na delikado ang tatay ni Olcea.Ayaw niyang mangyari iyon. Alam niyang iniisip lang ng mga magulang niya ang kaniyang kapakanan pero hindi niya rin maiwasan ang bugso ng kaniyang damdamin para kay Olcea. Mahal na mahal niya ito simula pa noong bata pa