Chapter 39
"ENA! I-WELCOME mo naman ang asawa mo, akalain mo iyon. Pumunta talaga siya rito, para isagip ka. How sweet naman?"
Namulagat ang aking dalawang mata nang makita si Cedrick na nag-iisang pumasok sa silid na aking kinaroroonan. Agad siyang pinalibutan ng mga tauhan ni Andrew, may hawak silang mga baseball bat at mga metal na isang dos por dos.
Mukhang tinakasan ang aking mukha ng dugo nang masilayan ang kaniyang matang nakatingin sa akin.
Mukhang pinaparating niya sa akin, na huwag akong mag-alala. Ililigtas niya ako mula sa kapahamakan.
Tumulo na ang mga luha ko. Bakit ba kasi siya pumunta pa dito?! Walang hiya talaga ang Andrew na ito! Ano ba kasi talaga ang rason niya?!
"Bakit ka pa pumunta dito! Umalis ka na! Mapapahamak ka lang!" Hagulhol ko habang nakatingin sa kaniya ng mataman.
Ngunit ngi
Chapter 40NIYAKAP KO SIYA habang umiiyak. Biglang dumating sila Deigo at David at binugbog nila si Andrew. May nag-si datingan naring mga rescuer ngunit hindi ko na lamang sila pinansin. Ang tanging pumapasok na lamang sa isip ko ngayon ay kung mabubuhay pa ba si Cedrick.Inalalayan ako ng isang babae, saka kinuha na nila si Cedrick at ipinasok sa isang van ng ambulansya. Sumunod ako doon, at parang wala sa sarili ko.Ang tanging nasa isip ko na lamang ng mga oras na iyon ay si Cedrick....ANG BILIS-BILIS ng tibok ng puso ko habang naka-tanaw mula rito sa labas. Nag-aagaw buhay siya, dahil sa akin.Napahikbi ako, habang papaupo sa upuan na naroroon.Andoon na sila Mama at Papa, maging si Mesy. Sila Mommy Federia at Daddy Federilo.Tinawagan ko narin si Kida kanina na siya munang bahala sa kambal habang wala pa ako
"EXCUSE ME! Huwag ka ngang paharang-harang sa dinadaanan ko! Weirdo na nga, tanga pa!""Ano ba! Mag-iingat ka naman! Nanadya ka ba? Tanga-tanga nito!""Huwag kang tatanga, nakakabunggo ka na ng tao, oh!""Geek na nga, lampa pa!""Nakakadiri ka! Ayusin mo naman kaya iyang pananamit mo, badoy!""Badoy, badoy mo! Anong year ka ba pinanganak at ganyan ang mga sinusuot mo? Old fashoined.""You look like a pulubi in the kalye! Nakakairita kang tingnan, alam no 'yun?"Ilan lamang iyan ang mga naririnig kong reklamo mula sa mga kapwa kong estudyante na aking nakakabunggo sa pagdaan ko sa hallway. Sa tuwing sinisigawan nila ako panay lamang ang aking yuko.Hindi ko na lamang iniintindi ang kanilang mga sinasabi sa akin. Ang ilan sa kanila ay binubunggo ako, kung kaya't hindi ko maiwasang mapadapa sa daan.Inayos k
MALAMIG NA TITIG ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa isang mamahaling silid. Hindi ko alintana ang aking mga kasamahan na may kaniya-kaniyang sariling mundo.Inilapag ko ang aking atache case sa aking pribadong lamesa at agad iyong binuksan. May kinuha akong ilang bagay doon na importante saka ko inilagay sa bulsa ng aking polong suot at pantalon. Maging sa sapatos ay naglagay rin ako.Ngising-ngisi ako nang magsimula na akong maglakad patungo sa kinaroronan ng matanda. Agad na sumalubong sa akin ang malalim at malamig niyang mga mata. Suot nito ang makapal na salamin na para lamang sa mga matandang hindi na nakakakita.Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niya akong diretsong umupo sa couch na nasa kaniyang harap. I don't have a time to respect him. Wala ako ngayon sa mood, lalo pa't binulabog niya ang pagtulong ko. Napatingin ako sa taong pumasok at agad na sumalubong sa akin."Akala ko hindi ka na darating," wika nito haban
INOSERBAHAN ko ng mabuti ang bangkay ni Mister Caline mula ulo hanggang paa. Walang kakaiba sa kaniyang katawan at maging sa kaniyang balat. Pinagmasdan ko ito ng maigi at pinakatitigang mabuti. Wala nang ibang kapansin-pansin maliban sa nangingitim na nitong balat dahil sa epekto ng lason sa katawan nito.Humakbang ako papalapit sa aking atache case at binuksan ito ng may buong pag-iingat. Mahirap nang mapansin ako ng aking mga kasamahan. Walang ibang ini-utos sa amin si Lolo, maliban lamang sa oobserbahan lamang namin ang bangkay. At ang pina-plano kong gawin ngayon ay taliwas sa utos niyang 'yon.Sorry but not sorry, Lolo Borge Hedalgo. Kinuha ko ang dala kong reserbang syringe sa aking atache case at itinurok ko agad sa malamig nang katawan ni Mister Caline. Umangat ang sulok ng mga labi ko nang may makitang dugo sa loob ng hawak kong syringe.Agad kong inayos ang aking kagamitan nang mapatin
"BALITA KO may gagawin ka raw mamayang gabi? Ano na naman ang kagaguhan mong pina-plano, Laird? Hanggang ngayon ba naman hindi ka parin nagbabago? Ano na lamang ang sasabihin nila tita at tito, sa'yo?"I just smirk when I heard again the voice of my long bestfriend. It's irritating lalo pa't nagsisimula na naman siya sa panenermon nito. Hindi na nakakatuwa minsan kung alam niya lang.I sip a coffee from my mug before I stare at her. "Wala akong pina-plano, Miona. Masyado ka talagang advance mag-isip. Kaya tigilan mo na ang kakasermon sa akin, hindi na nakakatuwa."Tinaasan niya ako ng kilay gaya ng mga ginagawa niya simula noon. "Ang sabihin mo ayaw mo na naman tanggapin ang katotohanan, hanggang kailan ka magpapaka-bayani? Hanggang sa ikaw na ba ang malagay sa panganib?""Pwede ba pakihinaan ang boses mo? Baka may makarinig sa sinasabi mo, Miona."Natigilan ito dahil sa aking sinabi at nagpalinga-linga sa paligid. I sigh, like how was before
ISANG IGLAP nawala ang lahat. Sa paghahanap ng katotohanan nalalagay ang buhay ng isang tao sa panganib. Isang paghahangad na malaman ang katotohanan, ay may nagbuwis ng buhay para lang sa kaligtasan ng lahat. Isang pinakamagaling na detective sa aming grupo.Bang! Bang!Hindi pa nakontento ang salarin sa pagbaril ng isa kundi tinatlo pa niya. Uminit ang ulo ko saka binunot ang aking baril na nasa tagiliran ng aking bewang. Halos kaming lahat ay nakahanda na sa maaaring mangyari. Napadako ang aking tingin sa duguang bangkay ni 704.Hindi ko alam ang aking gagawin. Nagdadalawang isip ako kung ano ang aking uunahin. Ang duguang katawan ni 704, o, ang hanapin kung sino ang nagpaputok ng baril mula sa labas.Sa huli, napagdesisyunan kong isukbit muli ang aking baril sa bewang at lumapit sa katawan ni 704 na ngayo'y nag-aagaw buhay."Shit! This is not happening," I mumbled.
INIHATID NG ISA naming kasama na si 702, si Miss Jennifer sa burol ng Ama nito. Naiwan kaming apat sa mansyon. Hanggang ngayon hindi ko parin maiwasan ang mapa-isip ng malalim dahil sa mabilisang pangyayari ngayong gabi.Halos sasabog na ang ulo ko sa kakaisip ng dahilan at scenario na sasagot sa kasong ito. Kahit kailan hindi kami pumalpak at naisahan, ngayon lang ito nangyari. May mali. May mali sa lahat nang 'to. Iyon ang kailangan naming pag-aralan at pagtuonan ng pansin.Nagsimula na akong humakbang papunta sa aking kotse na nakaparada sa garahe ng magpamilyang Caline. Umismid ako nang sumunod sa 'kin ang aking nga kasamahan."Nasaan ang kotse niyo?" Tanong ko sa kanila."Nakisabay lang kami kanina kay 701. Pero dahil wala siya ngayon dito, sa'yo na kami sasabay," mabikisang sagot ni 706.Umiling ako saka pumasok na sa kotse ko. Wala na akong magagawa pa kundi hayaan na lamang silang pumasok sa kotse ko.Ta
PINAKATITIGAN KO ng mabuti ang litratong ibinigay sa akin ni Miona . “Anong meron dito?” taka kong tanong sa kaniya na siyang ikinataas niya ng tingin sa akin. Inilapag ko sa mesang nasa harapan namin ang litrato.Tumingin-tingin siya sa paligid bago niya sinagot ang aking tanong., “Di ba sinabi mo sa akin na kailangan mo mahanap ang totoong suspect na pumatay kay Mister Caline, iyan na iyon Laird. Makakatulong ang litratong iyan. Ayon sa aking source na nakuha, isa raw iyang matinding kalaban dati ni Mister Caline sa negosyo, at dahil nga naunang umunlad si Mister Caline. Poot at inggit ang nangibabaw sa puso ng kaibigang iyan ni Mister Caline.”Napahilot ako sa aking sintido dahil sa sinabing iyon ni Miona. Tinitigan ko siya ng masama. “Hindi mo kailangang gawin ito Miona, mapapahamak ka lang. Kung ayaw mong mapa-aga at mapa-bilis ang pagpapaalam mo rito sa mundo. Huwag kang gagawa ng mga bagay na ikap
"KUMAIN KA NA ANAK, ito na siguro ang kapalaran na ibinigay sa atin ng Diyos. Marapat lang nating tanggapin ng buong puso at ipagpasalamat sa kaniya.."Nasa hapag-kainan sila ngayong tatlo at nakaharap sa pagkaing nakahain sa kanilang mesa. Alas sais (6:00) na ng gabi. At masasabi ni Oddyseus sa sarili na ito ang kakaibang gabi para sa kaniya.Wala siyang maramdamang kakaiba sa kaniyang sarili kahit kabilugan ng buwan. Gaya nang dati na sumasakit ang kuba sa kaniyang likod sa t'wing ganitong oras at kabilugan ng buwan. Mag-iisang oras na rin at hindi parin nagpapakita sa kaniya ang diwata. Tulad ng sinabi nito sa kaniya kanina bago ito naglaho na parang bula sa kaniyang harapan.Napatingin siya sa kaniyang Amang si Romulos nang magsimula itong magsalita. Humihikbi na ito ng iyak tulad ng Inang Victoria niya."'Nay? 'Tay? Bakit kayo umiiyak?"Tumayo ang Ama niya saka lumapit sa kaniya. Bigl
PUMUNTA si Oddyseus sa kagubatan. Gusto niyang makausap ang diwatang sumumpa sa kaniya. At alam niyang oras na ng kabilugan ng buwan ngayon. Ang huling kabilugan ng buwan para sa kaniya na isinumpa.Ang huling araw kung saan ang pag-asang mawala sa kaniya ang sumpa. Pero malas niya dahil walang babaeng umibig sa kaniya kahit ni isa.Hanggang ngayon hindi parin mawala sa kaniyang isipan ang sinabi noong isang araw sa kaniya ni Olcea. Ang mga katagang 'mahal na yata kita'. Pagkatapos na sabihin sa kaniya niyon ni Olcea agad itong kumawala sa kaniya at nanakbo papalayo na walang paalam.Naiwan siyang tulala at takang-taka. Kahapon at ngayon ay patuloy parin siyang iniiwasan ni Olcea. Parang may nasabi itong mali kung kaya't hindi siya nito pinapansin ng buong maghapon sa loob ng kampus.Siyang ikinatuwa niya naman, dahil hindi narin siya nahihirapang iwasan pa si Olcea. Nakakatawa na napakasaki
HANGGANG NGAYON lutang na lutang parin si Oddyseus sa mga sinabi ni Olcea sa kaniya. Hindi niya alam kung nasa langit naba siya ngayon o andito parin ba siya sa lupa.Kasama niya ngayon si Olcea at hindi niya alam kung saan silang dalawa pupunta. Tapos narin ang klase nilang dalawa kung kaya't inaya siya nito na lumabas. Ayaw pa sana niya kaso nga lang nagpumilit ito kung kaya't wala na siyang nagawa pa, kundi ang sumama na lamang rito. Hindi niya rin kasi matiis ang babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso.Maraming mga bata sa lansangan ang kanilang nakakasalubong panay ang iwas ng mga ito sa kaniya sa tuwing siya ay dadaan. Napatingin siya kay Olcea at kahit anong emosyon wala siyang mabasa rito. Nakangiti ito ng malawak at hindi alintana ang mga mapang-usig na tingin ng mga tao sa kanilang dalawa.Parang sinasabi ni Olcea sa buong taong kanilang nakakasalubong na hindi siya nito ikinakahiya. Hindi niya alam pero napangiti
"ODDY, ANAK. Ano ang nangyayari sa'yo at ilang araw at gabi ka na lamang na naglulugmok diyan sa silid mo. May problema ka ba? Ikwento mo naman sa akin, baka matulungan kita, anak," pukaw sa kaniya ng Ina.Nakalugmok nga siya ngayon sa kaniyang silid at nakatanaw lamang sa kawalan. Inaalala niya ang itsura ni Olcea noong isang araw nang iwan niya ito.Puno ng pagtataka ang mukha nito at pagkalungkot. Gusto niya itong puntahan ngayon pero pinipigilan rin siya ng kaniyang kabilang isip. Kung gagawin niya iyon baka pagalitan na naman si Olcea ng ama nitong galit na galit sa kaniya.Sa halip na sagutin ang Inang Victoria niya hindi niya ito sinagot. Nagtalukbong na lamang siya ng kumot."Hindi ho ulit ako papasok ngayon, Ina. Masama parin ho ang pakiramdam ko," pagsisinungaling niya rito.Rinig niya ang malalim na paghinga nito. Ramdam niyang unti-unti itong lumakad patungo sa kaniyang kama. Ibinaba nito ang kumot na nakatalukbong sa kaniya
"BAKIT NGAYON ka lang, Olcea? Saan ka galing?" Bungad agad sa kaniya ng kaniyang Ama nang makarating siya sa kanilang bahay.Pagod na pagod siyang binalingan ito ng atensyon. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa tanong nito o maiinis. Ganito na lamang ba parati ang tanong na sasalubong sa kaniya? Hindi na niya makayanan pa."Ama, dumaan lang po kami ni Adeva sa isang kainan doon sa bayan kanina. Huwag po kayong mag-alala. Wala po sa aming nangyaring masama."Dumiretso siya sa kusina saka kumuha ng isang basong tubig mula sa refrigerator. Nilagok niya iyon ng sunod-sunod at hindi pinansin ang mga pinagsasabi ng kaniyang Ama."Alam kong nagsisinungaling ka, Olcea. Nagkita kami ni Connor kanina at sinabi niya sa akin ang patuloy na paglapit sa'yo ni Oddyseus, totoo ba iyon?"Inilapag niya sa mesa ang basong kaniyang ininuman saka tinitigan ang kaniyang ama na parang pagod na pagod. Pagod na pagod na talaga siya sa pagpapaintindi rito n
NANLALATA SI OLCEA habang pinagmamasdan ang likod ni Oddyseus na papalayo sa kaniya. Agad naman siyang inalalayan ng kaniyang kaibigang si Adeva nang bigla na lamang siyang nanghina.Hindi niya alam pero parang sinaksak ang kaniyang puso ng isang napakatalim na kutsilyo na siyang sumugat ng malalim sa kaniyang puso. Hindi narin niya namalayan ang pagtulo ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi.Agad naman siyang nilapitan ng kaniyang pinsan na si Adeva. Takang-taka ito habang nakatitig sa kaniya at pinapatahan siya sa pag-iyak."Oh? Bakit ka umiiyak diyan? Huwag mong sabihin na naa-apektuhan ka sa sinabi ng kubang 'yon, este ni Oddy?"Tinapunan niya ito ng masamang tingin nang marinig niya ang sinabi nitong Kuba. Ilang beses niya bang sabihin sa pinsan na Oddy ang itawag nito sa lalaki? Iyong hindi na panlalait ang lumalabas nito sa bibig."W-wala," wala sa mood niyang sagot rito habang pinipigalan na niyang hindi mapa-iyak.
"KANINA ka pa namin hinihintay, Oddy. Saan ka galing at ginabi ka ngayon?" Bungad sa kaniya ng Ina Victoria niya.Nolampasan niya ito saka siya umupo sa sofa na nasa kanilang bahay. Tinanggal niya ang kaniyang sapatos saka siya bumaling rito."Dumaan pa po kasi ako sa library kanina, Ina. Ginawa ko lang po iyong assignment ko," pagsisinungaling ulit niya rito.Rinig na rinig niya ang malakas na buntong hininga ng kaniyang Ina nang marinig ang kaniyang sinabi."Anak, huwag kang mahihiyang magsabi sa amin ng Itay mo kapag may problema ka ah? Sabihin mo sa akin, huwag kang mag dadalawang isip."Tumango siya saka hinawakan niya ang mga kamay nito saka siya ngumiti ng ubod tamis rito. "Pangako, Ina. Sasabihin ko ho agad sa inyo.""Mahal na mahal ka namin anak, kaya andito lang kami ng iyong Itay para sa'yo."Niyakap siya nito ng napaka-higpit. Lihim siyang napa
YUKONG-YUKO SI Oddyseus habang nasa loob sila ng cafeteria kasama sina Olcea at Adeva. Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanilang pwesto. Parang piniprito ang kaniyang pwet. Kanina pa niya gustong tumayo at tumakbo ngunit hindi niya magawa.Kasama niya si Olcea ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi niya alam kung paano siya napasama sa dalawa basta ang natatandaan na lamang niya ay hinila siya kanina sa hallway ni Olcea, saka dinala rito sa loob ng cafeteria. Kung saan pinagsisisihan niyang sumama.Kumakain ang dalawa ng spaghetti. Samantalang siya hindi manlang ginagalaw ang pagkain sa kaniyang plato."Oo nga pala, Oddy. Wala ka naman talagang lahing aswang 'di ba?" Biglang untag sa kaniya ni Adeva dahilan upang mawala ang malalim niyang pag-iisip.Bago pa man siya makasagot naunahan na siya ni Olcea. "Ano ka ba naman, insan. Maniniwala ka rin ba sa mga tsismis ng kababayan natin? At mapapaniwala sa mga kwento-kwento nila?"Napangit
HANGGANG NGAYON hindi parin makapaniwala si Oddyseus na kasama niya si Olcea at ang pinsan nitong si Adeva kahapon. Lutang na lutang parin ang isip niya hanggang ngayon. Nangyari nga ba ang kahapon? Nakasabay nga ba niya talaga si Olcea pauwi? Or nanaginip lang talaga siya?Pero napangisi siya ng ubod laki nang maalala niyang hindi pala siya nanaginip no'n. Totoo iyong nangyari, ang lahat ng nangyari.Kasalukuyan siyang nag-aalmusal ngayon at kasabay niya ang kaniyang mga magulang sa hapag-kainan.Hindi niya alam ang sasabihin sa mga ito ang tunay niyang nararamdaman. Baka mamaya sabihan lang siya ng mga ito na lumayo sa gulo. Lalo na't alam ng mga ito na delikado ang tatay ni Olcea.Ayaw niyang mangyari iyon. Alam niyang iniisip lang ng mga magulang niya ang kaniyang kapakanan pero hindi niya rin maiwasan ang bugso ng kaniyang damdamin para kay Olcea. Mahal na mahal niya ito simula pa noong bata pa