Share

Chapter 1

Author: Rae Aoki
last update Last Updated: 2021-09-02 13:02:03

NOTE: This is a work of fiction. Names, characters, places, business, locales and events that were stated here are purely from the author's imagination. Any similarities to a living person or thing is purely coincidental.

The story isn't affiliated to any living person or things, and universities that were stated.

Also, you might encounter some typographical or grammatical errors while reading the story. I would like to apologize if there are any errors. I'll edit this again once I'm finished writing it. Thank you so much for your understanding.

---

"Tryze! Oh my gosh, nandiyan ka lang pala," nagpaypay si Astrid gamit ang kamay niya nang makita niya ako rito sa garden ng campus. "May panyo ka ba riyan or tubig? Ang init, gosh!"

"Here." I handed her the water bottle na hindi ko pa naiinuman. Kaagad niya itong kinuha at uminom doon. Halos maubos na nga niya ang laman.

"Thanks," she said. I just nodded and looked at the trees.

Lunch break namin ngayon at wala naman akong masyadong gagawin kaya tumambay muna ako sa garden. Dalawang oras kasi ang lunch break namin kaya gusto kong magpalamig muna rito. Medyo mainit kasi ang panahon. Isa pa, tapos na akong kumain kaya rito muna ako tatambay.

Tumabi si Astrid sa akin at tumikhim. "Anyway," she looked at me before she utter a word. "I saw Clyde earlier..."

"Astrid," tinignan ko ito pabalik. Here we go again. "He's not cheating, okay? Maybe it's his friend lang..."

"Pero Tryze," napakamot ito sa kaniyang batok. "Bakit ba ayaw mong maniwala sa'kin? I'm your best friend! Totoo ang sinasabi ko, palagi ko talaga siyang nakikita na may kasamang babae. Please, huwag ka namang magpaka-martyr diyan..."

I sighed. "Hangga't hindi ko nakikita na niloloko niya ako, hindi ako maniniwala sa sabi-sabi niyo."

"Pa'no mo makikita kung ayaw mong sumama tuwing inaaya ka namin ni Yvex?" She rolled her eyes, getting pissed. "We're worried about you, okay? Look. Ayaw naming makialam sa inyo ni Clyde pero kung nakikita naming dalawa ni Yvex na niloloko ka na no'ng tao, we should make a move. Nagagalit na nga si Yvex kay Clyde dahil parang pinaglalaruan ka nalang... daw," she's very careful on the last sentence na binitawan niya.

I let out a heavy sigh. Hindi ito ang unang beses na narinig ko sa kanilang dalawa 'yan. Si Yvex, best friend niya si Clyde. Pero ang sabi niya sa'min ni Astrid noon, hindi niya itotolerate si Clyde kung may mali itong ginagawa. I salute him for being a good friend.

"Hoy, nandiyan lang pala kayo!" Lumapit si Yvex sa'ming dalawa ni Astrid at umupo sa tabi ng nobya niya.

Astrid smiled and kissed Yvex's chin. "Hi, love!"

"Kumusta ka?" Ayon ang tanong ni Yvex sa kaniya. Huminga ako ng malalim at napa-irap nalang sa kawalan. Naging close na kami ni Yvex dahil bukod sa kaibigan niya ang boyfriend ko, girlfriend niya ang kaibigan ko. Palagi akong third wheel sa kanila these past few days dahil palaging wala si Clyde.

Speaking of Clyde. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko at tinignan kung may chat ito. Napangiti ako nang makitang mayroon nga siyang chat.

Clyde: Hey, baby. Hindi ulit kita masusundo mamaya, overtime kami sa pagp-practice ng basketball. I'm sorry, babawi talaga ako sa susunod. Ily.

I swallowed the lump on my throat when I saw his message. Palagi niyang sinasabing babawi siya sa susunod... pero palagi ring napapako 'yon.

"Natahimik ka riyan?" Tinignan ako ni Yvex at tumingin saglit sa phone ko. "Ano? Sabihin mo lang kung sinaktan ka niyan ni Clyde, ah. Kahit kaibigan ko 'yan, babanatan ko talaga 'yan."

"Hoy, same!" Astrid flipped her hair. "I mean, medyo close naman kasi kami ni Clyde. So kapag sinaktan ka niyan, hahampasin ko siya ng tubo!"

"Gago. Makukulong ka niyan, tanda mo na, eh." Yvex laughed when she teased Astrid again. Paano ba naman, 18 na si Astrid samantalang si Yvex ay 17 palang. Pero birthday na niya next month.

Astrid rolled her eyes. "Ulol. Pwede ka na ring makulong next month."

"True," pang-aasar ko pa kay Yvex. Nagtawanan lang kaming tatlo at napa-iling-iling.

Nagtipa ako ng mensahe kay Clyde habang sila Yvex at Astrid ay nagkukwentuhan.

Beatryze: okay. take care. I love you.

"Kilala niyo si Gwen, 'di ba?" Tanong ni Yvex sa amin. Kaagad kong itinago ang phone ko sa bulsa ng palda ko. "'Yong kaklase ni Clyde. Kilala niyo?"

"'Yong maganda ba 'yon?" Tanong ni Astrid. "Na boyfriend 'yong... kaklase mo?"

"Oo!" Tumatawang sambit ni Yvex. "Alam niyo, medyo kaclose ko na rin si Kairus. Nagkukwento siya sa'kin na medyo dumidistansya na si Gwen sa kaniya."

"Ay, kagaya ba no'ng nararanasan ni Tryze ngayon?" Pagbibiro ni Astrid. Tumango si Yvex at nagsalita ulit.

"Ang cold na raw. Iniintindi lang ni Kairus dahil baka raw may problema si Gwen." Pagkukwento pa ni Yvex.

"Ang tsismoso mo talaga eh, 'no?" Pambabara ko sa kaniya. Tumawa naman silang dalawa sa sinabi ko.

We stayed there for a few more minutes bago bumalik sa kaniya-kaniya naming classroom. ABM ang strand ni Yvex habang HUMSS kaming dalawa ni Astrid. Plus, magkaklase pa kami.

"Malapit na pala pageant, 'no?" Sabi ni Astrid nang makaupo na kami sa upuan. Magkatabi kasi kaming dalawa kaya palagi talaga kaming nagchichikahan.

I looked at her. "Oo nga, eh. I wonder kung sino ang pambato ng strand natin."

Palagi kasing may pageant dito sa school namin. Pipili ng estudyante sa bawat strand bilang representative ng nasabing strand na iyon. Dalawa ang pipiliin sa isang strand dahil Grade 11 at 12 iyon, syempre.

"Sana tayo 'yong manalo for this school year!" Sabi ni Astrid. "TVL 'yong nanalo last year. Badtrip. Dapat tayong bumawi ngayon!"

"Malay mo manalo na tayo." Paniniguro ko sa kaniya. "Let's just hope na maayos 'yong pipiliin para sa strand natin."

"True. Pero kailan kaya 'yong pageant ng JHS? Gusto kong manood, eh." She giggled.

I shrugged. "Ewan ko lang."

Naputol ang usapan namin nang dumating ang teacher namin. Bumalik ang iba kong kaklase sa kanilang mga upuan at nanahimik na.

"Good afternoon, class." Mrs. Rodriguez, our teacher, greeted us.

"Good afternoon, Ma'am." Sabay-sabay naming bati.

Inilapag niya muna ang mga gamit niya sa table bago magsalita. "So, all of you knows that Binibini at Ginoong Kalikasan will happen within next 2 weeks, right?"

Nagsimulang maghiyawan ang mga kaklase ko nang marinig iyon. Pati tuloy ako ay naeexcite na! Iyon kasi ang name ng pageant sa school namin.

"The teachers decided na rito nalang pumili ng magiging representative for 12-HUMSS. Since kayo ang star section, other sections are rooting for us." Nakakapressure naman iyon. Pero sabagay, I heard may Q and A portion sa pageant. Talagang kailangan ng matalino para ro'n.

"Do you have any suggestions kung sino ang magiging representative ng strand niyo? Just raise your hand." Kinabahan ako sa sinabi ni Ma'am. Baka mantrip 'tong mga kaklase ko at kung sino-sino lang ang ituro.

Kaagad na nagtaas ng kamay si Vince, isa sa mga kaklase ko. "Ma'am! Si Beatryze nalang 'yong representative sa girls!"

Naghiyawan ang mga kaklase ko at gusto nilang ako ang maging representative. Ano raw? Bakit ako?! Ayoko, nakakapressure 'yan!

"Oo nga, Ma'am! Tapos si Vince ang representative sa boys!" Biglang sinigaw ni Astrid iyon. Sumang-ayon ang lahat at talagang gusto nilang kami ni Vince ang maging representative ng strand namin. Pahamak kasi 'tong si Vince! Pero ayos lang, kasi nadawit din siya.

"Gusto niyo ba, Beatryze at Vince?" Tanong ni Ma'am sa'ming dalawa. Hindi ko alam, nagdadalawang isip kasi ako. Ayaw ko namang ma-disappoint sila sa'kin.

Vince shrugged. "Ayos lang sa'kin, Ma'am. Ewan ko lang diyan kay Tryze."

"K-Kinakabahan po kasi ako, Ma'am..." Pag-amin ko sa kanila. I pursed my lips and sighed.

"Ano ka ba, Beatryze." Mrs. Rodriguez chuckled. "Suportado ka ng mga kaklase mo. Kayo ni Vince. I'm sure, lahat ng HUMSS Student ay nakasuporta sa inyo. Matalino ka naman, maganda... you're perfect for the pageant. Give it a shot."

Tinignan ko ang mga kaklase ko at hinihintay nila ang sagot ko. Tinignan ko rin si Astrid. "Go na. I'll support you," bulong nito sa akin at kinindatan ako.

Ewan... bahala na! "Uhm... ano pa po bang choice ko?" I chuckled. "Sige na nga po."

Nag-hiyawan muli ang mga kaklase ko nang marinig nila ang sinabi ko. Nag-discuss si Ma'am ng mga paalala for the pageant.

"Next 2 weeks ay introduction ng mga candidates. Hindi pa iyon finals, pero suportahan niyo sila Beatryze at Vince, okay? For the costume..." She paused for a bit. "Use some recyclable materials. About sa kalikasan ang theme ng pageant kaya ito ang gagawin natin. To advocate the youth that we should recycle because it can be used sa ibang paraan."

Tumango-tango ako at inalala ang mga sinasabi ng teacher namin. Ang biglaan no'ng pagpili nila ng candidates, pero go na 'yan. Introduction palang naman pala next week.

"By the way, you can use the remaining time para mag-meeting. May meeting ang teachers for the pageant so there's no lectures for the afternoon subject." Paalala ni Ma'am.

Napa-yes ang ilan kong kaklase at bakas sa mga mukha nila ang saya. Hay nako. Mga tamad talaga mag-aral.

"I have to go. Goodbye, class." We bid our goodbyes and then Axel, the classroom's president, went to the front.

Axel cleared his throat. "Wala munang gagamit ng phone. Makinig kayo. Sandali lang 'to. Xenia, isara mo 'yong pinto."

Tumikhim ako at umayos ng upo. Ayaw naming suwayin si Axel kasi iba 'yan magalit. That's why it suits him being the class president. He knows how to handle the class.

"Next week na ang pre-pageant. Kailangan nating paghandaan ang costume ni Tryze at Vince para sa finals." Panimula nito. "I suggest, we should split ourselves into two. Tutulungan natin silang gawin ang costume nila."

"Mag-aambagan ba?" Tanong bigla ng isa naming kaklase. Tumango naman si Axel.

"Kung kailangang mag-ambagan, mag-aambagan tayo." He simply said. "Kaklase natin ang magrerepresent ng strand natin. We should give our full support para sa kanilang dalawa. Right?"

Sumang-ayon ang lahat ng kaklase namin. "So, ano ba ang naiisip niyong concept para sa recycled costumes?"

I raised my hand to answer. "I suggest we should use some garbage bags or plastic bags. Pwede ring ang stand namin ni Vince for this pageant is to use properly those plastic bags at iwasan itong itapon kung saan because it will cause several dilemmas, such as, dirty rivers, pagbaha, at marami pang iba."

"You have a point," sambit ni Axel. "Hindi ako nagsisising ikaw ang tinuro ni Vince kanina."

Napalunok ako nang marinig iyon. Gosh, is this for real? Ako talaga 'yong candidate? Phew, I guess wala ng atrasan 'to.

"Anyway, she's right. Garbage bags and plastic bags will be our theme. May iba pa ba kayong suggestions?"

"Ako, meron!" Astrid raised her hand. "We should use plastic caps. Iyong takip ng bottled water, ha? Para may design iyong costume nila. We can also use straws, pero as a decoration lang para mas mapaganda 'yong costume."

"That's great." Axel smiled at her. "Bukas, kailangan may mga dala kayong plastic caps and straws. I suggest, iba-ibang kulay. Kung may mga plastic or garbage bags din kayo, dalhin niyo na para konti nalang ang ambagan."

Natapos din ang meeting a few minutes after. Natutuwa ako dahil ang supportive talaga nilang lahat. Binigyan pa 'ko ni Axel ng mga topics na rereviewhin ko para sa Q and A portion.

"Pwede na bang umuwi?" Tanong ko nang matapos ang meeting. Tumango si Astrid bago sumagot.

"Oo yata? Wala naman ng gagawin," kinuha nito ang lip tint sa bag niya at nag-lagay sa labi niya. Hawak niya ang compact mirror sa kabila niyang kamay, tinitignan kung maayos lang ba ang pagkakalagay niya no'ng liptint.

Nag-retouch na rin ako at inayos ang bag ko. Tinago ko na ang mga gamit ko sa dala kong bag. After that, I went home straight. Wala rin namang rason para manatili ako sa school dahil wala naman si Clyde.

It was just a plain, normal day. The next day, halos wala na 'kong naintindihan sa morning class namin dahil sa antok ko. Tinapos ko kasi kagabi 'yong mga tasks para sa school kaya kaunti lang ang oras ng tulog ko.

"Kain na tayo!" Sabi ni Astrid. Lunch na pala ngayon.

Tumango lamang ako sa kaniya at tumayo na. Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng message kay Clyde.

Beatryze: Hello, baby. Sasabay ka bang kumain sa'min?

Within a minute, he immediately replied.

Clyde: Opo. I'll fetch you there.

Napangiti ako nang sabihin niya iyon. Mabuti naman at kahit papaano, magkakaroon na kami ng oras para sa isa't-isa.

"Sasabay raw si Clyde," sabi ko kay Astrid nang makalabas kami sa hallway. Kumunot ang noo ni Astrid bago magsalita.

"Girl?" She rolled her eyes. "Ugh, as if may choice."

Huminga ako nang malalim bago magsalita. "Alam kong medyo may sama ka na ng loob kay Clyde, pero..." I paused for a bit.

"Oo na, girl," pinitik ni Astrid ang buhok niya nang sabihin ito. "Pasalamat ka mahal kita! Jusko, ang karupukan mo, sobra-sobra na."

Napanguso ako nang sabihin iyon ni Astrid. Maya-maya, dumating na sila Clyde at Yvex. Kaagad lumapit si Clyde sa akin at niyakap ako.

"Hey," he said in a husky voice. "I'm sorry, baby. Sobrang busy, eh. Ito lang ang vacant time ko."

"It's okay," I assured him. "Naiintindihan ko naman."

Nakita ko pa ang pasimpleng pag-irap ni Astrid kaya napa-iling ako dahil do'n. He's mad at Clyde, I know. Ano pa bang magagawa ko?

Clyde held my hand as we went to the cafeteria. Nang makarating kami ro'n, nakahanap kaagad kami ng table.

"Ako na oorder," sabi ni Clyde. "My treat."

Tumango na lamang kami at sinabi sa kaniya ang order namin. Pumila na ito kaya kaming tatlo ni Yvex at Astrid ang natira.

"Naiinis ako, putcha." Tinignan ni Astrid si Clyde. "Ewan ko ba! Basta kumukulo dugo ko kapag nakikita ko 'yan."

"Astrid, please?" I sighed heavily. "Ibigay mo na sa 'kin 'to..."

She let out a heavy sigh before she looked at me. "Oo na, oo na."

"Hayaan mo nalang muna si Tryze," sambit ni Yvex. "Baka naman hindi siya niloloko ni Clyde."

"Sigurado ako sa nakita ko," umirap si Astrid nang sabihin niya iyon. "Oras na makumpirma ko ang hinala ko, hindi niyo na mababago ang isip ko."

Dumating na si Clyde sa table kaya natahimik kaming tatlo. Inilapag na nito ang tray at kumain na kami.

Inihatid niya rin ako kaagad pabalik sa room nang matapos kaming kumain sa cafeteria dahil may gagawin pa raw siya.

Afternoon class was still the same. Nang matapos ang klase, kaagad akong nag-ayos ng gamit. Habang nagsusuklay ako ng buhok, lumapit sa'kin si Vince.

"May meeting daw tayong mga candidates." Napanguso ako dahil doon. Malas naman! Hay nako, pero as if may choice ako. Pumayag ako, eh!

"Hoy, may meeting daw kami. Una nalang kayo ni Yvex," sinabi ko iyon kay Astrid at tumayo na.

Napatingin ito sa'kin. "Huh? Hintayin ka na namin! Wala na naman si Clyde, eh." Umirap pa siya nang sabihin niya ang pangalan ni Clyde.

"Sira," I chuckled. "Hintayin niyo nalang ako sa waiting shed. Una na 'ko!"

Kinuha ko ang bag ko at sumabay kay Vince palabas ng room. "Sira ka! Bakit ako ang napagtripan mo, ha?" Pabiro ko pa itong sinapak sa balikat niya. Tumawa ito nang bahagya bago sumagot.

"Bakit?" Tumatawa niyang sambit. "It suits you. Saka nakarma rin naman ako, tangina. Ako napagtripan ni Astrid."

I laughed when he said those. "Ayan. Suggest pa more."

"Tangina nito, ah." Nagtawanan ulit kami nang magmura siya. Hindi naman kami medyo nag-uusap ni Vince or palaging magkadikit dahil may iba siyang circle of friends, pero komportable ako sa kaniya. Siguro ay dahil isa siya sa mga kaclose kong lalaki.

Sa isang classroom kami pumasok. Nandoon na rin ang ibang candidates. Umupo kami ni Vince sa bakanteng upuan. Syempre, magkatabi kami dahil wala naman kaming masyadong kakilala rito.

"May kulang pa ba?" Tanong ng isang teacher na nasa harap.

"STEM at ABM po, both grade 12," sambit no'ng estudyanteng nasa likod. Pakiramdam ko officer 'yon, hindi candidate.

"Let's just wait for them, then we'll start." Napanguso ako nang sabihin iyon. Sino kayang representative sa STEM at ABM? Parang imposibleng si Clyde ang maging representative dahil busy raw siya sa basketball. Si Yvex kaya? What if kakilala niya 'yong magiging representative sa strand nila?

Napatingin ako sa pintuan nang makita ang mga pumasok. My body froze as I saw that guy.

Si Clyde? Siya ang representative ng STEM?

Tinignan ko ang babaeng kasama niya. Siya 'yon... 'yong Gwen na sinasabi ni Yvex sa'min ni Astrid.

Napatingin ito sa direksyon ko at biglang namula. Tumingin ito sa malayo at naghanap ng mauupuan.

Pagak akong natawa. Akala ko ba busy siya sa basketball? Bakit sumali pa siya rito sa pageant? Ano 'to?

Tumingin ako sa pintuan at doon, kaagad na ibinungad sa'kin ang isang lalaki't babae. The guy's handsome, I admit. Maputi, matangkad, payat. He has dark brown eyes, makapal na kilay, pointed nose, red lips, and a perfect jawline. Clean cut din ang buhok nito.

Maganda rin naman ang kasama niya. May buhok na hanggang baywang, kagaya ko.

"Okay, we're now complete. So, let's start."

My mind was too pre-occupied. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi sa harapan. Bumalik lang ako sa sarili no'ng introduce ourselves na.

"Hoy, tayo na sunod." Napalingon ako kay Vince nang sabihin niya iyon. Tumayo kaming dalawa at pumunta sa harap upang magpakilala.

"Beatryze Elleie Zyneria." pagpapakilala ko sa aking sarili. "Grade 12 HUMSS-A."

"Vincent Deion Abriel." Pagpapakilala ni Vince sa sarili niya. "12 HUMSS-A."

Umupo na kami sa aming upuan. Tinignan ko ang susunod na magpapakilala ng kanilang sarili. Sila Clyde pala iyon.

"Clyde Eros Avier, 12 STEM-B." He casually said without looking at me.

"Gwyneth Yuri Aizon. 12 STEM-B." Pagpapakilala no'ng Gwen sa kaniyang sarili. Bumalik na rin sila sa kanilang upuan.

No'ng tumayo na 'yong lalaking tinignan ko kanina, he introduced himself. "Jaxen Kairus Zevoir. 12 ABM-A."

So, siya 'yong tinutukoy ni Yvex na boyfriend no'ng Gwen?

May mga bagay na sinabi sa'min sa pre-pageant. Magp-practice raw kami ng lakad at kung ano-ano pa. Hindi ko na masyadong naintindihan. Alam naman siguro ni Vince 'yon. Siya nalang tatanungin ko mamaya.

"We have a practice for tomorrow, after your class. That's all for today. Thank you for participating." Ako agad ang unang tumayo no'ng sinabi ang mga katagang iyon at naglakad palabas. Nanatili ako roon sa hallway, hinihintay si Clyde. I need an explanation for this.

"Sinong hinihintay mo? Si Clyde ba?" Tanong ni Vince nang makalabas siya.

I nodded. "Mauna ka na, Vince."

Nagpaalam na ito at naglakad paalis. Nang makalabas si Clyde sa room, kaagad ko siyang tinawag. Lumapit ito sa akin.

"Mag-usap tayo," sabi ko sa kaniya.

Kumunot ang noo nito. "Bakit ka kasama sa pageant?" Ayon ang una niyang tanong sa akin.

Pagak akong natawa at tumingin sa kaniya. "Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan. Akala ko ba busy ka sa basketball? Paanong nagkaroon ka pa ng oras na sumali rito?"

"Sagutin mo ang tanong ko," he held my wrist. "Bakit hindi ka nagpaalam sa'kin, ha? You should've tell me! Gagawa ka ng desisyon na hindi mo sinasabi sa'kin?"

Nasasaktan na ako sa pagkakahawak niya sa braso ko kaya nagpumiglas ako. "Clyde, ano ba! Ang lakas ng loob mong itanong sa'kin 'yan! Bakit? Sa'yo lang ba umiikot ang mundo ko, ha? Wala ba akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko? Putangina, ikaw nga 'tong puro basketball ang inaatupag pero hindi kita pinakikialaman dahil ayan ang gusto mo! Pero ako? Isusumbat mo 'to sa'kin, ha?"

Magsasalita pa sana ako pero naramdaman ko ang dampi ng kamay niya sa pisngi ko. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya sa'kin, muntik pa akong mapaupo sa sahig kung hindi niya pa ako hawak.

I tried to remain calm. Biglang namanhid ang buong katawan ko nang gawin niya iyon. Napalunok pa ako dahil sa ginawa niya, nanghihina at hindi na makatingin nang diretso sa kaniya.

"Clyde!" Sigaw ni Astrid ang umalingawngaw sa hallway. "Anong ginawa mo?!"

Tumakbo si Astrid at Yvex papalapit sa pwesto ko. "Ano ba, Clyde! Putangina, girlfriend mo 'yan! Hibang ka na ba?" Galit na sigaw ni Astrid. "Bitawan mo si Beatryze! Sinasabi ko sa'yo, kapag inulit mo pa 'to, hindi mo na siya malalapitan!"

Muntik nang suntukin ni Yvex si Clyde kung hindi pa siya hinawakan ni Astrid. Si Yvex mismo ang nagtanggal ng kamay ni Clyde na nakahawak sa braso ko.

"Nakakadiri ka." Ayon ang huling katagang binitawan ni Yvex bago nila ako alalayan palayo sa lugar na 'yon.

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa lugar na 'yon nang hindi umiiyak. My knees were trembling, mabuti nalang at inakay ako ni Astrid at Yvex.

"Buti nalang talaga bigla kong natripan na puntahan 'tong si Tryze!" Sambit ni Astrid habang naglalakad. "Tanginang Clyde 'yon. Tanga ba siya? Naiinis ako sa kaniya!"

Tumungo ako at doon nagsimulang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mabuti nalang at nasa parking lot na kami. Kaunti lang naman ang mga taong nandito ngayon.

"Hala," nataranta si Astrid nang makita ako. "Hoy, Tryze! Gagi, halika nga rito!"

She pulled me closer to her and hugged me tight. Si Yvex naman, hinahagod ang likod ko. "Nandito ako. Ilabas mo lang 'yan... nandito kami ni Yvex, okay?"

"A-Ang sakit, Astrid..." I said while sobbing. Inilagay ko pa ang kamay ko sa dibdib dahil halos manikip na ang dibdib ko kaiiyak. "Hindi ko na siya maintindihan. Ang sakit-sakit na ng pinaparanas niya sa'kin. Ito... 'yong unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay sa walang kwentang dahilan. Hirap na hirap na ako..."

"Shush," inaalo na nila ako. "Nandito kami, okay? Kung puro sakit nalang ang nararanasan mo sa kaniya, itigil mo na. It's not... healthy anymore."

Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak pero ako na ang unang kumalas sa pagkakayakap kay Astrid. "S-Sorry... nabasa ko yata 'yong uniform mo..."

"Okay lang, ano ka ba? Uniform lang 'yan- hala, namamaga pisngi mo..." Alalang tinignan nila Astrid at Yvex ang kaliwang pisngi ko.

"Gago, namumula." Hinalughog ni Yvex ang bag niya. "Wala akong pang-hot compress dito."

"O-Okay lang. Uuwi na rin naman." I assured them. "Malayo sa bituka, ano ba-"

"Miss Zyneria," a manly voice says. Napatigil ako at doon, nakita ko si Kairus, looking at me.

"P-Po?" Pinunasan ko pa ang luha sa pisngi ko gamit ang likod ng kamay ko.

Naglakad ito palapit sa'min at tumigil sa harap ko. He handed me a hot compress bag before he took a glance on my cheeks. "It's now yours."

I blinked for a moment at tinignan 'yong hot compress bag na binigay niya. "S-Salamat..." Nauutal kong sambit. He shook his head.

"Anytime," pagkasabi niya no'n, naglakad na siya paalis sa parking lot.

Related chapters

  • Requital of Agony   Chapter 2

    "Sigurado kang sa afternoon class ka papasok para sa pageant? Pwede namang hindi ka muna umattend... sasabihin nalang namin ni Yvex sa facilitators na masama pakiramdam mo," Iyon ang sinabi ni Astrid habang magka-video call kami. Recess kasi nila ngayon at tinawagan niya ako para kumustahin ako. I smiled a bit before answering. "Oo... ayoko namang unang practice, wala ako kaagad. Don't mind me, I'm... fine." "Anong maayos?" Sumilip si Yvex sa camera ng phone ni Astrid. "Nakita mo ba 'yong itsura mo kahapon? Sobrang maga 'yong pisngi mo! Magpahinga ka muna, Tryze. Maiintindihan 'yon ng mga teachers." Napatigil ako nang sabihin na naman ni Yvex 'yong nangyari kahapon. Buong gabi akong umiyak sa kwarto ko dahil sa nangyari. Hindi ko rin sinasagot ang mga calls at texts ni Clyde dahil sa nagawa niya. I don't know... what happened yesterday was too much. Sinampal niya ako sa harap ng maraming tao. Sobrang s

    Last Updated : 2021-10-02
  • Requital of Agony   Chapter 3

    "And pose! Ayan! Lakad na papunta sa backstage!" Nakahinga ako nang maluwag nang makarating ako sa backstage. Uminom muna ako ng tubig habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay ko. Ang init talaga! Hindi pa man din ako nakapagdala ng payong. "This will be our last practice for the upcoming pre-pageant. You did well, guys!" Sir Mark clapped his hands. "Alam niyo na naman siguro ang mangyayari sa pre-pageant, right? Paghandaan niyo ito. Goodluck! See you in Monday." Napangiti ako nang marinig iyon. Friday na at ito ang huli naming practice dahil sa monday na ang pre-pageant. Naeexcite ako na kinakabahan! I'm really hoping for the best. Nag-puyat ako kagabi para mag-review. "Uuwi ka na?" Tanong sa'kin ni Vince nang makalapit siya sa akin. Tinignan ko ito at tumango bago sumagot. "Oo. Bakit?" Napakamot ito sa kaniyang batok bago sumagot. "Hatid na kita, gusto mo? Medyo gabi na rin kasi." "Uhm, hindi na... magpapasundo nalang s

    Last Updated : 2021-10-03
  • Requital of Agony   Chapter 4

    "Tryze! Omg, goodluck mamaya!" Sambit niya nang makaupo ako. "Excited na ako! Gusto kong makita kung pa'no ka rumampa mamaya. Shems!" "Sira," I chuckled. "Nakita mo naman na tuwing practice namin." "Pero kahit na! Iba ka lumakad kapag naka-high heels! Super graceful and elegant tignan!" She complimented. "Baka lakad mo palang, umuwi na sila. Chos!" Napailing na lamang ako sa sinabi niya at tumungin sa paligid. Nakita ko bigla si Vince na katabi si Angelica. I laughed when I realized na hindi sila nag-uusap. Ang awkward nilang tignan. Was it because of Angelica's "goodluck kiss"? Maya-maya, pumasok na ang teacher namin. There's nothing special for this day. Mabilis na natapos ang morning class kaya naglunch kaagad kami. Pagkabalik namin sa room, may nag-aannounce roon na wala raw afternoon class dahil sa gaganaping pre-pageant. We decided na ayusin na ang buhok ko dahil matagal itong ayusin. Bukod sa hanggang baywang ko ito, sobrang kapal pa ni

    Last Updated : 2021-10-04
  • Requital of Agony   Chapter 5

    "Congratulations, anak!"Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, confetti kaagad ang bumungad sa akin. May mga handa rin sa dining area na hinala kong luto ni Mommy at Daddy."Nag-abala pa kayo, Mom, Dad," I smiled weakly. I tried to act normal. I should act normal. Mabuti at hindi halatang umiyak ako dahil alas-otso na ako umuwi.Mommy cupped my face. "Of course, sweetie! Kasali ka sa Top 10. We should celebrate it!"Pumunta na kami sa dining area. Si Daddy pa ang nag-lagay ng pagkain sa plato ko at syempre, mga paborito kong pagkain iyon."Kumain ka ng marami, Tryze. We cooked all of these," Dad smiled at me. "You did well earlier, anak.""Thank you po," nahihiya akong ngumiti at nagsimulang kumain.Habang nakain ako, pansin kong tingin nang tingin si Mommy sa'kin. "May dumi ba 'ko sa mukha, Mom?"She smiled before answering. "Wala. Are you okay, Tryze? Parang hindi ka masaya. Is there a problem?""Wala po..." Mahina k

    Last Updated : 2021-10-05
  • Requital of Agony   Chapter 6

    "Ayan! Maganda rin 'yan!"Astrid took a glance on the gold lace halter chiffon long gown. May mga sequins at diamonds ito sa bandang dibdib. May pudding na rin doon sa gown kaya hindi na kailangang mag-suot ng bra."Sukatin mo na," sabi ni Yvex. Tumango nalang ako at pinakuha 'yong gown sa nagbabantay ng shop at nagpunta sa fitting room.Sinamahan ako ni Astrid at Yvex sa pagpili ng susuotin kong long gown dahil nasa trabaho si Mommy. Ang sabi ni Mommy, pumili raw ako ng kahit ano sa mga gowns at siya na ang magbabayad. Kilala niya raw ang may-ari ng shop na ito.I glanced at myself in the mirror and smiled. Bagay sa'kin ang gown dahil maputi naman ako. Lumabas ako sa fitting room at pumunta sa pwesto nila Astrid at Yvex.I pursed my lips and held the side of my gown, showing it to the both of them. Astrid giggled before she utter a word."Bagay sa'yo!" Sabi niya. "You loo

    Last Updated : 2021-10-06
  • Requital of Agony   Chapter 7

    "Tignan mo, oh! Tapos na!" Astrid giggled when she said those. Tumingin ako sa costume ko at napangiti. Tapos na nga siya.Hinawakan ko ito bago sumagot. "Ang ganda," mangha kong sambit. Lumingon ako kila Angelica at Xenia na nasa likod ko. "Salamat sa inyo.""Wala 'yon! Mabuti nga at ngayon natapos kahit nagkaroon ng problema sa paggawa niyan. Medyo kinabahan pa kami habang tinatapos 'yan kanina kasi pageant na sa susunod na araw," mahabang paliwanag ni Angelica. "At least, tapos na! Mabuti nalang."Kinuha na namin iyong costume roon sa botique at umuwi na. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to dahil ito ang huling practice namin ni Vince. Balak kasi naming magpahinga nalang bukas para makakanta kami nang ayos sa Friday.Pagkauwi ko sa bahay, kumain muna ako dahil gutom na talaga ako. After that, I went to the bathroom and had a warm shower. I also did my skincare routine and went to my bed.Nags-scroll lang ako sa newsfeed ko sa Facebook nang bigla

    Last Updated : 2021-10-07
  • Requital of Agony   Chapter 8

    "Good afternoon, students of Avison International School!"The crowd were clapping and shouting when Venice, the emcee, said those. Nandito kaming lahat sa backstage, naka-line up na."And today, we will witness the final round for the Binibini and Ginoong Kalikasan. Excited na ba kayo?" Malakas na sumigaw ng 'yes' ang mga nanonood. "Hindi na namin patatagalin 'to. First, we will discuss the programme for this day."Yvex smiled before he utter a word. "First, the Top 10 will introduce themselves. After that, the talent portion will be held, followed by the their formal attire. Lastly, their costumes about advocating the youth to save our planet and the Q and A portion.""Let us welcome, our Top 10!"Nang sabihin 'yon ni Yvex, naglakad na kaming lahat palabas sa stage. Nag-line up kami horizontally at ang mga magpapakilala ay lalakad papunta roon sa harapan.

    Last Updated : 2021-10-08
  • Requital of Agony   Chapter 9

    "Bakit nagpasalamat si Kairus sa'yo sa speech niya?"Napatigil ako sa pag-kain nang itanong sa'kin ni Clyde 'yon. Nag-aya kasi itong kumain daw muna kami sa labas bago ako umuwi. Tulad nga ng sinabi niya, babawi raw siya.Natatawa nalang ako tuwing sinasabi niya 'yon, eh. Bakit pa ba siya babawi? Pwedeng-pwede naman silang mag-sama ni Gwen. Pagdikitin ko pa sila.Alam kong medyo tanga na ako sa part na nagpapanggap pa rin akong walang kaalam-alam sa ginagawa nila ni Gwen. Pero, malapit na. Malapit na 'kong bumitaw sa kaniya kasi kaya ko na. Humahanap lang ako ng timing."Palagi kasi kaming magkakasama nila Kairus, Astrid at Yvex mula no'ng start ng pageant," pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Tapos, tinutulungan ko rin si Kairus. Baka kaya siya nagpasalamat sa speech niya dahil do'n."Tumango-tango lamang ito at nagpatuloy na sa pag-kain niya. "Kumusta ka nga pala these past few weeks?"

    Last Updated : 2021-10-11

Latest chapter

  • Requital of Agony   Author's Note

    Requital of Agony has officially ended.Okay... long note ahead.First of all, I wanna thank those peeps who supported this story from the very beginning. To be honest, this novel has a lot of versions and I changed the names of characters a lot and wrote this story again and again 'cause I'm still searching for a good plot.Unfortunately, this plot suddenly came on my mind... and I decided to write it. Without any hesitations, I published the initial chapters and eventually, you guys liked it so I continued writing it.And honestly, in the midst of writing this novel, there were a few times that I'm hesitating on my skills. I don't have any experience upon finishing a novel so I doubted my skills. I almost tried not to finish this novel but... here I am, writing my farewell speech for ROA.Many people doubted my writing skills. I've received a few hatred comments throughout my journey upo

  • Requital of Agony   Epilogue (Part 2)

    "Oy, ikaw raw representative para sa Binibini at Ginoong Kalikasan."Napalingon ako kay Gianna nang sabihin niya iyon. "Ako? Bakit ako?""Aba, malay ko!" Gianna shrugged. "Kanina kasi, may teacher na tinawag 'yong ilan nating kaklase, nagtatanong kung sinong representative para sa section natin. Eh ikaw ang tinuro pati si Ashley."Tipid akong tumango. "Bahala kayo."Wala naman akong pakialam sa pageant na 'yan. Wala rin akong magagawa dahil no'ng tinanong kami ng adviser namin kung sigurado na ang representative, the whole class shouted yes."May practice raw ngayon para sa pre-pageant," tumango ako nang sabihin iyon ni Ashley. Kinuha ko ang bag ko at sabay na kaming pumunta sa isang room kung saan kami magp-practice.Hindi na ako nagulat nang makita ko si Gwen at Clyde na kasama sa participants ng strand nila. Alam ko namang gusto ni Gwen sa mga ganiyang pageant.

  • Requital of Agony   Epilogue (Part 1)

    "Babe, I'm really sorry, okay? As much as I want to go on our date, I really can't. I'm busy as of this moment."A heavy sigh came out on my lips when Gwen said those on our call. I expected this coming. Wala naman akong magawa dahil dumarami na ang school works namin kahit kasisimula palang ng school year."Alright," I shrugged. "Just take care of yourself... okay?""I will," she said. "I love you!""I love you too." Gwen hanged up the call after that.Napa-bugtong hininga na lamang ako bago pumasok sa room. Nakita ko sila Dave at Nico sa pwesto ni Yvex kaya naman lumapit ako roon."Ano, p're? Bakit ganiyan mukha mo?" Pang-aasar sa 'kin ni Dave. Inis ko itong tinignan at tinaas ang gitnang daliri ko.Malakas na tumawa si Nico nang makita ang reaksyon ko. These dipshits.Umupo na ako sa upuan ko at pinag-krus ang braso ko. Lunch break nami

  • Requital of Agony   Chapter 25

    "Last day na ng school, oh. Tara, open forum!"Nag-form kaagad ng circle ang mga kaklase namin sa gitna ng room dahil nasa gilid ang mga upuan. Ngayon na ang last day ng school namin at graduation na namin next week.A few months later, we'll be college students.I smiled a bit because of that. Ang bilis ng panahon... kung noon, hindi pa ako komportable sa mga kaklase ko dahil hindi ko pa sila lubusang kilala, ngayon, ayaw ko nang mapahiwalay sa kanila."Alam niyo naman na 'to, 'di ba? Sabihin niyo lang kung sinong kinaiinisan niyo or confession. Basta open forum!" Sabi ni Xenia. "Ikaw na ang mauna, Kurt.""Luh, ba't ako?" Depensa kaagad ni Kurt. "Ayoko! Si Paul nalang!"Kaagad na binatukan ni Paul si Kurt. "Putcha, dre! Nananahimik ako rito!"Napatingin ako kay Ymara dahil tumabi siya sa 'kin. "Hindi ba talaga aattend si Astrid sa graduation?" Kaagad niyang tanong.I swallowed the lump on my throat when Ymara asked those. Nag-

  • Requital of Agony   Chapter 24

    "Sa'n ka mamayang Christmas Eve?"Ayon ang tanong ko kay Yvex habang abala kami sa pamimili ng regalo rito sa mall. Nagpasama kasi si Yvex sa 'kin dahil gusto niya raw na bumili ng regalo para kay Astrid at sa family niya. Sinamahan ko nalang siya dahil bibili rin ako ng regalo.He shrugged before he utter a word. "Bahay namin. Doon din magpapasko sila Astrid kasama ang family niya," simple niyang sagot. "Ikaw? Kasama mo mamaya si Kairus?""Oo," simpleng sagot ko rin. Plano ko kasing ipakilala na si Kairus sa parents ko bilang boyfriend ko.Napahinto ako saglit nang makita ang isang kwintas. Justice scale ang pendant nito at alam kong pangarap ni Astrid ang maging judge. Pwede 'to sa kaniya."Yvex, oh," tinuro ko 'yong kwintas. "Bagay kay Astrid. I'm sure, magugustuhan niya 'yan."Tinignan ni Yvex ang kwintas at ngumiti. "Yeah... pakiramdam ko rin magugustuhan niya 'yan,"

  • Requital of Agony   Chapter 23

    "Ang ganda!"Hindi ko alam kung ilang oras na akong tumatakbo at tumatalon dahil sa sobrang excitement. Para akong bata! Pero sobrang ganda kasi rito sa Vigan. Ang daming makalumang bahay at may masasarap pang pagkain.Si Kairus naman, naka-sunod lang sa akin the whole time. Napapailing ito tuwing nakikita akong halos mag-wala na sa sobrang saya. Sorry naman, 'no! Ngayon lang kasi ako nakapunta rito sa Ilocos Sur dahil palagi lang akong nasa bahay."Alam mo ba 'yong sikat nilang bibingka rito?" Tanong ko kay Kairus. "Gusto ko no'n! Bili tayo no'n, please?"He sighed before he nodded. "Alright," hinawakan nito ang kamay ko at naglakad papunta sa tindahan ng mga bibingka. Medyo malapit lang kasi kami roon sa tindahan ng mga bibingka kaya mabilis lang kaming nakarating doon.Si Kairus na ang umorder ng bibingka. Limang box ang inorder niya at hindi ko alam kung paano namin 'yon mauubos dahil 12 pieces ng bibingka ang laman ng isang box. Hindi ko naman

  • Requital of Agony   Chapter 22

    "Anong plano mo sa sembreak niyo, anak?"I chewed slowly when my Mom asked. I smiled before I utter a word."Plano ko po sanang mag-vacation..." Mahina kong sambit.Mommy looked at me and answered. "Really? Ikaw lang ba? Ilang days?""Four days po," uminom ako ng tubig nang sabihin ko iyon.Tumango si Daddy at ngumiti. "Sige. Mag-iingat ka, anak. May pera ka ba?""Meron pa naman po. Ayon nalang ang gagamitin ko," ani ko.Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba sa kanilang kasama ko si Kairus at kaming dalawa lang ang magkasama. Baka kasi iba ang isipin nila! Knowing Mommy, bibigyan niya talaga ng malisya 'yon."Sino nga ulit ang kasama mo?" Tanong ni Mommy sa akin. Napalunok ako nang itanong niya 'yon. Sabi ko na, eh.I gulped. "Mga... kaibigan ko po."Hindi na nagsalita si Mommy pagkatapos no'n at nagpatuloy na lamang sa pag-kain. Phew, buti naman! Ayoko pang sabihin na boyfriend ko na si Kairus. Masyado pa kasing

  • Requital of Agony   Chapter 21

    "You're now 8 weeks pregnant. Congratulations."Napalunok ako sa sinabi ng doktora kay Astrid. Maging si Astrid ay nanlumo nang sinabi iyon no'ng doktora."Alam mo naman na ang routine. Huwag masyadong magpakastress at iwasan ang unhealthy habits," paliwanag pa ng doktora. "Kung magkaroon ng aberya, pumunta ka lang dito para ma-check kaagad natin."Astrid gulped. "S-Salamat po, Doc...""No problem," the doctor smiled. Tumayo na kami ni Astrid at lumabas sa room ng doctor.Napaupo si Astrid sa isang upuan dito sa ospital. Umupo ako sa tabi niya at hinagod ang likod niya."Buntis nga ako..." Pagak itong natawa nang sabihin niya iyon. "Tangina. Hindi ko alam ang gagawin ko."I cleared my throat, couldn't find the exact words to say. "Ipapalaglag mo ba 'yong bata o bubuhayin mo?" I carefully asked. "Anuman ang desisyon mo, susuportahan kita."Tumingala ito at ipinikit ang kaniyang mata. "Gusto kong buhayin 'to, Tryze..." Tumingin s

  • Requital of Agony   Chapter 20

    "Gusto ko nito! Libre mo ako, Tryze!"Napailing na lamang ako nang ituro ni Astrid iyong fish balls dito sa labas ng campus. Tumango na lamang ako at kumuha ng pera sa wallet ko."Manong, pabili po!" Masayang kumuha si Astrid ng stick at plastic cup doon at tumusok ng fishball. Kumuha na rin ako ng plastic cup at sticm dahil nagugutom ako.Tinignan ko ang plastic cup ni Astrid. "Magkano 'yan?" Tanong ko bago lagyan ng sauce 'yong pinili kong street foods."Twenty pesos lang, hehe," she smiled. Inabot ko sa tindero 'yong pera kong fifty pesos."Saka po dalawang palamig," sabi ko. Sumubo ako ng fishball habang hinihintay 'yong palamig.Astrid giggled while she's eating. Napailing na lamang ako sa inaasta niya. She's acting weird these past few weeks. Ewan ko ba sa babaeng 'to."Kaka-stress 'yong exam kanina!" Uminom ito ng palamig nang sabihin niya iyon. "Mabuti at natapos na natin 'yon ngayon. Jusme! Aatakihin yata ako kanina sa sobran

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status