"And pose! Ayan! Lakad na papunta sa backstage!"
Nakahinga ako nang maluwag nang makarating ako sa backstage. Uminom muna ako ng tubig habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay ko. Ang init talaga! Hindi pa man din ako nakapagdala ng payong.
"This will be our last practice for the upcoming pre-pageant. You did well, guys!" Sir Mark clapped his hands. "Alam niyo na naman siguro ang mangyayari sa pre-pageant, right? Paghandaan niyo ito. Goodluck! See you in Monday."
Napangiti ako nang marinig iyon. Friday na at ito ang huli naming practice dahil sa monday na ang pre-pageant. Naeexcite ako na kinakabahan! I'm really hoping for the best. Nag-puyat ako kagabi para mag-review.
"Uuwi ka na?" Tanong sa'kin ni Vince nang makalapit siya sa akin. Tinignan ko ito at tumango bago sumagot.
"Oo. Bakit?"
Napakamot ito sa kaniyang batok bago sumagot. "Hatid na kita, gusto mo? Medyo gabi na rin kasi."
"Uhm, hindi na... magpapasundo nalang siguro ako sa driver namin," I smiled. "Pero thank you! Uwi ka na. Gabi na, oh."
Pinauna ko na sila Astrid at Yvex na umuwi dahil gagabihin nga ako. Kaya magpapasundo nalang siguro ako sa driver namin.
"Sure ka?" He held my wrist. "Baka may mangyaring kung ano sa'yo."
Napailing nalang ako sa sinabi niya. "Ano ka ba, Vince. Kasama ko driver ko, walang mangyayari–"
"Beatryze!" Napatingin ako sa taong sumigaw ng pangalan ko. It was Clyde. Galit itong nakatingin sa akin at lumapit sa pwesto namin.
Napatingin ako sa kamay ni Vince na nasa braso ko. Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Vince sa akin at luminga sa paligid. Nakatingin ang mga representatives ng pageant kay Clyde.
He stopped nang makalapit sa pwesto ko at sarkasitong tumawa. "Kaya pala ayaw mo akong kausapin, dahil may iba kang kalandian." He clenched his jaw. "Mag-usap nga tayo."
Hinatak nito ang braso ko at mabilis na naglakad. Pinipilit ko itong bawiin dahil parang kinakaladkad na niya ako. "Clyde, ano ba! Nasasaktan ako! 'Wag ka ngang mag-eskandalo rito!"
"Mag-eskandalo?" Tumigil ito sa paglalakad kaya napatigil din ako. "Eh sino ba 'tong nakikipag-landian sa iba dahil lang kaaway niya 'yong 'boyfriend' niya?! Ikaw! Tangina!"
"Clyde, hindi ko siya nilalandi," hindi ko napansin na nandito na si Vince. "Gusto ko lang siyang ihatid dahil baka mamaya, sumulpot ka na naman at mas masahol pa ang gawin mo sa kaniya this time. At tingan mo nga naman, you're making a scene again."
Vince grinned when he said those. Dahil do'n, binitawan ako ni Clyde at lumapit kay Vince.
"'Wag kang makialam sa away naming dalawa, pre," maangas na sabi ni Clyde. "Kaibigan ka lang naman. Boyfriend niya 'ko."
"Talaga?" Vince smirked again and leaned closer to Clyde. "You mean, basurang boyfriend?"
Nanlaki ang mata ko nang biglang hinigit ni Clyde ang kwelyo ng polo ni Vince. "Bawiin mo 'yong sinabi mo! Putangina mo!"
"Clyde, ano ba!" Pumagitna ako sa kanilang dalawa at humarap kay Clyde. "Ano bang problema mo?! Palagi ka nalang gumagawa ng gulo sa harap ng maraming tao!"
"Wow, ako pa?" Tinuro niya ang kaniyang sarili. "Sinasamantala mo 'yong pagkakataong lumandi sa iba habang magkaaway tayo! Alam mo ang tawag sa'yo, ha? Malandi ka!"
Napatigil ako nang marinig sa kaniya 'yon. Did he just called me a... slut? Gano'n ba ang tingin niya sa akin? Mababang tao?
Naramdaman kong may namumuong luha sa mata ko kaya mariin akong napapikit at tumingin sa itaas upang hindi ito malaglag. I swallowed the lump on my throat before looking again on Clyde, ready to answer.
"Ask yourself first why am I avoiding you now," I said, eyes glued on him. "Sinaktan mo ako... pinahiya mo ako sa maraming tao. At ngayon, ginagawa mo na naman 'yon."
I clenched my jaw. "Bago mo ako sigawan ng ganiyan, ayusin mo muna 'yang mindset mo. Boys and girls can be friends without any romantic feelings. Ang utak mo ang may problema, Clyde. Hindi ako."
"Bawiin mo ang sinabi mo," matalim akong tinignan ni Clyde. "Bawiin mo!"
"Suspended ka, 'di ba?" Bigla akong napatingin sa nagsalita. It was Kairus. "Why are you here? One week ang suspension mo."
"Bakit ka rin nakikialam?" Tanong ni Clyde sa kaniya.
Kairus chuckled and went closer to us. "Hindi ako nakikialam. I'm just informing you. Pwedeng humaba ang suspension mo dahil sa paglabag mo."
Inis siyang tinignan ni Clyde. "Then, it's my problem. Not yours. Can you please, shut the fuck up?"
"If that's the case, then..." Lumapit si Kairus sa akin at nagsalita. "I'll just drive your girlfriend home."
"I can drive her home," mariin na sambit ni Clyde.
Kairus grinned. "I can drive my 'girlfriend' home, too. Kaya bakit mo hinatid si Gwen no'ng isang araw?"
Natahimik si Clyde nang sabihin iyon ni Kairus. Hinatid niya si Gwen? Paanong hinatid niya si Gwen pero ako... hindi na niya halos mabigyan ng oras dahil busy raw siya sa basketball?
"We're just friends," Clyde said casually. "Any problem with that?"
"Vince and Tryze are friends, too. Bakit binibigyan mo ng malisya?" Kairus fired back. Tumingin pa ito sa'ming dalawa ni Vince.
"Anyway," Kairus held my wrist. "I'll drive your girlfriend home. Walang tiwala ang mga tao sa'yo rito. Even your girlfriend doesn't trust you anymore dahil sa katarantaduhan mo."
"Sa'n mo dadalhin si Tryze–"
"Clyde," pinigilan ko siya sa sasabihin niya. "I need space. Please. Pagbigyan mo naman ako ngayon."
Natahimik ito sa sinabi ko at hindi na kumibo. Tumingin pa ako kay Vince at alangang ngumiti. Ngumiti rin ito at sumenyas na sumama na ako kay Kairus. Sumama nalang ako kay Kairus at naglakad papuntang parking lot.
Huminto kami sa isang kotse. Binuksan nito ang pinto para sa front seat at pinaupo ako roon. Nagpasalamat ako sa kaniya at nagsuot ng seatbelt. Umupo na rin ito sa driver's seat at kinabit ang seatbelt bago paandarin ang makina.
"Uhm," I cleared my throat. "Paano mo nalamang hinatid ni Clyde si... Gwen?"
"I was there," he simply said. "Pero... hindi nila alam na nandoon ako."
May kung anong bagay na ang tumatakbo sa isip ko. Hindi, Tryze. Hindi magloloko si Clyde. Kung ano-ano ang naiisip mo, kakaoverthink mo lang 'yan.
"Thank you, ha." Sabi ko. "Hindi ko alam kung ilang beses na 'kong nagpasalamat sa'yo pero, salamat talaga. I owe you a lot."
Ngumiti ito nang bahagya habang nagd-drive pa rin. "I told you, you got me. Anytime."
"Pero sa tingin mo ba..." I paused. "Tingin mo, niloloko ako ni Clyde?"
"Wala ako sa posisyon para sagutin 'yan," sabi nito. "Why don't you seek answers for yourself?"
He has a point. Hindi pwedeng magtanong lang ako ng opinyon sa iba. Kailangang ako mismo ang makakita.
Sinabi ko sa kaniya ang exact address ko at hinatid niya ako roon. It wasn't a long ride dahil malapit lang ang bahay namin sa school.
Pagkababa ko sa kotse niya, ngumiti ako sa kaniya. "Salamat talaga, Kairus. Babawi ako soon."
"No need," pigil nito sa akin. "Just be safe. That's the thing you can do as a payment for me."
With that, he instantly drove away. Napailing na lamang ako at pumasok sa bahay. Wala pala sila Mommy at Daddy. Mga kasambahay lang ang nandito.
Nagtungo muna ako sa kwarto para mag-shower. Nang matapos, I did my skincare routine and went downstairs to eat my dinner. Pagkatapos no'n ay nag-toothbrush ako at humiga sa aking kama.
I decided to click Clyde's message on messenger. Napailing na lamang ako at nagtipa ng sasabihin para sa kaniya.
Beatryze: Mag-usap tayo sa Monday, after ng pre-pageant.
Minutes later, he replied.
Clyde: Talaga? Thank you. I'm very sorry, baby. Sorry sa mga inasal ko these past few days. Babawi na talaga ako this time. Sana mapatawad mo ako.
Clyde: I love you.
Pinatay ko na ang phone ko at natulog na. Kinabukasan, pumunta sila Astrid at Yvex dito sa bahay dahil tutulungan daw nila akong mag-review.
Ikinuwento ko na rin sa kanila ang nangyari kagabi. I know, problema lang namin ni Clyde 'to pero ibang level na 'to, eh. Gusto ko lang siyang mailabas.
"Si Kairus mismo ang nagsabi no'n?!" Gulat na tanong ni Astrid bago kumain ng cookies na pina-bake ko sa kasambahay namin. Wala pa rin kasi sila Mommy at Daddy, baka nasa opisina pa. "Alam niya? Oh my gosh, I smell something fishy! Wala bang ikinukwento sa'yo si Kairus o Clyde, Yvex?"
"Wala, mahal," sagot ni Yvex kay Astrid. "Hindi na kami nag-usap ni Clyde mula no'ng sinaktan niya si Tryze. Ayaw ko siyang kausapin. Si Kairus naman, 'di 'yon mahilig mag-share sa mga kaibigan niya ng problema kahit gaano pa niya kaclose 'yong mga 'yon."
Uminom si Astrid ng orange juice bago humiga sa kama ko. Nandito kaming tatlo sa kwarto ko. "Ayokong mag-overthink, ayaw ko ring mag-judge pero what if may idea na si Kairus sa nangyayari pero ayaw niya lang magsabi dahil gusto niyang malaman mo muna kung anong nangyayari?"
Bigla kong naalala 'yong sinabi sa'kin ni Kairus kagabi habang nasa kotse kami.
"Why don't you seek answers for yourself?"
Napailing ako. Hindi. Baka coincidence lang. Imposible naman 'yon. Hindi ako magagawang lokohin ni Clyde. Nangako siya sa'kin...
"Alam mo Tryze, hindi masamang sundin ang instinct. Kung ayan ang paraan para masagot ang mga katangungan mo, go for it." Sabi ni Yvex.
Buong gabi kong pinag-isipan 'yon. Tama ba ang gagawin ko? Hindi ko alam. Bahala na.
Kinabukasan, pumunta kami ni Astrid sa bahay nila Axel dahil susukatan na raw ako para sa costume. Pagkarating namin sa bahay nila, nandoon na si Vince, Xenia at Angelica.
"Hi, Tryze!" Bati sa akin ni Angelica. "Alam kong marami kang iniisip ngayon, lalo na sa boyfriend mo. Pero focus ka bukas, ah? Goodluck!"
"Salamat," I smiled a bit. Pinaupo muna kami ni Axel sa sofa ng bahay nila.
Napakamot si Axel sa batok niya. "Wala 'yong parents ko, eh. Uh, magpapahanda muna ako ng meryenda sa kasambahay."
"Hala, 'wag na!" Angal ni Xenia. "Nakakahiya kaya. By the way, cookies sana ipahanda mo. Hehehe."
"Kapal talaga ng mukha mo, girl." Sambit ni Astrid kay Xenia. Nagtawanan kaming lahat sa inasta nila.
Nagpaalam si Axel na pupunta muna sa kusina nila. Kami naman, nag-usap usap muna.
"Galingan mo bukas, Tryze." Umupo si Vince sa tabi ko. "May tiwala kami sa'yo. Alam kong kaya mo 'yan."
I chuckled. "Kaya ko naman siguro. Sana kayanin."
"Sus, kaya mo 'yan! Ikaw pa ba?" Vince cheered me up. "Alam naming hindi kayo okay ni Clyde. Nandito naman kami para kahit papaano, gumaan ang pakiramdam mo."
"True!" Sabi ni Angelica. "Nandito lang kami!"
"Medyo nahihiya nga ako sa inyo, eh," pag-amin ko. "Kayo pa ang gumagawa ng costume imbis na ako. Sorry kung may obligasyon pa rin kayo kahit ako at si Vince lang naman ang candidate."
Binato ako ni Xenia ng papel na hawak niya bago magsalita. "Ano ka ba! Ito na nga lang ang bagay na maitutulong namin sa'yo. Alam naman naming pressured ka sa pageant, saka may problema pa kayo ni Clyde. This is the least thing we can do to help you. At least, nabawasan na mga aalalahanin mo."
I stopped myself from being too emotional. Pero sobrang nakaka-touch ang concern nila para sa akin. I'm lucky to have them as my friends and classmates. They're very supportive.
"Thank you talaga. Tutulong ako sa paggawa ng costume naming dalawa ni Vince kapag may time ako," I smiled at them. Niyakap naman nila ako at sinabing kakayanin ko ang mga problemang kinakaharap ko.
Nang makabalik si Axel, nagsimula nang mag-sukat si Angelica. Si Xenia naman, sinusulat ang mga sinasabi ni Angelica.
"Waist, 23." Sambit niya matapos sukatin ang baywang ko. "Ang sexy, ha! Sana all nalang."
I chuckled when she said those. Nagpatuloy pa sila sa pagsusukat sa amin ni Vince at nang matapos, kumain na kami ng cookies at brownies na inihanda ng kasambahay nila Axel.
"Sarap naman nito, Pres! Pwede bang dito nalang ako tumira?" Pagbibiro ni Astrid habang kumakain no'ng brownies. Uminom ito ng iced tea at nagsalita muli. "Mas masarap pa brownies dito kaysa roon sa bahay!"
"Gago, lagot ka sa nagluluto ng brownies niyo," pagbibiro rin ni Vince. Natawa nalang kami habang ako'y napailing. Nagpatuloy lang ako sa pag-kain ng brownies.
Napatigil ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Tinignan ko ang caller ID at si Mommy pala ito. Sumenyas ako sa kanila na may natawag at tumango lang sila.
"Hello, Mom? Bakit?" Bungad ko nang sagutin ko ang tawag.
"Hi, love!" Mom answered on the other line. "Sa Monday na raw ang pre-pageant niyo? Anong oras?"
I smiled. "Yes po. Bandang 3 in the afternoon, I guess. Will you come ba?"
"Of course! And I heard may costume raw kayo. Bakit hindi mo ako sinabihan? Sana ako nalang ang gumawa ng costume," sagot nito.
"Uhm, 'yong mga kaklase ko po kasi ang gagawa. Actually, sinusukatan na nga po ako ngayon."
"Oh," Mommy paused for a bit. "If kailangan niyo ng tulong, just tell me, anak. I will help as long as I can."
"Yes, Mom. Thank you," I cleared my throat. "I have to go na, Mom. Uuwi ka ba mamaya?"
"Uh-huh. Magl-leave ako sa trabaho para makapunta bukas. Isasama ko ang Daddy mo," she said. "I'll end the call na, love. Bye! Love you."
"I love you, Mom," and then, she hanged up the phone.
Tumingin ako sa kanila at nagsalita. "Kailangan niyo ba ng tutulong para sa costume? Pondo or something?"
"Ah, oo!" Napakamot si Angelica sa ulo niya gamit ang lapis. "Bale aabutin ng 300 to 500 ang gagastusin dahil glue stick ang gagamitin sa costume niyo."
"My mom can hire someone," I said. "She can help."
"Talaga?" Na-excite si Xenia nang sabihin ko iyon. "Pwede rin! Para mas maganda ang outcome. Malaking criteria ang costume!"
Axel nodded. "Yeah. It'll be a big help for us if a professional will guide us."
"Kaso parang nandadaya tayo," Astrid chuckled. "Oh well, wala namang sinabi na estudyante lang ang pwedeng gumawa ng costume. So, hindi tayo dapat kabahan! Tama!"
"I'll tell my mom about it," sabi ko sa kanila.
Angelica smiled. "Uwi na kaya kayo ni Vince? Kailangan niyong magpahinga! Bukas na ang pre-pageant, oh. Nakapag-review na ba kayo?"
"Yes, boss," pang-aasar ni Vince kay Angelica. "Wala bang goodluck kiss diyan para bukas? Dali," tinuro pa ni Vince ang pisngi niya.
Nagkantyawan kaming lahat dahil sa sinabi ni Vince. Si Astrid ay tumitili habang inaalog-alog ako. Si Axel naman, umiiling habang nakangisi. Si Vince naman ay nakangisi rin habang nakatingin kay Angelica habang si Xenia, pinipindot ang gilid ng baywang ng namumulang si Angelica.
"These fucking love birds," Axel slowly wagged his head. "Corny niyo."
"Wait lang! I'll get my phone, oh my gosh, ivivideo ko 'to!" Kinuha ni Astrid ang phone niya at nagtungo sa camera. "Pwede mo na siyang i-kiss, Ange! Yie!" Panunukso pa nito.
Angelica rolled her eyes while giggling. "'Wag kayong ganiyan! Tangina mo kasi, Vince." She cussed. "Gusto mo ng kiss? Magpakiss ka sa mama mo!"
"Ayaw. Gusto ko galing sa'yo," Vince pouted. "Dali na, kiss lang naman. Ang damot–"
Napatigil si Vince sa pagsasalita nang biglang lumapit sa kaniya si Angelica at hinalikan siya sa pisngi. He didn't move nor talk. Kahit nakabalik na sa upuan si Angelica, nanatili pa ring nakatulala si Vince.
"Okay na ba 'yan? Goodluck," Angelica said. Astrid bit her lower lips while she's still recording. She paused the video and screamed.
"Oh my gosh!" Kinikilig nitong sambit. "Buti na-video ko! Ako ang kinikilig sa inyo, eh!"
Xenia waved her hands in front of Vince's face. "Hoy? Buhay ka pa ba? Naaaninag mo ba kami?"
"H-Ha?" Nauutal na sambit ni Vince. "Ano, ah... u-una na ako."
Hindi na ito nagsalita at dire-diretsong kinuha ang gamit niya. "Alis na 'ko. Salamat, Axel. B-Bukas nalang."
Lumabas na si Vince sa bahay nila Axel. I smirked when I glanced on Angelica. She's smiling now.
"Wow, goodluck kiss," pang-aasar ni Axel kay Angelica.
Umuwi na rin kami after that incident. Hinatid ako ni Astrid sa bahay at umuwi rin kaagad pagkatapos dahil gabi na. Pagkatapak ko palang sa bahay, kaagad akong sinalubong nila Mommy at Daddy.
"Tryze! You're here!" Mommy kissed my cheeks. "I cooked for us. Have you eaten already?"
"Hindi pa po," I hugged the both of them. "I missed you, Mom, Dad."
Daddy caressed my hair. "We missed you too, Tryze. Ano? Kumain muna tayo. Marami tayong pag-uusapan."
We went to the dining area habang nagp-prepare ang mga kasambahay ng utensils. Nakahain na roon sa lamesa ang paborito kong chicken fillet. May kanin na rin at soft drinks.
Nang kumpleto na ang utensils, ako yata ang unang-unang kumuha ng kanin at ulam. Naglagay na rin ako ng soft drinks sa baso naming tatlo.
"How are you?" Tanong ni Mommy habang kumakain kami. Napatingin naman ako sa kanila bago sumagot.
"Ayos naman po," sambit ko. I'm fine, I guess? "Medyo kinakabahan po dahil bukas na iyong pre-pageant."
Daddy smiled before he utter a word. "Don't worry, sweetie. You got this. Is there everything you need?"
"Uhm, long gown po. I don't need a make up stylist, marunong naman po ako." I said.
"Are you sure, honey?" My mom asked. "This is a big event. Although pre-pageant palang bukas, you should look elegant."
"Opo. Kaya ko naman po," ngumiti ako sa kanila.
"Okay. We trust you," sabi ni Daddy. "Kumusta nga pala kayo ni Clyde?"
I chewed slowly when I heard those. Uminom ako ng soft drinks bago sumagot. "We're... fine."
"Hmm, I see," Dad doesn't look convinced. "Just tell us if you have problems. We're always here for you, anak."
Nang matapos kaming kumain, nagpaalam na sila na matutulog na. It's past 9 pm yet I'm still awake since I'm preparing my outfit for tomorrow. We will just wear white T-shirt and jeans para bukas, since pre-pageant palang naman. More on question and answer kasi ang gagawin para bukas at pagpapakilala sa sarili. Sa finals na ang long gown, costume, talent portion and of course, Q and A.
Hinanap ko ang silver kong stiletto dahil ayon ang isusuot ko bukas. Naghanap ako ng bag na paglalagyan ng mga gagamitin ko. Nagdala rin ako ng extra shirt at dinala ko ang mga pang-ayos ko tulad ng hair curler, make up kit, suklay at iba pa.
Since hindi siya kasya sa bag ko lahat, inilagay ko ang stiletto sa shoe box nito at naghanap ng paper bag. Ang paper bag from Prada lang ang nakita kong kasya sa shoe box kaya rito ko nalang siya inilagay. Inilagay ko rin ang hair curler ko roon sa paper bag.
Nag-shower ako pagkatapos at nag-skin care. After that, I doze off to sleep.
Nagising ako nang maaga kinabukasan dahil sa alarm ko. Around 4 am ako nagising dahil plano kong mag-jogging. 7 pa naman ang klase namin kaya marami pa akong oras.
Nag-suot ako ng leggings and sports bra. I tied my hair into a ponytail at nagsuot ng rubber shoes. Mamaya nalang ako pag-uwi kakain at maliligo.
Nag-warm up muna ako before I decided to jog. Wala pa masyadong tao ang gising at parang ako palang ang nagjojogging kaya mas natuwa ako dahil doon. Hindi ko kasi gusto kapag may mga kasama akong iba dahil hindi ako komportable.
Habang pabalik na ako sa bahay, nag-cool down na ako hanggang sa makabalik. Pagkapasok ko, gising na si Daddy at nagkakape na habang nagbabasa ng dyaryo.
"Good morning, Dad," I greeted. Ngumiti naman ito sa akin bago magsalita.
"Good morning. Ang aga mo yatang nagising?"
Tinanggal ko ang tali ng buhok ko at nagsalita. "Nag-jogging lang po." I smiled. "Aakyat po muna ako sa taas. Maliligo lang ako."
I went upstairs and decided to have a warm shower. Nang matapos, pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower at sinuklay ito. Nag-suot na rin ako ng school uniform ko at naglagay ng lip tint sa labi ko. Pumunta ako sa dining area para kumain ng almusal.
"Good morning, love," inilapag ni Mommy ang fried rice na hawak niya. "Let's eat!"
"Good morning din po," I greeted back. Umupo na ako at nagsandok ng fried rice. Kumuha rin ako ng bacon at hotdog at nagsimulang kumain.
Habang kumakain, sandali kong tinignan ang watch wrist ko. It's already 6:20. Marami pa namang oras ngunit binilisan ko na ang pag-kain ko.
"Pupunta kami ng Dad mo mamayang hapon sa school. Nandiyan na ba ang mga kailangan mo?" Tanong ni Mommy nang tumayo ako.
"Opo," I kissed the temple of their cheeks. "I have to go, Mom, Dad. Bye!"
"Good luck!" Pahabol na sigaw ni Daddy. Napangiti ako dahil doon.
Napagdesisyonan kong magpahatid nalang sa driver namin. Nakarating ako roon around 6:45 am dahil sa traffic. Mabilis akong naglakad papunta sa building namin.
"Hoy, teka," a baritone voice says. Tinignan ko kung sino ang nagsalita at ang pigura ni Axel ang bumungad sa akin. "Good morning, by the way."
"Good morning," I glanced on the paper bag that he's holding. May logo iyon ng Starbucks. "Breakfast mo 'yan?"
Nagsimula na siyang maglakad kaya naman sumunod ako sa kaniya. "Yeah. Did you eat your breakfast already?"
"Yes, Pres," sabi ko.
"Good," he smiled a bit. "Goodluck mamaya. Ang pagkakaalam ko, walang afternoon class. You have plenty of time para magprepare mamaya."
I sighed in relief. "Phew, buti naman! 'Di ba, alas-tres 'yong pre-pageant?"
He nodded. "Give your best shot, Beatryze." He winked at pumasok na sa room namin.
"Tryze! Omg, goodluck mamaya!" Sambit niya nang makaupo ako. "Excited na ako! Gusto kong makita kung pa'no ka rumampa mamaya. Shems!" "Sira," I chuckled. "Nakita mo naman na tuwing practice namin." "Pero kahit na! Iba ka lumakad kapag naka-high heels! Super graceful and elegant tignan!" She complimented. "Baka lakad mo palang, umuwi na sila. Chos!" Napailing na lamang ako sa sinabi niya at tumungin sa paligid. Nakita ko bigla si Vince na katabi si Angelica. I laughed when I realized na hindi sila nag-uusap. Ang awkward nilang tignan. Was it because of Angelica's "goodluck kiss"? Maya-maya, pumasok na ang teacher namin. There's nothing special for this day. Mabilis na natapos ang morning class kaya naglunch kaagad kami. Pagkabalik namin sa room, may nag-aannounce roon na wala raw afternoon class dahil sa gaganaping pre-pageant. We decided na ayusin na ang buhok ko dahil matagal itong ayusin. Bukod sa hanggang baywang ko ito, sobrang kapal pa ni
"Congratulations, anak!"Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, confetti kaagad ang bumungad sa akin. May mga handa rin sa dining area na hinala kong luto ni Mommy at Daddy."Nag-abala pa kayo, Mom, Dad," I smiled weakly. I tried to act normal. I should act normal. Mabuti at hindi halatang umiyak ako dahil alas-otso na ako umuwi.Mommy cupped my face. "Of course, sweetie! Kasali ka sa Top 10. We should celebrate it!"Pumunta na kami sa dining area. Si Daddy pa ang nag-lagay ng pagkain sa plato ko at syempre, mga paborito kong pagkain iyon."Kumain ka ng marami, Tryze. We cooked all of these," Dad smiled at me. "You did well earlier, anak.""Thank you po," nahihiya akong ngumiti at nagsimulang kumain.Habang nakain ako, pansin kong tingin nang tingin si Mommy sa'kin. "May dumi ba 'ko sa mukha, Mom?"She smiled before answering. "Wala. Are you okay, Tryze? Parang hindi ka masaya. Is there a problem?""Wala po..." Mahina k
"Ayan! Maganda rin 'yan!"Astrid took a glance on the gold lace halter chiffon long gown. May mga sequins at diamonds ito sa bandang dibdib. May pudding na rin doon sa gown kaya hindi na kailangang mag-suot ng bra."Sukatin mo na," sabi ni Yvex. Tumango nalang ako at pinakuha 'yong gown sa nagbabantay ng shop at nagpunta sa fitting room.Sinamahan ako ni Astrid at Yvex sa pagpili ng susuotin kong long gown dahil nasa trabaho si Mommy. Ang sabi ni Mommy, pumili raw ako ng kahit ano sa mga gowns at siya na ang magbabayad. Kilala niya raw ang may-ari ng shop na ito.I glanced at myself in the mirror and smiled. Bagay sa'kin ang gown dahil maputi naman ako. Lumabas ako sa fitting room at pumunta sa pwesto nila Astrid at Yvex.I pursed my lips and held the side of my gown, showing it to the both of them. Astrid giggled before she utter a word."Bagay sa'yo!" Sabi niya. "You loo
"Tignan mo, oh! Tapos na!" Astrid giggled when she said those. Tumingin ako sa costume ko at napangiti. Tapos na nga siya.Hinawakan ko ito bago sumagot. "Ang ganda," mangha kong sambit. Lumingon ako kila Angelica at Xenia na nasa likod ko. "Salamat sa inyo.""Wala 'yon! Mabuti nga at ngayon natapos kahit nagkaroon ng problema sa paggawa niyan. Medyo kinabahan pa kami habang tinatapos 'yan kanina kasi pageant na sa susunod na araw," mahabang paliwanag ni Angelica. "At least, tapos na! Mabuti nalang."Kinuha na namin iyong costume roon sa botique at umuwi na. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to dahil ito ang huling practice namin ni Vince. Balak kasi naming magpahinga nalang bukas para makakanta kami nang ayos sa Friday.Pagkauwi ko sa bahay, kumain muna ako dahil gutom na talaga ako. After that, I went to the bathroom and had a warm shower. I also did my skincare routine and went to my bed.Nags-scroll lang ako sa newsfeed ko sa Facebook nang bigla
"Good afternoon, students of Avison International School!"The crowd were clapping and shouting when Venice, the emcee, said those. Nandito kaming lahat sa backstage, naka-line up na."And today, we will witness the final round for the Binibini and Ginoong Kalikasan. Excited na ba kayo?" Malakas na sumigaw ng 'yes' ang mga nanonood. "Hindi na namin patatagalin 'to. First, we will discuss the programme for this day."Yvex smiled before he utter a word. "First, the Top 10 will introduce themselves. After that, the talent portion will be held, followed by the their formal attire. Lastly, their costumes about advocating the youth to save our planet and the Q and A portion.""Let us welcome, our Top 10!"Nang sabihin 'yon ni Yvex, naglakad na kaming lahat palabas sa stage. Nag-line up kami horizontally at ang mga magpapakilala ay lalakad papunta roon sa harapan.
"Bakit nagpasalamat si Kairus sa'yo sa speech niya?"Napatigil ako sa pag-kain nang itanong sa'kin ni Clyde 'yon. Nag-aya kasi itong kumain daw muna kami sa labas bago ako umuwi. Tulad nga ng sinabi niya, babawi raw siya.Natatawa nalang ako tuwing sinasabi niya 'yon, eh. Bakit pa ba siya babawi? Pwedeng-pwede naman silang mag-sama ni Gwen. Pagdikitin ko pa sila.Alam kong medyo tanga na ako sa part na nagpapanggap pa rin akong walang kaalam-alam sa ginagawa nila ni Gwen. Pero, malapit na. Malapit na 'kong bumitaw sa kaniya kasi kaya ko na. Humahanap lang ako ng timing."Palagi kasi kaming magkakasama nila Kairus, Astrid at Yvex mula no'ng start ng pageant," pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Tapos, tinutulungan ko rin si Kairus. Baka kaya siya nagpasalamat sa speech niya dahil do'n."Tumango-tango lamang ito at nagpatuloy na sa pag-kain niya. "Kumusta ka nga pala these past few weeks?"
"Alam mo na 'yong balita?"Napatingin ako kay Astrid habang nagsusulat ako sa notebook ko. Lecture kasi namin ngayon at bigla akong dinaldal nitong katabi ko."Hindi pa," sabi ko, nagsusulat pa rin. Bahagya itong lumapit sa akin at nagsalita."May nagpakalat no'ng video nila Gwen at Clyde sa Facebook," bulong nito. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. "May nag-post no'ng video nila habang naghahalikan sa VIP Room kahapon.""Patingin," Sambit ko.Sumilip ako sa bag niya dahil nandoon ang phone niya. Pumunta siya sa Facebook at doon, nakita ko ang sarili ko. Nakatalikod ako roon sa video habang kitang-kita si Clyde at Gwen na naghahalikan.I have no idea kung sino ang nagpakalat ng video. Sino ang nag-video no'n? Hindi naman ako kasi nakatalikod nga ako roon sa video. Hindi rin si Kairus, dahil kararating niya lang no'ng nandoon na ako sa VIP Room."Time na pala," sambit ng teacher namin. "Okay, class dismissed. Ipag
"Ano? Takas ka, Kurt? Bumalik ka rito! Magmemeeting, 'di ba?" Napanguso si Kurt at bumalik sa upuan niya nang sigawan siya ni Xenia. Lumabas si Axel sandali dahil pupunta raw muna siya sa restroom. Ang bilin niya sa amin, huwag aalis ang lahat ng nandito sa room dahil may meeting para sa gaganaping Foundation Day. Next week na pala 'yon. Kada section, may kaniya-kaniyang tasks. Either gagawa ng booth, games, magpeperform at marami pang iba. Nakakainis nga dahil booth ang napunta sa amin. Bukod sa kami ang mag-iisip ng gagawing booth, sa amin pa naka-assign iyon. "Balik!" Sigaw ulit ni Xenia nang may lalabas sana na kaklase namin. "Isara niyo nga 'yang pinto! Tangina, lahat ng uuwi isusumbong ko kay Ma'am!" Bilang si Xenia ang Vice President ng klase, siya muna ang pinagbantay ni Axel dito. Napasapo si Xenia sa kaniyang noo at huminga ng malalim. Maya-maya pa, biglang dumating si Axel kaya umayos ang klase. Tumayo si Axel sa harapan at tumikhim
Requital of Agony has officially ended.Okay... long note ahead.First of all, I wanna thank those peeps who supported this story from the very beginning. To be honest, this novel has a lot of versions and I changed the names of characters a lot and wrote this story again and again 'cause I'm still searching for a good plot.Unfortunately, this plot suddenly came on my mind... and I decided to write it. Without any hesitations, I published the initial chapters and eventually, you guys liked it so I continued writing it.And honestly, in the midst of writing this novel, there were a few times that I'm hesitating on my skills. I don't have any experience upon finishing a novel so I doubted my skills. I almost tried not to finish this novel but... here I am, writing my farewell speech for ROA.Many people doubted my writing skills. I've received a few hatred comments throughout my journey upo
"Oy, ikaw raw representative para sa Binibini at Ginoong Kalikasan."Napalingon ako kay Gianna nang sabihin niya iyon. "Ako? Bakit ako?""Aba, malay ko!" Gianna shrugged. "Kanina kasi, may teacher na tinawag 'yong ilan nating kaklase, nagtatanong kung sinong representative para sa section natin. Eh ikaw ang tinuro pati si Ashley."Tipid akong tumango. "Bahala kayo."Wala naman akong pakialam sa pageant na 'yan. Wala rin akong magagawa dahil no'ng tinanong kami ng adviser namin kung sigurado na ang representative, the whole class shouted yes."May practice raw ngayon para sa pre-pageant," tumango ako nang sabihin iyon ni Ashley. Kinuha ko ang bag ko at sabay na kaming pumunta sa isang room kung saan kami magp-practice.Hindi na ako nagulat nang makita ko si Gwen at Clyde na kasama sa participants ng strand nila. Alam ko namang gusto ni Gwen sa mga ganiyang pageant.
"Babe, I'm really sorry, okay? As much as I want to go on our date, I really can't. I'm busy as of this moment."A heavy sigh came out on my lips when Gwen said those on our call. I expected this coming. Wala naman akong magawa dahil dumarami na ang school works namin kahit kasisimula palang ng school year."Alright," I shrugged. "Just take care of yourself... okay?""I will," she said. "I love you!""I love you too." Gwen hanged up the call after that.Napa-bugtong hininga na lamang ako bago pumasok sa room. Nakita ko sila Dave at Nico sa pwesto ni Yvex kaya naman lumapit ako roon."Ano, p're? Bakit ganiyan mukha mo?" Pang-aasar sa 'kin ni Dave. Inis ko itong tinignan at tinaas ang gitnang daliri ko.Malakas na tumawa si Nico nang makita ang reaksyon ko. These dipshits.Umupo na ako sa upuan ko at pinag-krus ang braso ko. Lunch break nami
"Last day na ng school, oh. Tara, open forum!"Nag-form kaagad ng circle ang mga kaklase namin sa gitna ng room dahil nasa gilid ang mga upuan. Ngayon na ang last day ng school namin at graduation na namin next week.A few months later, we'll be college students.I smiled a bit because of that. Ang bilis ng panahon... kung noon, hindi pa ako komportable sa mga kaklase ko dahil hindi ko pa sila lubusang kilala, ngayon, ayaw ko nang mapahiwalay sa kanila."Alam niyo naman na 'to, 'di ba? Sabihin niyo lang kung sinong kinaiinisan niyo or confession. Basta open forum!" Sabi ni Xenia. "Ikaw na ang mauna, Kurt.""Luh, ba't ako?" Depensa kaagad ni Kurt. "Ayoko! Si Paul nalang!"Kaagad na binatukan ni Paul si Kurt. "Putcha, dre! Nananahimik ako rito!"Napatingin ako kay Ymara dahil tumabi siya sa 'kin. "Hindi ba talaga aattend si Astrid sa graduation?" Kaagad niyang tanong.I swallowed the lump on my throat when Ymara asked those. Nag-
"Sa'n ka mamayang Christmas Eve?"Ayon ang tanong ko kay Yvex habang abala kami sa pamimili ng regalo rito sa mall. Nagpasama kasi si Yvex sa 'kin dahil gusto niya raw na bumili ng regalo para kay Astrid at sa family niya. Sinamahan ko nalang siya dahil bibili rin ako ng regalo.He shrugged before he utter a word. "Bahay namin. Doon din magpapasko sila Astrid kasama ang family niya," simple niyang sagot. "Ikaw? Kasama mo mamaya si Kairus?""Oo," simpleng sagot ko rin. Plano ko kasing ipakilala na si Kairus sa parents ko bilang boyfriend ko.Napahinto ako saglit nang makita ang isang kwintas. Justice scale ang pendant nito at alam kong pangarap ni Astrid ang maging judge. Pwede 'to sa kaniya."Yvex, oh," tinuro ko 'yong kwintas. "Bagay kay Astrid. I'm sure, magugustuhan niya 'yan."Tinignan ni Yvex ang kwintas at ngumiti. "Yeah... pakiramdam ko rin magugustuhan niya 'yan,"
"Ang ganda!"Hindi ko alam kung ilang oras na akong tumatakbo at tumatalon dahil sa sobrang excitement. Para akong bata! Pero sobrang ganda kasi rito sa Vigan. Ang daming makalumang bahay at may masasarap pang pagkain.Si Kairus naman, naka-sunod lang sa akin the whole time. Napapailing ito tuwing nakikita akong halos mag-wala na sa sobrang saya. Sorry naman, 'no! Ngayon lang kasi ako nakapunta rito sa Ilocos Sur dahil palagi lang akong nasa bahay."Alam mo ba 'yong sikat nilang bibingka rito?" Tanong ko kay Kairus. "Gusto ko no'n! Bili tayo no'n, please?"He sighed before he nodded. "Alright," hinawakan nito ang kamay ko at naglakad papunta sa tindahan ng mga bibingka. Medyo malapit lang kasi kami roon sa tindahan ng mga bibingka kaya mabilis lang kaming nakarating doon.Si Kairus na ang umorder ng bibingka. Limang box ang inorder niya at hindi ko alam kung paano namin 'yon mauubos dahil 12 pieces ng bibingka ang laman ng isang box. Hindi ko naman
"Anong plano mo sa sembreak niyo, anak?"I chewed slowly when my Mom asked. I smiled before I utter a word."Plano ko po sanang mag-vacation..." Mahina kong sambit.Mommy looked at me and answered. "Really? Ikaw lang ba? Ilang days?""Four days po," uminom ako ng tubig nang sabihin ko iyon.Tumango si Daddy at ngumiti. "Sige. Mag-iingat ka, anak. May pera ka ba?""Meron pa naman po. Ayon nalang ang gagamitin ko," ani ko.Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba sa kanilang kasama ko si Kairus at kaming dalawa lang ang magkasama. Baka kasi iba ang isipin nila! Knowing Mommy, bibigyan niya talaga ng malisya 'yon."Sino nga ulit ang kasama mo?" Tanong ni Mommy sa akin. Napalunok ako nang itanong niya 'yon. Sabi ko na, eh.I gulped. "Mga... kaibigan ko po."Hindi na nagsalita si Mommy pagkatapos no'n at nagpatuloy na lamang sa pag-kain. Phew, buti naman! Ayoko pang sabihin na boyfriend ko na si Kairus. Masyado pa kasing
"You're now 8 weeks pregnant. Congratulations."Napalunok ako sa sinabi ng doktora kay Astrid. Maging si Astrid ay nanlumo nang sinabi iyon no'ng doktora."Alam mo naman na ang routine. Huwag masyadong magpakastress at iwasan ang unhealthy habits," paliwanag pa ng doktora. "Kung magkaroon ng aberya, pumunta ka lang dito para ma-check kaagad natin."Astrid gulped. "S-Salamat po, Doc...""No problem," the doctor smiled. Tumayo na kami ni Astrid at lumabas sa room ng doctor.Napaupo si Astrid sa isang upuan dito sa ospital. Umupo ako sa tabi niya at hinagod ang likod niya."Buntis nga ako..." Pagak itong natawa nang sabihin niya iyon. "Tangina. Hindi ko alam ang gagawin ko."I cleared my throat, couldn't find the exact words to say. "Ipapalaglag mo ba 'yong bata o bubuhayin mo?" I carefully asked. "Anuman ang desisyon mo, susuportahan kita."Tumingala ito at ipinikit ang kaniyang mata. "Gusto kong buhayin 'to, Tryze..." Tumingin s
"Gusto ko nito! Libre mo ako, Tryze!"Napailing na lamang ako nang ituro ni Astrid iyong fish balls dito sa labas ng campus. Tumango na lamang ako at kumuha ng pera sa wallet ko."Manong, pabili po!" Masayang kumuha si Astrid ng stick at plastic cup doon at tumusok ng fishball. Kumuha na rin ako ng plastic cup at sticm dahil nagugutom ako.Tinignan ko ang plastic cup ni Astrid. "Magkano 'yan?" Tanong ko bago lagyan ng sauce 'yong pinili kong street foods."Twenty pesos lang, hehe," she smiled. Inabot ko sa tindero 'yong pera kong fifty pesos."Saka po dalawang palamig," sabi ko. Sumubo ako ng fishball habang hinihintay 'yong palamig.Astrid giggled while she's eating. Napailing na lamang ako sa inaasta niya. She's acting weird these past few weeks. Ewan ko ba sa babaeng 'to."Kaka-stress 'yong exam kanina!" Uminom ito ng palamig nang sabihin niya iyon. "Mabuti at natapos na natin 'yon ngayon. Jusme! Aatakihin yata ako kanina sa sobran