Share

Chapter 7

Author: Rae Aoki
last update Last Updated: 2021-10-07 21:47:16

"Tignan mo, oh! Tapos na!" Astrid giggled when she said those. Tumingin ako sa costume ko at napangiti. Tapos na nga siya.

Hinawakan ko ito bago sumagot. "Ang ganda," mangha kong sambit. Lumingon ako kila Angelica at Xenia na nasa likod ko. "Salamat sa inyo."

"Wala 'yon! Mabuti nga at ngayon natapos kahit nagkaroon ng problema sa paggawa niyan. Medyo kinabahan pa kami habang tinatapos 'yan kanina kasi pageant na sa susunod na araw," mahabang paliwanag ni Angelica. "At least, tapos na! Mabuti nalang."

Kinuha na namin iyong costume roon sa botique at umuwi na. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to dahil ito ang huling practice namin ni Vince. Balak kasi naming magpahinga nalang bukas para makakanta kami nang ayos sa Friday.

Pagkauwi ko sa bahay, kumain muna ako dahil gutom na talaga ako. After that, I went to the bathroom and had a warm shower. I also did my skincare routine and went to my bed.

Nags-scroll lang ako sa newsfeed ko sa F******k nang biglang may mag-pop up na chat heads mula sa Messenger. Nakita ko ang profile picture ni Clyde sa chat heads kaya naman pinindot ko ito at binasa.

Clyde: gising ka pa, baby?

I almost rolled my eyes when he called me by the endearment 'baby'. 

Beatryze: yup. why?

Clyde: can I visit sa bahay niyo?

I arched a brow when I saw his message. Pupunta siya rito? Himala, nagkaroon pa siya ng oras para sa'kin. Akala ko kasi, ibubuhos niya nalang ang atensyon niya roon sa Gwen na 'yon.

Beatryze: 9 na, oh. masyado ng late. matulog ka nalang. pwede naman tayong magkita bukas.

Kung noon, ako ang nakikiusap sa kaniya na bisitahin ako sa mga panahong busy siya, ako na ang nagtutulak sa kaniya ngayon palayo. As time passes by, I'm slowly accepting the fact that he has an other girl.

Masakit, oo. Pero ano pa bang magagawa ko? Ilang linggo na akong iyak nang iyak nang malaman kong niloloko ako ni Clyde. Bawat gabi, tinatanong ko ang sarili ko kung ano bang nagawa kong mali. May kulang ba sa'kin? Ano ba ang 'di ko nabigay kay Clyde?

But then, I realized– wala sa'kin ang problema. Nasa kaniya. Hindi ako nagkulang sa kanila, sobra-sobra pa nga ang pagmamahal na binigay ko. Pero siya 'tong hindi nakuntento at naghanap pa rin ng iba.

Clyde: ayaw mo bang bumisita ako riyan?

Beatryze: hindi naman sa gano'n. my point is, pwede naman tayong magkita bukas sa school. huwag ka nang bumiyahe dahil bukod sa gabi na masyado, pagod din kasi ako ngayon dahil sa practice. 

Ako na ang nagtutulak sa kaniya palayo, dahil gusto kong kapag nakipag-hiwalay ako sa kaniya, hindi na masyadong masakit. Ayokong umiyak sa harap niya at magmakaawa na ayusin namin ang relasyon namin, dahil wala na 'yong pag-asa.

Clyde: okay. I'll see you tomorrow, then.

Clyde: goodnight, baby. I love you.

Kahit ang mga sweet gestures or messages niya sa'kin, hindi ko na pinaniniwalaan. Acting lang ba lahat ng ipinapakita niya? Kasi ang hirap nang maniwala sa sinasabi niya, eh. Lalo na't alam kong ginagago niya ako patalikod.

Beatryze: love u too

Pinatay ko ang phone ko matapos kong masend 'yon sa kaniya. Natulog rin ako kaagad pagkatapos no'n dahil sa pagod.

Kinabukasan, around 5:30 ng umaga ako nagising. Nag-warm shower ako ulit at pinatuyo ang buhok ko gamit ang blower dahil marami pa naman akong oras. I did my skincare routine too and wore my school uniform. I applied a lip tint on my lips and went downstairs, holding my backpack.

Nag-toast ako ng tinapay pagkababa ko dahil hindi naman ako gaano gutom. Nagtimpla na rin ako ng kape habang hinihintay ang tinotoast kong tinapay.

"Tryze, ako na riyan," nagmamadali si Ate Marie nang makitang ako ang gumagawa ng almusal ko. Isa siya sa mga katulong dito sa bahay.

I slowly wagged my head before I utter a word. "Ako na po, Ate. Kaya ko naman po."

Pinilit niya pa ako pero sa huli, hinayaan niya nalang ako dahil natapos ko na ang paghahalo sa kape. Umupo ako at inilapag sa countertop ang kape at toasted bread na ginawa ko. Nilagyan ko ng butter ang tinapay bago ko ito kainin.

Sumimsim ako sa aking kape bago magtipa ng mensahe kay Mommy.

To: Mommy

Hey Mom, good morning. Uuwi ba kayo ni Daddy mamaya or bukas?

Ang sabi kasi sa'kin nila Mommy at Daddy, uuwi raw sila dahil manonood sila ng pageant. Bukas na nga pala iyon! Naexcite tuloy ako.

Minutes later, tumunog ang phone ko. It was a text notification. Pinindot ko ito at binasa ang message.

From: Mommy

Yes, sweetie. Uuwi kami mamaya. Take care!

Inubos ko na ang kape ko at inilagay iyon sa kitchen sink. After that, nagpahatid ako sa driver namin papunta sa school.

I arrived just on time. Mabuti nga iyon dahil hindi na ako nagmadali papunta sa room. Nang makarating ako sa room, pagkaupo ko palang, dumating na ang teacher namin sa first subject. Hindi tuloy kami nagkaroon ni Astrid ng oras para mag-kwentuhan.

The class just went fast and smooth. Habang nag-aayos ako ng gamit ko, biglang nagsalita si Astrid.

"May gagawin ka ngayon?" Tanong niya sa akin. "Kain tayo sa labas! Libre kita. Masyado kang dull these past few weeks, eh. Ikain muna natin 'yang problema mo."

Napa-isip ako sa sinabi niya. Oo nga, pansin ko rin. Masyado akong problematic dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Maybe I need a break.

"Sige na nga," sabi ko. Balak ko sanang umuwi na, pero gusto ko ring makalimot muna sa mga iniisip kong problema.

Ngumiti ito at hinintay akong matapos sa pag-aayos ng gamit ko. Nang matapos, lumabas na kami sa room at naghintay sa hallway dahil pupunta raw si Yvex. Third wheel na naman ako.

"Pwede bang isama si Clyde?" Sabi ko habang kinukuha ang phone sa bulsa ko. Nang makuha ko ito, lumingon ako kay Astrid at nakakunot ang noo nito habang tinitignan ako. "Bakit?"

"Girl? Seryoso ka?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "I mean, kaya nga tayo aalis dahil sa lalaking 'yan tapos isasama mo pa. Gosh, bakit ba hindi mo pa hinihiwalayan 'yan."

"May plano na ako para riyan," napalunok ako nang sabihin iyon. "Wait lang, magpapaalam muna ako sa kaniya."

Nagtipa ako ng mensahe para kay Clyde. Hindi ko alam kung sasama 'to sa amin pero malakas ang pakiramdam kong hindi.

To: Cheater.

Aalis kami ni Astrid, kakain kami sa labas. Magkikita pa rin ba tayo? Do you want to come?

It took him a few minutes before he responded.

From: Cheater.

Hey, baby. Hindi eh, nag-aya kasi 'yong tropa ko na mag-inuman daw.

From: Cheater.

I'm sorry. Babawi nalang ako bukas sa pageant. I love you.

I rolled my eyes when I saw his message. Sabi ko na, eh. Gagawa na naman siya nang rason para 'di makasama.

To: Cheater.

Okay, baby. Have fun. I love you.

"Hoy!" Itinago na sa bulsa ang phone ko at lumingon sa pinagmulan ng sigaw. Lumapit si Yvex sa'min ni Astrid habang akbay-akbay si Kairus. "Isama natin 'to!"

Astrid smiled at Kairus. "Uy, hello!" Pagbati niya kay Kairus. "Tara, sama ka sa'min. Kakain kami, eh."

"Tama, hindi kasi sumipot si Gwen do'n sa garden kasi may emergency raw," pang-aasar ni Yvex kay Kairus. "Ano kayang emergency 'yon, Kai? Hmm?"

"Tangina mo," Kairus hissed. I chuckled because of that. Irita nitong inalis ang braso ni Yvex na naka-akbay sa balikat niya.

Mabuti naman at may isinama sila Astrid at Yvex. Nagsasawa na kaya akong maging third wheel sa kanilang dalawa! Nakakaumay, sobra.

Naglakad na kami papunta sa parking lot. Sumakay nalang ako sa kotse ni Kairus dahil ayon ang sabi ni Astrid at Yvex. Since ayaw ko ring maging third wheel, pumayag nalang ako.

"May tanong nga pala ako sa'yo," bigla akong nagsalita habang nagd-drive siya. Sinusundan niya lang ang kotse nila Yvex. "Bakit palagi kang nandoon sa tuwing nakikita kong magkasama sila Clyde at Gwen?"

Ang weird lang kasi. Ngayon ko lang din iyon naalala dahil kung saan-saan nalipad ang isip ko at naalala na naman iyon bigla.

"Palagi kong sinusundan si Gwen," sambit nito. "Sinusundan ko siya kapag sinasabi niya na may pupuntahan daw siya... tapos palagi kang nandoon."

I smirked when the said those. "Stalker ka pala, eh." Pang-aasar ko sa kaniya. Umiling-iling lang ito at nagpatuloy sa pagd-drive.

We arrived at a bread and pastry shop. May mga tables sa loob at sobrang aesthetic tignan ng ambience kahit na nasa labas palang kami.

Naunang pumasok sila Astrid at Yvex. Papasok na rin sana ako when suddenly, Kairus pushed the glass door, waiting for me to come inside. I smiled at him and walked inside.

Konti lang ang tao dahilan upang maging sobrang peaceful talaga ng lugar. May mga waiters na pupunta sa table kaya less hassle.

Two-storey rin ang shop nila at may mga tables sa ikalawang palapag. We decided na sa 2nd floor nalang umupo dahil mas natatanaw ang paligid doon lalo na't gawa sa salamin ang mga dingding.

Umupo kami sa table na para sa apat na tao. Syempre, magkatabi sina Astrid at Yvex kaya si Kairus ang katabi ko ngayon. Katapat ko naman si Astrid.

May waiter na lumapit sa amin at inabot ang menu para sa'ming apat. Ang sasarap naman no'ng nasa menu! Parang gusto ko nang piliin lahat, eh. Joke.

"Ako, chocolate cake and milk tea. Double dutch ang flavoe," sabi ni Astrid. "Sa inyo?"

Tumingin ulit si Yvex sa menu bago sumagot. "Caramel cake tapos iced coffee nalang ako."

"I'll have..." Kairus paused for a moment. "Chocolate mud cupcakes and an iced coffee, too."

Napanguso ako habang natingin pa rin sa menu. Wala talaga akong mapili! "Ano nalang... cheese cake at caramel frapuccino."

Tumango ang waiter at sinabing hintayin daw namin ang order. Tahimik lang ako habang nagdadaldalan silang tatlo. Wala lang ako sa mood magsalita. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Nga pala, bukas na 'yong finals. Goodluck sa inyo!" Astrid mentioned. "Naeexcite ako! Sino kaya ang bagong Binibini at Ginoong Kalikasan?"

"Pustahan tayo," ngumisi si Yvex nang sabihin iyon. "Ang pusta ko, si Tryze at Kairus ang magiging winner!"

"Puro ka kagaguhan," sabi ko sa kaniya. "Anong pustahan? Sa'n mo na naman 'yan natutunan?"

Tumawa ito nang marinig ang sinabi ko. "Sorry na nga, Nanay! Hindi na po, 'Nay!"

I rolled my eyes when he said those. Mas tumawa lang ito nang makita ang reaksyon ko.

"Kapag si Tryze at Kairus ang nanalo, magpapakulay ako ng buhok sa kili-kili," sabi ni Yvex.

Ngumiwi ako at binato siya ng tissue. "Ang bastos mo! Ang gago masyado."

"Bakit? Kapag nga nanalo kayo, eh!" Pagmamaktol nito. "Anong gusto mong kulayan ko? 'Yong buhok ko sa ibab–"

"Bastos mo, pre," Kairus made a disgusted look. Yvex pouted when he heard those. See? Parang bata.

Astrid chuckled. "Payag ka bang manalo si Tryze kaysa kay Gwen?" Tanong nito kay Kairus. "Tanong lang, ha! Walang pikunan, okay?"

"Of course," sambit ni Kairus. "I mean, if Tryze will be the winner tomorrow... I'm pretty sure she deserves it."

"Aba dapat lang, 'no!" Pinitik ni Astrid ang buhok niya. "Alam ko namang maganda at matalino ang girlfriend mo pero hindi ko matatanggap kung siya ang mananalo. The way she flirted with Tryze's boyfriend? God, the audacity!"

Napansin ni Astrid na nag-iba ang mukha ni Kairus kaya nagsalita ito ulit. "Hala, joke lang! Hoy, sorry. Joke lang talaga–"

"Okay lang. Don't be sorry," Kairus smiled a bit. "Besides, totoo naman. Kung kasali si Clyde ngayon at pasok siya sa Top 10, 'di rin ako papayag na manalo 'yon."

Natigil kami sa pag-uusap nang dumating na ang order namin. I giggled and took a slice on my cheesecake. Pagkatikim ko rito, halos mabulunan na ako dahil sa sobrang sarap no'ng cake. Gosh, babalik ulit ako rito! Ang sarap ng sliced cake nila.

I took a sip on my frapuccino dahil nabibilaukan na talaga ako. Mabilis kong naubos ang pagkain ko at ako ang pinaka-unang natapos sa kanila. Grabe naman, gano'n ba ako kasabik sa cheesecake?

Nang matapos kaming kumain, tinawag ni Astrid ang waiter upang kunin ang bill. Totoo nga ang sinabi niya kanina na siya ang magbabayad. Aba, himala.

Hindi na rin kami nagtagal doon dahil gusto nila Astrid at Yvex na magpahinga na kaming dalawa ni Kairus. Maaga pa raw kami bukas. 

"Para marami kayong energy tomorrow, duh?" Sabi ni Astrid. "Hatid ka na namin, Tryze."

"Ako na maghahatid sa kaniya," biglang sabi ni Kairus. Makahulugan kaming tinignan ni Astrid ngunit kaagad din siyang pumikit at itinaas ang dalawa niyang kamay sa ere.

"Masamang mag-ship ng dalawang taong may ibang jowa," paalala niya sa sarili niya. "Ishiship ko nalang kayong dalawa 'pag nakipag-break na kayo sa mga jowa niyo! Hahaha, mauna na kami ni Yvex. Ingat kayo!"

Napailing na lamang ako at kumaway sa kanila. Nagdrive na ito paalis. Kaming dalawa nalang ni Kairus ang naiwan dito sa parking lot.

"Tara na," he opened the door on the front seat. Sumakay ako roon at sumakay na rin ito sa driver's seat. Nang maikabit namin ang mga seatbelts namin, pinaandar na nito ang makina at nagdrive.

Napanguso ako nang maalala ang tingin ni Astrid kanina. Ang issue talaga ng babaeng 'yon! Napailing-iling na lamang ako at tumingin sa bintana. Hay nako. 

Medyo inaantok ako kaya naman umidlip ako sandali sa biyahe. Hindi ko alam kung gaano kahaba ang ibiniyahe namin, pero naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng tulog ko dahil may tumatapik sa pisngi ko.

"Tryze, nandito na tayo sa bahay niyo," dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at doon, nakita kong nasa tapat na nga kami ng bahay.

Bumaba na ako ng sasakyan. Binuksan niya ang salamin sa bintana ng kotse niya kaya naman nakita ko siya. "Salamat sa hatid," I smiled a bit.

Tumango ito bago sumagot. "No problem."

Ngumiti ako ulit at tumalikod na sa kaniya. Naglakad ako papunta sa gate pero kaagad ding napatigil nang marinig ang boses niya.

"Tryze." 

I looked at him, confused. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya. Naglakad pa ako palapit dahil baka may sasabihin siyang importante.

He smiled. "Goodluck bukas." 

I pursed my lips before I answered. "Goodluck din bukas." I said, eyes glued on him. "Ingat sa pagmamaneho."

He just nodded and closed his car window glass. In an instant, he drove away. Napailing na lamang ako at pumasok na sa bahay. Pagkapasok ko sa living room, nakita ko sina Mommy at Daddy na naka-upo sa sofa habang nag-uusap.

"Mom! Dad!" I ran and hugged them. "I missed you both!"

"We missed you too, anak," sabi ni Daddy. "Kumain ka na ba? Tara, sabay-sabay na tayong kumain."

The rest of the day was normal. We ate, did some chitchats, and asked me a lot of stuffs. Like, how's my school, am I doing well, am I okay now, and other matters.

Kapag nandito sila Mommy at Daddy, sobra 'yong sayang nararamdaman ko. As a only child tapos wala pa palagi ang parents, sobrang lungkot ng buhay kapag wala kang kasama sa bahay. Buong buhay ko, ganito ang set up namin. Pero never akong nagtampo sa kanila dahil alam kong ginagawa nila iyon para sa future namin.

I slept peacefully that night. The next morning, maaga akong gumising at naghanda para sa morning class. The event will start at 1 pm kaya wala kaming pasok sa hapon since para iyon sa pageant. School bag ko lang muna ang dinala ko ngayon. Uuwi nalang ako mamayang lunch para kunin ang gagamitin ko sa pageant. Nag-hire si Mommy ng make-up artist kaya baka rito na rin ako mag-make up.

Nagpahatid ako sa driver namin sa school. Pagkarating ko roon, tili agad ni Astrid ang narinig ko.

"Oh my gosh! Beatryze! Nandito ka na!" She giggled nang makaupo ako sa upuan ko. "Excited na ako mamaya! Sasama ako sa bahay niyo, ha. Doon na ako maglulunch."

"Sasama si Yvex?" Tanong ko sa kaniya. Gano'n naman kasi sila palagi. Kapag may pupuntahan si Astrid, nandoon si Yvex. Palaging magkasama, halos hindi na mapaghiwalay. Jusko.

Astrid pouted. "Host siya, eh. Mga 12 daw, kailangan nandoon na sila ni Venice sa stage."

Kumunot ang noo ko nang marinig iyon sa kaniya. "Venice? Sino 'yon?"

"Gaga ka!" Binatukan niya ako. "'Yong kasama ni Yvex na emcee last pre-pageant. Hindi mo alam 'yong pangalan?"

Ah, Venice pala pangalan no'n. I just shrugged. Tumahimik din ang klase dahil pumasok na ang teacher namin.

Mabilis na natapos ang morning class. Nagpasundo kami ni Astrid sa driver namin pauwi ng bahay. Pagkapasok namin doon sa bahay, boses kaagad ni Astrid ang umalingawngaw.

"Hi Tita, Tito!" She greeted. Ngumiti sila Mommy at Daddy kay Astrid.

"Hi, hija!" Mommy kissed Astrid's cheeks. "Mabuti at napadalaw ka. Ang tagal ka naming hindi nakita ng Tito mo."

Napakamot si Astrid sa kaniyang batok. "Oo nga po, eh. Busy po kasi masyado sa school."

"Oh, kumain na ba kayo?" Biglang tanong ni Daddy. "Kumain na kayo para maayusan na si Astrid. Ala-una ang event sa school niyo."

We went to the dining room. Marami nang nakahain na ulam doon. Umupo na kaming apat sa lamesa. Si Astrid ang katabi ko ngayon.

"Kumusta ka?" Tanong ni Mommy kay Astrid. "Kumuha na kayo ng pagkain. Huwag na kayong mahiya."

Natawa kami ni Astrid at kumuha na ng ulam at kanin. "Okay naman po ako! Stressed po, pero maganda pa rin," she joked.

Napa-iling si Daddy dahil doon ngunit tumawa ito. "Kumusta si Tryze sa school? Is she doing good?"

"Ay nako, opo!" Sabi ni Astrid bago sumubo ng kanin. Tahimik lang ako na kumakain habang nakikinig sa kanila. "Super active po sa acads pati sa events ng school. Kaya kasali po siya sa with honors, eh."

"That's good," Mommy smiled. "Nag-uusap pa rin ba sila ni Clyde?"

I swallowed the lump on my throat when my Mom said those. Alangan na ngumiti si Astrid bago sumagot. "Hindi na po masyado. Umiiwas po si Tryze sa kaniya, eh..."

Hindi na nag-bring up ng gano'ng topic sina Mommy at Daddy nang makita ang reaksyon ko. Ibang bagay nalang ang pinakwento nila kay Astrid.

Nang matapos kaming kumain, saktong dumating ang dalawang hair and make-up artist ko. Kaagad kaming dumiretso sa kwarto ko upang simulan ang pag-aayos sa akin.

The hair stylist tied the half of my hair into a french braid. Dalawang half braid ang ginawa niya. Samantalang ang natirang kalahati ng buhok ko ay inilugay niya lamang at kinulot ang dulo.

My make-up artist was busy doing my make-up. She did a smokey eyeshadow na ang kulay ay gold at brown. She also putted some eye liner, mascara and a false eyelashes. Drunk blush ang ginawa niya sa cheeks ko and for my lips, she chose the pink matte lipstick.

I also wore a gold dress that has a v-neckline. Backless din ito sa likod at may pudding na kaya hindi ko na kailangang mag-bra. Hindi naman ito ganoon kalalim pero medyo kita ang cleavage ko. It also has a glitters and diamonds. I paired it with a gold stiletto and a gold diamond necklace para hindi magmukhang bare ang dibdib ko. I also changed my earrings into a gold hoop earrings.

Dress lang ang sinuot ko dahil casual muna raw ang susuotin para sa introduction at talent portion. Dress daw muna ang suotin ng mga girls at ang boys, polo and black pants will do raw.

Lumabas na ako ng walk in closet ko at doon, nakita ko si Astrid na nakaupo sa kama ko. Nang makita niya ako, napangiti siya at pinaikot pa ako para makita niya ang likod ko.

"Ang ganda mo!" She exclaimed. "Seryoso, ang ganda mo talaga!"

Napangiti ako sa papuri niya. "Salamat, hoy."

Inabot pa kami ng ilang minuto roon sa kwarto dahil sa papuri niya sa akin. Kinuha ko na ang long gown ko habang siya, buhat-buhat iyong costume ko. Ingat na ingat pa kami sa pag-baba.

"Ako na, Ma'am," dalawang katulong ang kumuha no'ng hawak-hawak namin ni Astrid. Ibinigay nalang namin ito sa kanila at naglakad na papunta sa sala.

Nandoon na sila Mommy at Daddy, parehas na nakabihis. "You look stunning, anak!"

Lumapit pa si Mommy sa akin at hinawakan ang balikat ko. 

Ngumiti si Daddy. "Ang ganda mo, anak."

"Salamat po," ngumiti ako sa kanila.

Inilagay na iyong long gown ko at costume sa likod ng sasakyan ni Mommy at Daddy. Inilagay ko rin sa compartment ang extra na damit ko para sa talent portion pati na ang drum sticks. May nirentahan na pala sila Mommy na truck para roon ilagay 'yong drums ko dahil masyado itong malaki.

Sumakay si Daddy roon sa truck at si Mommy naman ang nag-drive ng kotse. Nasa likod kami parehas ni Astrid habang nag-uusap.

We arrived at the school around 12:50 in the afternoon. Pagkalabas ko palang ng kotse, maraming tao na ang nakatingin sa akin. Malamang, may drums na dala sila Daddy. Agaw pansin talaga.

"Bakit ba kasi pinadala mo pa 'to? May drums naman yata sa school," sabi ni Astrid habang naglalakad kami.

Umirap lamang ako bago sumagot. "Girl, hindi nila ako pinayagang gamitin ang drums ng school."

Mabilis kaming nakarating sa backstage at inilapag kaagad doon ang mga gamit ko. Iyong drums, inilagay muna sa kabilang room dahil masikip kung ilalagay siya rito sa backstage.

Isinampay ni Astrid 'yong long gown at costume ko dahil may hanger naman kaming dala. Hindi naman makikita 'yong costume ko dahil may bag itong pinaglalagyan.

"Hoy, Tryze!" Lumapit si Vince sa akin at ngumiti. He's wearing a blue polo paired with black jeans. "Ganda mo, ah!"

"Bolero, ah!" I joked. "Salamat."

"Ang blooming mo ngayon," pagbibiro ni Astrid. "Dahil ba 'yan sa goodluck kiss ni Angelica?"

Kaagad na namula si Vince dahil sa sinabi ni Astrid kaya naman tumawa kaming dalawa. Napailing lamang si Vince dahil doon.

"Hoy," a baritone voice says. Ngumiti si Axel sa akin bago magsalita. "You look beautiful."

"Thank you!" I smiled. "Pwede raw kayo sa backstage?"

"Iyong mga tutulong lang sa contestant," sabi nito. "Galingan mo mamaya, ah."

I chuckled. "Oo naman!"

Nagpaalam ito na pupuntahan daw muna si Vince. Nakita kong kausap na ni Astrid si Kairus. Napalingon tuloy ako sa paligid at hinanap si Gwen. Wala pa pala 'yon.

Napailing na lamang ako at lumapit kay Kairus. Tumingin si Astrid sa akin at ngumiti ito sa akin. Alam ko namang pang-asar ang ngiti niyang 'yon!

"Hey," Kairus said. I smiled at him.

He's wearing a white polo paired with black jeans. Ang simple ng porma niya pero... ang pogi niyang tignan do'n.

"You look gorgeous," he complimented. Ngumiti ako sa kaniya at sumagot.

"Thank you! Ang gwapo mo ngayon," sabi ko sa kaniya.

Tumingin si Astrid sa aming dalawa. "Okay? Sige, hangin ako." She rolled her eyes. "Charot. Hanapin ko muna bebe ko."

Kaagad itong umalis sa backstage. Natawa nalang ako sa inasta ni Astrid. Huminga ako nang malalim at tumingin kay Kairus.

"Kinakabahan ako," pag-amin ko kay Kairus. Tumingin ito sa akin pabalik at nagsalita.

"Don't be," he said, eyes glued on mine. "You got this."

I pouted. "Sana nga, 'no."

"Manalo ka man o hindi, we are proud of you," he tapped my shoulder. "I'll be always proud of you."

Related chapters

  • Requital of Agony   Chapter 8

    "Good afternoon, students of Avison International School!"The crowd were clapping and shouting when Venice, the emcee, said those. Nandito kaming lahat sa backstage, naka-line up na."And today, we will witness the final round for the Binibini and Ginoong Kalikasan. Excited na ba kayo?" Malakas na sumigaw ng 'yes' ang mga nanonood. "Hindi na namin patatagalin 'to. First, we will discuss the programme for this day."Yvex smiled before he utter a word. "First, the Top 10 will introduce themselves. After that, the talent portion will be held, followed by the their formal attire. Lastly, their costumes about advocating the youth to save our planet and the Q and A portion.""Let us welcome, our Top 10!"Nang sabihin 'yon ni Yvex, naglakad na kaming lahat palabas sa stage. Nag-line up kami horizontally at ang mga magpapakilala ay lalakad papunta roon sa harapan.

    Last Updated : 2021-10-08
  • Requital of Agony   Chapter 9

    "Bakit nagpasalamat si Kairus sa'yo sa speech niya?"Napatigil ako sa pag-kain nang itanong sa'kin ni Clyde 'yon. Nag-aya kasi itong kumain daw muna kami sa labas bago ako umuwi. Tulad nga ng sinabi niya, babawi raw siya.Natatawa nalang ako tuwing sinasabi niya 'yon, eh. Bakit pa ba siya babawi? Pwedeng-pwede naman silang mag-sama ni Gwen. Pagdikitin ko pa sila.Alam kong medyo tanga na ako sa part na nagpapanggap pa rin akong walang kaalam-alam sa ginagawa nila ni Gwen. Pero, malapit na. Malapit na 'kong bumitaw sa kaniya kasi kaya ko na. Humahanap lang ako ng timing."Palagi kasi kaming magkakasama nila Kairus, Astrid at Yvex mula no'ng start ng pageant," pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Tapos, tinutulungan ko rin si Kairus. Baka kaya siya nagpasalamat sa speech niya dahil do'n."Tumango-tango lamang ito at nagpatuloy na sa pag-kain niya. "Kumusta ka nga pala these past few weeks?"

    Last Updated : 2021-10-11
  • Requital of Agony   Chapter 10

    "Alam mo na 'yong balita?"Napatingin ako kay Astrid habang nagsusulat ako sa notebook ko. Lecture kasi namin ngayon at bigla akong dinaldal nitong katabi ko."Hindi pa," sabi ko, nagsusulat pa rin. Bahagya itong lumapit sa akin at nagsalita."May nagpakalat no'ng video nila Gwen at Clyde sa Facebook," bulong nito. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. "May nag-post no'ng video nila habang naghahalikan sa VIP Room kahapon.""Patingin," Sambit ko.Sumilip ako sa bag niya dahil nandoon ang phone niya. Pumunta siya sa Facebook at doon, nakita ko ang sarili ko. Nakatalikod ako roon sa video habang kitang-kita si Clyde at Gwen na naghahalikan.I have no idea kung sino ang nagpakalat ng video. Sino ang nag-video no'n? Hindi naman ako kasi nakatalikod nga ako roon sa video. Hindi rin si Kairus, dahil kararating niya lang no'ng nandoon na ako sa VIP Room."Time na pala," sambit ng teacher namin. "Okay, class dismissed. Ipag

    Last Updated : 2021-10-14
  • Requital of Agony   Chapter 11

    "Ano? Takas ka, Kurt? Bumalik ka rito! Magmemeeting, 'di ba?" Napanguso si Kurt at bumalik sa upuan niya nang sigawan siya ni Xenia. Lumabas si Axel sandali dahil pupunta raw muna siya sa restroom. Ang bilin niya sa amin, huwag aalis ang lahat ng nandito sa room dahil may meeting para sa gaganaping Foundation Day. Next week na pala 'yon. Kada section, may kaniya-kaniyang tasks. Either gagawa ng booth, games, magpeperform at marami pang iba. Nakakainis nga dahil booth ang napunta sa amin. Bukod sa kami ang mag-iisip ng gagawing booth, sa amin pa naka-assign iyon. "Balik!" Sigaw ulit ni Xenia nang may lalabas sana na kaklase namin. "Isara niyo nga 'yang pinto! Tangina, lahat ng uuwi isusumbong ko kay Ma'am!" Bilang si Xenia ang Vice President ng klase, siya muna ang pinagbantay ni Axel dito. Napasapo si Xenia sa kaniyang noo at huminga ng malalim. Maya-maya pa, biglang dumating si Axel kaya umayos ang klase. Tumayo si Axel sa harapan at tumikhim

    Last Updated : 2021-10-14
  • Requital of Agony   Chapter 12

    "Ano ba kasing nangyari kagabi?"Patuloy na kinukulit ni Astrid si Yvex habang kumakain kami sa isang fast food. Lunch break namin ngayon at inaya ko silang dalawa ni Astrid na sa labas ng school nalang kumain dahil baka makita ko na naman ang pagmumukha ni Gwen sa cafeteria.Ngumisi lamang si Yvex sa akin kaya napalunok ako dahil doon. Alam kaya ni Yvex 'yong nangyari kagabi? Kasi naiinis ako dahil natatandaan ko pa rin ang nangyari kagabi!Sobrang nagsisisi ako at halos isumpa ko na ang sarili ko kaninang umaga habang paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko 'yon. I just kissed Kairus... and it's because of the alcohol! Fuck alcohol!"Wala!" Ngumiti ito at uminom ng juice habang makahulugan pa ring nakatingin sa akin. "Okay na ba pakiramdam niyo nitong ni Astrid? Hindi na kayo nahihilo?""Ayos naman na ang pakiramdam ko," sambit ko. Tumingin ako kay Astrid na nakahawak sa kaniyang noo.Napadaing ito sa sakit bago sumagot. "Tangina, ang s

    Last Updated : 2021-10-15
  • Requital of Agony   Chapter 13

    "Asan na ba 'yon..."Napangiti ako nang makita ang isa pang white na off-shoulder dress. Kaagad ko itong kinuha at itinupi upang ilagay sa malaking paper bag. Pito lang ang nahanap kong white dress na hindi ko na masyadong nagagamit pero okay na rin naman 'to dahil isa-isa namang papapasukin ang ikakasal. Choices lang ito kung ano ang gusto nilang piliin na kanilang susuotin.Nang matapos sa paghahanap, pinatuyo ko na ang buhok ko gamit ang blower. I tied my hair into a high ponytail. I also did some skin care routine and putted some powder on my skin. I applied mascara and lip tint just for me not to look pale. After that, I went to my walk in closet to pick my outfit for this day.Pwedeng mag-suot ng kahit anong kulay ng shirt kaya I wore a pink T-shirt paired with high waist denim jeans. Bawal mag-suot ng revealing or hindi naaayon sa dress code kaya hindi ako makapag-crop top ngayon. Tinuck-in ko ang shirt sa loob ng jeans and putted a silver belt upang hind

    Last Updated : 2021-10-29
  • Requital of Agony   Chapter 14

    "Magdikit kayo! Dali, smile na!"Lumapit si Kairus sa akin at napailing sa sinabi ni Astrid. Hinawakan ko ang bouquet at ngumiti sa camera."Smile!" Kairus immediately wrapped his arms on my shoulder. I pursed my lips and just smiled on the camera. Muntik pa akong mapapikit dahil sa flash no'ng camera na hawak ni Astrid.We did a few more poses at sumama na iyong mga kasama sa nangyaring kasal dito sa wedding booth ngayon. Pagkatapos no'n, pinahagis pa nila sa akin iyong bulaklak at si Angelica ang nakasalo no'n."Pa'no ba 'yan, ikakasal ka talaga..." Vince paused for a bit. "Sa'kin."Napa-iling nalang ako at nagpalit ng damit sa fitting room. Sinuot ko ulit ang pink T-shirt ko at high waist denim jeans. Pati ang rubber shoes at belt ko ay isinuot ko at kinuha ko ang shoulder bag ko na naroon.Nang makalabas ako, may hawak-hawak ng papel si Kairus. Lumapit ito sa akin at ipinakita 'yong papel. Marriage certificate pala 'yon."Pa'no ba

    Last Updated : 2021-10-29
  • Requital of Agony   Chapter 15

    "Nakakapagod mag-ikot, ha!" Umupo si Astrid sa isang bench at uminom ng tubig. Last day na ngayon ng Foundation Day kaya naman halos puntahan na namin lahat ng booths at stalls. Nagpaypay si Ymara. "Nasaan ba sila Angelica? Bakit nawawala?" "Ewan ko," umupo ako sa bench katabi ni Astrid nang sabihin iyon. "Nagkawatak-watak tayo after lumabas sa Horror Booth, eh." Pumunta ulit kami sa Horror Booth kanina at hindi ko maintindihan kung bakit mas nakakatakot 'to ngayong last day. Si Astrid nga, umiyak na tapos umupo sa isang sahig doon, gusto nang umalis. Tuwing naaalala ko ang nangyari kanina, napapailing nalang ako, eh. "Chat nalang natin tapos sabihin natin na magkita-kita sa– gago, ano 'to?" Napatigil si Ymara nang sabihin iyon dahil may nag-posas sa kaniya. Nanlaki ang mata naming lahat nang may mag-posas din sa amin. "Jail booth," sambit no'ng SSG Officer. "Lahat n

    Last Updated : 2021-10-29

Latest chapter

  • Requital of Agony   Author's Note

    Requital of Agony has officially ended.Okay... long note ahead.First of all, I wanna thank those peeps who supported this story from the very beginning. To be honest, this novel has a lot of versions and I changed the names of characters a lot and wrote this story again and again 'cause I'm still searching for a good plot.Unfortunately, this plot suddenly came on my mind... and I decided to write it. Without any hesitations, I published the initial chapters and eventually, you guys liked it so I continued writing it.And honestly, in the midst of writing this novel, there were a few times that I'm hesitating on my skills. I don't have any experience upon finishing a novel so I doubted my skills. I almost tried not to finish this novel but... here I am, writing my farewell speech for ROA.Many people doubted my writing skills. I've received a few hatred comments throughout my journey upo

  • Requital of Agony   Epilogue (Part 2)

    "Oy, ikaw raw representative para sa Binibini at Ginoong Kalikasan."Napalingon ako kay Gianna nang sabihin niya iyon. "Ako? Bakit ako?""Aba, malay ko!" Gianna shrugged. "Kanina kasi, may teacher na tinawag 'yong ilan nating kaklase, nagtatanong kung sinong representative para sa section natin. Eh ikaw ang tinuro pati si Ashley."Tipid akong tumango. "Bahala kayo."Wala naman akong pakialam sa pageant na 'yan. Wala rin akong magagawa dahil no'ng tinanong kami ng adviser namin kung sigurado na ang representative, the whole class shouted yes."May practice raw ngayon para sa pre-pageant," tumango ako nang sabihin iyon ni Ashley. Kinuha ko ang bag ko at sabay na kaming pumunta sa isang room kung saan kami magp-practice.Hindi na ako nagulat nang makita ko si Gwen at Clyde na kasama sa participants ng strand nila. Alam ko namang gusto ni Gwen sa mga ganiyang pageant.

  • Requital of Agony   Epilogue (Part 1)

    "Babe, I'm really sorry, okay? As much as I want to go on our date, I really can't. I'm busy as of this moment."A heavy sigh came out on my lips when Gwen said those on our call. I expected this coming. Wala naman akong magawa dahil dumarami na ang school works namin kahit kasisimula palang ng school year."Alright," I shrugged. "Just take care of yourself... okay?""I will," she said. "I love you!""I love you too." Gwen hanged up the call after that.Napa-bugtong hininga na lamang ako bago pumasok sa room. Nakita ko sila Dave at Nico sa pwesto ni Yvex kaya naman lumapit ako roon."Ano, p're? Bakit ganiyan mukha mo?" Pang-aasar sa 'kin ni Dave. Inis ko itong tinignan at tinaas ang gitnang daliri ko.Malakas na tumawa si Nico nang makita ang reaksyon ko. These dipshits.Umupo na ako sa upuan ko at pinag-krus ang braso ko. Lunch break nami

  • Requital of Agony   Chapter 25

    "Last day na ng school, oh. Tara, open forum!"Nag-form kaagad ng circle ang mga kaklase namin sa gitna ng room dahil nasa gilid ang mga upuan. Ngayon na ang last day ng school namin at graduation na namin next week.A few months later, we'll be college students.I smiled a bit because of that. Ang bilis ng panahon... kung noon, hindi pa ako komportable sa mga kaklase ko dahil hindi ko pa sila lubusang kilala, ngayon, ayaw ko nang mapahiwalay sa kanila."Alam niyo naman na 'to, 'di ba? Sabihin niyo lang kung sinong kinaiinisan niyo or confession. Basta open forum!" Sabi ni Xenia. "Ikaw na ang mauna, Kurt.""Luh, ba't ako?" Depensa kaagad ni Kurt. "Ayoko! Si Paul nalang!"Kaagad na binatukan ni Paul si Kurt. "Putcha, dre! Nananahimik ako rito!"Napatingin ako kay Ymara dahil tumabi siya sa 'kin. "Hindi ba talaga aattend si Astrid sa graduation?" Kaagad niyang tanong.I swallowed the lump on my throat when Ymara asked those. Nag-

  • Requital of Agony   Chapter 24

    "Sa'n ka mamayang Christmas Eve?"Ayon ang tanong ko kay Yvex habang abala kami sa pamimili ng regalo rito sa mall. Nagpasama kasi si Yvex sa 'kin dahil gusto niya raw na bumili ng regalo para kay Astrid at sa family niya. Sinamahan ko nalang siya dahil bibili rin ako ng regalo.He shrugged before he utter a word. "Bahay namin. Doon din magpapasko sila Astrid kasama ang family niya," simple niyang sagot. "Ikaw? Kasama mo mamaya si Kairus?""Oo," simpleng sagot ko rin. Plano ko kasing ipakilala na si Kairus sa parents ko bilang boyfriend ko.Napahinto ako saglit nang makita ang isang kwintas. Justice scale ang pendant nito at alam kong pangarap ni Astrid ang maging judge. Pwede 'to sa kaniya."Yvex, oh," tinuro ko 'yong kwintas. "Bagay kay Astrid. I'm sure, magugustuhan niya 'yan."Tinignan ni Yvex ang kwintas at ngumiti. "Yeah... pakiramdam ko rin magugustuhan niya 'yan,"

  • Requital of Agony   Chapter 23

    "Ang ganda!"Hindi ko alam kung ilang oras na akong tumatakbo at tumatalon dahil sa sobrang excitement. Para akong bata! Pero sobrang ganda kasi rito sa Vigan. Ang daming makalumang bahay at may masasarap pang pagkain.Si Kairus naman, naka-sunod lang sa akin the whole time. Napapailing ito tuwing nakikita akong halos mag-wala na sa sobrang saya. Sorry naman, 'no! Ngayon lang kasi ako nakapunta rito sa Ilocos Sur dahil palagi lang akong nasa bahay."Alam mo ba 'yong sikat nilang bibingka rito?" Tanong ko kay Kairus. "Gusto ko no'n! Bili tayo no'n, please?"He sighed before he nodded. "Alright," hinawakan nito ang kamay ko at naglakad papunta sa tindahan ng mga bibingka. Medyo malapit lang kasi kami roon sa tindahan ng mga bibingka kaya mabilis lang kaming nakarating doon.Si Kairus na ang umorder ng bibingka. Limang box ang inorder niya at hindi ko alam kung paano namin 'yon mauubos dahil 12 pieces ng bibingka ang laman ng isang box. Hindi ko naman

  • Requital of Agony   Chapter 22

    "Anong plano mo sa sembreak niyo, anak?"I chewed slowly when my Mom asked. I smiled before I utter a word."Plano ko po sanang mag-vacation..." Mahina kong sambit.Mommy looked at me and answered. "Really? Ikaw lang ba? Ilang days?""Four days po," uminom ako ng tubig nang sabihin ko iyon.Tumango si Daddy at ngumiti. "Sige. Mag-iingat ka, anak. May pera ka ba?""Meron pa naman po. Ayon nalang ang gagamitin ko," ani ko.Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba sa kanilang kasama ko si Kairus at kaming dalawa lang ang magkasama. Baka kasi iba ang isipin nila! Knowing Mommy, bibigyan niya talaga ng malisya 'yon."Sino nga ulit ang kasama mo?" Tanong ni Mommy sa akin. Napalunok ako nang itanong niya 'yon. Sabi ko na, eh.I gulped. "Mga... kaibigan ko po."Hindi na nagsalita si Mommy pagkatapos no'n at nagpatuloy na lamang sa pag-kain. Phew, buti naman! Ayoko pang sabihin na boyfriend ko na si Kairus. Masyado pa kasing

  • Requital of Agony   Chapter 21

    "You're now 8 weeks pregnant. Congratulations."Napalunok ako sa sinabi ng doktora kay Astrid. Maging si Astrid ay nanlumo nang sinabi iyon no'ng doktora."Alam mo naman na ang routine. Huwag masyadong magpakastress at iwasan ang unhealthy habits," paliwanag pa ng doktora. "Kung magkaroon ng aberya, pumunta ka lang dito para ma-check kaagad natin."Astrid gulped. "S-Salamat po, Doc...""No problem," the doctor smiled. Tumayo na kami ni Astrid at lumabas sa room ng doctor.Napaupo si Astrid sa isang upuan dito sa ospital. Umupo ako sa tabi niya at hinagod ang likod niya."Buntis nga ako..." Pagak itong natawa nang sabihin niya iyon. "Tangina. Hindi ko alam ang gagawin ko."I cleared my throat, couldn't find the exact words to say. "Ipapalaglag mo ba 'yong bata o bubuhayin mo?" I carefully asked. "Anuman ang desisyon mo, susuportahan kita."Tumingala ito at ipinikit ang kaniyang mata. "Gusto kong buhayin 'to, Tryze..." Tumingin s

  • Requital of Agony   Chapter 20

    "Gusto ko nito! Libre mo ako, Tryze!"Napailing na lamang ako nang ituro ni Astrid iyong fish balls dito sa labas ng campus. Tumango na lamang ako at kumuha ng pera sa wallet ko."Manong, pabili po!" Masayang kumuha si Astrid ng stick at plastic cup doon at tumusok ng fishball. Kumuha na rin ako ng plastic cup at sticm dahil nagugutom ako.Tinignan ko ang plastic cup ni Astrid. "Magkano 'yan?" Tanong ko bago lagyan ng sauce 'yong pinili kong street foods."Twenty pesos lang, hehe," she smiled. Inabot ko sa tindero 'yong pera kong fifty pesos."Saka po dalawang palamig," sabi ko. Sumubo ako ng fishball habang hinihintay 'yong palamig.Astrid giggled while she's eating. Napailing na lamang ako sa inaasta niya. She's acting weird these past few weeks. Ewan ko ba sa babaeng 'to."Kaka-stress 'yong exam kanina!" Uminom ito ng palamig nang sabihin niya iyon. "Mabuti at natapos na natin 'yon ngayon. Jusme! Aatakihin yata ako kanina sa sobran

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status