Share

Chapter 6

Author: Rae Aoki
last update Last Updated: 2021-10-06 23:24:55

"Ayan! Maganda rin 'yan!"

Astrid took a glance on the gold lace halter chiffon long gown. May mga sequins at diamonds ito sa bandang dibdib. May pudding na rin doon sa gown kaya hindi na kailangang mag-suot ng bra.

"Sukatin mo na," sabi ni Yvex. Tumango nalang ako at pinakuha 'yong gown sa nagbabantay ng shop at nagpunta sa fitting room.

Sinamahan ako ni Astrid at Yvex sa pagpili ng susuotin kong long gown dahil nasa trabaho si Mommy. Ang sabi ni Mommy, pumili raw ako ng kahit ano sa mga gowns at siya na ang magbabayad. Kilala niya raw ang may-ari ng shop na ito.

I glanced at myself in the mirror and smiled. Bagay sa'kin ang gown dahil maputi naman ako. Lumabas ako sa fitting room at pumunta sa pwesto nila Astrid at Yvex.

I pursed my lips and held the side of my gown, showing it to the both of them. Astrid giggled before she utter a word.

"Bagay sa'yo!" Sabi niya. "You look stunning in that gown."

I smiled. "Thank you."

Siguro maghahanap nalang ako ng gold na stiletto sa bahay. I'm sure may kulay gold akong heels dahil napakarami kong gano'n sa bahay. Sa sobrang dami, hindi ko na alam kung saan ko nailalagay 'yong iba.

Napagdesisyunan naming ayon nalang ang kunin na gown. Sabi no'ng nagbabantay na si Mommy na raw ang bahala sa babayaran. Mukhang nasabihan na siya ng may-ari.

Inilagay namin ang long gown sa compartment ng kotse. Naka-balot naman ito kaya hindi madudumihan. Nag-drive na si Yvex papunta sa isa pang kilalang fashion botique.

Pagkarating namin doon, naroon na sina Vince, Axel, Angelica, Xenia, Ymara, Melissa pati na si Kurt. Ang dami naman nila! Nakita kong may hawak na glue gun si Xenia habang si Angelica naman, hawak 'yong isang pack ng straw.

"Hi!" Angelica smiled when she saw us three. "Bakit kasama si Yvex? Espiya ka, tol!"

"Host ako, tanga," he fired back.

Xenia chuckled before she utter a word. "Kasali naman sa Top 10 'yong kaklase mo. So, espiya ka nga."

"Ano ba, hindi ko naman sasabihin 'yong costume ng kaklase ninyo! Gusto niyo bang hindi na kami mag-usap ni Astrid?" Pagbibiro nito. Natawa tuloy kami sa sinabi niya.

Pumunta kami sa isang room ng botique at doon, nakita kong malapit na itong matapos. Mabuti at pumayag ang gagawa ng costume namin ni Vince na patulungin ang mga kaklase ko dahil dalawang linggo lang ang natitira para matapos iyon. Medyo matagal nga raw talaga kung si Ate Jelay lang ang gagawa. Siya ang naatasasan ni Mommy na gagawa ng costume.

"Grabe! Tignan mo, oh! Ang cute ng costume niyo!" Melissa said. Tinignan ko iyon at napangiti ako dahil halos patapos na nga iyon.

Off-shoulder ang costume ko at medyo long gown ito. Garbage bag ang theme ng costume ko na mayroong design kahit papaano gamit ang plastic caps at straws. Pinatungan lang daw nila ng garbage bag ang isang long gown.

Iyong sa costume naman ni Vince, garbage bag din ang ginamit at mayroong mga straws bilang design. Parang polo at pants kasi ang ginawa para sa kaniya.

"Ang ganda, 'di ba?" Nakangiting sabi ni Ymara. "Malapit na siyang matapos!"

I smiled. "Salamat sa inyo," sabi ko habang nakatingin isa-isa sa kanila. "I'll do my best sa finals."

"Sus, wala 'yon," sabi ni Kurt. "Basta galingan mo lang, okay na kami! Ay, anong gagawin niyo ni Vince sa talent portion?"

Nagkatinginan kami ni Vince. Nakapag-practice na kami ng acapella at if-finalize namin iyon bukas pati sa mga susunod na araw. "Kakanta habang tumutugtog," ayon lang ang sinabi ko sa kanila.

Sabi sa'min ni Sir Mark no'ng isang araw, kung ang magka-partner noong pre-pageant ay nakasama parehas sa Top 10, pwede silang maging magkasama sa talent portion pero individual pa rin ang grading. Pinakiusapan kasi namin ito na magkasama kami ni Vince sa talent portion. Buti at pumayag ito.

"Umuwi na kaya kayo? Gabi na, oh. Dumiretso pa talaga kayo rito sa botique pagkatapos ng klase," sabi ko sa kanila. Pare-parehas kaming naka-uniform ngayon dahil may klase kami kanina.

"Oo nga. Umuwi na tayo. Ihatid ko kayo," sabi ni Axel. "'Yong mga babae ang ihahatid ko, ha. Delikado sa daan."

Nagpaalam na kami sa kanila na uuwi na. Habang nasa biyahe kami ni Astrid at Yvex, kinuha ko ang phone ko at nakita ang message ni Clyde.

From: Baby <3

Hey. Sorry hindi kita nasamahan sa pagkuha mo ng gown. May training ako, eh.

Natawa ako nang pagak nang makita ang text ni Clyde sa'kin. Such a liar. Alam ko namang nakipag-kita na naman siya kay Gwen.

Naalala ko bigla no'ng sinabi sa'kin last week nina Astrid at Yvex na niloloko raw ako ni Clyde. Nagulat sila nang sabihin kong alam ko na iyon. Ikinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari habang umiiyak ako.

"Kailan mo siya hihiwalayan?" Sabi ni Astrid habang nakatingin sa akin. Umiling ako at pinunasan ang luha ko bago magsalita.

"Hindi... hindi ko pa alam," sambit ko. "Pag-iisipan ko muna..."

"Nako! Pag-isipan mo na kaagad 'yan!" Sabi ni Astrid. "Doon din naman kayo mapupunta dahil sa pambababae niya. Bakit pinatatagal mo pa?"

Tumingin ako sa kanila ni Yvex bago sumagot. "Dahil hindi pa ako handa..."

"Hindi mo mapaghahandaan 'yan, Tryze. Wala kang choice," sabi ni Yvex. Umiling ako habang pinupunasan ang luha ko.

"Ayokong makipag-hiwalay sa kaniya na umiiyak ako," ani ko. "Gusto kong kapag nakipag-hiwalay siya o ako, kaya ko siyang tignan sa mata na walang sakit na nararamdaman."

Nang makarating ako sa bahay, inilagay ko muna ang long gown ko sa walk in closet. Kumain din muna ako at nag-shower. I did my skincare routine before scrolling on my feed sa I*******m.

Napagdesisyunan kong hanapin ang I*******m account ni Kairus pero hindi ko naman alam ang username niya. Baka finollow siya ni Yvex?

I stalked Yvex's profile at nag-search ng pangalang Kairus sa mga taong finafollow niya. I smiled when I saw Kairus' profile.

jx_kairus

Jaxen Kairus Zevoir | 12 Posts • 1,453 Followers • 98 Following

Faith. Love. Trust.

Napanguso ako nang makita ang followers niya. Ang dami! Naka-private rin ang profile niya kaya nag-request ako.

I was about to turn off my phone when a notification popped.

'jx_kairus approved your follow request.'

'jx_kairus started following you.'

May natanggap din akong message mula sa kaniya sa I*******m kaya kaagad ko iyong binasa.

jx_kairus: stalker.

I arched a brow and chuckled before typing my reply.

bea_zyneria: kapal ng mukha mo

jx_kairus: what? totoo naman. pa'no mo nalaman i*******m acc ko

bea_zyneria: secret hulaan mo

jx_kairus: lol anyway free ka ba tomorrow?

Napakunot ang noo ko dahil doon. Bakit niya tinatanong?

bea_zyneria: noooo may practice ako tomorrow e bakit?

jx_kairus: sayang. may ipapakita sana ako.

bea_zyneria: ano???

Hindi na ito nagreply o nagseen. Nakakainis naman! Na-curious na tuloy ako! Kasalanan niya 'yon, 'no.

I doze off to sleep last night. Kinabukasan, late na akong nagising kaya hindi na ako nakapag-blower. Nagpahatid na rin ako sa driver namin pero dumaan muna ako sa Starbucks para umorder ng toastie at kape.

Halos takbuhin ko na ang hallway pagkarating ko ng school. Mabuti at wala pa ang teacher namin pagkarating ko. Kaagad akong umupo sa upuan ko at sumimsim ng kape.

"Late ka na namang gumising," napailing na lamang si Astrid nang makita niya akong kumakain ng toastie.

Inubos ko muna ang pagkain ko at ang kape bago iyon itapon sa basurahan dito sa room. Maya-maya, biglang tumayo ang kaklase ko at nagsalita.

"Guys, wala raw si Sir. May sakit daw. Free time raw ngayon," nagpalakpakan ang mga kaklase ko nang sabihin iyon ni Erika.

Napailing na lamang ako at bubuksan na sana ang phone ko nang bigla ulit magsalita si Erika. "Wala palang klase pati sa second period! May meeting daw para sa Foundation Day."

Napakunot ang noo ko dahil doon. Malapit na pala ang Foundation Day? Hindi ko alam dahil masyadong natuon ang atensyon ko sa pageant.

Dali-dali kong kinuha ang phone ko at nagtipa ng mensahe para kay Clyde.

To: Cheater.

Malapit na pala 'yong Foundation Day?

Napangisi ako nang makita ang name niya sa contacts. Pinalitan ko iyon kagabi sa sobrang bored ko.

From: Cheater.

Ah, oo. Biglaan nga 'yong sched eh.

To: Cheater.

Busy ka ba?

Matagal bago siya nag-reply.

From: Cheater.

Hindi naman.

Napairap na lamang ako nang sabihin niya iyon. Lumabas ako ng room at nakita kong maraming estudyante na ang nasa labas. Baka lahat ng SHS or JHS Student ay walang klase for the two periods dahil sa meeting.

To: Cheater.

Punta ako sa room niyo.

Naglakad ako papunta sa building ng STEM ngunit napatigil din nang may makitang naglalakad sa hallway. Kaagad akong tumakbo pabalik sa hagdan dahil nakita ko si Clyde at Gwen, magkahawak ang kamay.

Sumulyap ako sa kanilang dalawa at nakitang naghaharutan sila sa labas ng hallway. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kirot na naramdaman ko. I bit my lower lip and sighed, stopping myself to create a scene here.

Muntik na akong mapatili nang biglang may nagtakip ng bibig ko. Inis kong tinignan kung sino 'yon at nakita ko si Kairus.

"Bakit?" Inis kong tanong sa kaniya. "Tinitignan ko lang naman."

He didn't answer. Instead, he held my wrist and stormed out on that buiding. Pumunta kami sa school garden at umupo sa mga damuhan doon.

Kaming dalawa lang ang nandito sa garden. Pilit akong ngumiti at huminga nang malalim, tinuon nalang ang atensyon sa paligid.

"Ginagawa na naman nila," pagak akong natawa. "Nakakamanhid din pala minsan, 'no? Kapag paulit-ulit mong nakikita 'yong bagay na nakakasakit sa'yo."

He shrugged. "Wala tayong magagawa. We just have to accept the fact that... they cheated on us."

"Hindi ko alam kung maiiyak pa ba ako o hindi na, eh," tumingin ako sa damuhan at nagsalita ulit. "These past few days, napapansin kong iyak nalang ako nang iyak. Ewan ko na. Naubos na yata ang luha ko."

"Same," aniya. "Wala na akong maiyak ngayon. Nasanay na ako, eh."

Lumunok ako bago sumagot. "Gusto ko nang makatakas sa relasyon naming dalawa..." Pag-amin ko sa kaniya. "Sobrang nakakasakal na. Isipin mo 'yon, ang faithful ko sa kaniya pero siya..."

Yumuko ako at pinunasan ang isang luhang kumawala sa mata ko. Akala ko ubos na 'yong luha ko. May natitira pa pala.

Hindi nagsalita si Kairus. Instead, he caressed my hair and sighed. Napailing na lamang ako habang inaalala ang nakita ko kanina.

Nang may tumunog sa phone ko, kaagad ko itong kinuha mula sa bulsa ko. Binasa ko ang text message ni Clyde.

From: Cheater.

Sorry, ngayon ko lang nakita. Pupunta ka pa ba?

Sarkastiko akong tumawa nang mabasa ang message niya. Ngayon mo lang nakita kasi busy kang makipag-landian doon sa isa?

We stayed there for almost an hour. Ayaw ko pa kasing bumalik sa room at gusto ko muna siyang makausap dahil nga sa nararanasan naming dalawa ngayon. Hiningi ko rin kasi ang number pati social accounts niya.

Mabilis na natapos ang klase namin ng araw na iyon. Wala namang ibang naganap. After the class, pumunta ako sa bahay nila Vince para mag-practice for the talent portion.

"May drums ba kayo?" Tanong ko nang makapasok sa bahay nila. Napakamot ito sa kaniyang batok bago sumagot.

"Wala, eh. Electric guitar lang," sabi niya. "Sa susunod na practice, roon nalang tayo sa bahay niyo tutal may drums at electric guitar kayo."

Nagpractice nalang kami kahit kulang sa gamit. Siya nalang tuloy muna ang nagpatugtog gamit 'yong electric guitar habang kumakanta kami.

"Ayos na ba 'yon?" Tanong niya nang matapos. "Naeexcite ako kapag magd-drums ka na. Gagi, first time kitang makitang mag-drums."

I chuckled. "Sana 'di ko mabasag ear drums mo," I joked.

Umuwi rin ako kaagad matapos ang practice na 'yon. Wala akong masakyan na taxi sa subdivision nila Vince kaya naglakad nalang ako. Baka magpasundo nalang ako sa driver namin sa labas ng subdivision.

Tumingin ako sa paligid. Ang dilim na pala. Mabuti at may ilaw galing sa mga poste kaya nakakapag-lakad pa rin ako nang ayos.

Napagdesisyunan kong pumunta nalang sa condo ni Clyde ngayon. Nagtaxi nalang ako para mas mabilis at sinabi ang exact address ng condominium.

Nang makarating doon, kaagad akong nakapasok dahil may susi ako ng condo ni Clyde. Nakapangalan pa sa'ming dalawa 'yong condo niya.

Nag-elevator ako papunta sa condo niya. Pagkarating ko sa tapat ng condo, hinanap ko muna ang susi sa bag ko. Habang kinakalkal ko ang mga gamit, may narinig akong sigaw sa loob.

Tumahimik ako sandali at pinakinggan ulit iyon. Inilapit ko ang tenga ko sa pintuan ng condo niya upang mas marinig pa ang nangyayari sa loob.

Napatigil ako nang marealize kung anong nangyayari sa loob ng condo nina Clyde. Sigurado ako sa naririnig ko. Hindi ako pwedeng magkamali...

"Shit!" Rinig kong sigaw sa loob. I heard loud moans and slams coming from their bodies. "Clyde... I'm... I'm..."

"Ah, tangina, Gwen," napapikit ako nang marinig iyon galing kay Clyde. Napaupo ako sa sahig sa tapat ng condo niya, covering my mouth for them not to hear my sobs.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nandoon basta ang alam ko lang, iyak ako nang iyak. Nanginginig ang kamay ko at may hinanap sa bulsa ko.

Nang makuha ko ang phone ko, tumayo ako at naglakad palayo sa condo unit niya. Kahit nanlalambot ang tuhod ko, pinilit ko pa ring lumakad. Nakayuko lang ako dahil iyak ako nang iyak at ayokong may makakita sa'kin.

Huminto ako sa tapat ng elevator at may tinawagan sa cellphone ko. Maya-maya pa, sumagot ang taong ito.

"Hello?" He said from the other line. "Bakit?"

"Kairus..." I closed my eyes, trying not to sob. "A-Asan ka?"

Natahimik sandali ang kabilang linya habang ako'y hinihintay na sumagot siya. Maya-maya, nagsalita rin ito.

"Nasa likod mo."

I swallowed the lump on my throat before I turned my gaze on my back. There, I saw Kairus- looking at me while holding his phone.

Unti-unti itong lumapit sa'kin at nang makalapit ito, he hugged me instantly. Mas humagulhol ako nang bigla niya akong yakapin kaya naman hinawakan nito ang buhok ko.

"N-Narinig ko sila," I said between my sobs. "Kairus... sila Clyde at Gwen... nag..."

"Shush," he said, still caressing my hair. "Narinig... ko rin."

Inakbayan niya ako at pinindot ang elevator. I'm still crying while we're inside the elevator. Hanggang sa pagsakay namin sa kotse ni Kairus, iyak lang ako nang iyak. Parang sirang plaka na paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang narinig ko sa condo ni Clyde.

"They're making out..." I whispered. Hinawakan ko pa ang dibdib ko dahil bahagya itong kumirot. "Bakit... bakit nila 'to ginawa..."

Nanatili ang kotse ni Kairus doon sa parking lot. Sumakay lang kami pero hindi niya pa ito pinapaandar.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at tumingin sa kaniya bago magsalita. "Hanggang kailan nila tayo gagaguhin? Ano 'to, Kairus? Dapat ba tayong magtanga-tangahan? Magkukunwari tayong hindi pa alam ang nangyayari sa kanilang dalawa? We should confront them!"

I was mad. Sobrang nananaig ang galit ko ngayon para kila Clyde at Gwen. Nasasaktan ako, oo. Bakit? Kaya ba niya ako niloko dahil nabibigay ni Gwen 'yong hindi ko mabigay sa kaniya?

Hindi nagsalita si Kairus at parang may iniisip na malalim. I sighed heavily. "Kairus naman, magsalita ka... nasasaktan na 'ko sa ginagawa nila..." May luha na namang pumatak sa mga mata ko nang sabihin ko iyon sa kaniya. "Hindi ko na kaya, eh... nagpapakasarap sila ro'n tapos tayo rito..."

Kairus clenched his fist. "Was that... the main reason why Gwen cheated?"

Ayon din ang tanong na nasa isip niya ngayon. Napalunok ako at tumingin sa bintana ng sasakyan.

"Tangina..." Rinig kong pagmumura nito. "Bakit... bakit nila ginagawa 'to..."

I heard his soft sobs. My heart was shattering into pieces. Napahawak ako sa gilid ng upuan dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Ano bang gagawin natin?" Bigla kong tinanong sa kawalan. "Dapat may ginagawa na tayo ngayon, eh. Sila 'yong may nagawang mali, pero bakit tayo pa 'yong nagtatago?"

Hindi siya sumagot at nagpatuloy pa rin sa pag-iyak. Lumingon ako sa kaniya at tinapik-tapik ang likod niya.

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Huminga ako nang malalim at niyakap nalang siya para gumaan ang loob niya kahit papano.

He hugged me back instantly. Rinig na rinig ko ang paghikbi nito, dahilan upang masaktan din ako lalo.

Gwen... ang swerte mo sa boyfriend mo... pero bakit pinagpalit mo pa siya? Bakit niloko mo pa?

Hindi ko alam kung ilang minuto ko siyang niyakap dahil naiyak lang ako ulit. Siya na ang unang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin.

A long silence filled the ambience. Siya na ang unang bumasag ng katahimikang iyon.

"We should confront them," bigla niyang sambit. Lumingon ako sa kaniya at sumagot.

"Anong gagawin natin? Dapat ba tayong pumunta sa condo ni Clyde ngayon?" Naguguluhan kong sambit. "Ayokong humarap sa kanila na ganito ang itsura ko..."

Magmumukha akong kawawa. Ayon ang isa sa pinaka-ayaw ko. People will use that as an advantage para pabagsakin ka.

"Pero ayoko na ring patagalin 'to," sabi niya.

I cleared my throat. "Do you think makokonsensya sila kapag nakita nilang umiiyak tayo dahil sa kanila? Hindi! Si Clyde, nagagawa na akong saktan ngayon... kung mawala ako sa kaniya, baka mas maging masaya pa siya dahil lang wala nang hadlang sa relasyon nila."

"I don't know, Tryze!" he frustately said. "Gusto kong gumanti, okay? Gustong-gusto kong gumanti!"

"A-Ano?" Hindi ko makapaniwalang sambit. "Gusto mong..."

"You heard it," he said, not looking at me.

Natahimik ako nang marinig iyon. Napaisip ako sa sinabi niya. Tama ba 'yang iniisip niya? Ilang beses kong itinatak sa isip kong kahit anong mangyari, hindi ako gaganti sa kapwa ko. At ngayon, nagdadalawang-isip na ako sa pinaghahawakan kong desisyon.

Tama bang gumanti?

"Gusto kong ibalik sa kanila 'yong sakit na naranasan ko. I want to see them suffer in pain. Now, if you don't want to help, shut the fuck-"

"Cut the crap," Pagputol ko sa sasabihin niya. He arched a brow when he looked at me.

Matagal ko na 'tong pinag-isipan... at ngayon, hindi ko alam kung tama ba ang papasukin ko pero wala na akong pakialam.

This is how I will fix my broken heart. I'm so done of crying, so instead... I'll take my revenge.

"I'll... help you." I said.

Ayon ang huli naming napag-usapan ni Kairus. Hindi ko mabilang kung ilang beses ko nang minura ang sarili ko. Tama ba 'tong gagawin ko? Baka naman ilagay ko lang ang sarili ko sa kapahamakan?

The next thing that I knew, nandito ako sa tapat ng condo ni Astrid, nag-aalangan kung magdodoorbell o hindi. Huminga ako nang malalim at pinindot nalang ang doorbell.

Maya-maya, bumukas ang pintuan ng condo niya at iniluwa nito ang pigura ni Astrid. "Napapunta ka?"

Hindi ko siya sinagot at dire-diretsong pumasok lang sa condo unit niya. Umupo ako sa sofa niya at tinakpan ang aking mukha gamit ang unan na naroon.

"Hoy, napa'no ka?" Tinanggal ni Astrid ang unan sa mukha ko. "Para kang sira. Anong ginagawa mo rito? Gabi na, ah?"

"Clyde and Gwen were making out..." Panimula ko. "Narinig ko sila sa condo ni Clyde... sigurado ako..."

I pursed my lips to stop myself from crying for the nth time. Hindi ko alam kung gaano na karami ang luhang nailabas ng mata ko mula pa kanina.

"S-Seryoso ka?" Tumabi si Astrid sa akin sa sofa. "Putangina, gago ba siya? Ano bang nangyayari riyan kay Clyde?"

Umiling ako at pinunasan ang luhang pumatak sa mata ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko..."

Mariin akong pumikit at tumingala. I had to swallow the lump on my throat and tried to calm myself.

"Listen, Tryze..." Astrid looked at me in the eye. "Hindi na tama 'to. Dapat ka nang makipaghiwalay riyan."

"Gusto kong gumanti..." Bigla kong nasabi. "Pero pakiramdam ko, ang sama ko na no'n..."

"Porket maghihiganti, masama agad?" Astrid crossed her arms. "Pwede bang ipaparanas mo lang sa kanila ang sakit na naranasan niyo?"

I swallowed the lump on my throat before I answered. "Pero-"

"No buts, Beatryze," sabi nito. "I'll help you. Hindi pwedeng umiiyak lang kayo at sila roon, nagpapakasarap."

Lumunok ako at tumingin sa sahig. "Pero... paano?"

"Simple lang," pinag-krus nito ang hita niya. "Ibabalik mo lang sa kanila ang sakit na dinulot nila sa 'yo..."

Matapos sabihin iyon ni Astrid sa akin, buong gabi akong nakatulala, iniisip kung tama ba ang gagawin ko. I had to call Kairus that night just to ask him some questions.

"Bakit?" Gulo-gulo pa ang buhok nito nang mag-video call kami. "Gabing-gabi na."

"Tutulungan kita na gumanti, 'di ba?" I rolled my eyes. "Look, alam kong medyo mali 'tong gagawin natin pero may naisip na akong paraan."

"Wait lang, para ngang hindi tama 'to..." Sabi ni Kairus. "Sigurado ka ba talaga?"

"Ikaw ang nagsabi na gusto mo silang gantihan, ah?" Kumunot ang noo ko. "Well, let's say we won't revenge. Ibabalik lang natin sa kanila ang naranasan natin."

Kairus arched a brow, waiting for my answer. Huminga ako nang malalim bago magsalita.

"Ipaparamdam ko sa kanila ang sakit na nararanasan natin ngayon," I said. "If they cheated on us... might as well, let's show them that we don't care and we're enjoying each other's company."

"Do you think that will work?" Tanong ni Kairus. Tumango lamang ako.

"Dahil kapag nakita nilang hindi tayo nasasaktan, maghahabol sila," sabi ko. "That will hurt their fucking ego. Isang beses lang natin 'yon ipapakita sa kanila... pero matagal na panahon nilang babaunin ang pangyayaring 'to."

I grinned, clenching my fist now. "Hindi ako papayag na ako lang ang masasaktan." Masama na kung masama, pero ibabalik ko sa kanila ang nararanasan namin ni Kairus.

Patuloy lang silang manggagago kung walang taong sasampal ng katotohanan sa kanila. Kung hindi namin gagawin 'yon, sino ang gagawa?

"Let's see who'll win on this fucking game."

Related chapters

  • Requital of Agony   Chapter 7

    "Tignan mo, oh! Tapos na!" Astrid giggled when she said those. Tumingin ako sa costume ko at napangiti. Tapos na nga siya.Hinawakan ko ito bago sumagot. "Ang ganda," mangha kong sambit. Lumingon ako kila Angelica at Xenia na nasa likod ko. "Salamat sa inyo.""Wala 'yon! Mabuti nga at ngayon natapos kahit nagkaroon ng problema sa paggawa niyan. Medyo kinabahan pa kami habang tinatapos 'yan kanina kasi pageant na sa susunod na araw," mahabang paliwanag ni Angelica. "At least, tapos na! Mabuti nalang."Kinuha na namin iyong costume roon sa botique at umuwi na. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to dahil ito ang huling practice namin ni Vince. Balak kasi naming magpahinga nalang bukas para makakanta kami nang ayos sa Friday.Pagkauwi ko sa bahay, kumain muna ako dahil gutom na talaga ako. After that, I went to the bathroom and had a warm shower. I also did my skincare routine and went to my bed.Nags-scroll lang ako sa newsfeed ko sa Facebook nang bigla

    Last Updated : 2021-10-07
  • Requital of Agony   Chapter 8

    "Good afternoon, students of Avison International School!"The crowd were clapping and shouting when Venice, the emcee, said those. Nandito kaming lahat sa backstage, naka-line up na."And today, we will witness the final round for the Binibini and Ginoong Kalikasan. Excited na ba kayo?" Malakas na sumigaw ng 'yes' ang mga nanonood. "Hindi na namin patatagalin 'to. First, we will discuss the programme for this day."Yvex smiled before he utter a word. "First, the Top 10 will introduce themselves. After that, the talent portion will be held, followed by the their formal attire. Lastly, their costumes about advocating the youth to save our planet and the Q and A portion.""Let us welcome, our Top 10!"Nang sabihin 'yon ni Yvex, naglakad na kaming lahat palabas sa stage. Nag-line up kami horizontally at ang mga magpapakilala ay lalakad papunta roon sa harapan.

    Last Updated : 2021-10-08
  • Requital of Agony   Chapter 9

    "Bakit nagpasalamat si Kairus sa'yo sa speech niya?"Napatigil ako sa pag-kain nang itanong sa'kin ni Clyde 'yon. Nag-aya kasi itong kumain daw muna kami sa labas bago ako umuwi. Tulad nga ng sinabi niya, babawi raw siya.Natatawa nalang ako tuwing sinasabi niya 'yon, eh. Bakit pa ba siya babawi? Pwedeng-pwede naman silang mag-sama ni Gwen. Pagdikitin ko pa sila.Alam kong medyo tanga na ako sa part na nagpapanggap pa rin akong walang kaalam-alam sa ginagawa nila ni Gwen. Pero, malapit na. Malapit na 'kong bumitaw sa kaniya kasi kaya ko na. Humahanap lang ako ng timing."Palagi kasi kaming magkakasama nila Kairus, Astrid at Yvex mula no'ng start ng pageant," pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Tapos, tinutulungan ko rin si Kairus. Baka kaya siya nagpasalamat sa speech niya dahil do'n."Tumango-tango lamang ito at nagpatuloy na sa pag-kain niya. "Kumusta ka nga pala these past few weeks?"

    Last Updated : 2021-10-11
  • Requital of Agony   Chapter 10

    "Alam mo na 'yong balita?"Napatingin ako kay Astrid habang nagsusulat ako sa notebook ko. Lecture kasi namin ngayon at bigla akong dinaldal nitong katabi ko."Hindi pa," sabi ko, nagsusulat pa rin. Bahagya itong lumapit sa akin at nagsalita."May nagpakalat no'ng video nila Gwen at Clyde sa Facebook," bulong nito. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. "May nag-post no'ng video nila habang naghahalikan sa VIP Room kahapon.""Patingin," Sambit ko.Sumilip ako sa bag niya dahil nandoon ang phone niya. Pumunta siya sa Facebook at doon, nakita ko ang sarili ko. Nakatalikod ako roon sa video habang kitang-kita si Clyde at Gwen na naghahalikan.I have no idea kung sino ang nagpakalat ng video. Sino ang nag-video no'n? Hindi naman ako kasi nakatalikod nga ako roon sa video. Hindi rin si Kairus, dahil kararating niya lang no'ng nandoon na ako sa VIP Room."Time na pala," sambit ng teacher namin. "Okay, class dismissed. Ipag

    Last Updated : 2021-10-14
  • Requital of Agony   Chapter 11

    "Ano? Takas ka, Kurt? Bumalik ka rito! Magmemeeting, 'di ba?" Napanguso si Kurt at bumalik sa upuan niya nang sigawan siya ni Xenia. Lumabas si Axel sandali dahil pupunta raw muna siya sa restroom. Ang bilin niya sa amin, huwag aalis ang lahat ng nandito sa room dahil may meeting para sa gaganaping Foundation Day. Next week na pala 'yon. Kada section, may kaniya-kaniyang tasks. Either gagawa ng booth, games, magpeperform at marami pang iba. Nakakainis nga dahil booth ang napunta sa amin. Bukod sa kami ang mag-iisip ng gagawing booth, sa amin pa naka-assign iyon. "Balik!" Sigaw ulit ni Xenia nang may lalabas sana na kaklase namin. "Isara niyo nga 'yang pinto! Tangina, lahat ng uuwi isusumbong ko kay Ma'am!" Bilang si Xenia ang Vice President ng klase, siya muna ang pinagbantay ni Axel dito. Napasapo si Xenia sa kaniyang noo at huminga ng malalim. Maya-maya pa, biglang dumating si Axel kaya umayos ang klase. Tumayo si Axel sa harapan at tumikhim

    Last Updated : 2021-10-14
  • Requital of Agony   Chapter 12

    "Ano ba kasing nangyari kagabi?"Patuloy na kinukulit ni Astrid si Yvex habang kumakain kami sa isang fast food. Lunch break namin ngayon at inaya ko silang dalawa ni Astrid na sa labas ng school nalang kumain dahil baka makita ko na naman ang pagmumukha ni Gwen sa cafeteria.Ngumisi lamang si Yvex sa akin kaya napalunok ako dahil doon. Alam kaya ni Yvex 'yong nangyari kagabi? Kasi naiinis ako dahil natatandaan ko pa rin ang nangyari kagabi!Sobrang nagsisisi ako at halos isumpa ko na ang sarili ko kaninang umaga habang paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko 'yon. I just kissed Kairus... and it's because of the alcohol! Fuck alcohol!"Wala!" Ngumiti ito at uminom ng juice habang makahulugan pa ring nakatingin sa akin. "Okay na ba pakiramdam niyo nitong ni Astrid? Hindi na kayo nahihilo?""Ayos naman na ang pakiramdam ko," sambit ko. Tumingin ako kay Astrid na nakahawak sa kaniyang noo.Napadaing ito sa sakit bago sumagot. "Tangina, ang s

    Last Updated : 2021-10-15
  • Requital of Agony   Chapter 13

    "Asan na ba 'yon..."Napangiti ako nang makita ang isa pang white na off-shoulder dress. Kaagad ko itong kinuha at itinupi upang ilagay sa malaking paper bag. Pito lang ang nahanap kong white dress na hindi ko na masyadong nagagamit pero okay na rin naman 'to dahil isa-isa namang papapasukin ang ikakasal. Choices lang ito kung ano ang gusto nilang piliin na kanilang susuotin.Nang matapos sa paghahanap, pinatuyo ko na ang buhok ko gamit ang blower. I tied my hair into a high ponytail. I also did some skin care routine and putted some powder on my skin. I applied mascara and lip tint just for me not to look pale. After that, I went to my walk in closet to pick my outfit for this day.Pwedeng mag-suot ng kahit anong kulay ng shirt kaya I wore a pink T-shirt paired with high waist denim jeans. Bawal mag-suot ng revealing or hindi naaayon sa dress code kaya hindi ako makapag-crop top ngayon. Tinuck-in ko ang shirt sa loob ng jeans and putted a silver belt upang hind

    Last Updated : 2021-10-29
  • Requital of Agony   Chapter 14

    "Magdikit kayo! Dali, smile na!"Lumapit si Kairus sa akin at napailing sa sinabi ni Astrid. Hinawakan ko ang bouquet at ngumiti sa camera."Smile!" Kairus immediately wrapped his arms on my shoulder. I pursed my lips and just smiled on the camera. Muntik pa akong mapapikit dahil sa flash no'ng camera na hawak ni Astrid.We did a few more poses at sumama na iyong mga kasama sa nangyaring kasal dito sa wedding booth ngayon. Pagkatapos no'n, pinahagis pa nila sa akin iyong bulaklak at si Angelica ang nakasalo no'n."Pa'no ba 'yan, ikakasal ka talaga..." Vince paused for a bit. "Sa'kin."Napa-iling nalang ako at nagpalit ng damit sa fitting room. Sinuot ko ulit ang pink T-shirt ko at high waist denim jeans. Pati ang rubber shoes at belt ko ay isinuot ko at kinuha ko ang shoulder bag ko na naroon.Nang makalabas ako, may hawak-hawak ng papel si Kairus. Lumapit ito sa akin at ipinakita 'yong papel. Marriage certificate pala 'yon."Pa'no ba

    Last Updated : 2021-10-29

Latest chapter

  • Requital of Agony   Author's Note

    Requital of Agony has officially ended.Okay... long note ahead.First of all, I wanna thank those peeps who supported this story from the very beginning. To be honest, this novel has a lot of versions and I changed the names of characters a lot and wrote this story again and again 'cause I'm still searching for a good plot.Unfortunately, this plot suddenly came on my mind... and I decided to write it. Without any hesitations, I published the initial chapters and eventually, you guys liked it so I continued writing it.And honestly, in the midst of writing this novel, there were a few times that I'm hesitating on my skills. I don't have any experience upon finishing a novel so I doubted my skills. I almost tried not to finish this novel but... here I am, writing my farewell speech for ROA.Many people doubted my writing skills. I've received a few hatred comments throughout my journey upo

  • Requital of Agony   Epilogue (Part 2)

    "Oy, ikaw raw representative para sa Binibini at Ginoong Kalikasan."Napalingon ako kay Gianna nang sabihin niya iyon. "Ako? Bakit ako?""Aba, malay ko!" Gianna shrugged. "Kanina kasi, may teacher na tinawag 'yong ilan nating kaklase, nagtatanong kung sinong representative para sa section natin. Eh ikaw ang tinuro pati si Ashley."Tipid akong tumango. "Bahala kayo."Wala naman akong pakialam sa pageant na 'yan. Wala rin akong magagawa dahil no'ng tinanong kami ng adviser namin kung sigurado na ang representative, the whole class shouted yes."May practice raw ngayon para sa pre-pageant," tumango ako nang sabihin iyon ni Ashley. Kinuha ko ang bag ko at sabay na kaming pumunta sa isang room kung saan kami magp-practice.Hindi na ako nagulat nang makita ko si Gwen at Clyde na kasama sa participants ng strand nila. Alam ko namang gusto ni Gwen sa mga ganiyang pageant.

  • Requital of Agony   Epilogue (Part 1)

    "Babe, I'm really sorry, okay? As much as I want to go on our date, I really can't. I'm busy as of this moment."A heavy sigh came out on my lips when Gwen said those on our call. I expected this coming. Wala naman akong magawa dahil dumarami na ang school works namin kahit kasisimula palang ng school year."Alright," I shrugged. "Just take care of yourself... okay?""I will," she said. "I love you!""I love you too." Gwen hanged up the call after that.Napa-bugtong hininga na lamang ako bago pumasok sa room. Nakita ko sila Dave at Nico sa pwesto ni Yvex kaya naman lumapit ako roon."Ano, p're? Bakit ganiyan mukha mo?" Pang-aasar sa 'kin ni Dave. Inis ko itong tinignan at tinaas ang gitnang daliri ko.Malakas na tumawa si Nico nang makita ang reaksyon ko. These dipshits.Umupo na ako sa upuan ko at pinag-krus ang braso ko. Lunch break nami

  • Requital of Agony   Chapter 25

    "Last day na ng school, oh. Tara, open forum!"Nag-form kaagad ng circle ang mga kaklase namin sa gitna ng room dahil nasa gilid ang mga upuan. Ngayon na ang last day ng school namin at graduation na namin next week.A few months later, we'll be college students.I smiled a bit because of that. Ang bilis ng panahon... kung noon, hindi pa ako komportable sa mga kaklase ko dahil hindi ko pa sila lubusang kilala, ngayon, ayaw ko nang mapahiwalay sa kanila."Alam niyo naman na 'to, 'di ba? Sabihin niyo lang kung sinong kinaiinisan niyo or confession. Basta open forum!" Sabi ni Xenia. "Ikaw na ang mauna, Kurt.""Luh, ba't ako?" Depensa kaagad ni Kurt. "Ayoko! Si Paul nalang!"Kaagad na binatukan ni Paul si Kurt. "Putcha, dre! Nananahimik ako rito!"Napatingin ako kay Ymara dahil tumabi siya sa 'kin. "Hindi ba talaga aattend si Astrid sa graduation?" Kaagad niyang tanong.I swallowed the lump on my throat when Ymara asked those. Nag-

  • Requital of Agony   Chapter 24

    "Sa'n ka mamayang Christmas Eve?"Ayon ang tanong ko kay Yvex habang abala kami sa pamimili ng regalo rito sa mall. Nagpasama kasi si Yvex sa 'kin dahil gusto niya raw na bumili ng regalo para kay Astrid at sa family niya. Sinamahan ko nalang siya dahil bibili rin ako ng regalo.He shrugged before he utter a word. "Bahay namin. Doon din magpapasko sila Astrid kasama ang family niya," simple niyang sagot. "Ikaw? Kasama mo mamaya si Kairus?""Oo," simpleng sagot ko rin. Plano ko kasing ipakilala na si Kairus sa parents ko bilang boyfriend ko.Napahinto ako saglit nang makita ang isang kwintas. Justice scale ang pendant nito at alam kong pangarap ni Astrid ang maging judge. Pwede 'to sa kaniya."Yvex, oh," tinuro ko 'yong kwintas. "Bagay kay Astrid. I'm sure, magugustuhan niya 'yan."Tinignan ni Yvex ang kwintas at ngumiti. "Yeah... pakiramdam ko rin magugustuhan niya 'yan,"

  • Requital of Agony   Chapter 23

    "Ang ganda!"Hindi ko alam kung ilang oras na akong tumatakbo at tumatalon dahil sa sobrang excitement. Para akong bata! Pero sobrang ganda kasi rito sa Vigan. Ang daming makalumang bahay at may masasarap pang pagkain.Si Kairus naman, naka-sunod lang sa akin the whole time. Napapailing ito tuwing nakikita akong halos mag-wala na sa sobrang saya. Sorry naman, 'no! Ngayon lang kasi ako nakapunta rito sa Ilocos Sur dahil palagi lang akong nasa bahay."Alam mo ba 'yong sikat nilang bibingka rito?" Tanong ko kay Kairus. "Gusto ko no'n! Bili tayo no'n, please?"He sighed before he nodded. "Alright," hinawakan nito ang kamay ko at naglakad papunta sa tindahan ng mga bibingka. Medyo malapit lang kasi kami roon sa tindahan ng mga bibingka kaya mabilis lang kaming nakarating doon.Si Kairus na ang umorder ng bibingka. Limang box ang inorder niya at hindi ko alam kung paano namin 'yon mauubos dahil 12 pieces ng bibingka ang laman ng isang box. Hindi ko naman

  • Requital of Agony   Chapter 22

    "Anong plano mo sa sembreak niyo, anak?"I chewed slowly when my Mom asked. I smiled before I utter a word."Plano ko po sanang mag-vacation..." Mahina kong sambit.Mommy looked at me and answered. "Really? Ikaw lang ba? Ilang days?""Four days po," uminom ako ng tubig nang sabihin ko iyon.Tumango si Daddy at ngumiti. "Sige. Mag-iingat ka, anak. May pera ka ba?""Meron pa naman po. Ayon nalang ang gagamitin ko," ani ko.Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba sa kanilang kasama ko si Kairus at kaming dalawa lang ang magkasama. Baka kasi iba ang isipin nila! Knowing Mommy, bibigyan niya talaga ng malisya 'yon."Sino nga ulit ang kasama mo?" Tanong ni Mommy sa akin. Napalunok ako nang itanong niya 'yon. Sabi ko na, eh.I gulped. "Mga... kaibigan ko po."Hindi na nagsalita si Mommy pagkatapos no'n at nagpatuloy na lamang sa pag-kain. Phew, buti naman! Ayoko pang sabihin na boyfriend ko na si Kairus. Masyado pa kasing

  • Requital of Agony   Chapter 21

    "You're now 8 weeks pregnant. Congratulations."Napalunok ako sa sinabi ng doktora kay Astrid. Maging si Astrid ay nanlumo nang sinabi iyon no'ng doktora."Alam mo naman na ang routine. Huwag masyadong magpakastress at iwasan ang unhealthy habits," paliwanag pa ng doktora. "Kung magkaroon ng aberya, pumunta ka lang dito para ma-check kaagad natin."Astrid gulped. "S-Salamat po, Doc...""No problem," the doctor smiled. Tumayo na kami ni Astrid at lumabas sa room ng doctor.Napaupo si Astrid sa isang upuan dito sa ospital. Umupo ako sa tabi niya at hinagod ang likod niya."Buntis nga ako..." Pagak itong natawa nang sabihin niya iyon. "Tangina. Hindi ko alam ang gagawin ko."I cleared my throat, couldn't find the exact words to say. "Ipapalaglag mo ba 'yong bata o bubuhayin mo?" I carefully asked. "Anuman ang desisyon mo, susuportahan kita."Tumingala ito at ipinikit ang kaniyang mata. "Gusto kong buhayin 'to, Tryze..." Tumingin s

  • Requital of Agony   Chapter 20

    "Gusto ko nito! Libre mo ako, Tryze!"Napailing na lamang ako nang ituro ni Astrid iyong fish balls dito sa labas ng campus. Tumango na lamang ako at kumuha ng pera sa wallet ko."Manong, pabili po!" Masayang kumuha si Astrid ng stick at plastic cup doon at tumusok ng fishball. Kumuha na rin ako ng plastic cup at sticm dahil nagugutom ako.Tinignan ko ang plastic cup ni Astrid. "Magkano 'yan?" Tanong ko bago lagyan ng sauce 'yong pinili kong street foods."Twenty pesos lang, hehe," she smiled. Inabot ko sa tindero 'yong pera kong fifty pesos."Saka po dalawang palamig," sabi ko. Sumubo ako ng fishball habang hinihintay 'yong palamig.Astrid giggled while she's eating. Napailing na lamang ako sa inaasta niya. She's acting weird these past few weeks. Ewan ko ba sa babaeng 'to."Kaka-stress 'yong exam kanina!" Uminom ito ng palamig nang sabihin niya iyon. "Mabuti at natapos na natin 'yon ngayon. Jusme! Aatakihin yata ako kanina sa sobran

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status