Share

Kabanata 91: Partnerships

ALLYS POV

Kinabukasan ay nagising ako na wala na si Leon sa aking tabi. Sa pag-aakalang nasa loob ng banyo lamang siya at naliligo ay hindi na ako nag-abala pang bumangon. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at nagbabalak na sanang matulog ulit ngunit natigilan din ako at wala sa sariling napasulyap sa maliit na alarm clock na nasa aking side table.

Sinulyapan ko iyon at halos manlaki ang mga mata ko nang makita kong alas otso na pala ng umaga. Pabalikwas akong bumangon at nagulat pa ako nang makita kong may suot na pala akong damit. Marahil ay binihisan ako ni Leon kagabi ng makatulog na ako. Hindi ko na iyon pinansin pa at mabilis kong tinahak ang banyo at maging ang aking walk-in closet para lamang hanapin siya ngunit wala akong Leon na nakita sa bawat sulok ng aking silid.

Mabilis kong sinuot ang aking puting roba at lumabas ng aking silid. Nang nasa hagdan na ako ay nakita ko si Lita doon na nagpupunas sa mga picture frame na nakasabit lang doon sa may gilid ng hagdan.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status