ALLYS POV Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang purong puti na nasa paligid ko. Asan ako? Bakit puro puti ang nakikita ko? Marahan akong gumalaw at inilibot ng tingin ang buong paligid. Nasa isang silid ako at sa suot ko pa lang ay alam ko na agad na nasa isang hospital ako. Anong nangyari? Wala sa sariling napatitig ako sa aking mga braso at nakita ko ang mga mapupulang pantal doon. Naalala ko na ngayon. Kumakain pala kami ni Leon nang mapansing kong may nakahalong mga mani sa mga pagkain namin. Huli na nang mapansin ko iyon dahil nakasubo na ako non. Ang huling naalala ko lang ay kinapos ako sa aking paghinga habang naririnig ko si Leon na sumisigaw sa sekretarya niya. He saved me. He saved me again this time. Parati na lang niya akong sinasagip sa tuwing nasa panganib ang buhay ko. Una sa club, pangalawa sa c.r. at ngayon naman ito. Sobrang dami ko na pa lang utang na loob sa lalaking iyon. Napalingon ako sa pintuan ng marinig kong
LEON POV Habang nasa bar counter ako ng bahay namin ay hindi ko maiwasang mapaisip sa mga naging reaksiyon at sinabi ni Mariel kanina sa hospital. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya nang sabihin ng mga kaibigan niya na paborito niya ang mga pagkaing may peanuts. Nakita ko mula sa inosente niyang mga mata ang takot at pagkalito. She was also uneasy of the topic. 'H-hindi ko alam kung kailan nagsimula ang lahat ng pagkakaroon ko ng allergy sa mani. B-basta noong kumain na lang ako ay hindi na ako makahinga at ito na nga ang nangyari,' naalala kong mahinang sabi niya at ipinakita sa dalawa niyang kaibigan ang kanyang mga pantal. Somethings not right! I can feel it. Nakita kong dumating na si Freddie at naglalakad na ito palapit sa akin ngayon dala ang kanyang paboritong attache case. "Yo! Second Mondragon!" bati niya sa akin at naupo sa tabi ko sa bar counter. Nilagok ko nang deretso ang aking alak saka siya binalingan ng tingin. "Ano? Kumusta? Dala mo ba iyong p
LEON POV "She is the only one, who survived about that tragic accident. Patay ang lahat ng mga kasamahan niya sa loob ng bus at ni hindi na makilala pa ang mga labi nito. Including, Mariel, your fiancee. Sa hinuha ko ay maaaring nakagapang pa si Allys palabas ng bus bago pa ito sumabog. Kaya naman siya lang ang nakaligtas, but of course kahit nakagapang pa siya palabas ay nagtamo pa rin siya ng mga malalang injury na maaari niyang ikinamatay. I still couldn't believe that she survived that one," naiiling na sabi ni Freddie at ininom ang kanyang alak. "She's so lucky, man. For having a second life to lived. Hindi lahat nakakaligtas sa ganoong klase ng aksidente," dagdag pa niya na mabilis ko namang sinagot. "What's so good about that?! She's an impostor! Nagpapanggap siya bilang isang tao na hindi naman talaga siya! Ninakawan niya ng katauhan si Mariel! Ninakawan niya ng pagkakataon ang pamilya nitong magluksa para sa nag-iisang anak nila na namatay na pala! They can't even find
Kabanata 64: Who Are You? ALLYS POV Halos dalawang araw na rin simula noong makauwi ako galing sa pinuntahan namin nina Carla at Samantha. At halos ilang araw ko na rin na hindi nakikita si Leon. Nakakapagtaka at nakakapanibago na sa loob ng limang araw ay ni hindi manlang siya tumawag sa akin at noong nakauwi na ako ay hindi din niya ako dinalaw sa bahay. Umasa kasi ako na dadalawin niya ako gaya ng ipinangako niya sa akin doon sa ospital. Pero nakalipas na lang ang dalawang araw ay hindi pa rin siya dumadalaw. Talaga bang ganoon na siya ka busy ngayon? Dati rati naman ay kahit busy siya ay gumagawa pa rin naman siya ng paraan para makita at makasama niya ako. Dahil sa sobrang nababagot na ako sa bahay ay napag-isip isip ko ngayong gumala mag-isa. Oo, ako lang mag-isa dahil abala sina Carla at Samantha sa kanya kanya nilang mga ginagawa. Hindi ko alam kung ano bang ginagawa nila pero hindi na lang ako nagtanong pa at baka magtaka pa sila sa akin. Naglalakad lakad lang ako
ALLYS POV Nakatitig sa akin si Leon gamit ang kanyang seryosong mga mata na animo'y hinihintay niyang umaamin ako sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanya? Sobrang talim ng kanyang mga tingin kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Medyo pinagpapawisan na rin ako ng malagkit. Lalo na ang mga palad ko sa kamay ay ganoon din. Kahit sobrang lakas naman ng aircon dito sa loob ng kotse niya ay pinagpapawisan pa rin ako. "U-uhm...p-pwede bang ihatid mo na ako pauwi? M-medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, Leon. P-pwede bang sa susunod na lang tayo mag-usap ng dalawa-" "Just answer my damn question woman! Who are you?" mariing tanong niya ulit sa akin. Tuluyan na akong hindi mapakali sa kinauupuan ko. Kita ko sa kanyang mga mukha ang komprontasyon at panghuhusga. Panay ang iwas ko sa kanya ng tingin habang napapalunok ng ilang ulit. Pakiramdam ko ngayon ay wala na akong kawala sa kanya. Para siyang isang leon na handa ng manakmal sa kanyang maliit na pagkain. At ako a
LEON POV Nakatitig ako ngayon sa umiiyak na si Allys. Hindi ko naman talaga sana sinsadyang takutin siya ngayon. Ang gusto ko lang naman ay ang marinig ko ang katotohanan mula mismo sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagkaguilty. "Ang gusto ko lang naman noon ay ang takasan ang Tatay Arsing ko. Hindi ko ninais o inintensyong na magkaroon ng koneksyon sa inyo," hagulhol niya sa aking harapan. Kumunot ang noo ko sa kanya. Gusto niyang takasan ang Tatay Arsing niya? Bakit? "Hindi kita maintindihan," tanging nasabi ko na lamang. Tumingin siya sa akin na punong puno ng mga luha ang kanyang mga magagandang mga mata. Kumikislap ito sa aking paningin dahil sa mga luhang naroroon. Fuck! At may oras pa talaga akong sambahin ang mga mata niyang iyan! Ang mga matang naglagay sa akin sa ganitong klase ng sitwasyon! Damn it! Dahil sa mga matang iyan kaya ako nagkagusto sa kanya. Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa mga pinag-iisip ko ngayon. Fuck. "H-hindi ako ma
ALLYS POV "Bakit hindi mo sinabi sa kanila ang totoo noong gumaling ka na?" nagtataka tanong ni Leon sa akin. Napayuko ako dahil sa tanong niyang iyon. "Allys..." tawag niya sa pangalan ko. "Dahil natakot ako, Leon. Pinangunahan ako ng takot ng mga oras na iyon. Iyon din naman sana talaga ang plano ko noong una pa lang na sabihin sa kanila ang totoo pero natakot ako. Sobrang natakot ako sa katotohanang kaya nila akong ipakulong dahil sa salang pagiging impostor ko. Sobrang yaman ng pamilya nila kaya pinangunahan ako ng takot at pangamba," iyak ko sa kanya. Natahimik lamang siya dahil sa sinabi kong iyon. Tanging ang aking mga hikbi lamang ang gumagawa ng ingay dito sa loob ng kanyang sasakyan. "Wala akong kasalanan," hikbi ko pang sabi sa kanya. "Hindi ko ginustong mangyari ito. Ipagtatapat ko naman talaga sana ang lahat noong una pa lang pero natakot ako. Naduwag ako," hagulhol na iyak ko sa kanyang harapan. Ano nang gagawin ko ngayon? Alam na niya ang lahat lahat ng
[ Warning: This chapter may contains sexual themes and mild nudity. Appropriate for readers age 18 or older. ] ALLYS POV "Don't worry. I'm always here for you. If you want to keep this a secret and keep on pretending that you are Mariel, then I won't tell it to anyone. Just....just stay by my side and don't ever leave me. Whatever may happened, you will just stay by my side. I will protect you, even if what it takes," marahang sabi niya sa akin gamit ang kanyang bruskong boses. Habang tinititigan ako ng maigi sa aking mga mata. Hindi agad ako nakahuma sa sinabi niyang iyon. Tama ba ang lahat ng mga narinig ko? Handa niyang itago ang sekreto ko sa pamilya niya at sa dalawang mag-asawang Cuevas? "I love you,.....Allys." Mas lalo lang akong natigilan sa idinagdag niyang mga salita. Talagang mahal niya nga ako at handa siyang gawin ang lahat para sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na muling maiyak dahil sa kanya. Papaanong sa kabila ng lahat ng mga nalaman niya sa akin ay m