Kabanata 64: Who Are You? ALLYS POV Halos dalawang araw na rin simula noong makauwi ako galing sa pinuntahan namin nina Carla at Samantha. At halos ilang araw ko na rin na hindi nakikita si Leon. Nakakapagtaka at nakakapanibago na sa loob ng limang araw ay ni hindi manlang siya tumawag sa akin at noong nakauwi na ako ay hindi din niya ako dinalaw sa bahay. Umasa kasi ako na dadalawin niya ako gaya ng ipinangako niya sa akin doon sa ospital. Pero nakalipas na lang ang dalawang araw ay hindi pa rin siya dumadalaw. Talaga bang ganoon na siya ka busy ngayon? Dati rati naman ay kahit busy siya ay gumagawa pa rin naman siya ng paraan para makita at makasama niya ako. Dahil sa sobrang nababagot na ako sa bahay ay napag-isip isip ko ngayong gumala mag-isa. Oo, ako lang mag-isa dahil abala sina Carla at Samantha sa kanya kanya nilang mga ginagawa. Hindi ko alam kung ano bang ginagawa nila pero hindi na lang ako nagtanong pa at baka magtaka pa sila sa akin. Naglalakad lakad lang ako
ALLYS POV Nakatitig sa akin si Leon gamit ang kanyang seryosong mga mata na animo'y hinihintay niyang umaamin ako sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanya? Sobrang talim ng kanyang mga tingin kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Medyo pinagpapawisan na rin ako ng malagkit. Lalo na ang mga palad ko sa kamay ay ganoon din. Kahit sobrang lakas naman ng aircon dito sa loob ng kotse niya ay pinagpapawisan pa rin ako. "U-uhm...p-pwede bang ihatid mo na ako pauwi? M-medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, Leon. P-pwede bang sa susunod na lang tayo mag-usap ng dalawa-" "Just answer my damn question woman! Who are you?" mariing tanong niya ulit sa akin. Tuluyan na akong hindi mapakali sa kinauupuan ko. Kita ko sa kanyang mga mukha ang komprontasyon at panghuhusga. Panay ang iwas ko sa kanya ng tingin habang napapalunok ng ilang ulit. Pakiramdam ko ngayon ay wala na akong kawala sa kanya. Para siyang isang leon na handa ng manakmal sa kanyang maliit na pagkain. At ako a
LEON POV Nakatitig ako ngayon sa umiiyak na si Allys. Hindi ko naman talaga sana sinsadyang takutin siya ngayon. Ang gusto ko lang naman ay ang marinig ko ang katotohanan mula mismo sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagkaguilty. "Ang gusto ko lang naman noon ay ang takasan ang Tatay Arsing ko. Hindi ko ninais o inintensyong na magkaroon ng koneksyon sa inyo," hagulhol niya sa aking harapan. Kumunot ang noo ko sa kanya. Gusto niyang takasan ang Tatay Arsing niya? Bakit? "Hindi kita maintindihan," tanging nasabi ko na lamang. Tumingin siya sa akin na punong puno ng mga luha ang kanyang mga magagandang mga mata. Kumikislap ito sa aking paningin dahil sa mga luhang naroroon. Fuck! At may oras pa talaga akong sambahin ang mga mata niyang iyan! Ang mga matang naglagay sa akin sa ganitong klase ng sitwasyon! Damn it! Dahil sa mga matang iyan kaya ako nagkagusto sa kanya. Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa mga pinag-iisip ko ngayon. Fuck. "H-hindi ako ma
ALLYS POV "Bakit hindi mo sinabi sa kanila ang totoo noong gumaling ka na?" nagtataka tanong ni Leon sa akin. Napayuko ako dahil sa tanong niyang iyon. "Allys..." tawag niya sa pangalan ko. "Dahil natakot ako, Leon. Pinangunahan ako ng takot ng mga oras na iyon. Iyon din naman sana talaga ang plano ko noong una pa lang na sabihin sa kanila ang totoo pero natakot ako. Sobrang natakot ako sa katotohanang kaya nila akong ipakulong dahil sa salang pagiging impostor ko. Sobrang yaman ng pamilya nila kaya pinangunahan ako ng takot at pangamba," iyak ko sa kanya. Natahimik lamang siya dahil sa sinabi kong iyon. Tanging ang aking mga hikbi lamang ang gumagawa ng ingay dito sa loob ng kanyang sasakyan. "Wala akong kasalanan," hikbi ko pang sabi sa kanya. "Hindi ko ginustong mangyari ito. Ipagtatapat ko naman talaga sana ang lahat noong una pa lang pero natakot ako. Naduwag ako," hagulhol na iyak ko sa kanyang harapan. Ano nang gagawin ko ngayon? Alam na niya ang lahat lahat ng
[ Warning: This chapter may contains sexual themes and mild nudity. Appropriate for readers age 18 or older. ] ALLYS POV "Don't worry. I'm always here for you. If you want to keep this a secret and keep on pretending that you are Mariel, then I won't tell it to anyone. Just....just stay by my side and don't ever leave me. Whatever may happened, you will just stay by my side. I will protect you, even if what it takes," marahang sabi niya sa akin gamit ang kanyang bruskong boses. Habang tinititigan ako ng maigi sa aking mga mata. Hindi agad ako nakahuma sa sinabi niyang iyon. Tama ba ang lahat ng mga narinig ko? Handa niyang itago ang sekreto ko sa pamilya niya at sa dalawang mag-asawang Cuevas? "I love you,.....Allys." Mas lalo lang akong natigilan sa idinagdag niyang mga salita. Talagang mahal niya nga ako at handa siyang gawin ang lahat para sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na muling maiyak dahil sa kanya. Papaanong sa kabila ng lahat ng mga nalaman niya sa akin ay m
[ Warning: This chapter may contains sexual themes and mild nudity. Appropriate for readers age 18 or older. ] ALLYS POV I was moaning the whole time while Leon still giving me wildfire. Halos mapasubsob ako sa kanyang katawan ng sabay kaming nakarating sa rurok ng kaligayahan. Habol ko ang aking hininga habang yakap yakap niya ako nang mahigpit. Bumibigat ang mga talukap ng aking mga mata dala na rin siguro ng pagod sa ginawang pag-iyak ko kanina. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at naramdaman ko na lang na pinaandar ni Leon ang kanyang sasakyan habang naka kanlong pa rin ako sa kanya. ( Fast Forward ) Nagising na lang ako nang maramdaman ko na may humahalik sa aking magkabilang pisngi at mga labi. Naalimpungatang iminulat ko ang aking mga mata at sa mga nanlalabong mga paningin ay nakita ko si Leon. "Wake up, my baby," bulong niya sa aking mga tenga. Isang marahang ungol lang ang aking itinugon sa kanya at napagulong ako sa kaliwang bahagi ng kama. Niyakap ko ang un
ALLYS POV "I love you. I love you so damn much, Allys. Ikaw lang ang tanging babaeng nagparamdam sa akin ng ganitong klase at katinding pagmamahal. I love you," bigkas niya at hinalikan ako. Matapos naming makapagligong dalawa ay sabay kaming nagbihis ng damit. Nakaharap ako ngayon sa kanyang full length mirror na makikita mo dito sa loob ng kanyang walk in closet. Sinusuklayan ko ang aking mahabang buhok gamit ang aking mga daliri. At medyo kinagat ko pa nang bahagya ang aking mga labi upang pumula naman ito at hindi nga ako nabigo. "You're ready?" tanong ni Leon sa akin habang nakahilig sa hamba ng pintuan ng kanyang walk in closet. Nilingon ko naman siya at mabilis na tinanguhan. Nakita ko kung paano bumaba ang kanyang mga tingin sa suot kong damit saka napakunot noo. "Damn! Ang sabi ko kay, Lucas, ay pumili siya nang matinong damit. Ito na ba ang matino para sa kanya?" bulalas niya habang kumukuha ng isang itim na coat sa isa sa mga cabinet niyang naririto. Nagulat ako
ALLYS POV "Mariel! Nakauwi ka na pala." Kumakain na kami ni Leon nang may biglang tumawag sa akin na dalawang ginang. Sabay pa kaming dalawa ni Leon na napatingin sa kanila at halos nanlaki ang mga mata nila ng mapagtanto nila kung sino ang kasama ko. "E-Engineer, kayo po pala iyan." Ang kaninang masiglang mukha niya ay napalitan na ngayon nang pagkagulat. "At magkasama kayong dalawa? Anong meron? Are you two have been dating now? Engineer Mondragon?" Parang gulat na gulat naman ang isa na nagtakip sa kanyang bibig. "Omg! So, talaga pa lang matutuloy ang kasalan ninyong dalawa? Ang akala pa naman namin ay matagal nang natapos ang engagement ninyo dahil iyon ang ipinagkakalat na usap usapan sa amin ni Mrs. Alcantara," dagdag pa ng isa. Mrs. Alcantanra? Sino naman iyon? "Ay naku! Alam naman namin na nag-iilusyon lang talaga ang pamilyang iyon dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may gusto ang anak niyang si Meldrid kay Engineer." "I can't believe their sp