Share

Kabanata 67: Scared

ALLYS POV

"Bakit hindi mo sinabi sa kanila ang totoo noong gumaling ka na?" nagtataka tanong ni Leon sa akin.

Napayuko ako dahil sa tanong niyang iyon.

"Allys..." tawag niya sa pangalan ko.

"Dahil natakot ako, Leon. Pinangunahan ako ng takot ng mga oras na iyon. Iyon din naman sana talaga ang plano ko noong una pa lang na sabihin sa kanila ang totoo pero natakot ako. Sobrang natakot ako sa katotohanang kaya nila akong ipakulong dahil sa salang pagiging impostor ko. Sobrang yaman ng pamilya nila kaya pinangunahan ako ng takot at pangamba," iyak ko sa kanya.

Natahimik lamang siya dahil sa sinabi kong iyon. Tanging ang aking mga hikbi lamang ang gumagawa ng ingay dito sa loob ng kanyang sasakyan.

"Wala akong kasalanan," hikbi ko pang sabi sa kanya.

"Hindi ko ginustong mangyari ito. Ipagtatapat ko naman talaga sana ang lahat noong una pa lang pero natakot ako. Naduwag ako," hagulhol na iyak ko sa kanyang harapan.

Ano nang gagawin ko ngayon? Alam na niya ang lahat lahat ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status