LEON POV Napatitig ako sa sasakyang papalayo ni Mariel. Ni hindi manlang niya ako nagawang lingunin kanina habang papalabas siya ng restaurant. What was that all about? Bakit sobra na lang ang galit niya sa akin? Ok pa naman kami kahapon ah! Anong problema namin ngayon? Bakit galit na galit siya? Nilingon ko si Meldrid na nasa aking likuran. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya. She looked like a total mess right now. Basa ang kanyang buong mukha at namumula ang kanyang magkabilang pisngi. Kitang kita ko rin mula doon ang mga bakas ng palad ni Mariel. Nagmukha tuloy siya ngayong isang basang sisiw. Hindi ako makapaniwalang si Mariel ang may gawa nito sa kanya. She's not usually like this. Simula ng makauwi siya galing sa states ay hindi ko siya kailanman nakitang ganito. She's always silent everytime na inaaway siya ni Meldrid. Mas ginugusto niyang manahimik na lang kesa pumatol sa babaeng ito. Pero ngayon, it was the other way around. Talagang ngayon lang siya lumaban. "An
LEON POV "Where's Mariel, Nanay Tessy? Nasa kwarto po ba niya? I need to talk to her," agad na bungad na tanong ko sa mayordoma nila Mariel at mabilis na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Kinatok ko nang paulit ulit ang kanyang pintuan habang panay ang tawag ko sa pangalan niya. Pero kahit isa ay hindi niya ako pinagbuksan ng pintuan. Fuck! "Ah, Señorito Leon, wala po kasi si Señorita Mariel ngayon," mahinang sabi ni Nanay Tessy na nasa aking tabi. Hindi ko napansin na sinundan niya pala ako paakyat dito sa ikalawang palapag. Nakita ko pang may iilang sumisilip na mga kasambahay sa amin ni Nanay Tessy pero wala na akong pakialam. Mabilis ko siyang hinarap at tinanong. "Bakit? Nasaan siya? Saan siya nagpunta?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya gamit ang maawtoridad kong boses. Kita ko namang medyo natakot siya sa akin. "U-umalis po Señorito, may dala pong mga bagahe. Hindi po sinabi sa amin kung saan ang punta niya. Basta ang sabi lang ni Miss Mariel sa akin ay ki
ALLYS POV Nagulat ako sa presenya ng lalaking pumasok sa c.r. lalo na nang lingunin ako nito at tinitigan mula ulo hanggang paa. Sa uri ng titig niya ay kaagad akong nakaramdam ng panganib. "Mariel?" tawag niya sa akin. Agad akong kinabahan at napasiksik sa gilid ng pader. "S-sino ka? Bakit kilala mo ako?" medyo nanginginig ang boses kong tanong rito. Bigla siyang ngumisi sa akin at mas lalo pang lumapit na ikinasigaw ko na. "Huwag kang lumapit sa akin! Hindi kita kilala kaya layuan mo ako!" sigaw ko at kaagad akong napatili nang hablutin niya ang braso ko at niyakap ako ng mahigpit. "KYAAAHHHHH! BITIWAN MO AKO! SAKLOLO! TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!" pahisterya ko ng sigaw. Habang tinutulak siya palayo sa sa akin. Nang makawala ako sa kanya ay mabilis akong tumakbo sa may pintuan pero nagulat ako ng mas nauna pa siya sa akin at nakita ko kung paano niya nilock iyon. Parang nawala na lang bigla ang kalasingan ko sa katawan at ang pumalit ay ang labis na pagkatakot sa ta
CARLA POV "MARIEL!" sigaw ko nang makita kong bigla na lang mawalan ng malay si Mariel. Tinapik tapik ko ang mukha niya para magising siya pero wala pa ring epekto. Nagulat na lang ako ng lumapit si Leon sa amin at mabilis niyang hinubad ang suot niyang coat at itinakip iyon sa buong katawan ng kaibigan ko. Saka niya ito marahang binuhat palabas ng c.r. Mabilis kong tinawag si Samantha na nakatitig pa sa nakahandusay na ex ni Mariel sa sulok. Basag ang buong mukha nito na animoy sinuntok ng ilang libong demonyo. Serves him right! Mabuti na lang at wala masyadong tao dito sa c.r. dahil nasa loob na ito ng pasilyo ng hotel. At lahat ng mga tao ay naroroon sa party. Kaya walang nakakita sa buong nangyari sa kanya ngayon. Kung nagkataon pa na hindi kami dumating at hindi rin namin nakita si Leon ay baka naisakatuparan na niya ang masamang plano niya sa kaibigan namin. Kaya dapat lang sa kanya iyan! "Come on, Sam," hila ko kay Samantha paalis sa lugar na ito. "T-teka
ALLYS POV Mablis akong umalis sa kama at kaagad na tinungo ang nakasarang pintuan. Mukhang nagulat naman si Leon kaya kaagad din siyang napatayo mula sa kanyang pagkakaupo at agad niyang pinulupot ang kanyang braso sa maliit kong beywang para mapigilan ako sa pag alis. "Ano ba?! Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako, Leon!" sigaw ko habang nagpupumiglas na makatakas mula sa yakap niya. Imbes na sundin ang iniuutos ko ay mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "I said Let go of me!" I screamed. "Pwede bang huminahon ka muna sandali at mag-usap tayong dalawa. Please baby please. Let's talk," nakayakap niyang sabi sa akin mula sa aking likuran. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg at inamoy amoy ako. Naramdaman kong lumuwang ang pagkakayakap niya sa akin kaya agad naman akong nakakuha ng pagkakataon na maitulak siya palayo sa akin. "Don't you dare touch me!" banta ko sa kanya gamit ang galit kong boses at dinuroduro siya. "You're a fake! Alam ko na ang plan
ALLYS POV "No," mabilis akong umiling iling at napaatras ng ilang hakbang palayo sa kanya. "You're a liar. Hindi na ako ulit pa maniniwala sa mga kasinungalingan mo, Leon. Not again!" mahinahon ngunit mariin kong sabi. Mas lalo lamang siyang lumapit sa akin at ang kanyang mga labi ay nasa tenga ko na. Pumiglas ako pero mariin ang pagkakahawak niya sa akin. "You used me," singhal ko at tinulaktulak siya sa kanyang dibdib. "I didn't! Mahal kita! Totoo ang lahat ng mga ipinakita at ipinaramdam ko sa iyo, Baby. Please forgive me," giit niya habang sinasapo ang aking mukha. "Bitiwan mo ako! Lumayo ka sa akin! Leon!" sigaw ko. "No!" He also shouted that made me startled. Nakita kong nagtagis ang bagang niya at mas lalo pang hinigpitan ang kapit sa aking mga braso. "You are mine, Mariel! Sinabi ko na ang totoo sa iyo. Inamin ko na rin ang mga kasalanan ko. Now tell me, bakit mo kasama ang tarantadong lalaking iyon kagabi sa loob ng c.r." galit na tanong niya na ikinalaki ng m
LEON POV "Please let's go back inside of my unit, baby," marahan kong sabi kay Mariel nang kumalma na siya mula sa kanyang pag iyak. Bumukas ang pintuan ng elevator at agad kong sinamaan ng tingin ang mga taong nakaabang na pumasok sa loob, habang yakap yakap ko pa rin si Mariel sa mga bisig ko. Napaatras ang dalawang lalaking nakatayo nang makita nila ako. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang ginawang pagsulyap ng isa sa mga ito kay Mariel. Mariel is wearing my white polo long sleeves and underneath is only her undergarments. Kitang kita ko kung paano pumasada ang tingin nito sa mga binti ng aking fiancee. Fucking assholes! "What are you peeking at you moron," I growled at him. Nagulat si Mariel sa sinabi kong iyon kaya wala sa sarili siyang lumingon sa dalawang lalaking nakatayo sa aming harapan. Magulo ang mahaba niyang buhok na may pagkakulot sa dulo and damn it! She really looks so hot with my clothes on. At nakikita iyon ng mga lalaking ito ngayon. I even saw their
LEON POV "Maayos na po ang kalagayan ng pasyente at mabuti na lang at agad niyo siyang naisugod dito sa hospital. I required you, na iwasan niyo po ang mga pagkaing ipinagbabawal sa kanya na may nakahalong mga peanuts. Kasi mataas po ang tollerance ng kanyang allergy sa pagkaing iyon. Sa ngayon binigyan na namin siya ng gamot at nilagyan na rin namin ng mga ointment ang mga pantal niya sa katawan," mahabang paliwanag ng doctor. Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. "Pantal? Ano pong mga pantal ang pinagsasabi niyo? Nahirapan lamang po siyang huminga kanina at sobrang pumula po ang buo niyang katawan," sabi ko sa doctor na kaharap. "Yes, her body reddened because of her allergy at kasunod po nun ang paglabas ng mga mapupulang pantal sa kanyang katawan. It takes 2 to 3 days bago mawala ang mga ito, and I suggest na huwag niyo pong ipakamot ang mga pantal na iyon sa kanya kasi magcacause po ito ng mas lalong pamumula at baka mainfect pa po ito dahilan ng pagkakasugat." Tuma