Share

Kabanata 126: Escaped

ALLYS POV

"Ano ba kasi 'yon? Naiintriga na ako sa kaseryosohan mo ha," untag niya sa akin habang umiinom ng juice na inihanda ni Joy.

Nasa kwarto si Joy at pinapatulog na ulit si Leo. Kaya kaming dalawa na lamang ni Mika ngayon ang nasa sala.

"Pwede bang tulungan mo ako? Hindi ba't may tiyahin ka sa kabilang baryo?" panimula ko na ikinatango niya.

"Oo meron nga. Ano naman ang maitutulong ko sa iyo?" naguguluhan na niya ngayong tanong.

Pinagsiklop ko ang aking mga kamay at kinakabahan na tinitigan siya. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero siya lamang ang tanging nakikita ko sa ngayon na makakatulong sa akin.

"P-pwede bang pakiusapan mo ang tiyahin mo, Mika na kung pwede sana ay makikituloy muna kami saglit ni Leo doon sa kanila. Kahit sandali lang bago ako makahanap ng lugar na mapaglilipatan naming dalawa ni Leo."

Kumunot ang kanyang noo sa akin.

"Bakit? Anong problema? At bakit biglaan naman yata?" tanong niya.

Mariin kong hinawakan ang kanyang mga kamay kaya na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status