Chapter 34: Controversies
Isang araw lang naman ako nag stay sa hospital. Lumabas na din agad ako dahil may trabaho pa at sayang lang din naman ang pera kapag nag stay pa ako ng matagal doon. Sinundo ako ni Mama at Tito Ed, gusto pa sana ako ihatid ni Kevin pero hindi na ako pumayag ewan ko ba after umalis ni Rage ay bigla ako nasaktan. Mixed emotions ang nararamdaman ko dahil unang una ay hindi ko alam kung paano sila tatanggapin. Hindi ko na nga matandaan kung paano ko sila naging kaibigan higit sa lahat ay nahihiya ako makipag halubilo sa kanila dahil mukhang ang yayaman na nila lahat.
Pakiramdam ko maaa-out of place ako pag sumama pa ako sa kanila. Ayoko naman na mag mukha akong engot dun lalo na at halata sa kanila na may napatunayan na. May mga naging trabaho rin naman ako sa probinsya namin yun nga lang ay hindi rin ganun ka laki ang sahod.
Kaya gusto kong pag igihan ang trabaho dito sa Manila, gusto ko rin makapag publish ng libro isa din kasi yun sa pangarap ko.
Panibagong araw na naman at papasok na uli ako sa network.
Medyo unti-unti na akong matutong mag commute buti na lang talaga at nasasanay na katawan ko.
Wala si Mama ngayon nasa lugar ni Tito Ed kaya ako lang ang naiwan dito.
Paglabas ko ng gate balak ko na sana mag book ng grab since maaga pa naman, nagulat na lang ako na may nakaparada na sasakyan.
Hindi ko dapat papansinin dahil baka sa kapitbahay lang ang sasakyan at nagkamali lang ng parada.
Hanggang sa makita ko ang may-ari ng sasakyan.
Si Kevin.
May dala pa siyang kape mukhang bumili pa sa tabing kalsada ng kape niya.
“Ganda, ganda natin ngayon a.” Bati niya sa akin habang papalapit sa kinatatayuan ko.
“Good morning.” Pagbati ko sa kanya ng magtapat na kami.
“Sabay ka na sa akin, dinadaanan ko lang naman ang TV network niyo kasi malapit yun sa company namin.” Pang-aalok niya.
“Kaya ko naman mag commute ei.” Sabi ko ayoko naman na basta na lang siya tanggihan.
“Ito naman oh parang hindi kaibigan, sige na. Baka mamaya mapano ka pa sa daan ei.” Sabi niya pa.
Sasagot na sana ako ng biglang may huminto sa tapat ng bahay namin na isang artista van, pamilyar na ako sa ganitong uri ng sasakyan dahil madalas ko itong makita sa network.
“Sakay.” Malalim ang boses ni Rage ng sabihin yun.
“Hinay hinay naman brad ako naman nauna a,” Sabi ni Kevin at humigop ng kape niya.
“Pareho na rin naman kami ng pupuntahan kaya maiging isabay ko na.” Sagot ni Rage at mas malalim ang boses nito. Napatigil si Kevin sa sinabi ng kausap, sabay ngisi.
“Back in the days lang. Hanggang ngayon agawan?” Kevin said while smirking.
Nakita ko ang pag galaw ng panga ni Rage at biglaang pagyukom ng kamao niya.
“Bakit? Nagba-baka sakali ka ba?” Sagot ni Rage na nakangising nang-aasar.
“Huwag mo rin akong simulan, Kevin.” Dagdag pa ni Rage.
Hindi ko alam bakit parang ang intense ng usapan nila o sadyang hindi lang ako makarelate.
“Ah. Magco-commute na lang ako.” Sabi ko sa dalawa. Sabay naman silang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko.
“No, sabay ka na sa akin.” They both said in chorus.
“No, It’s better na mag commute na lang.” Sabi ko at umalis na baka mamaya ay mamilit pa sila. Buti na lang at habang naglalakad lakad ako ay may nahagilap na akong taxi.
Pagkasakay ko ay eksaktong nakikinig si Manong ng balita.
“Breaking News— Presidential aspirant and former congressman Achilles Suarez is now under arrest for tax evasion, plunder and a drug lord he is now on investigation for his crime according to the NBI. The presidential aspirant is caught off guard for accepting a bunch of drugs from a Chinese politician. But the Chinese politician still remains confidential for now. Said by Chief of Police De Castro, due to the controversy Suarez illness in his heart disease rise and he has to be in house arrest for now.”
Si Rage yun agad ang pumasok sa isip ko.
Kaya ba siya nagmamadali sa hospital.
“Mga politiko talaga dito sa Pilipinas napa-sobra na sa kapangyarihan ayaw na lang manilbihan ng maayos, sila itong inihahalal ng mga mamamayan sila itong kurap.” Komento ni Manong Driver sa narinig niya.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil masyadong mabigat ang issue.
—-
Nang makarating na ako sa TV network ay kita ko na agad ang mga reporter na nagkalat dahil siguro sa isyu ng Tatay ni Rage.
“Ano kaya ang reaksyon ni Rage rito?” Dinig kong sabi ng isang reporter sa katabi nito.
Hindi sumagot ang kasama nito at busy sa pag-aayos ng kamera niya, baka nga naman kasi hindi makuhanan ang taong inaantay nila rito. Papasok na ako sa building ng biglang nagkagulo, mukhang dumating na ang sasakyan ni Rage.
“Rage any comment about your Father’s controversy?”
“Rage, how are you feeling right now, knowing that your Father is a corrupt Politician?”
“Rage, did you know any of your Father’s plans?”
“Rage, have you talked to your Dad?”
Ilan lang yan sa mga tanong nila kay Rage, dire-diretso lang ang lakad niya hanggang sa makasakay sila ng elevator. Tinignan ko ang elevator na sinasakyan niya bago ito tuluyang magsara nagkatitigan kaming dalawa.
“Lexia-” May narinig akong boses na tumawag sa akin.
“Hello, ako ‘to si Ali.” Dagdag pa nito. Lumapit ako sa kanya nag hihintay pala siya rito sa lobby.
“Hello.” Bati ko din sa kanya.
“Napadalaw lang ako kasi gusto kong makita kung okay ka na.” Sabi niya sa akin at inabot ang isang gift.
“Naku, nag-abala ka pa ha.” Sabi ko sa kanya, at nahihiyang tinanggap ang gift na bigay niya.
“Salamat nga pala sa pagdalaw.” Sabi ko.
“Wala yun isa pa, dadaan din naman talaga ako rito kasi si Ji iniwan ko muna kay Jen. May pupuntahan lang akong importante ei.” Sabi niya sa akin. A, dinaan lang pala si Ji.
“Nasan siya?” Tanong ko.
“Nandun na sa studio niyo ni Jen.” Sagot niya sa akin.
“Sige ha, tsaka na tayo magkwentuhan ng matagal. Aalis na ako. Bye see you, love you.” Nagbeso kami medyo nakakapanibago pero okay lang. Nung umalis na siya ay tsaka na ako sumakay sa elevator.
Pero nakatanggap ako ng text sa isang unknown number.
“Lunch tayo, libre ko.” -Kevin
That's what the text says.
Chapter 35: Makilala ulit.“Come to my office now.” Sabi sa akin ni Mrs. CruzSumusunod lang ako sa kanya habang papasok kami ng opisina niya.Nang makapasok ay agad siyang umupo sa swivel chair niya.“I received a call from Direk. Concio, gusto niya na ikaw ang gumawa ng script for his new movie.” Nakangiting pag-announce sa akin ni Mrs. Cruz“Po? Bakit po?” Taka kong tanong dahil, masyado akong nao-overwhelmed. Hindi pa nga ako matagal dito sa trabaho ko tapos gagawa na agad ako ng isang movie. Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman lalo na at bago sa akin ‘to.
Chapter 36: Girl’s night.Nasa condo ako ngayon ni Jen nag-aya siya na mag overnight ako sa place niya dahil binanggit ko nga na gusto ko uli sila makilala, bigla siyang nag decide na mag stay ako sa place niya dahil willing daw siya ikwento sa akin lahat. Basta lang ay may limit.Naliligo lang muna si Jen ngayon, marami kasi siyang nakakasalamuha sa trabaho at routine na niya na maligo pagka-dating ng bahay.Naupo lang muna ako dito sa salas niya, malawak ang condo niya at nasa may pinakamataas na bahagi ito ng building. Sinamahan pa nga niya ako sa bahay kanina para kumuha ng mga damit ko for tonight.Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar, Jen’s condo design is all white, ma
Chapter 37: Check on him.“Si Rage.” I whisper….Patong patong ang problema niya ngayon, naapektuhan din ang image niya sa media. Lalo na at panigurado makakarating din ang isyu sa ibang bansa, he’s not just a simple celebrity but a global phenomenon artist. Hindi ito maganda sa karera niya.“That was mind blowing.” Jen said after ilang hours na tumahimik matapos namin marinig ang balita.“Si Rage kaya kamusta?” Ali asked.Hindi kami nakarinig ng sagot mula kay Jen dahil for sure hindi pa sila nag uusap.After ng balita at nagpatuloy kami manoo
Chapter 38: Framed up.“Lexia, are you coming with me ba? Balak ko sana pumunta kay Rage, I just leave a message to him. But he didn’t reply though, nag-aalala na kasi ako sa kanya.” Jen said, ako naman hawak ko pa ang ilang props kanina at sa kaliwang kamay ko naman ay ang script. Katatapos lang ng noon time show.“Oo naman sama ako.” Sagot ko kay Jen.“Okay. Wait for me at the lobby.” Sabi niya at umalis na.Nakita ko siyang pumasok na sa dressing room niya. Tinapos ko na lang din ang mga gagawin ko para naman wala ng isipin.Nang matapos ako ay inayos ko na din ang mga gamit ko, nag re-touch na rin ako at nag mer
Chapter 39: I just love you. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Rage, tama ba na sa akin niya yun sinabi baka kasi masabi ko yun sa iba. Natatakot ako ano. Kanina pa ako nakauwi at ngayon ay matutulog na ako, pero hindi ko pa rin pumipikit ang mga mata ko. Nag-aalala lalo ako sa kanya dahil baka mapahamak siya sa mga ginagawa at pinaplano niya. Hindi ko rin alam kung tama ba ang desisyon na pinasok niya. Sumasakit ang ulo ko kay Rage, dahil hindi nga ako makatulog ay agad na akong tumayo at inasikaso na lamang ang papalapit na presentation ko para sa script reading ng upcoming comeback movie ni Rage. Hindi ko lang alam kung siya pa rin ang kukuning actor o may magbabago dahil sa d
Chapter 40: Remember Love Dinala si Rage sa hospital para mas masuri siya, ako naman ay naghihintay lang rito sa labas. Kumuha na siya ng room, pero ngayon ay ginagamot pa rin siya. “I just love you.” Rage whispers and lean on my shoulder. Naalala ko pa rin kung paano niya yun sinabi sa akin kanina. Bakit siya bigla-biglang nagsasabi ng ganun. Marami ang nangyayari ngayon kay Rage, kaya hindi ko siya masyado nakikita at nakakasama. Wala na rin nagpapadala sa akin ng pagkain ngayon at nung mga nagdaan. Maya-maya pa ay lumabas na ang nurse sa kwarto niya, binuksan ko ng konti ang pinto para makita kung anong ginagawa niya, nakatulala lang siya sa kisame ng kwarto niya.
Chapter 41: Mag-iingat ka.Yay, kasado na ang first ever movie na sinulat ko. Heto pa, kasama din ako sa paghahanap ng location spot for the movie. Grabe ang saya saya ko, halos lahat ata ng tao dito sa network ay ningitian ko na. Kahit hindi ako kilala ay basta-basta ko sila ningingitian grabe ang saya sa pakiramdam na unti-unti ko ng nararanasan ang mga pangarap na nasa isip ko lang noon.Halos magta-tatlong linggo pa nga lang ako dito ay ganito na agad ang naranasan ko hindi lang sa trabaho ano, pati na rin sa private life ko.Pagdating ko sa studio ay tuloy pa rin ang airing ng show, nakita ko si Jen na masayang nakikipag usap sa contestants. Naupo na lang ako dito sa bench na nakalagay sa gilid ng hallway, paano naman kasi punuan na sa loob kaya kaming ibang staff
Chapter 42: Yes.Isang linggo na ang lumipas simula nung huli naming pagkikita ni Kevin, na tansiya ko ay hinding hindi na iyon masusundan. Sa loob ng isang linggo na yun ay kasama ako sa paghahanap ng location para sa magiging set up sa movie. Hanggang ngayon ay hindi pa rin confirm kung si Rage pa rin ba ang gaganap sa movie ko.Hindi rin nagparamdam si Rage sa loob ng isang linggo, ang huling balita sa News kanina ay unti-unti ng nalilinis ang pangalan ng Tatay ni Rage lalo na at tuloy-tuloy ang paglabas ng mga taong sangkot talaga sa krimen na ito. May papalit na rin sa pwesto ni Mr. Suarez sa pagtakbo ng Presidente.Hinayaan ko na rin naman siya lalo na at busy pa rin naman ako.Kakauwi ko lang gali
Announcement and Author’s Note. Hello, everyone this is M.NINS I would like to tell you all my gratitude that you gave to my characters. This is my first novel and I finished it. I want to tell you that we are having an Ali story soon as part of this trilogy series. Though I’m not yet started it, the plot is already in my mind. Anyway, thank you so much for supporting my first baby couple Rage and Lexia= RaXia, lmao I hope you like the names I made up 😂. As you all can see I’m just a new writer, and I’m still writing my own life and finding my pages. I found this good novel because it’s an amusing platform for my dream. I wanted to be lowkey, and private. Hope you give support to our boldest couple soon Grayson and Ali. The way you guys love Rage and Lexia. Belated Happy New Year to all of you, good luck to your challenges in every chapter of your life. Lexia and Rage story are now signing off! This book is a work of fiction, the places, names, events that are mentioned are in th
Epilogue (RAGE’S)“So, when are you coming back? You just turned down a movie with Rachel Park. People are expecting the both of you to work together.” My friend, Carlos. I’m gonna miss that Latin accent of his. “I’m just staying in the Philippines for a couple of months, I need to shoot something there,” I said, actually it’s another movie as well, but for now it’s a secret. “Where is your brother?” He asked.“Oh, Achi, he left first. Then I just follow through.” I said.“So, this house is gonna be empty?” He asked. I looked at him, knowing that he’s gonna bring girls here and party a lot. “Fine, I am not gonna borrow your house.” He said. I continue packing my things. “So, you're gonna find your girlfriend there?” He asked. I stopped packing my things and thought about what he said. “Well, I am not sure though. But who knows!” I replied. I haven’t thought about it… “Well, I’m going now. I have surgery to perform this afternoon, take care and call me. ‘Kay, bye.” After he left
Chapter 56: Discount.(RAGE’S)“Dude, Lexia is awake.” I feel like a possessed man after hearing what Kevin said, I immediately fix all my things cause I’m still here in the university's library, I’m reading a book about Lexia’s lecture when Kevin called. I run as fast as I can, to reach the university parking lot where my car is parked. To the point I forgot to breathe while running, I inhaled a large amount of air when I was actually in front of my car. I stopped for a while and cleaned myself for a moment, I fixed my hair, I ate chewing gum to make my breath smell good, I sprayed perfume as well. I’m really nervous, I don’t know what to say if I face her. Wala naman akong ginagawang masama bakit ba ako nag-aalala. I started the engine of my car to leave the university, especially when I bumped into some reporters kanina habang tumatakbo ako. My phone keeps ringing. I know it’s my Father but I’m not in the mood to talk to him. I still managed to drive safely and arrived in Hosp
Chapter 55: We’ll help you get justice.Habang binabaybay namin ni Ali ang kalsada na dinaanan namin kanina ay, biglang may mga sasakyan ng pulis ang dali-daling binabaybay din ang pinanggalingan namin kanina. Nagkatinginan kami ni Ali mukhang alam na rin niya ang iniisip ko na maaaring papunta iyon sa lugar kung nasaan sila Jen. Dahil si Ali naman ang nagda-drive aya agad niyang niliko ang sasakyan para sundan ang mga sasakyan din ng Pulis. Lalong kumakabog ang dibdib ko lalo na at may narinig kaming putok ng baril. Hindi ko lubos maisip ang dadatnan ko kung maabutan kong hindi maganda ang lagay ni Rage. Hindi naman talaga ako madasalin pero sana lang talaga, sana ay ligtas siya at nasa maayos na kalagayan. “Andito na tayo.” Sabi ni Ali habang dali-daling tinatanggal ang ang seatbelt niya, mukhang nag alala din siya kay Grayson. “Anong nangyayari?” Tanong ko, dahil nilalabas ng mga Pulis ang ilang bantay kanina at nakaposas na sila. Ganun din sila Jen at Rage, inaalalayan nila pa
Chapter 54: Hihingi Tayong Tulong.Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, mukhang hindi pa rin nag si-sink in kay Ali lahat. Naiwan kami rito sa bahay kaming lang dalawa, agad na umalis ang boys matapos pumayag ni Jen sa gusto nila. Kanina pa kami ni Ali hindi nag-iingay, ang dami ding tanong sa isip ko at ang mas lalo kong inaalala ay si Rage. Naloloka na ako sa mga kaganapan, sana pala nag prepared talaga ako bago ako pumunta dito sa Manila. Nakakagulat!“Puntahan kaya natin sila okay lang?” Basag ni Ali sa katahimikan.“Paano, ei sabi ni Rage ay dito lang daw tayo babalik daw sila ng maayos at ibabalik daw nila si Jen.” Sagot ko naman sa kanya, ngayon ay kinakain na namin yung kakaluto lang ni Jen kanina na fries bago kami katukin ng boys. “Nababagabag ako ei, kung ang Daddy pala ni Jen ang leader ng kung ano mang gang na yun, at tinuring na kaibigan ng pamilya ni Rage. I don’t think so na magiging okay ang lahat..” Dugtong ko. Tinignan naman ako ni Ali at mukhang tinatansya niya a
Chapter 53: Alfonso Gang It’s been a week since Rage confessed our relationship to the media, while they have already started to film the movie that I wrote, I am now starting for my very first novel book. I asked Mrs. Cruz na hindi na ako sumama pa sa set kahit na part din ako ng production, isa pa dream ko na din kasi ito ang magpublish ng book. Rage is very supportive t everything I planned for myself, lagi lang niya sinasabi na gawin ko lang raw lahat ng gusto ko dahil mas gusto niya akong makitang masaya. I always appreciate every comment he gave on me, pansin ko din na isa yun sa love language niya word affirmation, pinaka paborito ko ay physical touch. I love every time he touches me, I love and importance. I do the same to him ano, impossible naman kasi na puro siya lang. I think quality time is the best thing I done to him, every day since alam ko naman na mahirap ang trabaho niya. Nasa coffee shop ako dito lang din malapit sa bahay namin, halos walking distance lang di
Chapter 52: My Dream.Kasama ko ang floor director namin habang pinapanood ang ibang staff na inaayos ang setting ng stage, bumalik na si Jen pero hindi ko pa rin siya nakikita. Baka naman mamaya ay lalabas na rin yun, napag isip isip ko na rin na magbukas ng social media mamaya paguwi ko o pagkatapos ng trabaho ko dahil na rin way ito ng unang step sa pagtanggap ko ng trabaho ni Rage. Tanggap ko naman kahit anong trabaho pa yan ang pinaka kinatatakutan ko lang ay ang mga tao sa paligid niya, majority ang fans niya at ang public viewers. Wala rin naman akong pake sa kanila kung tutuusin, si Ivy nga hindi ko pinalampas diba! Pero kasi iba ang magiging impact noon sa akin, baka maging dahilan pa yun at magkaroon bigla ng sigalot sa relasyon naming dalawa. Pinapa stand by na namin ang mga celebrity hosts, nagsimula na rin mag hype ang mga tao. Hanggang sa nag Director cue na!Naupo lang ako sa tabi ng prompter dahil hawak ko pa rin ang manual script, just incase na magka problema ang p
[Remember Love: Special Bonus Chapter: The first cut for Ali's Story Happening soon.] [Ali and Grayson scene: Chapter 23] TW: SPG 19+ READ AT YOUR OWN RISK. {Ali’s POV} Lately ang dami kong raket, paano ba naman gusto sumama ng kapatid kong si Jai sa field trip daw nila sa school. Wala naman maibigay si Inay kaya sabi ko ako na lang gagawa ng paraan, isa pa sa akin din naman ang matitira sa mga pag-papart time ko. Dito ako natulog kila Jen kasi ini-invite kami ni Lexia sa darating na anniversary ng parents niya. Pumayag na rin ako para kumain. Isa pa, sinabi ni Grayson na dadalo daw sila ng pamilya niya, nagulat nga ako ng malaman na magkakilala pala si Jen at Grayson, parang wala namang hindi kilala si Jen. Pansin ko kasi pag magkakasama kaming tatlo ay kung sino-sino ang nakakakilala sa kanya. Nasa condo kami ngayon ni Jen, papunta pa lang kami ngayon sa bahay ng parents niya dahil dun nga ang celebration. Ako naman bigla akong kinakabahan, hindi ko alam kung kinakabahan a
Chapter 51: No woman can outstand you, babe.Kung tutuusin ay hindi ko naman pinag isipan lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko, ang gusto ko lang ay makapag trabaho sa Manila. Umalis ako ng probinsya dahil sa trabaho, tapos nung dumating ako rito ang dami-daming nangyari.Lahat ng konektado sa nakaraan ko nagkabalikan sila bigla sa buhay ko. Hindi ako prepared alam ko sa sarili ko hindi ko yun pinaghandaan, kung paano ako magrereact sa mga malalaman ko. Mas lalong hindi ko alam kung paano haharapin kung paano ako naaksidente, pinatawad ko nga si Jen ng ganun kabilis dahil alam ko sa sarili ko na pati yun ay hindi ko pinaghandaan.Tapos ngayon ang relasyon ko kay Rage, pati ito wala sa plano ko. Nasa isang coffee shop kaming dalawa, malayo ito sa network. Masasabi kong may pag-private siya, at higit sa lahat ay konti lang ang tao. “You okay?” Tanong sa akin ni Rage. Napansin niya ata na kanina ko pa siya hindi kinakausap, hindi naman sa galit ako pero kasi marami din akong doubts.