Narinig ni Drake ang lahat ng mga paliwanag ni Rizza sa kanya tungkol sa dahilan nito kung bakit siya umiinom ng contraceptive pills para hindi siya mabuntis dahil sa takot na baka may mangyaring masama sa kanya kapag nanganak siya kagaya ng ibang mga babae na hindi maganda ang kinahahantungan. Naniniwala naman si Drake sa mga paliwanag ni Rizza sa kanya. Wala namang ibang posibleng dahilan ito sa kanya kundi 'yon lang. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga at pilit na ikinalma ang kanyang sarili. Hindi siya puwedeng magalit nang sobra kay Rizza kahit alam niya na maling-mali ang ginagawa nito sa kanya. Kahit saan pa ito pumunta ay mali ang ginawa nito. Niloloko siya nito ngunit napagtanto naman niya na mali ang ginagawa niya kaya itatapon na sana niya ang pills na iniinom. "Sorry talaga, Drake. Sana ay mapatawad mo ako sa ginawa ko na 'yon sa 'yo. Iyon lang talaga ang dahilan kung bakit umiinom ako ng pills. Nakokonsensiya naman na ako sa ginagawa ko na 'yon na hindi tama dah
Sumunod na araw ay nakipag-usap muli si Diego kay Rizza habang nasa may garden sila. Sinabi ni Diego kay Rizza ang kanyang narinig. Hindi naman siya nagalit sa sinabi ni Diego sa kanya dahil totoo naman 'yon. Totoo naman na gumamit siya ng contraceptive pills para hindi siya mabuntis sa takot na baka may mangyaring masama sa kanya kapag nanganak siya."Lahat ng mga narinig mo ay totoo, Diego. Salamat pa rin dahil sinabi mo sa akin 'yon. Nalaman mo na rin pala ang tungkol doon. Hindi ko naman na gagawin ang ginawa ko na 'yon na umiinom ako ng pills para hindi mabuntis. Inaamin ko naman na kasalanan ko naman 'yon, eh. Pinatawad naman niya ako. Binigyan niya ako ng chance na itama ang kasalanan ko na 'yon sa kanya. Bahala na talaga. Bahala na kung mabuntis na niya ako," sabi ni Rizza kay Diego. "Bilang parusa sa ginawa ko na 'yon ay hindi ako puwedeng umuwi sa amin hangga't hindi pa ako nabubuntis niya. Makakauwi lang ako kapag sigurado na siya na buntis na nga ako at nagkakaanak na siy
Hinahawakan ni Rizza ang isang magandang bulaklak na nasa garden nang kagatin siya ng pulang langgam dahilan upang mapatili siya. Nagulat si Diego sa kanya. Tinanong kaagad siya nito kung bakit siya napatili na sinagot naman niya. Sinabi niya na kinagat siya ng pulang langgam kaya siya napatili. Pinakita niya ang kamay niya na kinagat ng pulang langgam kay Diego na mabilis naman na hinawakan nito para suriin. Iyon ang nakita nina Drake at Dan sa kanilang dalawa. Hindi nila alam ang dahilan kung bakit hinahawakan ni Diego ang kamay ni Rizza. Akala nila ay may something na sa dalawa kahit wala naman.Hindi ni Drake nakalimutan ang nasaksihan nilang 'yon hanggang sa opisina niya sa kompanya niya. Hindi siya maka-concentrate sa ginagawa niya. Ang tanging laman ng isipan niya ay kaninang nasaksihan niya kung saan hawak ni Diego ang kamay ni Rizza. Hindi niya nagugustuhan sa totoo lang. Nag-iinit ang ulo niya niya kapag naalala niya 'yon. Napapamura pa nga siya. Hindi na naman siya mapakali
Tinaasan tuloy siya ni Drake ng dalawa nitong kilay bago ito nagsalita sa kanya. Kitang-kita niya ang pagkuyom ng mga kamao nito sa harapan niya. Nakahanda naman siya sa posibleng gawin nito sa kanya. 'Pag binugbog siya nito ay handa niyang depensahan ang kanyang sarili. Wala naman siyang ginagawang masama laban dito."Sa tingin mo ba ay aabot ka pa sa araw kung saan aalis rin siya sa mansion ko at aalis ka na rin, huh?! Hindi. Diego, mas mauuna kang umalis sa mansion ko kaysa sa kanya! Simula sa araw na 'to ay hindi ka na magtatrabaho sa akin! You're fired! Naintindihan mo ba?!" singhal ni Drake sa kanya. Hindi ni Diego maintindihan kung bakit pinapaalis na siya ni Drake. Wala naman siyang ginagawang kasalanan dito. Kasalanan ba niya na aminin na gusto niya si Rizza at may plano siyang maangkin ito? Kasalanan ba ang ginagawa niyang 'yon? Kasalanan ba na mahalin niya si Rizza? Wala naman itong boyfriend. Hindi rin naman ito pagmamay-ari ni Drake."Bakit mo po ba ako pinapaalis na, hu
Pagkarating na pagkarating ni Dan sa loob ng opisina ni Drake na nasa mansion ay sinabi kaagad niya ang ginawa niya. Pinaalis na nga niya si Diego. Hindi makapaniwala si Dan na tinanggal na ni Drake si Diego. Hindi na sila nagpapansinan nito ngunit hindi siya makapaniwala sa ginawa nito kay Diego. Mas lalo pa siyang nagkaroon ng ideya kung bakit nagawa 'yon ni Drake kay Diego."Bakit mo po ginawa 'yon sa kanya? Hindi mo naman po kailangan na tanggalin siya, eh," tanong ni Dan kay Drake na nakanguso sa harap niya."He deserves it, Dan. Ayaw ko na siyang makita pa na nandito sa mansion ko. He needs to leave this place. Sinabi niya sa akin na wala pa naman raw namamagitan sa kanilang dalawa ni Rizza ngunit may balak siyang maangkin ito kapag tapos na ang lahat sa amin. Ayaw ko na mangyari 'yon na maging silang dalawa," nakakuyom ang kamao na sagot ni Drake kay Dan. Nababakas ang inis niya kay Diego. Nararamdaman 'yon ni Dan. "Bakit naman po ayaw mo na mapunta si Rizza kay Diego kapag na
Nang makaalis si Diego sa mansion ay tumungo kaagad si Rizza sa opisina ni Drake dahil alam niya na nandoon ito sa loob. Gusto niyang makausap si Drake at tanungin kung bakit nito tinanggal sa trabaho si Diego. Hindi nito sinasabi ang dahilan kaya gusto niyang malaman mismo 'yon kay Drake. Aalamin niya ang totoo dito. Hindi siya titigil na hindi nalalaman 'yon. Nararamdaman naman niyang walang masamang ginawa si Diego kay Drake. Nagtatrabaho lang naman ito nang maayos. Saksi siya sa tapat na pagtatrabaho nito. Nagtataka siya kung bakit tinanggal na lang ito nang basta-basta si Diego. Naaawa siya para kay Diego.Nakasalubong ni Rizza si Dan na galing sa loob ng opisina ni Drake. Pilit na ngiti lang ang ginawad niya dito at nagtanong dito kung nasa loob pa si Drake. Kaagad naman na sumagot sa kanya si Dan."Opo. Nasa loob pa po po siya ng opisina niya," sabi ni Dan sa kanya na may kasamang tango.Tumango rin sa kanya si Rizza at saka nagsalita, "Ah, ganoon ba? Papasok muna ako sa loob.
Nag-react kaagad si Rizza kay Drake na nakakunot pa rin ang noo niya. "A-ano?! Tinatanong mo ako kung may nararamdaman ako sa kanya?" nakaawang ang labi na tanong ni Rizza kay Drake na seryosong nakatingin sa kanya. "Saan mo ba kinukuha 'yang mga tinatanong mo sa akin, huh?" Hindi tuloy maiwasan na mainis si Rizza kay Drake dahil sa mga naririnig niyang lumalabas sa bibig nito na hindi niya nagugustuhan. Simple lang naman ang mga katanungan niya ngunit para bang lumalayo sila doon at napupunta sa bagay na magkakasagutan silang dalawa. Marahas na bumuntong-hininga si Drake at saka nagsalita, "Oo. Tinatanong kita kung may nararamdaman ka sa kanya dahil gusto ko na malaman. Mukhang 'yon ang dahilan kung bakit mo inaalam ang dahilan kung bakit ko siya tinanggal, 'no? Nalulungkot ka na wala na siya. Ngayon sagutin mo ang tanong ko na 'yon sa 'yo, Rizza. May nararamdaman ka ba sa kanya? Gusto mo na ba siya?" Napasapo si Rizza sa kanyang noo sa katanungan na 'yon ni Drake na hindi niya mala
"Puwede ba akong magtanong sa 'yo, Dan?" malumanay na tanong ni Rizza kay Dan na tumigil sa paglalakad at humarap sa kanya. Mabilis naman na ibinuka ni Dan ang kanyang bibig para magsalita kay Rizza."Oo naman po. Puwedeng-puwede ka po na magtanong. Ano po ba ang itatanong mo sa akin?" sagot ni Dan sa kanya na nakangiti. Tinatanong rin siya nito kung ano ang itatanong niya."Sino ba ang babaeng kausap kanina ni Drake? Kilala mo ba ang magandang babaeng 'yon, huh? Ngayon ko lang nakita ang babaeng 'yon dito sa mansion? Ano ba ang ginagawa nito dito sa mansion ni Drake?" tanong ni Rizza kay Dan tungkol sa babaeng 'yon. Inuusisa niya ito tungkol sa babaeng 'yon."Iyong magandang babae po ba kanina na kausap ni Sir Drake?" ani Dan sa kanya at mabilis naman na tumango siya dito."Oo. Iyon nga ang tinutukoy ko sa 'yo, Dan. Sino ba 'yon, huh? Kilala mo ba ang babaeng 'yon? Bakit siya nandito sa mansion ni Drake? Ano'ng kailangan niya sa boss mo? Kasosyo ba sa negosyo ang babaeng 'yon?" tanon