Marami pa silang dalawa na pinag-usapan habang hinihintay ang oras na lumipas hanggang sa makaramdam sila ng antok. Silang dalawa lang ang magkatabi habang uminom ng wine. Rinig na rinig nila ang paghampas ng alon sa yate kung saan sila nakasakay. Bago sumapit ang alas onse ng gabi ay pumasok na silang dalawa sa loob ng yateng 'yon. Dumiretso kaagad sila sa silid kung saan sila matutulog na dalawa. Humilata kaagad si Rizza sa malambot na kamang nandoon. Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang paghaplos ng mga kamay ni Drake sa katawan niya. It's too late for her to refuse his passionate kiss. Hindi naman niya tatanggihan 'yon dahil gusto rin naman niya 'yon. Rizza wasn't aware that she's falling in love with him. Kaya niya nararamdaman ang mga bagay na sa tingin niya ay kakaiba dahil 'yon sa unti-unting pagkahulog ng damdamin niya sa guwapong si Drake. Sino ba naman ang hindi mahuhulog ang damdamin sa isang kagaya ni Drake? Kahit sinong babae ay talagang m
Puno ang dalawang malaking lalagyan ng isda nang magdesisyon silang tumigil na sa pamimingwit. Ibinigay na nila ang ginamit nilang pamingwit sa isang tauhan na kasama ni Mang Celso. Ito na ang bahala dito. Umalis na sila sa pala-isdaan para maghugas ng kanilang mga kamay. Dinala na ng dalawang tauhan ang nabingwit na mga isda kina Aling Delia at Mang Nestor dahil sila ang magluluto ng tanghalian. Ipiprito nila ang iba. "Gusto ko pa muling mamingwit sa susunod," sabi ni Rizza kay Drake matapos nilang maghugas ng mga kamay sa may poso. May poso doon at doon sila naghugas ng kanilang mga kamay. Doon kasi ang may malapit na huhugasan nila ng kanilang mga kamay pagkaalis sa pala-isdaan. Bakit pa sila lalayo kung may poso naman doon? Malinis naman ang tubig doon. May sabon rin naman doon."Talaga?" Tumango si Rizza sa tanong na 'yon ni Drake sa kanya. "Oo. Gusto ko muling bumalik sa farm na 'to. Ayaw ko nang pumunta pa doon sa isa n'yo pang farm na nasa parteng hilaga. Kontento na ako sa f
Maraming nilutong pagkain sina Aling Delia at Mang Nestor para sa tanghalian ng kanilang boss kasama sina Rizza, Dan at Diego. Ang lahat ng mga niluto nilang pagkain ay galing lang naman sa farm kagaya ng mga isda, gulay at karneng baboy at manok. May lechon rin na pinapahanda ni Drake sa kanila. Bago sila kumain ng lunch ay pinuntahan na sila nina Mang Danny at Aling Sisa sa taniman ng mga gulay para sabihin na handa na ang kanilang tanghalian. Kaagad naman na silang umalis sa lugar na 'yon at bumalik sa malaking bahay para doon kumain ng tanghalian. Doon sila sa labas ng malaking bahay kakain kung saan may mahabang mesa na puno ng maraming masasarap na pagkain. May mga punong sintunis doon na nasa gilid kaya hindi mainit doon. Ang presko nga ng hangin. Ang sarap-sarap langhapin."Puwede bang magkamay kumain?" tanong ni Rizza kay Drake pagkakita sa mahabang mesa na nasa harap nila na punong-puno ng masasarap na mga pagkain. Gusto kasi niyang kumain ng nakakamay. Na-miss kasi niyang
Two days later...Papaalis na silang apat sa beach resort na 'yon. Nasa sasakyan na nila patungong airport ang mga dala nilang maleta. Hinintay na ni Rizza sina Drake at Dan sa loob ng van na maghahatid sa kanila sa airport. May binibilin lang naman si Drake sa mga staffs niya na nagtatrabo sa beach resort na 'yon. Naiwan silang dalawa ni Diego doon sa loob ng van kasama ang driver."Tatagal pa ba sila doon?" tanong ni Rizza kay Diego na napakibit-balikat muna bago sumagot sa tanong niyang 'yon kung tatagal pa ba sila Drake sa loob ng beach resort."Hindi ko po alam kung tatagal pa po sila doon ni Dan. Siguro hindi naman kasi paalis na tayo," malumanay na sagot ni Diego kay Rizza na napatango pagkasabi niya. "Kailangan bago mag-alas diyes ng umaga ay nakalipad na tayo pabalik ng Maynila. Naiinip ka na po ba kahihintay sa kanila?"Rizza sighed deeply. "Hindi pa naman, eh. Ilang minuto pa lang naman tayong naghihintay sa kanila, hindi pa naman oras, eh. Hindi naman siguro sila magtataga
"Ang suwerte mo naman, bessie. Nakapagbakasyon ka sa isang beach resort na pagmamay-ari pala nila. Ang suwerte-suwerte mo talaga. Nakakainggit ka. Sinabihan mo sana ako na magbabakasyon kayo para nakasama ako," sabi ni Kira sa best friend niya na si Rizza. Tama talaga si Rizza sa inaakala niya na maiinggit ang best friend niya kapag sinabi niya ang tungkol sa pagbabakasyon nila ni Drake sa probinsiya kung saan marami siyang naranasan na hindi pa niya naranasan sa buong buhay niya. Tanging si Drake lang ang nagparanas nito. Rizza licked her lips and sighed deeply before she speaks to her best friend."Hindi naman kita puwedeng sabihan na sumama dahil hindi ka naman kilala ni Drake kahit alam niya na best friend kita. Sorry talaga. Sana ay naiintindihan mo ako sa sinasabi ko sa 'yo, bessie. Kung mayaman ako kagaya niya ay walang problema kung kasama ka kaso nga lang ay hindi naman ako mayaman. Wala akong pera hindi kagaya niya at saka siya ang nagde-desisyon. Siya ang may say at hindi a
Hindi makatulog si Rizza kinagabihan. Ang tanging nasa isipan niya lang ay si Drake. Hindi siya mapakali at para bang gusto niyang malaman kung ano'ng ginagawa nito. Tulog na ba kaya ito? Bukas na bukas ay babalik na naman siya sa mansion nito. Hindi siya makapaghintay na makita muli ito. Ngayon na hindi niya kasama si Drake ay hinahanap niya ito. She really wants to see his handsome face. She really wants to feel his touch to her body. Pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang araw niya. Hindi naman siya nagkagaganito no'ng una. Bakit ngayon ay ito ang nararamdaman niya? Bakit hindi maalis sa isipan niya si Drake? Iyon ang naglalaro na katanungan sa isipan niya.Dahil hindi siya makatulog ay kinuha niya ang cell phone niya. Pumunta siya sa phone contact at nakita niya ang cell phone number ni Drake. Hindi na nga siya nakatiis kaya ay tinawagan niya ito. Sinagot naman kaagad ni Drake ang tawag niya. Medyo nagtataka ito kung bakit tumawag siya."Bakit ka napatawag, Rizza? Malalim na ang ga
Sinundo muli si Rizza nina Diego sa tapat ng tindahan ni Aling Tasing kinabukasan. Akala niya ay makikita o makakasalubong niya si Bebot ngunit hindi nangyari 'yon. Wala rin ito doon sa may tindahan ni Aling Tasing. May mga umiinom na naman na tambay muli doon ngunit wala talaga si Bebot. Araw-araw naman na may mga umiinom doon na mga tambay. Ang nakapagtataka nga lang ay wala si Bebot. Hindi naman sa hinahanap niya ito kundi nagtataka nga lang siya kung bakit wala ito doon. Nasanay kasi siya na sa tuwing lalabas siya sa sa bahay nila at pupunta sa may tindahan ni Aling Tasing ay ang mukha kaagad ni Bebot ang nakikita niya pero ngayon ay hindi 'yon ang nakita niya. Mabuti nga na hindi muna niya ito nakita dahil alam niya na kukulitin na naman siya nito at nagsasabi ng kung anu-ano lalo na ngayon na sinabi nito na gusto siya. Tahimik lang si Rizza habang nasa biyahe sila pabalik sa mansion ni Drake. Hindi nakatiis si Diego sa katahimikan na nakakabingi sa loob ng sasakyan kaya nanan a
Walang ibang ginawa silang dalawa ni Drake hanggang gabi kundi ang mag-sex sa loob ng room nito. Hinahayaan lang sila ng mga kasama nila. Wala naman silang karapatan sa ginagawa nilang dalawa. Nagpahatid na lang sila ng dinner sa room para kainin nila. Tinatamad naman na silang bumaba pa para kumain lang. Umuulan sa labas. Hindi naman nila nararamdaman sa loob ang ulan unless lumabas sila pero alam nila na umuulan nang malakas sa labas. "Busog ka na?" tanong ni Drake kay Rizza nang tumigil na ito sa pagkain ng dinner. Mariing tumango naman si Rizza sa kanya at nagsalita, "Oo. Busog na ako, Drake. Kaunti lang ang kinain ko. Matutulog lang naman tayo, eh. Masama naman na matulog na maraming kinain, 'di ba?"Drake nodded immediately. "Yeah, I know that. Ubusin ko muna 'tong kinakain ko," sagot ni Drake sa kanya. Kumakain pa si Drake habang siya ay nakaupo lang sa couch na nandoon sa loob ng room nito. Hawak-hawak niya ang kanyang cell phone. She's busy browsing the internet."Okay. Tak