"Pasensya na, nahiya ako sa asawa mo at mukhang hindi nagustoham ang niluto kong pagkain." Nagyuko ng ulo si Lily."Its ok, medyo maarte lang talaga ang asawa ko sa pagkain atmas gusto niyang kainin ay luto ko."Mukhang hindi makapaniwala si Lily. Mukhang nauto ito ni Dylan na naman at gusto pa nitong magpakahirap sa pagluto dahil sa ganoong paniniwala."Hindi sa ayaw ko ang luto mo, may tumawag lang sa akin kanina kaya lumabas ako." Pagdadahilan ni Dylan bago pa magdrama ang babae.Napahiyang ngumiti si Lily kay Dylan. Ang akala pa naman niya ay ayaw talaga nitong kainin ang luto niya."Puwede mong ihain muli ang niluto mo upang–""Hindi na kailangan." Putol ni Alexander sa pagsasalita ng asawa. "Gusto kitang ipagluto kaya hintayin mo ako hanggang matapos bago kumain." Matigas na tutol ni Alexander. Ayaw na niyang pakainin ang asawa ng luto ng babae dahil baka masanay ito sa ganoong lasa. May kasabihan pa naman na ang way upang makuha ang loob o puso ng lalaki ay pagkain. Kailangan
"Babe, wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ni Alexander sa asawa habang inaayos ang necktie na suot.Inaantok na nagmulat ng mga mata si Dylan at tiningnan ang asawang abala sa harap ni malaking salamin. "Bakit ang aga mong gumising?"Napatingin si Alexander sa suot na relo. Past siven na nang umaga. Mamaya pang ten talaga ang pasok niya dapat. "May kailangan akong gawin sa opisina at hindi ko nadala kahapon."Napangiti si Dylan nang makitang maayos ang pagkasuot ng necktie ng asawa. Siya kasi ay walang oras na pag aralan paano ibuhol ang ganoon. "You look handsome." Puri niya rito."I know." Arogante niyang tugon kay Dylan at kumindat dito."Tsk, naughty." Pumikit muli si Dylan at inaantok pa siya. Umaga na kasi siya natulog kagabi at online siyang nagbantay sa casino kagabi.Dahan-dahang humakbang si Alexander palapit sa kama at tumunghay sa asawa. "I love you!""Hmmm.." inaantok na umungol si Dylan nang maramdaman ang mainit at malambot na labi ng asawa sa kaniyang bibig. Napangi
"Alex, dapat open kayo sa isa't isa ni Dylan upang hindi magkaroon ng misunderstanding." Sinulyapan ni Alexander ang dalagang nasa likuran. "Mali ba ang tahimik lang at hindi palatabong sa gawain ng asawa araw araw?" "Walang masama kung aalamin mo ang bawat lakad ng mahal mo. Isa pa ang pagmamahal ay dapat nagpapakita lagi ng care at pag aalala." Napaisip si Alexander sa sinabi ni Lily. May point ito at—" "Kailangan din ang tiwala sa isang relasyon. Kung lahat ng galaw at kilos ng partnes mo ay inaalam mo, para ka na ring walang trust sa kaniya." Kontra ni Dante sa payo ni Lily. Nalipat ang tingin ni Alexander kay Dante. May punto rin ito ar ganoon din si Lily. Dahil sa magkaibang payo ng mga ito ay nagulo lamang ang isipan niya. "Alex, kapag napabayaan ang isang relasyon at pinapakitang walang pakialam ay hinahanap nila sa iba ang atensyon na hindi mo maibigay," ani Lily. Napatango tango si Alexander. Natuwa siya ngayon sa dalaga dahil sa ipinapakitang malaki ang concern
Ngumiti si Lily kay Jessa nang magsalubong ang tingin nila. "Kumusta kayo dito?" Tumingin siya sa ibang naroon pa."Ok lang, Ms. Lily lalo na at narito ka." Napairap si Dindin sa isipan nang marinig magsalita si Jessa. Lumapit pa ito sa babaeng tingin niya ay mang aagaw.Nguniti si Lily kay Dindin nang mapansin na ito lang ang hindi natutuwa sa kaniya lalo na ang bumati. "May problema ka ba sa akin?"Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Lily at kinabahan. Kung totoo na ito ang karelasyon ng CEO, tiyak na pag iinitan siya at ang malala ay baka mapaalis pa sa trabaho."Dindin, ang sabi ko naman sa iyo ay si Ms. Lily ang special someone ng CEO, be nice to her kung ayaw mong matanggal sa trabaho." Pagtataray ni Jessa sa kasama.Tumalim ang tingin ni Lily kay Dindin. Sa isipan ay isa ito sa listahan na niya ngayon na patalsikin kapag naikasal na sila ni Alexander. Mariing naglapat ang mga labi ni Dindin at napilitang magpakabait sa taongbayaw niya. "Sorry po, masakit lang ang lalamunan ko
"Nandito na po tayo, sir." Untag ni Troy sa binata at hindi alam kung nakatulog ba ito dahil nakasuot ng dark sunglasses. Inayos ni Dylan ang suot na malaking coat bago bumaba ng sasakyan."Nag message na po ang bagong taong hired niyo po at nasa loob na siya ng kompanya." Pagbigay balita ni Troy habang nakasunod sa naglalakad na amo papasok sa kompanya."Na remind mo na ba siya sa mga dalat niyang trabaho?""Yes, sir. All are clear now.""Good, si Dante, nasaan siya ngayon?""Nagbabantay po sa asawa niyo."Tumango si Dylan at pumasok sa elevator. Hinayaan niyang si Troy ang pumindot ng numero kung saang floor sila pupunta. May sampung palapag ang naturang kompanya at iba-ibang business ang mayroon sa bawat floor. Bumaba sila sa 9th floor at ang sa asawa ay nasa 10th floor.Nanatiling suot niya ang sunglasses hangang sa makapasok sa loob ng opisina. Agad binuksan ang laptop at nagsimulang magtrabaho.Nanatili rin si Troy sa loob ng opisina at hindi siya maaring makita nino man. Tul
"Alex, calm down!" Nag aalalang nilapitan ni Lily ang binata.Napakurap si Alexander at mukhang natauhan pagkakita kay Lily. Hindi niya napansing nasa isang sulok ng opisina niya ito kanina pa at tiyak na narinig ang mga nangyari kanina."Sorry, hindi ako lumabas kanina pagkahatid sa bisita mo at hinintay na may iutosa kang gawin ko para sa kaniya." Paliwanag ni Lily nang mabasa ang nasa isipan ng binata.Napabuga ng hangin sa bibig si Alexander at tumayo. "Huwag kang mag alala at mapagkatiwalaan mo akong kung ano man ang bumabagabag sa isipan mo. Maari mo ring sabihin sa akin ang dahilan nang ikinagagalit mo sa kaniya at baka may maitulong ako sa iyo." Alok ni Lily sa binata.Muling Napabuntong hininga si Alexander bago tumingin sa dalaga. Tama ito, kailangan niya ng magamdang payo upang maresolba inaalala. "He's my mortal enemy, lahat ng taong magustohan ko ay inaagaw niya.""Inaalala mobba kapag nalaman niyang si Dylan ang karelasyon mo ngayon ay maari niya ring maaga?" tanong ni
Nangunot ang noo ni Dante nang sabay na lumabas ng opisina sina Alexander at Lily. Ang ipinagtataka pa niya ay halatang clingy ang babae at hinahayaan lang ng binata.Nilingon ni Lily si Dante nang magsalubong ang tingin nila. Ngumiti siya nang makahulugan bago ikinawit ang kamay sa braso ni Alexander. Naikuyom ni Dante ang kanang kamay habang matalim ang tinging ipinukol kay Lily. Nababahala siya bigla sa kung ano na naman ang sinabi nito sa amo niya at mukhang naging sunod sunuran dito. Tahimik siyang sumunod sa dalawa at nag matyag sa paligid."Gosh, kailangan pa ba ng confirmation?" Kinikilig na bulong ni Jessa sa kasamahan nang dumaan sa harapan nila ang CEO kasama ang maganda at sexy nitong secretary. "Huwag mo silang pansinin, ito ang purpose ng ginagawa ko upang sa akin mag focus ang atensyon ng kaaway mo." Bulong ni Lily kay Alexander. Kung tingnan ay parang may something naughty siyang sinasabi kay Alexander at ngumiti ang binata.Umangat ang isang sulok ng labi ni Alexan
"After bisitahin ni Raffy ang asawa mo ay biglang naging sweet ang young master kay Lily.""Ano ang ibig mong sabihin?" Madilim ang anyo na tanong ni Dylan."Naging clingy sa kaniya si Lily sa harap ng mga empleyado at hinahayaan niya lang ang babae. Sa—" halos mapatalon si Troy sa kinatayuan nang biglang ibagsak ni Dylan sa lamesa ang nakakuyom nitong kamao."That bitch!" Galit na tumayo si Dylan at tangkang susugod sa opisina ni Alexander ngunit mabilis siyang pinigilan ni Troy. "Boss, huminahon ka at huwag padalos dalos ng kilos. Kailangan nating malaman kung bakit hinahayaan ng asawa mo na isipin ng mga empleyado na si Lily ang karelasyon niya."Napamura si Dylan at sinipa ang upuan. Doon niya ibinunton ang galit na nadarama. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang asawa.Kinakabahang kinuha ni Alexander ang cellphone nang marinig na ang asawa ang tumatawag. Naka set lang kasi ang ring tone na iyon sa pangalan ng asawa kaya alam niya agad."Huwag mong sagutin." Pigil ni Lily k
"Oh, bakit ka nagagalit sa akin? Hindi ka ba natutuwa at pinapunta ko dito ang pinakamamahal mo?" Nang aasar na tanong ni Raffy sa dalaga."Idiot, kapag nalaman mo ang totoo ay tingnan ko lang kung makangiti pa nang ganiyan." Gusto niyang sabihin kay Raffy ngunit puro ungol lang ang maririnig mula sa kaniya dahil may busal pa rin ang bibig.Natawa si Raffy dahil sa nakikitang kalagayan ng dalaga. "Hindi ka dapat sa akin nagagalit kundi kay Alexander. Kasalanan niya at ikaw ang minahal niya kaya sinasalo mo ngayon ang kamalasan niya.""Sir, hindi pa ba aalisin ang busal sa bibig niya?" tanong ng isa sa tauhan ni Raffy.Sandaling pinakatitigan ni Raffy ang dalaga. May oras pa naman siya dahil may twenty minutes din ang lalakarin ni Alexander bago makarating sa kinarorounan niya. Tinanguan niya ang tauhan na alisin na ang busal sa bibig ni Lily.Napabuga ng hangin sa bibig si Lily nang maalis na ang busal sa bibig. Pakiramdam niya ay galing siya sa pagkalumos sa tubig. Nang makabawi ay m
Tinawanan lang ni Raffy ang kausap bago pinatayan na. "Narinig mo iyon?" Nakangising kausap niya kay Lily. "Naging tanga dahil mahal na mahal ka niya at handang sumuong sa gyera para sa iyo."Masaya si Lily nang marinig ang tinig ni Alexander kanina. Hindi niya akalaing importante din siya sa buhay nito. Pero ayaw niyang dayain ang sarili. Malamang, dahil siya ang napili nitong maging ina ng anak nito. Gusto niyang pagtawanan si Raffy. Kung alam lang nito, mas katawa-tawa ito kaysa kay Alexander. Kapag nalaman nito ang katotohanan ay tiyak na abot impyerno ang pagsisi nito at hindi siya hinayaang makapagsalita.Sa labas tumambay si Raffy habang hinihintay si Alexander. Nagkalat na rin ang tao niya sa paligid at may nakaambang sa daan bago pa makarating sa kinaroonan niya. Kahit hawak na niya sa leeg si Alexander ay tiyak na gagawa pa rin ito ng paraan upang makaganti sa kaniya."May thirty minutes pa tayo bago ang oras na ibinigay niya," ani Dylan habang palihim na tinatanaw ang kala
"Ano ang nangyari? Bakit hindi mo napapirmahan ang papelis?" galit na tanong ni Raffy sa assistant niya."Sir, wala po si Mr. CEO."kabadong sagot ng lalaki."Bullshit!" Galit na nasipa ni Raffy ang paa ng lamesa. Naikuyom niya ang mga kamay at hindi mapakali. Bukas na ang dating ng epiktos at kailangan ang pirma ni Alexander. Ngunit mukhang nanadya at kung hindi busy kaya ayaw pansinin ang assistant niya ay umaalis ito."Sir, ano na po ang gagawin natin? Kapag ikaw ang pumirma ay...""Hindi maari! Parang gumisa lang din din ako sa sarili kong mantika! Alam kong ang babaeng iyon ang dahilan kaya siya nagkakaganito, then tuldukan ko na ang lahat nang ito.""Ano po ang balak ninyo, sir?" tanong muli ng assistant. "Isama na rin siya sa bihag at ipain bukas sa maaring maging kalaban. Palabasin nating nablaban siya at ang criminal ay hindi na dapat binibigyan ng pagkakataong mabuhay." Napangisi si Raffy at maganda ang naisip.Mabilis na umalis na sila ng kompanya at tinahak ang daan patun
Nakagat ni Alexander ang loob ng labi at nakunsesnya. "Sorry, may tiwala ako sa iyo pero sa gustong agawin ka sa akin ay wala." Humigpit ang kapit niya sa braso ng asawa at isinandal ang ulo sa balikat nito.Napabuntong hininga si Dylan, "sa una ay nagagalit ako at nagseselos. Hindi mo nakikitang sinasamantala ni Lily ang kahinaan mo sa akin.""Sorry, nakapag desisyon na rin ako na hindi na siya ang kunin nating maging ina ng anak natin."Napangiti si Dylan at hinalikan sa noo ang asawa. "Are you sure?"Nakangiting tumango si Alexander. "Pero nawawala si Lily.""Kailan pa?" Gulat na tanong ni Dylan."Kanina pang tanghali, boss. Wala ma siya bago ko pa nabasa ang message ni Troy." Si Dante na ang sumagot."Mukhang gumalaw na nga sila at si Lily ang nakuha nila sa pag aakalang iyon ang asawa ni Sir Alexander," ani Troy."Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Alexander. "Hawak namin ngayon ang pinsan ni Raffy. Ang plano ay ipapatay ang bagong namumuko sa organisasyon at ang alam nila a
Agad nawala ang galit na nadarama ni Alexander sa asawa nang magmulat ito ng mga mata at ngumiti sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo sa iyong sarili? Look, dalawang gabi lang tayong hindi magkatabi ng tulog ay mukha ka nang zombie!"Lalong napangiti si Dylan at idinipa ang mga kamay upang yakapin ang asawa. "C'mon, give me hug."Sinamaan ni Alexander ng tingin ang asawa at gustong ipakita na galit siya. Ngunit hindi nito ibinababa ang mga kamay na nakadipa kahit ilang minuto na ang nakalipas. "Baby, I'm tired." Paglalambing ni Dylan.Napabuntong hininga si Alexander at mukhang napilitang pagbigyan ang asawa. "Ayaw kong nakikitang pagod ka at puyat dahil sa trabaho.""Pero sa pagpapaligaya sa iyo ay ok lang na mapagod ako?" Nanunuksong tanong ni Dylan dito.Mahinang suntok sa dibdib ang itinugon ni Alexander at pinilit ang sarili na huwag gumanti ng yakap sa asawa. Pero hindi niya talaga ito matiis nang matagal lalo na nang humalik na ito sa leeg niya. "Akala ko ba pagod ka at puyat?""Le
"Isa sa spy nila ang nakakuha ng information na nakapasok dito aa kompanya ang traidor sa organisation." Paliwanag ni Dante."What? Paanong nangyari ang bagay na iyan?" Mabilis na tinawagan ni Alexander ang asawa ngunit walang sumasagot. Nang si Troy naman ang tawagan ay mukhang nagmamadali rin."Sir, bilin ng iyong asawa ay huwag muna kayong umalis ng opisina at susunduin kayo mamaya. Kailangan ko na pong ibaba ang tawag at susundan ko si Boss Dylan." Kinabahan si Alexander at nag alala para sa asawa. Pero sinunod niya si Dante at inalam kung nasaan si Lily. "Hindi ko siya makuntak," aniya kay Dante. Sandaling nag isip si Dante at inalala kung saan maaring pumunta si Lily. Tumawag na rin siya sa ina nito at ang sagot ay wala ito roon. "Kung kumain siya sa labas ay sino ang kasama niya at bakit hindi pa nakabalik?" naisatinig ni Dante."Check the surveillance camera." Utos ni Alexander kay Dante.Agad tumalima si Dante at pinatawag ang security sa storage room.Sa opisina, napangisi
"Excuse me, bakit dito tayo pumunta?" tanong ni Lily sa driver nang tumigil sila sa isang mukhang abandonadong lugar sa halip na sa magarang restuarant. "Bumaba ka na miss at huwag nang maraming tanong." Pagalit na utos ng driver sa dalaga.Biglang binundol ng kaba abg dibdib ni Lily. Kinutuban siya nang hindi maganda. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo palayo ngunit may humarang na sasakyan sa daraanan niya."Saan ka pupunta?" Nakangising tanong ni Raffy pagkababa sa sasakyan.Mabilis na lumapit si Lily sa binata at nabawasan ang kabang nadarama. "Katakot kasi ang driver mo. Kung wala ka ay talaga tatakbo na ako palayo!"Sa halip na sagutin ang babae ay tinanguan niya ang taong nakasunod kay Lily. "Dalhin niyo na siya sa loob."Muling kinabahan si Lily nang marinig ang utos ni Raffy at mah huwak sa mga kamay niya. "A-ano ang ibig sabihin nito?""Simple lang, kailangan kita laban kay Alexander." Nakangising tugon ni Raffy sa dalaga.Nanlaki ang mga mata ni Lily at nagpumig
Pagkaalis ng ama at nagmamadali nang nagpalit ng damit si Raffy. Kailangan niyang pumasok sa opisina at dalawa na ang purpose niya ngayon sa gagawin sa buhay ni Alexander. Sa opisina, hindi mapakali si Lily sa puwesto. Hindi din siya kumportable sa suot niyang si Alexander ang pumili. Hindi siya tanga upang hindi maintindihan ang mga pagbabagong pakitungo sa kaniya ni Alexander. Nagbago na talaga ang binata at ang tingin sa kaniya ay nabaeng kaagaw kay Dylan, at hindi babaeng maging ina sa anak nito. "Lily, bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ni Jessa nang hindi makatiis."May problema ba sa suot ko?" Naiirita niyang tanong din sa babae. Ganitong kanina pa siya naiinis tapos pupunain."Sorry, hindi lang kami sanay na makita kang halos balot na ang katawan." Nagyuko ng ulo si Jessa at napahiya.Inis na napabuntong hininga si Lily at pilit na ngumiti. "Ayaw kasi na ni Alexander na lantad ang katawan ko at nagseselos siya kapag may ibang nalatingin." Pagsisinungaling niya upang maibang
Tama lang na tapos nang maligo si Raffy nang may kumatok sa pinto. Mabilis niyang isinuot ang roba bago binuksan ang pinto. "Dad?"Patulak na pinapasok ni Rudy ang anak sa pad nito kasunod siya. "Nawawala ang pinsan mo at ikaw lang ang kasama niya kagabi.""Po? Paanong nawawala? Sigurado po ba kayo? Lasing kami pareho kagabi kaya baka kung saan lang siya natulog." Pilit nagpakahinahon si Raffy."Estupido, hindi kayo nag iingat! Sinabi ko na sa iyo na hindi kayo maaring magsama sa public place!" Bulyaw ni Rudy sa anak at nagmamadaling hinanap ang bagay na sa anak ipinagkatiwala.Tarantang sinundan ni Raffy ang ama at kinabahan na rin. Alam niya kung ano ang hinahanap nito. Kapag nalaman nito na may isinama siya kagabi sa pad at tiyak na bugbugin siya nito.Nakahinga nang maluwag si Rudy nang makita ang maliit na book. Sobrang nag alala pa naman siya. Mabilis niyang binuklat upang suriin at baka mamaya ay kulang na ng page.Napabuga ng hangin si Raffy at parang may mabigay na bagay ang