Nangunot ang noo ni Dante nang sabay na lumabas ng opisina sina Alexander at Lily. Ang ipinagtataka pa niya ay halatang clingy ang babae at hinahayaan lang ng binata.Nilingon ni Lily si Dante nang magsalubong ang tingin nila. Ngumiti siya nang makahulugan bago ikinawit ang kamay sa braso ni Alexander. Naikuyom ni Dante ang kanang kamay habang matalim ang tinging ipinukol kay Lily. Nababahala siya bigla sa kung ano na naman ang sinabi nito sa amo niya at mukhang naging sunod sunuran dito. Tahimik siyang sumunod sa dalawa at nag matyag sa paligid."Gosh, kailangan pa ba ng confirmation?" Kinikilig na bulong ni Jessa sa kasamahan nang dumaan sa harapan nila ang CEO kasama ang maganda at sexy nitong secretary. "Huwag mo silang pansinin, ito ang purpose ng ginagawa ko upang sa akin mag focus ang atensyon ng kaaway mo." Bulong ni Lily kay Alexander. Kung tingnan ay parang may something naughty siyang sinasabi kay Alexander at ngumiti ang binata.Umangat ang isang sulok ng labi ni Alexan
"After bisitahin ni Raffy ang asawa mo ay biglang naging sweet ang young master kay Lily.""Ano ang ibig mong sabihin?" Madilim ang anyo na tanong ni Dylan."Naging clingy sa kaniya si Lily sa harap ng mga empleyado at hinahayaan niya lang ang babae. Sa—" halos mapatalon si Troy sa kinatayuan nang biglang ibagsak ni Dylan sa lamesa ang nakakuyom nitong kamao."That bitch!" Galit na tumayo si Dylan at tangkang susugod sa opisina ni Alexander ngunit mabilis siyang pinigilan ni Troy. "Boss, huminahon ka at huwag padalos dalos ng kilos. Kailangan nating malaman kung bakit hinahayaan ng asawa mo na isipin ng mga empleyado na si Lily ang karelasyon niya."Napamura si Dylan at sinipa ang upuan. Doon niya ibinunton ang galit na nadarama. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang asawa.Kinakabahang kinuha ni Alexander ang cellphone nang marinig na ang asawa ang tumatawag. Naka set lang kasi ang ring tone na iyon sa pangalan ng asawa kaya alam niya agad."Huwag mong sagutin." Pigil ni Lily k
Naikuyom ni Alexander ang kamao nang maraming bumuto sa pag upo ni Raffy bilang vice president ng kompanya. Wala siyang sapat na dahilan upang tumutol lalo na at pinagdududahan pa rin ng ilan ang kakayahan niya bilang CEO.Ngumisi si Raffy kay Alexander nang magsalubong ang tingin nila. Nang makalabas na ang mga board member ay nilapitan niya ito. "Hindi mo na ako ipakilala sa maganda mong secretary?" Ngumiti si Alexander pero matalim kung maningin. "Stay away from her!""Oh!" Numilog ang bibig ni Raffy at humaknang ng dalawang beses palayo sa binata. "So possessive, I like that!"Lalo lamang dumilim ang anyo ni Alexander. Kung hindi siya pinigilan ni Lily ay baka nasuntok na niya sa mukha si Raffy."Alex, huwag mo siyang pansinin." Nag aalalang saway ni Lily sa binata."Wow, ang sweet! Narinig mo iyon? Ayaw niyang magalit ka sa akin." Nang aasar na turan ni Raffy."Ayusin mo ang trabaho mo dahil kapag hindi ay ako mismo ang magpapatalsik sa puwesto mo!" Angil ni Alexander dito binan
"Boss, hindi mo ba sasagutin?" Turo ni Troy sa cellphone ni Dylan at nakailang ring na iyon."Ikaw na ang kumausap, sabihin mong busy ako." Malamig na utos ni Dylan dito. Ayaw niya munang makausap ang asawa at baka kung ano lang ang masabi niya. Kapag galit siya ay madalas na nakakalimot siya kung sino ang kausap.Kabadong sinagot ni Troy ang tawag at inihanda na ang tainga. "Nasaan ang asawa ko?" Mahinahon na tanong ni Alexander kay Troy nang makilala ang tinig nito mula sa kabilang linya.Nakahinga nang maluwag si Troy nang mahamig sa tinig ng amo na kalmado ito. Mabuti naman at hindi na madagdagan ang pinuproblema. "Sir, busy po sa harap ng laptop ang asawa mo at ayaw magpaabala.""Okay, sabihin mo sa kaniya na tawagan ako kapag hindi na siya busy."Nagtatakang napatingin si Troy sa screen ng cellphone at check ang pangalan ng caller. Baka kasi namali siya nang pagkakilala sa kausap dahil hindi ganito Alexander ang kilala niya."Kumain na ba siy?" tanong muli ni Alexander. "Hind
Paglayo ni David kay Lily ay muli siyang nag message kay Troy. "Ano ang maganda nating gawin ngayon?""Kailangan mo munang tutukan si Raffy. Tiyak na hindi lang dahil sa kompanya kaya siya bumalik." Reply ni Troy.Sandaling natigilan si Dante, tama ang kaibigan. Ngayon niya lang naalala ang nakaraan."Huwag mong hayaang mapalapit din sa lalaking iyon si Lily." Message muli ni Troy. Tumango tango si Dante habang nagtitipa ng reply sa kaibigan. "Okay, nakabubuting hindi malaman ng kahit na sino ang private number ni Boss Dylan at ang isa ay sikapin mong hindi niya magamit.Hindi na nag reply si Troy sa kaibigan at mabilis ibinulsa ang cellphone nang tawagin siya ni Dylan."Ano na ang balita sa conference room?" tanong ni Dylan."Nakaupo na po si Raffy as vice president. Ito ang profile niya." Ibinigay ni Troy ang isang folder sa binata.Mabilis na binuklat ni Dylan ang folder at binasa ang background ni Raffy. Unang tingin niya pa lang sa larawan nito ay alam kaagad niya na katulad ito
Napangiti si Raffy nang makitang tumunog ang cellphone ng lalaki matapos e dial ang number nitong ibinigay. "Iyan ang number ko, tawagan mo ako kung magkano ang nagastos mo sa iyong sasakyan at babayaran ko.""Hindi ko na tanggihan kung ganoon lalo na at wala pa ang sahuran." Ibinulsa niyang muli ang cellphone bago tumingin muli kay Raffy. "How about your ca?" tanong niya at may sira din ang unahan niyon."Ayos lang at kaya kong bumili ng bagong sasakyan." May kasamang pagyayabang na ani Raffy. Napangisi siya nang lumagkit ang tingin sa kaniya ng lalaki. Hindi pa rin pala kumukupas ang karismq niya sa kauri. Dinukot niya ang walet at kumuha ng calling card. "Just in case na hindi mo ma save ang number ko. Gamitin mo na rin itong cash.Walang pagdadalawang isip na kinuha ni Dylan ang cash at card sa lalaki. Nang sumayad ang daliri niya sa palad nito ay nakita niyang napakagat labi ang lalaki. "Suwerte pa rin ako kahit nagkaroon ng damage ang sasakyan ko at isang tulad mo ang nakabangga
"Saang hospital dinala ang asawa ko?" tanong ni Alexander kay Dante habang nagmamadaling lumabas sa elevator. "Nasa bahay po siya, sir."Biglang tumigil sa paghakbang si Alexander at galit na nilingon si Dante. "What? Bakit hindi sa hospital dinala? Paano kung nahihirapang huminga ang asawa ko? Mapapatay ko ang Troy na iyan!"Napakamot si Dante at halos patakbo na ang lakad upang masabayan ang amo. "Sir, wala naman daw pong sugat ang asawa mo pero ang sasakyan ay malaki ang damage."Hindi pa rin kumalma si Alexander at nag aalala sa asawa. Saka lang siya maniwalang ok lang ito kapag nakita niya. Pagkapasok sa sasakyan ay agad niyang inutusan si Dante. "Drive!""Hindi na po ba natin hihintayin si Ms. Lily?" tonong concern sa babae na tanong ni Dante sa amo.Sandaling natigilan si Alexander at nakalimutan ang dalaga. "Tawagan mo na lang siya mamaya at sabihing mag taxi pauwi. Hindi ko nq siya mahihintay at kailangan kong makita ang asawa ko."Lihim na napangiti si Dante at agad na pin
Nag angat ng mukha si Alexander at hindi na pinigilan ang luha na kanina pa nais kumawala sa mga mata niya. "Babe, iwan mo na ang organisation at tulungan na lang ako sa kompanya, please?"Napabuntong hininga si Dylan at pinunasan ang luha sa mga mata ng asawa. Alam niyang iyon ang naisip nito kaya siya naaksidente. Nakaramdam siya ng kunsensya at nag aalala nang husto ang asawa dahil sa ginawa niyang planado naman. Pero hindi pa niya maaring sabihin dito. Kailangan niyang gawin ito para sa ikabubuti rin nito."Babe, kapag hinayaan mong mamatay ka mula sa kamay ng mga kaaway mo ay susundan kita sa impyerno at sunugin doon!" Galit na niyang banta sa asawa nang mabasa sa mga mata nitong wala itong balak sundin ang hiling niya.Sa halip na sagutin ang galit ng asawa ay pahaklit na hinila ni Dylan sa batok ito at kinuyumos ng halik sa labi."Uhmm..." nais niyang tumanggi sa halik ni Dylan dahil hindi pa sila tapos mag usap ngunit mas makapangyarihan ang sigaw ng puso niya at pangangailang
"Oh, bakit ka nagagalit sa akin? Hindi ka ba natutuwa at pinapunta ko dito ang pinakamamahal mo?" Nang aasar na tanong ni Raffy sa dalaga."Idiot, kapag nalaman mo ang totoo ay tingnan ko lang kung makangiti pa nang ganiyan." Gusto niyang sabihin kay Raffy ngunit puro ungol lang ang maririnig mula sa kaniya dahil may busal pa rin ang bibig.Natawa si Raffy dahil sa nakikitang kalagayan ng dalaga. "Hindi ka dapat sa akin nagagalit kundi kay Alexander. Kasalanan niya at ikaw ang minahal niya kaya sinasalo mo ngayon ang kamalasan niya.""Sir, hindi pa ba aalisin ang busal sa bibig niya?" tanong ng isa sa tauhan ni Raffy.Sandaling pinakatitigan ni Raffy ang dalaga. May oras pa naman siya dahil may twenty minutes din ang lalakarin ni Alexander bago makarating sa kinarorounan niya. Tinanguan niya ang tauhan na alisin na ang busal sa bibig ni Lily.Napabuga ng hangin sa bibig si Lily nang maalis na ang busal sa bibig. Pakiramdam niya ay galing siya sa pagkalumos sa tubig. Nang makabawi ay m
Tinawanan lang ni Raffy ang kausap bago pinatayan na. "Narinig mo iyon?" Nakangising kausap niya kay Lily. "Naging tanga dahil mahal na mahal ka niya at handang sumuong sa gyera para sa iyo."Masaya si Lily nang marinig ang tinig ni Alexander kanina. Hindi niya akalaing importante din siya sa buhay nito. Pero ayaw niyang dayain ang sarili. Malamang, dahil siya ang napili nitong maging ina ng anak nito. Gusto niyang pagtawanan si Raffy. Kung alam lang nito, mas katawa-tawa ito kaysa kay Alexander. Kapag nalaman nito ang katotohanan ay tiyak na abot impyerno ang pagsisi nito at hindi siya hinayaang makapagsalita.Sa labas tumambay si Raffy habang hinihintay si Alexander. Nagkalat na rin ang tao niya sa paligid at may nakaambang sa daan bago pa makarating sa kinaroonan niya. Kahit hawak na niya sa leeg si Alexander ay tiyak na gagawa pa rin ito ng paraan upang makaganti sa kaniya."May thirty minutes pa tayo bago ang oras na ibinigay niya," ani Dylan habang palihim na tinatanaw ang kala
"Ano ang nangyari? Bakit hindi mo napapirmahan ang papelis?" galit na tanong ni Raffy sa assistant niya."Sir, wala po si Mr. CEO."kabadong sagot ng lalaki."Bullshit!" Galit na nasipa ni Raffy ang paa ng lamesa. Naikuyom niya ang mga kamay at hindi mapakali. Bukas na ang dating ng epiktos at kailangan ang pirma ni Alexander. Ngunit mukhang nanadya at kung hindi busy kaya ayaw pansinin ang assistant niya ay umaalis ito."Sir, ano na po ang gagawin natin? Kapag ikaw ang pumirma ay...""Hindi maari! Parang gumisa lang din din ako sa sarili kong mantika! Alam kong ang babaeng iyon ang dahilan kaya siya nagkakaganito, then tuldukan ko na ang lahat nang ito.""Ano po ang balak ninyo, sir?" tanong muli ng assistant. "Isama na rin siya sa bihag at ipain bukas sa maaring maging kalaban. Palabasin nating nablaban siya at ang criminal ay hindi na dapat binibigyan ng pagkakataong mabuhay." Napangisi si Raffy at maganda ang naisip.Mabilis na umalis na sila ng kompanya at tinahak ang daan patun
Nakagat ni Alexander ang loob ng labi at nakunsesnya. "Sorry, may tiwala ako sa iyo pero sa gustong agawin ka sa akin ay wala." Humigpit ang kapit niya sa braso ng asawa at isinandal ang ulo sa balikat nito.Napabuntong hininga si Dylan, "sa una ay nagagalit ako at nagseselos. Hindi mo nakikitang sinasamantala ni Lily ang kahinaan mo sa akin.""Sorry, nakapag desisyon na rin ako na hindi na siya ang kunin nating maging ina ng anak natin."Napangiti si Dylan at hinalikan sa noo ang asawa. "Are you sure?"Nakangiting tumango si Alexander. "Pero nawawala si Lily.""Kailan pa?" Gulat na tanong ni Dylan."Kanina pang tanghali, boss. Wala ma siya bago ko pa nabasa ang message ni Troy." Si Dante na ang sumagot."Mukhang gumalaw na nga sila at si Lily ang nakuha nila sa pag aakalang iyon ang asawa ni Sir Alexander," ani Troy."Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Alexander. "Hawak namin ngayon ang pinsan ni Raffy. Ang plano ay ipapatay ang bagong namumuko sa organisasyon at ang alam nila a
Agad nawala ang galit na nadarama ni Alexander sa asawa nang magmulat ito ng mga mata at ngumiti sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo sa iyong sarili? Look, dalawang gabi lang tayong hindi magkatabi ng tulog ay mukha ka nang zombie!"Lalong napangiti si Dylan at idinipa ang mga kamay upang yakapin ang asawa. "C'mon, give me hug."Sinamaan ni Alexander ng tingin ang asawa at gustong ipakita na galit siya. Ngunit hindi nito ibinababa ang mga kamay na nakadipa kahit ilang minuto na ang nakalipas. "Baby, I'm tired." Paglalambing ni Dylan.Napabuntong hininga si Alexander at mukhang napilitang pagbigyan ang asawa. "Ayaw kong nakikitang pagod ka at puyat dahil sa trabaho.""Pero sa pagpapaligaya sa iyo ay ok lang na mapagod ako?" Nanunuksong tanong ni Dylan dito.Mahinang suntok sa dibdib ang itinugon ni Alexander at pinilit ang sarili na huwag gumanti ng yakap sa asawa. Pero hindi niya talaga ito matiis nang matagal lalo na nang humalik na ito sa leeg niya. "Akala ko ba pagod ka at puyat?""Le
"Isa sa spy nila ang nakakuha ng information na nakapasok dito aa kompanya ang traidor sa organisation." Paliwanag ni Dante."What? Paanong nangyari ang bagay na iyan?" Mabilis na tinawagan ni Alexander ang asawa ngunit walang sumasagot. Nang si Troy naman ang tawagan ay mukhang nagmamadali rin."Sir, bilin ng iyong asawa ay huwag muna kayong umalis ng opisina at susunduin kayo mamaya. Kailangan ko na pong ibaba ang tawag at susundan ko si Boss Dylan." Kinabahan si Alexander at nag alala para sa asawa. Pero sinunod niya si Dante at inalam kung nasaan si Lily. "Hindi ko siya makuntak," aniya kay Dante. Sandaling nag isip si Dante at inalala kung saan maaring pumunta si Lily. Tumawag na rin siya sa ina nito at ang sagot ay wala ito roon. "Kung kumain siya sa labas ay sino ang kasama niya at bakit hindi pa nakabalik?" naisatinig ni Dante."Check the surveillance camera." Utos ni Alexander kay Dante.Agad tumalima si Dante at pinatawag ang security sa storage room.Sa opisina, napangisi
"Excuse me, bakit dito tayo pumunta?" tanong ni Lily sa driver nang tumigil sila sa isang mukhang abandonadong lugar sa halip na sa magarang restuarant. "Bumaba ka na miss at huwag nang maraming tanong." Pagalit na utos ng driver sa dalaga.Biglang binundol ng kaba abg dibdib ni Lily. Kinutuban siya nang hindi maganda. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo palayo ngunit may humarang na sasakyan sa daraanan niya."Saan ka pupunta?" Nakangising tanong ni Raffy pagkababa sa sasakyan.Mabilis na lumapit si Lily sa binata at nabawasan ang kabang nadarama. "Katakot kasi ang driver mo. Kung wala ka ay talaga tatakbo na ako palayo!"Sa halip na sagutin ang babae ay tinanguan niya ang taong nakasunod kay Lily. "Dalhin niyo na siya sa loob."Muling kinabahan si Lily nang marinig ang utos ni Raffy at mah huwak sa mga kamay niya. "A-ano ang ibig sabihin nito?""Simple lang, kailangan kita laban kay Alexander." Nakangising tugon ni Raffy sa dalaga.Nanlaki ang mga mata ni Lily at nagpumig
Pagkaalis ng ama at nagmamadali nang nagpalit ng damit si Raffy. Kailangan niyang pumasok sa opisina at dalawa na ang purpose niya ngayon sa gagawin sa buhay ni Alexander. Sa opisina, hindi mapakali si Lily sa puwesto. Hindi din siya kumportable sa suot niyang si Alexander ang pumili. Hindi siya tanga upang hindi maintindihan ang mga pagbabagong pakitungo sa kaniya ni Alexander. Nagbago na talaga ang binata at ang tingin sa kaniya ay nabaeng kaagaw kay Dylan, at hindi babaeng maging ina sa anak nito. "Lily, bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ni Jessa nang hindi makatiis."May problema ba sa suot ko?" Naiirita niyang tanong din sa babae. Ganitong kanina pa siya naiinis tapos pupunain."Sorry, hindi lang kami sanay na makita kang halos balot na ang katawan." Nagyuko ng ulo si Jessa at napahiya.Inis na napabuntong hininga si Lily at pilit na ngumiti. "Ayaw kasi na ni Alexander na lantad ang katawan ko at nagseselos siya kapag may ibang nalatingin." Pagsisinungaling niya upang maibang
Tama lang na tapos nang maligo si Raffy nang may kumatok sa pinto. Mabilis niyang isinuot ang roba bago binuksan ang pinto. "Dad?"Patulak na pinapasok ni Rudy ang anak sa pad nito kasunod siya. "Nawawala ang pinsan mo at ikaw lang ang kasama niya kagabi.""Po? Paanong nawawala? Sigurado po ba kayo? Lasing kami pareho kagabi kaya baka kung saan lang siya natulog." Pilit nagpakahinahon si Raffy."Estupido, hindi kayo nag iingat! Sinabi ko na sa iyo na hindi kayo maaring magsama sa public place!" Bulyaw ni Rudy sa anak at nagmamadaling hinanap ang bagay na sa anak ipinagkatiwala.Tarantang sinundan ni Raffy ang ama at kinabahan na rin. Alam niya kung ano ang hinahanap nito. Kapag nalaman nito na may isinama siya kagabi sa pad at tiyak na bugbugin siya nito.Nakahinga nang maluwag si Rudy nang makita ang maliit na book. Sobrang nag alala pa naman siya. Mabilis niyang binuklat upang suriin at baka mamaya ay kulang na ng page.Napabuga ng hangin si Raffy at parang may mabigay na bagay ang