"Saang hospital dinala ang asawa ko?" tanong ni Alexander kay Dante habang nagmamadaling lumabas sa elevator. "Nasa bahay po siya, sir."Biglang tumigil sa paghakbang si Alexander at galit na nilingon si Dante. "What? Bakit hindi sa hospital dinala? Paano kung nahihirapang huminga ang asawa ko? Mapapatay ko ang Troy na iyan!"Napakamot si Dante at halos patakbo na ang lakad upang masabayan ang amo. "Sir, wala naman daw pong sugat ang asawa mo pero ang sasakyan ay malaki ang damage."Hindi pa rin kumalma si Alexander at nag aalala sa asawa. Saka lang siya maniwalang ok lang ito kapag nakita niya. Pagkapasok sa sasakyan ay agad niyang inutusan si Dante. "Drive!""Hindi na po ba natin hihintayin si Ms. Lily?" tonong concern sa babae na tanong ni Dante sa amo.Sandaling natigilan si Alexander at nakalimutan ang dalaga. "Tawagan mo na lang siya mamaya at sabihing mag taxi pauwi. Hindi ko nq siya mahihintay at kailangan kong makita ang asawa ko."Lihim na napangiti si Dante at agad na pin
Nag angat ng mukha si Alexander at hindi na pinigilan ang luha na kanina pa nais kumawala sa mga mata niya. "Babe, iwan mo na ang organisation at tulungan na lang ako sa kompanya, please?"Napabuntong hininga si Dylan at pinunasan ang luha sa mga mata ng asawa. Alam niyang iyon ang naisip nito kaya siya naaksidente. Nakaramdam siya ng kunsensya at nag aalala nang husto ang asawa dahil sa ginawa niyang planado naman. Pero hindi pa niya maaring sabihin dito. Kailangan niyang gawin ito para sa ikabubuti rin nito."Babe, kapag hinayaan mong mamatay ka mula sa kamay ng mga kaaway mo ay susundan kita sa impyerno at sunugin doon!" Galit na niyang banta sa asawa nang mabasa sa mga mata nitong wala itong balak sundin ang hiling niya.Sa halip na sagutin ang galit ng asawa ay pahaklit na hinila ni Dylan sa batok ito at kinuyumos ng halik sa labi."Uhmm..." nais niyang tumanggi sa halik ni Dylan dahil hindi pa sila tapos mag usap ngunit mas makapangyarihan ang sigaw ng puso niya at pangangailang
"Huwag mo siyang patulan at baka makarating sa young master at ikaw na naman ang lalabas na masama." Pabulong na sita ni Troy sa kaibigan. Walang salitang bumaba na ng hagdan si Dante. Si Lily ay pumasok na ito sa silid nito. Alam niyang nakasunod sa kaniya ang kaibigan kaya dumiritso na siya sa garden."Ano ba talaga ang nangyari kanina sa opisina?" tanong ni Troy nang masingurong walang makakarinig sa pag uusap nila ng kaibigan."Magaling mag manipulate ng isipan at sitwasyon si Lily kapag siya lang ang kasama ng young master. Ang aalala na ako dahil mukhang may nangyayari na hindi natin alam. Nakikita kong hinahayaan lang ni Young Master na isipin ng mga nasa opisina na may something silang relasyon ni Lily."Huminga nang malalim si Troy at napaisip. Naitanong sa sarili kung ano nga ba ang nangyari o dahilan at nagkakaroon. Wala namang duda na mahal ni Alexander si Dylan para magloko. Takot pa nga ito na mawala sa buhay nito si Dylan. Kung baba nga lang ito ay baka naitago na sa s
Dumiritso na si Dylan sa kusina at naabutan doon ang ina ni Lily. Kahit papaano ay may paggalang pa rin siya sa ginang at binati ito."Ikaw pala, hijo, may gusto ka bang ipaluto?" tanong ni Belen sa binata."Ako na po ang magluluto ng pagkain ni Alexander.""Pero naumpisahan ko na ang—""Iwan niyo na lang po at ako na ang tutuloy." Magalang niyang putol sa iba pang nais sabihin ng ginang.May pag alinlangang binitiwan ni Belen ang hawak na karneng hinugasan na. Napilitan din siyang umalis at alam niyang ayaw ni Dylan na may ibang tao sa kusina kapag ito ang nagluluto.Pagdating ni Alexander sa sala ay nakita niya si Lily. Halatang napilitan itong ngumiti sa kaniya at bumati. "Kadarating mo lang ba?" Puna niya dahil nakabihis pang opisina pa rin ito."Namili pa kasi ang ng masakyan at natatakot akong sumakay kapag lalaki ang driver ng taxi." Hinilot hilot pa ni Lily ang binti at nagkunwaring nangalay ito sa pagtayo ng matagal. Biglang nakaramdam ng kunsensya si Alexander nang maaalang
Napabuntong hininga si Alexander nang magising na wala na naman sa tabi niya ang asawa. Mukhang maagang umalis at hindi nagsabi sa kaniya. Pahintamad siyang bumangon at dumiritso na sa banyo upang maligo. Sa dining room, matayagang hinintay ni Lily si Alexander. Masaya siya at maagang umalis si Dylan. Masolo niyang muli sa pagkain si Alexander. "Goodmorning, hijo."Nagmamadaling inayos ni Lily ang pagkaupo nang marinig ang pagbati ng ina kay Alexander. "Hinihintay ka na ni Lily sa hapag kainan." Nakangiting dugtong pa ji Belen sa pagbati sa binata."Sumabay na rin po kayo sa pagkain sa amin." Aya ni Alexander sa yaya niya."Naku huwag na, hijo, at tapos na kaming kumain. Alam no naman, before start ng trabaho ay kailangang may laman ang tiyan."Nakakaunawang ngumiti si Alexander sa ginang. Kumakain talaga nang mas maaga ang katulong nila dahil sa trabaho ng mga ito sa bahay nila. Pagpasok niya sa dining room ay naroon na nga si Lily at nakangiting tumitingin sa kaniya."Goodmorni
Mas mabilis bumunot ng baril si Dante kaysa tao ni Raffy nang tangkang magsuntukan na ang dalawa nilang amo. Itinutok ni Dante ang hawak na baril sa assistant ni Raffy bago pa nito maiumang ang sandata kay Alexander. Mabilis na nagtago si Lilly sa likuran ni Alexander at natakot na baka sa kaniya tumama ang bala ng baril. Ayaw man niyang aminin pero humanga siya sa bilis kumilos ni Dante.Napangisi si Alexander at idinipq ang mga kamay sa harapan ni Raffy. "Nakita mo ba iyan? Kahit sa tauhan ay mas mabilis ang akin at alam kung sino ang unang patutumbahin!" Nangalit ang bagang ni Raffy at nagngitngitan ang mga ngipin sahil sa gigil. Pinukol niya ng masamang tingin ang tao dahil sa pagiging mabagal nito. Lalo pa siyang nagalit nang makitang nakataas ang mga kamay nito na nangangahulugang sumusuko dahil nakatutok dito ang baril ng kalaban. "Put down your gun and get lost!"Napayuko ang lalaki at mabilis na isinuksok muli ang baril sa tagiliran at humakbang paatras.Nakangiting sinunda
"Let's go." Naiinip na tawag ni Alexander kay Lily at kanina pa niyang gustong lumulan sa elevator.Kamuntik nang mapabunghalit ng tawa si Dante nang magmamadaling lumapit si Lily kay Alexander. Para itong penguin na hirap maglakad. Mabilis niyang sinupil ang ngiti sa labi nang mapatingin sa kaniya si Alexander. Napahuli siya ng pasok sa elevator at siya na rin ang pumindot sa button kung saan ang opisina ng amo.Mabilis na kumapit si Lily sa braso ni Alexander nang bumukas na ang pinto ng elevator. Hindi naman ito nag react at alam nitong kailangan nilang gawin ito. Pakalabas nila sa elevator at sa kanila nakatutok ang tingin ng mga empleyado. Taas noo siyang ngumiti sa mga ito at bumati pabalik."Grabe, buo na naman ang araw ko at nakita ang cute couple!" Kinikilig na turan ni Jessa."Ang suwerte talaga ni Ms. Lily kay Mr. CEO, guwapo na mataba pa lahat." Makahulugang segunda ng isa pa. Narinig ni Alexander ang mga bulong bulungan ng empleyadong babae pero hindi niya sinita o it
"Alex, nagdala ako ng for lunch mo." Ipinatong ni Lily ang munch box sa lamesa ng binata na abala pa rin sa binabasang papelis.Napabuntong hininga si Alexander at pilit na nagpakahinahon. Alam niyang nagmamagandang loob lamang si Lily pero pinakaayaw niya ay ipilit ang bagay na ayaw niya. Sinabi na niya dito kanina na huwag mag abala o huwag siyang piliting kumain dahil wala siyang gana. Ngunit nagdala pa rin ang babae na ikinainis niya."Alex, alam ko na ayaw mo sa makulit. Pero huwag mo sanang pabayaan ang sarili mo. Alalahanin mo na dapat ay healthy ka bago kuhanan ng sperm at e inject sa akin."Muling napabuntong hininga si Alexander at napapikit. "Iwan mo na lang diyan." Walang gana niyang turan."Alex, huwag ka nang mag alala kay Dylan at trabaho ang ipinunta niya sa malayong lugar.'"What?" Parang nabibinging tanong ni Alexander. "Nasaan ang asawa ko?" Galit na niyang dugtong pa."Sorry, ang akala ko ay alam mo kung saan siya pumunta." Nababahalang pahabol ni Lily. "Narinig k
"Oh, bakit ka nagagalit sa akin? Hindi ka ba natutuwa at pinapunta ko dito ang pinakamamahal mo?" Nang aasar na tanong ni Raffy sa dalaga."Idiot, kapag nalaman mo ang totoo ay tingnan ko lang kung makangiti pa nang ganiyan." Gusto niyang sabihin kay Raffy ngunit puro ungol lang ang maririnig mula sa kaniya dahil may busal pa rin ang bibig.Natawa si Raffy dahil sa nakikitang kalagayan ng dalaga. "Hindi ka dapat sa akin nagagalit kundi kay Alexander. Kasalanan niya at ikaw ang minahal niya kaya sinasalo mo ngayon ang kamalasan niya.""Sir, hindi pa ba aalisin ang busal sa bibig niya?" tanong ng isa sa tauhan ni Raffy.Sandaling pinakatitigan ni Raffy ang dalaga. May oras pa naman siya dahil may twenty minutes din ang lalakarin ni Alexander bago makarating sa kinarorounan niya. Tinanguan niya ang tauhan na alisin na ang busal sa bibig ni Lily.Napabuga ng hangin sa bibig si Lily nang maalis na ang busal sa bibig. Pakiramdam niya ay galing siya sa pagkalumos sa tubig. Nang makabawi ay m
Tinawanan lang ni Raffy ang kausap bago pinatayan na. "Narinig mo iyon?" Nakangising kausap niya kay Lily. "Naging tanga dahil mahal na mahal ka niya at handang sumuong sa gyera para sa iyo."Masaya si Lily nang marinig ang tinig ni Alexander kanina. Hindi niya akalaing importante din siya sa buhay nito. Pero ayaw niyang dayain ang sarili. Malamang, dahil siya ang napili nitong maging ina ng anak nito. Gusto niyang pagtawanan si Raffy. Kung alam lang nito, mas katawa-tawa ito kaysa kay Alexander. Kapag nalaman nito ang katotohanan ay tiyak na abot impyerno ang pagsisi nito at hindi siya hinayaang makapagsalita.Sa labas tumambay si Raffy habang hinihintay si Alexander. Nagkalat na rin ang tao niya sa paligid at may nakaambang sa daan bago pa makarating sa kinaroonan niya. Kahit hawak na niya sa leeg si Alexander ay tiyak na gagawa pa rin ito ng paraan upang makaganti sa kaniya."May thirty minutes pa tayo bago ang oras na ibinigay niya," ani Dylan habang palihim na tinatanaw ang kala
"Ano ang nangyari? Bakit hindi mo napapirmahan ang papelis?" galit na tanong ni Raffy sa assistant niya."Sir, wala po si Mr. CEO."kabadong sagot ng lalaki."Bullshit!" Galit na nasipa ni Raffy ang paa ng lamesa. Naikuyom niya ang mga kamay at hindi mapakali. Bukas na ang dating ng epiktos at kailangan ang pirma ni Alexander. Ngunit mukhang nanadya at kung hindi busy kaya ayaw pansinin ang assistant niya ay umaalis ito."Sir, ano na po ang gagawin natin? Kapag ikaw ang pumirma ay...""Hindi maari! Parang gumisa lang din din ako sa sarili kong mantika! Alam kong ang babaeng iyon ang dahilan kaya siya nagkakaganito, then tuldukan ko na ang lahat nang ito.""Ano po ang balak ninyo, sir?" tanong muli ng assistant. "Isama na rin siya sa bihag at ipain bukas sa maaring maging kalaban. Palabasin nating nablaban siya at ang criminal ay hindi na dapat binibigyan ng pagkakataong mabuhay." Napangisi si Raffy at maganda ang naisip.Mabilis na umalis na sila ng kompanya at tinahak ang daan patun
Nakagat ni Alexander ang loob ng labi at nakunsesnya. "Sorry, may tiwala ako sa iyo pero sa gustong agawin ka sa akin ay wala." Humigpit ang kapit niya sa braso ng asawa at isinandal ang ulo sa balikat nito.Napabuntong hininga si Dylan, "sa una ay nagagalit ako at nagseselos. Hindi mo nakikitang sinasamantala ni Lily ang kahinaan mo sa akin.""Sorry, nakapag desisyon na rin ako na hindi na siya ang kunin nating maging ina ng anak natin."Napangiti si Dylan at hinalikan sa noo ang asawa. "Are you sure?"Nakangiting tumango si Alexander. "Pero nawawala si Lily.""Kailan pa?" Gulat na tanong ni Dylan."Kanina pang tanghali, boss. Wala ma siya bago ko pa nabasa ang message ni Troy." Si Dante na ang sumagot."Mukhang gumalaw na nga sila at si Lily ang nakuha nila sa pag aakalang iyon ang asawa ni Sir Alexander," ani Troy."Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Alexander. "Hawak namin ngayon ang pinsan ni Raffy. Ang plano ay ipapatay ang bagong namumuko sa organisasyon at ang alam nila a
Agad nawala ang galit na nadarama ni Alexander sa asawa nang magmulat ito ng mga mata at ngumiti sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo sa iyong sarili? Look, dalawang gabi lang tayong hindi magkatabi ng tulog ay mukha ka nang zombie!"Lalong napangiti si Dylan at idinipa ang mga kamay upang yakapin ang asawa. "C'mon, give me hug."Sinamaan ni Alexander ng tingin ang asawa at gustong ipakita na galit siya. Ngunit hindi nito ibinababa ang mga kamay na nakadipa kahit ilang minuto na ang nakalipas. "Baby, I'm tired." Paglalambing ni Dylan.Napabuntong hininga si Alexander at mukhang napilitang pagbigyan ang asawa. "Ayaw kong nakikitang pagod ka at puyat dahil sa trabaho.""Pero sa pagpapaligaya sa iyo ay ok lang na mapagod ako?" Nanunuksong tanong ni Dylan dito.Mahinang suntok sa dibdib ang itinugon ni Alexander at pinilit ang sarili na huwag gumanti ng yakap sa asawa. Pero hindi niya talaga ito matiis nang matagal lalo na nang humalik na ito sa leeg niya. "Akala ko ba pagod ka at puyat?""Le
"Isa sa spy nila ang nakakuha ng information na nakapasok dito aa kompanya ang traidor sa organisation." Paliwanag ni Dante."What? Paanong nangyari ang bagay na iyan?" Mabilis na tinawagan ni Alexander ang asawa ngunit walang sumasagot. Nang si Troy naman ang tawagan ay mukhang nagmamadali rin."Sir, bilin ng iyong asawa ay huwag muna kayong umalis ng opisina at susunduin kayo mamaya. Kailangan ko na pong ibaba ang tawag at susundan ko si Boss Dylan." Kinabahan si Alexander at nag alala para sa asawa. Pero sinunod niya si Dante at inalam kung nasaan si Lily. "Hindi ko siya makuntak," aniya kay Dante. Sandaling nag isip si Dante at inalala kung saan maaring pumunta si Lily. Tumawag na rin siya sa ina nito at ang sagot ay wala ito roon. "Kung kumain siya sa labas ay sino ang kasama niya at bakit hindi pa nakabalik?" naisatinig ni Dante."Check the surveillance camera." Utos ni Alexander kay Dante.Agad tumalima si Dante at pinatawag ang security sa storage room.Sa opisina, napangisi
"Excuse me, bakit dito tayo pumunta?" tanong ni Lily sa driver nang tumigil sila sa isang mukhang abandonadong lugar sa halip na sa magarang restuarant. "Bumaba ka na miss at huwag nang maraming tanong." Pagalit na utos ng driver sa dalaga.Biglang binundol ng kaba abg dibdib ni Lily. Kinutuban siya nang hindi maganda. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo palayo ngunit may humarang na sasakyan sa daraanan niya."Saan ka pupunta?" Nakangising tanong ni Raffy pagkababa sa sasakyan.Mabilis na lumapit si Lily sa binata at nabawasan ang kabang nadarama. "Katakot kasi ang driver mo. Kung wala ka ay talaga tatakbo na ako palayo!"Sa halip na sagutin ang babae ay tinanguan niya ang taong nakasunod kay Lily. "Dalhin niyo na siya sa loob."Muling kinabahan si Lily nang marinig ang utos ni Raffy at mah huwak sa mga kamay niya. "A-ano ang ibig sabihin nito?""Simple lang, kailangan kita laban kay Alexander." Nakangising tugon ni Raffy sa dalaga.Nanlaki ang mga mata ni Lily at nagpumig
Pagkaalis ng ama at nagmamadali nang nagpalit ng damit si Raffy. Kailangan niyang pumasok sa opisina at dalawa na ang purpose niya ngayon sa gagawin sa buhay ni Alexander. Sa opisina, hindi mapakali si Lily sa puwesto. Hindi din siya kumportable sa suot niyang si Alexander ang pumili. Hindi siya tanga upang hindi maintindihan ang mga pagbabagong pakitungo sa kaniya ni Alexander. Nagbago na talaga ang binata at ang tingin sa kaniya ay nabaeng kaagaw kay Dylan, at hindi babaeng maging ina sa anak nito. "Lily, bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ni Jessa nang hindi makatiis."May problema ba sa suot ko?" Naiirita niyang tanong din sa babae. Ganitong kanina pa siya naiinis tapos pupunain."Sorry, hindi lang kami sanay na makita kang halos balot na ang katawan." Nagyuko ng ulo si Jessa at napahiya.Inis na napabuntong hininga si Lily at pilit na ngumiti. "Ayaw kasi na ni Alexander na lantad ang katawan ko at nagseselos siya kapag may ibang nalatingin." Pagsisinungaling niya upang maibang
Tama lang na tapos nang maligo si Raffy nang may kumatok sa pinto. Mabilis niyang isinuot ang roba bago binuksan ang pinto. "Dad?"Patulak na pinapasok ni Rudy ang anak sa pad nito kasunod siya. "Nawawala ang pinsan mo at ikaw lang ang kasama niya kagabi.""Po? Paanong nawawala? Sigurado po ba kayo? Lasing kami pareho kagabi kaya baka kung saan lang siya natulog." Pilit nagpakahinahon si Raffy."Estupido, hindi kayo nag iingat! Sinabi ko na sa iyo na hindi kayo maaring magsama sa public place!" Bulyaw ni Rudy sa anak at nagmamadaling hinanap ang bagay na sa anak ipinagkatiwala.Tarantang sinundan ni Raffy ang ama at kinabahan na rin. Alam niya kung ano ang hinahanap nito. Kapag nalaman nito na may isinama siya kagabi sa pad at tiyak na bugbugin siya nito.Nakahinga nang maluwag si Rudy nang makita ang maliit na book. Sobrang nag alala pa naman siya. Mabilis niyang binuklat upang suriin at baka mamaya ay kulang na ng page.Napabuga ng hangin si Raffy at parang may mabigay na bagay ang