"Alex, what's wrong?" Nagmamadaling nilapitan ni Lily ang binata.Mabilis na kinalma ni Alexander abg sarili at ayaw niyang matakot sa kaniya ang dalaga. Pilit siyang ngumiti dito bago sumagot. "Nothing, bakit narito ka pa? 'Di ba ang sabi ko sa iyo ay magpahinga ka muna?"Nahihiyang ngumiti si Lily sa binata. "Natatakot na akong sumakay sa taxi."Masamang tingin ang ipinukol ni Alexander kay Dante. Ito kasi ang inutusan niyang ihatid muna pauwi si Lily at masama ang pakiramdam kanina. Kamuntik na kasing magahasa si Lily nang nakaraang araw ng driver ng taxi na sinakyan nito. Mabuti na lang at nakatawag pa sa kaniya ang dalaga nang gabing iyon bago pa ito tuluyang napahamak.Nalilitong napatitig si Dante sa babae. Parang kasalanan niya pa ngayon kung bakit hindi ito nakauwi gayong ito ang may ayaw na siya ang maghatid dito."Alex, huwag ka nang magalit kay Dante at tama naman siya."Nagtatanong na ang tingin ni Dante sa babae at parang may mali naman siyang nagawa ngayon kaya hindi it
"Dante, pagbigyan kita ngayon. Pero kapag inulit mo pa ito ay kakalinutan ko ang mahabang taon na pinagsamahan natin!" Galit na banta ni Alexander sa lalaki dahil ayaw pa rin nitong mag sorry kay Lily.Pinigilan ni Dante ang sumagot pa at ayaw niyang makasakit bg damdamin. Pero sobra siyang nasaktan dahil sa mga binitiwang salita ng amo. Nang dahil sa isang babae ay kinalimutan ng amo na halos buwis buhay siya upang mapangalagaan lang ito at manatiling buhay. Kung hindi lang siya loyal dito at marunong tumupad sa pangako, tatalikuran na niya ito. Ngunit kapag ginawa niya iyon ay tiyak na tuluyang masira ang nakapundar na pader dahil sa anay. Yes, anay ang tingin niya kay Lily bukod sa pagiging ahas."Makaalis ka na." Matigas na pagtataboy ni Alexander kay Dante.Walang salitang tumalikod si Dante at nanatiling matigas ang anyo. Hindi niya ipapakita sa babae na apiktado siya o nasaktan. "Alex, thank you so much!" Yayakapin niya sana ang binata ngunit dumistansya na ito sa kaniya."Al
Napabuga ng hangin sa bibig si Dylan at nagpasyang sundin ang payo ni Dante. Nagpatuloy siya sa pagpasok sa kompanya. Kilala na siya ng mga empleyado pero bilang personal assistant ni Alexander. Nakita pa niyang biglang nag umpukan ang isang grupo ng empleyado at mukhang mga daga dahil wala ang pusa."Nakita niyo iyon? Tama talaga ako na may special relasyon ang dalawa!" Kinikilig na ani Jessa, naging kaibigan na ni Lily."Ngayon ko lang din nakita ang CEO na ganoon kalapit sa isang babae." Segunda ng isa pa at halatang kinikilig din sa nakita."Bagay naman sila, parehong maganda at guwapo. Katuwa, parang katulad sa nababasa kong novel na CEO, na in love sa kaniyang secretary!" Halos tumili na ang isa pabg babae dahil sa kilig.Nagkatinginan sina Troy at Dante habang nakikinig sa pag uusap ng kababaihan. Sabay ring nabaling ang tingin nila kay Dylan at ang dilim na ng aura ng mukha nito. "Bakit mukhang hindi ka masaya, Dindin?" puna ni Jessa sa isa nilang kasama."Dissapoint ako, an
"Sa tingin ko ay biktima lang din ng kasinungalingan ng babaeng iyon ang taxi driver."Nilingon ni Dylan si Dante at hinintay ang iba pang sasabihin."Kung nagawa niya akong e set up na alam niyang matagal nang kilala ni Young Master, what more ang driver na iyon?""Tama po si Dante, sir. Nagmukhang masama si Dante dahil sa drama ng babaeng iyon. Kapag kinumpronta niyo ngayon ang iyong asawa at awayin ang babaeng iyon, sa tingin ko ay maging mitsa lamang ng malaking hindi pagkakaunawaan ninyo ang mangyari." Sang ayon ni Troy."So pababayaan ko na lang ang babaeng iyon na patuloy akitin ang asawa ko?" malamig na tanong ni Dylan."No, boss." Magkapanabay na tugon ng dalawa.Pumalatak si Dylan. Wala siyan alam sa panunuyo lalo na ang mahabang pasensya o drama kaya wala siyang idea sa nais mangyari ng dalawa."Kung ang babaeng iyon ay magaling gumawa ng drama at kasinungalingan, sabayan niyo po siya, Boss!" ani Dante. Kung marunong lang tumikwas ang kilay ni Dylan ay nagawa na niya sa la
Nagulat si Alexander sa biglaang dating ng asawa. Kaya pala hindi niya ito makuntak at gusto siyang e surprised. Kahit papaano ay nabawasan ang inis na nadarama niya sa hindi nito pagparamdam ng ilang araw. Pero ayaw niyang unang maglambing dito kaya nanatili siya sa kinaupuan. Lihim na napangiti si Lily nang makita si Dylan. Siguradong nakita nito ang larawan na pinadala ng kaniyang inutusan kanina. Inihanda na niya ang kaniyang sarili bilang biktima kapag sinugod siya ng lalaki dahil sa selos."Galing ako sa opisina mo at wala ka doon, masama ba ang pakiramdam mo?" Masuyong tanong ni Dylan at sinalat ang noo ng asawa.Bahagyang nangunot ang noo ni Lily nang manatiling mahinahon si Dylan at parang hindi manlang apiktado sa presensya niyang nakaupo lang sa tabi ni Alexander. "Mabuti at alam mo pa ang daan pauwi." Aroganteng angil ni Alexander sa asawa at pinigilan ang sariling bumigay agad sa paglalambing ng asawa. Nagtataka din siya at hindi ito nagalit nang makita si Lily at ka
Nang wala na ang babae ay tumayo si Dylan at walang salitang umakyat sa hagdan. Ang totoo ay galit siya kay Alexander ngunit kailangan niyang magpanggap na ok lang sila. Na wala siyang alam sa kung ano ang ginawa nito lalo na kay Dante. Mabilis na tumayo si Alexander at sinundan ang asawa. Hindi niya maintindihan ito. Kanina lang ay ang sweet, pero ngayon ay biglang nanlamig at halatang iniiwasan siya.Hindi pinansin ni Dylan ang asawa nang makapasok na sila sa silid. Kumuha lang siya ng bathrobe at dumiritso sa banyo. Kailangan niyang magpalamig upang mabawasan ang init ng ulo.Mabilis na hinabol ni Alexander ang asawa at iniharang ang kamay bago pa maisara ang pinto. "Ano ang problema?""Wala, gusto ko lamang magpalamig." Malamig niyang tugon kay Alexander. "Alam kong mayroon at ako ang dapat ma magalit sa ating dalawa dahil wala ka nang time sa akin!" Bahagyang tumaas ang boses ni Alexander. "At ikaw ay mayroon?" Nang uuyam niyang balik tanong kay Alexander. Sandaling napipilan
Napangiti si Alexander nang makita ang asawa na nakaupo sa sala. "Ang bilis mo namang naligo?"Sandaling tinapunan ni Dylan ng tingin ang asawa saka itinuloy ang ginagawa sa harap ng laptop. "I'm hungry.""I know kaya iginawa kita ng meryenda." Inilapag niya sa center table ang dalang tray at kinuha ang juice bago lumapit sa asawa. "Taste it."Kinuha niya ang hawak na baso ni Alexander at pinaupo ito sa tabi niya. Nagulat si Alexander nang biglang kabigin ng asawa ang ulo niya. Sa halip na ang juice ang tikman ay ang kaniyang labi. Nakurot niya ito sa tagiliran upang tigilan siya at may katulong sa paligid. "Sweet!" Pinasadahan pa niya ng dila ang sariling labi habang nakatitig kay Alexander. "Tsk, kailan ka pa naging bolero?" Pagsusungit ni Alexander. "Nang tumibok ang puso ko sa iyo."Napangiti na lamang si Alexander at inihilig ang ulo sa balikat ng asawa. Ang korni ng mga sinasabi ng asawa sa pandinig pero kinikilig siya. "Ano ang ginagawa mo?" Hinalikan muna ni Dylan sa ubo
Pagpasok ni Lily sa kusina ay naroon si Dante. Ningitian niya ito na parang walang nangyari ngunit parang hindi siya naikita. Inis na nilapitan niya ito. "Bakit hindi ka pa nagre-resign?""Para mawalan ng bantay ang young master at maahas mo siya nang tuluyan?" Sarkastiko niyang tugon sa dalaga.Ngumisi si Lily at nagmamadaling tumayo sa harapan ng lalaki. "Bakit hindi ka pa nagsusumbong sa amo mo?" Pang aasar niya sa lalaki.Humulma ang nakakalokong ngiti sa labi ni Dante at inilapit ang bibig sa taingan nito. "Hindi mo ako katulad mag isip. Enjoy ka lang sa pagiging ahas mo at kapag ikaw ay nahuli ng mangangaso ay putol tiyak pati ulo ng iyong ina."Takot na itinulak ni Lily si Dante at kinilabutan siya dahil sa banta ng lalaki. Galit ang tinging ipinukol niya dito. "Hindi ako natatakot sa iyo. Kapag ako ay naging asawa ni Alexander ay ikaw ang una kong patatalsikin sa trabaho!" Napangisi si Dante at mukhang naaawa ang tinging ipinukol sa dalaga. Gigil na ito sa kaniya pero halos p
"Oh, bakit ka nagagalit sa akin? Hindi ka ba natutuwa at pinapunta ko dito ang pinakamamahal mo?" Nang aasar na tanong ni Raffy sa dalaga."Idiot, kapag nalaman mo ang totoo ay tingnan ko lang kung makangiti pa nang ganiyan." Gusto niyang sabihin kay Raffy ngunit puro ungol lang ang maririnig mula sa kaniya dahil may busal pa rin ang bibig.Natawa si Raffy dahil sa nakikitang kalagayan ng dalaga. "Hindi ka dapat sa akin nagagalit kundi kay Alexander. Kasalanan niya at ikaw ang minahal niya kaya sinasalo mo ngayon ang kamalasan niya.""Sir, hindi pa ba aalisin ang busal sa bibig niya?" tanong ng isa sa tauhan ni Raffy.Sandaling pinakatitigan ni Raffy ang dalaga. May oras pa naman siya dahil may twenty minutes din ang lalakarin ni Alexander bago makarating sa kinarorounan niya. Tinanguan niya ang tauhan na alisin na ang busal sa bibig ni Lily.Napabuga ng hangin sa bibig si Lily nang maalis na ang busal sa bibig. Pakiramdam niya ay galing siya sa pagkalumos sa tubig. Nang makabawi ay m
Tinawanan lang ni Raffy ang kausap bago pinatayan na. "Narinig mo iyon?" Nakangising kausap niya kay Lily. "Naging tanga dahil mahal na mahal ka niya at handang sumuong sa gyera para sa iyo."Masaya si Lily nang marinig ang tinig ni Alexander kanina. Hindi niya akalaing importante din siya sa buhay nito. Pero ayaw niyang dayain ang sarili. Malamang, dahil siya ang napili nitong maging ina ng anak nito. Gusto niyang pagtawanan si Raffy. Kung alam lang nito, mas katawa-tawa ito kaysa kay Alexander. Kapag nalaman nito ang katotohanan ay tiyak na abot impyerno ang pagsisi nito at hindi siya hinayaang makapagsalita.Sa labas tumambay si Raffy habang hinihintay si Alexander. Nagkalat na rin ang tao niya sa paligid at may nakaambang sa daan bago pa makarating sa kinaroonan niya. Kahit hawak na niya sa leeg si Alexander ay tiyak na gagawa pa rin ito ng paraan upang makaganti sa kaniya."May thirty minutes pa tayo bago ang oras na ibinigay niya," ani Dylan habang palihim na tinatanaw ang kala
"Ano ang nangyari? Bakit hindi mo napapirmahan ang papelis?" galit na tanong ni Raffy sa assistant niya."Sir, wala po si Mr. CEO."kabadong sagot ng lalaki."Bullshit!" Galit na nasipa ni Raffy ang paa ng lamesa. Naikuyom niya ang mga kamay at hindi mapakali. Bukas na ang dating ng epiktos at kailangan ang pirma ni Alexander. Ngunit mukhang nanadya at kung hindi busy kaya ayaw pansinin ang assistant niya ay umaalis ito."Sir, ano na po ang gagawin natin? Kapag ikaw ang pumirma ay...""Hindi maari! Parang gumisa lang din din ako sa sarili kong mantika! Alam kong ang babaeng iyon ang dahilan kaya siya nagkakaganito, then tuldukan ko na ang lahat nang ito.""Ano po ang balak ninyo, sir?" tanong muli ng assistant. "Isama na rin siya sa bihag at ipain bukas sa maaring maging kalaban. Palabasin nating nablaban siya at ang criminal ay hindi na dapat binibigyan ng pagkakataong mabuhay." Napangisi si Raffy at maganda ang naisip.Mabilis na umalis na sila ng kompanya at tinahak ang daan patun
Nakagat ni Alexander ang loob ng labi at nakunsesnya. "Sorry, may tiwala ako sa iyo pero sa gustong agawin ka sa akin ay wala." Humigpit ang kapit niya sa braso ng asawa at isinandal ang ulo sa balikat nito.Napabuntong hininga si Dylan, "sa una ay nagagalit ako at nagseselos. Hindi mo nakikitang sinasamantala ni Lily ang kahinaan mo sa akin.""Sorry, nakapag desisyon na rin ako na hindi na siya ang kunin nating maging ina ng anak natin."Napangiti si Dylan at hinalikan sa noo ang asawa. "Are you sure?"Nakangiting tumango si Alexander. "Pero nawawala si Lily.""Kailan pa?" Gulat na tanong ni Dylan."Kanina pang tanghali, boss. Wala ma siya bago ko pa nabasa ang message ni Troy." Si Dante na ang sumagot."Mukhang gumalaw na nga sila at si Lily ang nakuha nila sa pag aakalang iyon ang asawa ni Sir Alexander," ani Troy."Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Alexander. "Hawak namin ngayon ang pinsan ni Raffy. Ang plano ay ipapatay ang bagong namumuko sa organisasyon at ang alam nila a
Agad nawala ang galit na nadarama ni Alexander sa asawa nang magmulat ito ng mga mata at ngumiti sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo sa iyong sarili? Look, dalawang gabi lang tayong hindi magkatabi ng tulog ay mukha ka nang zombie!"Lalong napangiti si Dylan at idinipa ang mga kamay upang yakapin ang asawa. "C'mon, give me hug."Sinamaan ni Alexander ng tingin ang asawa at gustong ipakita na galit siya. Ngunit hindi nito ibinababa ang mga kamay na nakadipa kahit ilang minuto na ang nakalipas. "Baby, I'm tired." Paglalambing ni Dylan.Napabuntong hininga si Alexander at mukhang napilitang pagbigyan ang asawa. "Ayaw kong nakikitang pagod ka at puyat dahil sa trabaho.""Pero sa pagpapaligaya sa iyo ay ok lang na mapagod ako?" Nanunuksong tanong ni Dylan dito.Mahinang suntok sa dibdib ang itinugon ni Alexander at pinilit ang sarili na huwag gumanti ng yakap sa asawa. Pero hindi niya talaga ito matiis nang matagal lalo na nang humalik na ito sa leeg niya. "Akala ko ba pagod ka at puyat?""Le
"Isa sa spy nila ang nakakuha ng information na nakapasok dito aa kompanya ang traidor sa organisation." Paliwanag ni Dante."What? Paanong nangyari ang bagay na iyan?" Mabilis na tinawagan ni Alexander ang asawa ngunit walang sumasagot. Nang si Troy naman ang tawagan ay mukhang nagmamadali rin."Sir, bilin ng iyong asawa ay huwag muna kayong umalis ng opisina at susunduin kayo mamaya. Kailangan ko na pong ibaba ang tawag at susundan ko si Boss Dylan." Kinabahan si Alexander at nag alala para sa asawa. Pero sinunod niya si Dante at inalam kung nasaan si Lily. "Hindi ko siya makuntak," aniya kay Dante. Sandaling nag isip si Dante at inalala kung saan maaring pumunta si Lily. Tumawag na rin siya sa ina nito at ang sagot ay wala ito roon. "Kung kumain siya sa labas ay sino ang kasama niya at bakit hindi pa nakabalik?" naisatinig ni Dante."Check the surveillance camera." Utos ni Alexander kay Dante.Agad tumalima si Dante at pinatawag ang security sa storage room.Sa opisina, napangisi
"Excuse me, bakit dito tayo pumunta?" tanong ni Lily sa driver nang tumigil sila sa isang mukhang abandonadong lugar sa halip na sa magarang restuarant. "Bumaba ka na miss at huwag nang maraming tanong." Pagalit na utos ng driver sa dalaga.Biglang binundol ng kaba abg dibdib ni Lily. Kinutuban siya nang hindi maganda. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo palayo ngunit may humarang na sasakyan sa daraanan niya."Saan ka pupunta?" Nakangising tanong ni Raffy pagkababa sa sasakyan.Mabilis na lumapit si Lily sa binata at nabawasan ang kabang nadarama. "Katakot kasi ang driver mo. Kung wala ka ay talaga tatakbo na ako palayo!"Sa halip na sagutin ang babae ay tinanguan niya ang taong nakasunod kay Lily. "Dalhin niyo na siya sa loob."Muling kinabahan si Lily nang marinig ang utos ni Raffy at mah huwak sa mga kamay niya. "A-ano ang ibig sabihin nito?""Simple lang, kailangan kita laban kay Alexander." Nakangising tugon ni Raffy sa dalaga.Nanlaki ang mga mata ni Lily at nagpumig
Pagkaalis ng ama at nagmamadali nang nagpalit ng damit si Raffy. Kailangan niyang pumasok sa opisina at dalawa na ang purpose niya ngayon sa gagawin sa buhay ni Alexander. Sa opisina, hindi mapakali si Lily sa puwesto. Hindi din siya kumportable sa suot niyang si Alexander ang pumili. Hindi siya tanga upang hindi maintindihan ang mga pagbabagong pakitungo sa kaniya ni Alexander. Nagbago na talaga ang binata at ang tingin sa kaniya ay nabaeng kaagaw kay Dylan, at hindi babaeng maging ina sa anak nito. "Lily, bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ni Jessa nang hindi makatiis."May problema ba sa suot ko?" Naiirita niyang tanong din sa babae. Ganitong kanina pa siya naiinis tapos pupunain."Sorry, hindi lang kami sanay na makita kang halos balot na ang katawan." Nagyuko ng ulo si Jessa at napahiya.Inis na napabuntong hininga si Lily at pilit na ngumiti. "Ayaw kasi na ni Alexander na lantad ang katawan ko at nagseselos siya kapag may ibang nalatingin." Pagsisinungaling niya upang maibang
Tama lang na tapos nang maligo si Raffy nang may kumatok sa pinto. Mabilis niyang isinuot ang roba bago binuksan ang pinto. "Dad?"Patulak na pinapasok ni Rudy ang anak sa pad nito kasunod siya. "Nawawala ang pinsan mo at ikaw lang ang kasama niya kagabi.""Po? Paanong nawawala? Sigurado po ba kayo? Lasing kami pareho kagabi kaya baka kung saan lang siya natulog." Pilit nagpakahinahon si Raffy."Estupido, hindi kayo nag iingat! Sinabi ko na sa iyo na hindi kayo maaring magsama sa public place!" Bulyaw ni Rudy sa anak at nagmamadaling hinanap ang bagay na sa anak ipinagkatiwala.Tarantang sinundan ni Raffy ang ama at kinabahan na rin. Alam niya kung ano ang hinahanap nito. Kapag nalaman nito na may isinama siya kagabi sa pad at tiyak na bugbugin siya nito.Nakahinga nang maluwag si Rudy nang makita ang maliit na book. Sobrang nag alala pa naman siya. Mabilis niyang binuklat upang suriin at baka mamaya ay kulang na ng page.Napabuga ng hangin si Raffy at parang may mabigay na bagay ang