"What the hell?" inis na ani Dylan at naudlot ang pag angkin sa asawa dahil may kumatok sa pintuan. Nagulat din si Alexander sa ingay ni Aling Belen. Kahit siya ay nabitin ngunit mukhang may hindi magandang nangyari kay Lily kaya napasugod sa silid nilang mag asawa ang matanda."Alex hijo, tulungan mo ang anak ko!" Umiyak na si Belen habang kumakatok.Marahas na tumayo si Dylan at isinuot muli ang nahubad na saplot sa katawan. Si Alexander ay nagmamadali at pagkasuot ng short ay pinagbuksan na ang ginang."Ano po ang nangyari, nay?" tanong ni Alexander."Tulungan mo akong awatin si Rose at inaaway niya ang anak ko!" Umiiyak na pakiusap niya sa binata.Malalaki ang hakbang na bumaba ng hagdan si Alexander at dumiritso sa kusina. Biglang nagdilim ang paningin niya nang makitang basang basa ng tubig si Lily at umiiyak.Nabitiwan ni Rose ang hawak na maliit na palanggana. Ayaw kasi tumigil sa kakasigaw ng babae at masakit daw ang pasok kaya sinabuyan niya ito ng tubig sa katawan. Bigla s
"Alex, sorry talaga sa nangyari kanina. Sinubukan ko siyang iwasan ngunit hindi siya tumigil hangga't hindi ako nasasaktan." Umiiyak na sumbong ni Lily kay Alexander. Nakapagpalit na siya ng damit bago pa pumasok sa silid niya ang binata.Napabuntong hininga si Alexander nang makita ang pamumula ng kamay ng dalaga. "Ano ang nangyari at nagalit siya sa iyo?""Nagagalit siya at sinabihan akong mapapel dito sa mansyon. Sa tingin ko ay nagseselos siya at naisip niyang maging kaagaw ako dito. Gusto niya siya ang reyna sa bahay na ito at ayaw niya akong maging surrogate mother ng anak mo kaya gusto niyang sirain ang katawan ko." Dahan-dahang itinaas ni Lily ang laylayan ng suot ng t-shirt at ipinakita sa binata ang namumulang tiyan.Napamura si Alexander nang makita ang malaking marka sa tiyan ng dalaga. Kung wala itong suot na damit ay tiyak na malaking pinsala ang naidulot ng paso sa balat nito. "Huwag kang mag alala at tuturuan ko siya ng leksyon dahil sa ginawa niyang ito sa iyo!"Lihim
Mabilis na hinubad ni Dylan ang suot na bathrobe at ipinasuot iyon sa asawa. "Malamig kaya isuot mo ito."Mabilis na tumutol si Alexander nang makitang ang asawa naman ang walang suot maliban sa short nito. Gusto niya itong yakapin upang itago ang namumukol nitong abs mula sa mga mata ni Lily. "Babe, baka ikaw naman ang lalamigin.""Its ok, ang mahalaga ay hindi ka magkasakit." Pinisil ni Dylan ang pointed nose ng asawa at pinaupo muli sa tabi ni Lily.Kinilig si Alexander sa pagiging maalaga sa kaniya ng asawa. Pero hindi pa rin ok na nakikita ni Lily ang katawan ng asawa niya. Biglang pinasok ng marumi ang isip niya na hindi naman dapat dahil si Lily lang naman ang naroon na ibang tao. Ang katulong na isa kasi ay mabilis nang nakaalis sa silid.Iniluhod ni Dylan ang isang tuhod upang magpantay sila ni Lily. Nahuli pa niya kung paanong napatitig ito sa hinaharap niya at katawan."Babe, ako na niyan gagawa." Agaw ni Alexander sa hawak na cream ng asawa."No, dapat ngayon pa lang ay al
"Ayos ka lang?" tanong ni Dante kay Rose."That bitch! Hindi pa niya talaga ako kilala para gawan ng ganoong eksina! Naniwala ka bang sinabuyan ko siya ng sabaw?""Huwag kang mag alala at hindi ako naniniwala dahil naging biktima na rin niya ako sa kasamaan ng ugali niya."Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Rose at nakahanap ng kakampi."Huwag ka na lang pahalata ba sa iyo kumakampi si Boss Dylan. Magaling gumawa ng drama ang babaeng iyon. Kapag sinabayan o pinatulan ay masisira lamang ang pagsasama ng dalawa dahil sa babaeng iyon.""Kaya ba sinalo ako ni Dylan kanina at alam niya talagang wala akong kasalanan?" Manghang tanong ni Rose."Alam lang namin ang kakayahan ng babaeng iyon lalo na at ayaw ka rin niya. Gusto niyang maalis tayo upang lalo mamanipula ang isipan ni Young Master.""Hayop talaga ang babaeng iyon! Hindi ko akalaing mas tuso siyang mag isip kaysa akin." Nangigil na ani Rose."Magpakumbaba ka muna lalo na at wala pa si Chairman na siyang tunay na kakampi mo di
Binatukan ni Troy si Dante pagkasara nito ng pinto ng silid ni Lily."Hey, bakit mo ako binatukan?" inis na angil ni Dante sa kaibigan."Gago ka, ano ang ginagawa mo sa loob?" Tinabig pa niya sa balikat si Dante.Napalingon si Dante sa pinto kung saan nakaturo ang kamay ni Troy. Hindi naiintindihan kung bakit nagagalit ito ngayon. "Paano kung ang young master ang nakakita sa iyo na pumasok diyan at nakarinig sa mga pinagsasabi mo kanina sa babaeng iyon?"Napakamot sa ulo si Dante at pilit na ngumiti sa kaibigan. "Gusto ko lang makita ang hitsura niya kapag talunan.""Tsk, kaya ka naipahamak ng babaeng iyan dahil hindi ka nag iisip minsan." Sermon pa ni Troy sa kaibigan."Oo na ikaw na ang matalino." Ingos ni Dante at humakbang na palayo sa kaibigan.Mabilis na sinundan ni Troy ang kaibigan hanggang sa makarating sila sa garden. "Kailangan pang bumalik ni Boss Dylan sa ibang bansa sa sunod na buwan. Dapat maayos na ang kailangang ayusin dito bago kami bumalik sa trabaho."Napabuga ng
Dumiritso na si Troy sa silid ni Rose at alam niyang naroon sina Dylan at Alexander. Malayo pa lang ay rinig na niya ang galit na noses ni Alexander. "Sinasabi mo bang nagkakamali ako ng pagkakilala kay Lily at sa iyo ay hindi?" Angil ni Alexander kay Rose habang nakakuyom ang kanang kamay. "Alam kong mukhang pera ang tingin mo sa akin noon pa at aminado naman ako. Pero never ako naninira ng relasyon lalo na kung kasal na!" Matigas na tugon ni Rose sa binata. "Target mo si Lily dahil iniisip mong makaagaw siya dito sa mansyon bilang reyna!" Inis at matapang na sinalubong ni Rose ang nanlilisik na mga mata ng binata. "Hindi ako ipokrita para itanggi iyang nga bentang mo. At tama ka, kaagaw ang tingin ko sa kaniya!" Pumalatak si Dylan habang pinangmamasdan si Rose. Talagang hindi ito patatalo at ilalaban ang sarili dahil nasa tama. Naroon lang siya upang umalalay sa pagitan ng dalawa kung sakaling magkasakit ng physical. "Pero kung manakit ako ay sisihuraduhin kong sa mukha
"Saka kuntinto na ako sa perang natatamasa ngayon. Hindi ko isugal ang future ko sa pamilyang ito. Mas importante sa akin ang karangyaan kaysa kalandian!" Pagtataray ni Rose sa binata.Halos malaglag ang panga ni Alexander dahil sa mga narinig. Muli siyang napaisip kung sinasaktan ba talaga nito si Lily? "Aalis na kami." Binuhat na ni Dylan ang asawa at parang isang sakong bigas itong isinampay sa balikat."Hey, put me down! Hindi pa kami tapos mag usap ng bruhang iyon!" Hinampas niya sa likod si Dylan pero hindi ganoon kalakas. Bilang ganti, pinalo ni Dylan sa pang upo ang asawa kaya tumigil a ito sa paglilikot."Babe, mahihilo na ako." Reklamo Alexander dahil mukha siyang nakabaliktad.Sandali huminto sa paglalakad si Dylan nang makasalubong sa hallway ang isang katulong."Sir, handa na po ang pagkain sa dining area." Mukhang nahihiyang turan ng katulong habang nakaiwas ang tingin sa dalawa."Susunod na kami." Nag iba siya ng way sa paglalakad. Sa halip na sa silid nila ay tinaha
"Bakit ka narito? 'Di ba ang sabi ko ay dalhan ka na lang ng pagkain sa silid mo?" tanong ni Alexander kay Lily."Ayos na ako kaya huwag kang mag alala. Nakakalungkot din kumain mag isa sa silid." Ngumiti si Lily sa binata upang hindi na mag woried.Nanatiling seryuso si Alexander. Ewan ba niya pero biglang ayaw niyang nasa paligid niya si Lily. Hindi dahil baka magselos ang asawa niya kundi ang magustohan na ito ng asawa bilang sang ayon sa gusto niya. Iyon naman dapat at gusto niyang mangyari noon, hindi niya lang alam kung bakit parang may mali kaya nagbago ang nararamdaman niya. Sinadya ni Dylan na magpahuli ng upo at hinayaan si Lily na maupo sa tabi ng asawa niya. Umikot siya sa kabila at naupo sa nakatapat na upuan ng asawa.Napatiim bagang si Alexander nang mapawalay sa kaniya ang asawa at hindi manlang nagalit kay Lily dahil inagawan ito ng puwesto."Alex, ito ang niluto ko kanina. Try it at sabihin ang lasa para maayos ko sa sunod na luto kapag may hindi kw nagustohan sa l
"Oh, bakit ka nagagalit sa akin? Hindi ka ba natutuwa at pinapunta ko dito ang pinakamamahal mo?" Nang aasar na tanong ni Raffy sa dalaga."Idiot, kapag nalaman mo ang totoo ay tingnan ko lang kung makangiti pa nang ganiyan." Gusto niyang sabihin kay Raffy ngunit puro ungol lang ang maririnig mula sa kaniya dahil may busal pa rin ang bibig.Natawa si Raffy dahil sa nakikitang kalagayan ng dalaga. "Hindi ka dapat sa akin nagagalit kundi kay Alexander. Kasalanan niya at ikaw ang minahal niya kaya sinasalo mo ngayon ang kamalasan niya.""Sir, hindi pa ba aalisin ang busal sa bibig niya?" tanong ng isa sa tauhan ni Raffy.Sandaling pinakatitigan ni Raffy ang dalaga. May oras pa naman siya dahil may twenty minutes din ang lalakarin ni Alexander bago makarating sa kinarorounan niya. Tinanguan niya ang tauhan na alisin na ang busal sa bibig ni Lily.Napabuga ng hangin sa bibig si Lily nang maalis na ang busal sa bibig. Pakiramdam niya ay galing siya sa pagkalumos sa tubig. Nang makabawi ay m
Tinawanan lang ni Raffy ang kausap bago pinatayan na. "Narinig mo iyon?" Nakangising kausap niya kay Lily. "Naging tanga dahil mahal na mahal ka niya at handang sumuong sa gyera para sa iyo."Masaya si Lily nang marinig ang tinig ni Alexander kanina. Hindi niya akalaing importante din siya sa buhay nito. Pero ayaw niyang dayain ang sarili. Malamang, dahil siya ang napili nitong maging ina ng anak nito. Gusto niyang pagtawanan si Raffy. Kung alam lang nito, mas katawa-tawa ito kaysa kay Alexander. Kapag nalaman nito ang katotohanan ay tiyak na abot impyerno ang pagsisi nito at hindi siya hinayaang makapagsalita.Sa labas tumambay si Raffy habang hinihintay si Alexander. Nagkalat na rin ang tao niya sa paligid at may nakaambang sa daan bago pa makarating sa kinaroonan niya. Kahit hawak na niya sa leeg si Alexander ay tiyak na gagawa pa rin ito ng paraan upang makaganti sa kaniya."May thirty minutes pa tayo bago ang oras na ibinigay niya," ani Dylan habang palihim na tinatanaw ang kala
"Ano ang nangyari? Bakit hindi mo napapirmahan ang papelis?" galit na tanong ni Raffy sa assistant niya."Sir, wala po si Mr. CEO."kabadong sagot ng lalaki."Bullshit!" Galit na nasipa ni Raffy ang paa ng lamesa. Naikuyom niya ang mga kamay at hindi mapakali. Bukas na ang dating ng epiktos at kailangan ang pirma ni Alexander. Ngunit mukhang nanadya at kung hindi busy kaya ayaw pansinin ang assistant niya ay umaalis ito."Sir, ano na po ang gagawin natin? Kapag ikaw ang pumirma ay...""Hindi maari! Parang gumisa lang din din ako sa sarili kong mantika! Alam kong ang babaeng iyon ang dahilan kaya siya nagkakaganito, then tuldukan ko na ang lahat nang ito.""Ano po ang balak ninyo, sir?" tanong muli ng assistant. "Isama na rin siya sa bihag at ipain bukas sa maaring maging kalaban. Palabasin nating nablaban siya at ang criminal ay hindi na dapat binibigyan ng pagkakataong mabuhay." Napangisi si Raffy at maganda ang naisip.Mabilis na umalis na sila ng kompanya at tinahak ang daan patun
Nakagat ni Alexander ang loob ng labi at nakunsesnya. "Sorry, may tiwala ako sa iyo pero sa gustong agawin ka sa akin ay wala." Humigpit ang kapit niya sa braso ng asawa at isinandal ang ulo sa balikat nito.Napabuntong hininga si Dylan, "sa una ay nagagalit ako at nagseselos. Hindi mo nakikitang sinasamantala ni Lily ang kahinaan mo sa akin.""Sorry, nakapag desisyon na rin ako na hindi na siya ang kunin nating maging ina ng anak natin."Napangiti si Dylan at hinalikan sa noo ang asawa. "Are you sure?"Nakangiting tumango si Alexander. "Pero nawawala si Lily.""Kailan pa?" Gulat na tanong ni Dylan."Kanina pang tanghali, boss. Wala ma siya bago ko pa nabasa ang message ni Troy." Si Dante na ang sumagot."Mukhang gumalaw na nga sila at si Lily ang nakuha nila sa pag aakalang iyon ang asawa ni Sir Alexander," ani Troy."Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Alexander. "Hawak namin ngayon ang pinsan ni Raffy. Ang plano ay ipapatay ang bagong namumuko sa organisasyon at ang alam nila a
Agad nawala ang galit na nadarama ni Alexander sa asawa nang magmulat ito ng mga mata at ngumiti sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo sa iyong sarili? Look, dalawang gabi lang tayong hindi magkatabi ng tulog ay mukha ka nang zombie!"Lalong napangiti si Dylan at idinipa ang mga kamay upang yakapin ang asawa. "C'mon, give me hug."Sinamaan ni Alexander ng tingin ang asawa at gustong ipakita na galit siya. Ngunit hindi nito ibinababa ang mga kamay na nakadipa kahit ilang minuto na ang nakalipas. "Baby, I'm tired." Paglalambing ni Dylan.Napabuntong hininga si Alexander at mukhang napilitang pagbigyan ang asawa. "Ayaw kong nakikitang pagod ka at puyat dahil sa trabaho.""Pero sa pagpapaligaya sa iyo ay ok lang na mapagod ako?" Nanunuksong tanong ni Dylan dito.Mahinang suntok sa dibdib ang itinugon ni Alexander at pinilit ang sarili na huwag gumanti ng yakap sa asawa. Pero hindi niya talaga ito matiis nang matagal lalo na nang humalik na ito sa leeg niya. "Akala ko ba pagod ka at puyat?""Le
"Isa sa spy nila ang nakakuha ng information na nakapasok dito aa kompanya ang traidor sa organisation." Paliwanag ni Dante."What? Paanong nangyari ang bagay na iyan?" Mabilis na tinawagan ni Alexander ang asawa ngunit walang sumasagot. Nang si Troy naman ang tawagan ay mukhang nagmamadali rin."Sir, bilin ng iyong asawa ay huwag muna kayong umalis ng opisina at susunduin kayo mamaya. Kailangan ko na pong ibaba ang tawag at susundan ko si Boss Dylan." Kinabahan si Alexander at nag alala para sa asawa. Pero sinunod niya si Dante at inalam kung nasaan si Lily. "Hindi ko siya makuntak," aniya kay Dante. Sandaling nag isip si Dante at inalala kung saan maaring pumunta si Lily. Tumawag na rin siya sa ina nito at ang sagot ay wala ito roon. "Kung kumain siya sa labas ay sino ang kasama niya at bakit hindi pa nakabalik?" naisatinig ni Dante."Check the surveillance camera." Utos ni Alexander kay Dante.Agad tumalima si Dante at pinatawag ang security sa storage room.Sa opisina, napangisi
"Excuse me, bakit dito tayo pumunta?" tanong ni Lily sa driver nang tumigil sila sa isang mukhang abandonadong lugar sa halip na sa magarang restuarant. "Bumaba ka na miss at huwag nang maraming tanong." Pagalit na utos ng driver sa dalaga.Biglang binundol ng kaba abg dibdib ni Lily. Kinutuban siya nang hindi maganda. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo palayo ngunit may humarang na sasakyan sa daraanan niya."Saan ka pupunta?" Nakangising tanong ni Raffy pagkababa sa sasakyan.Mabilis na lumapit si Lily sa binata at nabawasan ang kabang nadarama. "Katakot kasi ang driver mo. Kung wala ka ay talaga tatakbo na ako palayo!"Sa halip na sagutin ang babae ay tinanguan niya ang taong nakasunod kay Lily. "Dalhin niyo na siya sa loob."Muling kinabahan si Lily nang marinig ang utos ni Raffy at mah huwak sa mga kamay niya. "A-ano ang ibig sabihin nito?""Simple lang, kailangan kita laban kay Alexander." Nakangising tugon ni Raffy sa dalaga.Nanlaki ang mga mata ni Lily at nagpumig
Pagkaalis ng ama at nagmamadali nang nagpalit ng damit si Raffy. Kailangan niyang pumasok sa opisina at dalawa na ang purpose niya ngayon sa gagawin sa buhay ni Alexander. Sa opisina, hindi mapakali si Lily sa puwesto. Hindi din siya kumportable sa suot niyang si Alexander ang pumili. Hindi siya tanga upang hindi maintindihan ang mga pagbabagong pakitungo sa kaniya ni Alexander. Nagbago na talaga ang binata at ang tingin sa kaniya ay nabaeng kaagaw kay Dylan, at hindi babaeng maging ina sa anak nito. "Lily, bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ni Jessa nang hindi makatiis."May problema ba sa suot ko?" Naiirita niyang tanong din sa babae. Ganitong kanina pa siya naiinis tapos pupunain."Sorry, hindi lang kami sanay na makita kang halos balot na ang katawan." Nagyuko ng ulo si Jessa at napahiya.Inis na napabuntong hininga si Lily at pilit na ngumiti. "Ayaw kasi na ni Alexander na lantad ang katawan ko at nagseselos siya kapag may ibang nalatingin." Pagsisinungaling niya upang maibang
Tama lang na tapos nang maligo si Raffy nang may kumatok sa pinto. Mabilis niyang isinuot ang roba bago binuksan ang pinto. "Dad?"Patulak na pinapasok ni Rudy ang anak sa pad nito kasunod siya. "Nawawala ang pinsan mo at ikaw lang ang kasama niya kagabi.""Po? Paanong nawawala? Sigurado po ba kayo? Lasing kami pareho kagabi kaya baka kung saan lang siya natulog." Pilit nagpakahinahon si Raffy."Estupido, hindi kayo nag iingat! Sinabi ko na sa iyo na hindi kayo maaring magsama sa public place!" Bulyaw ni Rudy sa anak at nagmamadaling hinanap ang bagay na sa anak ipinagkatiwala.Tarantang sinundan ni Raffy ang ama at kinabahan na rin. Alam niya kung ano ang hinahanap nito. Kapag nalaman nito na may isinama siya kagabi sa pad at tiyak na bugbugin siya nito.Nakahinga nang maluwag si Rudy nang makita ang maliit na book. Sobrang nag alala pa naman siya. Mabilis niyang binuklat upang suriin at baka mamaya ay kulang na ng page.Napabuga ng hangin si Raffy at parang may mabigay na bagay ang