DIVINA Habang nasa mall sa loob ng isang botique, abala siya sa pamimili sa mga naka display na pares ng alahas. Ang totoo, hindi naman s'ya mahilig gumamit ng mga ito, subalit alam niya na kakailanganin niya ito ngayon para sa bagong imahe na binuo niya sa sarili. Isa pa, gusto rin niya na mamili ng mga alahas na balak niyang iregalo sa kambal. Gusto niya na mapalapit sa mga ito ngayon pa lang upang hindi siya mahirapan kung sakali na lumantad na s'ya sa mga ito. Bahagi na ito ng mga plano niya, ang kunin ang loob nilang lahat. "Miss, pwede ba na tingnan ko ang dalawang ito?" aniya sa saleslady habang nakaturo sa dalawang set ng alahas. May isa rin na naka agaw sa kanya ng pansin na gusto niya para naman sa kanya. "At saka iyon na rin." sabay turo pa sa isa. Inilabas lahat ng saleslady ang kanyang hiniling. Masusi niya itong tinitigan na may ngiti sa mga labi. Natitiyak na niya na magugustuhan ito ng kambal kung sakali. "Sige, Miss, kukunin ko ang tatlon
DIVINA Mula sa malayo ay tanaw ni Divina ang isang malaking bahay kung saan itinuro ni Robert na pinag iwanan ng isa pa sa kanyang triplets. Agad niyang pina imbestigahan ang nasabing pamilya. Nalaman niya na mayaman ang mga ito at may tatlong anak na halos hindi nagkakalayo sa edad ng kanyang anak. Subalit lumabas din sa imbestigasyon na sinasaktan at tila alila ang turing nang mga ito sa bata. Tila milyon milyong karayom ang tumusok sa kanyang dibdib matapos na malaman ito. Tinatrato nang pamilyang iyon na hayop ang kanyang anak. Kailangan na makuha niya ito mula sa pamilyang iyon. Hindi ito ang nararapat sa kanyang anak. Hindi ganoong buhay ang hangad niya para sa mga ito. Naikuyom niya ang kanyang kamao nang makita ang isang batang babae na halos buto't balat na ang katawan sa sobrang kapayatan. Halatang hindi rin kaaya aya ang suot nitong damit. May bitbit itong garbage plastic na halos hindi na kayanin hilahin dahil marahil sa bigat. Kagaya ng kan
RED Hindi mapakali si Red nang araw na iyon. Hindi siya sigurado kung baka ma postpone na naman ang usapan nila ni Divina na lumabas. Maaga siyang lumabas mula sa opisina at nagtungo sa mall upang bumili ng ibibigay na regalo para sa dalaga. Maging s'ya ay nawi-wirduhan sa sarili. Ngayon lang s'ya nakaramdam nang ganito na tila isang teenager lang na atat na makita ang taong hinahangaan. Hindi siya mapakali habang nakaharap sa mga estante ng mga alahas. Iniisip niya kung hindi ba mao- offened si Divina kung sakali na bibigyan niya ito ng ganitong klaseng regalo. Pumili siya ng isang bracelet na may design ng maliliit na diamonds sa palibot. Simple lang din ang design nito ngunit eleganteng tingnan. Napangiti siya habang tinititigan iyon. "Miss, kukunin ko ito!" aniya na itinuro ang nagustuhan. "Okay, Sir, just wait for a moment." anito at mabilis na inilabas ang alahas upang dalhin sa cashier. Kasunod niyang tinungo ang
DIVINA Maaga pa lamang kinabukasan ay handa na siya. Ngayon ang araw na matutupad na ang isa sa pangarap n'ya. Ang makasama at maibalik sa kanya ang isa sa nawawala niyang triplet na inakala niya na matagal nang nawala sa kanya. Mabait pa rin ang diyos sa kanya, sapagkat pinahintulutan nito na makita at masagip niya ang kanyang mumunting anghel na napunta sa mga hindi karapat dapat na pamilya. "Mukhang masaya ka na ngayon, makakasama mo na rin ang isang anak mo? Kaunting panahon pa at makakasama mo na silang lahat," ani manang Esme. Masaya ito para sa kanya. Tumango s'ya na maluha luha, "Tama po kayo, at pinapangako ko na hindi na niya kailanman mararanasan ang hirap na dinanas niya sa kamay ng mga taong iyon. Ako na ang mag aalaga sa kanya simula ngayon. Wala ng aapi sa kanila at mag papahirap." "Talagang itinulot ng panginoon na mabawi mo sila ulit at makasama. Alam ko na mabuti at malinis ang puso mo para sa kanila, at alam ko na mapagtatagumpa
RED Paglabas sa kanyang opisina ng araw na iyon ay diretso si Red sa mall at bumili ng mga fresh fruits. Bitbit niya ito na nagtungo sa bahay ni Divina. Kagabi pa lamang sila nagkita ngunit pakiramdam niya ay nasasabik siya na makita ulit ang babae. Alam niya na siguradong magugulat si Divina sa biglaan niyang pagdalaw, ngunit bahala na. "Magandang araw po, nariyan po ba si Divina?" magalang na tanong ni Red sa matandang mayordoma. "Ah, si Divina ba? Naku nasa labas pa s'ya at hindi ako sigurado kung maaga silang uuwi mamaya. Kanina pa kasi sila tanghali lumabas at hanggang ngayon ay hindi pa nakaka balik. Sinubukan mo ba siyang tawagan kanina bago ka nagtungo rito?" tanong ng matanda. Hindi pa niya lubos na kilala si Red ngunit napansin na niya ito ng unang hatid nito kay Divina sa bahay ng nagdaang gabi. "Hindi na po, eh. Sa palagay n'yo po ba pabalik na s'ya? Pwede naman akong maghintay sandali." "Hindi ko rin masisiguro sa
DIVINA "Nasabi sa akin ni Manang Esme na nahanap mo na ang anak mo? Si Tina ba ang tinutukoy niya?" tanong nito habang titig na titig sa kanyang mga mata. Mabilis na nag iwas ng tingin si Divina kay Red, hindi pa man ay atubili na siya kung sasabihin ba ang totoo rito. Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Hindi rin niya mahanap ang tamang salita. Wala naman siyang idea na may nasabi na si Manang Esme sa lalaki. Ngayon hindi na talaga s'ya maari pang mag alibi. Panahon na rin siguro para aminin niya ang kung anong totoo sa binata. Malalim siyang bumuntong hininga bago nagawang sagutin ang binata. "Tama ang sinabi niya. Si Tina ay anak ko," amin niya. "Pasensya na sa pagtatanong ko, wala ka kasing nabanggit na may anak ka pala rito. Isa pa, kahit sino ay walang alam sa bagay na iyon." "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa 'yo na hindi ko naman inakalang buhay pa pala s'ya? Sa tagal ng panahon na iyon matapos akong umali
Maaga pa lamang kinabukasan ay excited na naghanda sina Kylie at Kate para sa kanilang outing kasama sina Divina. Sa enchanted kingdom ang napili nilang puntahan upang mas ma-enjoy nila sa mga rides. "Are you sure, Dad, Ms. Divina will come with us?" galak na tanong ni Kate. Magmula ng makilala nito si Divina ay hindi maitatanggi na gusto ito ng bata. Hayag ang pagpapakita nito ng interes kay Divina, si Kylie naman ay tahimik lamang ngunit palaging umaayon sa kakambal. "Yes! At nangako naman s'ya na sasama sa atin. Didiretso tayo sa bahay nila at susunduin na rin sila." "Sila? Means may kasama pa tayo na iba maliban kay Ms. Divina, Dad?" usisa ni Kylie. "Yes! Kasama rin natin ang baby n'ya. Kaya lang ngayon nagpapagaling pa lamang s'ya. At soon mami meet n'yo rin si Tina." "So, Tina her name?" si Kate. "Uhuh!" Sabay tango ni Red. "I'm sure na mabait din s'ya, Dad, kagaya ng mommy n'ya!" hindi napigil na sabi ni Kate.
Prenteng nakaupo sa gitna ng sala si Cynthia ng mapasukan ng mag aama. Salubong ang mga kilay nito at halatang nagpipigil ng sariling galit. "Saan kayo nanggaling?" Agad na napatayong sa salubong niya sa mag aama. Walang imik na mabilis na tumalilis ang mga bata upang tunguhin ang silid nila. Hayaan na lang ang ama na sagutin ang mga tanong ng ina. "Hep! Hep! Tinatanong ko pa kayo lalayasan n'yo na ako?" Salubong ang kilay na sabi niya sa dalawang bata na agad na napahinto sa gitna. Lumapit si Red, "Sige na, pumasok na kayo sa silid n'yo at magpalit. Ako na ang magpapaliwanag sa mommy n'yo," utos niya na kinindatan pa ang mga ito. "Sila ang kinakausap ko, tinuturuan mo pa silang maging bastos sa harapan ko?" Galit na baling sa kanya ng babae. "Inilabas ko sila para mag enjoy! May problema ba?" "Ha! Sila ba talaga ang nag enjoy o ikaw ang nag enjoy at ginagamit mo pa talaga ang mga bata?" inis na sabi nito at dinuro pa s
"Congratulations!" masayang bati ng mga beautician sa kanilang mga inaayusan na ikakasal. "Salamat!" Hindi mapapantayan ang saya na nararamdaman ni Divina nang mga sandaling iyon. Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos kundi ang ipag pasalamat ang lahat nang magandang bagay na nangyari sa kanya. Nawalay man ang kanyang pamilya sa kanya ay nagawa pa rin naman niyang maibalik. Ngayon niya higit na napatunayan kung gaano kadakila ang panginoon na palaging nakatunghay sa atin. Matapos ang mahabang bangungot ay nalampasan rin niya ang lahat at muling nakita at nakasama ang kanyang pamilya. Ngayon ang takdang araw ng kanyang kasal. At dahil sa naka plano na rin noon ang pagpapakasal ng kaibigan niyang sina Kara at Andro ay nagpasya silang idaos ito nang magkasabay. Ang lahat ay masaya sa kanilang paghahanda. Kasalukuyang inaayusan sa isang hotel ang magkaibigan at hihintayin na lamang ng kani kanilang mga groom sa venue ng pagdarausan
Maaga kinabukasan na nagising ang lahat. Nagpasya sina Divina at Red na mag out of town sa Batangas at pormal na maipakilala ang kanilang triplets sa lolo at lola nito na magulang ni Sheena. Kasama nila sina Andro at Kara na ngayon ay magkasintahan na at kasalukuyan na rin na nasa ikatlong buwan ng kanyang pagbubuntis si Kara. Natuwa rin si Divina na talagang naghanda ang tatlong bata ng kani kanilang mga regalo para sa kanilang abwela. Maging siya man ay labis na kinakabahan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito matapos niyang magpakilalang ibang tao rito noon. "Are you ready, ladies? Makikilala nyo na rin ang mga lolo at lola nyo. I'm sure na matutuwa ang mga iyon ng sobra kapag nakita kayo. To the point na maiiyak ang mga 'yon!" ani Kara. "Why naman po Tita Kara?" tanong ni Kylie. "Eh kasi, sa mukha n'yo pa lang maaalala na naman niya sigurado ang mommy n'yo? And syempre baka ma shock 'yun kasi ang alam nila matagal
Nakatali na magkakatabi ang lahat ng tao sa loob ng kanyang bahay. Ang lahat ng kanyang mga katulong at maging ang kanyang mama. Naipon ang mga ito sa pinakagitna ng sala. Inilibot niya ang tingin sa paligid at napansin na wala roon ang kanyang ama. Nakatayo sa magkabilang dulo nila ang dalawang bantay na may hawak na baril. Habang si Cynthia ay prenteng nakaupo naman sa sala. Bukod sa dalawang ito ay wala na siyang ibang nakita. Naisip niya na kaunting trick lang ay makukuha niya ang mga ito Naningkit ang mga mata ni Red ng makita ito. Naikuyom niya ng kanyang kamao at ilang beses na humugot ng malalim na hininga. "Anong ginagawa mo sa kanila?" matigas na sabi ni Red. "Wala silang kinalaman sa 'yo pero idinadamay mo!?" "Oppss! Sorry! Hindi ko kasi makita ang mga anak ko, eh! Ayaw naman nilang sabihin sa akin kung nasaan? Kaya 'yan, may parusa sila kasi mga nagsisinungaling sila?" Nakalabi na sabi nito na tila isip bata. Para itong batang
RED "Sigurado at nakahanda na ba ang lahat para sa operasyon? Siguraduhin lang na sana lahat ng pinakamamalaki at pinakamatataas sa kanila ay mahuli!" aniya. "Nakahanda na po lahat, Sir. At bukas ng gabi nakatakdang i- deploy ang lahat ng mga tao natin sa isla bago ang nakatakdang araw ng kanilang shipment. Kumpleto na rin ang lahat ng kasamang escort at back up. Hangga't maari hindi tayo gagamit ng anumang dahas maliban na lamang kung kinakailangan, lalo na at alam naman natin na wala silang sinasanto." Napatango si Red. Bagaman at may kaunting agam agam ay mas mabuti pa rin na magtiwala. Hindi biro ang mga grupong ito na tila nagsanib pwersa para lamang magpabagsak ang tao na alam nilang magiging balakid sa kanilang mga plano para sa hinaharap. Habang nasa gitna ng pag uusap ay nakatanggap ng tawag si Red mula sa hindi kilalang numero. Kunot noo na sinagot niya ito. "Hello?" "Hi! Do you missed me, honey?" sadyang pinalambing n
Pagbukas niya ng pinto ay sandali muna niyang pinakiramdaman kung may tao. At salamat dahil mukhang tahimik ang paligid. Tinungo niya ang kusina ngunit wala doon si Manang Esme. Palabas na siya nang pumasok ang matanda. "May bisita ka ba kagabi, iha?" nakangiting tanong nito. "Ah, opo Manang. Hindi po kasi nakauwi kagabi si Red nung hinatid ako dahil sa lakas ng ulan kaya pinatulog ko na muna sa guest room." "Ganun ba, mabuti na lang at nakapag luto na ako. Sabihan n'yo lang ako kapag gusto n'yo ng kumain." At tinungo nito ang lababo. "Sige po check ko lang po kung gising na si-" sandaling naputol ang kanyang sasabihin ng bumungad si Red sa harapan ng komedor. "Gising ka na pala!" Nakangiti habang ang lakas lakas nang kabog ng dibdib ni Divina na napalingon dito. "Gusto ko lang magpasalamat sa pagpapatulog dito, pasensya na sa naging abala. Anyway, kailangan ko na rin umalis kasi-" "Mukhang nagmamadali ka? May nangyari ba?" putol ni
Nakaramdam nang lamig sa kanyang likuran si Divina. Hindi niya namalayan na naibaba na pala ni Red ang zipper ng suot niyang gown. Saka lamang siya tila natauhan at nabalik sa kasalukuyan. Mabuti na lamang at tulog na ang lahat ng tao sa bahay at walang sino man na nakapansin sa kanila. Naramdaman ni Red ang pagluwag ng kanyang yakap dito kaya ito na rin ang nagkusang huminto sa ginagawa. "Oh, I'm almost lost!" anito at niyakap siya. Muli nitong isinara nang banayad ang zipper ng kanyang damit. "I'm sorry!" he whispered. "It's okay! Ako rin naman muntik nang nakalimot. Ang mabuti pa mauna na rin siguro ako, it's almost late and-" naputol ang iba pa sana nitong sasabihin ng tila maramdaman nila ang ugong sa labas ng bahay. Sandali siyang nanahimik upang pakinggan ito. "It's raining!" mabilis na sagot ni Divina. Tumayo siya at bahagyang sumilip sa bintana, at nakita nga niya ang malakas na buhos ng ulan na sinasabayan ng hindi kalakasan na hangin
DIVINA Bakas sa mukha ang saya ng tatlong bata habang papalapit sa kanya. Hindi rin naman mapigilan nang ibang panauhin ang pumalakpak sa maka antig damdamin na tagpong 'yon. Marami ang masaya para sa kanila, habang ang iba naman ay naghahanap lamang ng maaaring mapag usapan at may ilan na tila wala lang pakialam. Magka ganun pa man ay hindi matatawaran ang sayang pumupuno sa puso ni Divina. Ngayon alam niya na ganap nang mabubuo ang pangarap niyang pamilya na akala niya noon ay tuluyan ng nabaon sa hukay. "Hello, Mommy?" sabi ng nakangiting si Kate. Kahit mukhang hindi naman ito masyadong nagulat sa nalaman. Siguro dahil sa umpisa pa lang ay may ganito nang naglalaro sa kanyang imahinasyon. Samantalang si Kylie ay nanatiling tahimik at nakangiti. Malapad rin ang ngiti sa mga labi ni Tina. Marahil ay wala sa hinagap nito ang mga nagaganap. Matapos na malaman niya kung sino ang kanyang mga magulang at makalaya sa pamilyang umabuso sa kanya, ay heto s'ya ngayon at k
RED Matapos na maka alis ang mga pulis kasama si Cynthia ay kaagad na nilapitan ni donya Georgina sina Red at Divina. Hindi siya matahimik matapos ang mga nasaksihan niyang eksena. Ang paligid ay hindi matapos tapos sa kanilang pagbu bulungan tungkol sa mga nasaksihan, ang ilan pa ay nagsimula ng mag upload ng kung ano anong video ang nakuha ng mga ito. Hanggang ngayon ay tila gusto n'yang magalit ngunit may isang bagay pa siyang kinakailangan alamin sa mga ito. Una, ay ang pagiging magkamukha ng dalawang bata sa sinasabing anak ni Divina. Ikalawa, ay pag aakusa ng mga ito kay Cynthia na hindi niya alam kung paniniwalaan ba n'ya o hindi. lkatlo, ay ang pag aresto kay Cynthia at pagpaparatang ng mga ito sa babae. Nakatayo ang dalawa na malapit sa may bukana ng malapitan niya. May ilan na nakatingin pa rin sa kanila habang nagbubulungan. "Pwede bang paki paliwanag ang lahat ng ito?" Kunot ang noo niyang sabi kay Red na halatang seryoso ang mukha
DIVINA "O ano? Natahimik ka, di ba? Ngayon mo sabihin sa harap mismo ng maraming tao na anak mo nga sila! Na kailanman wala kang niloko at inosente ka!" kalmado ngunit mariin na sabi niya. Lahat ay natuon ang pansin sa kanila. Maging si Donya Georgina ay unti unting nagkaroon ng idea sa tinatakbo ng usapan ng dalawang babae. "Ikaw ang sinungaling! Nasasabi mo ang lahat nang iyan dahil alam kong malaki ang gusto mo sa ama ng mga bata. Na kaya pinipilit mong lumapit sa kanila para pati s'ya makuha mo! Ikaw ang mang aagaw at magnanakaw! Wala akong ninanakaw sa 'yo kaya wala kang karapatan na paratangan ako! Wala kang patunay para sabihin iyan! Bakit kaya hindi na lang ikaw ang kusang umamin sa harapan mismo ng mga taong ito? Nang sa ganun magkaalaman na!" gigil at galit na galit na sabi ni Cynthia. "Ah! Bilib din naman ako sa sarili mo, Ms. Cynthia. Ang lakas ng loob mo na hamunin ako kahit alam na alam o sa sarili mo na tama ako? O sige, tutal narito na rin naman