CHAPTER 3 — ARRANGEMENT
CLYDE's POVKanina pa ko nakikinig sa usapan nila daddy at Tito Aga. Kahit nakatutok ako sa phone ko ay nalikinig pa rin ako. Ayaw kong mapahiya mamaya kapag tinanong ako. Mapapahiya ako kapag hindi ako nakasagot.Paminsan-minsan ay nalilingunan ko ang babaeng anak nila Tito Aga. Angel daw ang pangalan niya. Iniiwasan kong matawa pero nakakatawa talaga ang paraan niya ng pananamit. Ang simple. Sobrang simple niya. Walang make-up. Pulbos lang yata ang mayroon siya sa mukha. Maganda sana kaso ang pangit ng taste sa pananamit.Naramdaman kong nag-vibrate iyong cellphone ko na nasa mesa.From: KylaHoney, I'm here outside of Guilbert's Place. I saw you earlier with your dad. Can I come inside and join to your dinner?Mabilis akong nag-type ng reply ko.To: KylaNope. This is family matters. I'm sorry but you can'tPagka-send ko noon ay bigla akong tinanong ni dad."Clyde, hijo may nobya ka ba ngayon?" tanong niya.Bigla akong natigilan. Bakit? Ano bang topic nila ngayon? Kanina ay puro business lang ang pinag-uusapan bakit ngayon tungkol na sa lovelife ko?"Son, I'm asking you." Lahat sila nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako lalo na nung makita kong natitig sa akin si Angel."Actually dad, yes. I had a girlfriend." Wala talaga akong balak sabihin sa kaniya kasi hindi naman ako seryoso kay Kyla. Gusto ko iyong ipapakilala ko sa kaniya ay iyong mapapangasawa ko at hindi si Kyla iyon. Never."What? But who is she? Wala ka naman pinapakilala sa'kin." Bakit parang disappointed sila dad, tito Aga and Tita Eugene even that girl named Angel."Why, dad? Is that nacessary?" tanong ko. Ramdam ko ang mga tingin nila. Gusto kong itanong kung ano ang mayroon pero hindi ko na nagawa. "Fine. Her name is Kyla," sagot ko.Ang talim ng tingin ni daddy sa akin. At nung napunta kay Angel ang tingin ko... walang emosyon ang mukha niya habang nasa akin ang mga mata. Bakit? ANGEL's POVApat na mga katok ang nagpagising sa akin nang umaga na iyon. Alas-sais trenta pa lang sa aking orasan."Tuloy," wika ko. Antok na antok pa ako dahil mag-aalas-diyes na kami nakauwi nila mommy at daddy kagabi galing sa dinner kasama sina Clyde. Medyo badtrip pa nga yata silang dalawa dahil nalaman nilang may girlfriend iyong si Clyde. Hindi ko alam kung ano ang totoong issue pero malakas ang kutob ko na tungkol nga doon kung bakit nawala sa mood ang mga magulang ko. Sa akin naman ay hindi na kataka-taka iyon. Gwapo at angat sa buhay. Ang mga mata niya ay mapupungay na akala mo palaging inaantok. Iyong ilong naman niya ay matangos. Saktong sakto sa lips niyang manipis na parang ang sarap halikan. Naidukdok ko lalo ang aking mukha sa unan ko dahil lihim kong sinuway ang isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ba ganoon ang naiisip ko?"Okay ka lang ba, Angel?" Si Yaya Mildred ko pala ang pumasok sa kwarto ko. Nakita yata niya ako sa ginawa ko sa mukha ko."Opo, yaya!" Napatawa na lang ng mahina si yaya dahil sa alerto kong sagot."Ikaw talagang bata ka! Maligo ka na nga. Okay na 'yung pangsimba mo na damit. Gumayak ka ma at kumain sa baba. Baka mahuli ka sa misa." Dire-diretsong sabi ni yaya bago lumabas ng kwarto ko. "GOOD MORNING, mom, dad," bati ko sa mga magulang ko pagkababa ko sa dining area. Si mom ay kumakain na habang si daddy naman ay nagbabasa ng newspaper at umiinom ng brewedcoffee na si mommy lang ang gumagawa noon para lang kay daddy."Goodmorning, baby! Halika na, sabayan mo na kami ng daddy mo kumain. Sumabay ka na rin pagpunta mo sa simbahan. Ibababa ka namin doon." Si mommy. Naupo ako sa tabi niya habang si daddy ay nasa gitna."Anak, what do you think of Clyde?" Nasamid ako sa tanong na iyon ni daddy. Tinungga ko muna ang tubig saka ako sumagot. Pakiramdam ko ay natuyo lalumunan ko."H-he's fine naman po. Mukhang disente," sagot ko. Totoo ang sagot ko dahil mukha itong kagalang-galang.Nakita ko na nagtinginan sila mommy and daddy. Dinedma ko na lang sila at pinagpatuloy ang pagkain ko. "Tapos na po ako, thank you po sa pagkain." Pinunasan ko na iyong bibig ko at akmang tatayo na ko nang..."I want you to be friends with Clyde."Na-estatwa ako sa kinauupuan ko. Nagtataka akong napalingon kina mommy at daddy.Nanlalamig ang buo kong katawan. Tila nagtatayuan ang mga pino kong balahibong-pusa sa katawan."What? I mean... why?" Mahinang tanong ko."You heard me, Angel." Sumimsim pa ito ng kape bago ako tingnan ng diretso."E, bakit naman po, dad? Mukha din po kasi siyang isnabero saka big deal po ba kung makipagkaibigan ako sa kaniya o hindi? I'm sorry dad, but I don't understand. Excuse me po, I have to go." Mahabang litanya ko. Nakatayo na ako pero hindi pa ako nakakahakbang nang pigilan ako ni mommy."Hija, please... mag-usap muna tayo. Maupo ka muna." Hinawakan niya ako sa aking braso."But-" "Clyde is going to be your husband, soon."Tila isang bombang sumabog sa aking tainga ang mga salitang iyon ni daddy. Kumalabog ang dibdib ko. Bumilis ang tibok nito na animo nag-uunahan. Nanlalambot ang mga tuhod ko.Clyde is going to be your husband...Clyde is going to be your husband...Clyde is going to be your husband...Mabilis na nag-init ang mga mata ko. Mayamaya lang ay nangingilid na ang luha ko."W-what?" Hindi ako makapaniwalang nagtanong kay daddy.NANDITO ako ngayon sa kwarto ko. Iyak ako nang iyak dahil sa sinabi ni daddy kanina. Hindi na ako natuloy sa pagpunta sa simbahan kanina. Maghapon akong naglabas ng sama ng loob sa unan at kama ko. Mabilis na nagbalik sa aking isipan ang naging usapan namin nila daddy at mommy..."Clyde is going to be your husband, soon." Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Sa tanang buhay ko, ngayon lang nagdesisyon si daddy na labag sa kalooban ko. Ang bata ko pa. Nag-aaral pa ko at wala pa sa isip ko ang lumagay sa tahimik. Gusto ko pa magtrabaho at kumita ng sarili kong pera."But, dad, nag aaral pa po ako. Ang bata ko pa para sa ganiyang bagay. Saka hindi ko po mahal si Clyde. Hindi nga kami magkaibigan, e." Nanlalambot ang mga tuhod ko. Mabuti na lang nakaupo ako kung hindi ay paniguradong natumba na ko."I know. P'wede mo pa namang ipagpatuloy 'yang pag-aaral mo. Nasa tamang edad ka na rin naman at matututuhan mo rin siyang magustuhan... at mahalin." Humigop pa ng kape si daddy. Sobrang kampante niya habang nagsasalita. Wala siyang pakielam kahit nasasaktan ako sa pagdedesisyon niya."Ayo'ko, dad. Please. Ayo'ko matali agad sa relasyon lalo' t pag-aasawa agad. Tapos sa hindi ko pa mahal? Ayo'ko talaga!" Umiiyak na ko sa mga oras na iyon. Naisip kong masyadong makasarili si daddy. Hindi man lang niya inisip iyong nararamdaman ko."Wala ka ng magagawa. Ako ang masusunod sa pamamahay na'to," aniya. Kalmado lang ang boses niya pero maawtoridad. Tila pinapakahulugan nitong wala akong karapatang suwayin siya."Siguro nga, dad, sa bahay na 'to kayo ang masusunod pero hindi ibigsabihin no'n kayo na magdedesisyon sa buhay ko." Nagtatakbo na lang ako papunta sa sarili kong silid pagkasabi noon sa kaniya.KANINA pa tumatawag si Trisha sa akin. Tunog lang nang tunog ang phone ko pero wala akong gana makipag-usap kahit na kanino. Pare-pareho lang naman silang lahat. Tatlong marahan na katok ang narinig ko mula sa labas ng pinto."Leave!" sigaw ko. Lalo kong isinubsob sa unan ang mukha kong basang-basa na sa luha. Dama ko na rin ang pamamaga at pamamahid ng parteng iyon dahil sa labis na pag-iyak. Ayaw ko munang harapin sina mommy at daddy.Muling kumatok ang nasa labas. Hindi ako nag-abalang tumayo para buksan iyon."Hija, ako 'to," wika ni yaya. Mabilis akong bumangon sa kama at pagbukas na pagkabukas ng pinto ay kaagad ko siyabmng niyakap. Sa kaniya ako umiyak nang umiyak. Si Yaya ang palagi kong karamay kapag may problema ko. Siya ang umaalalay sa akin kapag alam niyang hindi ko kayang dalin ang problema ko. Mas madalas na siya ang nasa loob ng kwarto ko kaysa kay mommy at daddy na palaging abala sa negosyo.Matagal kaming nasa ganoong posisyon. Ramdam ko ang paghaplos niya sa aking ulo na minsang bumababa sa aking likuran."Tama na 'yan at kumain ka na. Hindi ka na kumain maghapon. Pati sa dinner ay wala ka. Nag-aalala ang mommy at daddy mo."Gustuhin ko man na maniwala, ayaw ng isipan ko. Kung talagang nag-aalala sila sa akin, sana ay sila ang nasa harapan ko ngayon at hindi ang tagapangalaga ko."Pagdadala kita ng pagkain mo. Ubusin mo, ha?" Tumango na lang ako habang nagpupunas ng pisngi na kanina pa dinadaluyan ng nga luha. Napangiti ako sa yaya ko. Lumabas siya para kuhanin ang pagkain ko sa baba. Napaka maalaga talaga niya. Halos siya ang kasa-kasama ko kahit sa mga events sa eskwelahan ko noon hanggang ngayon.Mayamaya pa nasa harapan ko na siya ulit."Salamat po," wika ko. Lumapit ako sa kama ko. Nakasunod naman ito habang dala ang tray."Wag ka na sabi umiyak. Tingnan mo mga mata mo. Namamaga na. Ang pula pula pa." Hinawakan pa niya ng dalawang kamay iyong mukha ko. "Ang little princess namin, dalaga na talaga at malapit na pala ikasal." Naiyak ako lalo sa sinabi niya. Naibaba ko pa ang unang subo ko sana ng pagkain. Saka suminghot-singhot. Tila hindi ko maaatim na lunukin ang pagkaing nasa harap ko."Yaya, bakit gano'n sila mommy at daddy. Wala silang pakialam sa nararamdaman ko. Anak ba talaga nila ako?" tanong ko sa kaniya."Susmaryosep kang bata ka! Oo naman, 'no! Ako ang kasama ng mommy mo sa delivery room ng ipinanganak ka."Napangiti ako. Nakwento iyon sa akin ni yaya noon."Sige na. Kumain ka na d'yan. Ubusin mo 'yan nang makapagpahinga ka na. 'Pag may kailangan ka nasa baba lang ako." Paalam ni yaya. Nang makaalis siya ay nahiga na ako sa kama. Wala talaga akong gana kumain. Mas gusti ko matulog. Ipapahinga ko na lang ang isipan ko dahil sumasakit na rin ang ulo ko. Sinulyapan ko iyong phone ko at hindi ako makapaniwalang mayroon itong siyam na missed calls galing kay Trisha.Muli ko iyong binitawan at saka pumikit na lang upang makatulog.CHAPTER 4 — GENTLEMANANGEL's POVAraw ng myerkules, nag-anunsyo ang instructor namin na wala kaming pasok kaya naisipan ko na lang na magpunta sa mall. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay. Iniiwasan ko rin sina mommy at daddy dahil hindi pa ako handang pag-usapan ang tungkol sa amin ni Clyde.Sinubukan kong tawagan si Trisha para sana samahan ako kaya lang may pasok daw siya.Nasa second floor na ako at abala sa mga pagtingin ng mga libro dito sa National Book Store. May hinahanap kasi akong libro kaso ay wala na raw silang stock. Lumabas ako upang maglibot pa nang may madaanan akong Salon.May iilan na mga myembro ng LGBT Community ang nandoon sa labas kung saan namimigay sila ng mga flyers."Hello, Miss Pretty! Baka po gusto ninyong subukan ang aming new hair treatment. Discounted na po 'yan kasama ang rebond at cellophane." Biglang sabi ng isang bading na mahaba ang buhok.Mabilis na gumapang ang hiya sa aking katawan. Mas mukha pa s
CHAPTER 5 — UNEXPECTED KISSLOISHA's POVKanina ko pa napansin na wala sa mood sa Clyde hanggang sa makarating kami sa restaurant. Ramdam ko na ayaw sa akin ni Clyde pero alam kong matututuhan niya rin akong mahalin. Basta magtiyaga lang ako.Matalik na magkaibigan sina Kuya Lux at Clyde mula pa noong highschool sila. Madalas siya noon sa bahay namin pero dumalang iyon ng magkasakit si kuya. Nasa States siya ngayon at nagpapagamot. Kasama niya roon sina mommy at daddy kaya ako lang ang naiwan dito dahil nag-aaral ako. Si Kuya Lux mismo ang nagsabi kay Clyde na tingnan ako habang wala sila."Doon tayo sa dulo," wika ko nang makapasok kami.Hindi siya kumibo. Sumunod lang siya sa akin hanggang sa makapwesto na kami."Anong gusto mong kainin?" tanong ko.Tiningnan niya ang menu list. Mayamaya pa ay tumawag ng waiter at sinabi ang sariling order.Nakagat ko ang gilid ng labi ko saka napayuko."Sa inyo po, Ma'm?" tanong ng waiter sa akin.
CHAPTER 6 — NOT A BIG DEALCLYDE's POVTuwing araw ng biyernes ay nakasanayan ko ng mag-ehersisyo rito sa bahay. May isang kwarto kasi sa ground floor ang ginawang exercise area na nilagyan ng iba't ibang klase ng equipment na makikita sa totoong gym.Nakasuot ako ng boxer at puting sando na basang-basa na ng pawis dahil tatlong oras na ako rito. Kasabay ng pagbibilang ko sa pagpupush-ups ay mayroon din malakas na musika ang bumabalot sa loob ng kwartong ito."Sir Clyde, may bisita po kayo." Napatingin ako sa isa naming kasambahay na nasa pinto. May hawak siyang basahan saka walis tambo.Tumayo ako at laking gulat ko nang alanganing sumilip si Angel sa likod ng katulong namin."Angel, what are you doing here?" tanong ko agad habang nagpupunas ng pawis. Napatingin naman ako sa dala niyang paper bag.Nagtaka naman ako sa biglaan niyang pagtalikod. Napapikit ako ng mariin nang mapagtanto kong naka-boxer at sando nga lang pala ako."Gi
CHAPTER 7 — PASSENGER'S SEATCLYDE's POVPapunta na ako sa unibersidad ni Angel para sunduin sila ng kaibigan niya. Gusto ko rin sana siyang ayain na kumain sa labas. Hindi ako nakakain ng tanghalain dahil inaway ako ni Kyla.FLASHBACK"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang kanina pa ko rito? Anong oras na? My God, Clyde, mag-aalas dos na! Kung hindi ako nagkakamali ay trenta minuto lang ang byahe mula sa inyo hanggang dito," sigaw niya sa akin nang bumaba ako ng kotse. Sinalubong na niya ako sa parking lot pa lang at dito binungangaan. Namumula na anf buo niyang mukha sa galit."I'm sorry. Natraffic ako, e," paliwanag ko. Lumapit siya sa akin saka mas nilakasan ang boses."Na traffic? Oh come on, Clyde. Napakasinungaling mo na yata ngayon? Ang sabihin mo nambabae ka na naman," turan niya na dinuro pa ko sa dibdib.Hindi ko siya pinansin. Napako ang mga mata ko sa mga bato sa lupa."Mas inuuna mo ang ibang babae kaysa sa'kin na girlfriend mo! I hate you, I h
CHAPTER 8 — PAST IS PASTCLYDE's POVUunahin kong ihatid si Loisha dahil bukod sa mas malapit ang bahay nito sa resto na pinanggalingan namin ay kailangan kong makausap si Angel. Kanina pa siya walang kibo sa likog habang si Loisha naman ay daldal nang daldal."Excited na nga ako para bukas sa party ni Alexis. Wait, may damit ka na ba?" tanong ni Loisha sa akin. Sinulyapan ko si Angel sa salamin at agad nagtama ang mga mata namin. Lilingonin ko sa sana siya pero muli na namang nagsalita anf katabi ko. "Sinabi ko kay kuya na hindi ka pupunta. Nagalit siya sa akin. Akala niya kulang ang efforf ko para mapilit kitang isama. Nag-alala nga ako kasi lumungkot 'yung mukha niya," aniya. Bahagyang bumagal ang pagsasalita."Bakit kasi kailangan pa ko sa party ni Alexis?""Ano ka ba? Magkaibigan kayo kaya malamang kailangan ay nandoon ka rin. Huwag ka ngang killjoy! Basta, pupunta tayo and that's final."Narinig ko ang pagsinghap ni Angel sa likod. Alam ko kasi na hindi s
CHAPTER 1 — OLD FRIENDANGEL's POVNatuon ang pansin ko sa aking cellular phone na minsan lang kung tumunog. Kung hindi lang kasi alarm ay timer lang ang silbi nito sa'kin. Wala akong ideya kung sino ang tumatawag sa akin dahil ang mga magulang ko ay abala sa kanilang mga negosyo.Nag-iisa akong anak nila Agathon at Eugene Monteverde. Second year college na ako ngayon sa kursong Computer Science sa isang unibersidad dito sa Marikina."Hello, who's this?" tanong ko pagkasagot."Angel!" Napangiwi ako nang marinig ang matinis na boses na iyon mula sa kabilang linya. Nagtataka naman ako dahil kilala niya ko."Hey, wait... Sino ka ba? Pasensya na, ha? Unregistered kasi ang num—""Ano ka ba naman bestfriend, katampo ka naman. Kinalimutan mo na 'ko, naku!" Putol niya sa sasabihin ko. Pinilit kong alalahanin kung kaninong number ba iyong nasa screen pero hindi ko talaga kilala.Hindi naman kasi ako nakikipagkaibigan."Hoy! Ano na?" tanong niya. Hal
CHAPTER 2 — HE'S TAKENCLYDE's POVNaiinis kong nilapag sa mesa ang aking cellphone nang mabasa ko ang mga texts galing sa daddy ko.From: DadSon, we have a dinner with one of our business partner at Guilbert's Place at 8pm. YOU NEED TO BE THERE with me. I can't take NO for an answer. Ok? See you.Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan na kasama pa ako? Alam naman niya na wala akong hilig para sa ganitong meeting o dinner-with-the-business-partners na iyan.Ilang sandali pa ay muling tumunog ang gadget ko at may isa pa na text galing ulit dito.From: DadDon't be late, Clyde.Napahawak na lang ako sa aking batok saka muling binasa ang text. Nilapag ko na lang muli ang phone ko sa mesa.Lalo akong nakaramdam ng inis sa ama ko. Edad bente-singko-anyos na ako pero kung makapag-utos at mando sa buhay ko ay animo siya ang amo ko.Noon pa lang, sinusunod ko na siya sa lahat ng gusto niya. Nung sinabi niyang mag-aral ako ng kursong Busi

CHAPTER 4 — GENTLEMANANGEL's POVAraw ng myerkules, nag-anunsyo ang instructor namin na wala kaming pasok kaya naisipan ko na lang na magpunta sa mall. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay. Iniiwasan ko rin sina mommy at daddy dahil hindi pa ako handang pag-usapan ang tungkol sa amin ni Clyde.Sinubukan kong tawagan si Trisha para sana samahan ako kaya lang may pasok daw siya.Nasa second floor na ako at abala sa mga pagtingin ng mga libro dito sa National Book Store. May hinahanap kasi akong libro kaso ay wala na raw silang stock. Lumabas ako upang maglibot pa nang may madaanan akong Salon.May iilan na mga myembro ng LGBT Community ang nandoon sa labas kung saan namimigay sila ng mga flyers."Hello, Miss Pretty! Baka po gusto ninyong subukan ang aming new hair treatment. Discounted na po 'yan kasama ang rebond at cellophane." Biglang sabi ng isang bading na mahaba ang buhok.Mabilis na gumapang ang hiya sa aking katawan. Mas mukha pa s
CHAPTER 3 — ARRANGEMENTCLYDE's POVKanina pa ko nakikinig sa usapan nila daddy at Tito Aga. Kahit nakatutok ako sa phone ko ay nalikinig pa rin ako. Ayaw kong mapahiya mamaya kapag tinanong ako. Mapapahiya ako kapag hindi ako nakasagot.Paminsan-minsan ay nalilingunan ko ang babaeng anak nila Tito Aga. Angel daw ang pangalan niya. Iniiwasan kong matawa pero nakakatawa talaga ang paraan niya ng pananamit. Ang simple. Sobrang simple niya. Walang make-up. Pulbos lang yata ang mayroon siya sa mukha.Maganda sana kaso ang pangit ng taste sa pananamit.Naramdaman kong nag-vibrate iyong cellphone ko na nasa mesa.From: KylaHoney, I'm here outside of Guilbert's Place. I saw you earlier with your dad. Can I come inside and join to your dinner?Mabilis akong nag-type ng reply ko.To: KylaNope. This is family matters. I'm sorry but you can'tPagka-send ko noon ay bigla akong tinanong ni dad."Clyde, hijo may nobya ka ba ngayon?" tanong niy